HINDI SILA PINANSIN ng matanda na nakadirekta pa rin ang mga mata kay Warren na hindi na rin alam ang sasabihin sa matanda. Dapat nga talaga yatang hindi na niya sinagot ang kanyang ama kanina. “In love ka ba talaga sa babaeng iyon?” tanong ng matanda na nagpakilabot na kay Warren. Kung hindi siya takot sa kanyang mga magulang, takot na takot naman siya sa kanyang Lolo lalo na kapag ang tono ng boses nito ay seryoso. Iyong tipong parang pipiliin niyang manahimik na lang muna.“L-Lolo…” “Sagutin mo ang tanong ko. Mahal mo ba talaga ang Melissa na iyon na umabot ka sa puntong sagutin at walanghiyain ang ama mo sa mismong pamamahay natin? Kailan ka pa natutong sigaw-sigawan sila?” Sunod-sunod ng napalunok ng laway si Warren. Binawi na ang mga mata sa matanda. Kabado na. “Nasaan ang dila mo? Bakit hindi ka sumagot sa tanong ko?!” Kulang na lang ay mapaigtad ang mag-anak sa pagsigaw na iyon ni Don Madeo. Natatarantang lumapit na si Welvin at Carol sa ama. Hindi iyon maganda sa kaloko
HUMIKAB AT NAG-INAT ng kanyang dalawang kamay si Daviana matapos niyang iinot-inot na bumangon. Sa malabo niyang paningin ay nakita niya ang bulto ng katawan na nakaupo sa kahoy na upuan malapit sa may bintana ng silid. Kinusot niya ang mga mata. Nagtataka pa siya kung kaninong bulto iyon. Hindi niya matandaan na nasa suite na naman nga pala siya ni Rohi. Ang buong akala niya ay nasa bahay nila siya. Kumain pa ng kalahating minuto bago niya napagtanto kung sino ang bultong iyon. Nanlaki ang kanyang mga mata at inilawit na ang dalawang binti upang bumaba ng kama. Napasinghap siya nang bahagyang gumalaw ang katawan ng binata. Maya-maya pa ay dumilat ito.“Masakit pa ba ang ulo mo?” Umayos ng upo si Rohi at pinagmasdang mabuti ang hitsura ng bisita niyang dalaga. Naupo siya doon upang bantayan sana si Daviana. Ayaw niyang matulog. Nag-aalala siya na baka mamaya ay bumalik ang lagnat nito kahit bumaba na.“Hindi na.”Napahawak sa kanyang noo ang dalaga nang bigla siyang tumayo nang dahil
NATIGILAN SI DAVIANA, bahagyang napakurap na ang kanyang mga mata. Hindi niya ma-figure out kung ano ang ibig nitong sabihin. Iba ang gusto niyang isipin pero bakit parang sinasabi nitong pabigat lang siya sa kanya o hindi? Iyong pagiging sakitin niya ay nakaka-apekto sa trabaho ni Rohi dahil iniisip siya nito? Nanliit na ang mga mata ni Daviana na nahulog nang muli sa kanyang kinakain. Lowkey ba nitong sinasabi na palagi siya nitong iniisip noon pa? Bago makapag-react si Daviana ay tumunog na ang cellphone ni Rohi. Sabay silang napatingin doon. Tumayo si Rohi upang sagutin ang tawag. Humakbang pa ito ng ilan upang mapalayo sa bandang kusina nang naturang suite. “Hindi. Dito na lang ako sa bahay magtra-trabaho dahil medyo masama ang pakiramdam ko. Huwag kang mag-alala, kaya kong tapusin iyon. Ibibigay ko ang magiging report mamayang tanghali.” naulinigan ni Daviana na sagot nito sa kausap, “Okay. Sabihin mo sa iyong secretary na paki-send na lang sa email ko. Mag-re-reply ako sa kany
