Share

7

Author: Grace Ayana
last update Huling Na-update: 2025-02-21 18:22:57

Hindi inaasahan ni Hasmine na makikita si Luke na naghihintay sa kanya sa labas ng eskwelahan. Nakaupo ito sa motor at nakangiting nakaantabay sa kanya. Looking as handsome as ever with that usual sweet smile na nagpapakabog ng puso niya. Nginitian lang siya ni Luke, nagiging abnormal na kaagad ang tibok ng puso niya. 

Ilang araw din itong hindi napadaan sa bahay kaya siguro tila excited siyang makita ito, ipinagpalagay niya na lang.

"Saan ka ba nagsususuot? Ilang araw ka ring di napadaan sa bahay." At least, ngayon ay nagagawa na niya itong biruin ng ganito.

Sumilay ang pilyong ngiti ni Luke. "Miss me?"

"Kapal." Kahit 'yon ang totoo, syempre hindi siya aamin. Pinatulis pa niya ang nguso. Umakto siyang disinterested sa lalaki.

Simula nang manggaling sila sa Batangas dalawang linggo na ang nakararaan ay mas naging magaang na ang pakikitungo nila ni Luke sa isa't-isa. Minsan nga kapag dumadaan ito sa bahay ay may kung anu-ano itong iniaabot sa kanya. Aaminin niya, habang lumalaon ay nagiging malapit din ito sa puso niya. Pero sa tuwina ay nirirendahan niya ang kanyang puso.

Aral muna bago boys. Ang dami niyang ginawang pagpupuyat sa mga aralin gaya ng taxation at auditing. Idagdag pa ang nakawiwindang na feasibility study. Nagpapakahirap siya sa loob ng halos limang taon sa mahirap na ngang kurso at ang madiskarel nang dahil lang sa unti-unting umuusbong na damdamin ang 'di niya mapapayagan. 

Sabihin nang ambisyosa siya pero hindi lang naman para sa sarili niya.

"Hatid na kita?" Akmang kukunin ni Luke ang mga dala niya ngunit nag-iwas siya.

"Uy, huwag na," aniyang hinigpitan ang pagkakahawak sa mga gamit.

"Come on, Hasmine. Magkaibigan naman na tayo 'di ba?"

Heto na naman si Luke sa pagpapa-cute nito. Nang bigla na lang agawin ni Luke ang backpack niya. 

"Akin na yan!"

Sinubukan niyang hablutin ang bag pabalik ngunit sa tangkad nito ay hindi niya maabot iyon.

"Di ka ba nahihiya sa mga tao?"

Tatawa-tawa lang ang binata. Naaaliw sa nakakahiya nga niyang itsura at sa kanila nga nakatutok ang pansin ng mga tao sa paligid. Kagaya lang din ng nangyari noon sa mall. Bago pa man siya makahuma ay naisuot na ni Luke sa ulo niya ang helmet. Sinipat-sipat pa nito kung maayos ang pagkakakabit ng lock.

"There, mukha ka nang si Ironman." Sumampa ito sa motor. "'Lika na."

Dala ng kahihiyan ay napasampa siya sa likuran ni Luke. Ewan niya ngunit pakiwari niya ay sinisilaban ang buong katawan niya. bigla ang pag-akyat ng temperatura sa katawan. At ang dibdib niya, tumatambol nang walang dahilan.

"Relax, okay?"

Pinagpalagay nga niya ang loob.

Nang buhayin ni Luke ang makina ng sasakyan ay muntik pa siyang ma-out balance kaya napakapit siya sa matigas nitong katawan.

Awtomatikong may tila nagsindi sa kanyang kaibuturan.

Mabilis pa sa alas kwatro na napabitaw siya.

"Huwag na kasing mahiya. Kapit lang."

"Ulol!"

Ano kayang iisipin ng mga tao sa bahay oras na makita siyang inihatid ni Luke? Ayaw pa naman niyang inuurirat ng mga tanong. Kabado tuloy siya. Kaya naman ay nagtatago na siya ng mga idadahilan sa utak oras na may magtanong sa kanya.

Pero sa pagtataka niya ay hindi sa bahay ang pakay nila.

"Ano'ng ginagawa natin dito?" maang niyang tanong nang sa Dangwa siya dinala ni Luke.

"You love flowers 'di ba?"

Maang siyang napatitig rito. "Naalala mo 'yon?"

"Lahat naman ng tungkol sa'yo, minimomorya nito," anito na nakapatong sa dibdib ang kamao.

Napalunok siya sa sinabi nito. Nagpapahaging na naman ba ito?

