Share

CHAPTER FOUR

Author: Mystery Girl
last update Last Updated: 2023-03-31 22:18:51

LALONG sinagilahan ng takot si Rachelle nang malaman niyang nag-iisa siya sa pinagdalhan sa kanya pagkatapos siyang tanggalan ng piring. Bakit pinaghiwalay sila ni Carlo?

            Iginala niya ang kanyang tingin sa paligid. Nasa loob siya ng isang tila opisina. May dalawang lumang desks, mga silya at swivel chairs na may kalumaan narin. May isang ceiling fan na puro alikabok at filing cabinet na yari sa bakal.  Hindi kalakihan ang opisina; may maliit na bintanang may grills ngunit mataas iyon. Puro alikabok na rin ang mga salamin niyon.

           "Dios ko, bakit kami dinukot? For ransom?"

            Naalala niya ang mga death threats  na natatanggap ni Carlo. Ibig sabihin, posibleng nadamay lang siya at si Carlo lamang talaga ang target ng mga kidnappers.

           Ano kaya'ng nangyayari kay Carlo? Baka binugbog na siya, pag-aalala niya.

          At siya, ano ang gagawin sa kanya ng kanilang mga kidnappers? Kung kasama sana niya si Carlo, baka lumakas pa ng kaunti ang kanyang loob. Nayakap niya ang sarili dahil sa takot para sa kanyang sarili.

PAGKALIPAS ng ilang sandali ay pumasok sa kuwartong kinaroroonan ni Carlo ang isang lalaking nasa early fifties. Mukhang militar ito, naka-Barong. May dala itong malaking bag na pambabae.

           Hindi siya tuminag sa kanyang kinauupuan.

           "Kumusta , Dela Cruz?" wika nito habang palapit ito sa kanya.

           Pagtiim ng mga bagang ang isinagot niya rito. Saka tiningnan niya ito ng matalim. Kung papatayin man siya ng kanyang mga kidnappers, mas mabuti nang mamatay siyang hindi nagmamakaawa at may natitirang pride siya.

            "Malaking karangalan na makilala ko nang personal ang sikat na newscaster at TV journalist," cynical na sabi ng lalaki. "Simpatiko ka nga pala. Alam mo, mas bagay kang artista. Pang-action film ang dating mo. Tutal, mga senador na ang mga sikat na action stars natin ngayon. Ikaw na lang kaya ang pumalit sa kanila? Magbago ka na ng career, para wala ka nang nasasagasaan."

             Noon niya nakumpirmang isa sa mga taong nasagasaan niya ang nagpa-kidnap sa kanila. "Walang puwedeng magdikta sa akin ng gusto kong gawin!" Bagama't kontrolado niya ang kanyang emosyon ay malinaw ang galit sa kanyang tinig. "Sino ba ang amo n'yo? Sino ang nagpa-kidnap sa amin?"

            "Makakausap mo rin siya. mayamaya lang."

            "Kung anuman ang gusto n'yo, huwag n'yo na lang idamay si Rachelle. Labas siya rito. Wala siyang kasalanan sa inyo."

           "Kailangan namin siya dahil alam naming matapang ka't maprinsipyong tao. Hindi ka raw basta natitinag. Kaya para makasiguro kaming makukuha namin ang kooperasyon mo o kaya ay mapalambot namin, naisip naming isama na ang girlfriend mo.'

           "Girlfriend?" maang na ulit niya. "Hindi ko girlfriend si Rachelle."

            "Hah, huwag mo na kaming iligaw, Dela Cruz! Alam naming girlfriend mo siya. Sa ilang linggong pagsubaybay namin sa iyo, nakikita naming madalas mo siyang kasama. Lumabas na nga sa diyaryo ang tungkol sa inyo, bakit ide-deny mo pa? Wala namang mangyayaring masama sa kanya kung makikipag-cooperate ka sa amin."

            Lalo siyang nag-alala para kay Rachelle. "Ano'ng ibig n'yong sabihin?" 

            "Kung gusto mo pang makasama ang girlfriend mo, sumunod ka sa mga gusto naming mangyari."

            "Ano ba talaga ang kailangan n'yo?"

            Sa halip na sumagot ito ay binuksan nito sa kanyang harap ang malaking bag na pambabae na dla nito.

           Hindi niya inaasahan ang makikita niyang laman niyon. Pera. Maraming pera.

          "Ten million," saad ng lalaki. "Kapag nakuha namin ang kooperasyon mo, another ten million. Alam naming mayaman ka. Pero maliit na regalo lang `yan mula kay Gov para makapagbukas siya ng pakikipagkaibigan sa iyo."

            Pagkuwan ay may kinontak ito sa cellphone nito. "Sir, nandito na siya," anito, saka inilapit nito ang cellphone sa kanyang tainga.

           "Kumusta, Carlo?" wika ng lalaki sa kabilang linya.

           Kumunot ang kanyang noo. Parang narinig na niya ang tinig na iyon.

          "Si Governor Matilde ito. Pasensya ka na kung naabala kita. Alam ko kung gaano ka-busy."'

        Governor Matilde. Mula ito sa lalawigan sa bandang south. About five weeks ago ay inilabas nila sa kanyang programa ang kontrobersiya tungkol dito. Nilustay raw nito ang seven million pesos na pondong nakalaan para sa agricultural projects ng gobyerno para sa lalawigan nito upang itaas ang produksyon ng magagandang uri ng palay. Ngunit sa halip na gamitin nito sa ganoong proyekto ang pera, bumili ito ng isla at yate. Lalo pa itong naging kontrobersyal dahil nakitang isang papasikat na starlet ang kasama nito sa Las Vegas. Ibinili pa raw nito ng Volvo ang starlet. 

