HINDI maipaliwanag ni Rachelle ang nararamdaman niya nang makita niya si Carlo. Mahigit isang oras lang na hindi niya nakita ito ngunit parang isang taon na silang hindi nagkita. Nakadama siya ng matinding awa rito nang makita niya ang mga pasa at putok na labi nito. Nakatali pa rin ang mga kamay nito sa likod nito.
Gusto niyang sugurin ito ng yakap. Ngunit bigla rin siyang natigilan. May karapatan ba siyang gawin iyon?
Tumaas ang mga kamay niya ngunit hindi niya alam kung paano hahawakan ito. Nagdadalawang-isip siyang hindi niya maunawaan. Pakiramdam niya, kapag dumaiti ang kanyang kamay rito ay hindi na niya matitiis na hindi yakapin ito.
Ngunit hindi na rin niya napigilan ang kanyang sarili. Paglap[it niya ay nayakap na rin niya ito dahil sa matinding awa.
"Ano'ng ginawa nila sa iyo?" sabi niya habang sinisipat niya ang mga pasa nito.
Naisubsob niya ang kanyang mukha sa dibdib nito. Hindi niya napigilan ang maiyak.
"Don't cry, Rachelle. Lakasan mo ang loob mo," sabi nito sa kanya.
"Binugbog ka na nila. Baka sa susunod patayin na nila tayo." Hinbdi pa rin niya mapigilan ang luha dala ng takot.
"Hindi nila gagawin iyon dahil may kailangan sila sa akin," sabi nito. "Saka wala lang ang bugbog na 'to. Ako ang nauna. Nainis kasi ako nang sabihin nilang pahiirapan ka nila. Binigyan ko ng front kicks `yong dalawa, kaya heto. Pero naregaluhan ko rin naman sila ng mga black eyes."
Nakuha pa nitong ngumiti. Kahit sa ganoong sitwasyon ay hindi ito mukhang nakakaawa. He seemed to be in control, hindi natitinag.
"Let's just hope na ma-trace tayo ng authorities at ma-rescue tayo," sabi nito sa tinig na parang gusto siyang aluin nito, pawiin ang mga takot niya.
Nanatiling nakasubsob ang mukha niya sa dibdib nito. Matagal siya sa ganoong ayos. Pakiramdam niya ay ayaw na niyang umalis sa pagkakahilig sa matigas na dibdib nito. Because she felt protected and safe kapag malapit siya rito, napapawi ang kanyang takot kahit kaunti, kahit pansamantala.
Kung hindi kaya nakatali ang mga kamay nito, yayakapin din kaya siya nito?
"Sabi ko sa iyo, mag-hire ka ng bodyguard. Ang tigas kasi ng ulo mo, eh," sabi niya. Noon niya napansin ang mga patak ng dugo sa shirt na suot nito.
Inalis niya ang pagkakasubsob ng kanyang mukha sa dibdib nito. Napansin niya ang dugo sa putok na mga labi nito. "May dugo pa ang sugat mo sa labi," sabi niya.
Naghanap siya ng maaari niyang ipamunas sa duguang labi nito sa aparador na naroon.
Mabuti na lamang at nakakita siya ng malinis na puting T-shirt doon. Iyon ang ipinamunas niya sa mga dugong natira sa pumutok na labi ng binata.
Napailing siya. Iyon na nga ba ang kinatatakutan niya, ang saktan ito ng mga kidnappers.
Inilipat niya ang kanyang atensyon sa pagtatanggal ng tali sa mga kamay nito. Nahirapan man siya ay nagawa rin niya iyon pagkatapos niyang pagpawisan. Bukod kasi sa nylon cord ang ginamit ay masyado pang nakabuhol iyon.
Muli ay pinagmasdan niya ito. Matagal ding napatitig ito sa kanya. At nagulat pa siya nang umangat ang kamay nito at haplusin nito ang kanyang mukha. Saka nito masuyong inayos ang magulong buhok niya.
He seemed to be a man who loved touching. Ganoon din siguro ito kay Marga. At gusto niya ang pagiging mahaplos nito. Binawi niya ang kanyang tingin nang maramdaman niyang gusto niya ang ginagawa nito.
"Nandito tayo sa teritoryo nila. Kaya huwag masyadong mainitin ang ulo," paalala niya rito. "Baka lalo ka lang nilang pahirapan."
