NAPAPITLAG NA SI Daviana sa malakas na sigaw na ginawa ni Warren sa kanyang gilid. Nabitawan na nito ang plastic ng dala niyang tubig at patakbo nang bumaba upang puntahan ang nobya. Pagdating doon ni Warren ay may mga staff at medic na ang agad na dumalo kay Melissa. May dalang stretcher na rin dito. Nahihimasmasan na rin na tumakbo si Daviana palapit sa kanila upang magpaliwanag na hindi siya nag may gawa noon. Si Melissa ang kusang nagpahulog. Gusto lang siya nitong bintangan at sisihin sa lahat.“Melissa!” puno ng pag-aalala niyang tawag sa pangalan ng nobya na agad dumilat ang mata.Nakahiga na ang babae sa stretcher. Hawak niya ang kaliwang braso na siyang napuruhan sa ginawa niyang pagpapahulog. Nang makita niyang naroon si Warren ay mas pumalahaw pa ito. “Beyb, ang sakit. Pakiramdam ko ay nabalian ako.”“Kalma. Huwag kang masyadong gumalaw. Hindi iyan. Dadalhin ka namin sa hospital. Huwag kang mag-isip ng masama.” lapit na ni Warren sa kanya upang i-comfort na ang nobya, maki
ILANG MINUTONG NABALOT ng katahimikan ang buong paligid ng ward. Hinintay ni Warren na ibuka ni Melissa ang kanyang bibig. Iyon din ang hinihintay ni Daviana. Hinihintay ng dalaga kung pasasamain ba siya ni Melissa kay Warren kagaya ng pagbibintang na ginawa nito.“Nahulog ako kasi…” pabitin pa nitong sagot na iniiwas na ang mukha kay Warren, napailing na si Daviana. Talagang paninindigan niya ang kasinungalingan niya! “Alam mo namang ayaw sa akin ni Daviana, hindi ba? Galit siya sa akin kung kaya naman noong nag-sorry ako sa kanya pag-alis mo bigla niya akong itinulak. Gaya lang noong nasa kotse mo kami dati. Tanda mo?”Hindi na dinugtungan ni Melissa ang kanyang litanya. Nilingon na niya ang reaction ng nobyo. Galit na noon ang mukha ni Warren. Mahigpit na nakatikom ang kanyang labi, at napakababa ng presyon ng hangin na lumalabas sa kanyang ilong. “Seryoso ka bang itinulak ka talaga ni Viana?” Kinagat na ni Melissa ang kanyang labi. Oras na sabihin niyang kasalanan ni Daviana iyo
HUMINGA MUNA NANG malalim si Daviana bago niya piniling magsalita. Kailangan niyang mailabas ang saloobin niya. Hindi pwedeng side lang ni Melissa ang alam ng lalaki. Dapat alam din nito ang side niya kung saan siya nanggagaling. “Hindi ko siya itinulak. Alam na alam iyon ni Melissa. Hindi mo ba makita kung sino sa aming dalawa ang hindi nagsasabi ng totoo? Sa tingin mo, Warren, makakaya kong gawin iyon ha?”“Viana—” “Ano? Siya na naman ba ang papaniwalaan mo? Alam ko naman na palagi namang siya!”Humalukipkip na doon si Warren na matamang tiningnan na ang mata ng dalaga. “Sige, ipagpalagay na natin ganun ang nangyari pero bakit hindi ka man lang nag-react. Hindi mo man lang siya tinulungan? Nakatunganga ka lang doon na parang nasisiyahan ka pa.” Umakyat na sa kanyang bunbunan ang inis na nararamdaman ni Daviana. Bakit parang kasalanan niya pa ang nangyari gayong wala naman siyang ginagawang masama sa babae. “Warren, nagulat ako! Malay ko bang magpapatihulog siya doon?” gigil na
