MALALAKI ANG MGA hakbang na tinungo ni Warren ang general security department ng kanilang Hacienda. Nais niyang patunayan na hindi nagsisinungaling ang kanyang nobya at ang kaibigang si Daviana talaga ang may kasalanan ng aksidente. Doon ay saka pa lang siya mapapalagay ng loob. Para matapos na rin pagka-guilty niya sa mga nangyari. Ganun na lang ang gulat ng head ng security department nila nang marinig kung kaninong anak siya at ng purpose ng pagpunta niya doon. Lingid sa kaalaman ni Warren ay kanina pa nauna doon si Rohi at Daviana upang tingnan ang CCTV, habang kumakain ng breakfast kanina ay hinimok ni Rohi na tingnan nila ang buong pangyayari sa mga CCTV. “Hindi na kailangan, Rohi, alam ko naman na wala akong masamang ginagawa.” “Kailangan iyon Daviana, para malinis mo rin ang iyong pangalan. Para masampal mo rin sa babaeng iyon na siya ang dahilan kung bakit ka nasaktan at hindi ikaw. Mappaatunayan mo lang iyon kung makikita iyon ng lantaran sa CCTV.” Muling iniiling ni Davi
NAGSUKATAN NG MATALIM na mga tinginan ang dalawa na ikinalamig na ng buong katawan ni Daviana. Baka kasi mamaya ay magsuntukan sila doon, nakakahiya. Hindi mababanaag ang pagiging magkadugo ng dalawa na parang parehong ibang tao ng mga sandaling iyon. Sinubukan ni Daviana na pumagitna sa kanilang dalawa na nagiging manipis ang pagitan. Kitang-kita ng dalaga kung paano magngalit ang mga ngipin ni Warren sa sobrang inis niya rito.“Gusto ko lang makita ang tunay na nangyari. Iyon lang. Huwag mo na sanang ipagdamot iyon, Warren. Uulitin ko, wala akong masamang ginawa sa girlfriend mo. Ni hindi ko hinawakan ang kamay noon. Nagpatihulog siya ng sadya.” Hindi pa rin siya pinakinggan ni Warren na hinawi lang sila upang siya na ang maghanap ng footage. “Tingnan natin, Viana, kung sino ang nagsasabi sa inyong dalawa ni Melissa!” hawak nito sa mouse na binitawan ni Rohi kanina, ikinapula na iyon ng mga mata na naman ng dalaga. “Dito natin makikita kung sino ang sinungaling.” Namuo na ang luh
SABAY NG NAPATINGIN sina Rohi at Warren kay Daviana nang malakas na itong sumigaw. Hindi maikakaila sa dalaga ang takot na nararamdaman niya sa mga pagbabanta ni Warren na paniguradong gagawin. Ayaw naman ng dalaga na mawalan ng trabaho si Rohi nang dahil lang sa kanya. Ayaw niyang maging involved ito sa away nila ni Warren kung kaya naman pagbibigyan na lang niya kung ano ang gusto nitong mangyari, nang tumahimik na ang lalaki. Gusto lang naman siya nitong makausap. Wala rin naman siguro itong masamang gagawin sa kanya. Pilit siyang ngumiti kay Rohi nang magtama ang kanilang mga mata. Pinaparating niya sa mga tingin niya na ayos lang siya at hindi dapat ikaalala.“Ayos lang ako Rohi, mag-uusap lang naman kami. Babalik din ako agad. Bitawan mo na ako.”Masunuring binitawan ni Rohi ang braso ni Daviana na kanyang hawak at itinaas na ang kamay. “Bitawan mo na rin siya, Warren. Nasasaktan na sa ginagawa mo si Daviana.” Sa halip na sumunod sa utos ni Rohi ay mas humigpit pa ang hawak ni
