Share

AT FIRST GLANCE
AT FIRST GLANCE
Author: Grace Ayana

1

Author: Grace Ayana
last update Last Updated: 2025-02-19 17:43:44

"Ang iingay!"

Sa sarili ay lihim na himutok ni Hasmine. Nasa kusina man kasama ng kanyang Tiya Letty ay nanunuot pa rin sa kanyang taynga ang ingay na nagmumula sa ibaba. May kumakanta sa videoke nang wala naman sa tono, may naggigitara, at naghahalakhakan ng malakas.

Dapat ay worksheets sa natitirang accounting subjects ang inaatupag niya pero heto at sa pagtatadtad ng mga sangkap at sa paghuhugas nagugugol ang kanyang oras. 

"Min, dalhin mo na muna ito kina Voltaire at baka naubusan na ng pagkain 'yong mga bisita."

Anak nitong si Voltaire na pinsang buo niya ang tinutukoy. Nagsi-celebrate ito ng kaarawan ngayon kaya may mga panauhin sa bahay.

"Pwede ho bang si LynLyn na lang Tiyang?"

Tutal, mas gusto naman ng pinsan ang nakikipagtsikahan sa mga bisita. Di pa rin naman niya tapos hugasan ang mga pinggan. Nauso na't lahat ang disposable utensils pero heto ang tiyahin breakables pa rin ang gjnagamit.

"Inutusan ko si LynLyn sa kanto. Naubusan tayo ng pineapple juice para dito sa Hamonada ko. Kailangan masarap ito. Mamaya sabihin ng mga kaibigan ni Voltaire na di natin kayang maghain ng masarap."

Ang tiyang niya sobrang aligaga pagdating sa mga kaibigan ng unico hijo. Kaya nga namimihasa na tumambay sa kanila ang mga ito dahil alagang Tiya Letty at Tiyo Roman at habang masaya ang mga ito sila naman ni LynLyn ang naiiwan sa mga hugasin at sandamakmak na kalat.

Tinuyo niya sa gilid ng apron ang basang kamay at binitbit palabas ang tray ng appetizers na kukutkutin ng mga panauhin bago pa man ang hapunan.

Ibig sabihin, ilang oras pa silang magbababad sa kusina.

Lihim siyang napasimangot sa nakikitang kalat sa labas. May isa pang guest na walang pakundangang ipinatong sa gilid ng mesa na nahahanigan ng puting table cloth ang sapatos. Kaybigat pa naman niyong labhan at di pwedeng ilunod sa washing machine dahil woolen material.

Sa kabila pang table nakaupo ang grupo ng tatlong babae na halos lumuwa na ang mga singit sa iikli ng mga shorts. Mabuti't pinayagan ito ng mga magulang sa ganoon ka-provocative na mga kasuotan.

"Hi, Minmin!"

Si Jeff, kabarkada ni Voltaire na kaagad lumapit nang makita ang homemade chicharon na bitbit niya. Walang inhibisyong sinaksak nito sa bibig ang pagkain hindi pa man niya tuluyang nailapag sa skirted na mesa.

"Bakit ba kayong mga Bisaya ang hihilig ninyo sa palayaw na inulit-ulit. Halimbawa, Lyn-Lyn, Min-Min."

Wala ba talagang ibang matinong sasabihin ang isang ito? Discriminating at nagpapakita ng superiority complex.

Inignora niya ang sinabi nito at nagpatuloy sa ginagawa.

"Buti naman at hindi Tir-Tir ang palayaw mo Voltaire o di naman Kaya ay Titi."

Hagalpakan ng tawa ang mga naroroon maliban sa kanya. Ang nakakainis ay sinakyan pa ito ng pinsan.

'Mabilaukan ka sanang bastos ka.'

"Pero pinaka-cute pa rin sa lahat ang MinMin," walang patumanggang pagpapatuloy nito. "Para lang nagtatawag ng kuting. Meow, mweow!"

Doon na siya nag-angat ng mukha.

"Tapunan kaya kita ng juice."

One-punch-liner na nagpatahimik sa lalaki. Pati ang ibang naroroon ay napahinto sa pagtawa. Si Voltaire ay kaagad napalapit. Tahimik siyang tao pero alam ng pinsan na paminsan-minsan ay lumalabas din ang volcanic temper niya.

