Dasha's Point Of View.
Sa mismong kasal namin ay nandoon si Angela at ang mga magulang ni Samuel, ang sakit isiping kailangan niyang magsinungaling na anak niya ang batang nasa sinapupunan ko. Noong una ay nagtatampo sina Tita Selena at Tito Simon noong nalaman nila iyon dahil bakit daw malapit na akong manganak saka lang namin sinabi. Pero mas nangingibabaw sa kanila ang tuwa dahil magkakaroon na sila ng apo. "Kinakabahan ako," bulong ko kay Angela, nandito kami sa loob ng isang kwarto at naghahanda, isang oras bago magsimula ang kasal. Maraming tao ang invited, mula sa mga kaibigan ni Samuel hanggang sa mga business partner ng kanilang pamilya. Noong una ayoko sana pero nagpumilit sina Tita Selena at Tito Simon. "Pangatlong beses mo ng kasal 'to, kinakabahan ka pa rin?" natatawang sagot ng matalik kong kaibigan pero hindi naman iyon ang bagay na kinababahala ko. "Pakiramdam ko kasi niloloko namin sina Tita Selena," tugon ko. "Hindi nga ako makapaniwalang naniwala silang matagal na kaming nagbalikan ni Samuel." Sumeryoso naman siya dahil sa sinabi ko. "So sasabihin mo sa kanila ang totoo?" Umilang ako. "Hindi naman ganoon kadali 'yon at isa pa, pinagkalat na nilang magkakaroon sila ng apo." Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Don't let yourself get stressed because of that, isipin mo na lang muna ang kalagayan ng magiging anak mo," wika niya. "At alam kong nasa puso mo pa rin si Elias, pero sana naman kalimutan mo na siya dahil si Samuel ang palaging nandiyan para sa'yo at handang bumuo ng pamilya kasama ka." Napangiti ako sa narinig, "Hindi talaga ako nagkamaling piliin kang maging kaibigan..." Nang sumapit ang oras ng mismong kasal ko, hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng kaba kahit na ilang beses ko ng naranasan na makasal. Kitang-kita ko si Samuel na nakangiti sa akin habang naglalakad ako, hindi mo maiwasang mapaluha dahil hindi nagawang ngumiti ni Elias sa akin kahit noong mismong araw ng kasal namin. Nakakainis na kahit sa ganitong pagkakataon siya pa rin ang pumapasok ng isip ko. Pinilit ko siyang kalimutan kahit sandali, dahil pakiramdam ko ay niloloko ko si Samuel. Dapat ko na siyang kalimutan at magfocus sa lalaking naghihintay sa akin ngayon sa dulo ng altar. Walang tigil ang aking luha sa pagtulo kahit noong sinasabi na sakin ni Samuel ang vows niya, kahit pakiramdam ko mali ang ginagawa ko ay nagpadala na lang ako sa agos ng tadhana dahil alam kong para naman ito sa ikakabuti ng magiging anak ko. Sa mismong gabi ng aming kasal ay nasa balcony ako ng condo ni Samuel at pinagmamasdan ang kalangitan. Naramdaman kong may yumakap mula sa likuran ko at may humalik sa aking pisngi. "Are you happy, Dasha?" bulong niya sa tainga ko. "Masaya ako dahil alam kong mabuting tao ang kikilalaning Tatay ng anak ko," sagot ko sa kaniya at hinawakan ang kaniyang kamay. Naramdaman kong humigpit ang kaniyang yakap sa akin. "I will be the best father, I promise," seryosong saad niya at hindi niya nga binali ang sinabi niyang 'yon dahil noong mismong araw na nganak ako ay siya ang nasa tabi ko habang hawak ang aking kamay. Si Elias... wala siya. Napalakas ang pag-iyak ko ng banggitin ang kaniyang pangalan sa aking isip, ramdam ko ang pakiramdam na parang nahahati ang aking katawan. Isang malakas na