UPANG HINDI NA muling maangkin ni Rohi ang labi niya ay ipinatong na ni Daviana ang kanyang mukha sa balikat nito. Hindi naman na siya pinilit ni Rohi na nagkasya na sa pagyakap lang ng mga braso nito sa kanyang katawan. Hindi niya alam kung puso niya ba o puso nilang dalawa iyong malakas na kumakalabog na parang nakikipag-karera.“Kapag nahawa kita, hindi ka makakapsok ng trabaho. Tatambak ang gawain mo. Mapapagalitan ka.” Mahinang natawa ang binata sa pag-aalala ni Daviana. Marahan niyang hinagod ng palad ang likod nito. “Ayos lang. Pwede naman akong mag-trabaho habang narito sa bahay. May magagawa pa rin naman ako.” “Pero walang mag-aalaga sa’yo. Mag-isa ka lang dito. Buti sana kung dito ako nakatira, maalagaan kita.” Parang hinaplos ang puso ni Rohi doon. Napakamaalalahanin talaga ng dalaga sa kanya kahit noong mga bata pa sila. Kung hindi lang dahil kay Warren, paniguradong bata pa lang sila ay sobrang close na sila. Pero ayos lang dahil ngayon alam niyang may pag-asa pang ma
AALMA PA LANG sana sa sinabi ng ama si Warren nang matigilan siya dahil bigla na lang itong tumayo. Pinigilan niya ang sariling isatinig pa ang kanyang nais na sabihin. Saka na lang siya boboses sa ama.“May tatawagan lang ako tungkol sa trabaho. Alam mo kung gaano karami ng trabahong kailangang tapusin ko sa kumpanya ngayon, di ba? Syempre hindi. Kung hindi mo ginalit ang Lolo mo, hindi iyon mai-impede dahil makakapasok ako. Pabigat ka talaga kahit kailan. Mabuti na lang at palaging maaasahan si Rohi. Hindi mo siya kagayang walang ginagawa kung hindi ang bigyan lang kami ng sakit ng ulo.” Naikuyom ni Warren ang kanyang kamao. Kinukumpara na naman kasi siya sa anak sa labas na iyon ng sariling ama. Kung ito pala ang magaling, bakit hindi na lang ito ang ituring niyang sariling anak?“Ikaw na tinaguriang tagapagmana ng kumpanya, anong ambag mo? Wala. Puro problema. Kailan ka ba titino at magbabago, Warren? Titino ka pa ba?” umiling pa ito na tumitig gamit ang dismayadong mata.Wala ng
NAGING KALMADO SI Daviana hanggang sumapit ang tanghali, subalit nang dumating ang kaibigan niya at si Keefer nanumbalik bigla ang stress niya nang makita ang makahulugang tinging ipinupukol sa kanya ng kaibigang si Anelie. Kakaiba kasi iyon.“Good day, Mr. Gonzales!” pagbati pa nito pagkapasok sa loob, kakatapos lang kumain noon ng dalawa. “May ibibigay lang ako kay Daviana.”Tumango lang si Rohi at binalingan si Keefer. Dinala naman ni Daviana si Anelie sa silid kung saan siya pinapatuloy ng binata upang doon ibigay ng kaibigan ang mga hinihiram niyang damit dito. Napanganga na ang dalaga nang makita kung anong klaseng damit ang dala ng kaibigan niya.“Ano sa tingin mo?” proud pa nitong tanong matapos kunin ang night gown na parang halos labas na yata ang kaluluwa sa ikli noon at nipis, hindi tuloy mapigilang manlaki ng mga mata ng dalaga. Kinuha pa nito talaga iyon at tinapat sa katawan niya. “Bagay na bagay, girl. Malamang kapag sinuot mo ‘to, paniguradong makukuha mo ang buong at
