NATIGILAN SI DAVIANA, bahagyang napakurap na ang kanyang mga mata. Hindi niya ma-figure out kung ano ang ibig nitong sabihin. Iba ang gusto niyang isipin pero bakit parang sinasabi nitong pabigat lang siya sa kanya o hindi? Iyong pagiging sakitin niya ay nakaka-apekto sa trabaho ni Rohi dahil iniisip siya nito? Nanliit na ang mga mata ni Daviana na nahulog nang muli sa kanyang kinakain. Lowkey ba nitong sinasabi na palagi siya nitong iniisip noon pa? Bago makapag-react si Daviana ay tumunog na ang cellphone ni Rohi. Sabay silang napatingin doon. Tumayo si Rohi upang sagutin ang tawag. Humakbang pa ito ng ilan upang mapalayo sa bandang kusina nang naturang suite. “Hindi. Dito na lang ako sa bahay magtra-trabaho dahil medyo masama ang pakiramdam ko. Huwag kang mag-alala, kaya kong tapusin iyon. Ibibigay ko ang magiging report mamayang tanghali.” naulinigan ni Daviana na sagot nito sa kausap, “Okay. Sabihin mo sa iyong secretary na paki-send na lang sa email ko. Mag-re-reply ako sa kany
IPINILIG NI DAVIANA ang ulo. Pakiramdam niya ay nasusunog na ang kanyang tainga sa narinig. Nang muli niyang titigan si Rohi ay nakita niyang seryoso ang mukha nito. Hindi ito nagbibiro. Nakatuon pa rin ang mga mata nito sa kanya. Mukhang hinihintay ang magiging desisyon niya. Kiss sa lips? Seryoso ba talaga ang binatang ito? Nakakaloka!“Ayos ka rin ah? Sinasamantala mo ang sitwasyon. Porket wala akong cellphone—” “Hmm, bahala ka kung ayaw mo talaga. Nakakaawa ka naman dahil wala kang cellphone. Ayaw mo ba? Sige…hindi naman ako ang mag-aalala kay Lolo Madeo kung ano na ba talaga ang lagay niya ngayon. Na-mild stroke pa naman…” Bigong tinalikuran siya ni Daviana. Hindi. Hindi niya ibibigay ang gusto nito. Namimihasa na ito. Palaging nanghahalik. Minsan pa walang paalam. Kung di lang siya nabahing sa sasakyan, malamang na-kiss na naman siya. Inihakbang na niya ang kanyang mga paa papalayo. Nakaka-tatlong hakbang na siya nang muling lumingon sa binata. Naroon pa rin ito. Nakatayo. Pin
UPANG HINDI NA muling maangkin ni Rohi ang labi niya ay ipinatong na ni Daviana ang kanyang mukha sa balikat nito. Hindi naman na siya pinilit ni Rohi na nagkasya na sa pagyakap lang ng mga braso nito sa kanyang katawan. Hindi niya alam kung puso niya ba o puso nilang dalawa iyong malakas na kumakalabog na parang nakikipag-karera.“Kapag nahawa kita, hindi ka makakapsok ng trabaho. Tatambak ang gawain mo. Mapapagalitan ka.” Mahinang natawa ang binata sa pag-aalala ni Daviana. Marahan niyang hinagod ng palad ang likod nito. “Ayos lang. Pwede naman akong mag-trabaho habang narito sa bahay. May magagawa pa rin naman ako.” “Pero walang mag-aalaga sa’yo. Mag-isa ka lang dito. Buti sana kung dito ako nakatira, maalagaan kita.” Parang hinaplos ang puso ni Rohi doon. Napakamaalalahanin talaga ng dalaga sa kanya kahit noong mga bata pa sila. Kung hindi lang dahil kay Warren, paniguradong bata pa lang sila ay sobrang close na sila. Pero ayos lang dahil ngayon alam niyang may pag-asa pang ma
