NANG DAHIL DOON ay mas lumakas pa ang boses nila sa pandinig ni Daviana na sa sandaling iyon ay nasa ibabaw ng kama. Nakatakip ang unan sa kanyang magkabilang tainga upang hindi niya marinig ang kaharutan ng dalawa sa sala. Gayunpaman, parang may sariling buhay ang boses nilang nanunuot sa tainga ng dalaga. Nakailang biling na rin si Daviana doon, pero naririnig niya pa rin talaga ang dalawa.“Melissa? Ang gulo mo. Maririnig na tayo ni Viana eh. Tama na, mamaya na lang...” “Eh bakit kasi tumakbo ka dito sa labas? Naroon na tayo sa kwarto eh. Tayo na ulit doon sa room kung gusto mo ng privacy. Huwag ka ng magpakipot. Alam ko namang gusto mo rin ito eh. Halika na, Beyb!”“Tama na kasi, gumayak ka na para makaalis na tayo. Huwag mo na akong punuin at harutin. Sige ka, baka hindi na ako makapagpigil at pagbigyan kita sa gusto mo.” pagsakay pa ni Warren sa kalandian ng nobya. Humagikhik pa sa sobrang kilig nang dahil doon si Melissa. Gustong-gusto pa naman niya iyong ganito ang mga salit
ANG PAMILYA NATIN ang karamay natin dapat sa lahat. Mula sa mumunting problema hanggang sa mas malaking suliranin. Sila ang gumagabay sa atin sa tuwing namamali tayo ng landas. Sila iyong tumutulong sa atin, ngunit sa sitwasyon ni Daviana kabaligtaran iyon at ang trato sa kanya ng sarili niyang ama. Kung hindi lang ganun ang kanyang ama na mas gusto ang magkaroon ng anak na lalaki, hindi sana lumaki ang dalagang ganito ang character at saka mindset. Subalit nakasanayan na ni Warren iyon, magiging mahirap din sa kanya at hindi rin ma-imagine ng lalaki ang liberated at sutil na katauhan ngayon ni Daviana. Sanay na siya kung ano siya ngayon. Sanay na siya sa kanyang pagkamasunurin kahit na nakababagot. Subalit kamakailan lang ay sinabi ni Daviana na wala na rin siyang pakialam sa mga salita niya na nakakabahala.Wala na ba talaga si Daviana na pakialam?Alas-tres na ang magtungo sila sa bubuksang rancho ng mga Gonzales. Medyo may kalayuan iyon sa hotel na kanilang kinaroroonan kung kaya
HINDI PINANSIN NI Warren si Melissa na nanatili ang mga matang nakatingin kay Daviana.“Same trail. Huwag kang mauna at subukang magpatakbo nang mabilis para iwan kami.” sagot ni Warren na tila ba nahuhulaan na ng lalaki ang laman ng isipan ng dalaga.Hindi lang naman sila ang mangangabayo doon, may ilang mga bisita na pinagbigyan ang kumpanya upang subukan ang trail na kanilang tatahakin kung safe ba iyon at sukatin kung gaano kalayo. Ipinagkibit-balikat iyon ni Daviana. Hindi na siya muling nagsalita pa. Ang plano niya ay hahanapin niya ang kaibigan. Gagawin na lang niyang excuse iyon mamaya kay Warren na sure naman siyang hindi niya ito magagawang hindian lalo kung nakababa na siya ng kabayo. Alangang habulin pa siya nito?“Narinig mo ang sinabi ko, Viana?” “Oo na.” Habang abala ang magkasintahan na sumakay ng kabayo nilang gagamitin ay pasimpleng tinawagan ni Daviana ang kaibigan. Nakailang ring iyon bago sagutin ng kanyang kaibigan.“Nasaan ka? Magho-horseback riding na kami. N