            Isang grupo ng investigative journalists ang unang nagbunyag sa kaso. Pagkatapos ay dinala iyon sa kanyang programa. Inilabas nila ang istorya. Isang civic group sa lalawigan nito ang naghahanda para magsampa ng kaso sa Ombudsman laban dito. Lumapit din ang mga ito sa kanya.

          "Hindi ko kayo gustong saktan, Carlo. Sa katunayan, gusto kong makipagkaibigan sa iyo," anang governor. "Maging mabait ka lang sa akin, wala tayong pag-uusapan. Kalilimutan ko ang mga atraso mo sa akin." 

           Natawa siya nang sarkastiko. "Wala akong atraso sa iyo, Governor Matilde. kayo ang maraming atraso."

           "Alam kong ikaw ang nagtatago kay gani de los Santos." Ang tinutukoy nito ay ang provincial treasurer na may hawak ng ebidensya kung paano nito nilustay ang public funds na nakalaan para sa agricultural projects;willing ang provincial treasurer na maging witness kapag naisampa na ang kaso.

          Lumapit ito sa kanya pagkatapos nitong makatanggap ng mga death threats. Nag-aalala raw ito para sa sarili nito at para sa pamilya nito. Kapag naisampa na ang kaso laban sa governor ay balak nitong magpasailalim sa witness protection program. Pansamantala ay itinago niya ito, kasama ng mga vital evidence na hawak nito na tiyak na magdiriin sa governor. Dinala niya ito sa kanyang ninong na retiradong police major kung saan siya humingi ng advice sa dapat niyang gawin. Itinago nito si Gani. Hindi naman ito magtatagal doon dahil balak na nilang i-apply ito sa witness protection program. Matinik nga lang si Governor Matilde. Naunahan na sila nito. Na-kidnap na siya bago pa nila maisagawa ang kanilang plano.

           "Bakit ko naman itatago si Gani?" pagde-deny niya.

            "Alam naming sa iyo siya humingi ng tulong. At kapag nasampahan na ako ng kaso ay papasok siya sa witness protection program ng gobyerno. Kumanta na ang kanang-kamay niya. Itinatago mo raw siya sa isang probinsiya. Alam naming sa kanya ka rin kumukuha ng impormasyon para sa programa mo. Mautak talaga si de los Santos, sa media man kaagad siya lumapit."

           "Oo, lumapit siya sa akin dahil humihingi siya ng tulong. May mga death threats na nga raw siyang natatanggap. Pero hindi ko siya itinatago. Hindi ko alam kung nasaan siya."

           "Mahirap akong kaaway, Carlo. Pero masarap akong kaibigan. Kung ibabalato mo siya sa amin, wala ka nang problema.Magiging magkaibigan tayo. At bilang simula ng iniaalok kong pakikipagkaibigan, tanggapin mo `yang regalo ko sa iyo, `yang ibinibigay sa iyo  ng tauhan ko."

           Muli ay tiningnan niya ang nakalatag na pera sa kanyang harap. "Hindi ko kailangan `yan, Gov. Kahit dagdagan mo pa `yan, wala kang mapipiga sa akin dahil wala akong alam."

          Nakita niyang kumunot ang noo ng tauhan nito na kaharap niya at may hawak ng cellphone.

          "Magkano ba ang gusto mo?" Parang galit na ang tinig ng gobernador.

          "Wala naman talaga sa akin ang taong hinahanap mo. Sinasayang mo lang ang pagod natin."

          "Pinaaalalahanan lang kita, Dela Cruz. Kasama mo, nandiyan, ang girlfriend mo. Kapag nakipagmatigasan ka sa akin, siya ang mahihirapan." Nahimigan na niya ng galit ang tono nito.

          Nagbuga siya ng galit na hininga. He could not help but worry for Rachelle. Anything could happen. At natatakot siya hindi para sa sarili kundi para sa dalaga.

          "Panay mali pala ang impormasyong nakukuha ng mga tauhan mo dahil talagang wala akong alam sa kinaroroonan ni de los Santos ngayon. Nagkamali rin kayo ng babaeng isinama sa pagdukot sa akin. Hindi ko girlfriend si Rachelle. Bakit hin n`yo itanong sa kanya?" giit niya.

          "Malalaman din namin `yan," anang gobernador. "Mag-isip ka, Dela Cruz. Kung ituturo mo kung nasaan si de los Santos, hindi na kayo kailangang magtagal ng girlfriend mo riyan. Balik sa normal ang buhay n`yo, parang walang nangyari. Pare-pareho tayong walang problema.

           Son of a bitch! sasabihin sana niya. Akala siguro ng gobernor na ito ay estupido siya para makipag-alyado siya rito.

          Bakit naman niya ituturo si Gani samantalang alam niya na papatayin lang ito ng grupo ng governor. Hindi niya magagawa na ipagkanulo ang taong humingi sa kanya ng tulong.  Ngunit hanggang kailan siya maaaring makipagmatigasan sa mga ito? Paano kung totohanin nga ng mga ito ang banta na si Rachelle ang pahihirapan?

           "Ano, Carlo?  Ayaw mo bang tanggapin ang pakikipagkaibigan na iniaalok ko? Hindi ko ba maaasahan ang kooperasyon mo?" untag sa kanya ng governor.

