AALMA PA LANG sana sa sinabi ng ama si Warren nang matigilan siya dahil bigla na lang itong tumayo. Pinigilan niya ang sariling isatinig pa ang kanyang nais na sabihin. Saka na lang siya boboses sa ama.“May tatawagan lang ako tungkol sa trabaho. Alam mo kung gaano karami ng trabahong kailangang tapusin ko sa kumpanya ngayon, di ba? Syempre hindi. Kung hindi mo ginalit ang Lolo mo, hindi iyon mai-impede dahil makakapasok ako. Pabigat ka talaga kahit kailan. Mabuti na lang at palaging maaasahan si Rohi. Hindi mo siya kagayang walang ginagawa kung hindi ang bigyan lang kami ng sakit ng ulo.” Naikuyom ni Warren ang kanyang kamao. Kinukumpara na naman kasi siya sa anak sa labas na iyon ng sariling ama. Kung ito pala ang magaling, bakit hindi na lang ito ang ituring niyang sariling anak?“Ikaw na tinaguriang tagapagmana ng kumpanya, anong ambag mo? Wala. Puro problema. Kailan ka ba titino at magbabago, Warren? Titino ka pa ba?” umiling pa ito na tumitig gamit ang dismayadong mata.Wala ng
NAGING KALMADO SI Daviana hanggang sumapit ang tanghali, subalit nang dumating ang kaibigan niya at si Keefer nanumbalik bigla ang stress niya nang makita ang makahulugang tinging ipinupukol sa kanya ng kaibigang si Anelie. Kakaiba kasi iyon.“Good day, Mr. Gonzales!” pagbati pa nito pagkapasok sa loob, kakatapos lang kumain noon ng dalawa. “May ibibigay lang ako kay Daviana.”Tumango lang si Rohi at binalingan si Keefer. Dinala naman ni Daviana si Anelie sa silid kung saan siya pinapatuloy ng binata upang doon ibigay ng kaibigan ang mga hinihiram niyang damit dito. Napanganga na ang dalaga nang makita kung anong klaseng damit ang dala ng kaibigan niya.“Ano sa tingin mo?” proud pa nitong tanong matapos kunin ang night gown na parang halos labas na yata ang kaluluwa sa ikli noon at nipis, hindi tuloy mapigilang manlaki ng mga mata ng dalaga. Kinuha pa nito talaga iyon at tinapat sa katawan niya. “Bagay na bagay, girl. Malamang kapag sinuot mo ‘to, paniguradong makukuha mo ang buong at
MATAPOS KALMAHIN ANG sarili ay dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan ng silid. Tahimik sa sala. Malamang nasa silid na niya si Rohi at subsob na naman sa trabaho. Kung mabilis siyang tatakbo papasok hindi siya nito mapapansin. Bakit kasi walang banyo ang silid na inuukupa niya?‘Talaga Daviana? May kapal ka pang magreklamo?’Pigil ang hingang mabilis na siyang tumakbo pagbilang niya sa kanyang isipan. Pagkapasok niya sa silid ay halos tumili na siya tapos maisara ang pintuan. Akala niya ay nagawa na niyang makatakas, ngunit pag-ikot niya ay kulang na lang humandusay siya sa gulat nang makitang nasa loob ng silid ang lalaking kanyang tinatakasan. Confused na matamang tinitigan na siya ni Rohi. “Bakit ka nagmamadaling makapasok dito?”Mula sa mukha ng dalaga ay bumaba ang tingin niya sa dibdib nito na natatanaw ang panloob nitong bra. Hindi niya kasalanan na napatingin siya doon pero biglang siya ang nahiya sa ginawa.“A-Anong ginagawa mo dito?” yakap ni Daviana sa kanyang sarili upa
