MAYAMAYA pa ay nagyaya na ang binata na umakyat na sila sa bahay.
Magkaagapay sila na pumasok. Nasa ikatlong baitang na sila ng hagdan nang sumabit ang paa nito.
Agad niya dinaluhan ito para alalayan. Ngunit sa halip na maalalayan niya ito, sa tangkad nito ay siya pa ang natangay nito pabalik sa mga lower steps. Tuluyan na silang nahulog sa mismong landing ng hagdan.
Napatihaya siya sa baldosa. At napaibaabw ang binata sa kanya.
Tuloy ay napatitig siya sa mga mata nito. Matagal sila sa ganoong ayos. Pang may kung anong sinasabi ang mga mata nito. Hindi siya kumukurap sa pagkakatitig niya rito. They were very close. Halos madinig na niya ang tibok ng puso nito.
O pintig ng sarili niyang puso ang naririnig niya?
Langhap na langhap din niya ang hininga nito. Nakapagtatakang nangingibabaw pa rin ang mabangong amoy niyon kaysa sa amoy ng Chivas Regal na ininom nito. The warm scent of him wafter through her;his now familiar cologne enveloped her in something akin to a physical embrace. Napakasarap palang maging ganoon kalapit dito.
Bigla niyang inasam na sana ay tumigil muna sa pagtakbo ang oras. It felt wonderful to be that close to the man.
Naputol ang magic spell na iyon nang tumayo ito at inalalayan siya nitong tumayo.
"Lasing na yata tayo," natatawang sabi nito.
"Ikaw lang, ha! Hindi ako," sabi niya. "Kaunting-kaunti lang ang ininom ko."
"Nasaktan ka ba?" tanong nito, concerned. Hinaplos nito ang kanyang likod---na naghatid ng tila mataas na boltahe ng kuryente sa kanya. Kahit hindi naman niya naramdaman ang mismong balat nito sa kanyang likod ay parang tumagos ang init niyon sa cotton T-shirt na suot niya. At hindi niya masaway ang kanyang sarili na hindi makaramdam ng ganoon. Napakalakas ng epekto ng binata sa kanya. Kahit na siguro sinong babae ang nasa lugar niya nang mga sandaling iyon ay ganoon din ang mararamdaman.
Mabuti na lang at hindi nagtagal ang pagkakahagod nito sa kanyang likod. Dahil hindi na niya alama kung paano niya pakikitunguhan ang kakatwang nararamdaman niya kung nagtagal pa ang kamay nito sa kanyang likod.
"Pati tuloy ikaw ay nadamay sa kaestupiduhan ko," paninisi nito sa sarili.
''Hindi naman ako nasaktan, eh," pagsisinungaling niya dahil ang totoo ay tumama ang kanyang puwetan sa landing ng hagdan. Dalawang steps din yata ang binagsakan nila at siya ang napailalim nang tangkain niyang alalayan ang binata. Ngunit bahagya nang pinawi ng nag-aalalang hagod nito sa kanayng likod ang sakit na iyon.
"Mabuti pa, itimpla muna kita ng coffee para mabawasan ang kalasingan mo," aniya upang disimulahin ang tila kapangyarihan ng personality nitong unti-unting humihigop sa kanya. Daig pa niya ang metal na napalapit sa magnet.
Nagtuloy na siya sa kitchen habang naupo ito sa pinakamalapit na sofa. Manaka-nakang nililingon niya ito. Napakasuwerte ni Marga, sa loob-loob niya. Ngunit wala na siyang kayang gawin kundi ang mainggit sa babae.
Dalawang tasa ng kape ang ginawa niya para tig-isa sila. Gusto pa niyang makausap ito nang matagal, iyong silang dalawa lamang.
"Okay lang ba sa boyfriend mo `tong bagong job mo? This is very demanding," wika nito.
"Boyfriend?" Muntik na siyang matawa. 'Sino naman ang nagsabing may boyfriend na ako?"
"Oh, come on. Don't tell me, wala ?"