           "Uulitin ko, Governor Matilde. Nasasayang lang ang mga panahon natin.  Inililigaw lang kayo ng tao na nagsabi na alam ko kung nasaan si Gani."

          "Sige, magmatigas ka, Carlo. Tingnan natin kung hindi ka namin mapapalambot. Sabihin mo kay Arman, kakausapin ko siya!"

           "O, ikaw na raw ang kakausapin," sabi niya sa tinawag na "Arman" na may hawak ng cellphone.

            Humakbang ang lalaki papalayo sa kanya at tumalikod ito habang kausap sa cellphone ang governor. Pagkatapos ay muli siyang hinarap nito.

             "Mag-isip-isip ka, Dela Cruz," makahulugang babala nito sa kanya. Pagkatapos ay isinara na nito ang zipper ng bag na pambabae na may lamang pera. At iniwan na siya sa kuwartong iyon.

             Naiwan siyang nag-iisip. Sino ba ang ayaw na matapos na ang sitwasyong iyon para sa kanila i Rachelle? He could just imagine kung gaano na ito natatakot, lalo na at magkahiwalay sila ng kuwarto.

           Ngunit mahirap magdesisyon. Mabigat ang hinihingi sa kanya ni Governor Matilde. Kapg inamin niyang alam niya kung nasaan si Gani ay para na ring ipinahamak niya ito.

           Kung hindi naman niya sasabihin, baka kung ano ang gawin ng mga kidnappers nila kay Rachelle.

          Papayag ba siyang mangyari iyon?

PAGKALIPAS ng mahigit twenty minutes ay muling bumukas ang pinto ng kuwartong kinaroroonan niya. Pumasok ang dalawang lalaking may dalang tray ng pagkain at isang one liter bottle ng mineral water.

          "O, kumain ka muna," sabi ng isa, inilapag ang pagkain sa ibabaw ng silyang yari sa kahoy ilang dipa ang layo sa kanya.

          "Hindi baleng hindi n`yo ako pakainin, basta dalhin n`yo lang ako kay Rachelle," sabi niya sa mga ito.

          "Huwag kang masyadong mag-alala sa kanya. Nasa kabilang kuwarto lang siya," sabi ng isa sa mga lalaki. "Ikaw kasi, sumobra ang tapang mo. Nadamay tuloy pati ang pinakamamahal na syota mo. Pero huwag kang mag-alala, pare. Hindi namin siya titikamn kahit mukhang masarap siya. Pero kung magmamatigas ka, baka hindi namin mapigilan ang panggigigil namin."

           Bigla siyang tumayo---at binigyan ng tig-isang front kick ang mga ito. Parehong sumadsad ang mga ito sa dingding.

          Akmang sisipain pa niya ang isa pa nang magsipasok na rin ang iba pang kasamahan ng mga ito.

         Umilag siya sa isa sanang malakas na suntok. Isa pa uli ang akmang susuntok sa kany ngunit nailagan din niya iyon. At nagpakawala na naman siya ng matinding front at side kicks para sa dalawang pumasok.

Halos tumilapon ang mga ito kasabay ng mga d***g ng sakit.

         Akma na siyang bubuwelo para sa isang flying kick nang tutukan siya ng baril ng isa sa mga lalaking sumungaw sa pinto. Nang makalapit ito sa kanya ay sinipa siya nito sa di bdib na hindi niya nailagan. Napaupo siya, napasandal sa pader. Pinagtulungan na siya ng lalaking may hawak na baril at ng isa pa. Tumulong na rin ang isang nabigyan niya ng front kick kanina na nakabwi na.

         Tiningnan lamang siya ng mga ito nang pumasok si Arman.

         "Tama na `yan!" saway nito sa mga lalaki.

          "Tarantado `yan, eh! Nakatali na, matapang pa," sabi ng nanutok sa kanya ng baril.

         Masakit man ang kanyang katawan ay hindi siya nagpakita ng pagkatalo. Matalim na tingin ang ibinigay niya sa mga ito.

          "Aalma ka ba, ha?" sabi ng isang sumadsad kanina sa sipa niya. Akma na naman siyang bibigwasan nito ngunit mabilis na naawat ito ni Arman.

           Uminom lang siya ng tubig. Saka niya pinahid ang kanyang balikat dahil sa dugong umaagos mula sa kanyang ilong.

           "Hindi na kayo nahiya sa sarili n`yo, iisa ang kalaban n`yo, nakatali pa!" aniya.

           Sinikaran siya ng isa ngunit mabilis niyang naiiwas ang kanyang katawan. Sa pader tumama ang sipa nito.

           "Tarantadong `to, ah! " pikong sabi ng lalaking inawat . "Kung makaasta, akala mo, kaya tayong lahat," sabi nito kay Arman.

           "Cool lang kayo, ano ba? Baka pagalitan tayo ni Gov sa ginagawa n'yo. Masyado kayong maiinit!" pasigaw na sabi ni Arman. Saka nito sinensyasan ang mga itong iwan na sila.

            "Hindi rin gusto ni Sir na umabot pa ito sa sakitan, Carlo. Gusto ka niyang maging kaibigan kaysa maging kaaway. Pagpasensiyahan mo na ang mga tao namin."

            Galit na tiningnan niya ito. "Huwag na huwag n'yo lang kakantiin si Rachelle," sabi niya.

