NAKAHINGA NANG MALUWAG si Daviana nang marinig niya ang pamilyar na boses ng lalaking lulan ng sasakyan. Hindi niya maintindihan kung bakit parang ang lahat ng takot niya ng mga sandaling iyon ay agad na nawala. Lumapit pa siya sa kotse upang lubos niyang maaninag ang mukha nito. Siya nga! Si Rohi.“Rohi?” masiglang sambit niya sa pangalan ng lalaki na hindi niya inaasahang makikita niya roon, dahil ang sabi ni Anelie ay hindi naman ito doon pupunta dahil sa busy raw. Ngunit ano ang ibig sabihing narito ito?Ngumiti lang si Rohi nang makilala siya ng dalaga matapos niyang magpunas ng mga luha niya. “Pumasok ka na ng kotse. Saan ka pa ba pupunta ng ganitong oras? Gabing-gabi na ah? Nag-walked out ka ba?” sunod-sunod niyang tanong na hindi sinagot ni Daviana dahil pinili niyang sumakay na roon.Umikot na ang mga mata ni Daviana na nagsusuot na ng seatbelt matapos isara ang pintuan ng kotse. Komportable talaga siya kapag si Rohi ang kanyang kasama. Ang layo noon sa pakiramdam niya kay W
SUMASARA NA ANG talukap ng mga mata ni Daviana nang makatanggap siya ng hindi inaasahang tawag mula sa police station. Laking pagtataka ng dalaga dahil halos hatinggabi na iyon. Tamang-tama lang iyon sa kanyang pamamahinga. Kakatapos lang niyang gawin ang research projects. Lumipad sa kung saan ang antok niya nang malaman mula sa kausap na pulis na nasangkot na naman umano sa gulo si Warren Gonzales. Magulo ang pagkaka-kwento ng kausap niyang pulis kung kaya naman hindi niya lubos maintindihan ang tunay na nangyari. Isa pa, kabadong-kabado na siya dahil kung anu-ano na ang pumapasok sa isipan. Kilala niyang may saltik sa ulo ang lalaki pero hindi naman siguro intensyon na gumawa ng gulo. “Jusko ka naman, Warren. Kailan ka ba magtitino ha? Isusumbong na kita sa Mommy mo eh! Wala ka pa ‘ring character development eh ang tanda-tanda mo na!” bulong-bulong niya habang nagdadabog na kinukuha ang kanyang jacket, wallet at cellphone at inilagay iyon sa sling bag niya.Batid niyang mahihirapa
NAIKILING NI DAVIANA ang kanyang ulo sa narinig. Para siyang nabingi at nagkaroon saglit ng mental block. Imposible iyon. Baka namali lang ng pagkaintindi ang pulis sa dahilan ng gulong sumiklab sa bar. “A-Ano hong sinabi niyo? K-Kasintahan? Iyon ang dahilan ng gulo?” paglilinaw niya pa, binalewala na ang iba pang sinabi ng pulis na kanyang kaharap.“Oo, Miss na ayon dito sa report ang pangalan ng girlfriend niya ay Melissa Abalos.” kumpirma ng police officer, na nagpaawang pa nang bahagya sa bibig ni Daviana. Estranghero sa kanya ang pangalang iyon. Ibig sabihin ay ngayon lang niya narinig. “Noong nagtungo raw sila ng bar ay may nakaalitan na sa labas pa lang itong girlfriend niya na kapwa bar hoppers. Naapakan yata sa paa. Di naman sadya. Ayon napikon si Warren Gonzales nang makita niyang biglang sinabunutan ang nobya. Hinampas niya ba naman sa ulo ng bote ng alak iyong babae. Mali siya dito, Miss eh. Babae pa rin iyon eh. Hindi sana niya pinatulan. Iba pa naman ang lakas ng lalak
SUMIKLAB PA LALO ang naramdamang tampo ni Daviana kay Warren dahil sa tono at meaning ng sinabi nito. Nais na nga niya itong palakpakan sa pagiging mabait nito, sa ibang tao nga lang iyon. Nakahanda siyang isakripisyo nito para lang sa pansariling kapakanan. Ano pa nga bang magagawa niya? Tapos na rin naman at kung mag-aalboroto siya, wala na rin namang silbi iyon. Nagawa na niyang magpauto sa kanya.“Maraming salamat nga pala sa pagpunta. Sabi ko na eh, hindi mo ako matitiis. Huwag kang mag-alala, babawi ako sa'yo kapag naging maayos na ang lahat. Salamat sa palaging pagtulong mo sa akin, ha?” Kagaya ng malamig na klima sa labas, parang ganun ang naramdaman ni Daviana sa puso niyang yumakap. Malinaw na walang pakialam sa kanya si Warren, kahit pa siya ay magkasakit ‘wag lang ang kanyang girlfriend. At bulag siya sa katotohanang iyon.“Sige. Ayos lang.” Kumatok sa pintuan ng silid na tinigilan nila si Warren. Ilang sandali pa ay bumukas iyon at isang bulto ng babae ang lumabas. Wal
