Share

CHAPTER SIX

Author: Mystery Girl
last update Huling Na-update: 2023-05-05 09:42:18

HINDI nila namalayan ni Rachellena umaga na. Nakakarinig na sila ng tilaok ng mga manok. Four-thirty na, ayon sa kanyang wristwatch.

            Ni hindi sila nakaramdam ng antok dahil ginugol nila ang mga nagdaang oras sa pag-uusap ng tungkol sa kung anu-anong topic. Nilibang niya ito upang kahit pansamantala ay maibsan ang takot nito.

           "Why don't you take a nap?" wika nito sa kanya.

           Nakaupo lang siya nang pasandal sa kama; nasa gilid ito. "Ayokong matulog," anito. "Baka paggising ko, wala ka na naman."

           "Hindi ako aalis dito. Try to get some sleep," sabi niya. "Don't worry babantayan kita habang natutulog ka."

           "Umidlip ka na rin," sabi nito. "Mahirap ang wala kang tulog. Manghihina ka at hindi ka makakapag-isip ng tama."

           "Okay, sige, dito na lang ako sa lapag," aniya.

           "Malaki naman itong kama, kasya tayo rito," anito.

           "Huwag mo akong intindihin. Kaya ko nang mamaluktot dito."

           Nahiga na ito. Siya naman ay nagsapin ng karton sa sahig; doon siya nahiga. Ilang sandali lang ay nakatulog na ito---samantalang siya ay nanatiling gising.

           Kahit nakakaramdam din siya ng antok ay mas gusto niyang bantayan ang dalaga. Baka kapag nakatulog siya ay magising na naman siyang wala ito sa kanyang tabi. Natukso siyang pagmasdan ito. She had a charming face kahit walang makeup ito. At nag-aalala talaga siyang madamay ito kung hindi pa niya sasabihin kung saan nakatago si Gani.

PAGMULAT niya ng mga mata ay hindi niya nagisnan si Carlo sa kuwarto. Napabangon siya.

           Bigla siyang kinabahan. Baka kung saan na dinala ito ng mga may hawak sa kanila o kaya ay pinahihirapan na ito ng kanilang mga kidnappers.Lumapit siya sa nakasarang pinto at kinabog niya iyon.

           "Carlo! Carlo!" sigaw niya.

           Bumukas ang pinto---sumungaw ang ulo niya roon.

           "Saan ka galing? What happened to you?"

           "Nag banyo lang ako. Bakit parang takot na takot ka?"

           "Nag-worry ako. Akala ko, kung ano na ang ginawa nila sa iyo."

           Bahagyang ngumiti ito pagkatapos isara ng bantay nila ang pinto. "Takot ka palang may mangyari sa akin."

            "Baka lang `kako multuhin mo ako kapag namatay ka na wala man lamang akong nagawa,"paingos na sabi niya upang hindi mahalata nito ang espesyal na damdamin niya para dito.

             Ngunit natigilan siya nang mapansin niyang nakatali na naman ang mga kamay nito. This time ay hindi basta nylon cord ang panali.

             "Bakit naka-handcuffs ka?" maang na tanong niya rito.

            "Natakot lang sila sa kaya kong gawin. Baka raw mang-agaw ako ng baril at mang-hostage ng isa sa kanila. Those bastards, natatakot sa isang tao samantalang marami sila, may mga armas pa. O, bakit ganyan ang tingin mo sa akin?" tanong nito sa kanya. "Huwag kang maawa sa akin. Ipinosas lang ako dahil nalaman na nilang martial arts expert ako. Hindi ba kagabi, kahit nakatali ako, apat na kasamahan nila ang napatilapon ko?"

              Kahit paano ay nakuha  niyang ngumiti. Alam niya, pinipilit lang nitong pawiin ang kanyang takot at pilit nitong tinatago sa kanya ang mga pangamba nito upang hindi siya panghinaan ng loob.

              Nang dalhan sila ng pagkain ay hindi siya gaanong tuminag. "Bakit, hindi ka ba nagugutom?" tanong nito sa kanya.

             "Makakakain ba naman ako kung ganitong hindi natin alam kung ano ang puwedeng mangyari sa atin mamaya o bukas? And what if may lason `yan o pampatulog `yang pagkain?"

