Share

CHAPTER TWO

Author: Mystery Girl
last update Last Updated: 2023-03-22 01:30:40

INILAGAY ni Rachelle ang isang kopya ng picture nila ni Carlo na ini-edit ni Dani sa isang magandang frame na binili pa niya sa Boracay. Saka niya ipinatong iyon sa ibabaw ng kanyang side table.

             She could not help but smile while looking at the product of a harmless fantasy. Siya raw ang girlfriend ni Carlo, ang babaeng nakatakdang pakasalan nito.

             Unang gabi pa lang ng picture na iyon sa bedside table niya ay nanaginip na siya. Na-trap daw sila sa isang gumuhong building katulad ng napanood niya sa TV. Naging very close daw sila, nagtulungan for their survival. And eventually ay may na-develop na magandang pagtitinginan sa kanilang dalawa.

            Nagising siya nang nakangiti.

           Alam niyang napapaligiran ang binata ng naggagandahang babae from all walks of life--- mga artista, ramp and commercial models, socialites, beauty queens, at ng naggagandahang colleagues nito sa mundo ng broadcasting.

          Of course, hindi naman niya gustong maliitin ang kanyang sarili ngunit alam niya ang hangganan ng ilusyon at realidad.

          Lalo na at malamang na may girlfriend na ito.

HALOS magiba ang pinto ng kanyang kuwarto sa lakas ng katok ni Nancy kinabukasan ng umaga.

           "Ano ka ba naman? Natutulog pa ang Presidente ng Pilipinas, nambubulahaw ka na. Saan ba ang sunog?" wika niya rito.

           "Gaga! Walang sunog. Tingnan mo `tong nasa tabloid." Halos idukdok nito sa kanyang mukha ang hawk nitong tabloid.

           "Si Christopher Reeves, patay na? Dios ko, idol ko pa naman `yan since bata pa ako."

           "Hindi `yan. `Eto," sabi nito, itinuro ang isang picture.

            Nanlaki ang kanyang mga mata. Pamilyar sa kanya ang pictue. "Oh, my Gosh!"

            Ang picture na ini-edit lamang ni Dani para magmukhang magkasama sila ni Carlo.

            "Dios ko, bakit na-publish ito?" tanong kaagad niya.

             "`Yan ang malaking tanong. At tingnan mo ang title ng news article. 'The Lucky Lady Who Captured Carlo Dela Cruz's Heart."

             Rachelle Pumaras, a neophyte jouranlist, is the subject of envy of many women today. Women who dream of capturing the heart of the nation's most admired and sought-after bachelor of Philippine television---Carlo Dela Cruz, tagged as the new " crush ng bayan" is always seen with this twenty-three-year-old chinita lass. Dela Cruz is very quiet about his private life. More so about his love life. Although he cannot expect admittance from the handsome broadcaster because he is very silent when it comes to his personal life, the picture will speak for itself. And the sparkle in his eyes is proof enough that this beautiful journalist is his source of inspiration. So, eat your hearts out, ladies. Carlo's heart is already taken, sabi sa news item na nasa ibaba ng picture nila ng binata.

             "Paanong lumabas ang picture na ito sa diyaryo?"

             "Malamang na nagkaroon ng leak," sabi ng kanyang kaibigan. "May isang makating kamay na nagkalat niyang picture na `yan at nakita ng isang super resourceful na gossip writer. Naisip siguro niyang magandang material, pampataas nga naman ng circulation. Kaya kahit hindi kumuha ng confirmation, hayan, ginawan ng kuwento. Alam nga naman nilang maraming interesado sa love life ni Carlo Dela Cruz."

             Natampal niya ang kanyang noo. "Nakakahiya kay Carlo. Ano na lang ang sasabihin niya?"

TINAWAGAN  kaagad niya ang editor ng tabloid ngunit naka-off ang cellphone nito. Hindi tuloy niya makuha ang number ng mismong writer na sumulat sa article.

            Ang naisip niya ay harapin si Dani, ang photographer na gumawa at nag-edit ng picture nila ni Carlo.

           "Hindi ba, sabi ko naman sa iyo, huwag mong ipapakita sa iba ang picture na iyon?" sumbat niya rito.

           "Sa girlfriend ko lang naman ipinakita iyon, eh. Hindi ko pa nga sinadyang makita niya," sabi nito. "May crush din kasi siya kay Carlo Dela Cruz kaya nang makita niya ang picture ni Carlo, hayun, kinupit yata."

           "Eh, paano lumabas iyon sa tabloid?"

            Sandaling natahimik ito. Parang may kumislap sa isip nito. "Oo nga pala. May kaibigan nga palang nagta-trabaho sa tabloid na `yan ang girlfriend ko," anito.

           "That's it!" sabi niya. "Malamang ay ibinigay niya sa kaibigan niyang iyon ang picture na ipinakita mo sa kanya. At dahil Carlo Dela Cruz iyon, ginawan na ng story. Nakakahiya kay Carlo."

           "Pasensya na, Rachelle," sabi nito. "Hindi ko sinasadya. Ayaw mo `yon, biglang sikat ka? The lady who finally captured the heart of Carlo Dela Cruz," natataang panunukso nito.

"IS IT true taht you're seeing this Rachelle, Carlo?" galit na tanong ng kanyang girlfriend  nang tawagan siya nito. Nakita raw nito ang picture niya at ni Rachelle sa isang widely circulated tabloid, at nabasa ang tungkol sa balita.

           "Of course not!" bulalas niya.

           "Do you know that Rachelle?"

           "Yes, I do. Pero once lang kaming nagkita. Noong interview-hin niya ako for You magazine. After that ay hindi na kami nagkita uli.

           "Saan nanggaling ang balitang ito? At ang picture n`yo?"

            "I don't know," sabi niya.

           "Nakikita raw kayong magkasama ng babaeng ito. Baka naman kasama mo siya sa Bangkok nang mag-taping kayo roon?"

