ILANG SEGUNDONG NATAHIMIK si Warren habang ang kanyang mga mata ay nakatuon pa rin sa dalaga. Iyong tipong nakatingin siya pero lagpasan ang tingin niya kay Daviana kahit na nakatingin siya dito. May kung anong parang sumapak sa kanyang dibdib nang marinig niya iyon. Napaniwala kasi siya kaagad nito. Gayunpaman ay itinuloy pa rin niya ang laman ng kanyang isipan. Gusto niyang malaman ang sagot nito.“Kung gayon ay paano mo ipapaliwanag sa akin ang init ng dugong pinapakita mo kay Melissa? Mabuti ka sa lahat ng taong nakakasalamuha mo, Viana, kay Melissa ka lang masama ang ugali magmula pa lang noong umpisang makilala mo siya. Sige nga, panindigan mo ang sinabi mo. Paano mo ipapaliwanag 'yun?”Huminga nang malalim si Daviana. Sinaway ng ilang beses ang sarili para hindi niya matawag ang dating kaibigan na may sira ang ulo. Napaniwala talaga ito ng kanyang ama? Seryoso ba siya?“Warren, sa tingin ko kailangan mong mag-reflect pang mabuti sa mga nangyari noon kung bakit ayaw ko sa kanya.
NANLAKI ANG MGA mata ni Daviana sa sobrang gulat nang maramdaman ang paglapat ng likod niya sa pintuan ng sariling silid na sumara. Napairit siya doon at ilang beses na napamura na nang dahil sa gulat. “Warren!” puno ng warning sa kanyang boses nang makitang ang lapit ng mukha nito sa kanya.Ilang pulgada na lang ang layo ng mukha ng lalaki sa kanya at isang maling galaw paniguradong wala sa oras na mahahalikan siya nito. Damang-dama niya ang bigat ng ginagawa nitong paghinga ng pagkairita. “Anong ginagawa mo? Nasasaktan mo na ako! Bitawan mo nga ako!”Humigpit pa ang hawak ni Warren sa palapulsuhan ng dalagang namumutla na sa takot ng gagawin sa kanya ng dating kaibigan. Ang buong akala niya sasaktan siya nito dahil sa madilim na paninitig sa kanya. Kung gagawin iyon ng lalaki, wala itong pagkakaiba sa kanyang amang mapanakit.“Sasaktan mo rin ako kagaya ni Daddy?” pangunguna niya dahil sa kaba, “Sige, saktan mo ako! Saktan mo!”Napaawang ang bibig ni Warren na mas napatiim-bagang
NAUDLOT ANG GAGAWIN sana ng dalagang paghila ng kanilang pintuan para buksan. Napilitan siyang lingunin ang ama nang dahil sa pagtawag nito sa kanyang pangalan sa malungkot na paraan.“Sobrang sama ko bang ama sa’yo?” tanong nito na ini-angat pa ang walang emosyong mga mata. “Si Warren, sinabi niya sa akin kanina na maaari niya raw akong tulungan nang hindi kita pinipilit na pakasalan siya.”Ngumiti ang kanyang ama na hindi man lang umabot sa kanyang mga mata. Nagpakita ang mga visible na linya sa kanyang noo at gilid ng mga mata na tanda na matanda na rin ito.“Hindi ba magandang balita iyon, Dad? Bakit malungkot ka? Tutulungan ka niya.” Ganun na lang ang iling ni Danilo. Hindi kumbinsido.“Imposible iyon. Wala siyang sariling pera at wala rin siyang kapangyarihan na gawin iyon. Saan niya iyon kukunin? Sa tingin mo hindi aalma ang kanyang mga magulang oras na humingi siya ng malaking halaga sa kanila para lang ipahiram sa atin? Kalokohan iyon!”Muli itong uminom ng alak. Hindi pera