             "Hindi nila gagawin iyon,Rachelle. May kailangan sila sa akin na hindi pa nila nakukuha. Besides, kailangang kumain ka. Paano ka tatakas kung nanghihina ka?"

              Sa pangungumbinsi nito ay ginalaw na rin niya ang pagkain sa tray.Ngunit may isang problema.

             "Paano ka nga pala kakain kung nakaposas ka?"

             "Kung okay lang sa iyo,eh, di subuan mo ako," anito.

             Sinubuan nga niya ito. Fried rice, eggs at boneless tinapang bangus ang ulam.  May coffee rin, black nga lang.

              "O, dahan-dahan lang," sabi nito sa kanya. "Parang three days ka nang hindi pinakakain."

              "Nakukuha mo pang magbiro, ganito na nga ang sitwasyon natin," pairap na sabi niya rito.

             Nakakain sila nang maayos dahil sa pagsubo niya rito. Alam nilang sa mga sandaling iyon ay wala silang ibang pwedeng asahan kundi ang isa't isa. Dahil sila lamang ang magkaramay at magkakampi.

PAGKATAPOS nilang mag-almusal ay kumatok na naman si Arman sa kuwartong kinaroroonan nila.

            "Ano, Carlo? Handa ka na bang sabihin kay Governor kung nasaan si Gani?"

            Nagbuga siya ng hininga. "Kami na ang bahalang mag-usap," naiiritang sabi niya rito.

            Muling kinontak nito ang Governor bago nito inilapit ang cellphone sa kanya. Nagprisinta si Rachelle na hawakan ang cellphone habang kausap niya ang Governor.

             "Ituturo ko lang siya kung papayag kayo sa deal ko," sabi niya rito. "Hindi ninyo siya gagalawin. Ako mismo ang kakausap sa kanya para ibigay niya sa inyo ang mga ebidensyang hawak niya. Susubukan ko din siyang kumbinsihin na manahimik na lang. Bigyan ninyo na lamang siya ng pera para lumayo na lamang siya, at ang kanyang pamilya. Kapag hindi niya tinanggap ang pera, ako na lang ang tutulong sa kanya. Mananahimik na rin ako pagkatapos. Wala kaming pagsasabihan na kayo ang kumidnap sa amin."

            Matagal bago sumagot si Governor.

            "Kung hindi ninyo masisiguro sa akin ang buhay ni Gani, at namin ni Rachelle, wala pala tayong dapat pag-usapan pa, Governor."

            "Okay, sige. We have a deal, Carlo," sabi nito.

             "Pero sasamahan ko lang kayo sa lugar kung pakakawalan ninyo si Rachelle."

              "Mahirap iyon, Carlo. Paano kung kumanta `yang girlfriend mo at masundan kami ng mga pulis?"

              "Hindi magsusumbong si Rachelle. Susunod siya sa kahit anong instruction ko. Palalabasin niya na kidnap-for-ransom syndicate ang kumidnap sa amin at nakatakas kami pero nahabol kami at naiwan ako nang patakas na kami. hindi siya magsusumbong. Hindi din niya alam kung anong lugar itong pinagdalhan ninyo sa amin."

             Tumingin siya sa dalaga;bahagyang siniko siya nito;parang gustong tumutol sa kanyang desisyon.

             "Ayoko," mahinang sabi nito sa kanya. "Ayokong iwan ka dito. Dapat ay kasama kita kapag pinakawalan nila ako."

             Sinaway niya ito sa pamamagitan ng tingin.

             "Hello, Carlo?" untag sa kanya ng Governor.

             "Mukhang ayaw rin naman ng girlfriend mong mauna siyang pakawalan. Ganito na lang ang gawin natin. Bakit hindi mo na lang isama ang girlfriend mo sa paghahatid mo sa amin sa lugar na kinaroroonan ni Gani? Kapag nakumbinsi mo na si Gani na manahimik na lang at ibigay sa amin ang mga ebidensiyang hawak niya na alam naming ilalantad niya kapag pinadalhan siya ng subpoena ng ombudsman, sabay-sabay namin kayong pakakawalan. At hindi mo na uli kami kakantiin sa programa mo."

              Napatingin siya sa dalaga habang tinitimbang sa isip niya kung dapat ba siyang sumang-ayon sa mga inilatag na kondisyon ng gobernador---kapalit ng kanilang kalayaan.