SINUNDAN SIYA NG tingin ni Daviana nang humakbang na patungo ng kusina. Sumidhi pa ang pagkakonsensya niya na tumanggi siya ngayon. Hindi na doon mapalagay si Daviana. Tumayo na siya upang sumunod sa kanya. Magkaibigan naman sila ni Rohi, pero sa tingin ni Daviana ay hindi pa panahon para malaman iyon ng ama at ina. Dumating ang kanilang pagkain. Pinagsaluhan nila iyon ni Rohi ng tahimik. Sobrang guilty na siya.“Pasensya ka na, Rohi…”Nag-angat ng tingin ang binata sa sinabi ni Daviana. Akmang sasagot na ito kung bakit nang biglang mag-ring ang phone niya sa tawag ni Anelie. Sinagot niya iyon na hindi pa rin inaalis ang mata kay Daviana sa pag-aakalang tungkol sa trabaho ang sadya nito. Walang anu-ano ay inilahad niya iyon sa harapan ng dalaga na nakikipagtagisan din ng titigan ngayon sa kanya.“Gusto kang kausapin ni Anelie.”Tinanggap iyon ni Daviana at nilagay na sa tainga. Nasa hapag pa rin sila, patapos pa lang kumain.“Girl, finally may naghahanap na sa’yo. Hindi ka raw mahana
SUMAKAY NG TAXI si Daviana pauwi ng bahay nila. Tahimik siyang bumaba sa tapat noon matapos na magbayad. Ilang minuto na siyang nakatayo sa harap ng kanilang gate. Iniisip kung pipindutin niya na ba ang doorbell noon. Ilang beses siyang nag-alinlangan. Huli na para magtago nang marinig niya ang mga yabag na papalapit sa kanilang gate. Hindi niya na kasi maigalaw ang kanyang katawan sa bilis ng pintig ng kanyang puso at pamamawis ng palad niya. Bumukas na ang gate at iniluwa noon ang bulto ng kanyang mga magulang. Gaya niya, pareho rin silang natigilan dito.“Daviana!” bulalas nitong mabilis na tinawid ang kanilang pagitan at mahigpit siyang niyakap, “Mabuti naman at bumalik ka na! Saan ka nagpunta nitong nakaraang dalawang araw? Wala kang dalang cellphone at wallet man lang!” marahan nitong hinaplos ang kanyang mukha na tila tinitingnan kung pumayat siya, “Sobra mo kaming pinag-alala.”Nagkabikig ang lalamunan ni Daviana. Pansin niya kasing tunay ang pag-aalala ng kanyang ina. “Salam
NAPAANGAT NA ANG puwet ni Daviana sa kanyang kinauupuan nang marinig ang mahinang boses ni Don Madeo. Biglang tumahip ang kanyang dibdib sa kaba. Iyon na ba? Muli bang pag-uusapan nila ang kasal?“Papunta’hin niyo nga dito sa tabi ko sina Warren at Daviana…gusto ko silang kausaping dalawa...” Ang akala kasi ng dalaga ay hindi pa nito kayang magsalita kung kaya naman nag-iisip na siya ng idadahilan upang makalabas ng silid dahil pakiramdam niya ay wala naman siyang ibang gagawin doon kung hindi ang tumunganga sa kawalan. Hindi lang si Daviana ang nagulat, dahil maging si Warren ay biglang kinabahan sa pagtawag sa kanila ng matanda. Matapos nitong ilagay sa bulsa ang cellphone ay tumayo ang lalaki at mabilis na lumapit sa kama ang kanyang Lolo Madeo. Naiwan si Daviana sa upuan.“Lolo, ano pong masakit sa’yo? May kailangan ka ba?”“N-Nasaan si Viana?” mahina nitong tanong na naiintindihan naman agad ni Warren.Napatayo na rin doon ang dalaga nang marinig ang pangalan niya at lumapit na
NANIGAS SA KANYANG kinatatayuan si Daviana. Parang ginapangan ng malamig na hangin ang kanyang likod na naging dahilan upang hindi siya makahuma. Marahan niyang kinagat ang labi. Malamang ay nabasa ng kanyang ama na tututulan niya ang pakiusap ng matanda kung kaya naman inunahan na siya nito. Isa pa ayaw ng kanyang ama na maging walang galang siya sa harapan ng may sakit na si Don Madeo, mabuti na iyong inunahan niya ang anak dito. “Warren…” Huminga nang malalim ang matanda na binalingan na ang kanyang apo na gulantang pa rin sa sinabi ni Danilo. “Payag na ang magiging asawa mo. Mamili tayo ng date kung kailan kapag magaling na ako. Kailangan niyong maging engaged at pagkatapos niyang makapag-martsa sa graduation, doon na natin itutuloy ang inyong kasal.”Naikuyom na ni Warren ang kanyang mga kamao. Si Daviana lang ang tinanong ng kanyang Lolo. Ni hindi man lang nito tinanong kung willing ba siya. Literal na ito ang nagdesisyon ng magiging kasal na una pa lang ay ayaw niya na. Pasa