sigaw ang binitawan ko bago ako tuluyang nawalan ng malay, nang magising ako ay si Samuel ang bumungad sa akin habang buhat-buhat sa kaniyang bisig ang isang batang babae. "Our daughter is finally here, Dasha. . . She's so beautiful," saad niya at pansin kong namumula ang mata ni Samuel sa pag-iyak. Nang mahawakan ko sa aking bisig si Dawn ay napaiyak ako, totoo ang sinasabi ni Samuel na ang ganda niya at kamukha ko rin siya. Ngunit ang kaniyang mga mata ay kulay abo na katulad sa mga mata ni Elias dahilan upang mabilis akong kabahan. "S-Samuel... iba ang kulay ng mata niya, malalaman nilang hindi mo siya anak," kinakabahang wika ko ngunit ngumiti lang siya sa akin. "Hindi nila malalaman, Dasha," sagot niya ngunit isang kalokohan ang kaniyang sinabi dahil noong bumisita ang kaniyang mga magulang sa hospital ay nagkagulo na kaagad sila. "Bakit kulay abo ang mata ng anak mo, Dasha?! Hindi na si Samuel ang Ama niyan?!" galit na sigaw ni Tita Selena at napaiyak na lamang ako, hindi ko alam ang sasabihin ko. Pumagitna sa amin si Samuel at inamin kina Tita ang totoo, ramdam ko ang matinding galit nila para sa akin. "Nagsinungaling kayo sa amin?!" pagpapatuloy na sigaw ni Tita. "S-Sorry po, dapat sinabi na kaagad namin," umiiyak kong saad habang nasa bisig ko si Dawn. "Ano na lang ang sasabihin ng mga business partner namin pag nalaman nila 'to, Samuel?! Alam mo ba kung anong kahihiyan ang binigay mo sa pamilya natin?!" sigaw ni Tito Simon. "Mahal ko si Dasha, Papa. At handa akong maging Tatay ng anak niya," matigas na saad ni Samuel. "Wala na akong pakialam kung hindi niyo sila tatanggapin." "Hindi ako papayag na malaman ng mga taong hindi ikaw ang Ama ng batang 'yan, Samuel," seryosong tugon ni Tita Selena bago ako tignan ng masama. "Dalhin mo sila sa Canada at huwag na huwag kayong bumalik dito hangga't hindi kayo nagkakaroon ng anak." Kinabukasan kaagad ang naging flight namin papuntang Canada, malungkot pa rin ako dahil sa nangyari ngunit palaging pinapaalala sa akin ni Samuel mamahalin din nila si Dawn at tatanggapin. Iniwan ni Samuel ang kaniyang pagiging piloto sa Pilipinas at siya na lang ang namahala ng kanilang negosyo pagdating namin sa Canada. Naging tahimik ang buhay namin paglipat namin ngunit nasira iyon noong napapansin ko ang pagbabago ni Samuel. Ang buong akala ko ay siya pa rin ang taong kilala ko simula pagkabata namin, ngunit totoo pa lang kahit ilang taon mo ng kilala ang isang tao, may mga bagay ka pa ring hindi alam sa kanila. Noong una ay hindi ako na aalarma sa pagbabago niya dahil alam kong namimiss niya lang ang pagiging piloto sa Pilipinas ngunit noong nag-umpisa niya akong pisikal na saktan ay naisip kong ang muling pakasalan siya ay ang desisyon na pagsisisihan ko sa aking buong buhay.Elias's Point Of View. I never thought I would become an attorney, noong bata pa lang ako hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto ko sa buhay. Everyone pressured me to be like this, to be like that, I need to be like that person, everyone around me made me feel like I have to be better than everyone. Sinabi pa nilang huwag akong maging cause ng disappointment dahil walang Macini ang nabubuhay sa mundo na isang failure. But my Mom, she never made me feel that I have to be someone far from who I am. Kaya noong nawala siya, matindi ang naging galit ko sa mundo. She is the only person who understands me, so why did the world take her from me? Ang akala pa ng mga tao ay namatay siya dahil sa kaniyang allergy, pero hindi nila alam ang totoong nangyari na kaya siya namatay ay dahil may pumatay sa kaniya. It's a murder case. . . Ang sakit isiping isa akong tanyag at successful na attorney pero hindi ko magawang hanapin at ipakulong ang pumatay sa Mom ko. I have been successful in
