Share

Chapter 005

Penulis: Midnight Storm
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-23 23:09:44

JOY’S POV

Sa waiting area ng ospital, parehong tahimik kaming naka-upo ni Attorney Caelius. Kahit hindi ko siya gustong kausap, hindi ko rin matiis ang bigat ng hangin sa paligid. Para siyang estatwa—nakahalukipkip, nakakunot ang noo, at parang may sariling mundo.

Pero ang totoo, nag-aalala rin ako. Si Doña Elvira ang nag-alaga sa akin, kaya hindi ko rin alam ang gagawin kung may masamang mangyari sa kanya.

Nilingon ko si Attorney, kita ko sa mukha niya ang matinding tensyon.

“Attorney,” mahina kong sabi. “Relax ka lang. Baka naman di ganun kagrabe si Doña.”

Napalingon siya sa akin na parang naubos ang pasensya niya sa isang iglap. “Joy, do me a favor and shut up.”

“Huy, grabe ka naman,” reklamo ko, sinamaan ko siya ng tingin. “Concern lang naman ako sa’yo. Parang sasabog na yang ulo mo sa kakaisip, eh.”

Suminghap siya at tumingin palayo. “Because unlike you, I actually care. I don’t just run my mouth for the sake of talking.”

Napataas ang kilay ko. “Excuse me? Baka nakakalimutan mo, inalagaan ko rin si Doña! Alam mo bang kaya nga ako nandito, kasi ayaw ko siyang iwan? Kung di dahil sa akin, baka wala ka nang Ninang ngayon!”

Bigla siyang napahinto, saglit na tumahimik. Kita ko sa mga mata niyang may kung anong emosyong gustong lumabas pero pinipigilan niya.

Bago pa ako makapagsalita ulit, bumukas ang pinto ng emergency room. Sabay kaming napatayo.

“Doc, kamusta na po si Doña?” agad kong tanong.

Napatitig sa amin ang doktor, halatang may mabigat na balita. “I’m afraid it’s not looking good.”

Parang bumagsak ang puso ko. “H-ha?”

Nagseryoso lalo ang mukha ni Attorney Caelius, ang mahigpit niyang pagkakahawak sa braso niya ay parang pumipigil sa sarili niyang mawalan ng kontrol. “What do you mean, Doctor?”

Huminga nang malalim ang doktor bago nagsalita. “Severe na ang kondisyon ng puso ni Doña Elvira. Ang nangyari sa kanya ngayon ay isang major cardiac episode. Kung maulit ito, baka hindi na niya kayanin.”

Nalaglag ang balikat ko. “B-but… okay pa siya kanina.”

“Her body is getting weaker,” paliwanag ng doktor. “She needs complete rest and proper medical care. Hindi siya dapat ma-stress kahit kaunti.”

Napatango si Attorney Caelius, kita ko sa mukha niya ang tindi ng pag-aalala. Pero ang mas nagpa-kaba sa akin? Yung tingin niyang parang ako ang dahilan ng lahat ng to.

“Did you hear that, Miss Santos?” malamig niyang tanong, sabay tingin sa akin nang matalim. “She can’t be stressed. And you are the most stressful person I’ve ever met.”

Napasinghap ako. “Hoy! Anong ibig mong sabihin?!”

“You talk too much, move too much, and cause too much trouble. If you stress her out again, I swear—”

“Wait lang, wait lang! Ako pa talaga sinisisi mo?!”

Tumawa siya ng sarcastic. “Oh, so you’re self-aware?”

Naningkit ang mga mata ko. “Kung hindi ka lang gwapo, Attorney, baka kanina pa kita nilapa dito!”

Umiling siya. “Diyos ko, mas lalo akong na-stréss.”

Pero kahit ganoon ang asaran namin, hindi ko maiwasang mapayuko at mapakagat-labi. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Doña pagkatapos nito.

Kung isang atake na lang ang maaaring ikamatay niya… paano kung ako ang dahilan?