"Nag-aalala kasi ako sa pwede nilang gawin sa iyo," sabi nito. "Narinig pala kitang tumitili kanina. Did they hurt you?"
Parang gusto niyang ihagis ang kanyang sarili rito dahil sa huling sinabi nito. "Nag-aalala ako sa pwede nilang gawin sa iyo..." H-hindi naman nila ako sinaktan," sabi niyang iniiwas ang kanyang tingin dito. Naupo siya sa tabi nito sa gilid ng kama ngunit nakaharap siya sa aparador.
"Bakit nagtititili ka kanina?" tanong nito.
"Ipinasok kasi nila ako sa bodega. Pagkatapos, ang dami-daming daga roon. Daga pa naman ang kinatatakutan ko sa lahat. May ahas pa akong nakita."
She saw his jaw grow tense.
"Sinadya pa nilang takutin ka para bumigay ako sa gusto nilang mangyari," naiiling na sabi nito.
"Nag-alala nga ako nang paghiwalayin nila tayo ng kuwarto," sabi niya.
"Sa akin ka pa nag-alala? Ikaw nga ang hindi dapat nadamay rito. Napagkamalan ka nilang girlfriend ko dahil sa lumabas na tsismis sa tabloid."
"Bakit hindi mo sabihin sa kanilang hindi mo ako girlfriend?"
"I've told them. Pero ayaw nilang maniwala. Ngayon, nahihirapan tuloy akong magdesisyon dahil kailangan kong isipin ang safety mo. Kung ako lang, kaya kong makipagmatigasan sa mga kidnappers natin hanggang sa ma-rescue na lang ako. Hindi ako bibigay sa mga demands nila."
"Sinasabi mo bang nakadagdag pa ako sa problema mo?" nagtatampong wika niya. Hindi kasi niya gusto ang tono nito. "Parang gusto mong sabihing pabigat ako sa iyo."
"Tingnan mo `to," sabi nito. "How can you be so childish?" galit na wika nito. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin."
Childish? Tawagin ba siyang "childish" nito. Kani-kanina lang ay hinahaplos nito ang kanyang puso;parang gusto nitong iduyan at aluin siya. Ngayon naman, sinasaktan na siya nito sa mga sinasabi nito.
Nang maramdaman na naman niyang hinahaplos nito ang kanyang buhok ay napatingin siya rito.
"I'm sorry kung ganoon ang dating sa iyo ng sinabi ko," he said in a voice that was almost a whisper. "Naiinis lang ako dahil hindi ka naman dapat nadamay rito. Ang isipin na lang natin ngayon ay kung paano natin maililigtas ang mga sarili natin."
''Kilala mo na ba kung sino ang mastermind nito?" tanong niya.
"Si Governor Matilde, isa sa mga taong inatake namin sa Exposed last month."
"Gusto ka nilang parusahan dahil sa ginawa mo?"
"Hindi. May hinihingi silang ulo sa akin, si Gani, `yong provincial treasurer nila na umingi ng tulong sa akin pagkatapos niyang makatanggap gdeath threats. Alam ni Governor Matilde na mabigat na witness si Gani kapag nasampahan na siya ng kaso sa ombusman. Next week, balak na ng isang civic group na isampa ang kaso. Nag-aalala si Gani na bago pa siya makapasok sa witness protection program ay mapatay na siya ni Matilde. In fact, kung hindi tayo na-kidnap, balak na naming dalhin siya sa DOJ sa monday para i-apply siya sa witness protection program. Pero maagap si Matilde."
"So, alam mo na kung nasaan siya?"
"Itinago siya ng isang pinagkakatiwalaan kong tao. Ang pamilya naman niya ay nasa proteksiyon ng civic group na magsasampa ng demanda sa ombusman."
"Ano'ng sabi mo kay Governor Matilde?" usisa niya.
"Ang hirap ng sitwasyon, Rachelle," naiiling na sabi nito. "Ayokong ipahamak si Gani. Dahil alam kong ipapapatay siya ni Matilde kapag itinuro ko kung nasaan siya. Pero mukhang hindi tayo pakakawalan hangga't hindi ko sinasabi ang totoo."
"Ano'ng gagawin mo?"