           "Masisiguro ko `yan sa iyo." Kung sasabihin mo na sa amin kung nasaan si Gani."

            Hindi siya sumagot.

            Umiling ito. "Ang hirap kasi iyo, Dela Cruz , isinasangkot mo ang sarili mo sa mga problemang puwede namang hindi mo na dapat pakialaman. Tiningnan natin kung magmamatigas ka pa kapag narinig mong nagmamakaawa ang girlfriend mo."

            Kinabahan siya. "Damn!" galit na lamang na nasambit niya nang muling iwan siya ng lalaki.

             Naiipit siya. Ayaw niyang ipahamak si de los Santos ngunit paano kung may ginawang masama ang mga kidnappers kay Rachelle?

             Hindi na bale siya. Handa siya sa kahit ano. Ngunit si Rachelle---Jesus, how will I get her out of this trouble?

PUNO pa rin ng takot si Rachelle habang nakaupo siya sa isang sulok ng silid na pinagdalhan sa kanya.  Natatakot siya sa maaring mangyari sa kanila ni Carlo.

               Paano kung patayin kami? Nayakap niya ang kanyang sarili. Baka tino-torture na nila si Carlo...

             Isang oras na sila sa lugar na iyon. Parang napakabagal ng takbo ng oras. Siguro ay dahil hindi niya kasama at nakikita si Carlo. Iyon ang mas nagpapahirap sa kalooban niya at nagpapalala sa kanyang takot. She wanted to see him. Gusto niyang makatiyak na walang nangyayaring masama rito.

            Napaunat siya sa kanyang kinauupuan nang maulinigan niyang may nagbubukas sa pinto ng silid. 

            Isang lalaki at isang tomoy na lalaking-lalaki ang porma ang sumungaw roon.

            Napaatras isya. Wala sa loob na nasambit niya ang pangalan ni Carlo.

             "Ililipat ka lang namin ng kuwarto," anang lalaki.

            Lalo siyang natakot. Paano kung may masamang balak ang mga ito sa kanya?

            "D-dito na lang ho ako kung hindi n'yo rin lang ako dadalhin kay Carlo."

            "Dadalhin ka nga namin sa kanya," sabi ng tomboy.

            Sumama siya sa mga ito. Hawak siya ng mga ito sa magkabilang braso;palingun-lingon siya sa paligidsa pagbabaka-sakaling makita niya si Carlo.

            Isang one-storey structure ang kinaroroonan nila, mataas ang bubong, malawak. Ngunit hindi residential house iyonkundi parang isang warehouse. May nakita siyang nakasarang pinto. Hindi niya alam kung kuwarto iyon. May natanaw rin siyang kitchen. 

             May mga lalaking palakad-lakad, may naglalaro ng chess sa isang sulok, may natutulog sa isang papag at may dalawang nagkakape sa isang sulok.

             Ipinasok siya sa isang kuwartong parang bodega. Nakasalansan ang ilang lumang gamit---mga silya, drum at plastic containers. May ilang piraso pa ng hollow blocks. 

            "Nasaan si Carlo? Akala ko ba---"

            "Dadalhin namin siya rito. Sandali lang," sabi ng lalaki.

            Kahit atubili ay pumasok na rin siya sa tila bodegang silid. At kahit ayaw niyang magtiwala sa mga lalaki, gusto pa rin niyang umasang tototohanin ng mga ito ang sinabing dadalhin doon si Carlo---at makakasama niya ito. Somehow, it gave her a little hope.

           Ngunit nang muling isara ang pinto ng bodega ay lalo siyang natakot. Isang maliit na bombilya lamang ang nagbibigay liwanag doon.Mainit sa loob, walang kahangin-hangin.

           Wala pa siyang isang minuto roon nang makakita siya ng mga dagang nagkalat sa sahig. Nagtatalon siya sa takot,kasabay ng malakas na tili.

           Sumampa siya sa isang lumang silyang kahoy. Ngunit hindi siya tumigil sa pagtili dahil panay ang ikot ng mga daga. Sa mga iyon pa naman siya takot na takot.

NAPAAHON si Carlo mula sa kanyang kinauupuan nang marinig niya si Rachelle na tumitiling parang takot na takot.

            "Shit! Ano'ng ginagawa nila kay Rachelle?" Pinag-sisipa niya ang nakasarang pinto. "Ako na lang ang pahirapan n'yo!" sigaw niya.

           Mayamaya ay bumukas ang pinto. Si Arman ang sumungaw roon.

          "Mga hayup kayo, huwag n'yong idamay si Rachelle rito!" galit na sabi niya rito. "Akala ko ba hindi n'yo siya gagalawin?"

          "Hindi namin gustong gawin ito," sabi nito. "Pero baka siya ang makakapagpalambot sa iyo."

           Sandali siyang nag-isip. Hindi niya gustong bumigay sa hinihiling ni Governor Matilde ngunit hindi niya matiis na may mangyari kay Rachelle.

           ''Okay, sige, makikipag-usap uli ako kay Governor Matilde." sabi niya sa kabila ng katotohanang labag na labag iyon sa kanyang kalooban.

            "Good," nakangiting sabi nito.

            "Gusto ko munang makita si Rachelle," sabi niya.

            "Sige, dadalhin namin siya sa iyo. Pero kapag hindi mo pa inamin kay Gov kung nasaan si Gani, ihihiwalay namin uli sa iyo ang syota mo."