"Ewan ko sa'yo," nasabi niya na lang at tumalikod. Gusto lang naman niyang itago ang alam niyang pagbabago ng kulay ng kanyang mukha

"Umiiwas na naman."

Mas lalong hindi niya iyon binigyang pansin. Ayaw niyang dibdibin kung palipad-hangin man iyon. Mahigpit niyang pinaalalahanan ang sarili, si Luke ang kasama niya, matinik sa chicks. Mapaglaro sa mga babae.

Ilang saglit lang ay mgkaagapay nilang binaybay ang alley habang tinititigan ang mga paninda.

"Pasensya na, ha. Dangwa lang muna ang kaya kong pagdalhan sa'yo. For the meantime."

Na para bang may kasunod pa. Pero natilihan siya sa for the meantime.

"Maganda naman dito, ah," nasabi na lang niya. "Hindi naman mahalaga kung sa mamahaling orchard o dito as long as may mga bulaklak. Napapasaya na ako."

Matamis at kuntentong ngiti ang sumilay sa mukha nito. Na para bang malaking bagay ang narinig.

"So, let's take a tour?" anito.

Nilapitan niya ang bubgkos ng cattleya na nakasilid sa isang plastic container. Pikitmatang sinamyo iyon na kung tutuusin wala namang amoy. Nagiging habit na niya pag may bulaklak.

Nang bigla ang pagkislap ng kung anong liwanag sa paligid. Natuklasan niyang panay pala ang pagkuha ni Luke ng larawan niya.

"Luke, ano ba?"

Itinago niya sa dalawang kamay ang mukha ngunit sumige pa rin ito. Huminto lang nang tumalikod siya.

"Cute mo kasing tingnan," anito at pumitas ng bulaklak at inipit sa tenga niya di man lang nag-alala na baka magalit ang may-ari. "There," anito na inayos-ayos ang pagkakaipit ng tangkay.

Akmang aalisin niya ang bulaklak ngunit mas maagap ang mga kamay ni Luke na pigilan ang mga kamay niya.

"Eh, para akong sira nito, eh. Ang sagwa," nakangiwi niyang wika.

"Maganda kaya."

"Maganda naman talaga ang bulaklak," saka siya naglakad muli na nasa likuran ang magkasalikop na mga palad.

"Ikaw."

Awtomatikong napahinto siya nang bahagyang nakaabot sa pandinig niya ang sinabi ni Luke.

"Maganda ka, Hasmine. Di mo lang alam kung gaano."

Heto na naman si Luke sa mga pahaging nito. O ngpapahaging ba talaga. Ilang beses niyang pinaalalahanan ang sarili na huwag lumingon pero para yatang magnetic force si Luke. Natuklasan na lang niya ang sariling napalingon rito.

There he is. Matamang nakatitig sa kanya. Puno ng kaseryosohan. And that deceiving look. Tila ba pinaparamdam sa kanya na isa siyang kaakit-akit na babae sa paningin nito. Kapag ganito si Luke apektado ang bait niya, ang buong sistema niya lalong-lalo na ang puso niya.

"Sir, 'yong bulaklak bayaran ninyo."

Just her most needed distraction, ang paggalit na asik ng tindera.

Binayaran ni Luke ang bulaklak at nagmamadaling nilisan nila ang stall ng masungit na seller.

"Kaw kasi, eh."

Natatawa lang si Luke.

"Luke."

Isang tindero ang tumawag ng pansin ni Luke.

"Mang Ernest? May pwesto ka pala dito?

Nag-fist bump pa ang dalawa. Mukhang close ang mga ito.

"Magkakilala kayo?" 'di naiwasang tanong niya.

"Mga pananim naming bulaklak ang pinagpraktisan ni Luke." Itinuro ng tindero ang tarp ng bulaklak. "Kaya nga dumami ang customers namin nang i-upload sa F* ang magagandang mga kuha niya."

Ngayon lang siya nakakita ng gawa ni Luke at iisa lang ang masasabi niya, pawang magaganda ang mga yon.

"Kaya Luke, para sa girlfriend mo, kahit anong bulaklak."

Mulagat na napatingin siya kay Mang Ernest. "Manong, hindi ko ho siya boyfriend." Sinamahan pa niya iyon ng pag-iling.

Napatingin ang tindero kay Luke. Tinging nangangantiyaw.

"Hindi pa, ho."

Pinandilatan niya si Luke ngunit tatawa-tawa lang ito.

"Ang kupad mo siguro."

"Masyadong masungit, eh." At may pakamot-kamot pa talaga sa ulo ang baliw.