MAY DISTANSYA MAN ay amoy na amoy pa rin ng dalaga ang suot na pabango ni Rohi na nanunuot sa kanyang ilong. Dumagundong na ang kabog ng puso niya sa paninitig nitong ginagawa sa kanya na para bang ang lahat ng sinabi niya ay hindi kapani-paniwala. Gusto na niyang mag-iwas ng mga mata sa kanya.“Kahit na Daviana, dapat sinabi mo pa rin sa akin. Ayokong naghihintay ka lang sa labas ng suite ko.”Napayuko na doon si Daviana. Iba talaga ang hatid sa kanya ng pag-aalala ng binata. Iba ang haplos noon sa kanyang puso. Kung pwede nga lang sanang yumakap pa siya dito para mas gumaan ang pakiramdam niya, ginawa niya na sana. Kaso nahihiya na siya. Baka kung ano ang isipin nito sa kanya. Nagtagal pa ang tingin ni Rohi sa kanya. Mula sa anggulo ng mukha nito, hindi niya mabasa ang expression ng mukha ng dalaga kung malungkot ba ito o masaya ngunit dama niya na mayroong malalim itong iniisip ngayon.“Pinipilit ka pa rin ba ng Daddy mo na maging engaged kay Warren?”“Hmm…” tango nito na nananatil
UPANG HINDI MASAGOT ang katanungan ni Rohi ay minabuting isubsob na ni Daviana ang mukha sa dibdib ng binata para hindi gaanong halata. Nais niyang itago ang namumulang mukha. Wala na. Huli na naman siya ng binata. Wala na siyang magiging palusot dito kahit na ano pa ang sabihin niyang katwiran.“Masarap naman akong humalik di ba?”Ibinuro pa ni Daviana ang mukha niya sa dibdib ni Rohi na ikinahagalpak na ng binata. Walang hirap na binuhat niya ang katawan ng dalaga na muling nagpairit dito na animo ay kinikiliti siya ni Rohi.“Saan mo ako dadalhin? Ibaba mo nga ako! Ano ba?” natatarantang reaction ni Daviana na hinampas pa ito ng mahina, “Rohi?!”“Chill. Sa sofa lang. Nangangalay na akong tumayo doon.”Naupo sila sa sofa. Nasa pagitan siya ng mga hita ng binata na nanatiling nakayakap pa rin sa dalaga. Pa-side silang naupo kung kaya naman kasya sila dito. Nakasandal ang likod ni Rohi sa gilid na bahagi nito. Nakikita niyang kalmado na ang dalaga pero gusto pa rin niyang ikulong ito s
TUMABI SI ROHI kay Daviana nang pasalampak na siyang maupo sa sofa. Hindi naman lumayo sa kanya ang dalaga na sanay ng magdikit ang kanilang balat. Magkahinang pa rin ang mata dahil sa pag-uusap.“Alam ko. Sinilip ko iyon kagabi. Your company has been in a loss-making state in recent years, but the core of the problem is the project. Ang iyong ama ay dating nagpapatakbo ng mga tradisyunal na entity at hindi binago ang kanyang mindset, kaya ang mga proyekto ay sunod-sunod na nag-failed. Ang kailangang baguhin ngayon ay ang direksyon at uri ng proyekto niya, kung hindi ay magiging walang kabuluhan ang mamuhunan ng mas malaking halaga. Bilang karagdagan, ang mga investors ay magiging mas interesado sa mga bagong projects na hatid ng lumalagong internet, na makakatulong din sa mismong pondo nito.”Sa kanyang tinuran ay mas lalo siyang nagustuhan ni Daviana. Malayo na talaga ang nararating ng tahimik na Rohi na kilala niya. Ang tatas na rin nitong magsalita ngayon. Napaka-professional paki
ILANG SEGUNDONG NAG-HANG ang utak ni Daviana sa sinabing iyon ni Rohi. Naiintindihan naman niya kung ano ang ibig nitong sabihin, nagulat lang talaga siya sa pagiging posessive ni Rohi na bago sa kanya. Nanatiling nakatingin ang mga mata niya sa binata na ngumiti pa ng malapad sabay basa ng ibabang labi. Nag-iinit ang mukhang napaiwas na si Daviana ng mga mata. Baka kung hindi niya gagawin iyon ay lantaran pa nitong makita kung paano siya kiligin. Baka mamaya pa ay gamitin niya iyong pang-asar.‘Tsk. Ano ba, Rohi? Lakas mo naman magpakilig!’Napabalik-tanaw tuloy si Daviana nang wala sa oras sa kanilang nakaraan. Masasabi niya na tama ito. Takot siyang maka-offend ng ibang tao kaya naman mas minamabuti niyang manahimik na lang. Bagay na hindi niya nagagawa kapag si Rohi na ang kasama dahil nga ang daldal niya at ang kulit din. Iba rin ang ugali niya kapag ito ang kasama niya. Komportable kasi siya na ipakita kung sino siya at dahil gusto niya ito.“Ibig mong sabihin gusto mong ipakita
