NAIKUYOM NA NI Daviana ang kanyang dalawang kamao na init na init ng bigwasan ang kaharap niya. Ini-activate nito ang anger button niya sa pamamagitan ng walang katapusan nitong paninisi sa kanya kahit na wala naman talaga siyang kinalaman. Nagsukatan silang dalawa ng tingin na kapwa na nanlilisik ang mga mata. Ayaw nilang magbawi ng tingin na para bang ang pag-iwas ng isa sa kanila ay sign na talo sila.“Totoo naman, kung hindi mo ‘yun sinabi sa iba walang makakaalam at hindi sana si Lolo nakaratay sa hospital!” balik ng galit ni Warren sa kanya na ipinagdidiinan talagang siya ang may gawa kung bakit inatake ang matanda gayong si Warren mismo ang may gawa noon sa matanda. “Malaya pa rin sana akong nagagawa ang gusto ko at wala akong mga bodyguard ngayon. Ikaw ang may kasalanan noon, Viana!”“Anong ako? Ikaw! Huwag mo ngang ibaling sa akin ang lahat ng nangyayari!” duro niya na sa dibdib ni Warren na nanlaki na ang mga mata sa ginawa ni Daviana dahil sobrang badtrip na badtrip na rin
MARIING NAIPIKIT NA ng dalaga ang mga mata sa malakas na sigaw na ginawa doon ng ama. Namutla na siya sa kaba. Dahan-dahan niyang iniyuko ang ulo dala ng malalang takot sa mga sasabihin pa nito. Ano man ang mangyari ay nakahanda pa rin siya. Pwede naman niyang itanggi ang lahat, pabulaanan iyon dito.“Tama ba ang narinig kong sinabi ni Warrens sa'yo, Viana? May gusto ka sa Rohi na iyon?!” parang kulog ang dagundong ng tanong nito na naghuhumiyak sa kanyang utak, “Sumagot ka! Tama ba iyon, ha?!”Kung kanina ay malakas ang loob ni Daviana sa harapan ni Warren at ang akala niya ay kaya niya rin gawin iyon sa ama, biglang naging ibang-iba iyon ngayon. Naguguluhan ang loob niya at alam niya sa sarili na hindi niya dapat i-admit iyon nang tahasan sa ama. Lalo itong magagalit. Lalo itong magwawala ngayon.“Hindi po, Daddy. Nagsinungaling po ako. Magkaibigan lang po kami.”“Magkaibigan? Talagang sa katigasan ng ulo mo ay nakikipagkaibigan ka pa rin sa kanya?” habol na ni Danilo ang hinga haba
SA GABING IYON ay hindi nagawang makatulog nang maayos ni Daviana. Pilit niyang inaapuhap ang mga sagot sa napakaraming tanong niya. Isa pa, tiyak na itatakwil siya ng kanyang mga magulang oras na maging suwail sa kanila. Paano na siya noon? Oo, may nararamdaman siya kay Rohi pero hindi naman sapat iyon para suportahan siya nito sa lahat. Natatakot siya na biglang sumugal dito. Hindi na niya namalayan anong oras pa siya nakatulog baon ang problemang lihim na pinapasan. Pagbaba niya ng hagdan kinabukasan ay naabutan niyang naroon ang ama ni Warren. Hindi lang siya, naroon din ang mag-ina nito kung saan ay nakatingin na sa kanya habang pababa pa lang siya ng kanilang hagdanan.“Oh, ayan na pala siya…” maligayang turan ni Danilo nang makita ang pagbaba ng kanyang anak.Masama man ang gising ay napilitan pa rin ang dalaga na magmano sa mag-asawa dahil ganun siyang nakilala nila. Ni hindi niya sinulyapan si Warren na matamang nakatingin sa kanya. Malamang ay napansin nito ang pamamaga ng k