Dasha's Point Of View.Nanginginig ang mga kamay ko habang naglalakad palabas ng banyo, hawak ko sa aking kanang kamay ang pregnancy test. Kakatapos ko lang ito gamitin, paglabas ko ay naabutan ko si Samuel na nakaupo sa aking kama at hinihintay ako.Nang makita niya ako ay mabilis siyang tumayo, bakas sa mukha niya ang kaba. "Is it positive? Are you pregnant, Dasha?" kaagad niyang tanong, may ngiti pa sa kaniyang labi.Yumuko ako at napailang, "N-Negative pa rin, Samuel," kinakabahang saad ko, wala akong narinig na sagot mula sa kaniya kaya nag-angat ako ng tingin. Nakita ko siyang seryosong nakatulala sa akin, wala na ring ngiti sa kaniyang labi."This is fvcking impossible! Siniguro kong mabubuntis ka na, baka hindi lang maayos ang paggamit mo?" seryosong wika niya at muli akong umilang."Dalawang beses akong gumamit ng pregnancy test at parehas na negative ang lumabas," paliwanag ko, malakas siyang bumuntong hininga, halata na ang galit sa kaniyang mukha."Damn it! Ilang buwan na
Dasha's Point Of View."Ilang buwan ka niya ng sinasaktan?" tanong ni Angela sa akin, nakaupo kami sa aking kama at hawak niya ang aking mga kamay. Ramdam ko ang galit at pag-aalala sa kaniyang boses, maging ang kaniyang mga mata ay namumula ngunit alam kong pinipigilan niyang umiyak."I-Isang buwan pagkatapos naming lumipat dito, napapansin ko ang pagbabago ni Samuel," nakayukong sagot ko, naramdaman kong parang may kung anong bumabara sa aking lalamunan. "Madalas siyang lasing kapag umuuwi siya rito, nagbabasag din siya ng gamit at s-sinasaktan ako," dagdag ko kasabay ng paglabas ng aking mga luha.Naramdaman kong humigpit ang kapit ni Angela sa mga kamay ko. "Kaya ba palagi kang nakasuot ng jacket sa tuwing dumadalaw ako rito?" seryosong tanong niya at tumango naman ako. "Kung hindi pa pala kita pinuntahan ngayon, hindi ko pa malalaman. Bakit hindi mo sinasabi sa akin ang bagay na ito, Dasha?"Nag-angat ako ng tingin. "H-Hindi naman ganoon kadali iyon, natatakot din ako sa kung ano
Dasha's Point Of View. Pagising ko kinabukasan ay ramdam ko ang sakit sa gitnang bahagi ng aking katawan, tinignan ko kung nasa tabi ko pa ba si Samuel ngunit wala na siya. Pinunasan ko ang luha sa aking mga mata, sobrang sakit ng aking katawan. Pakiramdam ko ay sa katawan ko binuhos ni Samuel ang kaniyang galit, kahit ilang beses kong sabihing bagalan niya ang kaniyang kilos, para bang bingi siya at hindi ako marinig. Hindi niya rin ako tinigilan kahit pa pagod na pagod na ako, ang sabi niya ay kailangan niyang makasiguro na mabubuntis na ako. Mukhang sinabi sa kaniya ni Tita Selena na hindi niya matatanggap ang kaniyang mana kung hindi pa namin sila mabibigyan ng apo. Maingat akong tumayo at nagbihis, makalat pa rin ang buong kwarto at nandoon pa rin ang basag na bahagi ng salamin. Napatingin ako sa aking kamay na may sugat, napalakas ang pagtulak niya sa akin kaya iyon nangyari. Pagkatapos kong magbihis ay dumiretso na ako kay Dawn, mukhang may maid na nagpalit sa kaniyang d