NAMILOG NA ANG mga mata ni Daviana na nagpalinga-linga na sa buong paligid nila sa lakas ng boses ni Warren. Baka kasi may makarinig sa mga sinasabi nito at umabot pa iyon sa kaalaman ng ama niya.Tiyak na mas malaking gulo ang sisiklab kapag nangyari iyon. Nais niya sanang ipagtanggol si Rohi pero ayaw na niyang magtagal na kausapin pa ito kung kaya naman mas minabuti niyang pabayaan na ang kaibigan.“Mind your own business, Warren! Kung bored ka sa buhay bakit hindi mo na lang puntahan ang love of your life na si Melissa? May mga bodyguard ka? Sisiw lang iyan sa’yo. Kaya mo silang takasan. Di ba?”Tinalikuran niya na ito pero hinarangan siya. Dumipa pa si Warren na para bang nagpapatentiro sila. Hindi na matanggal ang ngisi sa labi dahil iniisip niyang nagseselos si Daviana sa pagbanggit ng nobya niya.“Saan ka pupunta? Hindi pa tayo tapos mag-usap. Sabihin ko kaya sa kanila na ang anak sa labas na iyon ang gusto mo? Malay natin di ba? Kayo ang ipakasal at hindi na ako? Pabor iyon sa
ILANG SANDALI PA ay pumanaog na si Daviana hawak ng magkabila niyang kamay ang gilid ng damit upang huwag niyang maapakan. Nang makita niyang naroon na si Warren ay bahagya lang siyang tumango dito at naglakad na patungo sa ina niyang si Nida. Nakatitig pa rin sa kanya si Warren ng mga sandaling iyon. Ang tagal niyang hindi nag-react. Nang bumalik siya sa kanyang katinuan, ang kanyang puso ay marahas na tumitibok na animo ay tinatambol. Hindi niya maiwasang tumingin ulit sa likod niya kung nasaan ngayon si Daviana kausap pa ang kanyang ina. Mula sa anggulo ni Warren ay kitang-kita niya ang magagandang collarbone nito ba nagmistulang butterfly at balingkinitan naman na puting swan ang leegnito. Binawi ni Warren ang tingin, ngunit ang bilis pa rin ng tibok ng puso niya. Kasama niyang lumaki si Daviana, kaya kailan pa siya naging ganito kaganda at bakit hindi niya ito nakita?Malalim ang hinga ni Nida nang pinagmamasdan ang anak na bihis na bihis. Malaki na ang anak na hindi man lang ni
SA BISPERAS NG kanilang engagement ay nagpadala ng message si Melissa kay Warren. Pinag-isipan niya itong mabuti. At nang hindi makatanggap ng reply sa kasintahan, minabuti na lang niya na katawagan na si Warren na kinailangan pang patagong lumabas ng kanilang bahay dahil sa maraming tao doon. Kinukumpirma nila ang mga detalye ng mangyayaring engagement nila ni Daviana kinabukasan. Sumasakit ang ulong sinagot na niya ang tawag ni Melissa. “Hey, bakit ka tumatawag? Alam mo namang busy ako—” “Ang engrande ng magiging engagement niyo ni Daviana aat halos mga kilalang tao ang bisita. Sa tingin mo magagawa mong i-cancel iyon at hindi matuloy na mauwi sa kasalan?” puno ng lungkot, selos at pagdududang turan ni Melissa dito. “Sinabi ko naman sa’yo di ba? Gagawa ako ng paraan. Hahanapan ako ng paraan. Wala ka bang tiwala sa akin, Melissa?” Suminghot na doon si Melissa na halatang umiiyak na naman dahil sa sinabi niya. “Sinabi ko rin naman sa’yo na hindi ko hawak ang lahat. Wala akong kon