AKMANG PAGBUBUHATAN NA naman sana si Warren ng kamay ng kanyang ama ngunit nagawang pigilan ni Welvin ang sarili nang maalalang nasa pang-publikong lugar nga pala sila ngayon. Magdudulot iyon ng gulo at kahihiyan sa kanilang pamilya oras na gawin niya. Naikuyom na lang niya nang mahigpit ang kanyang mga kamao. Doon niya ibinuhos ang galit. Pilit na kinalma ang kanyang sarili dahil batid niyang lilikha iyon nang malaking gulo oras na saktan na naman niya ang anak at makarating pa iyon sa nakaratay na ama. Kukundinahin pa siya nito at mababansagan na napakalupit niya namang ama kahit na deserve naman iyon ng anak. Pipiliin na lang niyang pigilan na lang ang sarili keysa sirain ang kanyang pangalan.“Bakit? May mali ba sa sinabi ko, Dad? Tama naman ako ‘di ba?” kung hindi lang nahihiya ang lalaki sa mga magulang ng kaibigan niyang si Daviana ay kanina pa siya doon nag-walked out, “Bagay kami ni Viana? Kayo lang naman ang nakakakita noon. Si Lolo Madeo lang naman ang nagsasabi noon at nag
NATAGPUAN NA NAMAN ni Daviana ang sarili na nahubaran na naman ng nobyo, ngunit ang pagkakataong iyon ay iba ang tumatakbo sa isipan niya. Desidido na siya. Hindi niya ito pipigilan kung ano ang gagawin sa kanya. Kung, makukuha siya ng ama dahil tumawag ito ng pulis sisiguraduhin niya na naibigay niya ang sarili sa lalaking mahal niya. Maruming babae? Wala na siyang pakialam sa salitang iyon. At least napagbigyan niya rin ang kanyang sarili. Suwail siyang anak? Lulubus-lubusin na niya iyon ngayon.Napaliyad pa si Daviana nang marahang humaplos ang mainit na palad ni Rohi sa kanyang gitna na para bang dinadama niya iyon. Nasundan iyon ng mahabang ungol ng dalaga nang walang anu-ano ay maramdaman niya na hinahalikan ng nobyo ang puson niya pababa at dama na niya ang mainit nitong hininga. Walang anu-ano ay marahas niyang hinawakan ang buhok nito pero sa halip na isubsob ang mukha doon ng nobyo, hinila ito ni Daviana patungo ng kanyang mukha upang halikan siya. “Ayokong halikan mo ‘yun
SUNOD-SUNOD NG NAPALUNOK ng laway si Daviana. Mula sa sparkling abs ni Rohi ay inilipat niya ang paningin sa mukha ng binata. Uminit na ang kanyang mukha. Dama niya iyon. Hindi mapigilan ng dalaga na magtaka kung bakit mukhang patpatin ang nobyo kapag may suot na damit, ngunit kapag wala naghuhumiyaw ang mga muscles na inaanyayahan siyang salatin at hawakan. Hindi naman kasing exaggerated ang muscles niya gaya ng ibang mga lalaki na nakakaasiwang tingnan. Ilang beses ng naghubad ito sa harapan niya pero ngayon niya lang napagmasdan itong mabuti at hindi iyon nakakatuwa para sa nag-iinit na katawan ng dalaga. Napabaling na sa kanya si Rohi. Tuluyang humarap nang hindi niya sagutin ang katanungan.“Viana—”“M-Magdamit ka muna bago tayo mag-usap.”Humalay ang kakaibang tunog ng halakhak ng binata sa bawat sulok ng silid. Nanunukso na ang naka-angat na gilid ng labi nito. Hindi niya maintindihan kung bakit ganun ang reaction ng nobya eh ilang beses ng kamuntikan may mangyari sa kanila at