Dasha's Point Of View.Nasunod nga ang sinabi ni Samuel na pagbalik namin sa Pilipinas, nag-iimpake na ako ngayon dahil bukas na ang aming flight. Simula noong sinabi ko sa kaniyang buntis ako, nagbago na ang kaniyang pagtrato sa akin. Para bang bumalik siya sa dating siya noong nakilala ko siya, palagi niyang tinatanong kung ayos lang ba ako at kung anong gusto kong kainin.Pero hindi pa rin mawala ang takot ko sa kaniya na anytime pakiramdam ko sasaktan niya ulit ako kapag ginalit ko siya... pakiramdam ko ay na trauma na ako dahil sa pananakit niya sa akin."Dasha, are you done packing your things?" narinig kong tanong niya habang nakasilip sa pintuan ng kwarto ko. "May hinanda akong meryenda sa baba."Peke akong ngumiti bago umilang. "Hindi pa, susunod na lang ako pagkatapos," sagot ko at tumango naman siya."Okay, I'll wait for you downstairs," tugon niya bago umalis.Malakas naman akong napabuntong hininga ng mawala siya sa paningin ko, hindi mawala ang kaba sa puso ko sa tuwing
Dasha's Point Of View."Manang Nina?" wika ko ng makita siya, mabilis siyang napangiti at kaagad akong niyakap.Yumakap naman ako pabalik, hindi ko maiwasang mapangiti. Hindi ko inakalang magkikita pa kaming dalawa, isa siya sa mga taong hindi ako pinabayaan noong nasa mansyon pa ako ni Elias. Nakakatuwang makita siya ulit ngayon."Kamusta ka na, Ma'am Dasha?" tanong niya at bumitaw sa pagkakayap, kita ko ang ngiti ko sa kaniyang labi."M-Maayos na po ang buhay ko ngayon kasama ang anak ko," tugon ko at pinakita si Dawn na nasa stroller, nakita ko namang nanlaki ang mga mata niya sa gulat."Siya na ba ang anak niyo ni Sir Elias?" hindi makapaniwalang tanong niya, para namamg tumalon ang aking puso noong marinig ang pangalan niya."Opo, siya po si Dawn," pakilala ko at napangiti naman siya."Ka'y gandang bata naman niya, pati ang mga mata ni Sir ay nakuha niya," komento ng ginang at tumango ako bilang pagsang-ayon. "Kayo po? Kamusta na po kayo?" tanong ko at tumingin naman siya sa aki
Dasha's Point Of View."We have been looking for you for a long time, Dasha," saad noong matandang nagpakilala sa aking Valencia. "You can call me Lola Valencia and you can call him Dad."Napakunot ang aking noo. "Pero ang sabi po ni Mama, iniwan kami ni Papa dahil hindi pa siya handang bumuo ng pamilya," seryosong saad ko at tumingin sa lalaking sinabi niyang ang Papa ko. Matangkad siyang lakaki at may itsura, alam kong may edad na siya ngunit hindi iyon halata sa kaniya. Alam kong ngayon ko lang silang dalawa nakilala pero pakiramdam ko ay nakita ko na sila at nakasama noon, pakiramdam ko ay pamilyar sila sa akin."Hindi totoo iyon, nilayo ka niya sa akin," sagot niya na mas lalong nagpagulo sa akin. "Gustong-gusto kong bumuo ng pamilya kasama siya, hindi ko naman siya papakasalan kung hindi para doon."Nanlaki ang aking mga mata. "I-Ikaw nga po talaga ang Papa ko?" hindi makapaniwalang tanong ko at noong tumango siya ay mabilis akong lumapit upang yakapin siya, ito ang unang beses