AALMA PA LANG sana sa sinabi ng ama si Warren nang matigilan siya dahil bigla na lang itong tumayo. Pinigilan niya ang sariling isatinig pa ang kanyang nais na sabihin. Saka na lang siya boboses sa ama.“May tatawagan lang ako tungkol sa trabaho. Alam mo kung gaano karami ng trabahong kailangang tapusin ko sa kumpanya ngayon, di ba? Syempre hindi. Kung hindi mo ginalit ang Lolo mo, hindi iyon mai-impede dahil makakapasok ako. Pabigat ka talaga kahit kailan. Mabuti na lang at palaging maaasahan si Rohi. Hindi mo siya kagayang walang ginagawa kung hindi ang bigyan lang kami ng sakit ng ulo.” Naikuyom ni Warren ang kanyang kamao. Kinukumpara na naman kasi siya sa anak sa labas na iyon ng sariling ama. Kung ito pala ang magaling, bakit hindi na lang ito ang ituring niyang sariling anak?“Ikaw na tinaguriang tagapagmana ng kumpanya, anong ambag mo? Wala. Puro problema. Kailan ka ba titino at magbabago, Warren? Titino ka pa ba?” umiling pa ito na tumitig gamit ang dismayadong mata.Wala ng
NAGING KALMADO SI Daviana hanggang sumapit ang tanghali, subalit nang dumating ang kaibigan niya at si Keefer nanumbalik bigla ang stress niya nang makita ang makahulugang tinging ipinupukol sa kanya ng kaibigang si Anelie. Kakaiba kasi iyon.“Good day, Mr. Gonzales!” pagbati pa nito pagkapasok sa loob, kakatapos lang kumain noon ng dalawa. “May ibibigay lang ako kay Daviana.”Tumango lang si Rohi at binalingan si Keefer. Dinala naman ni Daviana si Anelie sa silid kung saan siya pinapatuloy ng binata upang doon ibigay ng kaibigan ang mga hinihiram niyang damit dito. Napanganga na ang dalaga nang makita kung anong klaseng damit ang dala ng kaibigan niya.“Ano sa tingin mo?” proud pa nitong tanong matapos kunin ang night gown na parang halos labas na yata ang kaluluwa sa ikli noon at nipis, hindi tuloy mapigilang manlaki ng mga mata ng dalaga. Kinuha pa nito talaga iyon at tinapat sa katawan niya. “Bagay na bagay, girl. Malamang kapag sinuot mo ‘to, paniguradong makukuha mo ang buong at
MATAPOS KALMAHIN ANG sarili ay dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan ng silid. Tahimik sa sala. Malamang nasa silid na niya si Rohi at subsob na naman sa trabaho. Kung mabilis siyang tatakbo papasok hindi siya nito mapapansin. Bakit kasi walang banyo ang silid na inuukupa niya?‘Talaga Daviana? May kapal ka pang magreklamo?’Pigil ang hingang mabilis na siyang tumakbo pagbilang niya sa kanyang isipan. Pagkapasok niya sa silid ay halos tumili na siya tapos maisara ang pintuan. Akala niya ay nagawa na niyang makatakas, ngunit pag-ikot niya ay kulang na lang humandusay siya sa gulat nang makitang nasa loob ng silid ang lalaking kanyang tinatakasan. Confused na matamang tinitigan na siya ni Rohi. “Bakit ka nagmamadaling makapasok dito?”Mula sa mukha ng dalaga ay bumaba ang tingin niya sa dibdib nito na natatanaw ang panloob nitong bra. Hindi niya kasalanan na napatingin siya doon pero biglang siya ang nahiya sa ginawa.“A-Anong ginagawa mo dito?” yakap ni Daviana sa kanyang sarili upa
SINUNDAN SIYA NG tingin ni Daviana nang humakbang na patungo ng kusina. Sumidhi pa ang pagkakonsensya niya na tumanggi siya ngayon. Hindi na doon mapalagay si Daviana. Tumayo na siya upang sumunod sa kanya. Magkaibigan naman sila ni Rohi, pero sa tingin ni Daviana ay hindi pa panahon para malaman iyon ng ama at ina. Dumating ang kanilang pagkain. Pinagsaluhan nila iyon ni Rohi ng tahimik. Sobrang guilty na siya.“Pasensya ka na, Rohi…”Nag-angat ng tingin ang binata sa sinabi ni Daviana. Akmang sasagot na ito kung bakit nang biglang mag-ring ang phone niya sa tawag ni Anelie. Sinagot niya iyon na hindi pa rin inaalis ang mata kay Daviana sa pag-aakalang tungkol sa trabaho ang sadya nito. Walang anu-ano ay inilahad niya iyon sa harapan ng dalaga na nakikipagtagisan din ng titigan ngayon sa kanya.“Gusto kang kausapin ni Anelie.”Tinanggap iyon ni Daviana at nilagay na sa tainga. Nasa hapag pa rin sila, patapos pa lang kumain.“Girl, finally may naghahanap na sa’yo. Hindi ka raw mahana