            "Hon, don't you trust me? Puro taga-production lang ang kasama namin nang mag-tape kami ng isang episode for Exposed sa Bangkok three months ago. Kailan ko lang nakilala ang Rachelle Pumaras na `yan."

            "Kailangan mo pa ring i-explain sa akin ang picture na `yan. Alam kong maraming babaeng nagpi-flirt sa iyo at baka nate-tempt ka nang patulan sila."

            Sa kabila ng kanyang denial ay ramdam pa rin niya ang pagseselos at pagdududa nito. Possessive pa naman ito kaya hindi niya gustong binibigyan ito ng dahilan para magselos dahil iyon ang pinagmumulan ng kanilang petty quarrels.

           That gossip in the tabloid was giving him a headache.

           Hindi pa niya nakikita ang picture nila sa nasabing tabloid nang tawagan siya ng kanyang girlfriend kaya hindi pa niya maipaliwanag dito kung paano nagkaroon ng ganoon.

           Ngunit nang makita niya iyon, naisip kaagad niya na maaaring hindi authenticated ang picture at posibleng edited lamang iyon throug computers.

          Maging ang background ng litrato ay edited dahil nadala sila nito sa Bangkok. Yes, he had been to Bangkok several times pero hindi niya kasama si Rachelle Pumaras. Paano sila magkakaroon ng picture na magkasama roon? Kahit sinong makakita ay magdududang authenticated ang picture at iisipin ngang may relasyon sila ni Rachelle Pumaras.

         Iyon mismo ang dahilan kaya hanggang maaari ay gusto pa rin niyang panatilihin ang kanyang privacysa kabila ng pagiging TV personality niya. Ayaw niyang maging laman ng mga tsismis na katulad niyon. Ngunit mukhang kahit ano ang gawin niya ay hindi maiiwasan iyon. That was the price of being well-known. Naiinis lang siya dahil pati ang relasyon nila ni Marga ay apektado.

         Tuloy ay hindi niya maiwasang mainis sa iresponsableng writer na sumulat ng tsismis. They had to explain that to him. Gusto niyang malaman kung sino ang may pakana niyon kahit pa edited lamang ang picture. Tinawagan kaagad niya ang entertainment editor ng tabloid nang araw ding iyon.

         "Sabi ng writer naming sumulat ng tungkol doon, Mr. Dela Cruz, ibinigay raw sa kanya ng kaibigan niyang close friend ni Rachelle Pumaras ang picture na `yan. At si Rachelle daw mismo ang nagsabi sa kanya na kayo na ngang dalawa. Nag-propose ka na nga raw ng marriage kay Rachelle."

          "Hell! That's not true. I want to talk to the writer.'

          Ibinigay naman ng kanyang kausap ang cellphone number ng writer ngunit naka-off iyon nang tawagan niya ito. Hindi niya alam kung umiiwas lang talaga ito. Naisip niyang puntahan na lamang si Rachelle. She had to explain herself to him.

NAGLILIGPIT na si Rachelle ng kanyang mga gamit sa opisina dahil siya na lamang ang tao roon nang gabing iyon dahil may tinapos pa siya nang bigla siyang magulat sa pagsungaw ng isang pamilyar na bulto sa pinto.

           Si Carlo Dela Cruz.

           At mukhang galit ito, may hawak na diyaryo sa isang kamay.

          Kokomprontahin yata siya nito dahil sa lumabas na tsismis sa tabloid.

          Matagal bago siya nakakilos at nakapagsalita. "M-Mr. Dela Cruz--- Hi!"

          "What do you know about this?" tanong nito sa kanya. Itinaas nito ang diyaryo habang palapit ito sa kanya.

           "I tried to call you up this morning pero hindi ko ma-contact si Mandy. Naka-off yata ang cellphone niya."

           "Nakausap ko ang writer at sinabi niyang ikaw raw ang nagsabing mag-on tayo."

           "No!' maagap na kaila niya. "Hindi ko nga alam kung paano lumabas ang tsismis na `yan."

           "But how can you explain the picture?"

           Umurong ang kanyang dila. Paano ba siya mag-e-explain dito na hindi magiging obvious ditong big crush niya ito? Nakakahiya talaga. pakiramdam niya ay kakainin siya nito nang buo.

           Habang nakatayo sila ay sinabi niya ritong ang photographer ng You ang may pakana ng edited picture na iyon.

           "At bakit naman naisip niyang gawin iyon? Who gave him the idea?" kunot pa rin ang noo nito.

           Sabi na nga ba niya at ikagagalit nito ang paglabas ng picture na iyon. Masungit pala ito, sa loob-loob niya. Mula ngayon ay kalilimutan na niyang crush niya ito. "Nakatuwaan lang niya, Mr. Dela Cruz."

            Kung hindi dahil sa picture na `yan, walang lalabas na tsismis tungkol sa atin. Alam mo ba na inaway ako ng girlfriend ko dahil diyan?"

            Natigilan siya. So, inaamin na nito ngayong may girlfriend na ito. At bagama't mas nakapagtataka kung wala, lumaylay pa rin ang kanyang balikat sa kanyang narinig. "I'm sorry, Mr. Dela Cruz. Pero iningatan naman namin na hindi mag-leak ang picture na `yan," sabi niyang halos tumiklop na siya sa harap nito.

            "Baka naman kumalat na `yan sa internet?" anito.

             "Hindi, Mr. Dela Cruz. Don't worry. And I really am sorry.... Kung gusto mo, ako na ang mag-e-explain sa girlfriend mo."

            "Don't bother," sabi nito. "Gusto ko na lang sana na mamatay ang tsismis tungkol sa atin. Hindi ako showbiz personality kaya ayokong nagiging laman ng mga rumors na ganyan," sinlamig ng yelo ang tonong sabi nito.

