ANG PAMILYA NATIN ang karamay natin dapat sa lahat. Mula sa mumunting problema hanggang sa mas malaking suliranin. Sila ang gumagabay sa atin sa tuwing namamali tayo ng landas. Sila iyong tumutulong sa atin, ngunit sa sitwasyon ni Daviana kabaligtaran iyon at ang trato sa kanya ng sarili niyang ama. Kung hindi lang ganun ang kanyang ama na mas gusto ang magkaroon ng anak na lalaki, hindi sana lumaki ang dalagang ganito ang character at saka mindset. Subalit nakasanayan na ni Warren iyon, magiging mahirap din sa kanya at hindi rin ma-imagine ng lalaki ang liberated at sutil na katauhan ngayon ni Daviana. Sanay na siya kung ano siya ngayon. Sanay na siya sa kanyang pagkamasunurin kahit na nakababagot. Subalit kamakailan lang ay sinabi ni Daviana na wala na rin siyang pakialam sa mga salita niya na nakakabahala.Wala na ba talaga si Daviana na pakialam?Alas-tres na ang magtungo sila sa bubuksang rancho ng mga Gonzales. Medyo may kalayuan iyon sa hotel na kanilang kinaroroonan kung kaya
HINDI PINANSIN NI Warren si Melissa na nanatili ang mga matang nakatingin kay Daviana.“Same trail. Huwag kang mauna at subukang magpatakbo nang mabilis para iwan kami.” sagot ni Warren na tila ba nahuhulaan na ng lalaki ang laman ng isipan ng dalaga.Hindi lang naman sila ang mangangabayo doon, may ilang mga bisita na pinagbigyan ang kumpanya upang subukan ang trail na kanilang tatahakin kung safe ba iyon at sukatin kung gaano kalayo. Ipinagkibit-balikat iyon ni Daviana. Hindi na siya muling nagsalita pa. Ang plano niya ay hahanapin niya ang kaibigan. Gagawin na lang niyang excuse iyon mamaya kay Warren na sure naman siyang hindi niya ito magagawang hindian lalo kung nakababa na siya ng kabayo. Alangang habulin pa siya nito?“Narinig mo ang sinabi ko, Viana?” “Oo na.” Habang abala ang magkasintahan na sumakay ng kabayo nilang gagamitin ay pasimpleng tinawagan ni Daviana ang kaibigan. Nakailang ring iyon bago sagutin ng kanyang kaibigan.“Nasaan ka? Magho-horseback riding na kami. N
GAYA NG INAASAHAN ay si Daviana ng unang nakarating sa hangganan na may waterfalls. Hindi na siya nagtaka sa bagong hitsura noon sa paningin niya. Patalon siyang bumaba ng kabayo at ibinigay na ang tali noon sa nag-aabang na naka-unipormeng staff . Binigyan ng naturang lalaki ng pagkain bilang rewards at saka ng inumin na rin nitong tubig. Hindi lang siya ang mga turista na naroon maliban sa mga staff. May mga nauna na doon na halatang ini-enjoy ang view ng lugar. Isa iyon sa highlight ng rancho. May hot spring doon na naka-design upang maging paliguan. Pwede rin ang mag-overnight. May mga cottages na yari sa nipa at nagtatayugang mga five star hotel na sinadyang ipatayo doon ng pamilya. Ilang palapag din iyon. Nagmistulang parang paraiso iyon sa pusod ng berdeng kagubatan. Para siyang beach na sadyang itinayo sa malayong dagat. Ang kaibahan lang ay hindi maalat ang tubig na may malamig at saka mainit. Noong huling punta nina Daviana doon, hindi pa iyon nare-renovate. Ngayon sobrang g