"Tantanan mo na si Hasmine," utos kay Jeff habang hinahawakan siya sa braso at iginiya paakyat sa hagdanan. "Sige na Min, umakyat ka na muna sa taas."

Mabuti pa nga at baka pati ang chicharon ay itapon niya sa ulo nito. Eksaktong nasa unang baitang na siya nang marinig ang ugong ng papahintong motorsiklo. Kasunod non ang tili ng isa sa mga babaeng naroroon.

Napalingon siya. Tama ang hinala niya, dumating na ang kanina pa hinahanap ni Tiya Letty, ang ultimate crush nong babaeng tumili. Si Lucas Castaneda o mas kilala sa palayaw na Luke na kasalukuyang umiibis ng motorsiklo nito.

Isa pa ito. Ang dahilan kung bakit nakikigaya si Jeff sa panloloko sa kanya.

May pasuklay-suklay pa ng buhok matapos alisin sa ulo ang helmet. Pagkatapos ay ubud-tamis itong ngumiti. Hmmp. Akala siguro kung sinong hollywood actor.

Kiringking.

Sa sarili niya nang makita ang di maitagong kilig ng isa sa mga babae na kaagad pumulupot sa beywang nito. Wala man lang tinitirang dignidad sa sarili at hayagan nang nagpapakita ng motibo sa lalaki. Para sa kanya, gaano man kamoderno ang panahon dapat may reservation pa rin ang mga babae.

"Late ka na naman pogi."

Gwapo nga naman talaga si Luke. Yong tipong may angas, puno ng kumpiyansa sa sarili. The usual handsomely-rugged na karaniwang bida sa pelikula at kinaiinlaban ng mga babae. Maliban sa kanya.

Ano nga ba ang gusto niya? Wala siyang makapang sagot sa sariling katanungan. Sa lahat ng oras ay iniiwasan niyang tumingin sa mga Adan. Para sa kanya distractions ang mga ito sa mga mithiin sa buhay.

Tuluyan na ngang nakapasok si Luke at napagawi sa kanya ang tingin nito.

"Hi Min!"

It was supposed to be a cheerful greeting, pero alam niyang kasunod niyon ay kung ano na namang kalokohan mula sa bibig nito. Ilang buwan na ring ganito si Luke. Binibiro-biro siya at pinagloloko na dati-rati'y naman ay halos hindi sila magpansinan.

Bago pa man ito makagawa ng mga aktwasyon na ikasisira ng sira na nga niyang araw ay minabuti niyang pumanhik sa itaas.

'Bakit ba ako nakikiusyuso?'

Nagpatuloy siya sa pag-akyat sa hagdanan.

"Kumusta ang mga bisita natin?" si Tiya Letty nang mapasukan sa kusina.

"Awa ng Dios halos mabulunan sa paglamon."

Inilapag niya sa mesa ang tray at binalikan ang hugasin.

"Wala bang mga kusina ang mga yan, Tiyang?" Di naiwasang isatinig niya ang matagal ng laman ng kanyang isipan. "Lagi kasi dito kahit wala namang okasyon."

"Abay umandar na naman ang pagiging anti-social mo."

"Wow ha! Si Tiyang may anti-social pang nalalaman."

Parehong napako ang tingin nila sa kadarating na si LynLyn. Kapapasok bitbit ang pinabili.

"Saang lupalop ka ba ng mundo nagsususuot ha?" ang tiyahin na tinapunan ito ng masamang tingin.

"Tiyang, sa kabilang kanto pa ho ako pumunta, naubusan si Aling Mareng," pagpapaliwanag nito.

"Ng ganyan ang itsura?"

"Bakit, anong masama sa suot ko?"

Kay ikli ng shorts nito at kayhapit ng blouse.

"At saka yang mukha mong napupuno ng kolorete," di naiwasang puna niya.

"Nakisali pa talaga si Sister Joyce Bernal."

Maikli ang buhok niya kaya yon ang tukso ng pinsan sa kanya at conservative daw siya kaya madalas tinatawag siyang sister.

"Nagpapapansin ka lang don sa mga bisita."

Pansamantalang nahinto si LynLyn sa gagawin sanang pagbubukas ng ref. "Anong masama, aber? I am a normally functioning woman."

"Woman. Hoy! Adolescent ka pa lang."