SUMIDHI PA ANG galit ni Daviana sa walang imik at nakatayo lang na si Warren. Hindi niya ugali ang mag-eskandalo, pero hindi niya na mapigilan ang sakit nang dahil sa ginagawa ni Warren sa kanya. Pinagtitinginan na sila ng mga dumadaan, subalit hindi niya pa rin alintana. Wala ng pakialam ang dalaga sa kung anong sasabihin ng iba. Naramdaman na niya ang panghihina ng kanyang dalawang tuhod na parang anumang oras ay magco-collapse na siya. “Ikaw ang nagbago, dahil kay Melissa, ikaw Warren!” Sa mga sandaling iyon ay nais niyang isumbat ang lahat ng mga nagawa niya sa lalaki. Ang mga sakripisyo niya. Kung alam niya lang din na magiging ganito ito sa kanya ngayon, dapat noon pa lang ay inilayo na niya ang kanyang sarili. Hindi na dapat siya nag-aksaya pa ng oras.“Ngayon nagsisisi kang sumama ka dito? Hindi ba at gusto mo naman? Sana sinabi mo na lang sa akin na ayaw mo—” “Wala ka ba sa tamang katinuan? Tumanggi ako hindi ba? Anong ginawa mo? Pinadaan mo kay Daddy ang invitation mo! Gu
NAKAHINGA NANG MALUWAG si Daviana nang marinig niya ang pamilyar na boses ng lalaking lulan ng sasakyan. Hindi niya maintindihan kung bakit parang ang lahat ng takot niya ng mga sandaling iyon ay agad na nawala. Lumapit pa siya sa kotse upang lubos niyang maaninag ang mukha nito. Siya nga! Si Rohi.“Rohi?” masiglang sambit niya sa pangalan ng lalaki na hindi niya inaasahang makikita niya roon, dahil ang sabi ni Anelie ay hindi naman ito doon pupunta dahil sa busy raw. Ngunit ano ang ibig sabihing narito ito?Ngumiti lang si Rohi nang makilala siya ng dalaga matapos niyang magpunas ng mga luha niya. “Pumasok ka na ng kotse. Saan ka pa ba pupunta ng ganitong oras? Gabing-gabi na ah? Nag-walked out ka ba?” sunod-sunod niyang tanong na hindi sinagot ni Daviana dahil pinili niyang sumakay na roon.Umikot na ang mga mata ni Daviana na nagsusuot na ng seatbelt matapos isara ang pintuan ng kotse. Komportable talaga siya kapag si Rohi ang kanyang kasama. Ang layo noon sa pakiramdam niya kay W
DUMILIM NA ANG paningin ni Rohi nang marinig niya ang mga sinabi ng dalaga. Humigpit pa ang hawak niya sa manibela ng kanyang sasakyan. Marami siyang nais na sabihin pero hindi niya magawang sabihin dahil ang labas noon ay magiging pakialamero na siya sa buhay nito.“Paniguradong hindi na kami muling magiging magkaibigan pa ni Warren mula sa araw na ito.” mapakla ang tinig na sambit ni Daviana na bahagyang ikinalingon sa kanya ni Rohi, huminga pa siya nang malalim para lang hugutin ang sama ng kanyang loob. “Naaksidente kasi si Melissa kanina nang mangabayo kami at pumunta sa pusod ng kagubatan sa may waterfalls. Sa akin ba naman binebentang, ni hindi ko nga hinawakan kahit ang dulo ng daliri ng babaeng iyon. Malamang girlfriend niya iyon kaya siya ang pinapaniwalaan at hindi ako. May sira na ang utak ng babaeng ‘yun! Nakakabahala na talaga…”“Paanong bintang? Itinulak mo?” “Hindi. Ganito kasi iyon.” Umayos na ng upo si Daviana upang ikuwento ang nangyari kay Rohi. “Pinatakbo ko an
NAPATITIG NA SI Daviana sa likod ni Rohi na nagsimula ng humakbang patungo ng pintuan ng holiday home. Mabagal niyang sinundan ang binata. Gusto niya itong pigilan para samahan siya doon, ngunit hindi niya magawang ibuka ang bibig lalo pa at alam niyang kailangan ito ng mga staff doon sa hotel. Nakaramdam ng pagkataranta at bahagyang pag-aalala na ang dalaga nang akmang lalabas na siya rito. “Rohi, sandali lang!” Agad napalingon sa kanya ang binata nang marinig ang kanyang sinabi. Mababanaag niya sa mukha ng dalaga ang pag-aalinlangan na may sabihin ito sa kanya. Bagay na hindi niya naman alam kung ano iyon.“Bakit? May kailangan ka pa ba?” Marahang kinagat ni Daviana ang labi. Ang nais niyang sabihin ay huwag siyang iwan nito sa lugar ngunit iba ang lumabas sa kanyang bibig. Salitang hindi naman niya pinagsisisihang sabihin pa rin sa binata.“Maraming salamat.”“Walang anuman, Daviana. Siya nga pala, bagama’t may mga guards ang lugar na ito na nagbabantay magdamag hindi pa rin ito