NAPAPITLAG NA SI Daviana sa malakas na sigaw na ginawa ni Warren sa kanyang gilid. Nabitawan na nito ang plastic ng dala niyang tubig at patakbo nang bumaba upang puntahan ang nobya. Pagdating doon ni Warren ay may mga staff at medic na ang agad na dumalo kay Melissa. May dalang stretcher na rin dito. Nahihimasmasan na rin na tumakbo si Daviana palapit sa kanila upang magpaliwanag na hindi siya nag may gawa noon. Si Melissa ang kusang nagpahulog. Gusto lang siya nitong bintangan at sisihin sa lahat.“Melissa!” puno ng pag-aalala niyang tawag sa pangalan ng nobya na agad dumilat ang mata.Nakahiga na ang babae sa stretcher. Hawak niya ang kaliwang braso na siyang napuruhan sa ginawa niyang pagpapahulog. Nang makita niyang naroon si Warren ay mas pumalahaw pa ito. “Beyb, ang sakit. Pakiramdam ko ay nabalian ako.”“Kalma. Huwag kang masyadong gumalaw. Hindi iyan. Dadalhin ka namin sa hospital. Huwag kang mag-isip ng masama.” lapit na ni Warren sa kanya upang i-comfort na ang nobya, maki
ILANG MINUTONG NABALOT ng katahimikan ang buong paligid ng ward. Hinintay ni Warren na ibuka ni Melissa ang kanyang bibig. Iyon din ang hinihintay ni Daviana. Hinihintay ng dalaga kung pasasamain ba siya ni Melissa kay Warren kagaya ng pagbibintang na ginawa nito.“Nahulog ako kasi…” pabitin pa nitong sagot na iniiwas na ang mukha kay Warren, napailing na si Daviana. Talagang paninindigan niya ang kasinungalingan niya! “Alam mo namang ayaw sa akin ni Daviana, hindi ba? Galit siya sa akin kung kaya naman noong nag-sorry ako sa kanya pag-alis mo bigla niya akong itinulak. Gaya lang noong nasa kotse mo kami dati. Tanda mo?”Hindi na dinugtungan ni Melissa ang kanyang litanya. Nilingon na niya ang reaction ng nobyo. Galit na noon ang mukha ni Warren. Mahigpit na nakatikom ang kanyang labi, at napakababa ng presyon ng hangin na lumalabas sa kanyang ilong. “Seryoso ka bang itinulak ka talaga ni Viana?” Kinagat na ni Melissa ang kanyang labi. Oras na sabihin niyang kasalanan ni Daviana iyo
HUMINGA MUNA NANG malalim si Daviana bago niya piniling magsalita. Kailangan niyang mailabas ang saloobin niya. Hindi pwedeng side lang ni Melissa ang alam ng lalaki. Dapat alam din nito ang side niya kung saan siya nanggagaling. “Hindi ko siya itinulak. Alam na alam iyon ni Melissa. Hindi mo ba makita kung sino sa aming dalawa ang hindi nagsasabi ng totoo? Sa tingin mo, Warren, makakaya kong gawin iyon ha?”“Viana—” “Ano? Siya na naman ba ang papaniwalaan mo? Alam ko naman na palagi namang siya!”Humalukipkip na doon si Warren na matamang tiningnan na ang mata ng dalaga. “Sige, ipagpalagay na natin ganun ang nangyari pero bakit hindi ka man lang nag-react. Hindi mo man lang siya tinulungan? Nakatunganga ka lang doon na parang nasisiyahan ka pa.” Umakyat na sa kanyang bunbunan ang inis na nararamdaman ni Daviana. Bakit parang kasalanan niya pa ang nangyari gayong wala naman siyang ginagawang masama sa babae. “Warren, nagulat ako! Malay ko bang magpapatihulog siya doon?” gigil na
SUMIDHI PA ANG galit ni Daviana sa walang imik at nakatayo lang na si Warren. Hindi niya ugali ang mag-eskandalo, pero hindi niya na mapigilan ang sakit nang dahil sa ginagawa ni Warren sa kanya. Pinagtitinginan na sila ng mga dumadaan, subalit hindi niya pa rin alintana. Wala ng pakialam ang dalaga sa kung anong sasabihin ng iba. Naramdaman na niya ang panghihina ng kanyang dalawang tuhod na parang anumang oras ay magco-collapse na siya. “Ikaw ang nagbago, dahil kay Melissa, ikaw Warren!” Sa mga sandaling iyon ay nais niyang isumbat ang lahat ng mga nagawa niya sa lalaki. Ang mga sakripisyo niya. Kung alam niya lang din na magiging ganito ito sa kanya ngayon, dapat noon pa lang ay inilayo na niya ang kanyang sarili. Hindi na dapat siya nag-aksaya pa ng oras.