SUMAKAY NG TAXI si Daviana pauwi ng bahay nila. Tahimik siyang bumaba sa tapat noon matapos na magbayad. Ilang minuto na siyang nakatayo sa harap ng kanilang gate. Iniisip kung pipindutin niya na ba ang doorbell noon. Ilang beses siyang nag-alinlangan. Huli na para magtago nang marinig niya ang mga yabag na papalapit sa kanilang gate. Hindi niya na kasi maigalaw ang kanyang katawan sa bilis ng pintig ng kanyang puso at pamamawis ng palad niya. Bumukas na ang gate at iniluwa noon ang bulto ng kanyang mga magulang. Gaya niya, pareho rin silang natigilan dito.“Daviana!” bulalas nitong mabilis na tinawid ang kanilang pagitan at mahigpit siyang niyakap, “Mabuti naman at bumalik ka na! Saan ka nagpunta nitong nakaraang dalawang araw? Wala kang dalang cellphone at wallet man lang!” marahan nitong hinaplos ang kanyang mukha na tila tinitingnan kung pumayat siya, “Sobra mo kaming pinag-alala.”Nagkabikig ang lalamunan ni Daviana. Pansin niya kasing tunay ang pag-aalala ng kanyang ina. “Salam
WALANG KOMPETISYON NG araw na iyon kung kaya naman normal lang ang paglalaro ni Warren sa racing track. Sinamahan siya ni Melissa na malakas ang loob na nakaupo sa passenger seat habang si Warren ang driver. Nakita iyon ng kaibigan ni Warren na si Panda. “Hindi ba at si Viana ang girlfriend mo?”Mahirap para kay Warren ipaliwanag ang kanilang sitwasyon kung kaya naman sinamaan niya ng tingin ang kaibigan. Tila sinasabing huwag ng magtanong. “Gago ka talaga, Warren! Well, ang tapang niya ha? Hindi siya takot na samahan ka. Kung si Viana iyan baka nahimatay na iyon sa sobrang takot ngayon.”Mabilis iniiling ni Warren ang ulo. “Hindi ko siya papayagang sumama sa akin sa loob ng racing car, ayoko siyang mahimatay sa takot. At saka, hindi maganda kung talagang mabangga siya. Paniguradong mag-iiwan iyon ng malalang trauma.”“Kung ganun, ayos lang sa’yo na mabangga kasama ang babaeng kasama mo ngayon?”Natigilan nang bahagya doon si Warren. Hindi niya kailanman naisip ang tungkol dito. Si
BAGO PA SI Warren makasagot ay tumunog ang kanyang cellphone para sa tawag ng kasintahan upang sabihin lang na dumating na doon si Melissa. Pansamantalang natigil ang kanyang planong makipagkarera ng dalawang laps sa presensya nito. Minabuti na lang nila ni Melissa na maupo sa labas ng track upang doon sila mag-usap matapos magyakap.“Dahil wala ka naman ng mga bodyguard na nagbabantay, bakit hindi na lang tayo tumakas dito?”Nakaka-tempt para kay Warren kung iisipin pero umiling siya. Ayaw niyang gawin ang bagay na iyon.“Hindi pa nakakalabas ng ospital ang Lolo ko, natatakot ako na baka may mangyaring masama.”Pakiramdam ni Melissa ay guamagawa lang ito ng dahilan kahit pa kaya naman nilang lusutan na iyon. Ayaw niyang maging inferior sa iba, not to mention that the person is Daviana. Kailangan niyang ipahinto ang seremonya ng engagement. Kung tutuusin, si Warren pa rin naman ang tagapagmana ng pamilya Gonzales sa kanilang kumpanya. Tumakas man siya ngayon, sa mga kamay niya pa rin