"Wala nga. Baka kasi palpak na naman ang makilala ko, eh."
"Bakit, palpak ba ang mga naging boyfriends mo?"
"`Yong last boyfriend ko, si Caloy. I found out after six months of going steady with that he was gay. Ang walanghiyang iyon, kaya pala mas vain pa siya sa akin! Akala ko pa naman, siya na."
Hindi niya inakalang makakarinig siya ng mahinang tawa mula sa binata.
"Malas yata ako sa mga nagiging boyfriends ko. Kung hindi gay, sobra namang seloso. Mas istrikto pa sa tatay ko `yong boyfriend ko before Caloy. Lahat na lang ng bagay na gaagwin ko, pinakikialaman niya. Kaya ayoko munang makipag-boyfriend."
Nang maubos ang kape nito ay nagyaay na ito na magpahinga na sila.
''O, baka masabit na naman ang paa mo. Alalayan na kita," aniya rito.
"Huwag na. Okay na ako," sabi nito. "Hindi ko na patatawarin ang sarili ko kapag nahulog uli tayo."
Ngunit inalalayan pa rin niya ito mula sa likuran nito.
"Goodnight, Rachelle. And thank you," sabi nito. "By the way, mula ngayon ay 'Carlo' na lang ang itawag mo sa akin."
Isang ngiti lang ang isinagot niya rito.
KAHIT once a week lang ang taping ng Exposed ay halos araw-araw ding nagkikita sila ni Carlo dahil sumasam ito sa mga lugar kung saan may mga anomalyang ibinubulgar ang Exposed. Hands-on din ito sa editing. At siya naman ay tumutulong din sa postproduction, including editing.
At dahil everyday ang news program nito ay sinisilip siya nito sa opisina ng Expose. Dahil doon ay unti-unting nakikilala niya ang Carlo Dela Cruz behind the camera.
WALANG kamalay-malay si Rachelle habang pinagmamasdan ito ni Carlo mula sa glass wall. Subsob ito sa trabaho.
He was beginning to like her. At hindi niya alam kung bakit parang noon lamang niya napansing maganda pala ito.
Sporty kasi ito, hindi katulad ni Marga na siyang tipo niyang babae, very ladylike, very feminin, mala-Lucy Torres sa hinhin. Si Rachelle, kadalasan ay naka-jeans at shirt lang, palaging on the go. Parang mas madalas na laamn ito ng billiard hall o gym kasya sa spa at salon.
Madalas ding naka-pony tail ang buhok nitong lampas-balikat.
But she looked smart, sweet and honest. She may not be this kind of woman but he could not deny the fact he was beginning to like her.
Pumasok siya sa opisina ng Exposed at nilapitan niya ito. "Masyado mo naman yatang dinidibdib `yan," sabi niya rito. "Mukhang pati hindi mo na trabaho, ginagawa mo na."
''Okay lang. Gusto kong matutuhan ang lahat ng aspects ng production," sabi nito. "Saka may inaalagaan tayong rating. Tinatapatan tayo ng kabilang station ng halos ganito ring format. Kapag hindi tayo nagtrabaho nang husto, baka ilampaso nila tayo."
Napangiti siya. "Hindi nga ako nagkamali ng pagha-hire sa iyo. Hindi ako magtataka kung in two years' time ay mawalan ng trabaho si Korina Sanchez."
''Pati na si Mel Tiangco," biro niya.
"Pero break muna. May dala akong snack. Wanton noodles and siopao.
Pagkatapos niyang bigyan ang ibang staff ay magkatabi silang kumain ni Rachelle sa isang desk na nasa bandang sulok.
''Tinawagan ko si Marga kaninang umaga," sabi niya rito. "Hindi ba't sabi mo, ganoon lang naman ang mga babae? Kailangang sinusuyo para maramdaman niyang I love her above evrything."
Medyo natagalan bago ito nag-react. "Eh, di okay na kayo. H-hindi na masama ang loob mo sa kanya?"