HINDI NA MAPIGILAN ni Daviana na mapakurap ng kanyang mga mata. Para siyang nabingi sa narinig niyang pahayag ng kaharap na binata. Ano raw? Hindi na ito aalis? Doon ito matutulog kasama niya? Bakit niya naman gagawin iyon?“Anong s-sinabi mo, Rohi?” Sa halip na sumagot ay dire-diretso lang lumakad ang binata palapit sa sofa at naupo na ito sa kabilang gilid noon. “Ang sabi ko hindi na ako aalis. Dito ako matutulog. Sasamahan kita.” Hindi magawang makaimik ni Daviana. Bigla siyang kinabahan sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. Paano ang mga tauhan nitong lasing na? Saka saan siya matutulog? Iisa lang ang silid at kama na naroon. Ano iyon magtatabi sila? “Bakit?” “Sa sofa ako matutulog. Huwag kang mag-alala.” sa halip ay sambit niya dahil nababasa ang pag-aalala ng dalaga.May bahid pa ng luha ang mata ni Davian, basa pa noon ang kanyang mga pilik-mata. Hindi nakaligtas iyon sa paningin ni Rohi. Malamang, paano niya iiwanan doon ang dalaga lalo na at nakita niya itong umiiyak da
HINDI SUMAGOT SI Melissa. Umiyak lang nang umiyak. Umiihip pa rin ang malakas na hangin sa pandinig niya. Pakiramdam ni Warren ay malapit na siyang liparin ng napakalakas na pressure ng hanging iyon. “Sige na Melissa, please? Bumaba ka na diyan at pumasok ka sa loob ng silid. Pag-usapan natin mabuti ang suggestion ko. Hmm? Makinig ka na…” That was a life, not to mention na girlfriend niya iyon. Umiinit na ang kanyang ulo pero pilit na kinakalma upang huwag siyang magalit. Nanghihinang sumandal na ang katawan niya sa pader. Pumikit na siya nang mariin. Tila may dumaang picture ni Melissa sa balintataw na nahulog ito mula sa palapag, may dugo at scenes na lumilipad sa kanyang isipan.“I don't want you to get engaged…” nabubulunan ng sariling luha na sambit ni Melissa, “Hindi ko kayang tanggapin. Sinabihan na kita noon di ba? Bakit ayaw mong umalis ng bansa at sumama sa akin? Pumunta tayo sa lugar na walang nakakakilala sa atin. Lugar na hindi nila tayo mapipilit na maghiwalay, Warren.
GANUN NA LANG ang naging pag-iling ni Warren matapos na huminga nang malalim. Nasa screen pa rin ng kanyang cellphone ang mga mata; sa nunero ng nobya na patuloy pa rin sa ginagawang pagtawag.“Hindi na. She might be a little emotional today…alam mo na, engagement natin. Ayokong marinig ang boses niya na umiiyak at nasasaktan dahil baka hindi ko kayanin.” sagot nitong nakatitig pa rin sa screen. Napakunot na ang noo ni Warren nang may picture na sinend si Melissa at nag-appear iyon sa notification bar ng kanyang cellphone. Nagbago ang hilatsa ng kanyang mukha nang makita iyon. Masusi at tahimik na pinanood pa ni Daviana ang kanyang reaction. Nahuhulaan na niyang may mali sa kaharap.“Anong meron, Warren?” tanong niya nang mapansing namutla pa ang kanyang mukha, napuno ng takot ang mga mata ng malingunan na si Daviana. “V-Viana, saglit lang ha? Tatawagan ko lang siya.”Ipinagkibit-balikat iyon ni Daviana kahit na medyo bothered na siya sa naging reaksyon ng lalaki. Alam niyang may ma