“Ngayon nagsisisi kang sumama ka dito? Hindi ba at gusto mo naman? Sana sinabi mo na lang sa akin na ayaw mo—” “Wala ka ba sa tamang katinuan? Tumanggi ako hindi ba? Anong ginawa mo? Pinadaan mo kay Daddy ang invitation mo! Gu
NAKAHINGA NANG MALUWAG si Daviana nang marinig niya ang pamilyar na boses ng lalaking lulan ng sasakyan. Hindi niya maintindihan kung bakit parang ang lahat ng takot niya ng mga sandaling iyon ay agad na nawala. Lumapit pa siya sa kotse upang lubos niyang maaninag ang mukha nito. Siya nga! Si Rohi.“Rohi?” masiglang sambit niya sa pangalan ng lalaki na hindi niya inaasahang makikita niya roon, dahil ang sabi ni Anelie ay hindi naman ito doon pupunta dahil sa busy raw. Ngunit ano ang ibig sabihing narito ito?Ngumiti lang si Rohi nang makilala siya ng dalaga matapos niyang magpunas ng mga luha niya. “Pumasok ka na ng kotse. Saan ka pa ba pupunta ng ganitong oras? Gabing-gabi na ah? Nag-walked out ka ba?” sunod-sunod niyang tanong na hindi sinagot ni Daviana dahil pinili niyang sumakay na roon.Umikot na ang mga mata ni Daviana na nagsusuot na ng seatbelt matapos isara ang pintuan ng kotse. Komportable talaga siya kapag si Rohi ang kanyang kasama. Ang layo noon sa pakiramdam niya kay W
LUMIWANAG AGAD ANG mukha ni Warren sa sinabing iyon ni Daviana. Oo nga naman, si Daviana iyon kaya ano ang pinag-aalala niya at mga makamundong iniisip niya sa kaibigan. Imposible na may mangyari agad sa kanila nang ganun kabilis. Hindi ito kaladkaring babae na kapag inaya ay magpapaubaya. Siya nga hindi pa nagagawa iyon sa nobya niyang si Melissa, malamang hanggang halikan lang din sila at hawak. Ngunit panandalian lang ang reaction niya sa sunod na sinabi ni Daviana na alam niyang may kahulugan. Kahulugan na kahit hindi niya isipin ay nagsusumiksik iyon sa kanyang noon pa man ay maruming isipan.“At kung sakali mang mabuntis niya nga ako, ano namang problema doon? Hindi ko kailangang mag-alala o ma-stress sa pag-iisip. Alam kong hindi naman ako pababayaan ni Rohi dahil responsable siya!”Napaawang na ang bibig ni Warren. Hindi niya ito inaasahan. Hindi kaya tama ang hula niya na may namagitan na nga sa kanila? Pero paano iyon nangyari? Hindi ganun si Daviana. Pinapahalagahan nito an
ILANG SEGUNDONG NATAHIMIK si Warren at huminga nang malalim. Ilang beses niya iyong pinag-isipan. Sa palagay niya ay hindi naman magiging masama ang labas ng offer niya. Pabor pa nga iyon sa dalaga.“Let them perfunctorily deal with the engagement first, and then make plans?” patanong nitong sagot na ang na nagpagusot pa ng mukha ni Daviana, “I mean hayaan natin mangyari ang engagement saka tayo magplano ng ibang kailangan nating gawin. Ibigay natin ang gusto nila para matapos na ang lahat ng ito.”Galit na nanlaki na ang mga mata ni Daviana. Kung makapagsalita ang lalaki akala mo ganun lang kadali ang mga pinagsasabi nito. Well, ano pa nga bang aasahan niya sa lalaking ito na spoiled at walang alam. Malamang iniisip nito na kaya niyang makuha ang anumang bagay na gustuhin, including na siya doon.“Hindi mo kailangang mabalisa, Viana. Makinig kang mabuti sa akin. Engagement pa lang naman ito at hindi pa naman tunay na kasal na may papel tayong legal na panghahawakan. Pwede namang hang