TRIGGER WARNING: VIOLENCE Dasha's Point Of View."S-Samuel. . . H-hindi ako makahinga," umiiyak kong saad ngunit mas lalo niya lang hinigpitan ang pagkakahawak sa aking leeg, pinipilit kong tanggalin ang kaniyang kamay pero masyado siyang malakas kaysa sa akin."Sinungaling ka, Dasha! Kaya pala hindi tayo magka-anak anak ay dahil sa putanginang pills na 'to!" galit niyang sigaw sa akin, mas lalo namang lumakas ang pag-iyak ko. "B-Bitawan mo ako, p-parang awa mo na," pagmamakaawa ko sa kaniya ngunit hindi niya ako pinakinggan at mas lalo lamang niya hinigpitan ang pagkakakapit sa akin."No! I wll fucking kill you, bitvh!" sigaw niya sa mukha ko na mas lalong nakapagbigay sa akin ng takot, kinakapos na rin ako ng hininga.Alam kong galit na galit siya sa akin at malaki ang tiyansyang patayin niya ako ngayon ngunit hindi ko hahayaang mangyari iyon. Bago pa ako tuluyang maubusan ng hininga ay binitawan ko ang isang kamay na nakahawak sa kaniyang kamay at naghanap ako ng bagay na matigas
Dasha's Point Of View.Nang makalabas kami mula sa kulay grey na pintuan ay bumungad sa akin ang tahimik at may kahabaang hallway. Walang mga gamit sa paligid at plain lamang ang kulay, ang sahig ay kakulay lang din ng pader. Nakita kong binitawan ako sandali ng lalaki at ni-lock ang pinaglabasan naming pintuan.Nanatili akong tahimik kahit na gustong-gusto kong sumigaw at tanungin sila ng maraming mga katanungan ngunit mas pinili kong kainin ang mga tanong na iyon. Ilang minuto rin ang aming naging paglalakas, pumasok kami sa isa pang pintuan at bumungad sa akin ang mga taong nakasuot ng lab gowns. Tatlo silang nasa loob, may mga hospital beds din ngunit bakante. Marami ring mga gamit na pang hospital na hindi ako pamilyar.Mga Doctor ba sila? At nasagot ang tanong ko ng marinig kong magsalita ang isa sa kanila."How is she, Doc?" tanong ng isang babaeng blonde ang buhok at tumingin sa matandang kasama namin."She's normal," sagot naman noong matanda at naglakad na paalis. "I'm no lo
Dasha's Point Of View.Ramdam ko ang pananakit ng aking ulo habang dahan-dahang iminumulat ang aking mga mata. Malabo ba ang buong paligid hanggang sa maging malinaw na, hindi ko mapigilang makaramdam ng kaba nang mapagtanto kung nasaan ako.Nasa isang kulungan ako, tanging kama lang ang nandito. Umupo ako mula sa pagkakahiga, pansin ko ang isang may kalakihang band aid sa aking braso. Tinanggal ko iyon at walang napansing kung ano kundi ang pamumula ng parte ng braso kong iyon.Pumikit ako at inalala kung paano ako napunta rito. Mall, Jazz, Van. Noong una ay hindi ko pa mapagtagpi-tagpi lahat ngunit ng ilang mga minuto ang lumipas ay napasinghap na lamang ako ng maalala kung paano ako napadpad rito.Tulad ng napag-usapan namin ni Jazz, hihintayin ko siya mall para bumili ng ingredients. Habang hinihintay siya ay isang van ang huminto sa harapan ko, ni-hindi ko na nagawa pang sumigaw dahil mabilis nila akong hinala papasok sa loob ng sasakyan. May pinaamoy sila sa aking kung ano kaya