Umismid Ito. "If I knew, type mo rin isa sa mga 'yon."

Naimbyerna siya sa sinabi nito. "Hoy Jennilyn, magtigil ka! Kahit kailan wala akong magugustuan sa mga 'yon."

Umingos lang ito.

"Kahit ang prince charming kong si Luke? "

Napahumindig siya sa narinig. Pati ba naman ito?

Paano ba siya magkakagusto sa Luke na iyon kung ang tanging alam nitong gawin ay ang inisin kahit nanahimik siya.

"I*****k mo sa baga mo ang Luke na 'yon."

"Talaga lang ha?" nakangising tanong na nakatingin sa gawing pintuan.

Naumid siya nang matuklasang nakatayo nga si Luke sa pintuan at sa kanya nakatitig. Sa mga mata ay naroroon ang tila disappointment? Pero nagkakamali siya nang marinig ang sinabi nito pagkatapos.

"Don't you worry, di rin kita type," anito at ngumusi. Na para bang sinasabi nitong 'sino ka bang maganda?'

Di na siya nabigyan ng pagkakataong suplahin ito dahil nabaling na kay Tiyang ang atensyon nito.

"Magandang araw sa pinakapaborito kong Tita."

Yakap na nito sa likuran ang tiyahin at pinupog ng halik sa pisngi.

"Eh ang baho-baho ko anak."

Unbelievable. Ang tiyahin niya kinikilig pa.

"Ang bango niyo nga. Parang humahalimuyak sa bango."

No wonder, kayrami nitong nabobolang babae.

"Hi Lyn!"

Isa pa itong si Lyn-Lyn, nag-i-star ang mga mata sa kilig. Kung anu-ano ang napagkikwentuhan ng tatlo nang di siya kasali. She is completely out of the picture. Habang nagtatawanan ang mga ito seryoso at tahimik lang siya. Usually naman siya ang madalas na kinukulit nito.

"Luke, anak ano nga pala ang kailangan mo?"

Pansamantala itong umalis at nang magbalik ay bitbit na ang dalawang pots ng succulent plants.

"Pandagdag sa koleksyon ninyo."

At sa aalagaan niya.

"Therapeutic ito, pampawala ng epekto ng regla."

Bagama't nakatalikod alam niyang siya ang pinatutungkulan ni Luke ng sinabi nito at ng paghagikgikan ng tatlo.

"Kukuha na rin ho ako ng baso."

Nasa harap siya ng lababo at nasa kanang bahagi niya ang lalagyan ng mga utensils at natural na sa maliit na espasyong napapagitnaan niya at ng working bench ito dadaan.

"Inutos mo na lang sana yan. Nakakahiya at nakita mo pa itong magulong kusina."

Tyempong sa mismong likod pa niya huminto si Luke daan upang mas mapadikit pa siya sa lababo at ang mas nakakaimbyerna ay ang pagdikit sa kanya ng katawan nito. Naaasiwa siya.

"Okay lang ho yon, Tita. I like it when everything is imperfect."

Bakit pakiwari niya ay siya ang imperfect na yon. Bigla ang pagbangon ng consciousness. Ang baho na nga niya siguro. Nakahinga lang siya ng maluwag nang tuluyan na itong umalis sa likod niya.

Ngunit bago ito lumabas ay bumulong pa ito sa kanya.

"Huwag masyadong bumusangot, masyado kang pumapangit," at loloko-lokong tumawa.

Nasundan na lang niya ito ng matatalim na pukol sa likuran.

Related chapters

  • AT FIRST GLANCE   2

    Kagagaling niya lang sa unibersidad na pinapasukan at naisipan niyang sumaglit sa pinakamalapit na mall, may bibilhin lang siyang gamit sa eskwela. Pagkatapos ay dumaan muna sa isang bookstore na nagtitinda ng mga used books at iba pang literary items. Total, maaga pa naman.Binuklat-buklat niya ang librong gawa ni Tom Clancy. Mas gusto niya ang mga ganitong genre dahil nai-stimulate and utak niya. Nada sa kanya ang romance. Masyadong cheesey, corny."Hmmp, Red Rabbit."Napapitlag siya nang may biglang nangusap sa kayang likuran at binasa ang title ng librong hawak niya.Of all people, si Luke pa talaga.Hanggang dito ba naman ay magkukrus ang mga landas nila? Inignora niya ang presensya nito. Saan kaya galing to? May sukbit ng camera sa leeg. Baka may photoshoot, naisip niya."Patingin nga."Walang anu-anong kinuha nito mula sa mga kamay niya ang aklat."Akin na nga yan!"Inis na pilit niyang hinablot mula rito ang aklat. Kayraming aklat sa paligid ang hawak pa talaga niya ang pagdid

