Share

Accidentally Yours Attorney
Accidentally Yours Attorney
Penulis: Midnight Storm

Chapter 001

Penulis: Midnight Storm
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-23 22:59:58

Chapter 1

(Joy's POV)

Kung alam ko lang na mapapahamak ako sa pagsagot sa sosyalera na ‘yon, edi sana nanahimik na lang ako! Pero hindi, dahil sa kadaldalan ko, ayan—ako ngayon ang gustong kasuhan!

"Hala ka, Joy, patay ka kay Doña Elvira!" bulong ko sa sarili habang naglalakad pauwi sa mansion ng amo ko. Pawis na pawis ako, hindi dahil sa init ng araw kundi sa kaba. Gusto kong magdasal na sana hindi pa niya alam ang nangyari, pero knowing Doña Elvira? Wala akong lusot!

Pagdating ko sa bahay, nandoon na nga siya—nakaupo sa mamahaling sofa, naka-cross arms, at seryosong nakatitig sa akin. Napalunok ako.

"Joy."

"O-opo, Doña?"

"Bakit mo sinapak si Miss Beatrice?" malamig niyang tanong.

Sumimangot ako. "Hindi ko naman po talaga sinapak, nadulas lang po ang kamay ko tapos, ayun, nasampal siya nang kaunti lang naman—"

"Kaunti?" Napataas ang kilay ni Doña Elvira. "Joy, she's suing you for physical assault!"

Napasinghap ako. "Aba, grabe siya! Ako ‘tong inaway, sinabihan ng 'probinsyanang cheap’ tapos siya pa ngayon ang may gana magdemanda? Unsa ba ‘to, Doña? Grabe jud siya!"

"Enough." Binigyan ako ng matalim na tingin ni Doña Elvira. "Kukuha ako ng abogado para sa ‘yo."

Nanlaki ang mata ko. "Whaaaat? May lawyer-lawyer pang nalalaman? Dili na lang pwede mag-sorry? Ay, Diyos ko, ma'am, wala akong pambayad sa attorney! Magbabayad pa ako ng multa? Hay naku, sayang ang pang-Jollibee ko!"

Napabuntong-hininga si Doña Elvira. "Hindi mo kailangang magbayad. Ako ang bahala. At mabuti na lang, may kilala akong mahusay na abogado. Anak-anakan ko siya."

Napalunok ako. "A-abogado? A-anak-anakan?"

"Yes. At nandito na siya."

Parang slow motion na bumukas ang pinto, at doon ko siya nakita—isang lalaking matangkad, gwapo, at mukhang galing sa high-end fashion magazine. Suot niya ang mamahaling itim na suit na parang isang milyon ang halaga. Sharp jawline, matangos ang ilong, at mala-adonis na mukha. Pero ang pinaka-agaw-atensyon? Yung matalim niyang tingin na parang sinasabi, Why am I even here?

Naglakad siya papalapit at tumigil sa harapan ko. Pinag-aralan niya ako mula ulo hanggang paa, at halatang hindi impressed sa suot kong luma at makulay na dress.

"I'm Attorney Caelius Montemayor," malamig niyang sabi. "And apparently, I have to deal with this... situation."

Napasinghap ako. "Hala, sosyal! Englishero!"

Napataas ang kilay niya. "Excuse me?"

Umiling ako agad. "Ah, wala, wala! Sabi ko lang, hala, ang gwapo mo pala, Attorney! Para kang model! Pero mukhang suplado... hindi smiling face..."

Napansin kong lalong dumilim ang tingin niya. "Miss Santos, please speak properly. I have no time for gibberish."

Napangiwi ako. "Ano ‘yong gibberish? Parang sounds ng ibon? Chirp chirp?"

Napahawak siya sa sentido niya, halatang nainis. "This is going to be a long day," bulong niya sa sarili.

Ngumiti ako nang matamis. "Ay, attorney, relax ka lang. Walang kaso-kaso, ‘no? Kakausapin ko lang ‘yon, sasabihin kong hindi ko naman talaga sinapak—"

"Miss Santos," putol niya sa akin, malamig ang boses. "Please. Just. Be. Quiet."

Nagpipigil akong matawa. Mukhang nahihirapan siyang tiisin ako. Ay, ang saya nito!

Mukhang hindi masaya si Attorney Montemayor sa trabaho niya bilang abogado ko.

Nakahawak siya sa sentido niya, parang isang headache lang ako sa buhay niya. Pero sorry, Attorney, wala kang choice!

Napangiti ako habang nakatitig sa kanya. Aba, hindi lang pala siya gwapo, mukhang mamahalin pa ang amoy! Parang pinaghalo-halong mamahaling sabon at pabango—hindi ko tuloy maiwasang singhutin nang konti.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Are you... sniffing me?"

Agad akong umiling. "Hala, dili, oy! Baka isipin mo addict ako sa pabango mo!"

"Excuse me?"

Napahawak ako sa bibig ko. Ay, hala, Bisaya na naman ako!

"Ahm… sabi ko lang, grabe ang bango mo, Attorney. Ano gamit mo? Downy?"