"Medyo. Pero may dahilan pa rin ako para magdamdam sa kanya, hindi ba? Don't you think so?"
"Well, oo. Pero kung talagang mahal mo siya, magbababa ka rin ng pride. That's what true love is. Kung minsan, mas inuuna natin ang kaligayahan nila. At happy na tayo roon dahil happy sila."
"Bakit hindi mo subukang pasukin ang radio?" sabi niya rito. "Mag-open ka ng programa ng tungkol sa love counselling. Malamang na mag-click iyon."
"Baka hindi na ako maligawan niyan. Kung saan-saang field mo na ako gustong itaboy."
"Joke lang. Mas gusto kong nandito ka na lang sa production. Dahil gusto kita i-groom paraa maging segment host."
"Talaga?"
"Oo. Just keep up the good work."
Saglit silang nagkatitigan. "Salamat, ha?"
HINDI pa ubos ang meryenda ni Carlo ay nagpaalam na ito dahil kailangan na nitong maghanda para sa program nito.
Nang maiwan siya ay matagl siyang natahimik. Hindi niya inaasahang magiging ganoon siya kalapit sa lalaking kasama lamang niya sa kanyang mga pangarap noon.
Ngunit alam niyang dapat niyang bantayan ang kanyang feelings. Hindi niya dapat hayaang humigit pa sa friendship ang kanialng relasyon. Dahil pahihirapan lamang niya ang kanyang sarili kung hahayaan niyang lumalim ang paghanga niya sa binata. Makokontento na lamang siguro siya na makita nag picture nito sa ibabaw ng kanyang bedside table.
NANG sumunod na linggo ay nagkaroon ng team building seminar sa Tagaytay ang grupo ng Exposed. Sa nasabing team building, kailangan niyang magpatihulog nang patihaya mula sa isang mahabang bangko at kailangang saluhin siya ng isang kasama niya.
"In this exercise, what we want to establish is trust. Trusting the other team members. If you don't trust each other, it would be difficult for the team to attain it's goal," paliwanag ng team building master.
Nagkaroon ng bunutan kung sino ang sasaluhin nino. Si Carlo ang nakabunot sa kanyang pangalan.
Siguro ay nakita nito ang takot sa kanyang mukha dahil nilapitan siya nito. "Don't worry, hindi ka masasaktan. Sasaluhin kita. Trust me."
Ngumiti siya. "Sinabi mo `yan, ha?"
Umakyat siya sa silyang kailangan niyang tuntungan, patalikod sa mga kasama nila at kay Carlo na siyang sasalo sa kanya.
Hindi niya naiwasang matakot. Kahit alam niyang sapat ang lakas ng binata upang saluhin ang kanyang katawan bago siya sumayad sa lupa ay hindi pa rin niya maiwasan ang matakot.
Baka hindi niya ako masalo. Baka mabigatan siya sa akin at mabitawan niya ako... pag-aalala niya.
Ngunit binigyan siya nito ng assurance, kaya dapat lang na magtiwala siya rito.
"Okay, Rachelle, ready?" wika ng kanilang team building master.
"Y-yes," sabi niya.
Bumilang hanggang tatlo ang team building master. Pagkatapos ay pikit-matang patihayang nagpatihulog siya sa kinatutuntungan niyang bangko.
Hanggang sa maramdaman niyang nag-landing ang kanyang katawan sa mga bisig ng binata. Hindi siya lumagapak sa lupa.
Palakpakan ang lahat.
"Than you, thank you..." sabi niya sa binata.
Ngunit hindi pa siya binibitawan nito. Pangko pa rin siya nito nang dalhin siya sa isang lugar. Napatingala siya sa mukha nito. At napatitig naman ito sa kanyang mga mata.
"Ibaba mo na ako," sabi niya rito.
"Wait, doon kita ibababa."
Inilapag siya nito sa parteng damuhan. "Sa totoo lang, mabigat ka, ha!" biro nito sa kanya.
"Akala ko paplakda na ako sa lupa," sabi niya.