             "Kahit hindi ko kayo kantiin sa programa ko, sa tingin mo ba ay matatapos na ang problema mo, Gov?

             "Kahit sampahan ako ng kaso, madali ko nang magagawan ng paraan iyon kapag nanahimik na si Gani at hindi ka na ri mag-iingay. Mga illegal loggers na lag ang atakihin mo sa programa mo."

            Gustong magpantig ng kanyang tenga. Ganoon na lamang ba iyon? Basta na lamang siya mananahimik kahit alam niyang dapat maparusahan ito?

             Ngunit kaialangan din niyang ikonsidera ang buhay nina Rachelle at Gani. May duda siyang hindi tutupad ang gobernador sa usapan nila. Posibleng kapag naituro na niya ang kinaroroonan ni Gani ay papatayin na sila nito.

             "Do we have a deal?" untag ng gobernador sa kanya.

             "Wala naman akong choice, hindi ba, Gov? hawak mo ang buhay namin. Umaasa lang akong may isang salita ka."

              "Trust me, Carlo," sabi nito. "Pero may isang bagay pa tayong dapat na ayusin. Dahil high-profile ka ang lahat ay nakatutok sa pagkaka-kidnap sa inyo. Para paniwalaan nilang kidnap-for-ransom syndicate ang dumukot sa inyo, hihingi kami ng ransom sa pamilya o sa big bosses mo."

             "Ano?" maang na wika niya.

             "Walang dapat na magduda na kami ang nagpadukot sa inyo. Kaya dapat makipag-negotiate kami sa pamilya ninyo para lumabas na kidnap-for-ransom syndicate nga ang may gawa nito. Para iyon ang paniwalaan ng media at ng mga pulis. Hihingi kami ng two million ransom para magmukhang totoo ang palabas."

             "Nakuha na ninyo ang gusto ninyo sa amin, pagkakaperahan n`yo pa kami?" galit na sabi niya rito.

             "Huwag kang mag-alala, Carlo. Palabas nga lang ito, eh. Ibabalik din namin sa inyo ang ransom money. At walang makakaalam na kami ang nagpadukot sa inyo. Makakaasa ba ako?"

              Hindi agad siya kumibo. Kinalabit niya si Rachelle. Alam niyang gustong sabihin nito na pumayag na siya.

              "Paano naman ako makakasiguro na tutupad kayo sa laaht ng napag-usapan? Na pakakawalan ninyo kami nang buhay at patatahimikin n`yo na kami pagkatapos naming sabihin na kidnap-for-ransom syndicate ang nagpa-kidnap sa amin?" Hindi iya naitago ang galit sa kanyag tinig. Kung hindi lag niya kasama si Rachelle, hindi siya basta na lamang sa gustog mangyari ng gobernador.

             "Magiging magkaibigan na tayo, hindi ba? At masarap akong tumrato ng kaibigan. Nakita mo naman, kinakaibigan ko pati kaaway ko. Kung tutuusin puwedeng itumba na lang kita. Pero binigyan kita ng tsansang mabuhay alang-alang sa girlfriend mo. Makakaasa kang tutupad kami basta tumupad ka din sa mga napag-usapan."

             Humugot siya ng malalim at galit na hininga. Saka niya iniiwas ang kanyang tingin kay Arman.

             Napalingon siya kay Rachelle. Hindi ito dapat masaktan dahil sa kanyang desisyon. "Sige. We have a deal. Sasamahan ko kayo kay Gani ngayon."

            "Makikipag-negotiate muna kami sa pamilya para sa ransom kunwari,"sabi ni Arman.

            "Nasa Canada ang pamilya ko. Huwag n`yo na silang idamay. Ganoon din ang pamilya ni Rachelle. Ako na lang ang magbibigay sa inyo ng number ng mga tao na pupuwede ninyong kontakin."

            "Well, good. Mabuti naman at nakikipag-cooperate ka na."

             Ibinigay niya sa lalaki ang number ng kanyang Uncle Rod pagkatapos nilang mag-usap ng gobernador. Younger brother ng kanyang daddy ang kanyang Uncle Rod.

            Pagkatapos kausapin ito ni Arman ay sila naman ang nag-usap.