           At pagkatapos nitong magpaalam ay tumalikod na ito.

          Dismayadong naibagsak na lamang niya sa isang upuan ang kanyang sarili. "Pagalitan ba naman ako?" himutok niya. "Wala naman akong kasalanan, ah! Nagpunta pa rito para lang sermunan ako."

          Padabog na kinuha niya ang kanyang mga gamit. Imagine, ang biggest crush pa niya ang nagalit sa kanya?

         Halos wala nang tao sa buong building paglabas niya ng kanilang opisina. Naglakad na siya patungo sa sa hintayan ng mga sasakyan.

         Nang biglang may sasakyang lumabas mula sa parking area.

        Hindi niya inaasahang hihinto iyon sa tapat niya at bababa ang salamin ng intana. Si Carlo Dela Cruz ang nasa driver's seat.

        "Mukhang mahihirapan ka nang kumuha ng taxi rito dahil late na," anito nang sumungaw ang ulo nito sa bintana.

         Pakialam mo? Problema ko na `yon, sasabihin sana niya.

        "Saan ba ang uwi mo?"

        "Sa Multinational Village," sagot niya.

        "Sa Makati ako pero ihahatid na kita. Delikado sa babae ang umuwing nag-iisa."

        Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. Pagkatapos siyang puntahan nito at sitahin ay ihahatid siya nito ngayon? Sino ang may sabi na babae lang ang unpredictable? 

        Biglang nawala nag kanyang tampo rito. Hindi na siya nagpakipot pa kahit parang gusto niyang gawin iyon. Sumakay na siya sa kotse nito. 

        "Bakit hindi ka sinusundo ng boyfriend mo? It's almost ten. Delikado na para sa iyo ang nag-iisang umuuwi."

       "Wala akong boyfriend,Mr. Dela Cruz," sabi niya.

        "Oh, I see. Pero napakasipag mo naman. Ikaw na lang ang tao sa opisina n`yo."

        "Ayoko kasi na mag-iwan pa ng unfinished work. Kaya kahit abutin pa ako ng midnight, okay lang."

       "Ang mga ganyang klase ng tao ang gusto kong katrabaho. Wala ka bang balak na magtrabaho sa TV?"

       "Actually, isa sa dreams ko `yan. Gusto ko sanang maging Korina Sanchez in the future."

        "MassCom graduate ka ba?"

         "Oo."

         "Bakit hindi ka mag-audition sa station namin? Malay mo, mabigyan ka ng break na maging Korina Sanchez? Kahit magsimula ka as a field reporter." Hindi na galit ang tono nito. 

          "Kanino kaya ako puwedeng lumapit?" tanong niya rito.

           "Kung talagang interesado ka, magpunta ka sa station namin. Look for me at kakausapin natin ang head ng news and current affairs department to give you an audition. Baka matulungan ka iyang matupad ang pangarap mong maging TV journalist."

            "Talaga?" Hindi siya makapaniwalang ito pa ang mag-aalok ng tulong sa kanya. Hindi naman pala talaga ito suplado, sa loob-loob niya.

              Nang makarating sila sa kanila ay muli niyang binanaggit rito ang tungkol sa issue sa tabloid.

              "Sorry na ung inaway ka pala ng girlfriend mo dahil sa tsismis na `yan. Hindi ko pa rin nako-confront ang iresponsableng writer na sumulat niyon."

               "Let's just forget about it. My apologies kung medyo nagtaas ako boses kanina. Hindi naman ako talaga ako actually galit."

               "Kung gusto ko, ako ang mag-e-explain sa girlfriend mo."

               ''Never mind. Ako na ang magsasabi sa kanya ng ipinaliwanag mo kanina," sabi nito.

               Inimbita niya itong pumasok muna sa loob ng bahay ng kanyang tita kung saan siya nag-i-stay.

               "Nakakahiya naman. Si Carlo Dela Cruz pa ang naghatid sa akin, hindi ko man lang napainom kahit coffee."

                "Hindi ko kasi matiis na iwan kang mag-isa roon. Madalang na ang tao roon at babae ka pa naman."

                "Are you sure, kahit juice, ayaw mo?"

               "Don't bother. Nagmamadali na rin ako,eh."

               "Sige, thanks uli," sabi niya at inihatid pa niya ito ng tanaw habang palayo ito.

               This is my night. Inihatid ako ni Carlo Dela Cruz! kinikilig na sabi niya habang papasok sa loob ng gate nila.

TWO DAYS later ay nagpunta siya sa TV station kung saan nagtatrabaho si Carlo. Gaya ng ipinangako nito sa kanya ay ipinakilala siya nito kay Jake, ang head ng news and current affairs division. Binigyan siya nito ng audition upang makita nito kung puwede siyang isabak bilang field reporter.

               Nanginginig ang kanyang kamay at boses habang hawak niya ang babasahin niyang news item. Iyon ang kanyang material for audition.

               Ngunit mukhang palpak ang dating niya dahil obvious na nanginginig siya. Paano namang hindi siya manginginig, pinapanood siya ni Carlo?

                "Hindi puwedeng ganyan, Rachelle," sabi nito. "When you deliver news, you have to be lively, energetic. It's news, hindi ka nagde-deliver ng dialogue sa isang soap opera."

                Sinubukan uli niya. Ngunit nagkakanda-buckle-buckle siya.

                "It's okay,' sabi ni Carlo sa kanya pagkatapos ng kanyang audition. "Lahat naman ng nagsisimula, dumaraan sa ganyan.  All you need is practice kung talagang gusto mong maging newscaster. Kung okay lang sa iyo, mag-start ka muna as PA or news writer. Malaki ang maitutulong niyon para unti-unting matutuhan mo ang mga dapat mong malaman. Nakitaan ka naman namin ng potential, kahit kaunti. At `yong kaunti na iyon ang palalakihin mo para maabot mo ang gusto mo, okay?"