ILANG SANDALI PA ay pumanaog na si Daviana hawak ng magkabila niyang kamay ang gilid ng damit upang huwag niyang maapakan. Nang makita niyang naroon na si Warren ay bahagya lang siyang tumango dito at naglakad na patungo sa ina niyang si Nida. Nakatitig pa rin sa kanya si Warren ng mga sandaling iyon. Ang tagal niyang hindi nag-react. Nang bumalik siya sa kanyang katinuan, ang kanyang puso ay marahas na tumitibok na animo ay tinatambol. Hindi niya maiwasang tumingin ulit sa likod niya kung nasaan ngayon si Daviana kausap pa ang kanyang ina. Mula sa anggulo ni Warren ay kitang-kita niya ang magagandang collarbone nito ba nagmistulang butterfly at balingkinitan naman na puting swan ang leegnito. Binawi ni Warren ang tingin, ngunit ang bilis pa rin ng tibok ng puso niya. Kasama niyang lumaki si Daviana, kaya kailan pa siya naging ganito kaganda at bakit hindi niya ito nakita?Malalim ang hinga ni Nida nang pinagmamasdan ang anak na bihis na bihis. Malaki na ang anak na hindi man lang ni
SA BISPERAS NG kanilang engagement ay nagpadala ng message si Melissa kay Warren. Pinag-isipan niya itong mabuti. At nang hindi makatanggap ng reply sa kasintahan, minabuti na lang niya na katawagan na si Warren na kinailangan pang patagong lumabas ng kanilang bahay dahil sa maraming tao doon. Kinukumpirma nila ang mga detalye ng mangyayaring engagement nila ni Daviana kinabukasan. Sumasakit ang ulong sinagot na niya ang tawag ni Melissa. “Hey, bakit ka tumatawag? Alam mo namang busy ako—” “Ang engrande ng magiging engagement niyo ni Daviana aat halos mga kilalang tao ang bisita. Sa tingin mo magagawa mong i-cancel iyon at hindi matuloy na mauwi sa kasalan?” puno ng lungkot, selos at pagdududang turan ni Melissa dito. “Sinabi ko naman sa’yo di ba? Gagawa ako ng paraan. Hahanapan ako ng paraan. Wala ka bang tiwala sa akin, Melissa?” Suminghot na doon si Melissa na halatang umiiyak na naman dahil sa sinabi niya. “Sinabi ko rin naman sa’yo na hindi ko hawak ang lahat. Wala akong kon
IBINUKA NA NI Warren ang kanyang bibig upang lumaban, ngunit ang mga salita ay natigil lang sa dulo ng kanyang dila. Ano ang sasabihin niya naman? Noong una ay gusto niyang igiit na kung gusto niya, maaari rin naman niyang puntahan ang lalaking nagugustuhan anumang oras, ngunit hindi niya ito masabi. Ayaw ni Warren na makita niya ulit ang lalaking iyon. God knows whether that mysterious man is good or bad. Anyway, simula nung nainlove si Daviana sa lalaking ‘yun, wala ng nangyaring maganda sa buhay ng dalaga. “Ano pa nga bang magagawa ko sa inyo, Warren?” “Wala, Viana. At most I can see Melissa less before we break off the engagement. Sinabi ko na rin sa kanya na dapat hindi na kami magkita ng madalas gaya ng dati. Okay na sa’yo iyon? Masaya ka na ba ha?”Wala namang pakialam si Daviana kung magkita pa sila o hindi na. Ang sa kanya lang ilugar nila dahil maaaring simulan iyon ng iba’t-ibang uri ng tsismis. Ayaw din naman niyang maging laman ng mga iyon. “It was you who proposed th
NANATILING TIKOM ANG bibig at tahimik si Rohi kahit pa binubungangaan na siya ni Keefer. Bahagyang kumikirot pa ang kanyang tiyan kung kaya naman medyo iritable pa siya ng sandaling iyon. “Kung bumitaw ako noon ng maaga, malamang wala na ako sa mundo ngayon.” Napakamot na sa batok niya si Keefer. Nagagawa pa talaga siyang ipilosopo ng kaibigan? “Hindi iyon ang ibig kong sabihin, Bro. Si Daviana. Siya ang topic natin. Iba-iba ang babae. Ang ibig kong sabihin ay ang daming babae, hindi lang siya. Bakit kailangan mong isiksik ang sarili mo sa babaeng iyon na walang ibang ginawa kung hindi ang pasakitan ka, ha? Hindi lang iyon, fiancée na siya ng kapatid mong hilaw. Kalaban mo na siya ngayon, Rohi. Kalaban!”Kumuha si Rohi ng isang stick ng sigarilyo, sinindihan iyon at pagkatapos huminga ng malalim.“Hindi naman iyon mahalaga. Saka, hindi makukuntento iyon si Warren dahil lang sa engagement nila ni Daviana. Isa pa, nandiyan din ang girlfriend niyang si Melissa na nasa pagitan nila.”N