Napakurap siya. Mukha siyang nag-reboot sa sinabi ko. "Are you seriously comparing my cologne to fabric softener?"

"Oo! Amoy bagong laba! Fresh!"

Tumingala siya at parang nagdasal nang mahaba. "Why am I even wasting my time?"

Napangiwi ako. "Grabe ka naman, Attorney. Eh ‘di umalis ka kung ayaw mo!"

Bumaling siya kay Doña Elvira, na tahimik lang kaming pinapanood, obviously entertained. "Are you sure she's worth defending?"

Natawa si Doña Elvira. "Of course, Caelius. Huwag mong personalin si Joy, ganyan lang talaga ‘yan."

Tumingin ulit si Attorney sa akin, pero halatang pinipigilan ang inis. "Alright, Miss Santos. Tell me exactly what happened so I can attempt to clean up this mess."

Sumeryoso ako nang bahagya at umupo nang diretso. "Ganito kasi, Attorney. Naglalakad lang ako sa mall tapos bigla akong nabunggo ng isang sosyalera. Grabe talaga siya, ang taas ng tingin sa sarili! Sabi niya, 'Watch where you're going, you cheap probinsyana!' Aba! Eh kung sa lugar namin ‘yun, baka nasampal na siya ng kalabaw!"

Napataas ulit ang kilay niya. "Did you just say a carabao would have slapped her?"

Napangiwi ako. "Uh, hindi. Expression lang ‘yon."

"Well, your expression makes absolutely no sense."

"Aba, Attorney, ikaw kaya ang subukang insultuhin nang ganu’n, baka masapak mo rin!"

"That is assault, Miss Santos. And that's exactly what she's suing you for!"

"Pshh, ambot nimo. Drama niya lang ‘yon!"

"Ambot... what?"

Napatawa ako. "Ambot nimo! It means... ahh... 'Ewan ko sa’yo!'"

Parang biglang napagod si Attorney. "Of course it does."

Tumingin ako kay Doña Elvira. "Sigurado po ba kayo na ito ang the best lawyer niyo? Baka naman may mas chill na option?"

Napaatras ako nang lumapit si Attorney, diretso ang tingin at halatang naubusan na ng pasensya. "Miss Santos, I am not your babysitter. I am not your friend. I am definitely not someone you can joke around with. So please, for the love of all things logical, stop talking nonsense and tell me exactly how you want to handle this case."

Napapikit ako. Grabe, ang lapit niya! At ang lalim ng boses! Para siyang kontrabida sa teleserye!

Pero syempre, hindi ako nagpahuli. Ngumiti ako nang matamis. "Attorney, relax ka lang. Parang kulang ka sa vitamins."

Pinilig niya ang ulo niya at lumayo, parang susuko na. "I give up."

Tumawa si Doña Elvira. "Caelius, anak, just do your best."

Nag-exhale nang malalim si Attorney. "Fine. I'll see what I can do. But Miss Santos,"—nilapitan niya ulit ako, at this time, may babala sa boses niya—"please, huwag kang dumaldal sa korte. Kapag nagsimula kang magtagalog na may Bisaya, I swear, I will pretend I don't know you."

Napakurap ako. "Aba, gan’un? Eh ‘di pag-English ka ng English, Attorney, mag-iinarte rin ako!"

Napikit siya nang mariin. "This is going to be the worst case of my career."

Ngumiti ako. "Good luck sa'yo, Attorney!"

At sa unang pagkakataon, nakita kong napahawak siya sa dibdib niya, parang inaatake ng stress. Ay, kawawa naman!

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terkait

  • Accidentally Yours Attorney    Chapter 002

    (Joy’s POV)Nakaupo ako sa courtroom, kinakabahan pero excited. First time ko ‘tong ma-experience, kaya kahit may kaso ako, parang nasa pelikula lang ang feels!Sa tabi ko, si Attorney Montemayor—seryoso, gwapo, at mukhang galit sa mundo.Nag-ayos siya ng tie niya bago tumayo. "Your Honor, my client, Miss Babylin Joy Santos, was unfairly accused of assault when in fact, she was merely defending herself from verbal harassment."Napanganga ako. Grabe, ang ganda ng English! Para siyang pang-Hollywood!Tumikhim ang kalaban naming abogado. “Objection, Your Honor! The defendant is clearly guilty. The evidence shows that she physically attacked my client.”Tumayo rin si Attorney at diretso siyang tumingin kay Judge. "Your Honor, the alleged 'attack' was merely a reflex reaction. Miss Santos had no malicious intent."Medyo tumuwid ako ng upo. Aba, defend na defend ako ni Attorney!Kaso, bigla akong tinawag ng judge. "Miss Santos, do you have anything to say for yourself?"Napakagat ako sa lab

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-23
  • Accidentally Yours Attorney    Chapter 003