                "Thanks, Mr. Dela Cruz." Masayang-masaya siya sa ipinapakita nitong suporta. And that made her smile even more. "Willing naman akong mag-start kahit PA lang muna."

                "Good. Kung okay lang sa iyo mag-start as PA, puwede kitang isama sa staff ng Exposed. Tutal, ako ang producer ng program. Kailangan talaga namin ng additional staff. Magsimula ka muna bilang staff. It will help you alot," sabi nito. "Malalaman mo ang pasikut-sikot kung paano gumagalaw ang mga tao sa newsroom."

              "Noon ay hindi naman siya ganoon ka-enthusiastic na makapasok sa television. Mas gusto niyang magtayo ng isang advertising agency. Pero kung may opportunityna kakatok, why not? Kaya nagtataka siya sa kanyang sarili dahil biglang nagbago pati ang kanyang mga plano tungkol sa kanyang career. Ganoon ba ang epekto ni Carlo sa kanya?

EXCITED siya sa pagsisismula niya bilang PA sa Exposed. Nagpaalam siya sa mga aksama niya sa You at tinapos niya ang mga dapat tapusing trabaho bago siya nagsimula sa Exposed.

              Unang sabak niya sa trabaho sa program ni Carlo ay nag-location kaagad sila sa isang lalawigan sa norte para mag-tape ng isang episode doon. May mga taong kailangan nilang interview-hin tungkol sa anomalya ng governor doon.

               Inimbita sila ng mayor na doon na mag-stay sa mansiyon nito habang on-location sila.

               Second night nila sa lugar na iyon nang lumabas siya ng kuwarto. Past twelve midnight na ngunit hindi siya makatulog kaya naisipan niyang magpahangin sa terrace.

               Nasa terrace siya nang mapansin niya si Carlo na nag-iisa sa gazebo.

               Nagtaka siya. Midnight na, bakit nandoon pa siya?

               Naisipan niyang bumaba upang lapitan ito. "Mr. Dela Cruz..."

               Nilingon siya nito."O, Rachelle, bakit gising ka pa?" anito.

               Noon niya napansin ang bote ng Chivas Regal na nasa harap nito, kasama ng ice bucket at isang wineglass.

               "Hindi ako makatulog, eh," sabi niya. Naupo siya mga isang dipa ang layo mula sa kinauupuan nito. "Bakit nag-iisa kang umiinom?"

               "tulog na ang lahat ng staff at crew. Besides, mas gusto kong uminom nang nag-iisa."

                Nag-alangan siyang magtanong kung bakit umiinom ito. Pakiramdam niya ay may mabigat na dahilan ito. "Malalim na ang gabi at dapat ay nagpapahinga ka na," sabi niya rito.

                "Salamat sa concern. Pero mas mabuti kung ikaw ang matutulog na."

                 Medyo nainis siya sa sinabi nito. Siya na nga ang pinakikitaan ng concern, parang galit pa, sa loob-loob niya. "I can give you company. Kukuha rin ako ng glass ko. Kahit pampaantok lang. "

                  Umahon na siya mula sa kanyang kinauupuan. Nakakadalawang hakbang pa lamang siya nang marinig uli niya ang tinig nito.

                  "Rachelle, wait---"

                   Pumihit siya pabalik dito.

                   "Kailangan ko nga ng kausap. If you're willing to listen..."

                    "Willing akong makinig. Hindi ko lang alam kung willing kang mag-open up sa akin," sabi niya. "Just aminute, kukuha lang ako ng baso sa bar."

                     Social drinker lang naman siya ngunit gusto niyang maramdaman ng lalaking nandoon siya para bigyan ito ng company, na handa siyang makinig sa anumang dahilan kung bakit umiinom ito.

                    Sinalinan niya ng kaunting-kaunti lang na wine ang kanyang baso.

                    "Masama lang ang loob ko sa girlfriend ko," sabi nito nang sairin nito ang laman ng baso nito.

                    ''B-bakit, Sir?"

                    "May usapan na kaming magpapakasal before the end of this year. Pero aalis pa rin siya. Magtuturo raw siya ng ballet sa London. She's leaving tomorrow. Tinanong ko siya kung bakit nagdesisyon siya nang hindi sinasabi sa akin."

                    "A-ano'ng sabi niya?"

                    "Nagtatampo raw siya because she had been trying to convince me na iwan ko na ang trabaho ko rito. Sa States or Canada na raw kami maninirahan. Doon ko na lang daw ituloy ang broadcasting career ko. Hindi niya naiintindihan ang ginagawa ko. Hindi ko raw siya mahal dahil pinili ko pang ilagay sa panganib ang sarili ko samantalang puwede naman akong magkaroon ng magandang career abroad. Kung talaga raw mahal ko siya, pagbibigyan ko siya." Muling sinalinan nito ang basonito. "Bakit hindi niya ako maintindihan? Na ito ang gusto kong gawin? Bakit kailangan siyang maglatag ng kondisyon? If she loves me enough, bakit kailangang makipag matigasan siya sa akin?"

                     "Siguro iyon ang character niya. Sanay siyang nasusunod ang gusto niya," sabi niya. "Pero kung mahal ka talaga niya, mare-realize din niya later na dapat ay unawain ka niya at hindi ka niya dapat papiliin between her and your career."

                     "Kung ikaw si Marga, will you do the same, Rachelle? Lalayo ka rin ba para ma-pressure akong pagbigyan siya, iwan ang career ko rito at sundin kung ano ang gusto niyang mangyari sa buhay namin?"

                     Matagal bago siya nakasagot. Kung sasabihin niyang kung siya si Margaay ibibigay niya rito ang lahat ng kanyang pang-unawa ay baka naman lalong sumama ang loob nito sa girlfriend nito at makadagdag pa iyon sa misunderstanding ng mga ito.

                     "Rachelle, I'm asking you..." untag nito.