____Alas-tres na ng madaling araw pero nandito pa rin kami ni Attorney sa labas ng ICU. Pareho kaming naka-upo sa waiting area—ako, nakahalukipkip at naka-slouch sa upuan, at siya naman, diretso pa rin ang upo na parang may sinasalo sa likod niya.

Tahimik lang ang paligid, pero ako, hindi mapakali. Ang hirap kaya maghintay ng ganito!

Tiningnan ko si Attorney. Kahit mukhang pagod, matikas pa rin ang tindig niya. Ang ganda talaga ng porma ng suit niya kahit lukot-lukot na. Kung di lang siya sobrang sungit, eh di sana mas madali siyang i-appreciate.

“Haaay, kaluoy ni Doña…” napabuntong-hininga ako. “Ginoo ko, ayaw palihuga kuhaa si Doña kay daghan pa siyang utang nga tsokolate sa akoa.”

Nakita kong biglang napatingin sa akin si Attorney, nakakunot-noo na parang na-trigger. “I have no idea what you just said, but I feel like it was nonsense.”

Napairap ako. “Haler, nagdadasal ako no. Kung di mo gets, wag kang epal.”

Umiling siya, nagbuntong-hininga, at bumalik sa pagsandal niya sa upuan. “How are you even this talkative at this hour?”

“Hala, normal lang ‘to sa amin sa probinsya, Attorney. Mas okay yung maingay, at least hindi creepy.”

Napatingin siya sa akin, seryoso ang mukha. “I’d rather deal with creepy than with you.”

“Grabe siya! Sobra talaga.” Napasimangot ako, pero bago pa ako makasagot, lumabas ang nurse mula sa ICU para kunin ang chart ni Doña.

“Nurse, kamusta na po si Doña?” tanong ko agad, nagmamadali akong lumapit.

Ngumiti naman ang nurse. “Stable na po siya for now, but she still needs strict monitoring.”

Napabuntong-hininga ako sa ginhawa. “Salamat, Ginoo!”

Narinig ko na namang nag-click ang dila ni Attorney, halatang naiinis na naman. "There you go again. What did you even say this time?"

Napalingon ako sa kanya, nakataas ang kilay. "Nagpasalamat lang ako kay Lord, bawal?"

"If you say so," sagot niya, sabay iling. "But seriously, you need to stop with your weird phrases. It’s confusing and unnecessary."

"Sus! Ako pa talaga ang unnecessary? At least ako, natural!" Tinaas ko ang kamay ko at sinapo ang pisngi ko, kunyaring nagpapacute. "Ikaw kaya, parang robot kung magsalita. Sobrang serious, kulang nalang mag-tunog G****e Translate ka."

Nakita kong nanikip ang panga niya sa irita, pero pinili niyang hindi ako sagutin. Hala, nauubusan na ata ng pasensya itong si Attorney.

Dahil sa sobrang tahimik niya, lalo akong na-engganyo mang-usap. "Oy, Attorney, bakit biglang tumahimik ka? Wala ka nang comeback? O nagugustuhan mo na akong kausap?"

"Miss Santos," madiin niyang sabi, dumilat nang mas matalim. "I swear, if you don’t shut up, I might actually lose my sanity before Doña Elvira even wakes up."

Napahalakhak ako. "Hoy, hindi mo pwedeng idamay ang pagka-demonyo mo sa health ni Doña ha! Bawal!"

"Oh my God," bulong niya sa sarili, sabay pisil sa sentido niya. "Why am I even here? Why am I dealing with this?"

Pero bago pa siya tuluyang masiraan ng bait, lumabas ang doktor mula sa ICU. Pareho kaming napatingin at agad na tumayo.

"Doctor, kamusta na po si Doña?" halos sabay naming tanong.

Nag-adjust ng salamin ang doktor bago sumagot. "She’s stable for now, but she’s still at high risk. Another attack could be fatal, so we need to keep her stress-free as much as possible."

Nagkatinginan kami ni Attorney. Ako, kinakabahan. Siya, mukhang lalo lang nainis.