           Hindi kaagad siya kumibo. Gusto niyang panindigang wala siyang alam. Ngunit nang marinig niyang nagtititili si Rachelle at wala siyang magawa para protektahan ito ay nagdalawang-isip siya. Hindi siya papayag na kantiin man lang ng mga kidnappers si Rachelle.

NAPAGOD din sa kakatili si Rachelle. Ngunit halos hindi na siya kumikilos sa kinatutuntungan niyang silya. Bahagyang nabawasan ang kanyang takot nang mapansin niyang hindi gumagalaw ang ahas. Pagkalipas ng mga ten minutes ay muling bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang lalaking nagdala sa kanya roon.

          Walang kahirap-hirap na kinuha ng isang lalaki  ang ahas na hindi naman kalakihan. Tunay na ahas nga ba iyon? tanong niya sa sarili. Bakit hindi gumagalaw?

          "Halika," sabi ng tomboy na narinig niyang tinawag na "Jack."  "Dadalhin na kita kay Carlo."

          Nabuhayan siya ng pag-asa nang marinig niya ang pangalan ng binata. Inihatid siya nito sa isang kuwarto at muling isinara ang pinto. Nakita niya si Carlo na nakaupo sa gilid ng kama.

         'Carlo..." 

Related chapters

  • Admiring Him From Afar    CHAPTER FIVE

    HINDI maipaliwanag ni Rachelle ang nararamdaman niya nang makita niya si Carlo. Mahigit isang oras lang na hindi niya nakita ito ngunit parang isang taon na silang hindi nagkita. Nakadama siya ng matinding awa rito nang makita niya ang mga pasa at putok na labi nito. Nakatali pa rin ang mga kamay nito sa likod nito. Gusto niyang sugurin ito ng yakap. Ngunit bigla rin siyang natigilan. May karapatan ba siyang gawin iyon? Tumaas ang mga kamay niya ngunit hindi niya alam kung paano hahawakan ito. Nagdadalawang-isip siyang hindi niya maunawaan. Pakiramdam niya, kapag dumaiti ang kanyang kamay rito ay hindi na niya matitiis na hindi yakapin ito. Ngunit hindi na rin niya napigilan ang kanyang sarili. Paglap[it niya ay nayakap na rin niya ito dahil sa matinding awa. "Ano'ng ginawa nila sa iyo?" sabi niya habang sinisipat niya ang mga pasa nito. Naisubsob niya ang kanyang mukha sa dibdib nito. Hindi niya napigilan ang maiyak. "

    Last Updated : 2023-04-15
  • Admiring Him From Afar    CHAPTER SIX

    HINDI nila namalayan ni Rachellena umaga na. Nakakarinig na sila ng tilaok ng mga manok. Four-thirty na, ayon sa kanyang wristwatch. Ni hindi sila nakaramdam ng antok dahil ginugol nila ang mga nagdaang oras sa pag-uusap ng tungkol sa kung anu-anong topic. Nilibang niya ito upang kahit pansamantala ay maibsan ang takot nito. "Why don't you take a nap?" wika nito sa kanya. Nakaupo lang siya nang pasandal sa kama; nasa gilid ito. "Ayokong matulog," anito. "Baka paggising ko, wala ka na naman." "Hindi ako aalis dito. Try to get some sleep," sabi niya. "Don't worry babantayan kita habang natutulog ka." "Umidlip ka na rin," sabi nito. "Mahirap ang wala kang tulog. Manghihina ka at hindi ka makakapag-isip ng tama." "Okay, sige, dito na lang ako sa lapag," aniya. "Malaki naman itong kama, kasya tayo rito," anito. "Huwag mo akong intindihin. Kaya ko nang mamaluktot dito." Nahiga na ito. Siya na

    Last Updated : 2023-05-05
  • Admiring Him From Afar    CHAPTER SEVEN

    PINAGMASDAN ni Rachelle si Carlo na tila malalim ang iniisip pagkatapos nitong makipag-usap kay Arman at sa Uncle Rod nito. Alam niyang labag sa loob at prinsipyo nito ang sumunod sa kahat ng mga demands ng gobernador. Alam niyang dahil sa kanya ay napiitan na rin to na sumunod. "I'm sorry, hindi ka na dapat nadamy pa dito," he said in a velvety voice. Gusto nyang muling sumandal sa dibdib nito. Nabasa yata nito ang nasa isip niya, kaya idinikit nito ang noo nito sa kanyang noo. At sapat na ang gesture nitong iyon upang panandaliang mapawi ang kanyang takot. Kung hindi lamang nakaposas ito, sa malamang ay niyakap na siya nito. "Mukhang magtatagal pa tayo rito," matamlay na wika niya. Ayaw na sana niya na umiyak pa ngunit hindi pa rin niya mapigilan iyon kapag natatakot siya. "I know Uncle Rod. Kapag sinabi niyang gagawin niya ang isang bagay ay gagawin nga niya ito. Katulad din siya ng father ko." Hindi niya tinatawaran ang kakayahan ng pami