    Last Updated : 2025-02-19
  • AT FIRST GLANCE   3

    Kaarawan ni Tiyo Romy kinabukasan. Mag-a-out of town silang buong mag-anak sa isang resort sa Batangas."Alin kayang isusuot ko, Min?"Di magkandaugaga si LynLyn sa pagpili sa mga swimwears na binili kahapon sa ukay-ukay. Kinaladkad pa siya nito para samahan, di pa man siya nakapagpalit ng uniporme para lang gawing critique ."Ito kaya?"Nakataas sa ere ang kulay pulang two-piece swimwear."Sige isuot mo yan at nang mapingot ka ni Tiyang.""Palibhasa, pareho kayong conservative. Mamaya, magduster si Tiyang. Ikaw nga pala, ano bang isusuot mo?""Hindi naman ako maliligo.""Anilao yon. I'm sure maganda don.""Pwede na siguro yong jersey shorts ko," aniya na inginuso ang shorts na nakasampay sa monoblock chair."Di ka pa nagsasawa diyan?" Tinitigan ito ng pinsan na para bang yon na ang pinaka-unpleasant na tanawan sa ibabaw ng lupa. May halo pa talagang ngiwi."Okay na yan." Di naman niya kailangang magpa-impress. Kanino naman siya magpapasikat? Isa pa, babaunin pa rin niya ang mga schoo

    Last Updated : 2025-02-19
  • AT FIRST GLANCE   4

    "Good morning."Napahumindig siya nang matuklasang si Luke ang mismong katabi niya, ang pinakainiiwasan niya. Tuluyan nang nawala ang antok niya sa isiping katabi niya ito sa buong biyahe. Talagang nananadya ito."Anong ginagawa mo rito?" sa daan siya nakatingin at nakakrus ang mga bisig sa dibdib. Ang simangot ay di nagawang burahin sa mukha niya."Nauupo.""Pilosopo. Bakit dito ka umupo?" Kung nakamamatay lang ang irap malamang kanina pa ito bumulagta."Grabe siya, oh. Ginawa mo na nga akong unan buong biyahe. What an ingrate!"Naningkit ang mga mata niya sa sinabi nito. "Hindi ako ingrato."Ang tiyuhin bagama't sa daan nakatutok ang pansin ay natatawa sa palitan nila ng banters."Mas lalong hindi ako naghihilik." Medyo nabawasan ang kumpiyansa niya. Naghihilik daw siya ayon kay LynLyn. Pero hindi naman daw malakas. O, eh, ano ngayon?"'Di raw."Nakita niyang inilabas ni Luke ang cellphone nito at may ini-scroll sa gallery at ipinakita sa kanya."See."Talagang nakasandal nga siya s

    Last Updated : 2025-02-19
  • AT FIRST GLANCE   5

    "Ano ba 'yan? Hanggang dito ba naman schoolwork pa rin ang aatupagin mo? Naririto tayo para magsaya. Sayang ang dagat kung 'di natin mapagsasamantalahan."Sa haba ng litanya ni LynLyn tanging kibit-balikat lang ang kanyang tugon. Nakapako pa rin sa screen ng laptop ang kanyang mga mata. Sinadya niya iyong bitbitin para maipagpatuloy niya ang mga nakabinbing gawain. Ayaw niyang eleventh hour gawin ang mga takdang aralin."Hoy!" Umupo ang pinsan sa tabi niya at panay Ang sundot nito sa kanyang tagiliran."Jennilyn Marie!" Kapag buong pangalan na nito ang sinasambit niya, malamang inis na siya. May kasama pang panlalaki ng mga mata nang lingunin niya ito."Magmumungha ka na naman. Mamaya pagbalik ko madre ka na.""Tsupe!" Kahit ano pa'ng sabihin nito, hindi siya magpapapilit."Hay naku! Wala ba talaga ang salitang fun sa version mo ng Merriam?"Fun? Luxury iyon para sa mga normal na estudyante. 'Yong mga pinag-aaral talaga ng mga magulang nila."May kraken sanang umahon mula sa dagat at