Hindi na talaga niya matukoy kung alin ang biro at totoo sa mga birada ni Luke. Kung maniniwala siya, panigurado na malalaglag siya sa bangin na walang kasiguruhan. Minabuti niyang magpatiuna sa kinapaparadahan ng motor nito sa di kalayuan.

"Kain muna tayo, Hasmine."

"Huwag na. Masyado nang late." Panay ang tingin niya sa orasan. Binibigyang diin ang oras.

Napabuntung-hininga ito. "Hindi na nga ako mamimilit. Ihahatid na lang kita."

"Magdi-jeep na lang kaya ako. Mamaya magtaka pa sina Tiyang ba't tayo magkasama."

"Bakit, ano naman ba'ng masama kung magkasama tayo?" may hinampo sa boses at mukha nito.

"Ayokong mag-isip sila ng masama. Baka sabihin nila-"

"Na nagliligawan tayo?" si Luke na ang kusang tumapos ng ideyang nahihirapan siyang sabihin."

"As if naman ako ang type mo," mahina lang 'yon pero nakaabot sa pandinig ni Luke. Ang sarap lang talagang batukan ang ulo niya at tahiin ang bunganga.

"Pano kung oo."

Nabigla siya sa sinabi ni Luke. 'Di siya nakahuma. Hindi niya napaghandaan 'yon.

"Huwag ka ngang magbiro ng ganyan, Luke." Alanganin ang naging tawa niya.

Ayaw niyang isiping sinasakyan nito ang kung anumang kahinaang pinapakita niya.

"Hindi ako nagbibiro," matatag nitong wika. Nasa magandang pares ng mga mata ang katotohanan ng sinasabi. Ang ugat sa noo ay gumagalaw na tila ba nakipag-duet sa bibig upang patotohanan ang sinabi nito.

Nakita niyang humakbang ang isang paa ni Luke. Napaatras siya, awtomatiko niyang response. Subalit mas lumapit pa ito sa kanya. Kada hakbang nito pasulong ay napapaurong naman siya. Hanggang sa na-corner na siya ng motorsiklo nito. Sandwiched siya ng sasakyan at ng malaking bulto ng katawan ng binata.

"Luke, ano ba?"

Pinilit niyang mag-iwas ng mukha. Para siyang sinisilihan sa magkahalong takot, kaba, hiya at ng kamalayang sobrang lapit nila ni Luke sa isa't-isa. Kahit ang mabangong hininga nito at gamit na cologne ay nalalanghap niya. Pati ang pag-igting ng panga at pamumula ng mukha ay malaya niyang nasaksihan.

"Luke, please."

Kung tutuusin pwede naman niya itong sipain o itulak pero masyado siyang naghihina, nalalasing na hindi mawari.

"Please, what?"

Bakit biglang naging paanas ang pananalita ni Luke? Tila sinusukat ang kahinanaan niya. O sadyang nawiwindang lang ang diwa niya sa 'di maipaliwanag na sensayon lalo nang humaplos ang palad nito sa pisngi niya. Pakiramdam niya ay timitindig ang kanyang mga balahibo. Kakaiba ang init na dulot nito. Tila may kakayahang bumuhay ng mga damdaming nakatayo sa kasuluk-sulukan ng kanyang pagkatao.

"Hasmine," tila nahihirapan nitong sambit sa pangalan niya. May bahid ng pagsusumamo.

'Hahalikan ba niya ako?'

Nakakahiya man ngunit napuno siya ng antisipasyon.

'Ano na ba'ng pumapasok sa utak mo, Hasmine ha?' pagalit niya sa sarili. 'Hindi ito maaari.

Kaya kahit naliliyo man sa estrangherong pakiramdam nagawa pa rin niyang lagyan ng sense ang kanyang utak.

"Gusto ko nang umuwi."

Napapaso man ay pinilit niyang patatagin ang boses. Hangga't maaari ayaw niyang magpakita ng kahinaan kahit ang totoo ay parang nagiging jello ang mga tuhod niya.

Nakita niya ang pagguhit ng disappointment sa gwapong mukha ni Luke. Sunud-sunod na buntunghininga ang pinakawalan ni Luke. Nilagyan ng espayo ang pagitan nila.

"Kung ayaw mo talagang magpahatid ipapara na lang kita ng jeep."

Ang hina-hina ng boses nito. Parang hinugot sa bangin.

"Ihahatid kita, Hasmine."

Fair enough.

Kinausap lang nito sandali si Mang Ernest at nag-abang na sila ng masasakyan. Buong akala niya ay ipapara lang siya ni Luke ng masasakyan ngunit sumabay din ito. Ito pa ang nagbayad ng pamasahe at nagbitbit ng bag niya. Buong biyahe ay wala silang imikan hanggang sa makababa sa kanto.