SA KANYANG NARINIG ay hindi na napigilan ni Daviana na mapuno. Kung makapagsalita itong si Warren akala niya alam na niya ang lahat ng bagay. Kung apakan niya si Rohi ay ganun-ganun na lang. Hindi na niya matiis pa iyon.“Hindi kasalanan ni Rohi kung ipinanganak siya sa pamilya niyo. Oo, anak siya sa labas ng Daddy mo pero hindi ibig sabihin noon ay anak siya ng third party. Kung hindi pinakasalan ng Daddy mo ang Mommy mo, nasaan ka kaya ngayon? Inosente si Rohi. Biktima siya ng pang-bu-bully mo mula mga bata pa tayo. Lumaki siyang walang kaibigan at pakiramdam na walang nagmamahal sa kanya nang dahil sa kagagawan mo! Ikaw ang totoong villain dito, ikaw!” Hindi mapigilang mapanganga ni Warren sa narinig na pagsagot sa kanya ni Daviana. “Magaling siya. Matalino. Madiskarte sa buhay. Hindi mo siya kagaya na spoiled brat. Kung ikukumpara ka sa kakayahan niya,” umiling-iling pa si Daviana upang mas lalong buwisitin si Warren. “Walang-wala ka sa kalingkingan niya. Tingnan mo nga? Ang gal
MINABUTI NI ROHI na dalhin si Daviana sa hotel upang hanapin ang kaibigan nitong si Anelie. Ganun na lang ang gulat ng kaibigan ng dalaga ng makita niya ang haggard na hitsura ni Daviana. “Ano bang nangyari sa’yo? Bakit ganyan ka? Sino ang may gawa niyan?” bahagya pa siyang hinila ng kaibigan sa gilid at makailang beses na tiningnan si Rohi, “Saka bakit kasama mo si Mr. Gonzales?”Sinabi ni Daviana ang lahat kay Anelie na mas nagulantang pa sa kanyang mga nalaman. Wala siyang inilihim dito mula sa nangyaring aksidente ni Melissa hanggang sa bakit sila umabot sa puntong iyon ngayon. “Halatang baliw na ang babaeng iyon! OMG! Hindi mo sinulot si Warren sa kanya. Ang lalaking iyon ang buntot nang buntot sa’yo. Alin ba doon ang hindi maintindihan ng babaeng iyon? Nakakairita siya ah!”“Kaya nga, hayaan na lang natin sila. Hindi na ako mako-contact pa ng Warren na iyon. Blinock ko na.”“Hay naku, dapat lang. Sa totoo lang kasalanan mo rin naman ang lahat ng nangyayari sa’yo eh! Pumayag ka
MATAPOS NA KUMAIN ay sinunod ni Daviana ang bilin ni Rohi na lagyan niya ng ice ang kanyang mga mata nang sa ganun ay bahagyang humupa ang pamamaga. Habang nakahiga, nakapikit at ninanamnam ang malamig na yelo ay binalikan ni Daviana ang nangyari ng nagdaang gabi sa holiday home. Naisip niya na siguro nga talaga ay anghel na ipinadala sa lupa si Rohi upang palaging maging tagapagligtas niya dahil lagi itong sumusulpot kapag mapapahamak siya. Subalit napalis ang magandang ngiti niya sa kanyang labi nang maalala ang sinabi ni Warren na kaya lang daw nakikipaglapit sa kanya ang binata ay dahil nais nitong gumanti. As if naman may mapapala sa kanya noon si Rohi kung gagawin niya ang bagay na iyon. Tinutulungan pa nga siya nito. Palaging sinasalo sa oras ng mga kagipitan niya.“Inggit lang siya dahil nakahanap ako ng bagong masasandalan ko.” Natigil sa pagmumuni-muni ang dalaga nang marinig niyang may nagbukas ng pintuan matapos na tumunog iy0n. “Anelie? Ikaw na ba iyan?” tanong niyang n
SINUNDAN NG MGA mata ni Daviana ang binata hanggang sa maglaho siya sa kanyang paningin at sumara ang pintuan. Mahinang irit ang kanyang pinakawalan na ibinaon na sa unan ang kanyang mukha. Hiyang-hiya siya sa inasta kanina. Iyong naging assuming siya na hahalikan nito ngunit hindi naman pala. Ang lala na roon ng utak niya.“Jusko naman, Daviana. Bakit ka naman niya hahalikan, aber? Sumagot ka nga! Bakit?” kastigo niya pa sa sarili.Upang libangin ang kanyang sarili ay pinagbalingan na lang niya ng pansin ang maletang nakuha niya kay Warren. Yupi na ang gilid noon. Malakas kasi ang pagkakabagsak dito ng gunggong kung kaya naman anong laban noon? Sa laki noon ay nungkang magagamit niya pa iyon. Mabuti na lang at walang nasira sa mga laman noon. Inihiga niya iyon sa sahig at pa-squat na kanyang binuksan. Una niyang nakita na naroon ay ang t-shirt na pinahiram ni Rohi dati. Hindi niya pa nagagawang isauli iyon sa binata. Wala sa sarili niyang inamoy iyon. Amoy sabon iyong panlaba ngunit