NANIKIP ANG DIBDIB ni Daviana sa narinig. Hindi siya makapaniwala na ipaparating nga ni Warren sa mga magulang niya ang bagay na iyon. Sobrang nadismaya siya dito na kailangan niyang sabihin iyon sa kanila. Kaunti na lang aabot na sa sukdulan ang galit niya kay Warren. Hindi na ito nakakatuwa. “Hija, hindi sa kinakampihan ko ang anak ko pero sasama talaga ang imahe mo sa ginagawa mo. Kayo ni Warren ang nakatakda, pangit namang nakikita kang kasama si Rohi. Paano kung may ibang makakita sa inyong dalawa? Magagamit iyon ng ibang tao. Hindi ito maganda sa imahe nilang magkapatid at sa ating pamilya. Maintindihan mo sana.”Pakiramdam ni Daviana ay pinagkakaisahan siya ng mga kaharap. Gusto niyang magsalita at ipagtanggol ang sarili pero ni hindi man lang lumabas iyon sa lalamunan niya. Komplikado na siyang tiningnan ni Carol. “Hija, kailangan mong magsalita. Sagutin mo ang tanong ng Tito Welvin. Totoo ba ‘yun?”Lahat ng mga mata ay nasa dalaga na. Puno ng awang tiningnan siya ng ina. Na
NAPASINGHAP NA SI Daviana, hindi niya naisip na pra-prangkahin siya ni Carol ng ganun at harapan pa. Marahil ay iniisip nito na kapag tumanggi siya si Rohi naman ang target niyang makasama dahil ito naman talaga ang gusto niya.“Ipapaalala ko lang hija na magkapatid pa rin sila ni Warren at kung magkakaroon ka ng relasyon kay Rohi, makakaapekto iyon ng malala at eskandalo. Kaya kailangan mong pag-isipang mabuti ang magiging desisyon mo. Isa pa, makakatulong din ito sa pamilya mo…hindi lang sa aming pamilya.”Malinaw na malinaw ang sinabi ni Carol. Kahit na makaligtas siya sa engagement kay Warren, sa huli hindi niya pa rin makakasama si Rohi dahil paniguradong hahadlangan nila iyon ng kanyang pamilya.“Mabuti kang babae, naniniwala ako na magiging maayos ang desisyon mo na makakabuti sa lahat. Kailangang pag-isipan mong mabuti hija, puso o utak? Alin dapat?”Hindi na alam ng dalaga kung anong emosyon ang ipapakita sa kanila. Ipit na ipit na siya. Parang wala siyang natatanaw na liwana
IYON ANG UNANG pagkakataon na sumagot si Daviana sa kanyang ama kung kaya naman bakas na sa mukha ni Danilo ang labis na pagkagulat. Litong-lito naman ang dalaga. Binabalot ng takot ang katawan na lumaban at hindi kailanman nangahas na harapin ang sariling laman ng kanyang puso, ngunit sa mga sandaling iyon ay naramdaman niya na kung hahayaan niyang mawala si Rohi ay baka hindi na siya makahanap pa ng taong tunay na iintindi at magmamalasakit sa kanya na ginagawa ngayon ng binata. Paniguradong pagsisisihan niya ito. Ayaw niyang pagsisihan ito kaya naman magsasalita na siya ngayon.“M-May gusto ako kay Rohi Daddy, at hindi kay Warren...” ulit ni Daviana sa mahinang tinig dahil parang hindi siya narinig ng kanyang ama, “Gustong-gusto ko siya, D-Daddy...”Pagkasabi nito ay matapang na tumingin siya sa gulat na ekspresyon ng ama kahit na halatang naiiyak na, medyo gumaan ang pakiramdam ng dalaga kahit na namigat ang mga pilikmata niya sa kanyang luha. Ang pagkagusto kay Rohi ay hindi isa
HINDI MAKAPANIWALA SI Danilo sa ginawang pagsagot sa kanya ni Daviana na mayroong matapang na mga mata. Ibang-iba ang aura ng anak niya na para bang ibang anak ang kanyang kaharap. Talagang sinasagad nito ang pasensya niya. Inuubos pa ang natitirang pang-unawa niya. Wala na rin itong takot. Iyong tipong hindi na ito kinakabahan sa dagundong ng boses niya. Tuluyan na itong naging rebelde.“Babae ka! Wala ka man lang talagang kahihiyan sa katawan? Ikaw pa talaga ang pumupunta sa kanya? Ano na naman, Daviana? Paano ka naging ganito? Saan kami nagkulang ng ina mo? Sumagot ka!” “Dad, ilang taon akong naging matino! Ilang taon akong hinayaan na kayo ang masunod pagdating sa mga bagay na gusto ko. Sinunod ko naman ang lahat ng gusto niyo di ba kahit na ayaw ko? Wala ako ni isang sinuway. Bakit ngayon? Bakit hindi niyo ako magawang pagbigyan? Unawain niyo naman ako!” nangangatal ang labing patuloy na sagot ni Daviana na nawala na tamang hulog ang isip sa sobrang sama ng loob niya, “Matanda n