"Ikaw ang ginagamit nilang panggipit sa akin. Kung ako lang ang dinukot nila, hihintayin ko na lang na ma-rescue ako ng authorities. Kung papatayin man nila ako, bahala na. Pero dahil kasama kita at natatakot ako sa maaaring gawin nila sa iyo, kailangan magdesisyon ako."
Sinapo nito ang noo nito.Damang-dama niya ang pagkakaipit nito sa sitwasyong kailangan nitong mamili--- si Gani de los Santos o siya?
Hinawakan niya ito sa balikat nito. Gusto niyang pagaanin ang sitwasyon. Gusto niyang tulungan ito upang mapadali rito ang lahat. "Bakit inilagay mo ang sarili mo sa ganitong sitwasyon? Alam mong posibleng maipit ka," nag-aalalang wika niya rito.
"Hindi ako tumatanggi sa mga taong humihingi ng tulong sa akin, Rachelle. Nakaplano na ang mga gagawin namin. Naunahan lang kami ni Matilde dahil Sabado ngayon, walang pasok sa mga government agencies. At ang isang pagkakamali ko pa,in-expose ko ang sarili ko. Tuloy ay nagawa nilang ipitin ako bago pa maipasok sa witness protection program si Gani. Talagang hindi titigil si Matilde para matahimik ang mga taong puwedeng makapagdiin sa kanya. Balak nilang iligpit ang lahat ng witness."
"Baka naman hindi nila papatayin si Gani de los Santos? Baka naman gusto lang nilang takutin siya o hingin sa kaniya ang mga ebidensiyang hawak niya?" sabi niya.
"Hindi ganoon mag-isip si Matilde. Hindi siya ganoon kabait. Hindi niya bubuhayin ang taong magdidiin sa kanya sa kasalanan niya."
"Ano'ng gagawin natin ngayon? Kapag hindi mo sinabi kung nasaan si Gani, baka patayin nila tayo," takot na takot na sabi niya.
Nagpakawala ito ng buntong-hininga. Saka muling tiningnan siya ng malamlam na mga mata nito. Parang alalang-alala ito sa kanya. "Hindi ko kayang magpahamak ng tao, Rachelle," halos pabulong nang sabi nito. "Kaya hindi ko puwedeng ipahamak si Gani."
"I know. Pero hihintayin na lang ba natin na patayin nila tayo?" Gumuhit na naman ang takot sa kanyang dibdib. Anytime ay puwede silang patayin ng mga kidnappers nila.
"Rachelle, mahirap makipag-deal sa mga taong katulad nila. Wala silang isang salita. Lahat ay pabor lang sa kanila. Akala mo ba, kapag nakuha na nila ang gusto nila ay bubuhayin pa nila tayo? Alam nilang mapatay man nila si Gani,magsasalita ako kapag binuhay pa nila ako. Hindi nila ipapahamak ang mga sarili nila.Dahil alam nilang kapag pinakawalan at binuhay pa nila tayo ay hindi nila malulusutan ang kasong ito ng kidnapping."
"You mean, this could really be...our end?" Lalo siyang ginaoangan ng kilabot. Nangilid ang kanyang mga luha. She was too young to die. Marami pa siyang gustong gawin sa kanyang buhay.
Mataman siyang pinagmasdan ng binata. Punung-puno ng concern ang mga mata nito. "Damn! I shouldn't have told you that. Tuloy ay lalo kang natakot."
Napahikbi siya. "Mabuti na rin namang alam ko ang posibleng mangyari sa atin."
"No, don't be scared. Kalimutan mo na ang sinabi kong iyon."
Ngunit napaiyak pa rin siya. Hindi na ba niya makikita ang kanyang pamilya?
Naramdaman na lamang niyang marahan siyang kinabig nito. Inalo siya nito. "Tahan na. Hindi makakatulong `yan sa atin.I want you to be positive and brave this time. Hindi characteristic ng isang journalist ang pagiging duwag at mahina ang loob."
Pagkatapos ng saglit na pag-iyak ay nakasumpong siya ng kaunting comfort habang yakap siya nito at nakasubsob ang kanyang mukha sa balikat nito.
"Ano'ng gagawin natin?" tanong niya rito.
"Sa ngayon ay wala pa akong maisip, Rachelle. Mukhang imposible ang tumakas. Let's just hope na mailigtas na lang tayo rito."