NAPATALON NA SA tuwa si Warren dahil pinagbigyan na siya ni Daviana. Pakiramdam niya ay babalik na sila sa dati. “Siya nga pala, si Melissa, anong sabi niya sa plano mo? Napaliwanag mo na rin ng maayos sa kanya hindi ba?” Tumango na doon si Warren.“Oo. Maliwanag ang explanation ko sa kanya ng mangyayari. Tinanggap naman niya iyon. Hindi na siya umangal.”“Mabuti naman kung ganun.” tanging reaction ni Daviana na hindi na nagkomento pa doon ng iba. Hindi niya man tiyak ang future na gusto sa kanya ng amang si Danilo, kailangan niya pa ‘ring magpatangay sa agos ng kanilang plano. Kailangan niyang ituloy iyon. Hindi pwede ang hindi dahil wala na rin namang mawawala na sa kanya.“Siya nga pala, sabi ni Mommy ay i-check ko raw ang magiging process ng engagement kasama ka.” abot na nito ng papel.Tinanggap iyon ni Daviana at sinimulan na niyang basahin kung ano ang gustong mangyari ng mga magulang nila. Desidido ang pamilya Gonzales na magdaos ng isang malaking event. Ang plano ng proses
NANGANGATOG MAN ANG tuhod ay nagmamadaling bumaba si Daviana matapos niyang ayusin ang kanyang sarili. Pagbaba niya sa sala ay wala namang gaanong nakapansin sa kanya dahil abala pa rin ang mga tao sa pag-uusap nila. Kinuha niya ang opportunity na iyon upang makapuslit na magtungo sa banyo sa unang palapag. Pinagmasdan niyang mabuti ang kanyang mukha sa salamin nang makapasok na doon. Kapansin-pansin ang namamaga niyang labi nang dahil sa halik ni Rohi. Dama niya ang mahapding bahagi ng kanyang pagkababae na malayang ginalaw din nito kanina. Namumutla ang kanyang mukha habang ang kanyang mga mata ay hindi niya na mapigilan doong patuloy na mamula.“Huwag ka ng iiyak, Daviana. Please lang…” pakiusap niya habang nakaharap pa rin sa salamin, “Kasalanan mo rin.” Binuksan niya ang gripo ng lababo at isinahod doon ang kanyang kamay matapos ay inihilamos niya iyon sa mukha niya. Kailangan niyang kumalma. Kailangan niyang ibalik ang tino ng utak niya. Kabayaran ang nangyari sa kasalanan niya
NAPAHAWAK NA SIYA sa magkabilang braso ni Rohi dahil kung hindi niya gagawin iyon ay paniguradong babagsak siya sa sobrang panghihina na katawan niya. Niyakap na siya ni Rohi sa beywang at walang pag-aatubiling binuhat na patungo ng kanyang kama. Maingat niyang inihiga doon ang katawan ni Daviana at kinubabawan habang hindi pa rin pinuputol ang pagdidikit ng kanilang labi. Mapaglaro ang dila na sinipsip niya ang labi ni Daviana na hindi na katulad kanina na may diin. Banayad na iyon at puno ng pag-iingat. Gumapang pa ang libreng kamay nito sa pailalim ng kanyang suot na damit na tuluyang nagpawala ng wisyo at the same time ay galit ni Daviana. Sabik na tumugon siya sa halik ni Rohi na nang maramdaman iyon ay tuluyan na ‘ring nawala sa kanyang sarili. Natagpuan na lang nilang dalawa na kapwa na pinapaligaya ang kanilang katawan sa ikalawang pagkakataon kahit nasa alanganin silang sitwasyon. Bigay todo sa pagtugon si Daviana dahil alam niya na baka huli na rin ang pagkakataong iyon. “M
SA PUNTONG IYON ay hindi na rin maikubli ni Daviana ang kalungkutan na bumabalot sa kanyang buong katawan. Gusto niyang sabihin kay Rohi na napipilitan lang siya sa engagement nila dahil hinihingi iyon ng pagkakataon at hindi magtatagal, bago pa sila maikasal ay sisirain din naman nila ni Warren. Subalit, may mag-iiba ba kung sasabihin niya? Baka mamaya umasa lang si Rohi ulit. Magiging katatawanan sila sa marami kung sakaling naging fiancée siya ni Warren, tapos hindi natuloy ang kasal tapos malalaman nila na nobyo niya naman si Rohi. Pag-uusapan ang kanilang pamilya at magdudulot iyon ng malalang isyu. Kaya mabuting manahimik na lang at hayaan na lumipas na lang ang lahat sa kanila.“Hindi ka pa rin magsasalita? Ayaw mo akong bigyan ng explanation, Viana? Bakit mo ito ginagawa?” Puno ng pagpipigil ng hiningang itinaas ni Daviana ang kanyang isang kamay at hinawakan ang pala-pulsuhan ni Rohi. Sinalubong niya ang pinupukol na mga tingin sa kanya ng dating nobyo.“Hindi ko pwedeng hin
