Kagagaling niya lang sa unibersidad na pinapasukan at naisipan niyang sumaglit sa pinakamalapit na mall, may bibilhin lang siyang gamit sa eskwela. Pagkatapos ay dumaan muna sa isang bookstore na nagtitinda ng mga used books at iba pang literary items. Total, maaga pa naman.
Binuklat-buklat niya ang librong gawa ni Tom Clancy. Mas gusto niya ang mga ganitong genre dahil nai-stimulate and utak niya. Nada sa kanya ang romance. Masyadong cheesey, corny.
"Hmmp, Red Rabbit."
Napapitlag siya nang may biglang nangusap sa kayang likuran at binasa ang title ng librong hawak niya.
Of all people, si Luke pa talaga.
Hanggang dito ba naman ay magkukrus ang mga landas nila? Inignora niya ang presensya nito. Saan kaya galing to? May sukbit ng camera sa leeg. Baka may photoshoot, naisip niya.
"Patingin nga."
Walang anu-anong kinuha nito mula sa mga kamay niya ang aklat.
"Akin na nga yan!"
Inis na pilit niyang hinablot mula rito ang aklat. Kayraming aklat sa paligid ang hawak pa talaga niya ang pagdidiskitahan nito.
"Ssshhh," anito na itinapat pa sa bibig ang hintuturo.
Nakakabulahaw na pala sila. Nakakahiya. Sa yamot ay nagmartsa siya papalayo kay Luke. Hindi din naman talaga siya bibili.
"Hey!"
Ang gago humabol pa talaga sa kanya. Umagapay ng lakad at dahil di hamak na matangkad ito sa height na 6' ay nagmumukha siyang thumbtucks sa tabi nito. Minartilyo na kasi sa 5'1" ang height niya.
"Parang sinong maganda hinahabol ng pogi."
Narinig niyang bulungan ng nakasalubong na grupo ng mga teenagers.
"Ano ba'ng ginagawa mo?" di niya itinago ang animosity sa tono ng pananalita at ekspresyon.
"Accompanying a friend."
Tumaas ang kilay niya sa narinig.
"Hindi tayo magkaibigan, ulol!"
"Kaya nga I am striking a conversation. Imagine, ilang taon na tayong magkakilala but we never became friends. We never talked beyond one minute. No, we never talked at all."
Ano naman dito? Mahalaga ba rito yon?
"Maybe we could start everything by a simple dinner? Nasa mall na rin lang tayo."
"Ayoko."
Ba't ba ito nag-aaksaya ng panahon sa kanya?
"Kausapin mo na kasi ang boyfriend mo."
Puna ng isang lalaking nakasalubong nila. Iniisip ba talaga ng mama na kasintahan niya si Luke? Bakit, papasa ba siya don sa mga usual na mga babaeng humahabol-habol rito na ayon sa naririnig niya kay Voltaire ay pawang magaganda.
Ang Luke naman tatawa-tawa pa. Hindi offended na napagkamalang kasintahan siya nito. Ewan niya ngunit tila nag-iinit ang sulok ng kanyang mukha.
"Wala ka ba talagang magawa sa buhay?"
Mas bumilis ang hakbang niya.
"Okay, kung ayaw mong kumain. Let me at least take you home."
Aangkas siya sa motor nito? Nahihiwagaan talaga siya sa tinatakbo ng utak ni Luke. Napatingin siya sa mga mukha nito. Ito ang pinakaunang beses na nabistahan niya ng malapitan si Luke at tinititigan ng tuwid sa mga mata.
Ang ganda pala ng mga mata ni Luke. Expressive, magnetic. Yong tila nangungusap.
"So?"
Para siyang tangang nakatingala na pala rito.
"Tara na?"
"Magji-jeep na lang ako." Kahit ang boses niya ay biglang naging unsteady.
"Matraffic ngayon. 15th of the month."
Binirahan niya ng talikod si Luke.
"Ayaw mo ba talaga sa akin, love?"
Love?
Ilang dipang layo na siya mula rito nang sabihin iyon ng malakas. Sinadya para marinig ng mga tao kaya napapalingon ang mga nagdaraan sa kanila. Gago talaga. Napapahiyang halos lakad-takbo na ang gawin pero ang Luke nakasunod pa rin.
Nakukunsumi na talaga siya.
Tyempong may nagdaang dalawang babae na di itinago ang pagsulyap na ginawa kay Luke. Mabilis na umandar ang utak niya. Kaagad niyang nilapitan at tinanong: "Yong kaibigan ko naghahanap ng modelo sa photography niya."
Sa direksyon ni Luke siya nakatingin.