"Pababayaan ba naman kita?" At pabirong ginulo nito ang kanyang buhok.
Iniwasan niyang magtama ang kanilang mga tingin. Baka kasi ipagkanulo siya ng kanayng mga mata kapag tiningnan na naman siya nito nang malamlam.
Mabuti na lamang at tumunog ang cellphone nito.
"Oh, hi, honey!" sabi nito.
Alam niya, si Marga ang kausap nito. That was she needed in order to banish the absurd attraction she was feeling. Kailangan ay maya't mayang ipinapaalala niya sa kanyang sarili na dumistansya siya sa binata kapag hinihigop siya ng atraksyon patungo rito.
Sumenyas siya ritong babalik na siya sa grupo upang manood ng ongoing activity.
PAGKATAPOS ng team building activity ay nagprisinta ang binatang ihatid siya nito.
''Alam mo bang crush ka n'ong isang cameraman namin sa news?" anito habang nagda-drive ito. "Hinihingi nga niya ang cellphone number mo. Okay lang ba na ibigay ko sa kanya?"
"Sinong cameraman? `Yong kalbo?"
"Si Garry. Cute `yon kahit kalbo."
"Ay, hindi ko type ang mga no hair! Gusto ko kasi `yong may sinusuklay ako kapag hinahalikan ako."
Ngumiti ito sa kanyang sinabi. "Kayo talagang mga babae, ang weird n'yo minsan."
"Madali kaming intindihinnn. Kayo lang ang mahirap umintindi."
"Ano `to, battle of sexes?" natatawang sabi nito.
"Alam mo, ang tingin ko sa iyo noong una, suplado ka. Hindi naman pala."
"Kailangan naming magmukhang seryoso sa ginagawa namin para maging credible kami as newscasters," sabi nito.
"By the way, mukhang nagkaintindihan na kayo ni Marga. Babalik na ba siya o itutuloy pa rin niya nag pagtuturo niya ng sayaw sa London?"
"Mukhang balak na niyang bumalik. Nami-miss na raw niya ako."
Natahimik siya ng ilang saglit. "Bakit nga pala hindi mo kasama si Mandy?'' tanong niya kapagkuwan. "Hindi ka dapat lumalakad nang mag-isa dahil sa mga death threats na natatanggap mo. Dapat nga, may bodyguard ka, `di ba?"
"May bulletproof vest naman ako. And I can take care of myself. Besides, kapag talagang oras mo na, kahit sampu pa ang odyguards mo, mamamatay ka rin."
"Pero iba pa rin `yong nag-iingat," sabi niya.
Biglang nagpreno ito dahil sa biglang pag-cut ng isang sasakyan sa kanila sa pagliko nila sa isang panulukang bukod sa medyo madilim ay hindi rin matao. Halos mapasubsob siya sa dashboard. Isang black Nissan Patrol ang humarang sa kanila.
"Damn! What the hell---" Hinampas nito ng manibela ang isang palad nito.
Pagbukas ng pinto ng Nissan Patrol ay lumabas kaagad ang dalawang lalaking parehong may hawak na baril na agad itinutok sa windshield ng kanilang sinasakyan. Sunud-sunod nang nagbabaan ang iba pang sakay ng Nissan Patrol.
At bago pa may magawa ang binata, isa pang sasakyang ang tumigil sa likuran nila---isang Pajero.
At sa ilang saglit lang, napapalibutan na sila ng maraming kalalakihan na puro mga armado.
BINALIKAN ng malay si Carlo nang maramdaman niyang tinatalian ang kanyang mga kamay sa kanyang likuran. Sandali siyang nawalan ng ulirat nang pukpukin siya sa ulo ng isang matigas na bagay dahil nanlalaban siya habang ipinapasok siya sa loob ng Nissan Patrol. Masakit na ang kanyang ulo;nakapiring pa siya.
Pumalag siya ngunit wala na rin siyang nagawa. Naramdaman niyang nasa tumatakbong sasakyan pa rin sila. But he had no idea kung nasaan na sila.