           "Carlo, hijo, are you okay?" worried na wika nito sa kanya.

           "Okay na rin kahit na hindi, Uncle Rod. At least, buhay pa kami." Hindi niya gusto na pati ito ay madamay pa s gulo. Ngunit kung iyon ang makakapagligtas sa kanila ni Rachelle, aayon na muna siya sa gustong mangyari ni Governor Matilde. Saka na siya magpapaliwanag dito kapag tapos na ang lahat.

            Nakipagnegosasyon si Arman dito. Tatawagan na lamang daw ito ni Arman para ibigay ang instructions dito kung saan dadalhin ang ransom money.

Kaugnay na kabanata

  • Admiring Him From Afar    CHAPTER SEVEN

    PINAGMASDAN ni Rachelle si Carlo na tila malalim ang iniisip pagkatapos nitong makipag-usap kay Arman at sa Uncle Rod nito. Alam niyang labag sa loob at prinsipyo nito ang sumunod sa kahat ng mga demands ng gobernador. Alam niyang dahil sa kanya ay napiitan na rin to na sumunod. "I'm sorry, hindi ka na dapat nadamy pa dito," he said in a velvety voice. Gusto nyang muling sumandal sa dibdib nito. Nabasa yata nito ang nasa isip niya, kaya idinikit nito ang noo nito sa kanyang noo. At sapat na ang gesture nitong iyon upang panandaliang mapawi ang kanyang takot. Kung hindi lamang nakaposas ito, sa malamang ay niyakap na siya nito. "Mukhang magtatagal pa tayo rito," matamlay na wika niya. Ayaw na sana niya na umiyak pa ngunit hindi pa rin niya mapigilan iyon kapag natatakot siya. "I know Uncle Rod. Kapag sinabi niyang gagawin niya ang isang bagay ay gagawin nga niya ito. Katulad din siya ng father ko." Hindi niya tinatawaran ang kakayahan ng pami

    Huling Na-update : 2023-05-15
  • Admiring Him From Afar    CHAPTER EIGHT

    KAPWA sila natigilan. Agad lumayo si Rachelle sa kama ni Carlo. Tumutok ng tingin ni Marga sa kanya. At hindi niya maintindihan ang kalakip na emosyon ng mga tingin nito. Pagkatapos ay saka lang ito lumapit kay Carlo. Agad itong yumakap sa binata, at siniil ito ng halik. Iniiwas niya ang kanyang tingin mula sa mga ito dahil hindi niya gusto ang naging reksiyon ng kanyng damdamin sa nakita niyang tagpo. Pakiramdam niya ay sinadya ni Marga na halikan si Carlo sa kanyang harap. Nang mapansin niya na hindi pa rin naghihiwalay ang dalawa ay balak na sana niyang lumabas ng kuwarto ngunit narinig niyang tinawag siya ni Carlo. "Rachelle, wait!" Huminto siya sa paglabas. "I want you to meet Marga," sabi nito. Isang ngiti ang ibinigay niya rito. Saka siya alanganin na lumapit dito at inilahad niya ang kanyang kamay sa babae. "So, you're Rachelle," anito nang tanggapin nito ang kanyang kamay. Mahigpit na mahigpit ang pagkak

    Huling Na-update : 2023-05-16
  • Admiring Him From Afar    CHAPTER NINE

    RACHELLE was shocked at first. Hindi niya nakuhang kumilos. Carlo's kiss was very intense. Pakiramdam niya ay unti-unting nauubos ang kanyang lakas. Halos hindi siya makahinga sa sobrang higpit ng pagkakayakap nito sa kanya. Na tila ba takot itong mawala siya sa mga braso nito. Ngunit hindi bale nang hindi siya makahinga. Kung mamamatay man siya sa ganoong paraan, at least, namatay siya sa mga bisig nito. Ngunit nang bigla niyang maalala si Marga ay malakas niyang itinulak ito. Ngunit parang wala itong balak na bitawan siya at pakawalan ang kanyang mga labi. At kahit subukan niyang itulak ang inata ay nawawalan ng saysay ang effort niya. Tuloy ay nagtatalo ang kanyang kalooban. She loved what he was doing. Ngunit sinasabi ng isip niya na hindi dapat nangyayari iyon. Habol na niya ang kanyang hininga nang pakawalan ng lalaki ang kanyang mga labi.. Ngunit nanatili pa rin itong nakayakap sa kanya. Neither of them spoke. Nanatiling nag-uusap ang kanilang mga mata. Inabot nito ang f

