AKMANG PAGBUBUHATAN NA naman sana si Warren ng kamay ng kanyang ama ngunit nagawang pigilan ni Welvin ang sarili nang maalalang nasa pang-publikong lugar nga pala sila ngayon. Magdudulot iyon ng gulo at kahihiyan sa kanilang pamilya oras na gawin niya. Naikuyom na lang niya nang mahigpit ang kanyang mga kamao. Doon niya ibinuhos ang galit. Pilit na kinalma ang kanyang sarili dahil batid niyang lilikha iyon nang malaking gulo oras na saktan na naman niya ang anak at makarating pa iyon sa nakaratay na ama. Kukundinahin pa siya nito at mababansagan na napakalupit niya namang ama kahit na deserve naman iyon ng anak. Pipiliin na lang niyang pigilan na lang ang sarili keysa sirain ang kanyang pangalan.“Bakit? May mali ba sa sinabi ko, Dad? Tama naman ako ‘di ba?” kung hindi lang nahihiya ang lalaki sa mga magulang ng kaibigan niyang si Daviana ay kanina pa siya doon nag-walked out, “Bagay kami ni Viana? Kayo lang naman ang nakakakita noon. Si Lolo Madeo lang naman ang nagsasabi noon at nag
HINDI PA RIN matunawan si Daviana ng mga sinabi ni Warren kung kaya naman habang pauwi sila ay iyon pa rin ang laman ng kanyang isipan. Hindi niya lubos maisip na ganun pala ang tingin ni Warren sa kanya. Hindi kamahal-mahal. Hindi kagusto-gusto. Hindi na siya magtataka kung bakit nasabi nitong boring ang mga good girl na kagaya niya. Malaya siyang nagagawa ang mga bagay na gusto niya kapag si Melissa ang kanyang kasama. Bagay na hindi niya magawa kapag siya ang kasama dahil sa good girl siya. Ang mas kinakasama pa ng kanyang loob ay dahil matagal silang naging magkaibigan. Literal na halos ay kasama na niya itong lumaki kaya naman sana ay nagkaroon man lang ito ng kaunting preno kanina. O malamang ay ginawa niya iyon in purpose upang mapahiya siya at siya ang kusang umatras sa agreement. O baka sinadya niya iyon dahil gumaganti pa rin si Warren sa kanya nang dahil kay Melissa. ‘Tsk! Bahala nga siya, kung ano ang gusto niyang paniwalaan sa buhay.’ Sumama pa ang loob ni Daviana nang
MALINAW NA NARINIG nga iyon noon ni Nida na sinabi ng kanyang anak. Sa pagtitig niya sa mukha ngayon ni Daviana, may napansin niyang parang may nagbago rin sa paraan ng pakikipag-usap nito.“Malamang ako ang pinaghihinalaan ni Warren na nagsumbong sa Daddy niya kung kaya naman mas nagalit siya sa akin. Kung matutuloy ang aming kasal, ngayon pa lang ay nai-imagine ko na kung ano ang mangyayari sa future ko bilang asawa niya. Iyon ang hindi maintindihan ni Daddy na puro pera na lang ang nasa isip at ang pagsalba sa kumpanya niyang pabagsak na.” humapdi na ang mga mata niya doon, “Mommy alam mo ba minsan kung ano ang naiisip ko? Dapat talaga hindi na lang ako ipinanganak…”Ang marinig ang sinabing iyon ng anak ay parang tinarakan ng ilang libong kutsilyo ang dibdib niya. “Daviana…”Naalala niya na malaki ang kasalanan niya sa anak na minsang napagsalitaan niya ng masama noon. “Tama kayo Mommy, dapat hindi mo na lang ako ipinanganak…” nahihikbi niya ng turan sa kanya.Natameme si Nida,
HATINGGABI NA NANG tuluyang humupa at bumaba ang lagnat ni Daviana. Nang bumuti ang pakiramdam niya ay bumangon siya at nagpalit ng damit dahil nanlilimahid na naman siya sa matinding pawis. Pagkahiga ay kinuha niya ang cellphone na hindi niya magawang mahawakan kanina nang dahil sa sumasakit ang ulo at mga mata niya. Napaayos na siya ng higa nang makitang may message doon si Rohi. Higit ang hiningang binasa niya ang mensahe.Rohi Gonzales:Kumusta, Daviana? Nilagnat ka pa rin ba ngayong gabi? Huwag mo sanang kalimutang uminom ng gamot.Base sa oras noon ay mga alas-nuwebe ng gabi niya sinend ang message. Late na lang nakita ng dalaga dahil masama ang pakiramdam niya. Ilang beses niyang inisip kung tulog na ba ito ng mga sandaling iyon o hindi pa. Gayunpaman ay nag-reply pa siya. Wala lang, kung gising pa ito malamang ay magre-reply ito. Kung hindi na e ‘di paggising ng binata.Daviana Policarpio: Nagkalagnat ulit ako. Ininuman ko na rin ng gamot. Naalimpungatan lang ako ngayon upang