MATAPOS KALMAHIN ANG sarili ay dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan ng silid. Tahimik sa sala. Malamang nasa silid na niya si Rohi at subsob na naman sa trabaho. Kung mabilis siyang tatakbo papasok hindi siya nito mapapansin. Bakit kasi walang banyo ang silid na inuukupa niya?‘Talaga Daviana? May kapal ka pang magreklamo?’Pigil ang hingang mabilis na siyang tumakbo pagbilang niya sa kanyang isipan. Pagkapasok niya sa silid ay halos tumili na siya tapos maisara ang pintuan. Akala niya ay nagawa na niyang makatakas, ngunit pag-ikot niya ay kulang na lang humandusay siya sa gulat nang makitang nasa loob ng silid ang lalaking kanyang tinatakasan. Confused na matamang tinitigan na siya ni Rohi. “Bakit ka nagmamadaling makapasok dito?”Mula sa mukha ng dalaga ay bumaba ang tingin niya sa dibdib nito na natatanaw ang panloob nitong bra. Hindi niya kasalanan na napatingin siya doon pero biglang siya ang nahiya sa ginawa.“A-Anong ginagawa mo dito?” yakap ni Daviana sa kanyang sarili upa
SINUNDAN SIYA NG tingin ni Daviana nang humakbang na patungo ng kusina. Sumidhi pa ang pagkakonsensya niya na tumanggi siya ngayon. Hindi na doon mapalagay si Daviana. Tumayo na siya upang sumunod sa kanya. Magkaibigan naman sila ni Rohi, pero sa tingin ni Daviana ay hindi pa panahon para malaman iyon ng ama at ina. Dumating ang kanilang pagkain. Pinagsaluhan nila iyon ni Rohi ng tahimik. Sobrang guilty na siya.“Pasensya ka na, Rohi…”Nag-angat ng tingin ang binata sa sinabi ni Daviana. Akmang sasagot na ito kung bakit nang biglang mag-ring ang phone niya sa tawag ni Anelie. Sinagot niya iyon na hindi pa rin inaalis ang mata kay Daviana sa pag-aakalang tungkol sa trabaho ang sadya nito. Walang anu-ano ay inilahad niya iyon sa harapan ng dalaga na nakikipagtagisan din ng titigan ngayon sa kanya.“Gusto kang kausapin ni Anelie.”Tinanggap iyon ni Daviana at nilagay na sa tainga. Nasa hapag pa rin sila, patapos pa lang kumain.“Girl, finally may naghahanap na sa’yo. Hindi ka raw mahana
SUMAKAY NG TAXI si Daviana pauwi ng bahay nila. Tahimik siyang bumaba sa tapat noon matapos na magbayad. Ilang minuto na siyang nakatayo sa harap ng kanilang gate. Iniisip kung pipindutin niya na ba ang doorbell noon. Ilang beses siyang nag-alinlangan. Huli na para magtago nang marinig niya ang mga yabag na papalapit sa kanilang gate. Hindi niya na kasi maigalaw ang kanyang katawan sa bilis ng pintig ng kanyang puso at pamamawis ng palad niya. Bumukas na ang gate at iniluwa noon ang bulto ng kanyang mga magulang. Gaya niya, pareho rin silang natigilan dito.“Daviana!” bulalas nitong mabilis na tinawid ang kanilang pagitan at mahigpit siyang niyakap, “Mabuti naman at bumalik ka na! Saan ka nagpunta nitong nakaraang dalawang araw? Wala kang dalang cellphone at wallet man lang!” marahan nitong hinaplos ang kanyang mukha na tila tinitingnan kung pumayat siya, “Sobra mo kaming pinag-alala.”Nagkabikig ang lalamunan ni Daviana. Pansin niya kasing tunay ang pag-aalala ng kanyang ina. “Salam
NAPAANGAT NA ANG puwet ni Daviana sa kanyang kinauupuan nang marinig ang mahinang boses ni Don Madeo. Biglang tumahip ang kanyang dibdib sa kaba. Iyon na ba? Muli bang pag-uusapan nila ang kasal?“Papunta’hin niyo nga dito sa tabi ko sina Warren at Daviana…gusto ko silang kausaping dalawa...” Ang akala kasi ng dalaga ay hindi pa nito kayang magsalita kung kaya naman nag-iisip na siya ng idadahilan upang makalabas ng silid dahil pakiramdam niya ay wala naman siyang ibang gagawin doon kung hindi ang tumunganga sa kawalan. Hindi lang si Daviana ang nagulat, dahil maging si Warren ay biglang kinabahan sa pagtawag sa kanila ng matanda. Matapos nitong ilagay sa bulsa ang cellphone ay tumayo ang lalaki at mabilis na lumapit sa kama ang kanyang Lolo Madeo. Naiwan si Daviana sa upuan.