BUONG TANGHALI HANGGANG hapon ang ginugol ng grupo nina Rohi sa may waterfalls. Doon na rin sila nagkayayaan na kumain ng kanilang hapunan para sa pagbabalik ng hotel ay umano matutulog na lang sila. Habang kumakain sila ay hindi napigilan ni Anelie na maisip ang kanyang kaibigan. Lantarang kinuha niya ang cellphone niya. “Mag-order ako ng pagkain ni Daviana tapos ipadala ko na lang sa room. Wala siyang appetite kanina eh, malamang hindi pa iyon kumakain ng kahit na ano. Kailangan niyang kumain ng dinner. Baka dumilat na doon ang mata niya.”Mabilis na bumaling sa kanya si Rohi upang pigilan niya. “Hindi na kailangan, Anelie. Nakapag-order na ako ng pagkain niya.”Gulantang na ibinaba ni Anelie ang kanyang cellphone at hinarap na ang amo. Hindi niya iyon binigyan ng kulay. “Talaga, Mr. Gonzales? Salamat po sa pagiging thoughtful at generous niyo sa kaibigan ko…” Kumplikadong tiningnan ni Keefer si Rohi. Ilang beses niyang ipinilig ang kanyang ulo. Ang tigas talaga ng uli ng kaibi
BAKAS SA MGA mata ng dalaga na sobrang litong-lito na siya. Pilit niya lang kinalamay ang kanyang sarili para magmukhang kalmado pa rin kahit na ang kaloob-looban niya ay unti-unti ng gumugulo. Nagugulo. Hindi na alam ang gagawin at mga sasabihin ay pinili na lang niyang manahimik. Masyadong nagulo ang kanyang isipan ng sinabi ng kanyang ina. Malakas ang naging impact ng mga salita nito sa kanya tungkol sa nobyo. Hindi niya tuloy mapigilan na tanungin ang kanyang sarili kung gaano niya nga ito kakilala? Hindi lang iyon. Sa punto ng pananalita ng kanyang ina. Alam niya kung ano ang tinutumbok noon. Sadya ba talagang kailangan niyang makipaghiwalay kay Rohi? Hindi niya kaya. Sobrang mahal niya ang binata.“Hindi ka pa rin naman nakaka-graduate. Mahaba pa ang panahong lalakbayin mo anak. Anuman ang iyong desisyon, huwag kang magmadali upang gawin iyon. Isipin mo ulit mabuti ang mga desisyon mo sa buhay. Isa pa ay bata ka pa naman. Masyado pang bata. Marami pa ang mangyayari sa'yo basta h
HINDI MATANGGAP NG damdamin at parang sasabog na ang isipan ni Daviana sa sinabing iyon ng ina. Hindi niya lubos maisip na ganun ang hangarin ng kanyang nobyo. Maaring tama nga ito ng kanyang hinuha, pero malakas pa rin ang kanyang paniniwala na hindi iyon kayang gawin ni Rohi. Mabuting tao ang kanyang nobyo. Sobrang mahal na mahal din siya nito kaya bakit naman siya nito sasaktan at paiiyakin?“Alalahanin mo na ang buong pamilya ng Gonzales ay may ayaw sa kanya. Si Carol at Warren ang sobrang nanakit sa kanyang damdamin lalo na noong bata pa siya. Si Welvin na kanyang ama at si Don Madeo rin na halatang walang pakialam sa existence niya. Sa palagay mo ba ang isang taong tulad ni Rohi na may masalimuot na karanasan sa kanyang kabataan ay magiging mapagparaya at bukas-palad na patatawarin na lang ang lahat ng mga taong nanakit sa kanya?” muling iwan ng mga katanungan sa isipan ni Daviana ng kanyang inang si Nida, “Walang ganun Daviana, lahat ng tao ay mayroong hangganan ang pasensya.”