IBINUKA NA NI Warren ang kanyang bibig upang lumaban, ngunit ang mga salita ay natigil lang sa dulo ng kanyang dila. Ano ang sasabihin niya naman? Noong una ay gusto niyang igiit na kung gusto niya, maaari rin naman niyang puntahan ang lalaking nagugustuhan anumang oras, ngunit hindi niya ito masabi. Ayaw ni Warren na makita niya ulit ang lalaking iyon. God knows whether that mysterious man is good or bad. Anyway, simula nung nainlove si Daviana sa lalaking ‘yun, wala ng nangyaring maganda sa buhay ng dalaga. “Ano pa nga bang magagawa ko sa inyo, Warren?” “Wala, Viana. At most I can see Melissa less before we break off the engagement. Sinabi ko na rin sa kanya na dapat hindi na kami magkita ng madalas gaya ng dati. Okay na sa’yo iyon? Masaya ka na ba ha?”Wala namang pakialam si Daviana kung magkita pa sila o hindi na. Ang sa kanya lang ilugar nila dahil maaaring simulan iyon ng iba’t-ibang uri ng tsismis. Ayaw din naman niyang maging laman ng mga iyon. “It was you who proposed th
NANATILING TIKOM ANG bibig at tahimik si Rohi kahit pa binubungangaan na siya ni Keefer. Bahagyang kumikirot pa ang kanyang tiyan kung kaya naman medyo iritable pa siya ng sandaling iyon. “Kung bumitaw ako noon ng maaga, malamang wala na ako sa mundo ngayon.” Napakamot na sa batok niya si Keefer. Nagagawa pa talaga siyang ipilosopo ng kaibigan? “Hindi iyon ang ibig kong sabihin, Bro. Si Daviana. Siya ang topic natin. Iba-iba ang babae. Ang ibig kong sabihin ay ang daming babae, hindi lang siya. Bakit kailangan mong isiksik ang sarili mo sa babaeng iyon na walang ibang ginawa kung hindi ang pasakitan ka, ha? Hindi lang iyon, fiancée na siya ng kapatid mong hilaw. Kalaban mo na siya ngayon, Rohi. Kalaban!”Kumuha si Rohi ng isang stick ng sigarilyo, sinindihan iyon at pagkatapos huminga ng malalim.“Hindi naman iyon mahalaga. Saka, hindi makukuntento iyon si Warren dahil lang sa engagement nila ni Daviana. Isa pa, nandiyan din ang girlfriend niyang si Melissa na nasa pagitan nila.”N
WALANG KOMPETISYON NG araw na iyon kung kaya naman normal lang ang paglalaro ni Warren sa racing track. Sinamahan siya ni Melissa na malakas ang loob na nakaupo sa passenger seat habang si Warren ang driver. Nakita iyon ng kaibigan ni Warren na si Panda. “Hindi ba at si Viana ang girlfriend mo?”Mahirap para kay Warren ipaliwanag ang kanilang sitwasyon kung kaya naman sinamaan niya ng tingin ang kaibigan. Tila sinasabing huwag ng magtanong. “Gago ka talaga, Warren! Well, ang tapang niya ha? Hindi siya takot na samahan ka. Kung si Viana iyan baka nahimatay na iyon sa sobrang takot ngayon.”Mabilis iniiling ni Warren ang ulo. “Hindi ko siya papayagang sumama sa akin sa loob ng racing car, ayoko siyang mahimatay sa takot. At saka, hindi maganda kung talagang mabangga siya. Paniguradong mag-iiwan iyon ng malalang trauma.”“Kung ganun, ayos lang sa’yo na mabangga kasama ang babaeng kasama mo ngayon?”Natigilan nang bahagya doon si Warren. Hindi niya kailanman naisip ang tungkol dito. Si
BAGO PA SI Warren makasagot ay tumunog ang kanyang cellphone para sa tawag ng kasintahan upang sabihin lang na dumating na doon si Melissa. Pansamantalang natigil ang kanyang planong makipagkarera ng dalawang laps sa presensya nito. Minabuti na lang nila ni Melissa na maupo sa labas ng track upang doon sila mag-usap matapos magyakap.“Dahil wala ka naman ng mga bodyguard na nagbabantay, bakit hindi na lang tayo tumakas dito?”Nakaka-tempt para kay Warren kung iisipin pero umiling siya. Ayaw niyang gawin ang bagay na iyon.“Hindi pa nakakalabas ng ospital ang Lolo ko, natatakot ako na baka may mangyaring masama.”Pakiramdam ni Melissa ay guamagawa lang ito ng dahilan kahit pa kaya naman nilang lusutan na iyon. Ayaw niyang maging inferior sa iba, not to mention that the person is Daviana. Kailangan niyang ipahinto ang seremonya ng engagement. Kung tutuusin, si Warren pa rin naman ang tagapagmana ng pamilya Gonzales sa kanilang kumpanya. Tumakas man siya ngayon, sa mga kamay niya pa rin