    Last Updated : 2023-05-15
  • Admiring Him From Afar    CHAPTER EIGHT

    KAPWA sila natigilan. Agad lumayo si Rachelle sa kama ni Carlo. Tumutok ng tingin ni Marga sa kanya. At hindi niya maintindihan ang kalakip na emosyon ng mga tingin nito. Pagkatapos ay saka lang ito lumapit kay Carlo. Agad itong yumakap sa binata, at siniil ito ng halik. Iniiwas niya ang kanyang tingin mula sa mga ito dahil hindi niya gusto ang naging reksiyon ng kanyng damdamin sa nakita niyang tagpo. Pakiramdam niya ay sinadya ni Marga na halikan si Carlo sa kanyang harap. Nang mapansin niya na hindi pa rin naghihiwalay ang dalawa ay balak na sana niyang lumabas ng kuwarto ngunit narinig niyang tinawag siya ni Carlo. "Rachelle, wait!" Huminto siya sa paglabas. "I want you to meet Marga," sabi nito. Isang ngiti ang ibinigay niya rito. Saka siya alanganin na lumapit dito at inilahad niya ang kanyang kamay sa babae. "So, you're Rachelle," anito nang tanggapin nito ang kanyang kamay. Mahigpit na mahigpit ang pagkak

    Last Updated : 2023-05-16
  • Admiring Him From Afar    CHAPTER NINE

    RACHELLE was shocked at first. Hindi niya nakuhang kumilos. Carlo's kiss was very intense. Pakiramdam niya ay unti-unting nauubos ang kanyang lakas. Halos hindi siya makahinga sa sobrang higpit ng pagkakayakap nito sa kanya. Na tila ba takot itong mawala siya sa mga braso nito. Ngunit hindi bale nang hindi siya makahinga. Kung mamamatay man siya sa ganoong paraan, at least, namatay siya sa mga bisig nito. Ngunit nang bigla niyang maalala si Marga ay malakas niyang itinulak ito. Ngunit parang wala itong balak na bitawan siya at pakawalan ang kanyang mga labi. At kahit subukan niyang itulak ang inata ay nawawalan ng saysay ang effort niya. Tuloy ay nagtatalo ang kanyang kalooban. She loved what he was doing. Ngunit sinasabi ng isip niya na hindi dapat nangyayari iyon. Habol na niya ang kanyang hininga nang pakawalan ng lalaki ang kanyang mga labi.. Ngunit nanatili pa rin itong nakayakap sa kanya. Neither of them spoke. Nanatiling nag-uusap ang kanilang mga mata. Inabot nito ang f

    Last Updated : 2023-05-17
  • Admiring Him From Afar    CHAPTER TEN

    THE NEXT four weeks were the happiest moments in Rachelle's life. Masaya sila ni Carlo dahil damang-dama niya ang pagmamahal nito. Masyadong nag-alala ito sa kanya. Nang bumalik siya sa production ng Exposed ay halos ginawa na nitong regular ang paghahatid sa kanya; kung hindi man ay kay Mandy siya ipinahahatid nito. Pauwi na sila nang gabing iyon galing ng TV station, sakay ng kotse nito at masayang nagkukuwentuhan, nang makatanggap ito ng tawag mula kay Marga. Nagtaka siya kung bakit parang tinamaan ito ng kidlat habang kausap nito ang babae. "Carlo... why? Is there something wrong?" "May importante raw sasabihin sa akin si Marga. Gusto raw niyang magkita kami," "Why do you look so worried?" "Saka ko na sasabihin sa iyo pagkatapos naming mag-usap. Ayokong mag-worry ka," seryosong sabi nito. Hindi na niya kinulit ito. Ngunit hindi niya maintindihan ang kabang nadarama niya. "AYOKO na sanang guluhin pa kayo ni Rachelle," simula ni Marg

    Last Updated : 2023-06-25
  • Admiring Him From Afar    EPILOGUE

    SAKAY sila ng PAL plane patungo sa Paris. Doon ang unang destinasyon nila sa kanilang one-month honeymoon. Kahapon ay ikinasal sila, isang taon pagkatapos silang ma-kidnap. Tumatakbo na ang kaso ni Governor Matilde at lalong nadidiin ito. Nasa ilalim na ng witness protection program si Gari de los Santos. At ang kanyang groom ay ipinagpapatuloy ang programa nito. Mas maingat na nga lang ito---alang-alang daw sa kanya. "Kailangan pa tayong ma-kidnap para mapansin kita at ma-realize kong you are a gem. You are so special," sabi nito nang kabigin siya nito. "May maganda ring naidulot ang pagkaka-kidnap sa atin, hindi ba?" "Ano?" ''Nangyari siguro lahat ng iyon para makilala ko ang babaeng gusto ko talagang makasama for the rest of my life, the one I want to grow old with, the one who would welcome me with a warm embrace every time I come home at the end of the day, who would have dinner with me, and who would give me a relaxing massage after

    Last Updated : 2023-06-25
  • Admiring Him From Afar    CHAPTER ONE

    RACHELLE was very excited. No, that was an understatement. Hindi lang excitement ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Finally, she was going to meet Carlo Dela Cruz in person--- her biggest crush, the man in her fantasies. Nakatakda kasing interview-hinniya ang sikat na broadcaster. Pagkatapos ng matagal-tagal ding pagsisikapniyang makakuha ng appointment sa secretary-assistant nitong si Mandy upang mapagbigyan siya para sa intervieway napasagot din niya ng "oo" ang huli. Hindi niya alam kung nakulitan lang ito sa kanya o nakuha ito sa mga papungay niya ng mga mata. Ang interview ay para sa You, isang bagong lifestyle magazine kung saan contributor at features writer siya. Ang kanyang tita Mel, younger sister ng kanyang mommy, ang publisher. And since she was a MassCom graduate, inalok siya nitong tulungan niya ito sa naturang magazine. Three months pa lamang tumatakbo ang magazine na lumalabas nang bimonthly. Paborito niyang i-feature ang mga tao