GAYA NG INAASAHAN ay si Daviana ng unang nakarating sa hangganan na may waterfalls. Hindi na siya nagtaka sa bagong hitsura noon sa paningin niya. Patalon siyang bumaba ng kabayo at ibinigay na ang tali noon sa nag-aabang na naka-unipormeng staff . Binigyan ng naturang lalaki ng pagkain bilang rewards at saka ng inumin na rin nitong tubig. Hindi lang siya ang mga turista na naroon maliban sa mga staff. May mga nauna na doon na halatang ini-enjoy ang view ng lugar. Isa iyon sa highlight ng rancho. May hot spring doon na naka-design upang maging paliguan. Pwede rin ang mag-overnight. May mga cottages na yari sa nipa at nagtatayugang mga five star hotel na sinadyang ipatayo doon ng pamilya. Ilang palapag din iyon. Nagmistulang parang paraiso iyon sa pusod ng berdeng kagubatan. Para siyang beach na sadyang itinayo sa malayong dagat. Ang kaibahan lang ay hindi maalat ang tubig na may malamig at saka mainit. Noong huling punta nina Daviana doon, hindi pa iyon nare-renovate. Ngayon sobrang g
NAPAPITLAG NA SI Daviana sa malakas na sigaw na ginawa ni Warren sa kanyang gilid. Nabitawan na nito ang plastic ng dala niyang tubig at patakbo nang bumaba upang puntahan ang nobya. Pagdating doon ni Warren ay may mga staff at medic na ang agad na dumalo kay Melissa. May dalang stretcher na rin dito. Nahihimasmasan na rin na tumakbo si Daviana palapit sa kanila upang magpaliwanag na hindi siya nag may gawa noon. Si Melissa ang kusang nagpahulog. Gusto lang siya nitong bintangan at sisihin sa lahat.“Melissa!” puno ng pag-aalala niyang tawag sa pangalan ng nobya na agad dumilat ang mata.Nakahiga na ang babae sa stretcher. Hawak niya ang kaliwang braso na siyang napuruhan sa ginawa niyang pagpapahulog. Nang makita niyang naroon si Warren ay mas pumalahaw pa ito. “Beyb, ang sakit. Pakiramdam ko ay nabalian ako.”“Kalma. Huwag kang masyadong gumalaw. Hindi iyan. Dadalhin ka namin sa hospital. Huwag kang mag-isip ng masama.” lapit na ni Warren sa kanya upang i-comfort na ang nobya, maki
ILANG MINUTONG NABALOT ng katahimikan ang buong paligid ng ward. Hinintay ni Warren na ibuka ni Melissa ang kanyang bibig. Iyon din ang hinihintay ni Daviana. Hinihintay ng dalaga kung pasasamain ba siya ni Melissa kay Warren kagaya ng pagbibintang na ginawa nito.“Nahulog ako kasi…” pabitin pa nitong sagot na iniiwas na ang mukha kay Warren, napailing na si Daviana. Talagang paninindigan niya ang kasinungalingan niya! “Alam mo namang ayaw sa akin ni Daviana, hindi ba? Galit siya sa akin kung kaya naman noong nag-sorry ako sa kanya pag-alis mo bigla niya akong itinulak. Gaya lang noong nasa kotse mo kami dati. Tanda mo?”Hindi na dinugtungan ni Melissa ang kanyang litanya. Nilingon na niya ang reaction ng nobyo. Galit na noon ang mukha ni Warren. Mahigpit na nakatikom ang kanyang labi, at napakababa ng presyon ng hangin na lumalabas sa kanyang ilong. “Seryoso ka bang itinulak ka talaga ni Viana?” Kinagat na ni Melissa ang kanyang labi. Oras na sabihin niyang kasalanan ni Daviana iyo
HUMINGA MUNA NANG malalim si Daviana bago niya piniling magsalita. Kailangan niyang mailabas ang saloobin niya. Hindi pwedeng side lang ni Melissa ang alam ng lalaki. Dapat alam din nito ang side niya kung saan siya nanggagaling. “Hindi ko siya itinulak. Alam na alam iyon ni Melissa. Hindi mo ba makita kung sino sa aming dalawa ang hindi nagsasabi ng totoo? Sa tingin mo, Warren, makakaya kong gawin iyon ha?”“Viana—” “Ano? Siya na naman ba ang papaniwalaan mo? Alam ko naman na palagi namang siya!”Humalukipkip na doon si Warren na matamang tiningnan na ang mata ng dalaga. “Sige, ipagpalagay na natin ganun ang nangyari pero bakit hindi ka man lang nag-react. Hindi mo man lang siya tinulungan? Nakatunganga ka lang doon na parang nasisiyahan ka pa.” Umakyat na sa kanyang bunbunan ang inis na nararamdaman ni Daviana. Bakit parang kasalanan niya pa ang nangyari gayong wala naman siyang ginagawang masama sa babae. “Warren, nagulat ako! Malay ko bang magpapatihulog siya doon?” gigil na