    CAELIUS’ POVThis is a disaster.No, scratch that—this is beyond a disaster.Hindi ko alam kung anong kasalanan ko sa universe para mapunta sa ganitong sitwasyon, pero heto ako ngayon, nakaupo sa loob ng courtroom, habang pinapakinggan ang pinaka-kalat na testimonyang narinig ko sa buong legal career ko.At ang culprit?Babylin Joy Santos.A walking headache in human form.Ilang beses ko nang pinigilan ang sarili kong mapahawak sa sentido habang pinapanood siyang nagsasalita sa witness stand. Halos every sentence may mali—either grammar, pronunciation, or both. Idagdag pa ‘yung kakaibang accent niya na hindi ko maintindihan.“Hala ka diha! Ay este... kasi po, siya talaga ang nauna! Akala niya guwapa lang ako, walang laban, pero hala, mali siya! Sya ang naunang bumato ng... ng...”She trailed off, looking at me for help. Oh, for the love of—“Ng what, Miss Santos?” tanong ko, pilit pinapanatili ang professionalism ko.“Ng... ano... cell phone?”Nagtagu-taguan muna ang kaluluwa ko nang

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-23
  • Accidentally Yours Attorney    Chapter 004

    JOY’S POVNapakasosyal talaga ng mansyon ni Doña Elvira. Parang nasa ibang mundo ako! Ang daming chandeliers, may mga mamahaling paintings sa dingding, at ang dining table? Diyos ko, parang pang-royalty! Kung sa amin sa probinsya, pwede nang pagtaniman ng gulay sa laki.Pero ang pinaka-shookt ako? Ang daming kutsara at tinidor sa harapan ko!“Unsaon man ni?!” Napabulong ako habang nakatitig sa table setting. Ano bang gagamitin ko dito? Bakit ang dami? Sa amin, isa lang ang kutsara’t tinidor, solve na!Narinig kong napabuntong-hininga si Attorney Caelius. “For heaven’s sake, just use whatever you’re comfortable with.”Napangiti ako. “Sige, Attorney, sayo na lang yung ibang tinidor ha?”Nanlaki ang mata niya. “What—? That’s not— Never mind.”Sinimulan ko nang kumain, pero napansin kong natatawa si Doña Elvira habang nakatingin sa amin. “Hay naku, kayong dalawa, para kayong aso’t pusa.”“Doña, hindi po ako aso. Ang cute ko kaya!” Nagbiro ako bago sumubo ng pagkain.“You mean pusa?” Singi

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-23
  • Accidentally Yours Attorney    Chapter 005

    JOY’S POV Sa waiting area ng ospital, parehong tahimik kaming naka-upo ni Attorney Caelius. Kahit hindi ko siya gustong kausap, hindi ko rin matiis ang bigat ng hangin sa paligid. Para siyang estatwa—nakahalukipkip, nakakunot ang noo, at parang may sariling mundo. Pero ang totoo, nag-aalala rin ako. Si Doña Elvira ang nag-alaga sa akin, kaya hindi ko rin alam ang gagawin kung may masamang mangyari sa kanya. Nilingon ko si Attorney, kita ko sa mukha niya ang matinding tensyon. “Attorney,” mahina kong sabi. “Relax ka lang. Baka naman di ganun kagrabe si Doña.” Napalingon siya sa akin na parang naubos ang pasensya niya sa isang iglap. “Joy, do me a favor and shut up.” “Huy, grabe ka naman,” reklamo ko, sinamaan ko siya ng tingin. “Concern lang naman ako sa’yo. Parang sasabog na yang ulo mo sa kakaisip, eh.” Suminghap siya at tumingin palayo. “Because unlike you, I actually care. I don’t just run my mouth for the sake of talking.” Napataas ang kilay ko. “Excuse me? Baka nakakalim

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-23

Bab terbaru

  • Accidentally Yours Attorney    Chapter 001

    Chapter 1(Joy's POV)Kung alam ko lang na mapapahamak ako sa pagsagot sa sosyalera na ‘yon, edi sana nanahimik na lang ako! Pero hindi, dahil sa kadaldalan ko, ayan—ako ngayon ang gustong kasuhan!"Hala ka, Joy, patay ka kay Doña Elvira!" bulong ko sa sarili habang naglalakad pauwi sa mansion ng amo ko. Pawis na pawis ako, hindi dahil sa init ng araw kundi sa kaba. Gusto kong magdasal na sana hindi pa niya alam ang nangyari, pero knowing Doña Elvira? Wala akong lusot!Pagdating ko sa bahay, nandoon na nga siya—nakaupo sa mamahaling sofa, naka-cross arms, at seryosong nakatitig sa akin. Napalunok ako."Joy.""O-opo, Doña?""Bakit mo sinapak si Miss Beatrice?" malamig niyang tanong.Sumimangot ako. "Hindi ko naman po talaga sinapak, nadulas lang po ang kamay ko tapos, ayun, nasampal siya nang kaunti lang naman—""Kaunti?" Napataas ang kilay ni Doña Elvira. "Joy, she's suing you for physical assault!"Napasinghap ako. "Aba, grabe siya! Ako ‘tong inaway, sinabihan ng 'probinsyanang cheap

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status