                      Uminom muna siya ng kaunting wine. "Magkaiba siguro kami ng prinsipyo ni Marga. Kung ako siguro siya, uunawain kita. Hindi ako magiging sagabal sa pag-unlad ng career mo. Magiging supportive ako bilang girlfriend mo."

                      May nagkahugis na ngiti sa mga labi nito.

                      "Pero mahal ka n'on. Susubukan lang siguro niya kung ikaw ang susuko. O worried lang siya sa iyo. Ikaw na rin ang nagsabi na may mga death threats ka nang natatanggap. Pero kapag na-realize niyang maligaya ka naman talaga sa gianagawa mo, maiisip din niyang mag-give way. And eventually, maiintindihan ka na rin niya. Ganoon lang naman kaming mga babae. Makikipag matigasan. Sa bandang huli, kapag naramdaman naming igigiit pa rin ng guy ang kanyang prinsipyo o ang gustong gawin niya as long as hindi makakasira sa relationship namin, lalambot din kami."

                       Tinitigan siya nito sa malamlam na mga mata nito. Kung kanina ay hindi maipinta ang mukha nito, ngayon ay biglang nagliwanag iyon dahil sa ngiti.

                       Pakiramdam niya nang mga sandaling iyon ay tumalon ang kanyang puso. Oh, my, huwag kang ngingiti nang ganyan. Wala akong karapatang ma-in love sa iyo dahil may girlfriend ka na.... sabi ng kanyang isip.

                      "Sana lahat ng babae ay katulad mong mag-isip," sabi nito habang tinatakpan na nito ang bote ng Chivas Regal.

                      Masarap sa kanyang pandinig ang simpleng papuri nito.

                     "Matagal na ba kayo ni Marga?" tanong niyang hindi na nakatiis.

                    ''A year and a half. Close na nga ang mga pamilya namin. At inuudyukan na nila kaming magpakasal."

                    Wala siyang karapatang masaktan ngunit pakiramdam niya ay may sumakal sa kanya. "Saan kayo nagka kilala?"

                    "Sa London. Noong pareho kaming nag-aaral doon. She comes from a prominent family from Batangas. Wala naman kaming mga problema before. Lately na lang, nang sabihin niya sa aking i-give up ko ang career ko rito at magpakasal na raw kami sa States at doon kami manirahan."

                   Taken na pala ito at wala nang pag-asa ang kahit sinong babae sa puso nito. Tuloy, pakiramdam niya ay bigla siyang nag-low batt. Bagama't expected na niyang may girlfriend ito, nalungkot pa rin ang kanyang puso.

Related chapters

  • Admiring Him From Afar    CHAPTER THREE

    MAYAMAYA pa ay nagyaya na ang binata na umakyat na sila sa bahay. Magkaagapay sila na pumasok. Nasa ikatlong baitang na sila ng hagdan nang sumabit ang paa nito. Agad niya dinaluhan ito para alalayan. Ngunit sa halip na maalalayan niya ito, sa tangkad nito ay siya pa ang natangay nito pabalik sa mga lower steps. Tuluyan na silang nahulog sa mismong landing ng hagdan. Napatihaya siya sa baldosa. At napaibaabw ang binata sa kanya. Tuloy ay napatitig siya sa mga mata nito. Matagal sila sa ganoong ayos. Pang may kung anong sinasabi ang mga mata nito. Hindi siya kumukurap sa pagkakatitig niya rito. They were very close. Halos madinig na niya ang tibok ng puso nito. O pintig ng sarili niyang puso ang naririnig niya? Langhap na langhap din niya ang hininga nito. Nakapagtatakang nangingibabaw pa rin ang mabangong amoy niyon kaysa sa amoy ng Chivas Regal na ininom nito. The warm scent of him wafter through her;his now fami

    Last Updated : 2023-03-22
  • Admiring Him From Afar    CHAPTER FOUR

    LALONG sinagilahan ng takot si Rachelle nang malaman niyang nag-iisa siya sa pinagdalhan sa kanya pagkatapos siyang tanggalan ng piring. Bakit pinaghiwalay sila ni Carlo? Iginala niya ang kanyang tingin sa paligid. Nasa loob siya ng isang tila opisina. May dalawang lumang desks, mga silya at swivel chairs na may kalumaan narin. May isang ceiling fan na puro alikabok at filing cabinet na yari sa bakal. Hindi kalakihan ang opisina; may maliit na bintanang may grills ngunit mataas iyon. Puro alikabok na rin ang mga salamin niyon. "Dios ko, bakit kami dinukot? For ransom?" Naalala niya ang mga death threats na natatanggap ni Carlo. Ibig sabihin, posibleng nadamay lang siya at si Carlo lamang talaga ang target ng mga kidnappers. Ano kaya'ng nangyayari kay Carlo? Baka binugbog na siya, pag-aalala niya. At siya, ano ang gagawin sa kanya ng kanilang mga kidnappers? Kung kasama sana niya si Carlo, baka lumakas pa ng kaunti ang kanyang l

    Last Updated : 2023-03-31
  • Admiring Him From Afar    CHAPTER FIVE

    HINDI maipaliwanag ni Rachelle ang nararamdaman niya nang makita niya si Carlo. Mahigit isang oras lang na hindi niya nakita ito ngunit parang isang taon na silang hindi nagkita. Nakadama siya ng matinding awa rito nang makita niya ang mga pasa at putok na labi nito. Nakatali pa rin ang mga kamay nito sa likod nito. Gusto niyang sugurin ito ng yakap. Ngunit bigla rin siyang natigilan. May karapatan ba siyang gawin iyon? Tumaas ang mga kamay niya ngunit hindi niya alam kung paano hahawakan ito. Nagdadalawang-isip siyang hindi niya maunawaan. Pakiramdam niya, kapag dumaiti ang kanyang kamay rito ay hindi na niya matitiis na hindi yakapin ito. Ngunit hindi na rin niya napigilan ang kanyang sarili. Paglap[it niya ay nayakap na rin niya ito dahil sa matinding awa. "Ano'ng ginawa nila sa iyo?" sabi niya habang sinisipat niya ang mga pasa nito. Naisubsob niya ang kanyang mukha sa dibdib nito. Hindi niya napigilan ang maiyak. "