UNANG BESES IYON na tinawag siya nito sa kanyang palayaw at iba ang dating noon sa kanyang pandinig. Paulit-ulit niya iyong pinakinggan na iisa lang ang reaction. Malakas ang kalabog ng puso niya kahit na voice message lang ito.“Good night, Rohi.” tanging bulong niya sa hangin na hindi naman makakarating sa binata.Kinabukasan, pagkahilamos ng mukha ay bumaba na si Daviana upang kausapin ang ama tungkol sa nangyari sa hospital. Gusto niyang subukang pumalag at sabihin na mag-aaral siya sa ibang bansa kahit sinabihan na siya ng ina. Subalit, natigilan siya sa pagbaba nang makitang naroon si Warren at prenteng nakaupo sa sofa ng kanilang sala. Nasa harapan nitong sofa nakaupo naman ang ama niya at dinudulutan ng maiinom ang kanilang akala mo sinong bisita.‘Tsk, anong ginagawa niya dito ng maaga? May kapal pa talaga siya ng mukhang magpakita sa ami? Wow ha!’Lantarang ipinakita ni Daviana ang simangot niya. Hindi niya kailangang i-filter pa iyon sa harapan ng lalaki. Naramdaman ng kany
HINDI NA SILA pinag-aksayahan pa ng panahon ni Daviana na lingunin kahit na batid ng dalaga na nagpupuyos sa galit ang ama. Malakas ang loob na nagmamadali na siyang umakyat ng hagdan na patungo ng kanyang silid. Sinundan lang naman siya ng tingin ni Warren. Bagamat bakas ang iritasyon sa mukha ng lalaki ay minabuti na lang niyang huwag isatinig iyon para hindi mas magalit ang ama ng kaibigan niya. Naikuyom naman ni Danilo ang kamao sa pinapakitang katigasan ng ulo ng anak niya.“Hindi mo dapat siyang kinakampihan, Warren. Kailangan niyang turuan ng leksyon. Masyado na siyang umaabuso sa pagiging matigas ang ulo at palasagot sa amin. Nakita mo iyon? Naging rebelde na siya!”Hindi pa rin nag-react ang lalaki kahit na kabado na rin sa gagawin ni Danilo sa anak. Nang makita niya na tuluyan ng nakapasok ng silid si Daviana ay umayos na siya ng tayo doon. Kumalma na siya ng bahagya. “Hayaan mo na siya Tito kung ayaw niyang maglakad-lakad sa labas. Baka nga masama talaga ang pakiramdam niy
ILANG SEGUNDONG NATAHIMIK si Warren habang ang kanyang mga mata ay nakatuon pa rin sa dalaga. Iyong tipong nakatingin siya pero lagpasan ang tingin niya kay Daviana kahit na nakatingin siya dito. May kung anong parang sumapak sa kanyang dibdib nang marinig niya iyon. Napaniwala kasi siya kaagad nito. Gayunpaman ay itinuloy pa rin niya ang laman ng kanyang isipan. Gusto niyang malaman ang sagot nito.“Kung gayon ay paano mo ipapaliwanag sa akin ang init ng dugong pinapakita mo kay Melissa? Mabuti ka sa lahat ng taong nakakasalamuha mo, Viana, kay Melissa ka lang masama ang ugali magmula pa lang noong umpisang makilala mo siya. Sige nga, panindigan mo ang sinabi mo. Paano mo ipapaliwanag 'yun?”Huminga nang malalim si Daviana. Sinaway ng ilang beses ang sarili para hindi niya matawag ang dating kaibigan na may sira ang ulo. Napaniwala talaga ito ng kanyang ama? Seryoso ba siya?“Warren, sa tingin ko kailangan mong mag-reflect pang mabuti sa mga nangyari noon kung bakit ayaw ko sa kanya.