HINDI NAGSALITA SI Daviana kung kaya naman nilingon na siya ni Warren. Hindi nakaligtas sa mga mata ng lalaki ang mga mata ng dalaga na mapula na naman at anumang oras ay muling mapapaiyak. Malalim na siyang napahinga. Hindi niya mabasa kung ano ang naglalakbay sa kanyang isipan ng mga oras na iyon.“Umiiyak ka na naman ba?” Iniiwas ni Daviana ang kanyang mukha. Pilit niya iyong itinago dito dahil alam niyang aasarin na naman siya nito. Sino ba namang hindi maiiyak? Patung-patong ang problema niyang kinakaharap ngayon.“Sabihin mo na ang gusto mong sabihin. Nagmamadali ako.” sa halip ay sagot ni Daviana, hindi niya binigyan ng pagkakataong maasar siya ni Warren. “Gaano ba ka-importante iyan? Bilisan mo!” Napakurap na ng kanyang mga mata si Warren. Medyo nabastusan sa naging kasagutan ng dati niyang kaibigan. Pagod ang mga mata niya itong tiningnan ngunit wala pa rin iyong naging karampot na epekto kay Daviana na halatang wala ng pakialam sa kanya. May kung anong guwang na sa puso ni
BAKAS SA MGA mata ng dalaga na sobrang litong-lito na siya. Pilit niya lang kinalamay ang kanyang sarili para magmukhang kalmado pa rin kahit na ang kaloob-looban niya ay unti-unti ng gumugulo. Nagugulo. Hindi na alam ang gagawin at mga sasabihin ay pinili na lang niyang manahimik. Masyadong nagulo ang kanyang isipan ng sinabi ng kanyang ina. Malakas ang naging impact ng mga salita nito sa kanya tungkol sa nobyo. Hindi niya tuloy mapigilan na tanungin ang kanyang sarili kung gaano niya nga ito kakilala? Hindi lang iyon. Sa punto ng pananalita ng kanyang ina. Alam niya kung ano ang tinutumbok noon. Sadya ba talagang kailangan niyang makipaghiwalay kay Rohi? Hindi niya kaya. Sobrang mahal niya ang binata.“Hindi ka pa rin naman nakaka-graduate. Mahaba pa ang panahong lalakbayin mo anak. Anuman ang iyong desisyon, huwag kang magmadali upang gawin iyon. Isipin mo ulit mabuti ang mga desisyon mo sa buhay. Isa pa ay bata ka pa naman. Masyado pang bata. Marami pa ang mangyayari sa'yo basta h
HINDI MATANGGAP NG damdamin at parang sasabog na ang isipan ni Daviana sa sinabing iyon ng ina. Hindi niya lubos maisip na ganun ang hangarin ng kanyang nobyo. Maaring tama nga ito ng kanyang hinuha, pero malakas pa rin ang kanyang paniniwala na hindi iyon kayang gawin ni Rohi. Mabuting tao ang kanyang nobyo. Sobrang mahal na mahal din siya nito kaya bakit naman siya nito sasaktan at paiiyakin?“Alalahanin mo na ang buong pamilya ng Gonzales ay may ayaw sa kanya. Si Carol at Warren ang sobrang nanakit sa kanyang damdamin lalo na noong bata pa siya. Si Welvin na kanyang ama at si Don Madeo rin na halatang walang pakialam sa existence niya. Sa palagay mo ba ang isang taong tulad ni Rohi na may masalimuot na karanasan sa kanyang kabataan ay magiging mapagparaya at bukas-palad na patatawarin na lang ang lahat ng mga taong nanakit sa kanya?” muling iwan ng mga katanungan sa isipan ni Daviana ng kanyang inang si Nida, “Walang ganun Daviana, lahat ng tao ay mayroong hangganan ang pasensya.”