    Huling Na-update : 2023-05-17
  • Admiring Him From Afar    CHAPTER TEN

    THE NEXT four weeks were the happiest moments in Rachelle's life. Masaya sila ni Carlo dahil damang-dama niya ang pagmamahal nito. Masyadong nag-alala ito sa kanya. Nang bumalik siya sa production ng Exposed ay halos ginawa na nitong regular ang paghahatid sa kanya; kung hindi man ay kay Mandy siya ipinahahatid nito. Pauwi na sila nang gabing iyon galing ng TV station, sakay ng kotse nito at masayang nagkukuwentuhan, nang makatanggap ito ng tawag mula kay Marga. Nagtaka siya kung bakit parang tinamaan ito ng kidlat habang kausap nito ang babae. "Carlo... why? Is there something wrong?" "May importante raw sasabihin sa akin si Marga. Gusto raw niyang magkita kami," "Why do you look so worried?" "Saka ko na sasabihin sa iyo pagkatapos naming mag-usap. Ayokong mag-worry ka," seryosong sabi nito. Hindi na niya kinulit ito. Ngunit hindi niya maintindihan ang kabang nadarama niya. "AYOKO na sanang guluhin pa kayo ni Rachelle," simula ni Marg

    Huling Na-update : 2023-06-25
  • Admiring Him From Afar    EPILOGUE

    SAKAY sila ng PAL plane patungo sa Paris. Doon ang unang destinasyon nila sa kanilang one-month honeymoon. Kahapon ay ikinasal sila, isang taon pagkatapos silang ma-kidnap. Tumatakbo na ang kaso ni Governor Matilde at lalong nadidiin ito. Nasa ilalim na ng witness protection program si Gari de los Santos. At ang kanyang groom ay ipinagpapatuloy ang programa nito. Mas maingat na nga lang ito---alang-alang daw sa kanya. "Kailangan pa tayong ma-kidnap para mapansin kita at ma-realize kong you are a gem. You are so special," sabi nito nang kabigin siya nito. "May maganda ring naidulot ang pagkaka-kidnap sa atin, hindi ba?" "Ano?" ''Nangyari siguro lahat ng iyon para makilala ko ang babaeng gusto ko talagang makasama for the rest of my life, the one I want to grow old with, the one who would welcome me with a warm embrace every time I come home at the end of the day, who would have dinner with me, and who would give me a relaxing massage after

    Huling Na-update : 2023-06-25
  • Admiring Him From Afar    CHAPTER ONE

    RACHELLE was very excited. No, that was an understatement. Hindi lang excitement ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Finally, she was going to meet Carlo Dela Cruz in person--- her biggest crush, the man in her fantasies. Nakatakda kasing interview-hinniya ang sikat na broadcaster. Pagkatapos ng matagal-tagal ding pagsisikapniyang makakuha ng appointment sa secretary-assistant nitong si Mandy upang mapagbigyan siya para sa intervieway napasagot din niya ng "oo" ang huli. Hindi niya alam kung nakulitan lang ito sa kanya o nakuha ito sa mga papungay niya ng mga mata. Ang interview ay para sa You, isang bagong lifestyle magazine kung saan contributor at features writer siya. Ang kanyang tita Mel, younger sister ng kanyang mommy, ang publisher. And since she was a MassCom graduate, inalok siya nitong tulungan niya ito sa naturang magazine. Three months pa lamang tumatakbo ang magazine na lumalabas nang bimonthly. Paborito niyang i-feature ang mga tao