"Yong pogi?" di maitago ang kilig ng mga ito.
"Tumpak!"
Bago pa man makahuma si Luke ay kinuyog na ito ng mga iyon kaya't nabigyan siya ng pagkakataong makalayo.
Nakahinga lang siya ng maluwag nang tuluyang makaupo sa pampasaherong sasakyan. But it seems like the odds are working against her. Imbes na maagang nakauwi ay naipit siya ng traffic.
"Late ka na yata," ang tiyong niya nang magmano siya.
"May tinatapos lang ho, Tiyong."
Kasalukuyang kinakalikot ng tiyuhin ang pamilyar na motor.
Nandito na naman si Luke. Naroroon nga, masayang nakikikain sa hapag kasama nina Voltaire at LynLyn at nilalantakan ang Hawaiian pizza.
"Traffic ba?"
Nanunudyo ang ngisi ni Luke. Parang sinasabi nito na 'paarte-arte ka pa kasi, yan tuloy ang napala mo'.
"Dinaanan ka ba ng bagyo?" tanong naman ni Voltaire.
Mga damuhog. Ni hindi man lang muna siya pinaupo at niratrat na siya ng tanong.
Natsek niya and sarili sa salaming nakasabit sa dingding. Magulo ang buhok niya at may linya ng dumi sa kanyang pisngi. Nagtataka siya kung saan iyon nakuha.
"Ang dugyot mo."
Isa pa itong si LynLyn tila nandidiri sa hitsura niya at ang hayop na Luke ngingisi-ngisi, amused sa nakikita.
"Excuse me."
Pumanhik siya sa silid nila ni LynLyn, naligo at nagbihis. Pagbalik niya ay wala ng tao sa mesa. Naiwan ang tanging isang slice ng pizza at mga natatakpang tirang pagkain.
Akmang kakainin na niya ang pizza nang mapansin ang katabi ng karton.
Ang libro ni Tom Clancy, may nakataling ribbon.
Binili ni Luke? May kung anong tuwang pumuno sa kanyang dibdib. Binuklat niya iyon. For you, ang nakasulat na dedication sa cover page. Pakiramdam niya ay naka-address sa kanya ang sulat-kamay na yon. Bigla kasi ang pagsikdo ng kanyang puso.
"Akin to."
Parang nahulog ang panga niya nang hablutin iyon ni LynLyn mula sa kanya.
"Sa'yo yan?" paninigurado niya.
"Alangan namang sayo eh hindi naman kayo close ni Luke. "
Oo nga naman.
Akala ko pa naman akin na.
May kung anong disappointment na nagdaan sa kanyang dibdib.
Kasalukuyan na siyang nagpapatuyo ng mga hinugasang pinggan nang maagaw ng malamyos na tunog ng gitara ang kanyang pansin. Sinabayan iyon ng malamyos na boses lalaki.
Imposibleng si Voltaire iyon. Boses palaka ang pinsan. Naengganyo siyang sinuhin ang kumanta.
Wise men say only fools rush in.
Ang ganda ng boses. Tila nanunuot sa kaluluwa.
But I can't help falling in love with you.
Luke?
To her surprise, si Luke ang nag mamay-ari ng magandang tinig. Ni minsan hindi niya nakitang humawak ito ng gitara o di kaya ay kumanta sa karaoke.
Luke sings so tenderly. Marahil kung sinuman ang babaeng kakantahan nito sa ganitong paraan siguradong mas mapapalambot ang puso, mas maiinlab.
Suddenly, napadako sa gawi niya ang paningin ni Luke. Binalak niyang umalis sa kinatatayuan subalit pakiwari niya ay nilalamon siya ng kung anong mahika sa paligid. Maaaring nang malamyos na boses nito o ng mga matang tila nagsusumamo.
And I can't help falling in love with you.
Parte ng lyrics ng kanta ngunit pakiramdam niya sa kanya direktang sinasaad iyon ni Luke. Na parang hinaharana siya.
Natapos ang kanta. Natapos ang pantasya.
"Ang galing!"
Pumalit ang ingay at palatak ng mga pinsan. Kasabay non ay ang tila paggising sa malalalim na panaginip.
Ano bang nakain mo, Hasmine? Umalis siya sa kinatatayuan habang di maiwasang damhin ang dibdid. Ganoon na lang ba talaga kabigat ng epekto ng kanta at hanggang ngayon ay naroroon ang kakaibang pintig.
Weird.
******"
"Kung alam ko lang na ganyan ka kagaling dapat ikaw na yong kinuha namin na gitarista nong nagbanda kami nina Jeff."