HINDI MABILANG NA minuto pa ang ginugol sa likod ng pintuan ng silid ni Daviana ngunit sumakit na lang ang kamay niya at lahat sa kakapalo ng kamay sa pinto ay hindi pa rin iyon binuksan ng kanyang ama na tila walang pakialam sa mga hinaing at pakiusap niya. Puno ng kabiguan ang mukha na bumalik siya sa kama nang mapagod na at maisip na wala naman talaga siyang pag-asang pagbuksan ang silid. Hindi mapawi ang hikbi sa kanyang nangangatal na labi. Tuloy-tuloy na namang bumagsak ang kanyang mga luha. Nanghihina ang nangangatal na katawan na naupo siya sa ibabaw ng kama habang ang kanyang mga mata ay nakatuon sa nakapinid na pintuan na tila kapag ginawa niya iyon ay kusang magbubukas ito. Maya-maya ay hinaplos niya ang magkabilang pisngi na patuloy na dinadaanan ng kanyang mainit na mga luha. Damang-dama niya ang hapdi sa bakas ng malaking palad ng kanyang ama sa magkabilang pisngi. Awang-awa siya sa kanyang sarili ng mga sandaling iyon. Humiga siya sa kama at hindi niya namalayan na naka
NAPATALON NA SA tuwa si Warren dahil pinagbigyan na siya ni Daviana. Pakiramdam niya ay babalik na sila sa dati. “Siya nga pala, si Melissa, anong sabi niya sa plano mo? Napaliwanag mo na rin ng maayos sa kanya hindi ba?” Tumango na doon si Warren.“Oo. Maliwanag ang explanation ko sa kanya ng mangyayari. Tinanggap naman niya iyon. Hindi na siya umangal.”“Mabuti naman kung ganun.” tanging reaction ni Daviana na hindi na nagkomento pa doon ng iba. Hindi niya man tiyak ang future na gusto sa kanya ng amang si Danilo, kailangan niya pa ‘ring magpatangay sa agos ng kanilang plano. Kailangan niyang ituloy iyon. Hindi pwede ang hindi dahil wala na rin namang mawawala na sa kanya.“Siya nga pala, sabi ni Mommy ay i-check ko raw ang magiging process ng engagement kasama ka.” abot na nito ng papel.Tinanggap iyon ni Daviana at sinimulan na niyang basahin kung ano ang gustong mangyari ng mga magulang nila. Desidido ang pamilya Gonzales na magdaos ng isang malaking event. Ang plano ng proses
NANGANGATOG MAN ANG tuhod ay nagmamadaling bumaba si Daviana matapos niyang ayusin ang kanyang sarili. Pagbaba niya sa sala ay wala namang gaanong nakapansin sa kanya dahil abala pa rin ang mga tao sa pag-uusap nila. Kinuha niya ang opportunity na iyon upang makapuslit na magtungo sa banyo sa unang palapag. Pinagmasdan niyang mabuti ang kanyang mukha sa salamin nang makapasok na doon. Kapansin-pansin ang namamaga niyang labi nang dahil sa halik ni Rohi. Dama niya ang mahapding bahagi ng kanyang pagkababae na malayang ginalaw din nito kanina. Namumutla ang kanyang mukha habang ang kanyang mga mata ay hindi niya na mapigilan doong patuloy na mamula.“Huwag ka ng iiyak, Daviana. Please lang…” pakiusap niya habang nakaharap pa rin sa salamin, “Kasalanan mo rin.” Binuksan niya ang gripo ng lababo at isinahod doon ang kanyang kamay matapos ay inihilamos niya iyon sa mukha niya. Kailangan niyang kumalma. Kailangan niyang ibalik ang tino ng utak niya. Kabayaran ang nangyari sa kasalanan niya