“Lolo, ano pong masakit sa’yo? May kailangan ka ba?”“N-Nasaan si Viana?” mahina nitong tanong na naiintindihan naman agad ni Warren.Napatayo na rin doon ang dalaga nang marinig ang pangalan niya at lumapit na
NANIGAS SA KANYANG kinatatayuan si Daviana. Parang ginapangan ng malamig na hangin ang kanyang likod na naging dahilan upang hindi siya makahuma. Marahan niyang kinagat ang labi. Malamang ay nabasa ng kanyang ama na tututulan niya ang pakiusap ng matanda kung kaya naman inunahan na siya nito. Isa pa ayaw ng kanyang ama na maging walang galang siya sa harapan ng may sakit na si Don Madeo, mabuti na iyong inunahan niya ang anak dito. “Warren…” Huminga nang malalim ang matanda na binalingan na ang kanyang apo na gulantang pa rin sa sinabi ni Danilo. “Payag na ang magiging asawa mo. Mamili tayo ng date kung kailan kapag magaling na ako. Kailangan niyong maging engaged at pagkatapos niyang makapag-martsa sa graduation, doon na natin itutuloy ang inyong kasal.”Naikuyom na ni Warren ang kanyang mga kamao. Si Daviana lang ang tinanong ng kanyang Lolo. Ni hindi man lang nito tinanong kung willing ba siya. Literal na ito ang nagdesisyon ng magiging kasal na una pa lang ay ayaw niya na. Pasa
LUMIWANAG AGAD ANG mukha ni Warren sa sinabing iyon ni Daviana. Oo nga naman, si Daviana iyon kaya ano ang pinag-aalala niya at mga makamundong iniisip niya sa kaibigan. Imposible na may mangyari agad sa kanila nang ganun kabilis. Hindi ito kaladkaring babae na kapag inaya ay magpapaubaya. Siya nga hindi pa nagagawa iyon sa nobya niyang si Melissa, malamang hanggang halikan lang din sila at hawak. Ngunit panandalian lang ang reaction niya sa sunod na sinabi ni Daviana na alam niyang may kahulugan. Kahulugan na kahit hindi niya isipin ay nagsusumiksik iyon sa kanyang noon pa man ay maruming isipan.“At kung sakali mang mabuntis niya nga ako, ano namang problema doon? Hindi ko kailangang mag-alala o ma-stress sa pag-iisip. Alam kong hindi naman ako pababayaan ni Rohi dahil responsable siya!”Napaawang na ang bibig ni Warren. Hindi niya ito inaasahan. Hindi kaya tama ang hula niya na may namagitan na nga sa kanila? Pero paano iyon nangyari? Hindi ganun si Daviana. Pinapahalagahan nito an
ILANG SEGUNDONG NATAHIMIK si Warren at huminga nang malalim. Ilang beses niya iyong pinag-isipan. Sa palagay niya ay hindi naman magiging masama ang labas ng offer niya. Pabor pa nga iyon sa dalaga.“Let them perfunctorily deal with the engagement first, and then make plans?” patanong nitong sagot na ang na nagpagusot pa ng mukha ni Daviana, “I mean hayaan natin mangyari ang engagement saka tayo magplano ng ibang kailangan nating gawin. Ibigay natin ang gusto nila para matapos na ang lahat ng ito.”Galit na nanlaki na ang mga mata ni Daviana. Kung makapagsalita ang lalaki akala mo ganun lang kadali ang mga pinagsasabi nito. Well, ano pa nga bang aasahan niya sa lalaking ito na spoiled at walang alam. Malamang iniisip nito na kaya niyang makuha ang anumang bagay na gustuhin, including na siya doon.“Hindi mo kailangang mabalisa, Viana. Makinig kang mabuti sa akin. Engagement pa lang naman ito at hindi pa naman tunay na kasal na may papel tayong legal na panghahawakan. Pwede namang hang