    Last Updated : 2025-02-21
  • AT FIRST GLANCE   6

    Puno ng fun at adventure ang araw na ito. Maliban sa swimming ay may mga water activities din na nakalaan para sa kanila. Hayun at nag-uunahan na sa pagsampa sa banana boat ang mga kasama ngunit si Hasmine ay mas piniling maglunoy sa hanggang tuhod na tubig-dagat kasama ni Tiya Letty."Tatanda ka talagang dalaga sa pagsama-sama mo sa akin." Binalingan ni Letty ang anak. "Voltaire, isama ninyo naman si Hasmine.""Tiyang, ayoko ho.""Para ka talagang matanda. Binuburo mo ang sarili mo.""'Lika na, Min. Huwag nang pakipot."Walang nagawa ang pag-ayaw niya nang hilahin siya ng mga pinsan. Magkatulong na hinila na siya ng mga ito patungo sa rubber boat na nakasampa pa sa dalampasigan."Don't worry, I'll make sure na safe ka," si Luke na umibis pa sa jetski na siyang maghihila sa banana boat. Wow ha! May continuation pa rin pala ang pagiging mabait nito. Inaamin niyang napapanatag naman kahit papa'no ang pakiramdam niya. "Upo ka na." Todo alalay pa ito na makasampa siya sa inflated rubber.

    Last Updated : 2025-02-21
  • AT FIRST GLANCE   7

    Hindi inaasahan ni Hasmine na makikita si Luke na naghihintay sa kanya sa labas ng eskwelahan. Nakaupo ito sa motor at nakangiting nakaantabay sa kanya. Looking as handsome as ever with that usual sweet smile na nagpapakabog ng puso niya. Nginitian lang siya ni Luke, nagiging abnormal na kaagad ang tibok ng puso niya. Ilang araw din itong hindi napadaan sa bahay kaya siguro tila excited siyang makita ito, ipinagpalagay niya na lang."Saan ka ba nagsususuot? Ilang araw ka ring di napadaan sa bahay." At least, ngayon ay nagagawa na niya itong biruin ng ganito.Sumilay ang pilyong ngiti ni Luke. "Miss me?""Kapal." Kahit 'yon ang totoo, syempre hindi siya aamin. Pinatulis pa niya ang nguso. Umakto siyang disinterested sa lalaki.Simula nang manggaling sila sa Batangas dalawang linggo na ang nakararaan ay mas naging magaang na ang pakikitungo nila ni Luke sa isa't-isa. Minsan nga kapag dumadaan ito sa bahay ay may kung anu-ano itong iniaabot sa kanya. Aaminin niya, habang lumalaon ay nag

    Last Updated : 2025-02-21
  • AT FIRST GLANCE   8

    Naging mailap ang antok kay Hasmine nang nagdaang gabi. Pabiling-biling na siya sa higaan ay ayaw pa rin siyang dalawin ng antok. Ang ikinaiinis pa niya, bigla na lang lumilitaw ang imahe ni Luke sa kanyang isipan. Idilat man o ipikit ang mga mata, mukha nito ang nai-imagine niya. Ang nangyari tuloy ay inumaga siya ng gising. Napabalikwas siya ng bangon nang matanto ang oras sa wall clock na kanyang namulatan. "Inay ko po! Mabubungangaan ako ni Tiyang."Halos lundagin na niya ang higaan at hindi na pinagkaabalahang magsuot ng sapin sa paa. Pahablot niyang kinuha ang nakasabit na tuwalya at halos patakbo nang lumabas ng silid. Ang ayusin ang gusot na buhok ang pinakahuli niyang pagtutuunan ng pansin. bahala na, sila-sila lang naman ang tao sa bahay. 'Yon ang pagkakamali niya. Naratnan niyang kasalukuyan nang nagbi-breakfast ang lahat at naroroon si Luke, kasalo ng mga ito. Panandaliang nag-ugnay ang mga titig nila. Bigla tuloy niyang natsek ang sarili. Wala sa ayos ang buhok, baka m