Lumalagpas sa kanyang tenga ang sinasabi ng kaibigan. Nanatiling nakapako sa kinatatayuan ni Hasmine ang titig niya.
'I thought there was something in her eyes.' Nagkakamali siya. Napabuntunhininga na lang siya.
"Sige, aalis na ako."
"Ang aga pa," angil ni LynLyn na hinawakan pa siya sa braso.
"May raket ako bukas eh."
Totoo yon, may photoshoot siya sa Laguna. May magdyowang bakla na na nagsi-celebrate ng anniversary ang photoshoot na gagawin niya. Sumadya lang talaga siya rito dahil sa iisang tao.
"Nakakabulahaw na rin," dagdag katwiran niya.
Nanaog siya ng bahay at tinungo ang kinapaparadahan ng motorsiklo. Bago buhayin ang makina ang makina ng motosiklo ay sumulyap muna sa gawing silid ni Hasmine. Bagama't di nakikita sigurado siyang puspusan ang ginagawa nitong pag-aaral. Bahay, eakwelahan, palengke- ang mundong ginagagalawan ni Hasmine.
Nagulat pa nga siya nang makita ito sa mall kanina. Nong una ay nag-atubili siyang lumapit ngunit naglakasloob siya. Yon nga lang mali yata ang approach niya. Nagagago kasi siya pagdating kay Hasmine.
'Good night, Hasmine Angeles.'
Tanging sa hangin na lang niya ibinubulong.
"Sleep tight as I dream of you tonight."
Kaarawan ni Tiyo Romy kinabukasan. Mag-a-out of town silang buong mag-anak sa isang resort sa Batangas."Alin kayang isusuot ko, Min?"Di magkandaugaga si LynLyn sa pagpili sa mga swimwears na binili kahapon sa ukay-ukay. Kinaladkad pa siya nito para samahan, di pa man siya nakapagpalit ng uniporme para lang gawing critique ."Ito kaya?"Nakataas sa ere ang kulay pulang two-piece swimwear."Sige isuot mo yan at nang mapingot ka ni Tiyang.""Palibhasa, pareho kayong conservative. Mamaya, magduster si Tiyang. Ikaw nga pala, ano bang isusuot mo?""Hindi naman ako maliligo.""Anilao yon. I'm sure maganda don.""Pwede na siguro yong jersey shorts ko," aniya na inginuso ang shorts na nakasampay sa monoblock chair."Di ka pa nagsasawa diyan?" Tinitigan ito ng pinsan na para bang yon na ang pinaka-unpleasant na tanawan sa ibabaw ng lupa. May halo pa talagang ngiwi."Okay na yan." Di naman niya kailangang magpa-impress. Kanino naman siya magpapasikat? Isa pa, babaunin pa rin niya ang mga schoo
"Good morning."Napahumindig siya nang matuklasang si Luke ang mismong katabi niya, ang pinakainiiwasan niya. Tuluyan nang nawala ang antok niya sa isiping katabi niya ito sa buong biyahe. Talagang nananadya ito."Anong ginagawa mo rito?" sa daan siya nakatingin at nakakrus ang mga bisig sa dibdib. Ang simangot ay di nagawang burahin sa mukha niya."Nauupo.""Pilosopo. Bakit dito ka umupo?" Kung nakamamatay lang ang irap malamang kanina pa ito bumulagta."Grabe siya, oh. Ginawa mo na nga akong unan buong biyahe. What an ingrate!"Naningkit ang mga mata niya sa sinabi nito. "Hindi ako ingrato."Ang tiyuhin bagama't sa daan nakatutok ang pansin ay natatawa sa palitan nila ng banters."Mas lalong hindi ako naghihilik." Medyo nabawasan ang kumpiyansa niya. Naghihilik daw siya ayon kay LynLyn. Pero hindi naman daw malakas. O, eh, ano ngayon?"'Di raw."Nakita niyang inilabas ni Luke ang cellphone nito at may ini-scroll sa gallery at ipinakita sa kanya."See."Talagang nakasandal nga siya s
"Ano ba 'yan? Hanggang dito ba naman schoolwork pa rin ang aatupagin mo? Naririto tayo para magsaya. Sayang ang dagat kung 'di natin mapagsasamantalahan."Sa haba ng litanya ni LynLyn tanging kibit-balikat lang ang kanyang tugon. Nakapako pa rin sa screen ng laptop ang kanyang mga mata. Sinadya niya iyong bitbitin para maipagpatuloy niya ang mga nakabinbing gawain. Ayaw niyang eleventh hour gawin ang mga takdang aralin."Hoy!" Umupo ang pinsan sa tabi niya at panay Ang sundot nito sa kanyang tagiliran."Jennilyn Marie!" Kapag buong pangalan na nito ang sinasambit niya, malamang inis na siya. May kasama pang panlalaki ng mga mata nang lingunin niya ito."Magmumungha ka na naman. Mamaya pagbalik ko madre ka na.""Tsupe!" Kahit ano pa'ng sabihin nito, hindi siya magpapapilit."Hay naku! Wala ba talaga ang salitang fun sa version mo ng Merriam?"Fun? Luxury iyon para sa mga normal na estudyante. 'Yong mga pinag-aaral talaga ng mga magulang nila."May kraken sanang umahon mula sa dagat at