    Last Updated : 2023-04-15
  • Admiring Him From Afar    CHAPTER SIX

    HINDI nila namalayan ni Rachellena umaga na. Nakakarinig na sila ng tilaok ng mga manok. Four-thirty na, ayon sa kanyang wristwatch. Ni hindi sila nakaramdam ng antok dahil ginugol nila ang mga nagdaang oras sa pag-uusap ng tungkol sa kung anu-anong topic. Nilibang niya ito upang kahit pansamantala ay maibsan ang takot nito. "Why don't you take a nap?" wika nito sa kanya. Nakaupo lang siya nang pasandal sa kama; nasa gilid ito. "Ayokong matulog," anito. "Baka paggising ko, wala ka na naman." "Hindi ako aalis dito. Try to get some sleep," sabi niya. "Don't worry babantayan kita habang natutulog ka." "Umidlip ka na rin," sabi nito. "Mahirap ang wala kang tulog. Manghihina ka at hindi ka makakapag-isip ng tama." "Okay, sige, dito na lang ako sa lapag," aniya. "Malaki naman itong kama, kasya tayo rito," anito. "Huwag mo akong intindihin. Kaya ko nang mamaluktot dito." Nahiga na ito. Siya na

    Last Updated : 2023-05-05
  • Admiring Him From Afar    CHAPTER SEVEN

    PINAGMASDAN ni Rachelle si Carlo na tila malalim ang iniisip pagkatapos nitong makipag-usap kay Arman at sa Uncle Rod nito. Alam niyang labag sa loob at prinsipyo nito ang sumunod sa kahat ng mga demands ng gobernador. Alam niyang dahil sa kanya ay napiitan na rin to na sumunod. "I'm sorry, hindi ka na dapat nadamy pa dito," he said in a velvety voice. Gusto nyang muling sumandal sa dibdib nito. Nabasa yata nito ang nasa isip niya, kaya idinikit nito ang noo nito sa kanyang noo. At sapat na ang gesture nitong iyon upang panandaliang mapawi ang kanyang takot. Kung hindi lamang nakaposas ito, sa malamang ay niyakap na siya nito. "Mukhang magtatagal pa tayo rito," matamlay na wika niya. Ayaw na sana niya na umiyak pa ngunit hindi pa rin niya mapigilan iyon kapag natatakot siya. "I know Uncle Rod. Kapag sinabi niyang gagawin niya ang isang bagay ay gagawin nga niya ito. Katulad din siya ng father ko." Hindi niya tinatawaran ang kakayahan ng pami

    Last Updated : 2023-05-15
  • Admiring Him From Afar    CHAPTER EIGHT

    KAPWA sila natigilan. Agad lumayo si Rachelle sa kama ni Carlo. Tumutok ng tingin ni Marga sa kanya. At hindi niya maintindihan ang kalakip na emosyon ng mga tingin nito. Pagkatapos ay saka lang ito lumapit kay Carlo. Agad itong yumakap sa binata, at siniil ito ng halik. Iniiwas niya ang kanyang tingin mula sa mga ito dahil hindi niya gusto ang naging reksiyon ng kanyng damdamin sa nakita niyang tagpo. Pakiramdam niya ay sinadya ni Marga na halikan si Carlo sa kanyang harap. Nang mapansin niya na hindi pa rin naghihiwalay ang dalawa ay balak na sana niyang lumabas ng kuwarto ngunit narinig niyang tinawag siya ni Carlo. "Rachelle, wait!" Huminto siya sa paglabas. "I want you to meet Marga," sabi nito. Isang ngiti ang ibinigay niya rito. Saka siya alanganin na lumapit dito at inilahad niya ang kanyang kamay sa babae. "So, you're Rachelle," anito nang tanggapin nito ang kanyang kamay. Mahigpit na mahigpit ang pagkak

    Last Updated : 2023-05-16
  • Admiring Him From Afar    CHAPTER NINE

    RACHELLE was shocked at first. Hindi niya nakuhang kumilos. Carlo's kiss was very intense. Pakiramdam niya ay unti-unting nauubos ang kanyang lakas. Halos hindi siya makahinga sa sobrang higpit ng pagkakayakap nito sa kanya. Na tila ba takot itong mawala siya sa mga braso nito. Ngunit hindi bale nang hindi siya makahinga. Kung mamamatay man siya sa ganoong paraan, at least, namatay siya sa mga bisig nito. Ngunit nang bigla niyang maalala si Marga ay malakas niyang itinulak ito. Ngunit parang wala itong balak na bitawan siya at pakawalan ang kanyang mga labi. At kahit subukan niyang itulak ang inata ay nawawalan ng saysay ang effort niya. Tuloy ay nagtatalo ang kanyang kalooban. She loved what he was doing. Ngunit sinasabi ng isip niya na hindi dapat nangyayari iyon. Habol na niya ang kanyang hininga nang pakawalan ng lalaki ang kanyang mga labi.. Ngunit nanatili pa rin itong nakayakap sa kanya. Neither of them spoke. Nanatiling nag-uusap ang kanilang mga mata. Inabot nito ang f