    Last Updated : 2025-02-21
  • AT FIRST GLANCE   9

    Valentine's Day.Sumisigaw ng araw ng mga puso ang bawat sulok sa paligid. Wala naman siyang pakialam dati sa okasyon pero ngayon, pakiwari niya naiinggit siya sa mga magkakapareha at sa mga babaeng may hawak na bulaklak, balloons at chocolates. Ang kahera ng tiyahin sa palengke ay abot hanggang tainga ang ngiti habang ipinagmamalaki ang bulaklak na bigay ng kasintahan nitong kargador.‘Sarap lang ihambalos ng bulaklak na hawak,’ sa isip-isip niya kanina. Walang katuturang inggit pero wala siyang magagawa, ganoon ang nararamdaman niya sa ngayon.Kahit sina Tiya Letty at Tiyo Roman ay may date ngayon. Hayun at maaga raw na magsasarado ng pwesto. Sina LynLyn naman at Voltaire naman ay pare-parehong may lakad kasama ang mga kaibigan. Samantalang siya, heto, stuck sa daan. Namatayan ba naman ng makina ang jeep na sinasakyan niya. Sa kamalas-malasan. Kaya, nagbaka-sakali siya na may masakyan ulit. Punuan pa man din ang mga sasakyan ngayon.Nayayamot at nababahala na siya habang tumatakbo a

    Last Updated : 2025-02-21

Latest chapter

  • AT FIRST GLANCE   12

    Pushing someone away no matter how dear he is could be the hardest decision one could ever make. At kapag tuluyan nang lumayo ang taong ‘yon, magsisimula naman ang panghihinyang, ang pananabik.Tinotoo ni Luke ang sinabi nito. He kept his distance. Suddenly, they became strangers to each other again. Noong minsang dinaanan nito si Voltaire sa bahay, ni hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin. Kahit isang sulyap man lang. Mas mabuti pa nga noon, pinapansin siya ni Luke. Tinatadtad man siya ng pambubuska, napapansin pa rin siya.Lihim na nasasaktan siya sa nangyayari. May mga araw na natutulala na lang siya habang nakatitig sa kawalan. May mga gabi na hindi siya makatulog sa kakaisip dito. Minsan, kapag nasa bungad na siya ng gate, naiisip niya nab aka nandoon na si Luke at naghihintay sa kanya.Nakaka-miss din naman pala.Ang baliw niyang puso, name-miss na si Luke. Tunay.Minsan, nakita niya ang facebook profile nito sa timeline ni Lyn-Lyn, naengganyo siyang makisilip sa kung ano

  • AT FIRST GLANCE   11

    Pushing someone away no matter how dear that person is could be the hardest decision one could ever make. At kapag tuluyan nang lumayo ang taong ‘yon, magsisimula naman ang panghihinyang, ang pananabik.Tinotoo ni Luke ang sinabi nito. He kept his distance. Suddenly, they became strangers to each other again. Noong minsang dinaanan nito si Voltaire, ni hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin. Mas mabuti pa nga noon, pinapansin siya ni Luke.Lihim na nasasaktan siya. May mga araw na natutulala na lang siya. May mga gabi na hindi siya makatulog kakaisip dito.Ang baliw niyang puso, nami-miss na si Luke. Kahit ang pangungulit nito. Minsan, nakita niya ang facebook profile nito sa timeline ni Lyn-Lyn, naengganyo siyang makisilip sa kung ano nang kaganapan sa buhay nito. Ngayon siya nagsisisi kung bakit sa kaengutan niya ay d-in-elete pa niya ang friend request nito. Ilang ulit din itong nangulit, ganoon din kadaming beses niyang ni-reject. Nong minsang pabiro din nitong hiniling ang