SUMIDHI PA ANG galit ni Daviana sa walang imik at nakatayo lang na si Warren. Hindi niya ugali ang mag-eskandalo, pero hindi niya na mapigilan ang sakit nang dahil sa ginagawa ni Warren sa kanya. Pinagtitinginan na sila ng mga dumadaan, subalit hindi niya pa rin alintana. Wala ng pakialam ang dalaga sa kung anong sasabihin ng iba. Naramdaman na niya ang panghihina ng kanyang dalawang tuhod na parang anumang oras ay magco-collapse na siya. “Ikaw ang nagbago, dahil kay Melissa, ikaw Warren!” Sa mga sandaling iyon ay nais niyang isumbat ang lahat ng mga nagawa niya sa lalaki. Ang mga sakripisyo niya. Kung alam niya lang din na magiging ganito ito sa kanya ngayon, dapat noon pa lang ay inilayo na niya ang kanyang sarili. Hindi na dapat siya nag-aksaya pa ng oras.“Ngayon nagsisisi kang sumama ka dito? Hindi ba at gusto mo naman? Sana sinabi mo na lang sa akin na ayaw mo—” “Wala ka ba sa tamang katinuan? Tumanggi ako hindi ba? Anong ginawa mo? Pinadaan mo kay Daddy ang invitation mo! Gu
NATAGPUAN NA NAMAN ni Daviana ang sarili na nahubaran na naman ng nobyo, ngunit ang pagkakataong iyon ay iba ang tumatakbo sa isipan niya. Desidido na siya. Hindi niya ito pipigilan kung ano ang gagawin sa kanya. Kung, makukuha siya ng ama dahil tumawag ito ng pulis sisiguraduhin niya na naibigay niya ang sarili sa lalaking mahal niya. Maruming babae? Wala na siyang pakialam sa salitang iyon. At least napagbigyan niya rin ang kanyang sarili. Suwail siyang anak? Lulubus-lubusin na niya iyon ngayon.Napaliyad pa si Daviana nang marahang humaplos ang mainit na palad ni Rohi sa kanyang gitna na para bang dinadama niya iyon. Nasundan iyon ng mahabang ungol ng dalaga nang walang anu-ano ay maramdaman niya na hinahalikan ng nobyo ang puson niya pababa at dama na niya ang mainit nitong hininga. Walang anu-ano ay marahas niyang hinawakan ang buhok nito pero sa halip na isubsob ang mukha doon ng nobyo, hinila ito ni Daviana patungo ng kanyang mukha upang halikan siya. “Ayokong halikan mo ‘yun
SUNOD-SUNOD NG NAPALUNOK ng laway si Daviana. Mula sa sparkling abs ni Rohi ay inilipat niya ang paningin sa mukha ng binata. Uminit na ang kanyang mukha. Dama niya iyon. Hindi mapigilan ng dalaga na magtaka kung bakit mukhang patpatin ang nobyo kapag may suot na damit, ngunit kapag wala naghuhumiyaw ang mga muscles na inaanyayahan siyang salatin at hawakan. Hindi naman kasing exaggerated ang muscles niya gaya ng ibang mga lalaki na nakakaasiwang tingnan. Ilang beses ng naghubad ito sa harapan niya pero ngayon niya lang napagmasdan itong mabuti at hindi iyon nakakatuwa para sa nag-iinit na katawan ng dalaga. Napabaling na sa kanya si Rohi. Tuluyang humarap nang hindi niya sagutin ang katanungan.“Viana—”“M-Magdamit ka muna bago tayo mag-usap.”Humalay ang kakaibang tunog ng halakhak ng binata sa bawat sulok ng silid. Nanunukso na ang naka-angat na gilid ng labi nito. Hindi niya maintindihan kung bakit ganun ang reaction ng nobya eh ilang beses ng kamuntikan may mangyari sa kanila at