"Sige na, aantabayanan ko lang na makapasok ka. Ayaw mo din namang may makakita na magkasama tayo."

May himig hinampo ang boses nito. Kahit papaano ay nakaramdam siya ng awa kay Luke. Pero kailangan niyang manindigan. Natatakot siya hindi kay Luke kundi sa sarili niya.

"Hasmine."

Nilingon niya ito.

"Kahit itaboy mo 'ko hindi ako mawawala sa paningin mo. And what we had in Anilao, ayokong basta magtapos 'yon. Sana bigyan mo lang ako ng tsansa na makilala mo pa."

'Yon na nga ang kinatatakot niya ang papasukin ito sa buhay niya. Kasabay kasi nang pagkakalapit nila ni Luke ay ang dahan-dahan ding pagbubukas ng kanyang puso para rito. Unti-unti nang nawawala ang masungit na Hasmine na dati-rati'y ay nakabakod sa kanyang sarili. Dahan-dahan nang natitibag ang mga depensa niya. Tumuntong siya ng Maynila, tiniis na mapalayo sa sakiting ama at mga kapatid para sa iisang layunin- ang mag-aral at magtapos nang sa gayon ay makatulong sa pamilya.

Si Luke, isang malaking banta sa pangarap niya.

 

Kaugnay na kabanata

  • AT FIRST GLANCE   8

    Naging mailap ang antok kay Hasmine nang nagdaang gabi. Pabiling-biling na siya sa higaan ay ayaw pa rin siyang dalawin ng antok. Ang ikinaiinis pa niya, bigla na lang lumilitaw ang imahe ni Luke sa kanyang isipan. Idilat man o ipikit ang mga mata, mukha nito ang nai-imagine niya. Ang nangyari tuloy ay inumaga siya ng gising. Napabalikwas siya ng bangon nang matanto ang oras sa wall clock na kanyang namulatan. "Inay ko po! Mabubungangaan ako ni Tiyang."Halos lundagin na niya ang higaan at hindi na pinagkaabalahang magsuot ng sapin sa paa. Pahablot niyang kinuha ang nakasabit na tuwalya at halos patakbo nang lumabas ng silid. Ang ayusin ang gusot na buhok ang pinakahuli niyang pagtutuunan ng pansin. bahala na, sila-sila lang naman ang tao sa bahay. 'Yon ang pagkakamali niya. Naratnan niyang kasalukuyan nang nagbi-breakfast ang lahat at naroroon si Luke, kasalo ng mga ito. Panandaliang nag-ugnay ang mga titig nila. Bigla tuloy niyang natsek ang sarili. Wala sa ayos ang buhok, baka m

    Huling Na-update : 2025-02-21
  • AT FIRST GLANCE   9

    Valentine's Day.Sumisigaw ng araw ng mga puso ang bawat sulok sa paligid. Wala naman siyang pakialam dati sa okasyon pero ngayon, pakiwari niya naiinggit siya sa mga magkakapareha at sa mga babaeng may hawak na bulaklak, balloons at chocolates. Ang kahera ng tiyahin sa palengke ay abot hanggang tainga ang ngiti habang ipinagmamalaki ang bulaklak na bigay ng kasintahan nitong kargador.‘Sarap lang ihambalos ng bulaklak na hawak,’ sa isip-isip niya kanina. Walang katuturang inggit pero wala siyang magagawa, ganoon ang nararamdaman niya sa ngayon.Kahit sina Tiya Letty at Tiyo Roman ay may date ngayon. Hayun at maaga raw na magsasarado ng pwesto. Sina LynLyn naman at Voltaire naman ay pare-parehong may lakad kasama ang mga kaibigan. Samantalang siya, heto, stuck sa daan. Namatayan ba naman ng makina ang jeep na sinasakyan niya. Sa kamalas-malasan. Kaya, nagbaka-sakali siya na may masakyan ulit. Punuan pa man din ang mga sasakyan ngayon.Nayayamot at nababahala na siya habang tumatakbo a