    Huling Na-update : 2023-03-21
  • Admiring Him From Afar    CHAPTER TWO

    INILAGAY ni Rachelle ang isang kopya ng picture nila ni Carlo na ini-edit ni Dani sa isang magandang frame na binili pa niya sa Boracay. Saka niya ipinatong iyon sa ibabaw ng kanyang side table. She could not help but smile while looking at the product of a harmless fantasy. Siya raw ang girlfriend ni Carlo, ang babaeng nakatakdang pakasalan nito. Unang gabi pa lang ng picture na iyon sa bedside table niya ay nanaginip na siya. Na-trap daw sila sa isang gumuhong building katulad ng napanood niya sa TV. Naging very close daw sila, nagtulungan for their survival. And eventually ay may na-develop na magandang pagtitinginan sa kanilang dalawa. Nagising siya nang nakangiti. Alam niyang napapaligiran ang binata ng naggagandahang babae from all walks of life--- mga artista, ramp and commercial models, socialites, beauty queens, at ng naggagandahang colleagues nito sa mundo ng broadcasting. Of course, hindi naman niya gustong maliitin

    Huling Na-update : 2023-03-22
  • Admiring Him From Afar    CHAPTER THREE

    MAYAMAYA pa ay nagyaya na ang binata na umakyat na sila sa bahay. Magkaagapay sila na pumasok. Nasa ikatlong baitang na sila ng hagdan nang sumabit ang paa nito. Agad niya dinaluhan ito para alalayan. Ngunit sa halip na maalalayan niya ito, sa tangkad nito ay siya pa ang natangay nito pabalik sa mga lower steps. Tuluyan na silang nahulog sa mismong landing ng hagdan. Napatihaya siya sa baldosa. At napaibaabw ang binata sa kanya. Tuloy ay napatitig siya sa mga mata nito. Matagal sila sa ganoong ayos. Pang may kung anong sinasabi ang mga mata nito. Hindi siya kumukurap sa pagkakatitig niya rito. They were very close. Halos madinig na niya ang tibok ng puso nito. O pintig ng sarili niyang puso ang naririnig niya? Langhap na langhap din niya ang hininga nito. Nakapagtatakang nangingibabaw pa rin ang mabangong amoy niyon kaysa sa amoy ng Chivas Regal na ininom nito. The warm scent of him wafter through her;his now fami

    Huling Na-update : 2023-03-22

Pinakabagong kabanata

  • Admiring Him From Afar    EPILOGUE

    SAKAY sila ng PAL plane patungo sa Paris. Doon ang unang destinasyon nila sa kanilang one-month honeymoon. Kahapon ay ikinasal sila, isang taon pagkatapos silang ma-kidnap. Tumatakbo na ang kaso ni Governor Matilde at lalong nadidiin ito. Nasa ilalim na ng witness protection program si Gari de los Santos. At ang kanyang groom ay ipinagpapatuloy ang programa nito. Mas maingat na nga lang ito---alang-alang daw sa kanya. "Kailangan pa tayong ma-kidnap para mapansin kita at ma-realize kong you are a gem. You are so special," sabi nito nang kabigin siya nito. "May maganda ring naidulot ang pagkaka-kidnap sa atin, hindi ba?" "Ano?" ''Nangyari siguro lahat ng iyon para makilala ko ang babaeng gusto ko talagang makasama for the rest of my life, the one I want to grow old with, the one who would welcome me with a warm embrace every time I come home at the end of the day, who would have dinner with me, and who would give me a relaxing massage after

  • Admiring Him From Afar    CHAPTER TEN

    THE NEXT four weeks were the happiest moments in Rachelle's life. Masaya sila ni Carlo dahil damang-dama niya ang pagmamahal nito. Masyadong nag-alala ito sa kanya. Nang bumalik siya sa production ng Exposed ay halos ginawa na nitong regular ang paghahatid sa kanya; kung hindi man ay kay Mandy siya ipinahahatid nito. Pauwi na sila nang gabing iyon galing ng TV station, sakay ng kotse nito at masayang nagkukuwentuhan, nang makatanggap ito ng tawag mula kay Marga. Nagtaka siya kung bakit parang tinamaan ito ng kidlat habang kausap nito ang babae. "Carlo... why? Is there something wrong?" "May importante raw sasabihin sa akin si Marga. Gusto raw niyang magkita kami," "Why do you look so worried?" "Saka ko na sasabihin sa iyo pagkatapos naming mag-usap. Ayokong mag-worry ka," seryosong sabi nito. Hindi na niya kinulit ito. Ngunit hindi niya maintindihan ang kabang nadarama niya. "AYOKO na sanang guluhin pa kayo ni Rachelle," simula ni Marg