NAPATALON NA SA tuwa si Warren dahil pinagbigyan na siya ni Daviana. Pakiramdam niya ay babalik na sila sa dati. “Siya nga pala, si Melissa, anong sabi niya sa plano mo? Napaliwanag mo na rin ng maayos sa kanya hindi ba?” Tumango na doon si Warren.“Oo. Maliwanag ang explanation ko sa kanya ng mangyayari. Tinanggap naman niya iyon. Hindi na siya umangal.”“Mabuti naman kung ganun.” tanging reaction ni Daviana na hindi na nagkomento pa doon ng iba. Hindi niya man tiyak ang future na gusto sa kanya ng amang si Danilo, kailangan niya pa ‘ring magpatangay sa agos ng kanilang plano. Kailangan niyang ituloy iyon. Hindi pwede ang hindi dahil wala na rin namang mawawala na sa kanya.“Siya nga pala, sabi ni Mommy ay i-check ko raw ang magiging process ng engagement kasama ka.” abot na nito ng papel.Tinanggap iyon ni Daviana at sinimulan na niyang basahin kung ano ang gustong mangyari ng mga magulang nila. Desidido ang pamilya Gonzales na magdaos ng isang malaking event. Ang plano ng proses
NANGANGATOG MAN ANG tuhod ay nagmamadaling bumaba si Daviana matapos niyang ayusin ang kanyang sarili. Pagbaba niya sa sala ay wala namang gaanong nakapansin sa kanya dahil abala pa rin ang mga tao sa pag-uusap nila. Kinuha niya ang opportunity na iyon upang makapuslit na magtungo sa banyo sa unang palapag. Pinagmasdan niyang mabuti ang kanyang mukha sa salamin nang makapasok na doon. Kapansin-pansin ang namamaga niyang labi nang dahil sa halik ni Rohi. Dama niya ang mahapding bahagi ng kanyang pagkababae na malayang ginalaw din nito kanina. Namumutla ang kanyang mukha habang ang kanyang mga mata ay hindi niya na mapigilan doong patuloy na mamula.“Huwag ka ng iiyak, Daviana. Please lang…” pakiusap niya habang nakaharap pa rin sa salamin, “Kasalanan mo rin.” Binuksan niya ang gripo ng lababo at isinahod doon ang kanyang kamay matapos ay inihilamos niya iyon sa mukha niya. Kailangan niyang kumalma. Kailangan niyang ibalik ang tino ng utak niya. Kabayaran ang nangyari sa kasalanan niya
NAPAHAWAK NA SIYA sa magkabilang braso ni Rohi dahil kung hindi niya gagawin iyon ay paniguradong babagsak siya sa sobrang panghihina na katawan niya. Niyakap na siya ni Rohi sa beywang at walang pag-aatubiling binuhat na patungo ng kanyang kama. Maingat niyang inihiga doon ang katawan ni Daviana at kinubabawan habang hindi pa rin pinuputol ang pagdidikit ng kanilang labi. Mapaglaro ang dila na sinipsip niya ang labi ni Daviana na hindi na katulad kanina na may diin. Banayad na iyon at puno ng pag-iingat. Gumapang pa ang libreng kamay nito sa pailalim ng kanyang suot na damit na tuluyang nagpawala ng wisyo at the same time ay galit ni Daviana. Sabik na tumugon siya sa halik ni Rohi na nang maramdaman iyon ay tuluyan na ‘ring nawala sa kanyang sarili. Natagpuan na lang nilang dalawa na kapwa na pinapaligaya ang kanilang katawan sa ikalawang pagkakataon kahit nasa alanganin silang sitwasyon. Bigay todo sa pagtugon si Daviana dahil alam niya na baka huli na rin ang pagkakataong iyon. “M