Hindi muna siya nagsalita. Nakiramdam muna siya. Kinapa niya ang kanyang katabi sa pagbabaka-sakaling si Rachelle iyon.
Malambot at makinis na braso. Si Rachelle nga!
"Carlo," mahinang sabi nito.
"Rachelle," halos pabulong ding sagot niya. "May piring ka rin ba?"
"Oo." Bakas sa boses nito ang takot.
Hindi siya masyadong nag-aalala para sa kanyang sarili;mas ang pag-aalala niya para dito. Kahit ang lahat ay hindi nagsasalita, alam niyang marami sila sa sasakyan. Ilang tao nga ba ang nakita niya kanina?
Hindi siya masyadong nagpapaapekto sa mga death threats na natatanggap niya lately. Sa dami ng mga taong nakanti niya sa Exposed, hindi na niya matiyak kung kanino galing ang mga iyon. Gusto lamang siguro ng mga itong patahimikin siya o baguhin niya ang format ng kanyang TV program.
Ang mga kinakanti lamang naman niya ay ang mga corrupt government officials, mga abusadong nasa kapangyarihan katulad ng mga pulis o militar, at mga taong maanomalyasa gobyerno.
At base ang mga iyon sa mga nakakalap na impormasyon at ebidensya ng staff ng kanyang programa, mga assets, at mula sa mga taong direktang nakakaalam ng mga pangyayari na nagsusumbong sa kanilang programa.
Marami nang nagsasabi sa kanya noon pa mang nagsisimula pa lang ang kanyang programa---lalo na ang kanyang pamilya---na gagawa siya ng maraming kaaway dahil sa format na iyon.
Subalit naroon ang hamon. And he loved challenges. Isa pa ay alam niyang maganda ang kanyang misyon. Ilang anomalya na ba ang naaksiyunan na dahil sa kanyang programa? At nakakadama siya ng kakaibang fulfillment kapag nakakatulong siya sa mga nabibiktima o kaya ay kaoag napaparusahan ang mga taong may kasalanan.
Ilang malalaking sindikato na ba ang nabuwag at ilang opisyal na ang natanggalsa puwesto dahil sa kanyang programa?
At hindi siya kayang sindakin at patigilin ng sinuman dahil alam niyang isa sa mga misyon niya ang lumaban sa mga katiwalian, katulad ng kanyang ama. Ngunit hindi siya masyadong nag-aalala para sa kanyang pamilya, dahil nasa Canada na ang mga ito.
Hindi lang niya inakalang madadamay ang isang taong hindi dapat madamay---si Rachelle.
Pagkalipas ng sa tantiya niya ay mahigit tatlong oras ay huminto ang kanilang sinasakyan. Naramdaman niyang inakay siya ng dalawang mapupuwersang kamay palabas ng sasakyan.
"Tanggalan n'yo na kami ng piring," paangal na sabi niya. Gusto niyang makita si Rachelle at masigurong nasa maayos ito.
"Carlo," narinig niyang sbai nito sa takot na tinig. Sa gawing likuran niya nanggaling ang boses nito.
"I'm here, Rachelle," sagot niya rito. "Huwag n'yo siyang sasaktan, iyon lang ang pakiusap ko!"
Ipinasok sila sa isang bahay.
Pagpasok nila roon ay tinanggalan siya ng piring. Nasilaw siya sa liwanag na sumalubong sa kanyang mga matang matagal na nakapiring.
Si Rachelle ang kaagad hinanap ng kanyang mga mata. Ngunit wala ito sa kuwartong pinagdalhan sa kanya. "Si Rachelle?" tanong niya sa mga lalaki.
Malaking bulto ang mga taong dumukot at nagdala sa kanila roon. Mukhang may private army ang kung sinumang makapangyarihang tao na nagpadukot sa kanya.