NANLAKI ANG MGA mata ni Daviana sa sobrang gulat nang maramdaman ang paglapat ng likod niya sa pintuan ng sariling silid na sumara. Napairit siya doon at ilang beses na napamura na nang dahil sa gulat. “Warren!” puno ng warning sa kanyang boses nang makitang ang lapit ng mukha nito sa kanya.Ilang pulgada na lang ang layo ng mukha ng lalaki sa kanya at isang maling galaw paniguradong wala sa oras na mahahalikan siya nito. Damang-dama niya ang bigat ng ginagawa nitong paghinga ng pagkairita. “Anong ginagawa mo? Nasasaktan mo na ako! Bitawan mo nga ako!”Humigpit pa ang hawak ni Warren sa palapulsuhan ng dalagang namumutla na sa takot ng gagawin sa kanya ng dating kaibigan. Ang buong akala niya sasaktan siya nito dahil sa madilim na paninitig sa kanya. Kung gagawin iyon ng lalaki, wala itong pagkakaiba sa kanyang amang mapanakit.“Sasaktan mo rin ako kagaya ni Daddy?” pangunguna niya dahil sa kaba, “Sige, saktan mo ako! Saktan mo!”Napaawang ang bibig ni Warren na mas napatiim-bagang
HINDI RIN SUKAT-AKALAIN ni Daviana na biglang tatakbuhan siya ni Warren. Kahit siya ay hindi naisip na magagawa niya ang bagay na iyon lalo pa at mayroon silang matinong kasunduan. Hindi nila nahulaan na angyayari ito kaya pati ang kanilang magulang ay nagawang mag-relax lang at makampante. Akala niya magiging kuntento na ito sa kanilang pekeng engagement, kaya bakit niya ginawa ang tumakas? Wala iyon sa choices.“Hindi siya nag-iisip! Ano na lang ang mangyayari sa kahihiyan ng ating pamilya?!” problemadong sambit ni Welvin na hindi na mapalagay, kung sinu-sino na ang tinawagan nito at kinakausap. “Mabuti sana kung tayo-tayo lang din na pamilya ang nakakaalam. May mga invited ka pang mga media, Carol!” baling na nito sa kanyang asawa.“Ano ba talaga ang nangyari, Daviana? Tumakas ba siya kasama ang babaeng iyon?” baling muli ng babae kay Daviana upang magtanong muli. “Hindi ko po alam, Tita Carol. Ang sabi lang po ni Warren ay may tatawagan lang siya.” hindi na niya sinabi pa ang pan
MAKAHULUGAN NG TININGNAN ni Anelie si Daviana na para bang binabasa nito ang laman ng kanyang isipan ng sandaling iyon na nabanggit ang lalaking alam naman nilang pareho na laman ng puso ni Daviana at hindi ito si Warren. Napaiwas na ng tingin si Daviana sa kaibigan niya. Kilala niya ang mga tinging iyon. Ayaw niyang kaawaan siya nito na iyon na ang nakikita dito.“Oo, Viana. Hindi lang din kaming dalawa ang narito. Actually, marami kami sa mga employee ng Gonzales Group kabilang na si Keefer. Nasa banquet hall na kami kanina malapit doon sa may pagdadausan ng engagement niyo. Inutusan lang ako ni Keefer na pumunta dito sa'yo upang alamin kung nagkita ba kayo ni Rohi. Alam mo na, iniisip lang namin na baka gumawa pa siya ng gulo.” Bumigat ang pakiramdam ni Daviana na para bang may invisible na mga kamay na pumipiga sa kanyang puso paulit-ulit at ayaw bumitaw. Bakit pa siya pumunta ng araw na iyon doon? Hindi naman na niya kailangan pang magpakita. Ayaw din naman niyang makita ang lal
HINDI SUMAGOT SI Melissa. Umiyak lang nang umiyak. Umiihip pa rin ang malakas na hangin sa pandinig niya. Pakiramdam ni Warren ay malapit na siyang liparin ng napakalakas na pressure ng hanging iyon. “Sige na Melissa, please? Bumaba ka na diyan at pumasok ka sa loob ng silid. Pag-usapan natin mabuti ang suggestion ko. Hmm? Makinig ka na…” That was a life, not to mention na girlfriend niya iyon. Umiinit na ang kanyang ulo pero pilit na kinakalma upang huwag siyang magalit. Nanghihinang sumandal na ang katawan niya sa pader. Pumikit na siya nang mariin. Tila may dumaang picture ni Melissa sa balintataw na nahulog ito mula sa palapag, may dugo at scenes na lumilipad sa kanyang isipan.“I don't want you to get engaged…” nabubulunan ng sariling luha na sambit ni Melissa, “Hindi ko kayang tanggapin. Sinabihan na kita noon di ba? Bakit ayaw mong umalis ng bansa at sumama sa akin? Pumunta tayo sa lugar na walang nakakakilala sa atin. Lugar na hindi nila tayo mapipilit na maghiwalay, Warren.