NAPAHAWAK NA SIYA sa magkabilang braso ni Rohi dahil kung hindi niya gagawin iyon ay paniguradong babagsak siya sa sobrang panghihina na katawan niya. Niyakap na siya ni Rohi sa beywang at walang pag-aatubiling binuhat na patungo ng kanyang kama. Maingat niyang inihiga doon ang katawan ni Daviana at kinubabawan habang hindi pa rin pinuputol ang pagdidikit ng kanilang labi. Mapaglaro ang dila na sinipsip niya ang labi ni Daviana na hindi na katulad kanina na may diin. Banayad na iyon at puno ng pag-iingat. Gumapang pa ang libreng kamay nito sa pailalim ng kanyang suot na damit na tuluyang nagpawala ng wisyo at the same time ay galit ni Daviana. Sabik na tumugon siya sa halik ni Rohi na nang maramdaman iyon ay tuluyan na ‘ring nawala sa kanyang sarili. Natagpuan na lang nilang dalawa na kapwa na pinapaligaya ang kanilang katawan sa ikalawang pagkakataon kahit nasa alanganin silang sitwasyon. Bigay todo sa pagtugon si Daviana dahil alam niya na baka huli na rin ang pagkakataong iyon. “M
SA PUNTONG IYON ay hindi na rin maikubli ni Daviana ang kalungkutan na bumabalot sa kanyang buong katawan. Gusto niyang sabihin kay Rohi na napipilitan lang siya sa engagement nila dahil hinihingi iyon ng pagkakataon at hindi magtatagal, bago pa sila maikasal ay sisirain din naman nila ni Warren. Subalit, may mag-iiba ba kung sasabihin niya? Baka mamaya umasa lang si Rohi ulit. Magiging katatawanan sila sa marami kung sakaling naging fiancée siya ni Warren, tapos hindi natuloy ang kasal tapos malalaman nila na nobyo niya naman si Rohi. Pag-uusapan ang kanilang pamilya at magdudulot iyon ng malalang isyu. Kaya mabuting manahimik na lang at hayaan na lumipas na lang ang lahat sa kanila.“Hindi ka pa rin magsasalita? Ayaw mo akong bigyan ng explanation, Viana? Bakit mo ito ginagawa?” Puno ng pagpipigil ng hiningang itinaas ni Daviana ang kanyang isang kamay at hinawakan ang pala-pulsuhan ni Rohi. Sinalubong niya ang pinupukol na mga tingin sa kanya ng dating nobyo.“Hindi ko pwedeng hin
MARAHAS NA TUMIBOK pa ang puso ni Daviana na parang nagwawala na sa loob ng dibdib niya. Gusto niyang sumigaw, ngunit hindi siya nangahas na gawin iyon dahil makukuha ang atensyon ng marami. Isa pa ay malapit na ang engagement nila ni Warren ma tiyak na mabubulilyaso oras na gawin niya ang bagay na iyon. Saka mapapahamak niya rin si Rohi.“Please, Rohi?” muli niyang untag pero para itong binging ahas.Hindi pa rin nagsalita si Rohi kahit na ilang beses niya ng tinawag ang pangalan nito. Nasa iisang linya ang kanyang mga kilay. Mariin ang kagat niya sa labi niya, halatang nagpipigil. Nakapatay ang mga ilaw sa silid kung kaya naman hindi ni Daviana maaninag ang reaksyon ng mukha ng lalaki. Ang tanging tanglaw lang sa kabuohan ng silid ay ang maputlang liwanag ng buwan na nagmumula sa labas ng bintana. Liwanag ng buwan na hindi niya alam kung bakit malungkot ang dating sa mga mata ni Daviana ng mga sandaling iyon.“Isa! Bitawan mo ako, sabi! Baliw ka na ba, ha?!”“Oo, Viana. Baliw na nga
HUMIGPIT NA ANG hawak ni Daviana sa kanyang cellphone. Naiiyak na siya. Ngayon pa lang nagsi-sink in sa kanyang isipan ang mga ginawa niya kay Rohi. Ngayon pa lang na parang sinampal siya ni Anelie doon.“Wala akong ibang choice, Anelie…sana maintindihan mo ang naging desisyon ko.” bakas ang sakit sa kanyang mahinang boses, hindi na niya kayang itago pa ang tunay na nararamdaman ng puso niya. “Naiintindihan kita kung pag-intindi lang naman Viana, pero ang hindi ko maintindihan ay bakit kayo humantong sa ganito? Kita naman kay Sir na head over heels siya sa’yo. Iyong tipong lahat ay gagawin niya para sa’yo, pero bigla mo siyang iniwan sa ere. Bigla mo siyang binitawan nang ganun-ganun na lang...”Guilty na hindi na magawang makapagsalita pa doon ni Daviana. Wala na siyang maisip na ibang dahilan. Inaamin naman niya. Mali niya. Siya ang may kasalanan, ngunit kagaya ng naunang sinabi, wala siyang choice. Kung mayroon lang naman, iyon ang pipiliin niya. Hindi na siya magpapaipit sa sitwa