IPINILIG NG BINATA ang ulo. Imposible iyon. Dama naman niya na mahalaga siya, kaya lang pinapangunahan pa rin siya noon na baka wala lang itong choice at mapupuntahan kung kaya sa kanya ito pumunta. Ganunpaman, wala siyang pakialam. Mahal niya ito. Gusto niya ang dalaga. Ano pa bang iisipin niya? At least kahit sandali at kahit paano naramdaman niya mula sa dalaga kung paano rin nito pahalagahan.“Pasensya na. Alam kong masungit ako kanina kaya nanibago ka. Bad mood lang talaga ako kaya hindi kita nagawang samahang kumain. Hindi ko na uulitin.” aniyang parang kawawang tuta na namamalimos ng atensyon kay Daviana, “Pwede bang pag-isipan mo pa ulit ang pag-alis mo dito?”Ang makitang ganito si Rohi ay panibago na naman sa paningin ni Daviana. Mukhang na-miunderstood niya. Ang akala siguro ng nobyo ay galit siya dahil masungit ito kanina kaya siya aalis na sa puder nito. Sa totoo lang, hindi siya pamilyar sa ganitong uri ng hindi pagkakaunawaan. Bilang isang personalidad na kasiya-siya sa
ANG ISA NAMANG kamay ay hinapit niya sa katawan ni Daviana upang mapalapit ito sa kanya. Bahagya niyang ibinaba ang mukha upang halikan lang ang noo ni Daviana pababa sa kanyang ilong. Sa ginawang iyon ng binata, hindi mapigilan ni Daviana na mag-angat ng mukha. Tumingala siya upang magtama ang kanilang mga matang dalawa. Ipinatong ni Rohi ang kanyang kamay sa likod ng kanyang ulo at natural na ibinaba pa ang kanyang ulo para halikan na ang mga labi ng kanyang nobya. Sandali niya lang itong tinikman. Hindi nagtagal ang halik na banayad dahil baka saan pa mapunta.“Sapat na ba iyan para gumaan ang pakiramdam mo?” tanong niya sa nobya na namula na ang mukha matapos niyang palisin ng hinalalaki ang ilang bahid ng laway niya sa labi ng kanyang nobya.Hindi pa rin makatingin ay tumango si Daviana. Binitawan na siya ni Rohi upang magtungo na sa kusina. Tahimik na sinundan si Rohi ng nobya kaya naman ay tiningnan niya na ito nang may pagtataka.“Sasamahan kitang mag-dinner.”Wala namang nagi
NAGKULITAN PA SINA Anelie at Keefer samantalang nahulog naman sa malalim na pag-iisip si Daviana, hanggang dumating ang kanilang order na pagkain.“Siya nga pala, Keefer alam mo ba kung ano ang favorite niyang pagkain? I mean ni Rohi.”Tiningnan siya ng lalaki na puno ng pagtataka ang mata. Tahasang nagtatanong na iyon kung bakit o literal na nagsasabing bakit hindi niya iyon alam eh siya ang boyfriend? Hindi lang nito isinatig pa iyon.“Paano ka naging boyfriend kung hindi mo alam?” hindi nakatiis ay tanong ni Keefer sa kanya.Nakaani agad ng batok si Keefer mula kay Anelie. “Siraulo ka ba? Bago pa lang silang dalawa! Kaya nga nagtatanong para makilala pa siya ni Daviana.”Sinamaan ni Keefer ng tingin si Anelie. Kumakamot na sa kanyang ulo na binatukan nito nang mahina.“Hindi ko rin naman alam kung ano ang gusto niyang pagkain. Walang partikular na pagkain ‘yun. Hindi naman siya mapili. Kahit ano kinakain niya.”How can someone have no preference for food? Hindi naniniwala doon s
TULUYAN NA NGANG magkasamang bumaba si Anelie at Daviana. Tinawagan ni Anelie si Keefer para may kasama sila. Imbitasyon na hindi tinanggihan ng lalaki. Hindi naman pinansin ni Daviana ang galaw ni Rohi kahit napansin niya na parang hindi akma iyon. Medyo nanlumo si Daviana nang maisip ang tungkol sa ina ni Rohi. Tinanong siya ni Anelie kung ano ang mali at nakasimangot.“Anong nangyari sa’yo? Hindi ba at okay ka lang kanina? Bakit nakabusangot ka na naman diyan?”Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Matapos makilala ang ina ni Rohi noong umaga, masama na ang pakiramdam niya. Ito ay kay Rohi na family affair. Bukod dito, malamang wala siyang gustong malaman ng iba na mayroon siyang psychotic na ina. Hindi niya masabi kay Anelie ang tungkol dito para igalang iyon, kaya napailing na lang siya. “Wala. Kain na lang tayo.”Nang dumating si Keefer ay agad niyang pinuna ang pananamlay at kawalan ng gana doon ni Daviana. Walang sumagot sa dalawang babae sa tanong nito. “Sabihin niyo sa a