"Paano kung hindi?"
"Let's not lose hope. I'm sure kumikilos na ang lahat para mailigtas tayo. Iyon na lang ang hintayin natin. Isipin na lang natin na stranded tayo sa isang island," sabi nito, as if trying to have some humor in his voice. "Parang sa Cast Away. Naka-survive si Tom Hanks kahit nag-iisa siya. Samantalang tayo, dalawa tayo. At least, magkaka-damayan tayo. We can draw strength from each other."
Bahagyang nakalma ang kanyang kalooban. Pinakawalan na siya nito mula sa mga bisig nito.
"Alam mo ba kung bakit ganito na lang ang paglaban ko sa mga corrupt officials?" seryosong sabi nito. "My father was shot dead by corrupt official. Napatay siya dahil balak din niyang isiwalat ang pagiging corrupt ng isang government official.Paglabas niya ng bahay, binaril siya."
Natahimik siya. Ngayon niya higit na naiintindihankung bakit ginagawa nito ang ganoon kahit may kakambal na panganib iyon.
"Of course, I'm not doing this for revenge. But this is about continuing my father's mission," seryoso pa ring sabi nito.
"I understand," sabi niya. "If ever na makaligtas pa tayo rito, ipagpapatuloy mo pa ba itong ginagawa mo?"
"Kapag tumigil ako, parang binigyan ko lang ng chance ang mga katulad ni Matilde na parati akong sinisindak. But of course, I won't do this forever. Hindi ako natatkot para sa sarili ko but for my loved ones. Ayoko rin namang ilagay parati sa panganib ang kanilang buhay. Maybe, in five years, iiwan ko rin ang career kong ito. I'll just put up my own businessabroad. Baka pagbigyan ko na si Marga."
Natahimik siya. Lumilipad ang kanyang isip. Noon, nananaginip siyang magkasama sila nitong na-trap sa isang gumuhong building. Parang nagkatotoo iyon sa sitwasyon nila ngayon. Nasa isang sitwasyon sila ngayon na sila lamang ang magkakampi, in a situation of uncertainty and where both their lives were in danger.
Tingnan mo nga naman ang buhay, sa loob-loob niya. Magkasama nga sila nito nang ganito, nasa panganib naman sila.
HINDI nila namalayan ni Rachellena umaga na. Nakakarinig na sila ng tilaok ng mga manok. Four-thirty na, ayon sa kanyang wristwatch. Ni hindi sila nakaramdam ng antok dahil ginugol nila ang mga nagdaang oras sa pag-uusap ng tungkol sa kung anu-anong topic. Nilibang niya ito upang kahit pansamantala ay maibsan ang takot nito. "Why don't you take a nap?" wika nito sa kanya. Nakaupo lang siya nang pasandal sa kama; nasa gilid ito. "Ayokong matulog," anito. "Baka paggising ko, wala ka na naman." "Hindi ako aalis dito. Try to get some sleep," sabi niya. "Don't worry babantayan kita habang natutulog ka." "Umidlip ka na rin," sabi nito. "Mahirap ang wala kang tulog. Manghihina ka at hindi ka makakapag-isip ng tama." "Okay, sige, dito na lang ako sa lapag," aniya. "Malaki naman itong kama, kasya tayo rito," anito. "Huwag mo akong intindihin. Kaya ko nang mamaluktot dito." Nahiga na ito. Siya na
PINAGMASDAN ni Rachelle si Carlo na tila malalim ang iniisip pagkatapos nitong makipag-usap kay Arman at sa Uncle Rod nito. Alam niyang labag sa loob at prinsipyo nito ang sumunod sa kahat ng mga demands ng gobernador. Alam niyang dahil sa kanya ay napiitan na rin to na sumunod. "I'm sorry, hindi ka na dapat nadamy pa dito," he said in a velvety voice. Gusto nyang muling sumandal sa dibdib nito. Nabasa yata nito ang nasa isip niya, kaya idinikit nito ang noo nito sa kanyang noo. At sapat na ang gesture nitong iyon upang panandaliang mapawi ang kanyang takot. Kung hindi lamang nakaposas ito, sa malamang ay niyakap na siya nito. "Mukhang magtatagal pa tayo rito," matamlay na wika niya. Ayaw na sana niya na umiyak pa ngunit hindi pa rin niya mapigilan iyon kapag natatakot siya. "I know Uncle Rod. Kapag sinabi niyang gagawin niya ang isang bagay ay gagawin nga niya ito. Katulad din siya ng father ko." Hindi niya tinatawaran ang kakayahan ng pami