PARANG HINIHIWA NA ang puso ni Daviana sa mga salitang iyon ng ina na para bang pinagtatabuyan o tinatakwil siya ng araw na iyon, pero ang totoo gusto lang nitong maging maayos ang buhay niya. Ayaw na ni Nida na maranasan ng anak ang kahirapan sa piling ni Danilo. Gusto niyang mamulat doon ang anak. At ang mga salitang iyon ay ang kanyang tanging instrumento upang ipakilala sa kanya ang katotohanan.“Mag-aral ka pa rin, huwag mo iyong kakalimutan at pipiliing itigil. Magtapos ka. I-pursue mo ang mga pangarap mo. Kung kinakailangan mong tumigil muna para makapag-ipon ng mga gagastusin, gawin mo. Huwag ka lang babalik sa bahay. Naiintindihan mo, Viana? Hindi iyon ang magandang option sa ngayon.”Hilam na sa luha ang mga mata ni Daviana. Ilang beses siyang umiling. Masama na naman ang loob niya pero batid niyang may punto naman ang kanyang ina. Tama ito, nais nitong suportahan ang gusto niya.“Sorry Viana, kasalanan ko ang lahat kung kaya nagkaroon ka ng amang kagaya niya. Okay naman siy
PUMASOK NA SI Daviana sa loob samantalang tumigil naman sa paghakbang papalayo si Warren. Muling bumalik at sumandal lang sa pader malapit sa pinto ng ward upang hintayin doon si Daviana. Naisip niya na kapag iniwanan niya ito doon ay baka takasan lang siya nitong bigla. Hindi niya pa naman alam kung saan ito namamalagi ng sandaling iyon. Nakaramdam siya ng lungkot. Naninibago. Sobrang laki ng ipinagbago ng kaibigan mula ng lumayas ito. Parang hindi na ito ang kaibigan na kanyang minahal dati.“Kasalanan mo rin naman ‘yun, Warren…” paninisi niya sa kanyang sarili habang huminga na ng malalim.Maingat na isinara ni Daviana ang pintuan ng ward. Napabaling ng tingin doon si Nida nang marinig na may pumasok sa loob mula sa kabilang direksyon ng kama kung saan siya nakaharap. Ganun na lang ang gulat niya nang makitang ang anak iyon na si Daviana. Nagtama ang mga mata nilang tila nagkagulatan.“M-Mom…”Naglakbay ang mga mata ni Daviana sa kabuohan ng ina mula sa dextrose na nakatusok sa kam
NAPATIGIL NA SI Nida sa pagsasalita nang makita ang reaction ni Warren. Maya-maya pa ay pinili na lang lumabas ng lalaki na lingid sa kaalaman ng Ginang ay hinanap ang doctor na naka-duty sa emergency room upang magtanong at makibalita lang sa lagay ni Nida. Hindi mapigilan ang pagkagulat na lumarawan sa mukha ni Warren ng sabihin ng doctor na binugbog ang Ginang base sa natamong sugat.“It was probably caused by domestic violence. There are many such injuries na dinadala sa hospital na ito.”Biglang sumagi sa isip ni Warren ang ginawang paglayas ni Daviana, iyon marahil ang dahilan kung bakit nabugbog ng ama ng dalaga ang kanyang ina. Pinag-isipang mabuti ni Warren kung ipaapalam niya ba iyon sa kaibigan. Paniguradong kapag ginawa niya iyon, tiyak na lulutang si Daviana at pupunta. Hindi nito magagawang tiisin ang sariling ina. Ganunpaman, bigla siyang tinubuan ng konsensiya. Baka malaman ng kanyang ama na pumunta siya doon, at baka magkagulo lang silang muli at maipahamak niya si Da
SINAMAAN PA SIYA ng tingin ni Danilo na kulang na lang ay ibalibag ang katawan sa sahig.“Your son was killed by you, you said I was useless, and you, as a woman, don't you feel that you are a failure too for not protecting him? Hindi ka marunong maging isang ina, Nida!”The dead baby was the deepest wound buried by everyone in the Policarpio family. Most of the time, they avoided talking about it. But Danilo tore open this wound. The person who hurt the most was Nida. How could a father feel real? Siya ang dinudugong nakaratay sa ibabaw ng kama sa hospital. Siya ang nakakaramdam ng mga galaw nito sa loob ng sinapupunan niya. Siya ang lahat. Naiyak na si Nida nang dahil doon. Matagal na kinimkim niya ang sama ng loob at ngayong muli itong nabuksan, para siyang bumalik sa nakaraan na pilit na niyang kinakalimutan dahil bilang ina ay masakit din iyon.“Wala ka na talagang konsensya. Sa akin mo na lang lahat sinisisi kahit na alam mo sa sarili mong isa ka sa may kasalanan kung bakit si