    Last Updated : 2023-03-21

Latest chapter

  • Admiring Him From Afar    EPILOGUE

    SAKAY sila ng PAL plane patungo sa Paris. Doon ang unang destinasyon nila sa kanilang one-month honeymoon. Kahapon ay ikinasal sila, isang taon pagkatapos silang ma-kidnap. Tumatakbo na ang kaso ni Governor Matilde at lalong nadidiin ito. Nasa ilalim na ng witness protection program si Gari de los Santos. At ang kanyang groom ay ipinagpapatuloy ang programa nito. Mas maingat na nga lang ito---alang-alang daw sa kanya. "Kailangan pa tayong ma-kidnap para mapansin kita at ma-realize kong you are a gem. You are so special," sabi nito nang kabigin siya nito. "May maganda ring naidulot ang pagkaka-kidnap sa atin, hindi ba?" "Ano?" ''Nangyari siguro lahat ng iyon para makilala ko ang babaeng gusto ko talagang makasama for the rest of my life, the one I want to grow old with, the one who would welcome me with a warm embrace every time I come home at the end of the day, who would have dinner with me, and who would give me a relaxing massage after

  • Admiring Him From Afar    CHAPTER TEN

    THE NEXT four weeks were the happiest moments in Rachelle's life. Masaya sila ni Carlo dahil damang-dama niya ang pagmamahal nito. Masyadong nag-alala ito sa kanya. Nang bumalik siya sa production ng Exposed ay halos ginawa na nitong regular ang paghahatid sa kanya; kung hindi man ay kay Mandy siya ipinahahatid nito. Pauwi na sila nang gabing iyon galing ng TV station, sakay ng kotse nito at masayang nagkukuwentuhan, nang makatanggap ito ng tawag mula kay Marga. Nagtaka siya kung bakit parang tinamaan ito ng kidlat habang kausap nito ang babae. "Carlo... why? Is there something wrong?" "May importante raw sasabihin sa akin si Marga. Gusto raw niyang magkita kami," "Why do you look so worried?" "Saka ko na sasabihin sa iyo pagkatapos naming mag-usap. Ayokong mag-worry ka," seryosong sabi nito. Hindi na niya kinulit ito. Ngunit hindi niya maintindihan ang kabang nadarama niya. "AYOKO na sanang guluhin pa kayo ni Rachelle," simula ni Marg

  • Admiring Him From Afar    CHAPTER NINE

    RACHELLE was shocked at first. Hindi niya nakuhang kumilos. Carlo's kiss was very intense. Pakiramdam niya ay unti-unting nauubos ang kanyang lakas. Halos hindi siya makahinga sa sobrang higpit ng pagkakayakap nito sa kanya. Na tila ba takot itong mawala siya sa mga braso nito. Ngunit hindi bale nang hindi siya makahinga. Kung mamamatay man siya sa ganoong paraan, at least, namatay siya sa mga bisig nito. Ngunit nang bigla niyang maalala si Marga ay malakas niyang itinulak ito. Ngunit parang wala itong balak na bitawan siya at pakawalan ang kanyang mga labi. At kahit subukan niyang itulak ang inata ay nawawalan ng saysay ang effort niya. Tuloy ay nagtatalo ang kanyang kalooban. She loved what he was doing. Ngunit sinasabi ng isip niya na hindi dapat nangyayari iyon. Habol na niya ang kanyang hininga nang pakawalan ng lalaki ang kanyang mga labi.. Ngunit nanatili pa rin itong nakayakap sa kanya. Neither of them spoke. Nanatiling nag-uusap ang kanilang mga mata. Inabot nito ang f

  • Admiring Him From Afar    CHAPTER EIGHT

    KAPWA sila natigilan. Agad lumayo si Rachelle sa kama ni Carlo. Tumutok ng tingin ni Marga sa kanya. At hindi niya maintindihan ang kalakip na emosyon ng mga tingin nito. Pagkatapos ay saka lang ito lumapit kay Carlo. Agad itong yumakap sa binata, at siniil ito ng halik. Iniiwas niya ang kanyang tingin mula sa mga ito dahil hindi niya gusto ang naging reksiyon ng kanyng damdamin sa nakita niyang tagpo. Pakiramdam niya ay sinadya ni Marga na halikan si Carlo sa kanyang harap. Nang mapansin niya na hindi pa rin naghihiwalay ang dalawa ay balak na sana niyang lumabas ng kuwarto ngunit narinig niyang tinawag siya ni Carlo. "Rachelle, wait!" Huminto siya sa paglabas. "I want you to meet Marga," sabi nito. Isang ngiti ang ibinigay niya rito. Saka siya alanganin na lumapit dito at inilahad niya ang kanyang kamay sa babae. "So, you're Rachelle," anito nang tanggapin nito ang kanyang kamay. Mahigpit na mahigpit ang pagkak