KAPWA sila natigilan. Agad lumayo si Rachelle sa kama ni Carlo. Tumutok ng tingin ni Marga sa kanya. At hindi niya maintindihan ang kalakip na emosyon ng mga tingin nito. Pagkatapos ay saka lang ito lumapit kay Carlo. Agad itong yumakap sa binata, at siniil ito ng halik. Iniiwas niya ang kanyang tingin mula sa mga ito dahil hindi niya gusto ang naging reksiyon ng kanyng damdamin sa nakita niyang tagpo. Pakiramdam niya ay sinadya ni Marga na halikan si Carlo sa kanyang harap. Nang mapansin niya na hindi pa rin naghihiwalay ang dalawa ay balak na sana niyang lumabas ng kuwarto ngunit narinig niyang tinawag siya ni Carlo. "Rachelle, wait!" Huminto siya sa paglabas. "I want you to meet Marga," sabi nito. Isang ngiti ang ibinigay niya rito. Saka siya alanganin na lumapit dito at inilahad niya ang kanyang kamay sa babae. "So, you're Rachelle," anito nang tanggapin nito ang kanyang kamay. Mahigpit na mahigpit ang pagkak
RACHELLE was shocked at first. Hindi niya nakuhang kumilos. Carlo's kiss was very intense. Pakiramdam niya ay unti-unting nauubos ang kanyang lakas. Halos hindi siya makahinga sa sobrang higpit ng pagkakayakap nito sa kanya. Na tila ba takot itong mawala siya sa mga braso nito. Ngunit hindi bale nang hindi siya makahinga. Kung mamamatay man siya sa ganoong paraan, at least, namatay siya sa mga bisig nito. Ngunit nang bigla niyang maalala si Marga ay malakas niyang itinulak ito. Ngunit parang wala itong balak na bitawan siya at pakawalan ang kanyang mga labi. At kahit subukan niyang itulak ang inata ay nawawalan ng saysay ang effort niya. Tuloy ay nagtatalo ang kanyang kalooban. She loved what he was doing. Ngunit sinasabi ng isip niya na hindi dapat nangyayari iyon. Habol na niya ang kanyang hininga nang pakawalan ng lalaki ang kanyang mga labi.. Ngunit nanatili pa rin itong nakayakap sa kanya. Neither of them spoke. Nanatiling nag-uusap ang kanilang mga mata. Inabot nito ang f
THE NEXT four weeks were the happiest moments in Rachelle's life. Masaya sila ni Carlo dahil damang-dama niya ang pagmamahal nito. Masyadong nag-alala ito sa kanya. Nang bumalik siya sa production ng Exposed ay halos ginawa na nitong regular ang paghahatid sa kanya; kung hindi man ay kay Mandy siya ipinahahatid nito. Pauwi na sila nang gabing iyon galing ng TV station, sakay ng kotse nito at masayang nagkukuwentuhan, nang makatanggap ito ng tawag mula kay Marga. Nagtaka siya kung bakit parang tinamaan ito ng kidlat habang kausap nito ang babae. "Carlo... why? Is there something wrong?" "May importante raw sasabihin sa akin si Marga. Gusto raw niyang magkita kami," "Why do you look so worried?" "Saka ko na sasabihin sa iyo pagkatapos naming mag-usap. Ayokong mag-worry ka," seryosong sabi nito. Hindi na niya kinulit ito. Ngunit hindi niya maintindihan ang kabang nadarama niya. "AYOKO na sanang guluhin pa kayo ni Rachelle," simula ni Marg
SAKAY sila ng PAL plane patungo sa Paris. Doon ang unang destinasyon nila sa kanilang one-month honeymoon. Kahapon ay ikinasal sila, isang taon pagkatapos silang ma-kidnap. Tumatakbo na ang kaso ni Governor Matilde at lalong nadidiin ito. Nasa ilalim na ng witness protection program si Gari de los Santos. At ang kanyang groom ay ipinagpapatuloy ang programa nito. Mas maingat na nga lang ito---alang-alang daw sa kanya. "Kailangan pa tayong ma-kidnap para mapansin kita at ma-realize kong you are a gem. You are so special," sabi nito nang kabigin siya nito. "May maganda ring naidulot ang pagkaka-kidnap sa atin, hindi ba?" "Ano?" ''Nangyari siguro lahat ng iyon para makilala ko ang babaeng gusto ko talagang makasama for the rest of my life, the one I want to grow old with, the one who would welcome me with a warm embrace every time I come home at the end of the day, who would have dinner with me, and who would give me a relaxing massage after