IPINILIG NI DAVIANA ang ulo. Pakiramdam niya ay nasusunog na ang kanyang tainga sa narinig. Nang muli niyang titigan si Rohi ay nakita niyang seryoso ang mukha nito. Hindi ito nagbibiro. Nakatuon pa rin ang mga mata nito sa kanya. Mukhang hinihintay ang magiging desisyon niya. Kiss sa lips? Seryoso ba talaga ang binatang ito? Nakakaloka!“Ayos ka rin ah? Sinasamantala mo ang sitwasyon. Porket wala akong cellphone—” “Hmm, bahala ka kung ayaw mo talaga. Nakakaawa ka naman dahil wala kang cellphone. Ayaw mo ba? Sige…hindi naman ako ang mag-aalala kay Lolo Madeo kung ano na ba talaga ang lagay niya ngayon. Na-mild stroke pa naman…” Bigong tinalikuran siya ni Daviana. Hindi. Hindi niya ibibigay ang gusto nito. Namimihasa na ito. Palaging nanghahalik. Minsan pa walang paalam. Kung di lang siya nabahing sa sasakyan, malamang na-kiss na naman siya. Inihakbang na niya ang kanyang mga paa papalayo. Nakaka-tatlong hakbang na siya nang muling lumingon sa binata. Naroon pa rin ito. Nakatayo. Pin
UPANG HINDI NA muling maangkin ni Rohi ang labi niya ay ipinatong na ni Daviana ang kanyang mukha sa balikat nito. Hindi naman na siya pinilit ni Rohi na nagkasya na sa pagyakap lang ng mga braso nito sa kanyang katawan. Hindi niya alam kung puso niya ba o puso nilang dalawa iyong malakas na kumakalabog na parang nakikipag-karera.“Kapag nahawa kita, hindi ka makakapsok ng trabaho. Tatambak ang gawain mo. Mapapagalitan ka.” Mahinang natawa ang binata sa pag-aalala ni Daviana. Marahan niyang hinagod ng palad ang likod nito. “Ayos lang. Pwede naman akong mag-trabaho habang narito sa bahay. May magagawa pa rin naman ako.” “Pero walang mag-aalaga sa’yo. Mag-isa ka lang dito. Buti sana kung dito ako nakatira, maalagaan kita.” Parang hinaplos ang puso ni Rohi doon. Napakamaalalahanin talaga ng dalaga sa kanya kahit noong mga bata pa sila. Kung hindi lang dahil kay Warren, paniguradong bata pa lang sila ay sobrang close na sila. Pero ayos lang dahil ngayon alam niyang may pag-asa pang ma
AALMA PA LANG sana sa sinabi ng ama si Warren nang matigilan siya dahil bigla na lang itong tumayo. Pinigilan niya ang sariling isatinig pa ang kanyang nais na sabihin. Saka na lang siya boboses sa ama.“May tatawagan lang ako tungkol sa trabaho. Alam mo kung gaano karami ng trabahong kailangang tapusin ko sa kumpanya ngayon, di ba? Syempre hindi. Kung hindi mo ginalit ang Lolo mo, hindi iyon mai-impede dahil makakapasok ako. Pabigat ka talaga kahit kailan. Mabuti na lang at palaging maaasahan si Rohi. Hindi mo siya kagayang walang ginagawa kung hindi ang bigyan lang kami ng sakit ng ulo.” Naikuyom ni Warren ang kanyang kamao. Kinukumpara na naman kasi siya sa anak sa labas na iyon ng sariling ama. Kung ito pala ang magaling, bakit hindi na lang ito ang ituring niyang sariling anak?“Ikaw na tinaguriang tagapagmana ng kumpanya, anong ambag mo? Wala. Puro problema. Kailan ka ba titino at magbabago, Warren? Titino ka pa ba?” umiling pa ito na tumitig gamit ang dismayadong mata.Wala ng
NAGING KALMADO SI Daviana hanggang sumapit ang tanghali, subalit nang dumating ang kaibigan niya at si Keefer nanumbalik bigla ang stress niya nang makita ang makahulugang tinging ipinupukol sa kanya ng kaibigang si Anelie. Kakaiba kasi iyon.“Good day, Mr. Gonzales!” pagbati pa nito pagkapasok sa loob, kakatapos lang kumain noon ng dalawa. “May ibibigay lang ako kay Daviana.”Tumango lang si Rohi at binalingan si Keefer. Dinala naman ni Daviana si Anelie sa silid kung saan siya pinapatuloy ng binata upang doon ibigay ng kaibigan ang mga hinihiram niyang damit dito. Napanganga na ang dalaga nang makita kung anong klaseng damit ang dala ng kaibigan niya.“Ano sa tingin mo?” proud pa nitong tanong matapos kunin ang night gown na parang halos labas na yata ang kaluluwa sa ikli noon at nipis, hindi tuloy mapigilang manlaki ng mga mata ng dalaga. Kinuha pa nito talaga iyon at tinapat sa katawan niya. “Bagay na bagay, girl. Malamang kapag sinuot mo ‘to, paniguradong makukuha mo ang buong at