    Huling Na-update : 2025-02-21
  • AT FIRST GLANCE   10

    "Promise," nakataas ang kamay na sagot ni Luke. Ramdam niya ang tuwa sa boses nito. ‘Di sinasadyang napadako ang tingin niya sa katabing kotse. Kita mula sa labas ng hindi tinted na bintana ang paghahalikan ng mga nasa loob. Mali, ‘di lang basta naghahalikan, naglalaplapan pa. Walang pakialam na may makakita. Nakakaeskandalo ang tagpo pero ang mga mata niya ay nanatiling nakamasid sa dalawa.Ano kaya ang pakiramdam ng may kahalikan? Ewan niya ngunit tila nag-iinit ang sulok ng kanyang pisngi. "Gusto mo i-try natin?"Napapahiya siya nang matuklasang ngingiti-ngiti si Luke na nakalingon sa kanya. Natampal niya si Luke sa balikat. "Sira! Mag-drive ka na nga lang.”Ang gago, tumawa lang nang malakas. “Di nagtagal at narating nila ang destinasyon. Buong akala niya ay sa isang kainan siya dadalhin ng binate pero residential area sa kung saang sulok ng Maynila siya nito dinala. Isang bakanteng lote sa ‘di kalayuan ang pinasukan nila na ang tanging nasa loob ay mga halaman sa iba-ibang var

    Huling Na-update : 2025-02-21
  • AT FIRST GLANCE   11

    Pushing someone away no matter how dear that person is could be the hardest decision one could ever make. At kapag tuluyan nang lumayo ang taong ‘yon, magsisimula naman ang panghihinyang, ang pananabik.Tinotoo ni Luke ang sinabi nito. He kept his distance. Suddenly, they became strangers to each other again. Noong minsang dinaanan nito si Voltaire, ni hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin. Mas mabuti pa nga noon, pinapansin siya ni Luke.Lihim na nasasaktan siya. May mga araw na natutulala na lang siya. May mga gabi na hindi siya makatulog kakaisip dito.Ang baliw niyang puso, nami-miss na si Luke. Kahit ang pangungulit nito. Minsan, nakita niya ang facebook profile nito sa timeline ni Lyn-Lyn, naengganyo siyang makisilip sa kung ano nang kaganapan sa buhay nito. Ngayon siya nagsisisi kung bakit sa kaengutan niya ay d-in-elete pa niya ang friend request nito. Ilang ulit din itong nangulit, ganoon din kadaming beses niyang ni-reject. Nong minsang pabiro din nitong hiniling ang

    Huling Na-update : 2025-02-21
  • AT FIRST GLANCE   12

    Pushing someone away no matter how dear he is could be the hardest decision one could ever make. At kapag tuluyan nang lumayo ang taong ‘yon, magsisimula naman ang panghihinyang, ang pananabik.Tinotoo ni Luke ang sinabi nito. He kept his distance. Suddenly, they became strangers to each other again. Noong minsang dinaanan nito si Voltaire sa bahay, ni hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin. Kahit isang sulyap man lang. Mas mabuti pa nga noon, pinapansin siya ni Luke. Tinatadtad man siya ng pambubuska, napapansin pa rin siya.Lihim na nasasaktan siya sa nangyayari. May mga araw na natutulala na lang siya habang nakatitig sa kawalan. May mga gabi na hindi siya makatulog sa kakaisip dito. Minsan, kapag nasa bungad na siya ng gate, naiisip niya nab aka nandoon na si Luke at naghihintay sa kanya.Nakaka-miss din naman pala.Ang baliw niyang puso, name-miss na si Luke. Tunay.Minsan, nakita niya ang facebook profile nito sa timeline ni Lyn-Lyn, naengganyo siyang makisilip sa kung ano

    Huling Na-update : 2025-02-21
  • AT FIRST GLANCE   1

    "Ang iingay!"Sa sarili ay lihim na himutok ni Hasmine. Nasa kusina man kasama ng kanyang Tiya Letty ay nanunuot pa rin sa kanyang taynga ang ingay na nagmumula sa ibaba. May kumakanta sa videoke nang wala naman sa tono, may naggigitara, at naghahalakhakan ng malakas.Dapat ay worksheets sa natitirang accounting subjects ang inaatupag niya pero heto at sa pagtatadtad ng mga sangkap at sa paghuhugas nagugugol ang kanyang oras. "Min, dalhin mo na muna ito kina Voltaire at baka naubusan na ng pagkain 'yong mga bisita."Anak nitong si Voltaire na pinsang buo niya ang tinutukoy. Nagsi-celebrate ito ng kaarawan ngayon kaya may mga panauhin sa bahay."Pwede ho bang si LynLyn na lang Tiyang?"Tutal, mas gusto naman ng pinsan ang nakikipagtsikahan sa mga bisita. Di pa rin naman niya tapos hugasan ang mga pinggan. Nauso na't lahat ang disposable utensils pero heto ang tiyahin breakables pa rin ang gjnagamit."Inutusan ko si LynLyn sa kanto. Naubusan tayo ng pineapple juice para dito sa Hamonad