RACHELLE was very excited. No, that was an understatement. Hindi lang excitement ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Finally, she was going to meet Carlo Dela Cruz in person--- her biggest crush, the man in her fantasies. Nakatakda kasing interview-hinniya ang sikat na broadcaster. Pagkatapos ng matagal-tagal ding pagsisikapniyang makakuha ng appointment sa secretary-assistant nitong si Mandy upang mapagbigyan siya para sa intervieway napasagot din niya ng "oo" ang huli. Hindi niya alam kung nakulitan lang ito sa kanya o nakuha ito sa mga papungay niya ng mga mata. Ang interview ay para sa You, isang bagong lifestyle magazine kung saan contributor at features writer siya. Ang kanyang tita Mel, younger sister ng kanyang mommy, ang publisher. And since she was a MassCom graduate, inalok siya nitong tulungan niya ito sa naturang magazine. Three months pa lamang tumatakbo ang magazine na lumalabas nang bimonthly. Paborito niyang i-feature ang mga tao
INILAGAY ni Rachelle ang isang kopya ng picture nila ni Carlo na ini-edit ni Dani sa isang magandang frame na binili pa niya sa Boracay. Saka niya ipinatong iyon sa ibabaw ng kanyang side table. She could not help but smile while looking at the product of a harmless fantasy. Siya raw ang girlfriend ni Carlo, ang babaeng nakatakdang pakasalan nito. Unang gabi pa lang ng picture na iyon sa bedside table niya ay nanaginip na siya. Na-trap daw sila sa isang gumuhong building katulad ng napanood niya sa TV. Naging very close daw sila, nagtulungan for their survival. And eventually ay may na-develop na magandang pagtitinginan sa kanilang dalawa. Nagising siya nang nakangiti. Alam niyang napapaligiran ang binata ng naggagandahang babae from all walks of life--- mga artista, ramp and commercial models, socialites, beauty queens, at ng naggagandahang colleagues nito sa mundo ng broadcasting. Of course, hindi naman niya gustong maliitin
SAKAY sila ng PAL plane patungo sa Paris. Doon ang unang destinasyon nila sa kanilang one-month honeymoon. Kahapon ay ikinasal sila, isang taon pagkatapos silang ma-kidnap. Tumatakbo na ang kaso ni Governor Matilde at lalong nadidiin ito. Nasa ilalim na ng witness protection program si Gari de los Santos. At ang kanyang groom ay ipinagpapatuloy ang programa nito. Mas maingat na nga lang ito---alang-alang daw sa kanya. "Kailangan pa tayong ma-kidnap para mapansin kita at ma-realize kong you are a gem. You are so special," sabi nito nang kabigin siya nito. "May maganda ring naidulot ang pagkaka-kidnap sa atin, hindi ba?" "Ano?" ''Nangyari siguro lahat ng iyon para makilala ko ang babaeng gusto ko talagang makasama for the rest of my life, the one I want to grow old with, the one who would welcome me with a warm embrace every time I come home at the end of the day, who would have dinner with me, and who would give me a relaxing massage after