NABABAKAS NI DAVIANA ang ligaya sa message ng kaibigan dahil sa umaapaw nitong mga emoji ng puso. Napailing na lang si Daviana. Bigla siyang natigilan. Pamilyar ang feeling na iyon sa kanya. Nag-send lang siya ng thumbs up at hindi na ito inistorbo pa para mabilis na matapos sa ginagawa. Gaya ng inaasahan ni Daviana, dumating nga si Anelie sa suite pagsapit ng gabi. Dahil sa takot na baka maistorbo si Rohi sa trabaho ng tunog ng usapan nila, dinala ni Daviana si Anelie sa kanyang kwarto at maingat na isinara niya na ang pinto nito.“Bakit?”“Busy si Rohi sa kabilang silid, baka maistorbo…”Tumango-tango si Anelie na pabagsak ng naupo sa kama. Hindi alintana kung nasaan sila. Maingay si Anelie at ang una niyang nais pag-usapan ay ang tungkol sa kanila ni Darrell na magkasamang nag-overtime. Tinawanan lang siya ni Daviana dito. “Kung alam mo lang Daviana, parang gusto kong araw-araw na lang hilingin na may overtime kami!”“Huwag kang masyadong assuming hangga’t wala siyang sinasabi. Si
ANG MENSAHENG IPINADALA ni Warren kay Daviana ay walang anumang naging tugon. Hindi pa rin niya lubusang maintindihan at mapaniwalaan na kayang gawin ng dalaga ang tumalon sa bintana para lang takasan ang nakatakdang kasal nila. “Gusto niya ba talagang hindi na umuwi sa kanila?”Kahit gaano kasama si Danilo ay ama pa rin niya ito. Tsaka naandon ang kanyang ina. Hindi naniniwala si Warren na tuluyan na niyang kakalimutan ang pamilya niya nang dahil lang sa bagay na iyon. Lumipas na lang ang kalahati ng araw na wala siyang ibang ginawa kundi ang madalas na tinitingnan ang cellphone. Umaasa na baka maaaring nag-reply na si Daviana sa message niya. Bigo siya. Wala. Sa sobrang galit niya ay marahas na tinapon niya ang cellphone phone na bumagsak sa gilid ng sofa. Para ma-divert din ang atensyon niya ay kinuha niya ang remote controller upang maglaro. Hindi siya maka-concentrate doon sa labis na iritasyon. Muli niyang kinuha ang cellphone at nang may nakitang notification, agad nabuhayan
ILANG SEGUNDONG TINGIN at sumunod naman si Rohi, ngunit muli siyang bumalik sa pwesto ng nobya. Ayaw niyang maramdaman nitong binabalewala niya. Hinawakan niya ito sa isang kamay at marahang igininiya papasok sa loob ng pintuan. Hindi na nakaangal pa ang dalaga. Agad kinausap ni Rohi ang naghihintay na doctor pagkapasok nila sa loob.“Ayaw ng ina mong makipagtulungan para mabilis siyang gumaling. Flinushed niya ang gamot sa banyo tapos binunot niya ang tube sa kamay during infusion.” sumbong agad ng doctor sa ginagawa ng ina, “And during the conversation intervention treatment, palagi niyang sinasabi na wala siyang sakit. Na-miunderstood mo lang daw siya at gusto mong gantihan dahil ipinamigay ka ng bata ka pa.”Walang reaction si Rohi kung hindi ang makinig. “Binibitangan niya pa kami na ang mga gamot na pinapainom namin sa kanya ay para baliwin namin siya. To be honest, hijo, your mother has certain symptoms of paranoia. Last night she even wanted to jump from the ninth floor. If t