MATAPOS KALMAHIN ANG sarili ay dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan ng silid. Tahimik sa sala. Malamang nasa silid na niya si Rohi at subsob na naman sa trabaho. Kung mabilis siyang tatakbo papasok hindi siya nito mapapansin. Bakit kasi walang banyo ang silid na inuukupa niya?‘Talaga Daviana? May kapal ka pang magreklamo?’Pigil ang hingang mabilis na siyang tumakbo pagbilang niya sa kanyang isipan. Pagkapasok niya sa silid ay halos tumili na siya tapos maisara ang pintuan. Akala niya ay nagawa na niyang makatakas, ngunit pag-ikot niya ay kulang na lang humandusay siya sa gulat nang makitang nasa loob ng silid ang lalaking kanyang tinatakasan. Confused na matamang tinitigan na siya ni Rohi. “Bakit ka nagmamadaling makapasok dito?”Mula sa mukha ng dalaga ay bumaba ang tingin niya sa dibdib nito na natatanaw ang panloob nitong bra. Hindi niya kasalanan na napatingin siya doon pero biglang siya ang nahiya sa ginawa.“A-Anong ginagawa mo dito?” yakap ni Daviana sa kanyang sarili upa
NATAGPUAN NA NAMAN ni Daviana ang sarili na nahubaran na naman ng nobyo, ngunit ang pagkakataong iyon ay iba ang tumatakbo sa isipan niya. Desidido na siya. Hindi niya ito pipigilan kung ano ang gagawin sa kanya. Kung, makukuha siya ng ama dahil tumawag ito ng pulis sisiguraduhin niya na naibigay niya ang sarili sa lalaking mahal niya. Maruming babae? Wala na siyang pakialam sa salitang iyon. At least napagbigyan niya rin ang kanyang sarili. Suwail siyang anak? Lulubus-lubusin na niya iyon ngayon.Napaliyad pa si Daviana nang marahang humaplos ang mainit na palad ni Rohi sa kanyang gitna na para bang dinadama niya iyon. Nasundan iyon ng mahabang ungol ng dalaga nang walang anu-ano ay maramdaman niya na hinahalikan ng nobyo ang puson niya pababa at dama na niya ang mainit nitong hininga. Walang anu-ano ay marahas niyang hinawakan ang buhok nito pero sa halip na isubsob ang mukha doon ng nobyo, hinila ito ni Daviana patungo ng kanyang mukha upang halikan siya. “Ayokong halikan mo ‘yun
SUNOD-SUNOD NG NAPALUNOK ng laway si Daviana. Mula sa sparkling abs ni Rohi ay inilipat niya ang paningin sa mukha ng binata. Uminit na ang kanyang mukha. Dama niya iyon. Hindi mapigilan ng dalaga na magtaka kung bakit mukhang patpatin ang nobyo kapag may suot na damit, ngunit kapag wala naghuhumiyaw ang mga muscles na inaanyayahan siyang salatin at hawakan. Hindi naman kasing exaggerated ang muscles niya gaya ng ibang mga lalaki na nakakaasiwang tingnan. Ilang beses ng naghubad ito sa harapan niya pero ngayon niya lang napagmasdan itong mabuti at hindi iyon nakakatuwa para sa nag-iinit na katawan ng dalaga. Napabaling na sa kanya si Rohi. Tuluyang humarap nang hindi niya sagutin ang katanungan.“Viana—”“M-Magdamit ka muna bago tayo mag-usap.”Humalay ang kakaibang tunog ng halakhak ng binata sa bawat sulok ng silid. Nanunukso na ang naka-angat na gilid ng labi nito. Hindi niya maintindihan kung bakit ganun ang reaction ng nobya eh ilang beses ng kamuntikan may mangyari sa kanila at