THE NEXT four weeks were the happiest moments in Rachelle's life. Masaya sila ni Carlo dahil damang-dama niya ang pagmamahal nito. Masyadong nag-alala ito sa kanya. Nang bumalik siya sa production ng Exposed ay halos ginawa na nitong regular ang paghahatid sa kanya; kung hindi man ay kay Mandy siya ipinahahatid nito. Pauwi na sila nang gabing iyon galing ng TV station, sakay ng kotse nito at masayang nagkukuwentuhan, nang makatanggap ito ng tawag mula kay Marga. Nagtaka siya kung bakit parang tinamaan ito ng kidlat habang kausap nito ang babae. "Carlo... why? Is there something wrong?" "May importante raw sasabihin sa akin si Marga. Gusto raw niyang magkita kami," "Why do you look so worried?" "Saka ko na sasabihin sa iyo pagkatapos naming mag-usap. Ayokong mag-worry ka," seryosong sabi nito. Hindi na niya kinulit ito. Ngunit hindi niya maintindihan ang kabang nadarama niya. "AYOKO na sanang guluhin pa kayo ni Rachelle," simula ni Marg
RACHELLE was shocked at first. Hindi niya nakuhang kumilos. Carlo's kiss was very intense. Pakiramdam niya ay unti-unting nauubos ang kanyang lakas. Halos hindi siya makahinga sa sobrang higpit ng pagkakayakap nito sa kanya. Na tila ba takot itong mawala siya sa mga braso nito. Ngunit hindi bale nang hindi siya makahinga. Kung mamamatay man siya sa ganoong paraan, at least, namatay siya sa mga bisig nito. Ngunit nang bigla niyang maalala si Marga ay malakas niyang itinulak ito. Ngunit parang wala itong balak na bitawan siya at pakawalan ang kanyang mga labi. At kahit subukan niyang itulak ang inata ay nawawalan ng saysay ang effort niya. Tuloy ay nagtatalo ang kanyang kalooban. She loved what he was doing. Ngunit sinasabi ng isip niya na hindi dapat nangyayari iyon. Habol na niya ang kanyang hininga nang pakawalan ng lalaki ang kanyang mga labi.. Ngunit nanatili pa rin itong nakayakap sa kanya. Neither of them spoke. Nanatiling nag-uusap ang kanilang mga mata. Inabot nito ang f
KAPWA sila natigilan. Agad lumayo si Rachelle sa kama ni Carlo. Tumutok ng tingin ni Marga sa kanya. At hindi niya maintindihan ang kalakip na emosyon ng mga tingin nito. Pagkatapos ay saka lang ito lumapit kay Carlo. Agad itong yumakap sa binata, at siniil ito ng halik. Iniiwas niya ang kanyang tingin mula sa mga ito dahil hindi niya gusto ang naging reksiyon ng kanyng damdamin sa nakita niyang tagpo. Pakiramdam niya ay sinadya ni Marga na halikan si Carlo sa kanyang harap. Nang mapansin niya na hindi pa rin naghihiwalay ang dalawa ay balak na sana niyang lumabas ng kuwarto ngunit narinig niyang tinawag siya ni Carlo. "Rachelle, wait!" Huminto siya sa paglabas. "I want you to meet Marga," sabi nito. Isang ngiti ang ibinigay niya rito. Saka siya alanganin na lumapit dito at inilahad niya ang kanyang kamay sa babae. "So, you're Rachelle," anito nang tanggapin nito ang kanyang kamay. Mahigpit na mahigpit ang pagkak
PINAGMASDAN ni Rachelle si Carlo na tila malalim ang iniisip pagkatapos nitong makipag-usap kay Arman at sa Uncle Rod nito. Alam niyang labag sa loob at prinsipyo nito ang sumunod sa kahat ng mga demands ng gobernador. Alam niyang dahil sa kanya ay napiitan na rin to na sumunod. "I'm sorry, hindi ka na dapat nadamy pa dito," he said in a velvety voice. Gusto nyang muling sumandal sa dibdib nito. Nabasa yata nito ang nasa isip niya, kaya idinikit nito ang noo nito sa kanyang noo. At sapat na ang gesture nitong iyon upang panandaliang mapawi ang kanyang takot. Kung hindi lamang nakaposas ito, sa malamang ay niyakap na siya nito. "Mukhang magtatagal pa tayo rito," matamlay na wika niya. Ayaw na sana niya na umiyak pa ngunit hindi pa rin niya mapigilan iyon kapag natatakot siya. "I know Uncle Rod. Kapag sinabi niyang gagawin niya ang isang bagay ay gagawin nga niya ito. Katulad din siya ng father ko." Hindi niya tinatawaran ang kakayahan ng pami