Puno ng fun at adventure ang araw na ito. Maliban sa swimming ay may mga water activities din na nakalaan para sa kanila. Hayun at nag-uunahan na sa pagsampa sa banana boat ang mga kasama ngunit si Hasmine ay mas piniling maglunoy sa hanggang tuhod na tubig-dagat kasama ni Tiya Letty."Tatanda ka talagang dalaga sa pagsama-sama mo sa akin." Binalingan ni Letty ang anak. "Voltaire, isama ninyo naman si Hasmine.""Tiyang, ayoko ho.""Para ka talagang matanda. Binuburo mo ang sarili mo.""'Lika na, Min. Huwag nang pakipot."Walang nagawa ang pag-ayaw niya nang hilahin siya ng mga pinsan. Magkatulong na hinila na siya ng mga ito patungo sa rubber boat na nakasampa pa sa dalampasigan."Don't worry, I'll make sure na safe ka," si Luke na umibis pa sa jetski na siyang maghihila sa banana boat. Wow ha! May continuation pa rin pala ang pagiging mabait nito. Inaamin niyang napapanatag naman kahit papa'no ang pakiramdam niya. "Upo ka na." Todo alalay pa ito na makasampa siya sa inflated rubber.
Hindi inaasahan ni Hasmine na makikita si Luke na naghihintay sa kanya sa labas ng eskwelahan. Nakaupo ito sa motor at nakangiting nakaantabay sa kanya. Looking as handsome as ever with that usual sweet smile na nagpapakabog ng puso niya. Nginitian lang siya ni Luke, nagiging abnormal na kaagad ang tibok ng puso niya. Ilang araw din itong hindi napadaan sa bahay kaya siguro tila excited siyang makita ito, ipinagpalagay niya na lang."Saan ka ba nagsususuot? Ilang araw ka ring di napadaan sa bahay." At least, ngayon ay nagagawa na niya itong biruin ng ganito.Sumilay ang pilyong ngiti ni Luke. "Miss me?""Kapal." Kahit 'yon ang totoo, syempre hindi siya aamin. Pinatulis pa niya ang nguso. Umakto siyang disinterested sa lalaki.Simula nang manggaling sila sa Batangas dalawang linggo na ang nakararaan ay mas naging magaang na ang pakikitungo nila ni Luke sa isa't-isa. Minsan nga kapag dumadaan ito sa bahay ay may kung anu-ano itong iniaabot sa kanya. Aaminin niya, habang lumalaon ay nag
Naging mailap ang antok kay Hasmine nang nagdaang gabi. Pabiling-biling na siya sa higaan ay ayaw pa rin siyang dalawin ng antok. Ang ikinaiinis pa niya, bigla na lang lumilitaw ang imahe ni Luke sa kanyang isipan. Idilat man o ipikit ang mga mata, mukha nito ang nai-imagine niya. Ang nangyari tuloy ay inumaga siya ng gising. Napabalikwas siya ng bangon nang matanto ang oras sa wall clock na kanyang namulatan. "Inay ko po! Mabubungangaan ako ni Tiyang."Halos lundagin na niya ang higaan at hindi na pinagkaabalahang magsuot ng sapin sa paa. Pahablot niyang kinuha ang nakasabit na tuwalya at halos patakbo nang lumabas ng silid. Ang ayusin ang gusot na buhok ang pinakahuli niyang pagtutuunan ng pansin. bahala na, sila-sila lang naman ang tao sa bahay. 'Yon ang pagkakamali niya. Naratnan niyang kasalukuyan nang nagbi-breakfast ang lahat at naroroon si Luke, kasalo ng mga ito. Panandaliang nag-ugnay ang mga titig nila. Bigla tuloy niyang natsek ang sarili. Wala sa ayos ang buhok, baka m