Iginala niya ang kanyang tingin sa paligid. Nasa loob siya ng isang maliit na kuwarto. Bagama't luma na ay may mga gamit naman doon. May isang kamang may manipis na kutson na di-kalakihan, isang may-kalumaan na ring aparador, electric fan na puro alikabok at isang monoblock chair.
"Bakit inihiwalay n'yo pa sa akin ang kasama ko?"
"Iyon ang utos ni Sir," sagot ng isa sa mga lalaki.
"Sinong Sir?" giit na tanong niya rito.
"Mayamaya lang, makakausap mo na siya."
"Bakit idinamay n'yo pa si Rachelle ? Ako lang naman ang kailangan n'yo, hindi ba?"
"Kailangan din namin siya. Dahil kapag hindi ka nagpakabait, siya ang mahihirapan."
"Ano?" maang na reaksyon niya. Gusto niyang kumilos at gamitin ang nalalaman niya sa martial arts upang maagaw ang baril ng isa man sa mga lalaki. Ngunit alam niya hindi iyon makakatulong sa kanya. Nasa teritoryo siya ng kalaban. Hindi siya dapat maging impulsive. Kailangan niyang alalahanin na kasama niya si Rachelle. Baka idamay ito ng mga kidnappers niya.
"Huwag kang mag-alala, nasa magandang kalagayan ang syota mo."
Agad siyang iniwan ng apat na lalaki.
"Syota?" sambit niya nang mag-isa na lamang siya sa silid. Ang akala pala ng mga dumukot sa klanila ay girlfriend niya si Rachelle.
bigla niyang naalala ang tungkol sa tsismis at picture nila ng dalaga na lumabas sa isang tabloid.
LALONG sinagilahan ng takot si Rachelle nang malaman niyang nag-iisa siya sa pinagdalhan sa kanya pagkatapos siyang tanggalan ng piring. Bakit pinaghiwalay sila ni Carlo? Iginala niya ang kanyang tingin sa paligid. Nasa loob siya ng isang tila opisina. May dalawang lumang desks, mga silya at swivel chairs na may kalumaan narin. May isang ceiling fan na puro alikabok at filing cabinet na yari sa bakal. Hindi kalakihan ang opisina; may maliit na bintanang may grills ngunit mataas iyon. Puro alikabok na rin ang mga salamin niyon. "Dios ko, bakit kami dinukot? For ransom?" Naalala niya ang mga death threats na natatanggap ni Carlo. Ibig sabihin, posibleng nadamay lang siya at si Carlo lamang talaga ang target ng mga kidnappers. Ano kaya'ng nangyayari kay Carlo? Baka binugbog na siya, pag-aalala niya. At siya, ano ang gagawin sa kanya ng kanilang mga kidnappers? Kung kasama sana niya si Carlo, baka lumakas pa ng kaunti ang kanyang l
HINDI maipaliwanag ni Rachelle ang nararamdaman niya nang makita niya si Carlo. Mahigit isang oras lang na hindi niya nakita ito ngunit parang isang taon na silang hindi nagkita. Nakadama siya ng matinding awa rito nang makita niya ang mga pasa at putok na labi nito. Nakatali pa rin ang mga kamay nito sa likod nito. Gusto niyang sugurin ito ng yakap. Ngunit bigla rin siyang natigilan. May karapatan ba siyang gawin iyon? Tumaas ang mga kamay niya ngunit hindi niya alam kung paano hahawakan ito. Nagdadalawang-isip siyang hindi niya maunawaan. Pakiramdam niya, kapag dumaiti ang kanyang kamay rito ay hindi na niya matitiis na hindi yakapin ito. Ngunit hindi na rin niya napigilan ang kanyang sarili. Paglap[it niya ay nayakap na rin niya ito dahil sa matinding awa. "Ano'ng ginawa nila sa iyo?" sabi niya habang sinisipat niya ang mga pasa nito. Naisubsob niya ang kanyang mukha sa dibdib nito. Hindi niya napigilan ang maiyak. "