HINDI nila namalayan ni Rachellena umaga na. Nakakarinig na sila ng tilaok ng mga manok. Four-thirty na, ayon sa kanyang wristwatch. Ni hindi sila nakaramdam ng antok dahil ginugol nila ang mga nagdaang oras sa pag-uusap ng tungkol sa kung anu-anong topic. Nilibang niya ito upang kahit pansamantala ay maibsan ang takot nito. "Why don't you take a nap?" wika nito sa kanya. Nakaupo lang siya nang pasandal sa kama; nasa gilid ito. "Ayokong matulog," anito. "Baka paggising ko, wala ka na naman." "Hindi ako aalis dito. Try to get some sleep," sabi niya. "Don't worry babantayan kita habang natutulog ka." "Umidlip ka na rin," sabi nito. "Mahirap ang wala kang tulog. Manghihina ka at hindi ka makakapag-isip ng tama." "Okay, sige, dito na lang ako sa lapag," aniya. "Malaki naman itong kama, kasya tayo rito," anito. "Huwag mo akong intindihin. Kaya ko nang mamaluktot dito." Nahiga na ito. Siya na
HINDI maipaliwanag ni Rachelle ang nararamdaman niya nang makita niya si Carlo. Mahigit isang oras lang na hindi niya nakita ito ngunit parang isang taon na silang hindi nagkita. Nakadama siya ng matinding awa rito nang makita niya ang mga pasa at putok na labi nito. Nakatali pa rin ang mga kamay nito sa likod nito. Gusto niyang sugurin ito ng yakap. Ngunit bigla rin siyang natigilan. May karapatan ba siyang gawin iyon? Tumaas ang mga kamay niya ngunit hindi niya alam kung paano hahawakan ito. Nagdadalawang-isip siyang hindi niya maunawaan. Pakiramdam niya, kapag dumaiti ang kanyang kamay rito ay hindi na niya matitiis na hindi yakapin ito. Ngunit hindi na rin niya napigilan ang kanyang sarili. Paglap[it niya ay nayakap na rin niya ito dahil sa matinding awa. "Ano'ng ginawa nila sa iyo?" sabi niya habang sinisipat niya ang mga pasa nito. Naisubsob niya ang kanyang mukha sa dibdib nito. Hindi niya napigilan ang maiyak. "
LALONG sinagilahan ng takot si Rachelle nang malaman niyang nag-iisa siya sa pinagdalhan sa kanya pagkatapos siyang tanggalan ng piring. Bakit pinaghiwalay sila ni Carlo? Iginala niya ang kanyang tingin sa paligid. Nasa loob siya ng isang tila opisina. May dalawang lumang desks, mga silya at swivel chairs na may kalumaan narin. May isang ceiling fan na puro alikabok at filing cabinet na yari sa bakal. Hindi kalakihan ang opisina; may maliit na bintanang may grills ngunit mataas iyon. Puro alikabok na rin ang mga salamin niyon. "Dios ko, bakit kami dinukot? For ransom?" Naalala niya ang mga death threats na natatanggap ni Carlo. Ibig sabihin, posibleng nadamay lang siya at si Carlo lamang talaga ang target ng mga kidnappers. Ano kaya'ng nangyayari kay Carlo? Baka binugbog na siya, pag-aalala niya. At siya, ano ang gagawin sa kanya ng kanilang mga kidnappers? Kung kasama sana niya si Carlo, baka lumakas pa ng kaunti ang kanyang l
MAYAMAYA pa ay nagyaya na ang binata na umakyat na sila sa bahay. Magkaagapay sila na pumasok. Nasa ikatlong baitang na sila ng hagdan nang sumabit ang paa nito. Agad niya dinaluhan ito para alalayan. Ngunit sa halip na maalalayan niya ito, sa tangkad nito ay siya pa ang natangay nito pabalik sa mga lower steps. Tuluyan na silang nahulog sa mismong landing ng hagdan. Napatihaya siya sa baldosa. At napaibaabw ang binata sa kanya. Tuloy ay napatitig siya sa mga mata nito. Matagal sila sa ganoong ayos. Pang may kung anong sinasabi ang mga mata nito. Hindi siya kumukurap sa pagkakatitig niya rito. They were very close. Halos madinig na niya ang tibok ng puso nito. O pintig ng sarili niyang puso ang naririnig niya? Langhap na langhap din niya ang hininga nito. Nakapagtatakang nangingibabaw pa rin ang mabangong amoy niyon kaysa sa amoy ng Chivas Regal na ininom nito. The warm scent of him wafter through her;his now fami