HINDI NAGSALITA SI Daviana kung kaya naman nilingon na siya ni Warren. Hindi nakaligtas sa mga mata ng lalaki ang mga mata ng dalaga na mapula na naman at anumang oras ay muling mapapaiyak. Malalim na siyang napahinga. Hindi niya mabasa kung ano ang naglalakbay sa kanyang isipan ng mga oras na iyon.“Umiiyak ka na naman ba?” Iniiwas ni Daviana ang kanyang mukha. Pilit niya iyong itinago dito dahil alam niyang aasarin na naman siya nito. Sino ba namang hindi maiiyak? Patung-patong ang problema niyang kinakaharap ngayon.“Sabihin mo na ang gusto mong sabihin. Nagmamadali ako.” sa halip ay sagot ni Daviana, hindi niya binigyan ng pagkakataong maasar siya ni Warren. “Gaano ba ka-importante iyan? Bilisan mo!” Napakurap na ng kanyang mga mata si Warren. Medyo nabastusan sa naging kasagutan ng dati niyang kaibigan. Pagod ang mga mata niya itong tiningnan ngunit wala pa rin iyong naging karampot na epekto kay Daviana na halatang wala ng pakialam sa kanya. May kung anong guwang na sa puso ni
BAKAS SA MGA mata ng dalaga na sobrang litong-lito na siya. Pilit niya lang kinalamay ang kanyang sarili para magmukhang kalmado pa rin kahit na ang kaloob-looban niya ay unti-unti ng gumugulo. Nagugulo. Hindi na alam ang gagawin at mga sasabihin ay pinili na lang niyang manahimik. Masyadong nagulo ang kanyang isipan ng sinabi ng kanyang ina. Malakas ang naging impact ng mga salita nito sa kanya tungkol sa nobyo. Hindi niya tuloy mapigilan na tanungin ang kanyang sarili kung gaano niya nga ito kakilala? Hindi lang iyon. Sa punto ng pananalita ng kanyang ina. Alam niya kung ano ang tinutumbok noon. Sadya ba talagang kailangan niyang makipaghiwalay kay Rohi? Hindi niya kaya. Sobrang mahal niya ang binata.“Hindi ka pa rin naman nakaka-graduate. Mahaba pa ang panahong lalakbayin mo anak. Anuman ang iyong desisyon, huwag kang magmadali upang gawin iyon. Isipin mo ulit mabuti ang mga desisyon mo sa buhay. Isa pa ay bata ka pa naman. Masyado pang bata. Marami pa ang mangyayari sa'yo basta h
HINDI MATANGGAP NG damdamin at parang sasabog na ang isipan ni Daviana sa sinabing iyon ng ina. Hindi niya lubos maisip na ganun ang hangarin ng kanyang nobyo. Maaring tama nga ito ng kanyang hinuha, pero malakas pa rin ang kanyang paniniwala na hindi iyon kayang gawin ni Rohi. Mabuting tao ang kanyang nobyo. Sobrang mahal na mahal din siya nito kaya bakit naman siya nito sasaktan at paiiyakin?“Alalahanin mo na ang buong pamilya ng Gonzales ay may ayaw sa kanya. Si Carol at Warren ang sobrang nanakit sa kanyang damdamin lalo na noong bata pa siya. Si Welvin na kanyang ama at si Don Madeo rin na halatang walang pakialam sa existence niya. Sa palagay mo ba ang isang taong tulad ni Rohi na may masalimuot na karanasan sa kanyang kabataan ay magiging mapagparaya at bukas-palad na patatawarin na lang ang lahat ng mga taong nanakit sa kanya?” muling iwan ng mga katanungan sa isipan ni Daviana ng kanyang inang si Nida, “Walang ganun Daviana, lahat ng tao ay mayroong hangganan ang pasensya.”