  • AT FIRST GLANCE   10

    "Promise," nakataas ang kamay na sagot ni Luke. Ramdam niya ang tuwa sa boses nito. ‘Di sinasadyang napadako ang tingin niya sa katabing kotse. Kita mula sa labas ng hindi tinted na bintana ang paghahalikan ng mga nasa loob. Mali, ‘di lang basta naghahalikan, naglalaplapan pa. Walang pakialam na may makakita. Nakakaeskandalo ang tagpo pero ang mga mata niya ay nanatiling nakamasid sa dalawa.Ano kaya ang pakiramdam ng may kahalikan? Ewan niya ngunit tila nag-iinit ang sulok ng kanyang pisngi. "Gusto mo i-try natin?"Napapahiya siya nang matuklasang ngingiti-ngiti si Luke na nakalingon sa kanya. Natampal niya si Luke sa balikat. "Sira! Mag-drive ka na nga lang.”Ang gago, tumawa lang nang malakas. “Di nagtagal at narating nila ang destinasyon. Buong akala niya ay sa isang kainan siya dadalhin ng binate pero residential area sa kung saang sulok ng Maynila siya nito dinala. Isang bakanteng lote sa ‘di kalayuan ang pinasukan nila na ang tanging nasa loob ay mga halaman sa iba-ibang var

  • AT FIRST GLANCE   9

    Valentine's Day.Sumisigaw ng araw ng mga puso ang bawat sulok sa paligid. Wala naman siyang pakialam dati sa okasyon pero ngayon, pakiwari niya naiinggit siya sa mga magkakapareha at sa mga babaeng may hawak na bulaklak, balloons at chocolates. Ang kahera ng tiyahin sa palengke ay abot hanggang tainga ang ngiti habang ipinagmamalaki ang bulaklak na bigay ng kasintahan nitong kargador.‘Sarap lang ihambalos ng bulaklak na hawak,’ sa isip-isip niya kanina. Walang katuturang inggit pero wala siyang magagawa, ganoon ang nararamdaman niya sa ngayon.Kahit sina Tiya Letty at Tiyo Roman ay may date ngayon. Hayun at maaga raw na magsasarado ng pwesto. Sina LynLyn naman at Voltaire naman ay pare-parehong may lakad kasama ang mga kaibigan. Samantalang siya, heto, stuck sa daan. Namatayan ba naman ng makina ang jeep na sinasakyan niya. Sa kamalas-malasan. Kaya, nagbaka-sakali siya na may masakyan ulit. Punuan pa man din ang mga sasakyan ngayon.Nayayamot at nababahala na siya habang tumatakbo a

  • AT FIRST GLANCE   8

    Naging mailap ang antok kay Hasmine nang nagdaang gabi. Pabiling-biling na siya sa higaan ay ayaw pa rin siyang dalawin ng antok. Ang ikinaiinis pa niya, bigla na lang lumilitaw ang imahe ni Luke sa kanyang isipan. Idilat man o ipikit ang mga mata, mukha nito ang nai-imagine niya. Ang nangyari tuloy ay inumaga siya ng gising. Napabalikwas siya ng bangon nang matanto ang oras sa wall clock na kanyang namulatan. "Inay ko po! Mabubungangaan ako ni Tiyang."Halos lundagin na niya ang higaan at hindi na pinagkaabalahang magsuot ng sapin sa paa. Pahablot niyang kinuha ang nakasabit na tuwalya at halos patakbo nang lumabas ng silid. Ang ayusin ang gusot na buhok ang pinakahuli niyang pagtutuunan ng pansin. bahala na, sila-sila lang naman ang tao sa bahay. 'Yon ang pagkakamali niya. Naratnan niyang kasalukuyan nang nagbi-breakfast ang lahat at naroroon si Luke, kasalo ng mga ito. Panandaliang nag-ugnay ang mga titig nila. Bigla tuloy niyang natsek ang sarili. Wala sa ayos ang buhok, baka m

  • AT FIRST GLANCE   7

    Hindi inaasahan ni Hasmine na makikita si Luke na naghihintay sa kanya sa labas ng eskwelahan. Nakaupo ito sa motor at nakangiting nakaantabay sa kanya. Looking as handsome as ever with that usual sweet smile na nagpapakabog ng puso niya. Nginitian lang siya ni Luke, nagiging abnormal na kaagad ang tibok ng puso niya. Ilang araw din itong hindi napadaan sa bahay kaya siguro tila excited siyang makita ito, ipinagpalagay niya na lang."Saan ka ba nagsususuot? Ilang araw ka ring di napadaan sa bahay." At least, ngayon ay nagagawa na niya itong biruin ng ganito.Sumilay ang pilyong ngiti ni Luke. "Miss me?""Kapal." Kahit 'yon ang totoo, syempre hindi siya aamin. Pinatulis pa niya ang nguso. Umakto siyang disinterested sa lalaki.Simula nang manggaling sila sa Batangas dalawang linggo na ang nakararaan ay mas naging magaang na ang pakikitungo nila ni Luke sa isa't-isa. Minsan nga kapag dumadaan ito sa bahay ay may kung anu-ano itong iniaabot sa kanya. Aaminin niya, habang lumalaon ay nag