  • Admiring Him From Afar    CHAPTER NINE

    RACHELLE was shocked at first. Hindi niya nakuhang kumilos. Carlo's kiss was very intense. Pakiramdam niya ay unti-unting nauubos ang kanyang lakas. Halos hindi siya makahinga sa sobrang higpit ng pagkakayakap nito sa kanya. Na tila ba takot itong mawala siya sa mga braso nito. Ngunit hindi bale nang hindi siya makahinga. Kung mamamatay man siya sa ganoong paraan, at least, namatay siya sa mga bisig nito. Ngunit nang bigla niyang maalala si Marga ay malakas niyang itinulak ito. Ngunit parang wala itong balak na bitawan siya at pakawalan ang kanyang mga labi. At kahit subukan niyang itulak ang inata ay nawawalan ng saysay ang effort niya. Tuloy ay nagtatalo ang kanyang kalooban. She loved what he was doing. Ngunit sinasabi ng isip niya na hindi dapat nangyayari iyon. Habol na niya ang kanyang hininga nang pakawalan ng lalaki ang kanyang mga labi.. Ngunit nanatili pa rin itong nakayakap sa kanya. Neither of them spoke. Nanatiling nag-uusap ang kanilang mga mata. Inabot nito ang f

  • Admiring Him From Afar    CHAPTER EIGHT

    KAPWA sila natigilan. Agad lumayo si Rachelle sa kama ni Carlo. Tumutok ng tingin ni Marga sa kanya. At hindi niya maintindihan ang kalakip na emosyon ng mga tingin nito. Pagkatapos ay saka lang ito lumapit kay Carlo. Agad itong yumakap sa binata, at siniil ito ng halik. Iniiwas niya ang kanyang tingin mula sa mga ito dahil hindi niya gusto ang naging reksiyon ng kanyng damdamin sa nakita niyang tagpo. Pakiramdam niya ay sinadya ni Marga na halikan si Carlo sa kanyang harap. Nang mapansin niya na hindi pa rin naghihiwalay ang dalawa ay balak na sana niyang lumabas ng kuwarto ngunit narinig niyang tinawag siya ni Carlo. "Rachelle, wait!" Huminto siya sa paglabas. "I want you to meet Marga," sabi nito. Isang ngiti ang ibinigay niya rito. Saka siya alanganin na lumapit dito at inilahad niya ang kanyang kamay sa babae. "So, you're Rachelle," anito nang tanggapin nito ang kanyang kamay. Mahigpit na mahigpit ang pagkak

  • Admiring Him From Afar    CHAPTER SEVEN

    PINAGMASDAN ni Rachelle si Carlo na tila malalim ang iniisip pagkatapos nitong makipag-usap kay Arman at sa Uncle Rod nito. Alam niyang labag sa loob at prinsipyo nito ang sumunod sa kahat ng mga demands ng gobernador. Alam niyang dahil sa kanya ay napiitan na rin to na sumunod. "I'm sorry, hindi ka na dapat nadamy pa dito," he said in a velvety voice. Gusto nyang muling sumandal sa dibdib nito. Nabasa yata nito ang nasa isip niya, kaya idinikit nito ang noo nito sa kanyang noo. At sapat na ang gesture nitong iyon upang panandaliang mapawi ang kanyang takot. Kung hindi lamang nakaposas ito, sa malamang ay niyakap na siya nito. "Mukhang magtatagal pa tayo rito," matamlay na wika niya. Ayaw na sana niya na umiyak pa ngunit hindi pa rin niya mapigilan iyon kapag natatakot siya. "I know Uncle Rod. Kapag sinabi niyang gagawin niya ang isang bagay ay gagawin nga niya ito. Katulad din siya ng father ko." Hindi niya tinatawaran ang kakayahan ng pami