IPINILIG NG BINATA ang ulo. Imposible iyon. Dama naman niya na mahalaga siya, kaya lang pinapangunahan pa rin siya noon na baka wala lang itong choice at mapupuntahan kung kaya sa kanya ito pumunta. Ganunpaman, wala siyang pakialam. Mahal niya ito. Gusto niya ang dalaga. Ano pa bang iisipin niya? At least kahit sandali at kahit paano naramdaman niya mula sa dalaga kung paano rin nito pahalagahan.“Pasensya na. Alam kong masungit ako kanina kaya nanibago ka. Bad mood lang talaga ako kaya hindi kita nagawang samahang kumain. Hindi ko na uulitin.” aniyang parang kawawang tuta na namamalimos ng atensyon kay Daviana, “Pwede bang pag-isipan mo pa ulit ang pag-alis mo dito?”Ang makitang ganito si Rohi ay panibago na naman sa paningin ni Daviana. Mukhang na-miunderstood niya. Ang akala siguro ng nobyo ay galit siya dahil masungit ito kanina kaya siya aalis na sa puder nito. Sa totoo lang, hindi siya pamilyar sa ganitong uri ng hindi pagkakaunawaan. Bilang isang personalidad na kasiya-siya sa
ANG ISA NAMANG kamay ay hinapit niya sa katawan ni Daviana upang mapalapit ito sa kanya. Bahagya niyang ibinaba ang mukha upang halikan lang ang noo ni Daviana pababa sa kanyang ilong. Sa ginawang iyon ng binata, hindi mapigilan ni Daviana na mag-angat ng mukha. Tumingala siya upang magtama ang kanilang mga matang dalawa. Ipinatong ni Rohi ang kanyang kamay sa likod ng kanyang ulo at natural na ibinaba pa ang kanyang ulo para halikan na ang mga labi ng kanyang nobya. Sandali niya lang itong tinikman. Hindi nagtagal ang halik na banayad dahil baka saan pa mapunta.“Sapat na ba iyan para gumaan ang pakiramdam mo?” tanong niya sa nobya na namula na ang mukha matapos niyang palisin ng hinalalaki ang ilang bahid ng laway niya sa labi ng kanyang nobya.Hindi pa rin makatingin ay tumango si Daviana. Binitawan na siya ni Rohi upang magtungo na sa kusina. Tahimik na sinundan si Rohi ng nobya kaya naman ay tiningnan niya na ito nang may pagtataka.“Sasamahan kitang mag-dinner.”Wala namang nagi
NAGKULITAN PA SINA Anelie at Keefer samantalang nahulog naman sa malalim na pag-iisip si Daviana, hanggang dumating ang kanilang order na pagkain.“Siya nga pala, Keefer alam mo ba kung ano ang favorite niyang pagkain? I mean ni Rohi.”Tiningnan siya ng lalaki na puno ng pagtataka ang mata. Tahasang nagtatanong na iyon kung bakit o literal na nagsasabing bakit hindi niya iyon alam eh siya ang boyfriend? Hindi lang nito isinatig pa iyon.“Paano ka naging boyfriend kung hindi mo alam?” hindi nakatiis ay tanong ni Keefer sa kanya.Nakaani agad ng batok si Keefer mula kay Anelie. “Siraulo ka ba? Bago pa lang silang dalawa! Kaya nga nagtatanong para makilala pa siya ni Daviana.”Sinamaan ni Keefer ng tingin si Anelie. Kumakamot na sa kanyang ulo na binatukan nito nang mahina.“Hindi ko rin naman alam kung ano ang gusto niyang pagkain. Walang partikular na pagkain ‘yun. Hindi naman siya mapili. Kahit ano kinakain niya.”How can someone have no preference for food? Hindi naniniwala doon s
TULUYAN NA NGANG magkasamang bumaba si Anelie at Daviana. Tinawagan ni Anelie si Keefer para may kasama sila. Imbitasyon na hindi tinanggihan ng lalaki. Hindi naman pinansin ni Daviana ang galaw ni Rohi kahit napansin niya na parang hindi akma iyon. Medyo nanlumo si Daviana nang maisip ang tungkol sa ina ni Rohi. Tinanong siya ni Anelie kung ano ang mali at nakasimangot.“Anong nangyari sa’yo? Hindi ba at okay ka lang kanina? Bakit nakabusangot ka na naman diyan?”Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Matapos makilala ang ina ni Rohi noong umaga, masama na ang pakiramdam niya. Ito ay kay Rohi na family affair. Bukod dito, malamang wala siyang gustong malaman ng iba na mayroon siyang psychotic na ina. Hindi niya masabi kay Anelie ang tungkol dito para igalang iyon, kaya napailing na lang siya. “Wala. Kain na lang tayo.”Nang dumating si Keefer ay agad niyang pinuna ang pananamlay at kawalan ng gana doon ni Daviana. Walang sumagot sa dalawang babae sa tanong nito. “Sabihin niyo sa a