PARANG HINIHIWA NA ang puso ni Daviana sa mga salitang iyon ng ina na para bang pinagtatabuyan o tinatakwil siya ng araw na iyon, pero ang totoo gusto lang nitong maging maayos ang buhay niya. Ayaw na ni Nida na maranasan ng anak ang kahirapan sa piling ni Danilo. Gusto niyang mamulat doon ang anak. At ang mga salitang iyon ay ang kanyang tanging instrumento upang ipakilala sa kanya ang katotohanan.“Mag-aral ka pa rin, huwag mo iyong kakalimutan at pipiliing itigil. Magtapos ka. I-pursue mo ang mga pangarap mo. Kung kinakailangan mong tumigil muna para makapag-ipon ng mga gagastusin, gawin mo. Huwag ka lang babalik sa bahay. Naiintindihan mo, Viana? Hindi iyon ang magandang option sa ngayon.”Hilam na sa luha ang mga mata ni Daviana. Ilang beses siyang umiling. Masama na naman ang loob niya pero batid niyang may punto naman ang kanyang ina. Tama ito, nais nitong suportahan ang gusto niya.“Sorry Viana, kasalanan ko ang lahat kung kaya nagkaroon ka ng amang kagaya niya. Okay naman siy
PUMASOK NA SI Daviana sa loob samantalang tumigil naman sa paghakbang papalayo si Warren. Muling bumalik at sumandal lang sa pader malapit sa pinto ng ward upang hintayin doon si Daviana. Naisip niya na kapag iniwanan niya ito doon ay baka takasan lang siya nitong bigla. Hindi niya pa naman alam kung saan ito namamalagi ng sandaling iyon. Nakaramdam siya ng lungkot. Naninibago. Sobrang laki ng ipinagbago ng kaibigan mula ng lumayas ito. Parang hindi na ito ang kaibigan na kanyang minahal dati.“Kasalanan mo rin naman ‘yun, Warren…” paninisi niya sa kanyang sarili habang huminga na ng malalim.Maingat na isinara ni Daviana ang pintuan ng ward. Napabaling ng tingin doon si Nida nang marinig na may pumasok sa loob mula sa kabilang direksyon ng kama kung saan siya nakaharap. Ganun na lang ang gulat niya nang makitang ang anak iyon na si Daviana. Nagtama ang mga mata nilang tila nagkagulatan.“M-Mom…”Naglakbay ang mga mata ni Daviana sa kabuohan ng ina mula sa dextrose na nakatusok sa kam
NAPATIGIL NA SI Nida sa pagsasalita nang makita ang reaction ni Warren. Maya-maya pa ay pinili na lang lumabas ng lalaki na lingid sa kaalaman ng Ginang ay hinanap ang doctor na naka-duty sa emergency room upang magtanong at makibalita lang sa lagay ni Nida. Hindi mapigilan ang pagkagulat na lumarawan sa mukha ni Warren ng sabihin ng doctor na binugbog ang Ginang base sa natamong sugat.“It was probably caused by domestic violence. There are many such injuries na dinadala sa hospital na ito.”Biglang sumagi sa isip ni Warren ang ginawang paglayas ni Daviana, iyon marahil ang dahilan kung bakit nabugbog ng ama ng dalaga ang kanyang ina. Pinag-isipang mabuti ni Warren kung ipaapalam niya ba iyon sa kaibigan. Paniguradong kapag ginawa niya iyon, tiyak na lulutang si Daviana at pupunta. Hindi nito magagawang tiisin ang sariling ina. Ganunpaman, bigla siyang tinubuan ng konsensiya. Baka malaman ng kanyang ama na pumunta siya doon, at baka magkagulo lang silang muli at maipahamak niya si Da