PARANG HINIHIWA NA ang puso ni Daviana sa mga salitang iyon ng ina na para bang pinagtatabuyan o tinatakwil siya ng araw na iyon, pero ang totoo gusto lang nitong maging maayos ang buhay niya. Ayaw na ni Nida na maranasan ng anak ang kahirapan sa piling ni Danilo. Gusto niyang mamulat doon ang anak. At ang mga salitang iyon ay ang kanyang tanging instrumento upang ipakilala sa kanya ang katotohanan.“Mag-aral ka pa rin, huwag mo iyong kakalimutan at pipiliing itigil. Magtapos ka. I-pursue mo ang mga pangarap mo. Kung kinakailangan mong tumigil muna para makapag-ipon ng mga gagastusin, gawin mo. Huwag ka lang babalik sa bahay. Naiintindihan mo, Viana? Hindi iyon ang magandang option sa ngayon.”Hilam na sa luha ang mga mata ni Daviana. Ilang beses siyang umiling. Masama na naman ang loob niya pero batid niyang may punto naman ang kanyang ina. Tama ito, nais nitong suportahan ang gusto niya.“Sorry Viana, kasalanan ko ang lahat kung kaya nagkaroon ka ng amang kagaya niya. Okay naman siy
PUMASOK NA SI Daviana sa loob samantalang tumigil naman sa paghakbang papalayo si Warren. Muling bumalik at sumandal lang sa pader malapit sa pinto ng ward upang hintayin doon si Daviana. Naisip niya na kapag iniwanan niya ito doon ay baka takasan lang siya nitong bigla. Hindi niya pa naman alam kung saan ito namamalagi ng sandaling iyon. Nakaramdam siya ng lungkot. Naninibago. Sobrang laki ng ipinagbago ng kaibigan mula ng lumayas ito. Parang hindi na ito ang kaibigan na kanyang minahal dati.“Kasalanan mo rin naman ‘yun, Warren…” paninisi niya sa kanyang sarili habang huminga na ng malalim.Maingat na isinara ni Daviana ang pintuan ng ward. Napabaling ng tingin doon si Nida nang marinig na may pumasok sa loob mula sa kabilang direksyon ng kama kung saan siya nakaharap. Ganun na lang ang gulat niya nang makitang ang anak iyon na si Daviana. Nagtama ang mga mata nilang tila nagkagulatan.“M-Mom…”Naglakbay ang mga mata ni Daviana sa kabuohan ng ina mula sa dextrose na nakatusok sa kam
NAPATIGIL NA SI Nida sa pagsasalita nang makita ang reaction ni Warren. Maya-maya pa ay pinili na lang lumabas ng lalaki na lingid sa kaalaman ng Ginang ay hinanap ang doctor na naka-duty sa emergency room upang magtanong at makibalita lang sa lagay ni Nida. Hindi mapigilan ang pagkagulat na lumarawan sa mukha ni Warren ng sabihin ng doctor na binugbog ang Ginang base sa natamong sugat.“It was probably caused by domestic violence. There are many such injuries na dinadala sa hospital na ito.”Biglang sumagi sa isip ni Warren ang ginawang paglayas ni Daviana, iyon marahil ang dahilan kung bakit nabugbog ng ama ng dalaga ang kanyang ina. Pinag-isipang mabuti ni Warren kung ipaapalam niya ba iyon sa kaibigan. Paniguradong kapag ginawa niya iyon, tiyak na lulutang si Daviana at pupunta. Hindi nito magagawang tiisin ang sariling ina. Ganunpaman, bigla siyang tinubuan ng konsensiya. Baka malaman ng kanyang ama na pumunta siya doon, at baka magkagulo lang silang muli at maipahamak niya si Da
SINAMAAN PA SIYA ng tingin ni Danilo na kulang na lang ay ibalibag ang katawan sa sahig.“Your son was killed by you, you said I was useless, and you, as a woman, don't you feel that you are a failure too for not protecting him? Hindi ka marunong maging isang ina, Nida!”The dead baby was the deepest wound buried by everyone in the Policarpio family. Most of the time, they avoided talking about it. But Danilo tore open this wound. The person who hurt the most was Nida. How could a father feel real? Siya ang dinudugong nakaratay sa ibabaw ng kama sa hospital. Siya ang nakakaramdam ng mga galaw nito sa loob ng sinapupunan niya. Siya ang lahat. Naiyak na si Nida nang dahil doon. Matagal na kinimkim niya ang sama ng loob at ngayong muli itong nabuksan, para siyang bumalik sa nakaraan na pilit na niyang kinakalimutan dahil bilang ina ay masakit din iyon.“Wala ka na talagang konsensya. Sa akin mo na lang lahat sinisisi kahit na alam mo sa sarili mong isa ka sa may kasalanan kung bakit si