WALANG KOMPETISYON NG araw na iyon kung kaya naman normal lang ang paglalaro ni Warren sa racing track. Sinamahan siya ni Melissa na malakas ang loob na nakaupo sa passenger seat habang si Warren ang driver. Nakita iyon ng kaibigan ni Warren na si Panda. “Hindi ba at si Viana ang girlfriend mo?”Mahirap para kay Warren ipaliwanag ang kanilang sitwasyon kung kaya naman sinamaan niya ng tingin ang kaibigan. Tila sinasabing huwag ng magtanong. “Gago ka talaga, Warren! Well, ang tapang niya ha? Hindi siya takot na samahan ka. Kung si Viana iyan baka nahimatay na iyon sa sobrang takot ngayon.”Mabilis iniiling ni Warren ang ulo. “Hindi ko siya papayagang sumama sa akin sa loob ng racing car, ayoko siyang mahimatay sa takot. At saka, hindi maganda kung talagang mabangga siya. Paniguradong mag-iiwan iyon ng malalang trauma.”“Kung ganun, ayos lang sa’yo na mabangga kasama ang babaeng kasama mo ngayon?”Natigilan nang bahagya doon si Warren. Hindi niya kailanman naisip ang tungkol dito. Si
BAGO PA SI Warren makasagot ay tumunog ang kanyang cellphone para sa tawag ng kasintahan upang sabihin lang na dumating na doon si Melissa. Pansamantalang natigil ang kanyang planong makipagkarera ng dalawang laps sa presensya nito. Minabuti na lang nila ni Melissa na maupo sa labas ng track upang doon sila mag-usap matapos magyakap.“Dahil wala ka naman ng mga bodyguard na nagbabantay, bakit hindi na lang tayo tumakas dito?”Nakaka-tempt para kay Warren kung iisipin pero umiling siya. Ayaw niyang gawin ang bagay na iyon.“Hindi pa nakakalabas ng ospital ang Lolo ko, natatakot ako na baka may mangyaring masama.”Pakiramdam ni Melissa ay guamagawa lang ito ng dahilan kahit pa kaya naman nilang lusutan na iyon. Ayaw niyang maging inferior sa iba, not to mention that the person is Daviana. Kailangan niyang ipahinto ang seremonya ng engagement. Kung tutuusin, si Warren pa rin naman ang tagapagmana ng pamilya Gonzales sa kanilang kumpanya. Tumakas man siya ngayon, sa mga kamay niya pa rin
NAPATALON NA SA tuwa si Warren dahil pinagbigyan na siya ni Daviana. Pakiramdam niya ay babalik na sila sa dati. “Siya nga pala, si Melissa, anong sabi niya sa plano mo? Napaliwanag mo na rin ng maayos sa kanya hindi ba?” Tumango na doon si Warren.“Oo. Maliwanag ang explanation ko sa kanya ng mangyayari. Tinanggap naman niya iyon. Hindi na siya umangal.”“Mabuti naman kung ganun.” tanging reaction ni Daviana na hindi na nagkomento pa doon ng iba. Hindi niya man tiyak ang future na gusto sa kanya ng amang si Danilo, kailangan niya pa ‘ring magpatangay sa agos ng kanilang plano. Kailangan niyang ituloy iyon. Hindi pwede ang hindi dahil wala na rin namang mawawala na sa kanya.“Siya nga pala, sabi ni Mommy ay i-check ko raw ang magiging process ng engagement kasama ka.” abot na nito ng papel.Tinanggap iyon ni Daviana at sinimulan na niyang basahin kung ano ang gustong mangyari ng mga magulang nila. Desidido ang pamilya Gonzales na magdaos ng isang malaking event. Ang plano ng proses