Valentine's Day.Sumisigaw ng araw ng mga puso ang bawat sulok sa paligid. Wala naman siyang pakialam dati sa okasyon pero ngayon, pakiwari niya naiinggit siya sa mga magkakapareha at sa mga babaeng may hawak na bulaklak, balloons at chocolates. Ang kahera ng tiyahin sa palengke ay abot hanggang tainga ang ngiti habang ipinagmamalaki ang bulaklak na bigay ng kasintahan nitong kargador.‘Sarap lang ihambalos ng bulaklak na hawak,’ sa isip-isip niya kanina. Walang katuturang inggit pero wala siyang magagawa, ganoon ang nararamdaman niya sa ngayon.Kahit sina Tiya Letty at Tiyo Roman ay may date ngayon. Hayun at maaga raw na magsasarado ng pwesto. Sina LynLyn naman at Voltaire naman ay pare-parehong may lakad kasama ang mga kaibigan. Samantalang siya, heto, stuck sa daan. Namatayan ba naman ng makina ang jeep na sinasakyan niya. Sa kamalas-malasan. Kaya, nagbaka-sakali siya na may masakyan ulit. Punuan pa man din ang mga sasakyan ngayon.Nayayamot at nababahala na siya habang tumatakbo a
"Promise," nakataas ang kamay na sagot ni Luke. Ramdam niya ang tuwa sa boses nito. ‘Di sinasadyang napadako ang tingin niya sa katabing kotse. Kita mula sa labas ng hindi tinted na bintana ang paghahalikan ng mga nasa loob. Mali, ‘di lang basta naghahalikan, naglalaplapan pa. Walang pakialam na may makakita. Nakakaeskandalo ang tagpo pero ang mga mata niya ay nanatiling nakamasid sa dalawa.Ano kaya ang pakiramdam ng may kahalikan? Ewan niya ngunit tila nag-iinit ang sulok ng kanyang pisngi. "Gusto mo i-try natin?"Napapahiya siya nang matuklasang ngingiti-ngiti si Luke na nakalingon sa kanya. Natampal niya si Luke sa balikat. "Sira! Mag-drive ka na nga lang.”Ang gago, tumawa lang nang malakas. “Di nagtagal at narating nila ang destinasyon. Buong akala niya ay sa isang kainan siya dadalhin ng binate pero residential area sa kung saang sulok ng Maynila siya nito dinala. Isang bakanteng lote sa ‘di kalayuan ang pinasukan nila na ang tanging nasa loob ay mga halaman sa iba-ibang var
Pushing someone away no matter how dear he is could be the hardest decision one could ever make. At kapag tuluyan nang lumayo ang taong ‘yon, magsisimula naman ang panghihinyang, ang pananabik.Tinotoo ni Luke ang sinabi nito. He kept his distance. Suddenly, they became strangers to each other again. Noong minsang dinaanan nito si Voltaire sa bahay, ni hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin. Kahit isang sulyap man lang. Mas mabuti pa nga noon, pinapansin siya ni Luke. Tinatadtad man siya ng pambubuska, napapansin pa rin siya.Lihim na nasasaktan siya sa nangyayari. May mga araw na natutulala na lang siya habang nakatitig sa kawalan. May mga gabi na hindi siya makatulog sa kakaisip dito. Minsan, kapag nasa bungad na siya ng gate, naiisip niya nab aka nandoon na si Luke at naghihintay sa kanya.Nakaka-miss din naman pala.Ang baliw niyang puso, name-miss na si Luke. Tunay.Minsan, nakita niya ang facebook profile nito sa timeline ni Lyn-Lyn, naengganyo siyang makisilip sa kung ano
Pushing someone away no matter how dear that person is could be the hardest decision one could ever make. At kapag tuluyan nang lumayo ang taong ‘yon, magsisimula naman ang panghihinyang, ang pananabik.Tinotoo ni Luke ang sinabi nito. He kept his distance. Suddenly, they became strangers to each other again. Noong minsang dinaanan nito si Voltaire, ni hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin. Mas mabuti pa nga noon, pinapansin siya ni Luke.Lihim na nasasaktan siya. May mga araw na natutulala na lang siya. May mga gabi na hindi siya makatulog kakaisip dito.Ang baliw niyang puso, nami-miss na si Luke. Kahit ang pangungulit nito. Minsan, nakita niya ang facebook profile nito sa timeline ni Lyn-Lyn, naengganyo siyang makisilip sa kung ano nang kaganapan sa buhay nito. Ngayon siya nagsisisi kung bakit sa kaengutan niya ay d-in-elete pa niya ang friend request nito. Ilang ulit din itong nangulit, ganoon din kadaming beses niyang ni-reject. Nong minsang pabiro din nitong hiniling ang