GANUN NA LANG ang naging pag-iling ni Warren matapos na huminga nang malalim. Nasa screen pa rin ng kanyang cellphone ang mga mata; sa nunero ng nobya na patuloy pa rin sa ginagawang pagtawag.“Hindi na. She might be a little emotional today…alam mo na, engagement natin. Ayokong marinig ang boses niya na umiiyak at nasasaktan dahil baka hindi ko kayanin.” sagot nitong nakatitig pa rin sa screen. Napakunot na ang noo ni Warren nang may picture na sinend si Melissa at nag-appear iyon sa notification bar ng kanyang cellphone. Nagbago ang hilatsa ng kanyang mukha nang makita iyon. Masusi at tahimik na pinanood pa ni Daviana ang kanyang reaction. Nahuhulaan na niyang may mali sa kaharap.“Anong meron, Warren?” tanong niya nang mapansing namutla pa ang kanyang mukha, napuno ng takot ang mga mata ng malingunan na si Daviana. “V-Viana, saglit lang ha? Tatawagan ko lang siya.”Ipinagkibit-balikat iyon ni Daviana kahit na medyo bothered na siya sa naging reaksyon ng lalaki. Alam niyang may ma
ILANG SANDALI PA ay pumanaog na si Daviana hawak ng magkabila niyang kamay ang gilid ng damit upang huwag niyang maapakan. Nang makita niyang naroon na si Warren ay bahagya lang siyang tumango dito at naglakad na patungo sa ina niyang si Nida. Nakatitig pa rin sa kanya si Warren ng mga sandaling iyon. Ang tagal niyang hindi nag-react. Nang bumalik siya sa kanyang katinuan, ang kanyang puso ay marahas na tumitibok na animo ay tinatambol. Hindi niya maiwasang tumingin ulit sa likod niya kung nasaan ngayon si Daviana kausap pa ang kanyang ina. Mula sa anggulo ni Warren ay kitang-kita niya ang magagandang collarbone nito ba nagmistulang butterfly at balingkinitan naman na puting swan ang leegnito. Binawi ni Warren ang tingin, ngunit ang bilis pa rin ng tibok ng puso niya. Kasama niyang lumaki si Daviana, kaya kailan pa siya naging ganito kaganda at bakit hindi niya ito nakita?Malalim ang hinga ni Nida nang pinagmamasdan ang anak na bihis na bihis. Malaki na ang anak na hindi man lang ni
SA BISPERAS NG kanilang engagement ay nagpadala ng message si Melissa kay Warren. Pinag-isipan niya itong mabuti. At nang hindi makatanggap ng reply sa kasintahan, minabuti na lang niya na katawagan na si Warren na kinailangan pang patagong lumabas ng kanilang bahay dahil sa maraming tao doon. Kinukumpirma nila ang mga detalye ng mangyayaring engagement nila ni Daviana kinabukasan. Sumasakit ang ulong sinagot na niya ang tawag ni Melissa. “Hey, bakit ka tumatawag? Alam mo namang busy ako—” “Ang engrande ng magiging engagement niyo ni Daviana aat halos mga kilalang tao ang bisita. Sa tingin mo magagawa mong i-cancel iyon at hindi matuloy na mauwi sa kasalan?” puno ng lungkot, selos at pagdududang turan ni Melissa dito. “Sinabi ko naman sa’yo di ba? Gagawa ako ng paraan. Hahanapan ako ng paraan. Wala ka bang tiwala sa akin, Melissa?” Suminghot na doon si Melissa na halatang umiiyak na naman dahil sa sinabi niya. “Sinabi ko rin naman sa’yo na hindi ko hawak ang lahat. Wala akong kon