Dasha's Point Of View."Huh? Baka coincidence lang," sagot ko naman. "Baka nga... Nakasuot kasi siya ng face mask noong nakipagkita siya sa akin kaya hindi ko matandaan ang mukha niya."Sandali akong napaisip. "May alam si Tita Cyla tungkol sa kaso ko, nababasa niya raw sa social media. Pero malabo namang siya ang magbigay sa'yo ng mga footage na iyon diba?" giit ko. "Bakit pumayag ka sa ganoon?""What do you mean?" bakas ang pagtataka sa kaniyang boses."I mean, alam kong hands on ka sa trabaho mo. Maingat ka dahil alam mo ring delikado, kaya bakit pumayag kang makipagkita sa taong hindi mo naman kilala? Alam kong pumasok sa isip mong baka hindi totoo ang sinasabi noong Cyla na iyon. Kaya bakit? Bakit tumuloy ka pa rin?"Sandaling katahimikan ang namayani sa aming dalawa, muli na sana akong magsasalita dahil akala ko hindi niya sasagutin ang tanong ko ngunit narinig ko ang kaniyang boses."I was so desperate... I was so desperate to get you out of jail. To the point na wala na akon
Dasha's Point Of View."Oh, Dasha. Ikaw pala, mabuti naman at natandaan mo pa ako," wika niya bago maliit na ngumiti.Ngumiti naman ako pabalik. "Siyempre naman po, Ma'am Cyla," sagot ko at napansin ko naman ang pagngiwi niya."Anong Ma'am? Tita Cyla na lang, para naman akong donya kung Ma'am."Natawa naman ako bago tumango. "Sige po, Tita Cyla. Kamusta na po pala si Celaida? Matagal-tagal na rin po noong huli ko siyang nakamusta, ilang beses na rin po siyang bumili sa shop ko.""Nagdadala nga siya sa akin sa tuwing bumibili siya at tama nga ang sinasabi niyang masarap," giit niya na mas lalong nagpangiti sa akin. "Maayos naman siya, nakahanap na rin siya ng trabaho. Ikaw ba? Kamusta ka na?""Mabuti naman po kung ganoon, mabuti po at nagustuhan mo ang mga gawa namin," sagot ko. "Maayos naman po ako, ikaw po ba?""Ayos lang naman, salamat sa pagtatanong. Sino palang binibisita mo ngayon dito?"Tumikhim ako at hindi kaagad nakasagot. "Si Samuel po... yung—""Namatay mong asawa?""Paano
Dasha's Point Of View."Thanks for letting me know that," dagdag niya. "Ngayon, baka madagdag na sa imbestigasyon ko ang pamilya ng mga Valdez. Hindi naman si Selena Valdez magbibitaw ng ganoong pambabanta sa isang Prosecutor kung wala talaga siyang balak iyon gawin.""Hindi naman siya ganoon noon," halos pabulong kong sabi. Siguro, ganoon lang talaga kasakit ang pagkamatay ni Samuel kaya magagawa niyang manakit ng ibang tao. "Hindi ba't sinabi mo noon na tumatakbo bilang Mayor si Tito Simon? Ano na kayang balita tungkol doon? Hindi ko alam kung naapektuhan ba ang pangangampanya niya dahil sa nangyari pero alam kong possible, pero sana naman ay maayos lang siya."Alam kong galit din sa akin si Tito Simon, ayaw niya lang iparamdam sa akin. Minsan na rin niya nasigawan noong gabing pinanganak ko si Dawn dahil akala nila anak siya ni Samuel. Pero hindi siya katulad ni Tita Selena na para bang wala kaming pinagsamahan noon. Ngayong nawalan na sila ng anak, kamusta na kaya sila ngayon?"W
Dasha's Point Of View.Nanatiling nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa kaniya, pinoproseso ang kaniyang sinabi."B-Bakit mo naman kailangang mag-apologize?" tanong ko ng makabawi sa gulat. Hindi naman nawala ang seryosong mukha niya at malakas na bumuntong hininga."Noong una pa lang, alam kong hindi ka guilty sa pagkamatay ni Mr. Valdez," panimula niya at naramdaman ko ang kung anong mabigat na pakiramdam ang gumuhit sa aking lalamunin. "Ayokong ding tanggapin ang kaso niya...""Pero tinanggap mo pa rin.""It because I need to," seryosong sabi niya, nababasa ko ang galit sa kaniyang mga mata. "Kung hindi ko iyon tinanggap, malamang ay wala na ang asawa at anak ko ngayon."Mabilis na nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang iyon. "A-Ano? Sinasabi mo bang. . .""Yes, Ms. Rivera. Selena Valdez forced me to accept his case, she said that if I did not accept it she would do something bad to my family..."Hindi kaagad ako nakapagreact ng marinig iyon, nang makabawi sa gulat ay hindi ko