  • AT FIRST GLANCE   6

    Puno ng fun at adventure ang araw na ito. Maliban sa swimming ay may mga water activities din na nakalaan para sa kanila. Hayun at nag-uunahan na sa pagsampa sa banana boat ang mga kasama ngunit si Hasmine ay mas piniling maglunoy sa hanggang tuhod na tubig-dagat kasama ni Tiya Letty."Tatanda ka talagang dalaga sa pagsama-sama mo sa akin." Binalingan ni Letty ang anak. "Voltaire, isama ninyo naman si Hasmine.""Tiyang, ayoko ho.""Para ka talagang matanda. Binuburo mo ang sarili mo.""'Lika na, Min. Huwag nang pakipot."Walang nagawa ang pag-ayaw niya nang hilahin siya ng mga pinsan. Magkatulong na hinila na siya ng mga ito patungo sa rubber boat na nakasampa pa sa dalampasigan."Don't worry, I'll make sure na safe ka," si Luke na umibis pa sa jetski na siyang maghihila sa banana boat. Wow ha! May continuation pa rin pala ang pagiging mabait nito. Inaamin niyang napapanatag naman kahit papa'no ang pakiramdam niya. "Upo ka na." Todo alalay pa ito na makasampa siya sa inflated rubber.

  • AT FIRST GLANCE   5

    "Ano ba 'yan? Hanggang dito ba naman schoolwork pa rin ang aatupagin mo? Naririto tayo para magsaya. Sayang ang dagat kung 'di natin mapagsasamantalahan."Sa haba ng litanya ni LynLyn tanging kibit-balikat lang ang kanyang tugon. Nakapako pa rin sa screen ng laptop ang kanyang mga mata. Sinadya niya iyong bitbitin para maipagpatuloy niya ang mga nakabinbing gawain. Ayaw niyang eleventh hour gawin ang mga takdang aralin."Hoy!" Umupo ang pinsan sa tabi niya at panay Ang sundot nito sa kanyang tagiliran."Jennilyn Marie!" Kapag buong pangalan na nito ang sinasambit niya, malamang inis na siya. May kasama pang panlalaki ng mga mata nang lingunin niya ito."Magmumungha ka na naman. Mamaya pagbalik ko madre ka na.""Tsupe!" Kahit ano pa'ng sabihin nito, hindi siya magpapapilit."Hay naku! Wala ba talaga ang salitang fun sa version mo ng Merriam?"Fun? Luxury iyon para sa mga normal na estudyante. 'Yong mga pinag-aaral talaga ng mga magulang nila."May kraken sanang umahon mula sa dagat at

  • AT FIRST GLANCE   4

    "Good morning."Napahumindig siya nang matuklasang si Luke ang mismong katabi niya, ang pinakainiiwasan niya. Tuluyan nang nawala ang antok niya sa isiping katabi niya ito sa buong biyahe. Talagang nananadya ito."Anong ginagawa mo rito?" sa daan siya nakatingin at nakakrus ang mga bisig sa dibdib. Ang simangot ay di nagawang burahin sa mukha niya."Nauupo.""Pilosopo. Bakit dito ka umupo?" Kung nakamamatay lang ang irap malamang kanina pa ito bumulagta."Grabe siya, oh. Ginawa mo na nga akong unan buong biyahe. What an ingrate!"Naningkit ang mga mata niya sa sinabi nito. "Hindi ako ingrato."Ang tiyuhin bagama't sa daan nakatutok ang pansin ay natatawa sa palitan nila ng banters."Mas lalong hindi ako naghihilik." Medyo nabawasan ang kumpiyansa niya. Naghihilik daw siya ayon kay LynLyn. Pero hindi naman daw malakas. O, eh, ano ngayon?"'Di raw."Nakita niyang inilabas ni Luke ang cellphone nito at may ini-scroll sa gallery at ipinakita sa kanya."See."Talagang nakasandal nga siya s

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status