NABABAKAS NI DAVIANA ang ligaya sa message ng kaibigan dahil sa umaapaw nitong mga emoji ng puso. Napailing na lang si Daviana. Bigla siyang natigilan. Pamilyar ang feeling na iyon sa kanya. Nag-send lang siya ng thumbs up at hindi na ito inistorbo pa para mabilis na matapos sa ginagawa. Gaya ng inaasahan ni Daviana, dumating nga si Anelie sa suite pagsapit ng gabi. Dahil sa takot na baka maistorbo si Rohi sa trabaho ng tunog ng usapan nila, dinala ni Daviana si Anelie sa kanyang kwarto at maingat na isinara niya na ang pinto nito.“Bakit?”“Busy si Rohi sa kabilang silid, baka maistorbo…”Tumango-tango si Anelie na pabagsak ng naupo sa kama. Hindi alintana kung nasaan sila. Maingay si Anelie at ang una niyang nais pag-usapan ay ang tungkol sa kanila ni Darrell na magkasamang nag-overtime. Tinawanan lang siya ni Daviana dito. “Kung alam mo lang Daviana, parang gusto kong araw-araw na lang hilingin na may overtime kami!”“Huwag kang masyadong assuming hangga’t wala siyang sinasabi. Si
ANG MENSAHENG IPINADALA ni Warren kay Daviana ay walang anumang naging tugon. Hindi pa rin niya lubusang maintindihan at mapaniwalaan na kayang gawin ng dalaga ang tumalon sa bintana para lang takasan ang nakatakdang kasal nila. “Gusto niya ba talagang hindi na umuwi sa kanila?”Kahit gaano kasama si Danilo ay ama pa rin niya ito. Tsaka naandon ang kanyang ina. Hindi naniniwala si Warren na tuluyan na niyang kakalimutan ang pamilya niya nang dahil lang sa bagay na iyon. Lumipas na lang ang kalahati ng araw na wala siyang ibang ginawa kundi ang madalas na tinitingnan ang cellphone. Umaasa na baka maaaring nag-reply na si Daviana sa message niya. Bigo siya. Wala. Sa sobrang galit niya ay marahas na tinapon niya ang cellphone phone na bumagsak sa gilid ng sofa. Para ma-divert din ang atensyon niya ay kinuha niya ang remote controller upang maglaro. Hindi siya maka-concentrate doon sa labis na iritasyon. Muli niyang kinuha ang cellphone at nang may nakitang notification, agad nabuhayan
ILANG SEGUNDONG TINGIN at sumunod naman si Rohi, ngunit muli siyang bumalik sa pwesto ng nobya. Ayaw niyang maramdaman nitong binabalewala niya. Hinawakan niya ito sa isang kamay at marahang igininiya papasok sa loob ng pintuan. Hindi na nakaangal pa ang dalaga. Agad kinausap ni Rohi ang naghihintay na doctor pagkapasok nila sa loob.“Ayaw ng ina mong makipagtulungan para mabilis siyang gumaling. Flinushed niya ang gamot sa banyo tapos binunot niya ang tube sa kamay during infusion.” sumbong agad ng doctor sa ginagawa ng ina, “And during the conversation intervention treatment, palagi niyang sinasabi na wala siyang sakit. Na-miunderstood mo lang daw siya at gusto mong gantihan dahil ipinamigay ka ng bata ka pa.”Walang reaction si Rohi kung hindi ang makinig. “Binibitangan niya pa kami na ang mga gamot na pinapainom namin sa kanya ay para baliwin namin siya. To be honest, hijo, your mother has certain symptoms of paranoia. Last night she even wanted to jump from the ninth floor. If t