HINDI nila namalayan ni Rachellena umaga na. Nakakarinig na sila ng tilaok ng mga manok. Four-thirty na, ayon sa kanyang wristwatch. Ni hindi sila nakaramdam ng antok dahil ginugol nila ang mga nagdaang oras sa pag-uusap ng tungkol sa kung anu-anong topic. Nilibang niya ito upang kahit pansamantala ay maibsan ang takot nito. "Why don't you take a nap?" wika nito sa kanya. Nakaupo lang siya nang pasandal sa kama; nasa gilid ito. "Ayokong matulog," anito. "Baka paggising ko, wala ka na naman." "Hindi ako aalis dito. Try to get some sleep," sabi niya. "Don't worry babantayan kita habang natutulog ka." "Umidlip ka na rin," sabi nito. "Mahirap ang wala kang tulog. Manghihina ka at hindi ka makakapag-isip ng tama." "Okay, sige, dito na lang ako sa lapag," aniya. "Malaki naman itong kama, kasya tayo rito," anito. "Huwag mo akong intindihin. Kaya ko nang mamaluktot dito." Nahiga na ito. Siya na
PINAGMASDAN ni Rachelle si Carlo na tila malalim ang iniisip pagkatapos nitong makipag-usap kay Arman at sa Uncle Rod nito. Alam niyang labag sa loob at prinsipyo nito ang sumunod sa kahat ng mga demands ng gobernador. Alam niyang dahil sa kanya ay napiitan na rin to na sumunod. "I'm sorry, hindi ka na dapat nadamy pa dito," he said in a velvety voice. Gusto nyang muling sumandal sa dibdib nito. Nabasa yata nito ang nasa isip niya, kaya idinikit nito ang noo nito sa kanyang noo. At sapat na ang gesture nitong iyon upang panandaliang mapawi ang kanyang takot. Kung hindi lamang nakaposas ito, sa malamang ay niyakap na siya nito. "Mukhang magtatagal pa tayo rito," matamlay na wika niya. Ayaw na sana niya na umiyak pa ngunit hindi pa rin niya mapigilan iyon kapag natatakot siya. "I know Uncle Rod. Kapag sinabi niyang gagawin niya ang isang bagay ay gagawin nga niya ito. Katulad din siya ng father ko." Hindi niya tinatawaran ang kakayahan ng pami
KAPWA sila natigilan. Agad lumayo si Rachelle sa kama ni Carlo. Tumutok ng tingin ni Marga sa kanya. At hindi niya maintindihan ang kalakip na emosyon ng mga tingin nito. Pagkatapos ay saka lang ito lumapit kay Carlo. Agad itong yumakap sa binata, at siniil ito ng halik. Iniiwas niya ang kanyang tingin mula sa mga ito dahil hindi niya gusto ang naging reksiyon ng kanyng damdamin sa nakita niyang tagpo. Pakiramdam niya ay sinadya ni Marga na halikan si Carlo sa kanyang harap. Nang mapansin niya na hindi pa rin naghihiwalay ang dalawa ay balak na sana niyang lumabas ng kuwarto ngunit narinig niyang tinawag siya ni Carlo. "Rachelle, wait!" Huminto siya sa paglabas. "I want you to meet Marga," sabi nito. Isang ngiti ang ibinigay niya rito. Saka siya alanganin na lumapit dito at inilahad niya ang kanyang kamay sa babae. "So, you're Rachelle," anito nang tanggapin nito ang kanyang kamay. Mahigpit na mahigpit ang pagkak
RACHELLE was shocked at first. Hindi niya nakuhang kumilos. Carlo's kiss was very intense. Pakiramdam niya ay unti-unting nauubos ang kanyang lakas. Halos hindi siya makahinga sa sobrang higpit ng pagkakayakap nito sa kanya. Na tila ba takot itong mawala siya sa mga braso nito. Ngunit hindi bale nang hindi siya makahinga. Kung mamamatay man siya sa ganoong paraan, at least, namatay siya sa mga bisig nito. Ngunit nang bigla niyang maalala si Marga ay malakas niyang itinulak ito. Ngunit parang wala itong balak na bitawan siya at pakawalan ang kanyang mga labi. At kahit subukan niyang itulak ang inata ay nawawalan ng saysay ang effort niya. Tuloy ay nagtatalo ang kanyang kalooban. She loved what he was doing. Ngunit sinasabi ng isip niya na hindi dapat nangyayari iyon. Habol na niya ang kanyang hininga nang pakawalan ng lalaki ang kanyang mga labi.. Ngunit nanatili pa rin itong nakayakap sa kanya. Neither of them spoke. Nanatiling nag-uusap ang kanilang mga mata. Inabot nito ang f