IPINILIG NG BINATA ang ulo. Imposible iyon. Dama naman niya na mahalaga siya, kaya lang pinapangunahan pa rin siya noon na baka wala lang itong choice at mapupuntahan kung kaya sa kanya ito pumunta. Ganunpaman, wala siyang pakialam. Mahal niya ito. Gusto niya ang dalaga. Ano pa bang iisipin niya? At least kahit sandali at kahit paano naramdaman niya mula sa dalaga kung paano rin nito pahalagahan.“Pasensya na. Alam kong masungit ako kanina kaya nanibago ka. Bad mood lang talaga ako kaya hindi kita nagawang samahang kumain. Hindi ko na uulitin.” aniyang parang kawawang tuta na namamalimos ng atensyon kay Daviana, “Pwede bang pag-isipan mo pa ulit ang pag-alis mo dito?”Ang makitang ganito si Rohi ay panibago na naman sa paningin ni Daviana. Mukhang na-miunderstood niya. Ang akala siguro ng nobyo ay galit siya dahil masungit ito kanina kaya siya aalis na sa puder nito. Sa totoo lang, hindi siya pamilyar sa ganitong uri ng hindi pagkakaunawaan. Bilang isang personalidad na kasiya-siya sa
ANG ISA NAMANG kamay ay hinapit niya sa katawan ni Daviana upang mapalapit ito sa kanya. Bahagya niyang ibinaba ang mukha upang halikan lang ang noo ni Daviana pababa sa kanyang ilong. Sa ginawang iyon ng binata, hindi mapigilan ni Daviana na mag-angat ng mukha. Tumingala siya upang magtama ang kanilang mga matang dalawa. Ipinatong ni Rohi ang kanyang kamay sa likod ng kanyang ulo at natural na ibinaba pa ang kanyang ulo para halikan na ang mga labi ng kanyang nobya. Sandali niya lang itong tinikman. Hindi nagtagal ang halik na banayad dahil baka saan pa mapunta.“Sapat na ba iyan para gumaan ang pakiramdam mo?” tanong niya sa nobya na namula na ang mukha matapos niyang palisin ng hinalalaki ang ilang bahid ng laway niya sa labi ng kanyang nobya.Hindi pa rin makatingin ay tumango si Daviana. Binitawan na siya ni Rohi upang magtungo na sa kusina. Tahimik na sinundan si Rohi ng nobya kaya naman ay tiningnan niya na ito nang may pagtataka.“Sasamahan kitang mag-dinner.”Wala namang nagi
NAGKULITAN PA SINA Anelie at Keefer samantalang nahulog naman sa malalim na pag-iisip si Daviana, hanggang dumating ang kanilang order na pagkain.“Siya nga pala, Keefer alam mo ba kung ano ang favorite niyang pagkain? I mean ni Rohi.”Tiningnan siya ng lalaki na puno ng pagtataka ang mata. Tahasang nagtatanong na iyon kung bakit o literal na nagsasabing bakit hindi niya iyon alam eh siya ang boyfriend? Hindi lang nito isinatig pa iyon.“Paano ka naging boyfriend kung hindi mo alam?” hindi nakatiis ay tanong ni Keefer sa kanya.Nakaani agad ng batok si Keefer mula kay Anelie. “Siraulo ka ba? Bago pa lang silang dalawa! Kaya nga nagtatanong para makilala pa siya ni Daviana.”Sinamaan ni Keefer ng tingin si Anelie. Kumakamot na sa kanyang ulo na binatukan nito nang mahina.“Hindi ko rin naman alam kung ano ang gusto niyang pagkain. Walang partikular na pagkain ‘yun. Hindi naman siya mapili. Kahit ano kinakain niya.”How can someone have no preference for food? Hindi naniniwala doon s
TULUYAN NA NGANG magkasamang bumaba si Anelie at Daviana. Tinawagan ni Anelie si Keefer para may kasama sila. Imbitasyon na hindi tinanggihan ng lalaki. Hindi naman pinansin ni Daviana ang galaw ni Rohi kahit napansin niya na parang hindi akma iyon. Medyo nanlumo si Daviana nang maisip ang tungkol sa ina ni Rohi. Tinanong siya ni Anelie kung ano ang mali at nakasimangot.“Anong nangyari sa’yo? Hindi ba at okay ka lang kanina? Bakit nakabusangot ka na naman diyan?”Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Matapos makilala ang ina ni Rohi noong umaga, masama na ang pakiramdam niya. Ito ay kay Rohi na family affair. Bukod dito, malamang wala siyang gustong malaman ng iba na mayroon siyang psychotic na ina. Hindi niya masabi kay Anelie ang tungkol dito para igalang iyon, kaya napailing na lang siya. “Wala. Kain na lang tayo.”Nang dumating si Keefer ay agad niyang pinuna ang pananamlay at kawalan ng gana doon ni Daviana. Walang sumagot sa dalawang babae sa tanong nito. “Sabihin niyo sa a