"Stress-free?" ulit niya, sabay tingin sa akin nang matalim. "Yeah, good luck with that."

"Hoy, anong tingin-tingin mo dyan?!" kunot-noo kong sagot. "Parang ako pa yung stress!"

"You ARE the stress," bulong niya, pero dinig ko pa rin.

Napasimangot ako, pero hindi ko na sinagot. Kasi, aminin ko man o hindi… baka may konti siyang point.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terkait

  • Accidentally Yours Attorney    Chapter 001

    Chapter 1(Joy's POV)Kung alam ko lang na mapapahamak ako sa pagsagot sa sosyalera na ‘yon, edi sana nanahimik na lang ako! Pero hindi, dahil sa kadaldalan ko, ayan—ako ngayon ang gustong kasuhan!"Hala ka, Joy, patay ka kay Doña Elvira!" bulong ko sa sarili habang naglalakad pauwi sa mansion ng amo ko. Pawis na pawis ako, hindi dahil sa init ng araw kundi sa kaba. Gusto kong magdasal na sana hindi pa niya alam ang nangyari, pero knowing Doña Elvira? Wala akong lusot!Pagdating ko sa bahay, nandoon na nga siya—nakaupo sa mamahaling sofa, naka-cross arms, at seryosong nakatitig sa akin. Napalunok ako."Joy.""O-opo, Doña?""Bakit mo sinapak si Miss Beatrice?" malamig niyang tanong.Sumimangot ako. "Hindi ko naman po talaga sinapak, nadulas lang po ang kamay ko tapos, ayun, nasampal siya nang kaunti lang naman—""Kaunti?" Napataas ang kilay ni Doña Elvira. "Joy, she's suing you for physical assault!"Napasinghap ako. "Aba, grabe siya! Ako ‘tong inaway, sinabihan ng 'probinsyanang cheap

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-23
  • Accidentally Yours Attorney    Chapter 002

    (Joy’s POV)Nakaupo ako sa courtroom, kinakabahan pero excited. First time ko ‘tong ma-experience, kaya kahit may kaso ako, parang nasa pelikula lang ang feels!Sa tabi ko, si Attorney Montemayor—seryoso, gwapo, at mukhang galit sa mundo.Nag-ayos siya ng tie niya bago tumayo. "Your Honor, my client, Miss Babylin Joy Santos, was unfairly accused of assault when in fact, she was merely defending herself from verbal harassment."Napanganga ako. Grabe, ang ganda ng English! Para siyang pang-Hollywood!Tumikhim ang kalaban naming abogado. “Objection, Your Honor! The defendant is clearly guilty. The evidence shows that she physically attacked my client.”Tumayo rin si Attorney at diretso siyang tumingin kay Judge. "Your Honor, the alleged 'attack' was merely a reflex reaction. Miss Santos had no malicious intent."Medyo tumuwid ako ng upo. Aba, defend na defend ako ni Attorney!Kaso, bigla akong tinawag ng judge. "Miss Santos, do you have anything to say for yourself?"Napakagat ako sa lab

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-23
  • Accidentally Yours Attorney    Chapter 003

    CAELIUS’ POVThis is a disaster.No, scratch that—this is beyond a disaster.Hindi ko alam kung anong kasalanan ko sa universe para mapunta sa ganitong sitwasyon, pero heto ako ngayon, nakaupo sa loob ng courtroom, habang pinapakinggan ang pinaka-kalat na testimonyang narinig ko sa buong legal career ko.At ang culprit?Babylin Joy Santos.A walking headache in human form.Ilang beses ko nang pinigilan ang sarili kong mapahawak sa sentido habang pinapanood siyang nagsasalita sa witness stand. Halos every sentence may mali—either grammar, pronunciation, or both. Idagdag pa ‘yung kakaibang accent niya na hindi ko maintindihan.“Hala ka diha! Ay este... kasi po, siya talaga ang nauna! Akala niya guwapa lang ako, walang laban, pero hala, mali siya! Sya ang naunang bumato ng... ng...”She trailed off, looking at me for help. Oh, for the love of—“Ng what, Miss Santos?” tanong ko, pilit pinapanatili ang professionalism ko.“Ng... ano... cell phone?”Nagtagu-taguan muna ang kaluluwa ko nang