THE NEXT four weeks were the happiest moments in Rachelle's life. Masaya sila ni Carlo dahil damang-dama niya ang pagmamahal nito. Masyadong nag-alala ito sa kanya. Nang bumalik siya sa production ng Exposed ay halos ginawa na nitong regular ang paghahatid sa kanya; kung hindi man ay kay Mandy siya ipinahahatid nito. Pauwi na sila nang gabing iyon galing ng TV station, sakay ng kotse nito at masayang nagkukuwentuhan, nang makatanggap ito ng tawag mula kay Marga. Nagtaka siya kung bakit parang tinamaan ito ng kidlat habang kausap nito ang babae. "Carlo... why? Is there something wrong?" "May importante raw sasabihin sa akin si Marga. Gusto raw niyang magkita kami," "Why do you look so worried?" "Saka ko na sasabihin sa iyo pagkatapos naming mag-usap. Ayokong mag-worry ka," seryosong sabi nito. Hindi na niya kinulit ito. Ngunit hindi niya maintindihan ang kabang nadarama niya. "AYOKO na sanang guluhin pa kayo ni Rachelle," simula ni Marg
SAKAY sila ng PAL plane patungo sa Paris. Doon ang unang destinasyon nila sa kanilang one-month honeymoon. Kahapon ay ikinasal sila, isang taon pagkatapos silang ma-kidnap. Tumatakbo na ang kaso ni Governor Matilde at lalong nadidiin ito. Nasa ilalim na ng witness protection program si Gari de los Santos. At ang kanyang groom ay ipinagpapatuloy ang programa nito. Mas maingat na nga lang ito---alang-alang daw sa kanya. "Kailangan pa tayong ma-kidnap para mapansin kita at ma-realize kong you are a gem. You are so special," sabi nito nang kabigin siya nito. "May maganda ring naidulot ang pagkaka-kidnap sa atin, hindi ba?" "Ano?" ''Nangyari siguro lahat ng iyon para makilala ko ang babaeng gusto ko talagang makasama for the rest of my life, the one I want to grow old with, the one who would welcome me with a warm embrace every time I come home at the end of the day, who would have dinner with me, and who would give me a relaxing massage after

MAYAMAYA pa ay nagyaya na ang binata na umakyat na sila sa bahay. Magkaagapay sila na pumasok. Nasa ikatlong baitang na sila ng hagdan nang sumabit ang paa nito. Agad niya dinaluhan ito para alalayan. Ngunit sa halip na maalalayan niya ito, sa tangkad nito ay siya pa ang natangay nito pabalik sa mga lower steps. Tuluyan na silang nahulog sa mismong landing ng hagdan. Napatihaya siya sa baldosa. At napaibaabw ang binata sa kanya. Tuloy ay napatitig siya sa mga mata nito. Matagal sila sa ganoong ayos. Pang may kung anong sinasabi ang mga mata nito. Hindi siya kumukurap sa pagkakatitig niya rito. They were very close. Halos madinig na niya ang tibok ng puso nito. O pintig ng sarili niyang puso ang naririnig niya? Langhap na langhap din niya ang hininga nito. Nakapagtatakang nangingibabaw pa rin ang mabangong amoy niyon kaysa sa amoy ng Chivas Regal na ininom nito. The warm scent of him wafter through her;his now fami