PARANG NAPUTULAN NG dila si Melissa dahil sa pananahimik nito ng ilang segundo. Lingid sa kaalaman ni Warren ay kinakalamay nito ang sarili na huwag ng bayolente pang mag-react. “So, ano napagdesisyunan mo na gusto mo akong maging sidechick mo lang na malayo sa mata ng publiko? Ganun ba ang gusto mong mangyari?”“Pansamantala lang naman iyon, Melissa. Alin ba doon ang hindi mo maintindihan ha? Habang nag-iisip kami ng ibang paraan. Gagawa ako ng paraan, ngunit hindi mo maaaring labanan ang aking pamilya sa sandaling ito. Hindi ka o-obra sa kanila kaya makinig ka na lang sa sinasabi ko.”“Alam ko naman iyon, Warren. Gusto ko lang namang makasigurado sa’yo eh. Baka mamaya wala naman na pala akong hinihintay. Assurance ang kailangan ko mula sa'yo. Assurance.” puno ng pagkabigo ang tono ng boses ni Melissa, naiiyak.Ayaw siyang suyuin ni Warren dahil paniguradong aarte'han siyang lalo ng nobya. Kailangan nitong makipag-cooperate sa kanya kung nais nilang maging matagumpay ang pina-plano
NAGAWA PANG ITURO ni Warren ang mga bodyguard niya na nasa bakuran ng tahanan nina Daviana na matatanaw sa may bintana ng silid ng dalaga. Hindi naman siya pinansin ni Daviana na pinalampas lang ang sinabi sa kabila ng tainga niya. Wala siyang pakialam sa mga problema nito dahil kung tutuusin ay mas marami ang kanyang problema kumpara kay Warren. Mas malaki rin iyon lalo na pagdating nito kay Rohi.“I've had enough, Viana. Sinabi ko na sa kanila na hindi naman ako tatakas, ngunit hindi pa rin sila naniniwala sa akin. Ngayong tinanggap na nating dalawa ang engagement na tanging hiling ng ating mga magulang ay maaari mo ba akong tulungang malutas ang problemang ito? Sige na, Viana. Na-miss ko ng lumabas ng ako lang at walang inaalalang buntot na mga bodyguard.” muling ulit ni Warren nang wala pa rin siyang makuhang opinyon tungkol doon sa babae na pumapayag ito sa mga gusto niyang mangyari.“Okay, sasabihin ko sa parents mo kapag nakita ko sila. Okay na ba iyon? Ano? Happy ka na ba?” “
HINDI NAMAN NA nagulat pa si Warren nang makita niyang bumaba si Daviana ng hagdan kasunod ng kanyang ama. Masakit man sa kanyang paningin na napipilitan lang si Daviana ay hindi niya ito pinansin. Iwinaglit niya iyon sa isipan dahil siya rin naman ang isa sa humimok kay Daviana para sa fake engagement.“Hija, napag-isipan mo na ba?” maligayang tanong ni Carol matapos na bigyan niya ng yakap si Daviana ng makalapit, “May sagot ka na? Alam mo na, gusto na naming matapos ito sa lalong madaling panahon.”“Opo, Tita…nagkausap na kami ni Daddy…” linga niya sa ama na nasa sulok lang at matamang nakikinig sa usapan. “Pumapayag na ako sa engagement namin ni Warren.” halos ayaw lumabas noon sa lalamunan.Sumilay na ang kakaibang ngiti sa labi ni Carol sa kanyang narinig. Ang gusto niya ay isang manugang na madaling kontrolin kagaya na lang ni Daviana na sunud-sunuran lang. Kung hindi ito, kung ang ugali niya ay katulad ng kanyang anak na si Warren paniguradong masakit sa ulo iyon ng kanilang b