    Last Updated : 2023-05-17
  • Admiring Him From Afar    CHAPTER TEN

    THE NEXT four weeks were the happiest moments in Rachelle's life. Masaya sila ni Carlo dahil damang-dama niya ang pagmamahal nito. Masyadong nag-alala ito sa kanya. Nang bumalik siya sa production ng Exposed ay halos ginawa na nitong regular ang paghahatid sa kanya; kung hindi man ay kay Mandy siya ipinahahatid nito. Pauwi na sila nang gabing iyon galing ng TV station, sakay ng kotse nito at masayang nagkukuwentuhan, nang makatanggap ito ng tawag mula kay Marga. Nagtaka siya kung bakit parang tinamaan ito ng kidlat habang kausap nito ang babae. "Carlo... why? Is there something wrong?" "May importante raw sasabihin sa akin si Marga. Gusto raw niyang magkita kami," "Why do you look so worried?" "Saka ko na sasabihin sa iyo pagkatapos naming mag-usap. Ayokong mag-worry ka," seryosong sabi nito. Hindi na niya kinulit ito. Ngunit hindi niya maintindihan ang kabang nadarama niya. "AYOKO na sanang guluhin pa kayo ni Rachelle," simula ni Marg

    Last Updated : 2023-06-25

Latest chapter

  • Admiring Him From Afar    EPILOGUE

    SAKAY sila ng PAL plane patungo sa Paris. Doon ang unang destinasyon nila sa kanilang one-month honeymoon. Kahapon ay ikinasal sila, isang taon pagkatapos silang ma-kidnap. Tumatakbo na ang kaso ni Governor Matilde at lalong nadidiin ito. Nasa ilalim na ng witness protection program si Gari de los Santos. At ang kanyang groom ay ipinagpapatuloy ang programa nito. Mas maingat na nga lang ito---alang-alang daw sa kanya. "Kailangan pa tayong ma-kidnap para mapansin kita at ma-realize kong you are a gem. You are so special," sabi nito nang kabigin siya nito. "May maganda ring naidulot ang pagkaka-kidnap sa atin, hindi ba?" "Ano?" ''Nangyari siguro lahat ng iyon para makilala ko ang babaeng gusto ko talagang makasama for the rest of my life, the one I want to grow old with, the one who would welcome me with a warm embrace every time I come home at the end of the day, who would have dinner with me, and who would give me a relaxing massage after

  • Admiring Him From Afar    CHAPTER TEN

    THE NEXT four weeks were the happiest moments in Rachelle's life. Masaya sila ni Carlo dahil damang-dama niya ang pagmamahal nito. Masyadong nag-alala ito sa kanya. Nang bumalik siya sa production ng Exposed ay halos ginawa na nitong regular ang paghahatid sa kanya; kung hindi man ay kay Mandy siya ipinahahatid nito. Pauwi na sila nang gabing iyon galing ng TV station, sakay ng kotse nito at masayang nagkukuwentuhan, nang makatanggap ito ng tawag mula kay Marga. Nagtaka siya kung bakit parang tinamaan ito ng kidlat habang kausap nito ang babae. "Carlo... why? Is there something wrong?" "May importante raw sasabihin sa akin si Marga. Gusto raw niyang magkita kami," "Why do you look so worried?" "Saka ko na sasabihin sa iyo pagkatapos naming mag-usap. Ayokong mag-worry ka," seryosong sabi nito. Hindi na niya kinulit ito. Ngunit hindi niya maintindihan ang kabang nadarama niya. "AYOKO na sanang guluhin pa kayo ni Rachelle," simula ni Marg

  • Admiring Him From Afar    CHAPTER NINE

    RACHELLE was shocked at first. Hindi niya nakuhang kumilos. Carlo's kiss was very intense. Pakiramdam niya ay unti-unting nauubos ang kanyang lakas. Halos hindi siya makahinga sa sobrang higpit ng pagkakayakap nito sa kanya. Na tila ba takot itong mawala siya sa mga braso nito. Ngunit hindi bale nang hindi siya makahinga. Kung mamamatay man siya sa ganoong paraan, at least, namatay siya sa mga bisig nito. Ngunit nang bigla niyang maalala si Marga ay malakas niyang itinulak ito. Ngunit parang wala itong balak na bitawan siya at pakawalan ang kanyang mga labi. At kahit subukan niyang itulak ang inata ay nawawalan ng saysay ang effort niya. Tuloy ay nagtatalo ang kanyang kalooban. She loved what he was doing. Ngunit sinasabi ng isip niya na hindi dapat nangyayari iyon. Habol na niya ang kanyang hininga nang pakawalan ng lalaki ang kanyang mga labi.. Ngunit nanatili pa rin itong nakayakap sa kanya. Neither of them spoke. Nanatiling nag-uusap ang kanilang mga mata. Inabot nito ang f

  • Admiring Him From Afar    CHAPTER EIGHT

    KAPWA sila natigilan. Agad lumayo si Rachelle sa kama ni Carlo. Tumutok ng tingin ni Marga sa kanya. At hindi niya maintindihan ang kalakip na emosyon ng mga tingin nito. Pagkatapos ay saka lang ito lumapit kay Carlo. Agad itong yumakap sa binata, at siniil ito ng halik. Iniiwas niya ang kanyang tingin mula sa mga ito dahil hindi niya gusto ang naging reksiyon ng kanyng damdamin sa nakita niyang tagpo. Pakiramdam niya ay sinadya ni Marga na halikan si Carlo sa kanyang harap. Nang mapansin niya na hindi pa rin naghihiwalay ang dalawa ay balak na sana niyang lumabas ng kuwarto ngunit narinig niyang tinawag siya ni Carlo. "Rachelle, wait!" Huminto siya sa paglabas. "I want you to meet Marga," sabi nito. Isang ngiti ang ibinigay niya rito. Saka siya alanganin na lumapit dito at inilahad niya ang kanyang kamay sa babae. "So, you're Rachelle," anito nang tanggapin nito ang kanyang kamay. Mahigpit na mahigpit ang pagkak