MARAHAS NA TUMIBOK pa ang puso ni Daviana na parang nagwawala na sa loob ng dibdib niya. Gusto niyang sumigaw, ngunit hindi siya nangahas na gawin iyon dahil makukuha ang atensyon ng marami. Isa pa ay malapit na ang engagement nila ni Warren ma tiyak na mabubulilyaso oras na gawin niya ang bagay na iyon. Saka mapapahamak niya rin si Rohi.“Please, Rohi?” muli niyang untag pero para itong binging ahas.Hindi pa rin nagsalita si Rohi kahit na ilang beses niya ng tinawag ang pangalan nito. Nasa iisang linya ang kanyang mga kilay. Mariin ang kagat niya sa labi niya, halatang nagpipigil. Nakapatay ang mga ilaw sa silid kung kaya naman hindi ni Daviana maaninag ang reaksyon ng mukha ng lalaki. Ang tanging tanglaw lang sa kabuohan ng silid ay ang maputlang liwanag ng buwan na nagmumula sa labas ng bintana. Liwanag ng buwan na hindi niya alam kung bakit malungkot ang dating sa mga mata ni Daviana ng mga sandaling iyon.“Isa! Bitawan mo ako, sabi! Baliw ka na ba, ha?!”“Oo, Viana. Baliw na nga
HUMIGPIT NA ANG hawak ni Daviana sa kanyang cellphone. Naiiyak na siya. Ngayon pa lang nagsi-sink in sa kanyang isipan ang mga ginawa niya kay Rohi. Ngayon pa lang na parang sinampal siya ni Anelie doon.“Wala akong ibang choice, Anelie…sana maintindihan mo ang naging desisyon ko.” bakas ang sakit sa kanyang mahinang boses, hindi na niya kayang itago pa ang tunay na nararamdaman ng puso niya. “Naiintindihan kita kung pag-intindi lang naman Viana, pero ang hindi ko maintindihan ay bakit kayo humantong sa ganito? Kita naman kay Sir na head over heels siya sa’yo. Iyong tipong lahat ay gagawin niya para sa’yo, pero bigla mo siyang iniwan sa ere. Bigla mo siyang binitawan nang ganun-ganun na lang...”Guilty na hindi na magawang makapagsalita pa doon ni Daviana. Wala na siyang maisip na ibang dahilan. Inaamin naman niya. Mali niya. Siya ang may kasalanan, ngunit kagaya ng naunang sinabi, wala siyang choice. Kung mayroon lang naman, iyon ang pipiliin niya. Hindi na siya magpapaipit sa sitwa
PARANG NAPUTULAN NG dila si Melissa dahil sa pananahimik nito ng ilang segundo. Lingid sa kaalaman ni Warren ay kinakalamay nito ang sarili na huwag ng bayolente pang mag-react. “So, ano napagdesisyunan mo na gusto mo akong maging sidechick mo lang na malayo sa mata ng publiko? Ganun ba ang gusto mong mangyari?”“Pansamantala lang naman iyon, Melissa. Alin ba doon ang hindi mo maintindihan ha? Habang nag-iisip kami ng ibang paraan. Gagawa ako ng paraan, ngunit hindi mo maaaring labanan ang aking pamilya sa sandaling ito. Hindi ka o-obra sa kanila kaya makinig ka na lang sa sinasabi ko.”“Alam ko naman iyon, Warren. Gusto ko lang namang makasigurado sa’yo eh. Baka mamaya wala naman na pala akong hinihintay. Assurance ang kailangan ko mula sa'yo. Assurance.” puno ng pagkabigo ang tono ng boses ni Melissa, naiiyak.Ayaw siyang suyuin ni Warren dahil paniguradong aarte'han siyang lalo ng nobya. Kailangan nitong makipag-cooperate sa kanya kung nais nilang maging matagumpay ang pina-plano