MAHILIG MAGLARO SA iba’t-ibang larangan si Warren noong ito ay bata pa. Hilig nitong mag-rides ng bike na kung saan-saan nakakarating at kabisadong mabuti na iyon ni Daviana. Mahilig din ito sa musika. Pang-atleta rin ang katawan nito kung kaya naman hindi ito basta na lang masasaktan sa mga natamo. Inaasahan ng kanyang ama na mag-aaral siya ng masteral sa ibang bansa at pagbalik ay mamanahin na niya ang kanilang family business. Subalit, matapos na maka-graduate ng college ay hindi nito sinunod ang gusto ng ama. Nanatili ito sa bansa at nagsimulang sumali sa mga racing, mapa-kabayo man iyon o sasakyan. Minsan nga sumasali pa ito sa mga endurance na para kay Daviana ay sobrang napakadelikado.“Hindi iyan, huwag kang kabahan.” palaging sagot nito kapag pinapaalalahanan ni Daviana, wala namang magawa doon ang dalaga kung hindi ang ibigay na lang ang kanyang hilig. “Magtiwala ka lang sa akin.”Lahat ay kinabaliwan ni Warren laruin, maliban na lang sa babae kung kaya naman nagtataka pa ri
HINDI NA NAGULAT pa si Rohi sa nalaman niya. Kilalang-kilala niya ang kapatid sa ama mula pagkabata. Basagulero at takaw-gulo talaga ang half-brother niya kahit na noon pang mga bata sila. Worst, ito ang madalas na nagsisimula ng gulo at aastang siya ang biktima ng kaguluhang iyon. Hindi niya masisi ang kapatid, pinalaki rin naman siya sa layaw at ang lahat ng naisin niya ay nakukuha. Bagay na malamang na hanggang sa pagbibinata nito ay dala-dala. Wala naman siyang say doon, ito pa rin ang lihitimong anak. Dala man niya ang apelyido ng ama, hindi maiaalis na siya pa rin ang outsider sa kanilang dalawa.“Kung ganun ay nasaan siya? Bakit mag-isa ka lang? Huwag mong sabihin na iniwan ka niya matapos mo siyang tulungan?” alanganing tanong ni Rohi nang hindi masasaktan ang kanyang babaeng kaharap. “Oo, eh. Kasama ang girlfriend niya. Nag-booked sila ng hotel room malapit doon sa police station.” sagot ni Daviana sa tonong sobrang nasasaktan, hindi niya alam kung bakit ang bilis niyang map
HINDI ALAM NI Daviana kung ano ang kahulugan ng salitang makalat at malinis sa binata. Ni isa naman ay wala siyang makitang kalat sa loob ng suite nito na hindi niya alam kung gaano na katagal tinitirhan ni Rohi. Pinagmasdan niyang hubarin ng lalaki ang suot nitong sapatos na panlabas matapos na isabit sa gilid ang bitbit niyang payong. Sinuot na nito ang pambahay niyang tsinelas. Ilang minutong nilingon siya nito matapos na gawin ang bagay na iyon na para bang mayroon itong nakitang problema sa bulto niya.“Pasensya na ulit, walang babaeng nakatira dito kaya naman iisa lang ang pangbahay na tsinelas. Huwag kang mag-alala, magpapadala ako dito mamaya sa utility ng hotel para naman mayroon kang masuot.” “Ayos lang. Huwag ka ng mag-abala pa. Isang gabi lang naman akong mamamalagi dito.” kumpas ni Daviana ng isang kamay upang pigilan ang binata sa kanyang pina-plano, iyong bigyan siya nito ng higaan at matutuluyan ng gabing iyon ay sapat na sa kanya. “Ayos lang naman ang mga paa ko, Roh
MABUTING TAO SI Daviana pero naniniwala siya na ang pinakapangit na nagawa niyang desisyon sa buhay ay ang maging kakampi ni Warren noong sila ay mga bata pa. Hindi lang sa bahay ng pamilya Gonzales pangit ang trato kay Rohi dahil maging sa kanilang paaralan ay naging tampulan siya ng tukso ng kanilang mga kapwa estudyante. Nang dahil iyon sa pangalang inaalagaan ni Warren sa kanilang school. Masyado siyang popular at iginagalang. Kapag may inutusan siyang gawing masama ang mga kaklase, walang reklamo silang sumusunod agad dito nang hindi sila ang mapag-initan at mapagbalingan ng galit. Ang hindi makakalimutan ni Daviana ay nang minsang hindi sinasadyang mabangga siya ni Rohi. Aaminin niya, siya ang may kasalanan noon dahil hindi siya nakatingin sa dinadaanan.“Warren, hindi siya ang may kasalanan—”“Huwag kang makialam, Viana. Kailangang bigyan iyan ng leksyon para alam niya kung saan siya dito lulugar! Sampid!”“Pero Warren, hindi nga—” Bago pa muling makapag-react si Daviana ay ib