NABABAKAS NI DAVIANA ang ligaya sa message ng kaibigan dahil sa umaapaw nitong mga emoji ng puso. Napailing na lang si Daviana. Bigla siyang natigilan. Pamilyar ang feeling na iyon sa kanya. Nag-send lang siya ng thumbs up at hindi na ito inistorbo pa para mabilis na matapos sa ginagawa. Gaya ng inaasahan ni Daviana, dumating nga si Anelie sa suite pagsapit ng gabi. Dahil sa takot na baka maistorbo si Rohi sa trabaho ng tunog ng usapan nila, dinala ni Daviana si Anelie sa kanyang kwarto at maingat na isinara niya na ang pinto nito.“Bakit?”“Busy si Rohi sa kabilang silid, baka maistorbo…”Tumango-tango si Anelie na pabagsak ng naupo sa kama. Hindi alintana kung nasaan sila. Maingay si Anelie at ang una niyang nais pag-usapan ay ang tungkol sa kanila ni Darrell na magkasamang nag-overtime. Tinawanan lang siya ni Daviana dito. “Kung alam mo lang Daviana, parang gusto kong araw-araw na lang hilingin na may overtime kami!”“Huwag kang masyadong assuming hangga’t wala siyang sinasabi. Si
ANG MENSAHENG IPINADALA ni Warren kay Daviana ay walang anumang naging tugon. Hindi pa rin niya lubusang maintindihan at mapaniwalaan na kayang gawin ng dalaga ang tumalon sa bintana para lang takasan ang nakatakdang kasal nila. “Gusto niya ba talagang hindi na umuwi sa kanila?”Kahit gaano kasama si Danilo ay ama pa rin niya ito. Tsaka naandon ang kanyang ina. Hindi naniniwala si Warren na tuluyan na niyang kakalimutan ang pamilya niya nang dahil lang sa bagay na iyon. Lumipas na lang ang kalahati ng araw na wala siyang ibang ginawa kundi ang madalas na tinitingnan ang cellphone. Umaasa na baka maaaring nag-reply na si Daviana sa message niya. Bigo siya. Wala. Sa sobrang galit niya ay marahas na tinapon niya ang cellphone phone na bumagsak sa gilid ng sofa. Para ma-divert din ang atensyon niya ay kinuha niya ang remote controller upang maglaro. Hindi siya maka-concentrate doon sa labis na iritasyon. Muli niyang kinuha ang cellphone at nang may nakitang notification, agad nabuhayan
ILANG SEGUNDONG TINGIN at sumunod naman si Rohi, ngunit muli siyang bumalik sa pwesto ng nobya. Ayaw niyang maramdaman nitong binabalewala niya. Hinawakan niya ito sa isang kamay at marahang igininiya papasok sa loob ng pintuan. Hindi na nakaangal pa ang dalaga. Agad kinausap ni Rohi ang naghihintay na doctor pagkapasok nila sa loob.“Ayaw ng ina mong makipagtulungan para mabilis siyang gumaling. Flinushed niya ang gamot sa banyo tapos binunot niya ang tube sa kamay during infusion.” sumbong agad ng doctor sa ginagawa ng ina, “And during the conversation intervention treatment, palagi niyang sinasabi na wala siyang sakit. Na-miunderstood mo lang daw siya at gusto mong gantihan dahil ipinamigay ka ng bata ka pa.”Walang reaction si Rohi kung hindi ang makinig. “Binibitangan niya pa kami na ang mga gamot na pinapainom namin sa kanya ay para baliwin namin siya. To be honest, hijo, your mother has certain symptoms of paranoia. Last night she even wanted to jump from the ninth floor. If t