  • Admiring Him From Afar    CHAPTER SEVEN

    PINAGMASDAN ni Rachelle si Carlo na tila malalim ang iniisip pagkatapos nitong makipag-usap kay Arman at sa Uncle Rod nito. Alam niyang labag sa loob at prinsipyo nito ang sumunod sa kahat ng mga demands ng gobernador. Alam niyang dahil sa kanya ay napiitan na rin to na sumunod. "I'm sorry, hindi ka na dapat nadamy pa dito," he said in a velvety voice. Gusto nyang muling sumandal sa dibdib nito. Nabasa yata nito ang nasa isip niya, kaya idinikit nito ang noo nito sa kanyang noo. At sapat na ang gesture nitong iyon upang panandaliang mapawi ang kanyang takot. Kung hindi lamang nakaposas ito, sa malamang ay niyakap na siya nito. "Mukhang magtatagal pa tayo rito," matamlay na wika niya. Ayaw na sana niya na umiyak pa ngunit hindi pa rin niya mapigilan iyon kapag natatakot siya. "I know Uncle Rod. Kapag sinabi niyang gagawin niya ang isang bagay ay gagawin nga niya ito. Katulad din siya ng father ko." Hindi niya tinatawaran ang kakayahan ng pami

  • Admiring Him From Afar    CHAPTER SIX

    HINDI nila namalayan ni Rachellena umaga na. Nakakarinig na sila ng tilaok ng mga manok. Four-thirty na, ayon sa kanyang wristwatch. Ni hindi sila nakaramdam ng antok dahil ginugol nila ang mga nagdaang oras sa pag-uusap ng tungkol sa kung anu-anong topic. Nilibang niya ito upang kahit pansamantala ay maibsan ang takot nito. "Why don't you take a nap?" wika nito sa kanya. Nakaupo lang siya nang pasandal sa kama; nasa gilid ito. "Ayokong matulog," anito. "Baka paggising ko, wala ka na naman." "Hindi ako aalis dito. Try to get some sleep," sabi niya. "Don't worry babantayan kita habang natutulog ka." "Umidlip ka na rin," sabi nito. "Mahirap ang wala kang tulog. Manghihina ka at hindi ka makakapag-isip ng tama." "Okay, sige, dito na lang ako sa lapag," aniya. "Malaki naman itong kama, kasya tayo rito," anito. "Huwag mo akong intindihin. Kaya ko nang mamaluktot dito." Nahiga na ito. Siya na

  • Admiring Him From Afar    CHAPTER FIVE

    HINDI maipaliwanag ni Rachelle ang nararamdaman niya nang makita niya si Carlo. Mahigit isang oras lang na hindi niya nakita ito ngunit parang isang taon na silang hindi nagkita. Nakadama siya ng matinding awa rito nang makita niya ang mga pasa at putok na labi nito. Nakatali pa rin ang mga kamay nito sa likod nito. Gusto niyang sugurin ito ng yakap. Ngunit bigla rin siyang natigilan. May karapatan ba siyang gawin iyon? Tumaas ang mga kamay niya ngunit hindi niya alam kung paano hahawakan ito. Nagdadalawang-isip siyang hindi niya maunawaan. Pakiramdam niya, kapag dumaiti ang kanyang kamay rito ay hindi na niya matitiis na hindi yakapin ito. Ngunit hindi na rin niya napigilan ang kanyang sarili. Paglap[it niya ay nayakap na rin niya ito dahil sa matinding awa. "Ano'ng ginawa nila sa iyo?" sabi niya habang sinisipat niya ang mga pasa nito. Naisubsob niya ang kanyang mukha sa dibdib nito. Hindi niya napigilan ang maiyak. "

  • Admiring Him From Afar    CHAPTER FOUR

    LALONG sinagilahan ng takot si Rachelle nang malaman niyang nag-iisa siya sa pinagdalhan sa kanya pagkatapos siyang tanggalan ng piring. Bakit pinaghiwalay sila ni Carlo? Iginala niya ang kanyang tingin sa paligid. Nasa loob siya ng isang tila opisina. May dalawang lumang desks, mga silya at swivel chairs na may kalumaan narin. May isang ceiling fan na puro alikabok at filing cabinet na yari sa bakal. Hindi kalakihan ang opisina; may maliit na bintanang may grills ngunit mataas iyon. Puro alikabok na rin ang mga salamin niyon. "Dios ko, bakit kami dinukot? For ransom?" Naalala niya ang mga death threats na natatanggap ni Carlo. Ibig sabihin, posibleng nadamay lang siya at si Carlo lamang talaga ang target ng mga kidnappers. Ano kaya'ng nangyayari kay Carlo? Baka binugbog na siya, pag-aalala niya. At siya, ano ang gagawin sa kanya ng kanilang mga kidnappers? Kung kasama sana niya si Carlo, baka lumakas pa ng kaunti ang kanyang l

  • Admiring Him From Afar    CHAPTER THREE

    MAYAMAYA pa ay nagyaya na ang binata na umakyat na sila sa bahay. Magkaagapay sila na pumasok. Nasa ikatlong baitang na sila ng hagdan nang sumabit ang paa nito. Agad niya dinaluhan ito para alalayan. Ngunit sa halip na maalalayan niya ito, sa tangkad nito ay siya pa ang natangay nito pabalik sa mga lower steps. Tuluyan na silang nahulog sa mismong landing ng hagdan. Napatihaya siya sa baldosa. At napaibaabw ang binata sa kanya. Tuloy ay napatitig siya sa mga mata nito. Matagal sila sa ganoong ayos. Pang may kung anong sinasabi ang mga mata nito. Hindi siya kumukurap sa pagkakatitig niya rito. They were very close. Halos madinig na niya ang tibok ng puso nito. O pintig ng sarili niyang puso ang naririnig niya? Langhap na langhap din niya ang hininga nito. Nakapagtatakang nangingibabaw pa rin ang mabangong amoy niyon kaysa sa amoy ng Chivas Regal na ininom nito. The warm scent of him wafter through her;his now fami

DMCA.com Protection Status