  • Admiring Him From Afar    CHAPTER SEVEN

    PINAGMASDAN ni Rachelle si Carlo na tila malalim ang iniisip pagkatapos nitong makipag-usap kay Arman at sa Uncle Rod nito. Alam niyang labag sa loob at prinsipyo nito ang sumunod sa kahat ng mga demands ng gobernador. Alam niyang dahil sa kanya ay napiitan na rin to na sumunod. "I'm sorry, hindi ka na dapat nadamy pa dito," he said in a velvety voice. Gusto nyang muling sumandal sa dibdib nito. Nabasa yata nito ang nasa isip niya, kaya idinikit nito ang noo nito sa kanyang noo. At sapat na ang gesture nitong iyon upang panandaliang mapawi ang kanyang takot. Kung hindi lamang nakaposas ito, sa malamang ay niyakap na siya nito. "Mukhang magtatagal pa tayo rito," matamlay na wika niya. Ayaw na sana niya na umiyak pa ngunit hindi pa rin niya mapigilan iyon kapag natatakot siya. "I know Uncle Rod. Kapag sinabi niyang gagawin niya ang isang bagay ay gagawin nga niya ito. Katulad din siya ng father ko." Hindi niya tinatawaran ang kakayahan ng pami

  • Admiring Him From Afar    CHAPTER SIX

    HINDI nila namalayan ni Rachellena umaga na. Nakakarinig na sila ng tilaok ng mga manok. Four-thirty na, ayon sa kanyang wristwatch. Ni hindi sila nakaramdam ng antok dahil ginugol nila ang mga nagdaang oras sa pag-uusap ng tungkol sa kung anu-anong topic. Nilibang niya ito upang kahit pansamantala ay maibsan ang takot nito. "Why don't you take a nap?" wika nito sa kanya. Nakaupo lang siya nang pasandal sa kama; nasa gilid ito. "Ayokong matulog," anito. "Baka paggising ko, wala ka na naman." "Hindi ako aalis dito. Try to get some sleep," sabi niya. "Don't worry babantayan kita habang natutulog ka." "Umidlip ka na rin," sabi nito. "Mahirap ang wala kang tulog. Manghihina ka at hindi ka makakapag-isip ng tama." "Okay, sige, dito na lang ako sa lapag," aniya. "Malaki naman itong kama, kasya tayo rito," anito. "Huwag mo akong intindihin. Kaya ko nang mamaluktot dito." Nahiga na ito. Siya na

  • Admiring Him From Afar    CHAPTER FIVE

    HINDI maipaliwanag ni Rachelle ang nararamdaman niya nang makita niya si Carlo. Mahigit isang oras lang na hindi niya nakita ito ngunit parang isang taon na silang hindi nagkita. Nakadama siya ng matinding awa rito nang makita niya ang mga pasa at putok na labi nito. Nakatali pa rin ang mga kamay nito sa likod nito. Gusto niyang sugurin ito ng yakap. Ngunit bigla rin siyang natigilan. May karapatan ba siyang gawin iyon? Tumaas ang mga kamay niya ngunit hindi niya alam kung paano hahawakan ito. Nagdadalawang-isip siyang hindi niya maunawaan. Pakiramdam niya, kapag dumaiti ang kanyang kamay rito ay hindi na niya matitiis na hindi yakapin ito. Ngunit hindi na rin niya napigilan ang kanyang sarili. Paglap[it niya ay nayakap na rin niya ito dahil sa matinding awa. "Ano'ng ginawa nila sa iyo?" sabi niya habang sinisipat niya ang mga pasa nito. Naisubsob niya ang kanyang mukha sa dibdib nito. Hindi niya napigilan ang maiyak. "

  • Admiring Him From Afar    CHAPTER FOUR

    LALONG sinagilahan ng takot si Rachelle nang malaman niyang nag-iisa siya sa pinagdalhan sa kanya pagkatapos siyang tanggalan ng piring. Bakit pinaghiwalay sila ni Carlo? Iginala niya ang kanyang tingin sa paligid. Nasa loob siya ng isang tila opisina. May dalawang lumang desks, mga silya at swivel chairs na may kalumaan narin. May isang ceiling fan na puro alikabok at filing cabinet na yari sa bakal. Hindi kalakihan ang opisina; may maliit na bintanang may grills ngunit mataas iyon. Puro alikabok na rin ang mga salamin niyon. "Dios ko, bakit kami dinukot? For ransom?" Naalala niya ang mga death threats na natatanggap ni Carlo. Ibig sabihin, posibleng nadamay lang siya at si Carlo lamang talaga ang target ng mga kidnappers. Ano kaya'ng nangyayari kay Carlo? Baka binugbog na siya, pag-aalala niya. At siya, ano ang gagawin sa kanya ng kanilang mga kidnappers? Kung kasama sana niya si Carlo, baka lumakas pa ng kaunti ang kanyang l

  • Admiring Him From Afar    CHAPTER THREE

    MAYAMAYA pa ay nagyaya na ang binata na umakyat na sila sa bahay. Magkaagapay sila na pumasok. Nasa ikatlong baitang na sila ng hagdan nang sumabit ang paa nito. Agad niya dinaluhan ito para alalayan. Ngunit sa halip na maalalayan niya ito, sa tangkad nito ay siya pa ang natangay nito pabalik sa mga lower steps. Tuluyan na silang nahulog sa mismong landing ng hagdan. Napatihaya siya sa baldosa. At napaibaabw ang binata sa kanya. Tuloy ay napatitig siya sa mga mata nito. Matagal sila sa ganoong ayos. Pang may kung anong sinasabi ang mga mata nito. Hindi siya kumukurap sa pagkakatitig niya rito. They were very close. Halos madinig na niya ang tibok ng puso nito. O pintig ng sarili niyang puso ang naririnig niya? Langhap na langhap din niya ang hininga nito. Nakapagtatakang nangingibabaw pa rin ang mabangong amoy niyon kaysa sa amoy ng Chivas Regal na ininom nito. The warm scent of him wafter through her;his now fami

DMCA.com Protection Status