  • Admiring Him From Afar    CHAPTER SIX

    HINDI nila namalayan ni Rachellena umaga na. Nakakarinig na sila ng tilaok ng mga manok. Four-thirty na, ayon sa kanyang wristwatch. Ni hindi sila nakaramdam ng antok dahil ginugol nila ang mga nagdaang oras sa pag-uusap ng tungkol sa kung anu-anong topic. Nilibang niya ito upang kahit pansamantala ay maibsan ang takot nito. "Why don't you take a nap?" wika nito sa kanya. Nakaupo lang siya nang pasandal sa kama; nasa gilid ito. "Ayokong matulog," anito. "Baka paggising ko, wala ka na naman." "Hindi ako aalis dito. Try to get some sleep," sabi niya. "Don't worry babantayan kita habang natutulog ka." "Umidlip ka na rin," sabi nito. "Mahirap ang wala kang tulog. Manghihina ka at hindi ka makakapag-isip ng tama." "Okay, sige, dito na lang ako sa lapag," aniya. "Malaki naman itong kama, kasya tayo rito," anito. "Huwag mo akong intindihin. Kaya ko nang mamaluktot dito." Nahiga na ito. Siya na

  • Admiring Him From Afar    CHAPTER FIVE

    HINDI maipaliwanag ni Rachelle ang nararamdaman niya nang makita niya si Carlo. Mahigit isang oras lang na hindi niya nakita ito ngunit parang isang taon na silang hindi nagkita. Nakadama siya ng matinding awa rito nang makita niya ang mga pasa at putok na labi nito. Nakatali pa rin ang mga kamay nito sa likod nito. Gusto niyang sugurin ito ng yakap. Ngunit bigla rin siyang natigilan. May karapatan ba siyang gawin iyon? Tumaas ang mga kamay niya ngunit hindi niya alam kung paano hahawakan ito. Nagdadalawang-isip siyang hindi niya maunawaan. Pakiramdam niya, kapag dumaiti ang kanyang kamay rito ay hindi na niya matitiis na hindi yakapin ito. Ngunit hindi na rin niya napigilan ang kanyang sarili. Paglap[it niya ay nayakap na rin niya ito dahil sa matinding awa. "Ano'ng ginawa nila sa iyo?" sabi niya habang sinisipat niya ang mga pasa nito. Naisubsob niya ang kanyang mukha sa dibdib nito. Hindi niya napigilan ang maiyak. "

  • Admiring Him From Afar    CHAPTER FOUR

    LALONG sinagilahan ng takot si Rachelle nang malaman niyang nag-iisa siya sa pinagdalhan sa kanya pagkatapos siyang tanggalan ng piring. Bakit pinaghiwalay sila ni Carlo? Iginala niya ang kanyang tingin sa paligid. Nasa loob siya ng isang tila opisina. May dalawang lumang desks, mga silya at swivel chairs na may kalumaan narin. May isang ceiling fan na puro alikabok at filing cabinet na yari sa bakal. Hindi kalakihan ang opisina; may maliit na bintanang may grills ngunit mataas iyon. Puro alikabok na rin ang mga salamin niyon. "Dios ko, bakit kami dinukot? For ransom?" Naalala niya ang mga death threats na natatanggap ni Carlo. Ibig sabihin, posibleng nadamay lang siya at si Carlo lamang talaga ang target ng mga kidnappers. Ano kaya'ng nangyayari kay Carlo? Baka binugbog na siya, pag-aalala niya. At siya, ano ang gagawin sa kanya ng kanilang mga kidnappers? Kung kasama sana niya si Carlo, baka lumakas pa ng kaunti ang kanyang l

  • Admiring Him From Afar    CHAPTER THREE

    MAYAMAYA pa ay nagyaya na ang binata na umakyat na sila sa bahay. Magkaagapay sila na pumasok. Nasa ikatlong baitang na sila ng hagdan nang sumabit ang paa nito. Agad niya dinaluhan ito para alalayan. Ngunit sa halip na maalalayan niya ito, sa tangkad nito ay siya pa ang natangay nito pabalik sa mga lower steps. Tuluyan na silang nahulog sa mismong landing ng hagdan. Napatihaya siya sa baldosa. At napaibaabw ang binata sa kanya. Tuloy ay napatitig siya sa mga mata nito. Matagal sila sa ganoong ayos. Pang may kung anong sinasabi ang mga mata nito. Hindi siya kumukurap sa pagkakatitig niya rito. They were very close. Halos madinig na niya ang tibok ng puso nito. O pintig ng sarili niyang puso ang naririnig niya? Langhap na langhap din niya ang hininga nito. Nakapagtatakang nangingibabaw pa rin ang mabangong amoy niyon kaysa sa amoy ng Chivas Regal na ininom nito. The warm scent of him wafter through her;his now fami

DMCA.com Protection Status