    Huling Na-update : 2025-02-19
  • AT FIRST GLANCE   2

    Kagagaling niya lang sa unibersidad na pinapasukan at naisipan niyang sumaglit sa pinakamalapit na mall, may bibilhin lang siyang gamit sa eskwela. Pagkatapos ay dumaan muna sa isang bookstore na nagtitinda ng mga used books at iba pang literary items. Total, maaga pa naman.Binuklat-buklat niya ang librong gawa ni Tom Clancy. Mas gusto niya ang mga ganitong genre dahil nai-stimulate and utak niya. Nada sa kanya ang romance. Masyadong cheesey, corny."Hmmp, Red Rabbit."Napapitlag siya nang may biglang nangusap sa kayang likuran at binasa ang title ng librong hawak niya.Of all people, si Luke pa talaga.Hanggang dito ba naman ay magkukrus ang mga landas nila? Inignora niya ang presensya nito. Saan kaya galing to? May sukbit ng camera sa leeg. Baka may photoshoot, naisip niya."Patingin nga."Walang anu-anong kinuha nito mula sa mga kamay niya ang aklat."Akin na nga yan!"Inis na pilit niyang hinablot mula rito ang aklat. Kayraming aklat sa paligid ang hawak pa talaga niya ang pagdid

    Huling Na-update : 2025-02-19
  • AT FIRST GLANCE   3

    Kaarawan ni Tiyo Romy kinabukasan. Mag-a-out of town silang buong mag-anak sa isang resort sa Batangas."Alin kayang isusuot ko, Min?"Di magkandaugaga si LynLyn sa pagpili sa mga swimwears na binili kahapon sa ukay-ukay. Kinaladkad pa siya nito para samahan, di pa man siya nakapagpalit ng uniporme para lang gawing critique ."Ito kaya?"Nakataas sa ere ang kulay pulang two-piece swimwear."Sige isuot mo yan at nang mapingot ka ni Tiyang.""Palibhasa, pareho kayong conservative. Mamaya, magduster si Tiyang. Ikaw nga pala, ano bang isusuot mo?""Hindi naman ako maliligo.""Anilao yon. I'm sure maganda don.""Pwede na siguro yong jersey shorts ko," aniya na inginuso ang shorts na nakasampay sa monoblock chair."Di ka pa nagsasawa diyan?" Tinitigan ito ng pinsan na para bang yon na ang pinaka-unpleasant na tanawan sa ibabaw ng lupa. May halo pa talagang ngiwi."Okay na yan." Di naman niya kailangang magpa-impress. Kanino naman siya magpapasikat? Isa pa, babaunin pa rin niya ang mga schoo

    Huling Na-update : 2025-02-19

Pinakabagong kabanata

  • AT FIRST GLANCE   12

    Pushing someone away no matter how dear he is could be the hardest decision one could ever make. At kapag tuluyan nang lumayo ang taong ‘yon, magsisimula naman ang panghihinyang, ang pananabik.Tinotoo ni Luke ang sinabi nito. He kept his distance. Suddenly, they became strangers to each other again. Noong minsang dinaanan nito si Voltaire sa bahay, ni hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin. Kahit isang sulyap man lang. Mas mabuti pa nga noon, pinapansin siya ni Luke. Tinatadtad man siya ng pambubuska, napapansin pa rin siya.Lihim na nasasaktan siya sa nangyayari. May mga araw na natutulala na lang siya habang nakatitig sa kawalan. May mga gabi na hindi siya makatulog sa kakaisip dito. Minsan, kapag nasa bungad na siya ng gate, naiisip niya nab aka nandoon na si Luke at naghihintay sa kanya.Nakaka-miss din naman pala.Ang baliw niyang puso, name-miss na si Luke. Tunay.Minsan, nakita niya ang facebook profile nito sa timeline ni Lyn-Lyn, naengganyo siyang makisilip sa kung ano

  • AT FIRST GLANCE   11

    Pushing someone away no matter how dear that person is could be the hardest decision one could ever make. At kapag tuluyan nang lumayo ang taong ‘yon, magsisimula naman ang panghihinyang, ang pananabik.Tinotoo ni Luke ang sinabi nito. He kept his distance. Suddenly, they became strangers to each other again. Noong minsang dinaanan nito si Voltaire, ni hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin. Mas mabuti pa nga noon, pinapansin siya ni Luke.Lihim na nasasaktan siya. May mga araw na natutulala na lang siya. May mga gabi na hindi siya makatulog kakaisip dito.Ang baliw niyang puso, nami-miss na si Luke. Kahit ang pangungulit nito. Minsan, nakita niya ang facebook profile nito sa timeline ni Lyn-Lyn, naengganyo siyang makisilip sa kung ano nang kaganapan sa buhay nito. Ngayon siya nagsisisi kung bakit sa kaengutan niya ay d-in-elete pa niya ang friend request nito. Ilang ulit din itong nangulit, ganoon din kadaming beses niyang ni-reject. Nong minsang pabiro din nitong hiniling ang