Joel's Point Of View."You lied to me! Gusto mo ba talagang tapusin ko na ang pagkakaibigan natin?" malamig na tanong sa akin ni Elias, napasimangot naman ako sa narinig. "Malay ko bang mag-iinom ka at sasabihin mo kay Dasha ang totoo?" pagtatanggol ko sa sarili at mukhang mas lalo siyang na bad trip sa sinabi ko."Damn it! Pero hindi ka na lang sana nag-imbento ng kung anu-ano, hindi ka naman writer para gumawa ng kuwento," naiinis niyang sabi at malakas na bumuntong hininga. "Alam mo namang sasabihin ko rin naman kay Dasha ang totoo, hindi nga lang ngayon. Pero dahil sa sinabi mo, natakot ako. Ayokong ibigay ulit siya sa ibang lalaki, hindi ko pa nga matanggap ang nangyari sa kaniya noong binalikan niya si Samuel.""Wala namang nagbago, napaaga nga lang ang pagsabi mo."Sinamaan niya ako ng tingin. "And that's your fucking fault.""Hindi ko naman inakalang iyon ang magiging dahilan mo para sabihin kay Dasha ang totoo... Pinagtritripan lang naman kita. Pero ang mahalaga nasabi mo, d
Dasha's Point Of View."Sinasabi ko na nga ba! Tama talaga ang hinala ko eh," bulaslas ni Angela pagkatapos kong ikuwento sa kanilang dalawa ni Jazz ang nangyari kahapon. Nandito sila ngayon sa kuwarto ko, si Jamela muna ang pinagbukas ko ng shop ngayon dahil binigyan ko rin naman siya noon ng spare key. Nagsalubong ang kilay ko. "Hinala?"Pasampak siyang umuwi sa sofang nasa harapan ko bago sumagot. "Malamang, iyong hinala kong may nararamdaman siya sa'yo.""Huh?" nagtatakang tanong ko. "At bakit ka naman maghihinala nang ganyan?""Hindi halata sa'yo, diba?" singit ni Jazz na nasa kabilang sofa lang. "Diba noong unang beses ko siyang nakita, nagtataka pa ako dahil akala ko talaga nagseselos siya sa akin. . . Kung hindi mo pa sinabi sa aking may pamilya na siya, aakalain ko talagang may gusto siya sa'yo."Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ang mga sinasabi nila, hindi ko maiwasang matawa. "Paano niyo inakala 'yan? Palagi ngang nakakunot ang noo niya kapag kausap ako, halatang-ha
Dasha's Point Of View.Napahilamos na lamang ako ng mukha kasabay ng pagtulo ng luhang hindi ko mapigilan dahil sa halo-halong nararamdaman."I understand your anger, hindi ko rin hinihiling na mapatawad mo ako sa mga nagawa ko—"Ngumiti ako at pinutol ang kaniyang sasabihin. "Naiintindihan ko kung bakit mo nagawa iyon. . . Alam kong mas naging mahirap din sa'yo. Siguro sa ngayon gulat pa rin talaga ako kaya hindi ko maproseso ang mga nasabi mo pero gusto kong magpasalamat sa'yo, Elias. Noon pa man pala, palagi mo na akong tinutulungan. Hindi ko nga lang alam."Nakita ko ang maliit niyang ngiti pagkatapos kong magsalita. "Thank you, Dasha. Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin ang kaligtasan niyong dalawa ni Dawn. Hangga't maari ay ayokong madamay siya sa gulo ng buhay ko kaya ang gusto ko sana ay tapusin ko muna ang mga bagay na dapat kong tapusin," wika niya at sandaling napakamot sa ulo. "Wala rin talaga akong balak sabihin sa'yo ngayon ito, biglaan lang dahil tulad ng sabi ko kanina.