IBINUKA NA NI Warren ang kanyang bibig upang lumaban, ngunit ang mga salita ay natigil lang sa dulo ng kanyang dila. Ano ang sasabihin niya naman? Noong una ay gusto niyang igiit na kung gusto niya, maaari rin naman niyang puntahan ang lalaking nagugustuhan anumang oras, ngunit hindi niya ito masabi. Ayaw ni Warren na makita niya ulit ang lalaking iyon. God knows whether that mysterious man is good or bad. Anyway, simula nung nainlove si Daviana sa lalaking ‘yun, wala ng nangyaring maganda sa buhay ng dalaga. “Ano pa nga bang magagawa ko sa inyo, Warren?” “Wala, Viana. At most I can see Melissa less before we break off the engagement. Sinabi ko na rin sa kanya na dapat hindi na kami magkita ng madalas gaya ng dati. Okay na sa’yo iyon? Masaya ka na ba ha?”Wala namang pakialam si Daviana kung magkita pa sila o hindi na. Ang sa kanya lang ilugar nila dahil maaaring simulan iyon ng iba’t-ibang uri ng tsismis. Ayaw din naman niyang maging laman ng mga iyon. “It was you who proposed th
NANATILING TIKOM ANG bibig at tahimik si Rohi kahit pa binubungangaan na siya ni Keefer. Bahagyang kumikirot pa ang kanyang tiyan kung kaya naman medyo iritable pa siya ng sandaling iyon. “Kung bumitaw ako noon ng maaga, malamang wala na ako sa mundo ngayon.” Napakamot na sa batok niya si Keefer. Nagagawa pa talaga siyang ipilosopo ng kaibigan? “Hindi iyon ang ibig kong sabihin, Bro. Si Daviana. Siya ang topic natin. Iba-iba ang babae. Ang ibig kong sabihin ay ang daming babae, hindi lang siya. Bakit kailangan mong isiksik ang sarili mo sa babaeng iyon na walang ibang ginawa kung hindi ang pasakitan ka, ha? Hindi lang iyon, fiancée na siya ng kapatid mong hilaw. Kalaban mo na siya ngayon, Rohi. Kalaban!”Kumuha si Rohi ng isang stick ng sigarilyo, sinindihan iyon at pagkatapos huminga ng malalim.“Hindi naman iyon mahalaga. Saka, hindi makukuntento iyon si Warren dahil lang sa engagement nila ni Daviana. Isa pa, nandiyan din ang girlfriend niyang si Melissa na nasa pagitan nila.”N
WALANG KOMPETISYON NG araw na iyon kung kaya naman normal lang ang paglalaro ni Warren sa racing track. Sinamahan siya ni Melissa na malakas ang loob na nakaupo sa passenger seat habang si Warren ang driver. Nakita iyon ng kaibigan ni Warren na si Panda. “Hindi ba at si Viana ang girlfriend mo?”Mahirap para kay Warren ipaliwanag ang kanilang sitwasyon kung kaya naman sinamaan niya ng tingin ang kaibigan. Tila sinasabing huwag ng magtanong. “Gago ka talaga, Warren! Well, ang tapang niya ha? Hindi siya takot na samahan ka. Kung si Viana iyan baka nahimatay na iyon sa sobrang takot ngayon.”Mabilis iniiling ni Warren ang ulo. “Hindi ko siya papayagang sumama sa akin sa loob ng racing car, ayoko siyang mahimatay sa takot. At saka, hindi maganda kung talagang mabangga siya. Paniguradong mag-iiwan iyon ng malalang trauma.”“Kung ganun, ayos lang sa’yo na mabangga kasama ang babaeng kasama mo ngayon?”Natigilan nang bahagya doon si Warren. Hindi niya kailanman naisip ang tungkol dito. Si