  • AT FIRST GLANCE   10

    "Promise," nakataas ang kamay na sagot ni Luke. Ramdam niya ang tuwa sa boses nito. ‘Di sinasadyang napadako ang tingin niya sa katabing kotse. Kita mula sa labas ng hindi tinted na bintana ang paghahalikan ng mga nasa loob. Mali, ‘di lang basta naghahalikan, naglalaplapan pa. Walang pakialam na may makakita. Nakakaeskandalo ang tagpo pero ang mga mata niya ay nanatiling nakamasid sa dalawa.Ano kaya ang pakiramdam ng may kahalikan? Ewan niya ngunit tila nag-iinit ang sulok ng kanyang pisngi. "Gusto mo i-try natin?"Napapahiya siya nang matuklasang ngingiti-ngiti si Luke na nakalingon sa kanya. Natampal niya si Luke sa balikat. "Sira! Mag-drive ka na nga lang.”Ang gago, tumawa lang nang malakas. “Di nagtagal at narating nila ang destinasyon. Buong akala niya ay sa isang kainan siya dadalhin ng binate pero residential area sa kung saang sulok ng Maynila siya nito dinala. Isang bakanteng lote sa ‘di kalayuan ang pinasukan nila na ang tanging nasa loob ay mga halaman sa iba-ibang var

  • AT FIRST GLANCE   9

    Valentine's Day.Sumisigaw ng araw ng mga puso ang bawat sulok sa paligid. Wala naman siyang pakialam dati sa okasyon pero ngayon, pakiwari niya naiinggit siya sa mga magkakapareha at sa mga babaeng may hawak na bulaklak, balloons at chocolates. Ang kahera ng tiyahin sa palengke ay abot hanggang tainga ang ngiti habang ipinagmamalaki ang bulaklak na bigay ng kasintahan nitong kargador.‘Sarap lang ihambalos ng bulaklak na hawak,’ sa isip-isip niya kanina. Walang katuturang inggit pero wala siyang magagawa, ganoon ang nararamdaman niya sa ngayon.Kahit sina Tiya Letty at Tiyo Roman ay may date ngayon. Hayun at maaga raw na magsasarado ng pwesto. Sina LynLyn naman at Voltaire naman ay pare-parehong may lakad kasama ang mga kaibigan. Samantalang siya, heto, stuck sa daan. Namatayan ba naman ng makina ang jeep na sinasakyan niya. Sa kamalas-malasan. Kaya, nagbaka-sakali siya na may masakyan ulit. Punuan pa man din ang mga sasakyan ngayon.Nayayamot at nababahala na siya habang tumatakbo a

  • AT FIRST GLANCE   8

    Naging mailap ang antok kay Hasmine nang nagdaang gabi. Pabiling-biling na siya sa higaan ay ayaw pa rin siyang dalawin ng antok. Ang ikinaiinis pa niya, bigla na lang lumilitaw ang imahe ni Luke sa kanyang isipan. Idilat man o ipikit ang mga mata, mukha nito ang nai-imagine niya. Ang nangyari tuloy ay inumaga siya ng gising. Napabalikwas siya ng bangon nang matanto ang oras sa wall clock na kanyang namulatan. "Inay ko po! Mabubungangaan ako ni Tiyang."Halos lundagin na niya ang higaan at hindi na pinagkaabalahang magsuot ng sapin sa paa. Pahablot niyang kinuha ang nakasabit na tuwalya at halos patakbo nang lumabas ng silid. Ang ayusin ang gusot na buhok ang pinakahuli niyang pagtutuunan ng pansin. bahala na, sila-sila lang naman ang tao sa bahay. 'Yon ang pagkakamali niya. Naratnan niyang kasalukuyan nang nagbi-breakfast ang lahat at naroroon si Luke, kasalo ng mga ito. Panandaliang nag-ugnay ang mga titig nila. Bigla tuloy niyang natsek ang sarili. Wala sa ayos ang buhok, baka m