SINAMAAN PA SIYA ng tingin ni Danilo na kulang na lang ay ibalibag ang katawan sa sahig.“Your son was killed by you, you said I was useless, and you, as a woman, don't you feel that you are a failure too for not protecting him? Hindi ka marunong maging isang ina, Nida!”The dead baby was the deepest wound buried by everyone in the Policarpio family. Most of the time, they avoided talking about it. But Danilo tore open this wound. The person who hurt the most was Nida. How could a father feel real? Siya ang dinudugong nakaratay sa ibabaw ng kama sa hospital. Siya ang nakakaramdam ng mga galaw nito sa loob ng sinapupunan niya. Siya ang lahat. Naiyak na si Nida nang dahil doon. Matagal na kinimkim niya ang sama ng loob at ngayong muli itong nabuksan, para siyang bumalik sa nakaraan na pilit na niyang kinakalimutan dahil bilang ina ay masakit din iyon.“Wala ka na talagang konsensya. Sa akin mo na lang lahat sinisisi kahit na alam mo sa sarili mong isa ka sa may kasalanan kung bakit si
NAGTAAS NA NG isang kilay niya si Warren na sa mga sandaling iyon ay nakatayo sa labas ng pintuan ng ward kung saan naroon ang ina ni Daviana. Tinatanaw ang Ginang na nakaratay sa hospital bed. Humakbang siya papalayo doon habang nasa tainga pa rin ang kanyang hawak na cellphone. Ayaw niyang maulinigan ng ina ng dalaga na kausap niya ang dalaga at nagsumbong siya. Sinabi niya ang lagay nito na ang bilin ng Ginang ay huwag niyang gagawin.“Viana, you are great. You didn't reply to my message yesterday, so why did you see this one just now? Ikaw pa talaga ang tumawag sa akin—”Umigting na ang panga ni Daviana na tila nahuhulaan ng kalokohan ang ginagawa nito. Trap. “Warren? Huwag mong sabihin na nagsisinungaling ka lang sa akin at ginagamit mo ang Mommy ko bilang pain para lang makontak mo ako? Nagsisinungaling ka lang ba?!”“Anong nagsisinungaling na sinasabi mo?” ganting angil ni Warren na hindi na naman natutuwa sa pagbibintang ng kanyang kaibigan, “Nasa hospital nga ako ngayon at
ILANG SEGUNDONG NATAMEME si Rohi sa naging tanong ng nobya. Maingat niyang hinawakan ito sa kanyang magkabilang balikat at kapagdaka ay mahigpit ng binigyan ng yakap. Ang binata rin naman. Ayaw niya sanang umalis sa araw na iyon. Gusto niya pang manatili sa suite at maghapon na ikulong lang sa mga bisig ang nobya. Makipag-bond lang sa dalaga, kaso may trabaho naman siyang biglaan na pupuntahan.“Pipilitin kong matapos nang maaga ang trabaho nang makabalik ako agad dito. Hmm?” Huminga lang si Daviana nang malalim at kapagdaka ay marahan ng tumango ng ulo upang sumang-ayon. Wala naman siyang ibang magagawa kahit na gusto niyang pigilan ito. Trabaho iyon, alangang pigilan niya ang nobyo? Magkayakap na tinungo nila ang pintuan ng suite matapos na ilang beses na pahapyaw halikan ni Rohi ang labi ng nobya. Pinanood siya ni Daviana na magsuot ng sapatos habang tahimik na nakatayo lang sa gilid na harapan niya. Para siyang asawa na hinihintay na matapos sa ginagawa ang kabiyak upang ihatid n
KINABUKASAN AY NAGISING si Daviana na nakaunan at nakakulong pa rin sa mga bisig ng nobyo. Nakatulog siya habang may pinag-uusapan. Antok na antok pa siya nang idilat niya ang kanyang mga mata. Ang nakangiting mukha ni Rohi ang sumalubong sa kanya. Bago niya pa matakpan ang bibig ay nagawa na nitong halikan ang kanyang labi.“Good morning,” mababa at malambing nitong bati. “G-Good morning…bakit hindi mo ako ginising kagabi? Nakatulog ka na ba? O binantayan mo ako?”Iinot-inot siyang bumangon pero hinila siya ni Rohi at muling ikinulong sa kanyang mga bisig. Ayaw pang paalisin ng higaan. Dama niya na parang binugbog ang kanyang katawan, pero hindi na ito kasingbigat nang nagdaang gabi matapos gamitin.“Mamaya ka na bumangon, masyado pang maaga.”Nakangusong pinagbigyan ni Rohi ang nobyo. Yumakap na lang din siya sa katawan nito at isiniksik pa ang katawan palapit sa binata. Nang muli nitong halikan ang kanyang kabi ay mahina siyang humagikhik. Naninibago pa rin siya sa ka-sweetan nito