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-23
  • Accidentally Yours Attorney    Chapter 004

    JOY’S POVNapakasosyal talaga ng mansyon ni Doña Elvira. Parang nasa ibang mundo ako! Ang daming chandeliers, may mga mamahaling paintings sa dingding, at ang dining table? Diyos ko, parang pang-royalty! Kung sa amin sa probinsya, pwede nang pagtaniman ng gulay sa laki.Pero ang pinaka-shookt ako? Ang daming kutsara at tinidor sa harapan ko!“Unsaon man ni?!” Napabulong ako habang nakatitig sa table setting. Ano bang gagamitin ko dito? Bakit ang dami? Sa amin, isa lang ang kutsara’t tinidor, solve na!Narinig kong napabuntong-hininga si Attorney Caelius. “For heaven’s sake, just use whatever you’re comfortable with.”Napangiti ako. “Sige, Attorney, sayo na lang yung ibang tinidor ha?”Nanlaki ang mata niya. “What—? That’s not— Never mind.”Sinimulan ko nang kumain, pero napansin kong natatawa si Doña Elvira habang nakatingin sa amin. “Hay naku, kayong dalawa, para kayong aso’t pusa.”“Doña, hindi po ako aso. Ang cute ko kaya!” Nagbiro ako bago sumubo ng pagkain.“You mean pusa?” Singi

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-23

Bab terbaru

  • Accidentally Yours Attorney    Chapter 005

    JOY’S POV Sa waiting area ng ospital, parehong tahimik kaming naka-upo ni Attorney Caelius. Kahit hindi ko siya gustong kausap, hindi ko rin matiis ang bigat ng hangin sa paligid. Para siyang estatwa—nakahalukipkip, nakakunot ang noo, at parang may sariling mundo. Pero ang totoo, nag-aalala rin ako. Si Doña Elvira ang nag-alaga sa akin, kaya hindi ko rin alam ang gagawin kung may masamang mangyari sa kanya. Nilingon ko si Attorney, kita ko sa mukha niya ang matinding tensyon. “Attorney,” mahina kong sabi. “Relax ka lang. Baka naman di ganun kagrabe si Doña.” Napalingon siya sa akin na parang naubos ang pasensya niya sa isang iglap. “Joy, do me a favor and shut up.” “Huy, grabe ka naman,” reklamo ko, sinamaan ko siya ng tingin. “Concern lang naman ako sa’yo. Parang sasabog na yang ulo mo sa kakaisip, eh.” Suminghap siya at tumingin palayo. “Because unlike you, I actually care. I don’t just run my mouth for the sake of talking.” Napataas ang kilay ko. “Excuse me? Baka nakakalim

  • Accidentally Yours Attorney    Chapter 004

    JOY’S POVNapakasosyal talaga ng mansyon ni Doña Elvira. Parang nasa ibang mundo ako! Ang daming chandeliers, may mga mamahaling paintings sa dingding, at ang dining table? Diyos ko, parang pang-royalty! Kung sa amin sa probinsya, pwede nang pagtaniman ng gulay sa laki.Pero ang pinaka-shookt ako? Ang daming kutsara at tinidor sa harapan ko!“Unsaon man ni?!” Napabulong ako habang nakatitig sa table setting. Ano bang gagamitin ko dito? Bakit ang dami? Sa amin, isa lang ang kutsara’t tinidor, solve na!Narinig kong napabuntong-hininga si Attorney Caelius. “For heaven’s sake, just use whatever you’re comfortable with.”Napangiti ako. “Sige, Attorney, sayo na lang yung ibang tinidor ha?”Nanlaki ang mata niya. “What—? That’s not— Never mind.”Sinimulan ko nang kumain, pero napansin kong natatawa si Doña Elvira habang nakatingin sa amin. “Hay naku, kayong dalawa, para kayong aso’t pusa.”“Doña, hindi po ako aso. Ang cute ko kaya!” Nagbiro ako bago sumubo ng pagkain.“You mean pusa?” Singi