  • AT FIRST GLANCE   7

    Hindi inaasahan ni Hasmine na makikita si Luke na naghihintay sa kanya sa labas ng eskwelahan. Nakaupo ito sa motor at nakangiting nakaantabay sa kanya. Looking as handsome as ever with that usual sweet smile na nagpapakabog ng puso niya. Nginitian lang siya ni Luke, nagiging abnormal na kaagad ang tibok ng puso niya. Ilang araw din itong hindi napadaan sa bahay kaya siguro tila excited siyang makita ito, ipinagpalagay niya na lang."Saan ka ba nagsususuot? Ilang araw ka ring di napadaan sa bahay." At least, ngayon ay nagagawa na niya itong biruin ng ganito.Sumilay ang pilyong ngiti ni Luke. "Miss me?""Kapal." Kahit 'yon ang totoo, syempre hindi siya aamin. Pinatulis pa niya ang nguso. Umakto siyang disinterested sa lalaki.Simula nang manggaling sila sa Batangas dalawang linggo na ang nakararaan ay mas naging magaang na ang pakikitungo nila ni Luke sa isa't-isa. Minsan nga kapag dumadaan ito sa bahay ay may kung anu-ano itong iniaabot sa kanya. Aaminin niya, habang lumalaon ay nag

  • AT FIRST GLANCE   6

    Puno ng fun at adventure ang araw na ito. Maliban sa swimming ay may mga water activities din na nakalaan para sa kanila. Hayun at nag-uunahan na sa pagsampa sa banana boat ang mga kasama ngunit si Hasmine ay mas piniling maglunoy sa hanggang tuhod na tubig-dagat kasama ni Tiya Letty."Tatanda ka talagang dalaga sa pagsama-sama mo sa akin." Binalingan ni Letty ang anak. "Voltaire, isama ninyo naman si Hasmine.""Tiyang, ayoko ho.""Para ka talagang matanda. Binuburo mo ang sarili mo.""'Lika na, Min. Huwag nang pakipot."Walang nagawa ang pag-ayaw niya nang hilahin siya ng mga pinsan. Magkatulong na hinila na siya ng mga ito patungo sa rubber boat na nakasampa pa sa dalampasigan."Don't worry, I'll make sure na safe ka," si Luke na umibis pa sa jetski na siyang maghihila sa banana boat. Wow ha! May continuation pa rin pala ang pagiging mabait nito. Inaamin niyang napapanatag naman kahit papa'no ang pakiramdam niya. "Upo ka na." Todo alalay pa ito na makasampa siya sa inflated rubber.

  • AT FIRST GLANCE   5

    "Ano ba 'yan? Hanggang dito ba naman schoolwork pa rin ang aatupagin mo? Naririto tayo para magsaya. Sayang ang dagat kung 'di natin mapagsasamantalahan."Sa haba ng litanya ni LynLyn tanging kibit-balikat lang ang kanyang tugon. Nakapako pa rin sa screen ng laptop ang kanyang mga mata. Sinadya niya iyong bitbitin para maipagpatuloy niya ang mga nakabinbing gawain. Ayaw niyang eleventh hour gawin ang mga takdang aralin."Hoy!" Umupo ang pinsan sa tabi niya at panay Ang sundot nito sa kanyang tagiliran."Jennilyn Marie!" Kapag buong pangalan na nito ang sinasambit niya, malamang inis na siya. May kasama pang panlalaki ng mga mata nang lingunin niya ito."Magmumungha ka na naman. Mamaya pagbalik ko madre ka na.""Tsupe!" Kahit ano pa'ng sabihin nito, hindi siya magpapapilit."Hay naku! Wala ba talaga ang salitang fun sa version mo ng Merriam?"Fun? Luxury iyon para sa mga normal na estudyante. 'Yong mga pinag-aaral talaga ng mga magulang nila."May kraken sanang umahon mula sa dagat at

  • AT FIRST GLANCE   4

    "Good morning."Napahumindig siya nang matuklasang si Luke ang mismong katabi niya, ang pinakainiiwasan niya. Tuluyan nang nawala ang antok niya sa isiping katabi niya ito sa buong biyahe. Talagang nananadya ito."Anong ginagawa mo rito?" sa daan siya nakatingin at nakakrus ang mga bisig sa dibdib. Ang simangot ay di nagawang burahin sa mukha niya."Nauupo.""Pilosopo. Bakit dito ka umupo?" Kung nakamamatay lang ang irap malamang kanina pa ito bumulagta."Grabe siya, oh. Ginawa mo na nga akong unan buong biyahe. What an ingrate!"Naningkit ang mga mata niya sa sinabi nito. "Hindi ako ingrato."Ang tiyuhin bagama't sa daan nakatutok ang pansin ay natatawa sa palitan nila ng banters."Mas lalong hindi ako naghihilik." Medyo nabawasan ang kumpiyansa niya. Naghihilik daw siya ayon kay LynLyn. Pero hindi naman daw malakas. O, eh, ano ngayon?"'Di raw."Nakita niyang inilabas ni Luke ang cellphone nito at may ini-scroll sa gallery at ipinakita sa kanya."See."Talagang nakasandal nga siya s

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status