  • Accidentally Yours Attorney    Chapter 003

    CAELIUS’ POVThis is a disaster.No, scratch that—this is beyond a disaster.Hindi ko alam kung anong kasalanan ko sa universe para mapunta sa ganitong sitwasyon, pero heto ako ngayon, nakaupo sa loob ng courtroom, habang pinapakinggan ang pinaka-kalat na testimonyang narinig ko sa buong legal career ko.At ang culprit?Babylin Joy Santos.A walking headache in human form.Ilang beses ko nang pinigilan ang sarili kong mapahawak sa sentido habang pinapanood siyang nagsasalita sa witness stand. Halos every sentence may mali—either grammar, pronunciation, or both. Idagdag pa ‘yung kakaibang accent niya na hindi ko maintindihan.“Hala ka diha! Ay este... kasi po, siya talaga ang nauna! Akala niya guwapa lang ako, walang laban, pero hala, mali siya! Sya ang naunang bumato ng... ng...”She trailed off, looking at me for help. Oh, for the love of—“Ng what, Miss Santos?” tanong ko, pilit pinapanatili ang professionalism ko.“Ng... ano... cell phone?”Nagtagu-taguan muna ang kaluluwa ko nang

  • Accidentally Yours Attorney    Chapter 002

    (Joy’s POV)Nakaupo ako sa courtroom, kinakabahan pero excited. First time ko ‘tong ma-experience, kaya kahit may kaso ako, parang nasa pelikula lang ang feels!Sa tabi ko, si Attorney Montemayor—seryoso, gwapo, at mukhang galit sa mundo.Nag-ayos siya ng tie niya bago tumayo. "Your Honor, my client, Miss Babylin Joy Santos, was unfairly accused of assault when in fact, she was merely defending herself from verbal harassment."Napanganga ako. Grabe, ang ganda ng English! Para siyang pang-Hollywood!Tumikhim ang kalaban naming abogado. “Objection, Your Honor! The defendant is clearly guilty. The evidence shows that she physically attacked my client.”Tumayo rin si Attorney at diretso siyang tumingin kay Judge. "Your Honor, the alleged 'attack' was merely a reflex reaction. Miss Santos had no malicious intent."Medyo tumuwid ako ng upo. Aba, defend na defend ako ni Attorney!Kaso, bigla akong tinawag ng judge. "Miss Santos, do you have anything to say for yourself?"Napakagat ako sa lab

  • Accidentally Yours Attorney    Chapter 001

    Chapter 1(Joy's POV)Kung alam ko lang na mapapahamak ako sa pagsagot sa sosyalera na ‘yon, edi sana nanahimik na lang ako! Pero hindi, dahil sa kadaldalan ko, ayan—ako ngayon ang gustong kasuhan!"Hala ka, Joy, patay ka kay Doña Elvira!" bulong ko sa sarili habang naglalakad pauwi sa mansion ng amo ko. Pawis na pawis ako, hindi dahil sa init ng araw kundi sa kaba. Gusto kong magdasal na sana hindi pa niya alam ang nangyari, pero knowing Doña Elvira? Wala akong lusot!Pagdating ko sa bahay, nandoon na nga siya—nakaupo sa mamahaling sofa, naka-cross arms, at seryosong nakatitig sa akin. Napalunok ako."Joy.""O-opo, Doña?""Bakit mo sinapak si Miss Beatrice?" malamig niyang tanong.Sumimangot ako. "Hindi ko naman po talaga sinapak, nadulas lang po ang kamay ko tapos, ayun, nasampal siya nang kaunti lang naman—""Kaunti?" Napataas ang kilay ni Doña Elvira. "Joy, she's suing you for physical assault!"Napasinghap ako. "Aba, grabe siya! Ako ‘tong inaway, sinabihan ng 'probinsyanang cheap

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status