Napakainit ng mga palad nito at parang pamilyar na pamilyar sa kaniya ang kamay na iyon tila kamay ni Lucas. Bigla na lamang niyang nahila bigla ang kanyang kamay dahil sa gulat nang bigla na lamang nag-ring ang kanyang cellphone.Agad niyang dinukot ito sa kanyang bulsa at nang makita kung sino ang tumatawag ay nagdalawang isip pa siya kung sasagutin ba niya ang tawag o hindi ngunit sa huli ay sinagot niya na lamang ito.“Hello.” bungad niya na kalmado ang tinig.“Nasa school ka pa ba? Susunduin kita.” sabi ulit sa kaniya ni Lucas.Agad siyang tumanggi rito dahil ayaw niya munang makita ito. “Hindi. Dito na muna ako makikitulog sa isang kaklase ko dahil may project pa kaming tatapusin. Matulog kana lang ng maaga.” sagot niya.Pagkatapos niyang sabihin iyon ay kaagad niyang ibinaba ang tawag nang hindi man lang hinintay ang magiging sagot nito. Pagkatapos ay nakakbingin katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa ni Greg. pagkatapos nitong maubos ang kape ay mabilis siyang tumayo upa
Sa sumunod na sandali ay unti-unting bumaba ang bintana ng kotse at doon na lumitaw sa kaniya ang mukha ni Lucas na napakalamig ang mga matang nakatingin sa kaniya. Napakadilim ng mukha nitong nakatingin sa kaniya.“Lu-lucas?” gulat na gulat na tanong niya rito na may kasama pang panlalaki ng kanyang mga mata. “Bakit ka nandito?” dagdag pa niyang tanong rito.Hindi ba at sinabi na niya rito na sa kaklase niya siya matutulog dahil may gagawin silang project? Sinabi rin niya rito na hindi na nito kailangan pang sunduin siya pero bakit ito naroon?Sa nakalipas na dalawang araw na nakaramdam siya ng pagod at mukha siyang kaawa-awa ay tiniis niya itong hindi makita dahil ayaw niya itong istorbohin. Kahit na mag-isa siya kanina sa hosptal bed ay sinabi niya sa sarili niya na kaya na niyang mag-isa at hindi na niya kailangan pa ang kalinga ni Lucas.Pero ngayong nasa harap niya ito ay doon niya napagtanto na mali pala siya. Pero wala itong pakialam sa kaniya at wala man lang itong pagmamalas
Bigla na lamang siyang napamulat ng kanyang mga mata nang maramdaman niya ang takbo ng kotse na sobrang bilis at halos masasabi mo na tila ba nakikipagkarera na ito dahil sa sobrang bilis ng takbo nito. Ang mga kalye sa gabi ay halos walang mga sasakyan at maging sa mga tabi ng daan ay halos wala ring mga tao.Idagdag pa na ang kalsada ay napakaluwang at sobrang diin ng pagkakaapak ni Lucas sa accelerator at halos sasabog ang kanyang puso dahil sa sobrang takot. Sobrang natatakot siya. Paano kung maaksidente sila?Halos lumipad na ang kotse dahil sa sobrang bilis ng takbo nito. Napahawak na lamang siya ng mahigpit sa seatbelt at hinabol ang kanyang paghinga. Kung kanina lang ay alam niyang galit si Lucas ngayon ay sigurado siya na galit na galit ito.Ang mga taong katulad ni Lucas na mga introvert ay sanay na magkimkim ng galit nila sa kanilang sarili at minsan lamang nila iyon mailabas at ngayon nga ay tiyak na nilalabas nito ang galit nito sa pamamagitan ng pagmamaneho ng napakabili
Nang marinig niya ang sinabi nito ay kaagad na tumigil siya mula sa kanyang pag-iyak at tila ba minsanang umatras ang mga luha niya sa kanyang mga mata. Hindi niya rin inaasahan na titigil siya sa kanyang pag-iyak ng ganun-ganun lang samantalang kani-kanina lang ay halos hirap na hirap siyang pigilin ang kanyang mga luha.Sa kabilang banda naman ay halo-halong emosyon ang naramdaman ni Lucas sa mga sandaling iyon. “Takot na takot ka ba na halikan kita?” nanunuksong tanong niya rito.Hindi sumagot si Annie. Itinaas niya ang kanyang kamay at pagkatapos ay hinaplos niya ang pisngi nito gamit ang kanyang mapapayat na mga daliri at napatitig sa mga maiitim nitong mga mata. Napakalalim ng mga ito ay napakaimposibleng mabasa o ni maaninag man lang ang emosyong nakatago sa mga mata nito sa mga oras na iyon.Bigla namang itinagilid ni Annie ang kanyang ulo dahil hindi na niya matagalan pa ang mga titig nito sa kaniya. Hindi niya rin magawang ibuka ang kanyang bibig ng mga oras na iyon dahil sa
“At ang Trisha na iyon, alam niyang may asawa ka ng tao pero bakit ba patuloy ka pa rin niyang hinahabol-habol at kinukulit?” tanong niyang muli rito.“Alam mo Lucas, ako napakatapat ko sayo, sobra pa sa salitang tapat at pero ngayon ay pinapalabas mo pa na ako ang may kasalanan sayo.”Pagkatapos niyang magsalita ay mabilis siyang umalis mula sa ibabaw ni Lucas. Aalis na lamang siya doon at lilipat ng silid. Hindi niya kayang makasama ito kahit na saglit lamang dahil sa sobrang magkahalong inis at sakit dahil pakiramdam niya ay tila ba nasasakal siya.Paano nito nagagawa ang mga iyon? ‘Lucas isa kang malaking g*go! Hindi mo ako pwedeng pagsabihan ng mga ganyang bagay dahil lang sa mahal kita!’ inis na inis na sambit niya sa isip niya.Kung tutuusin ay ang may kasalanan naman talaga ay si Trisha ngunit sa halip na ito ang sisihin nito ay sakaniya pa nito ibinaling ang lahat. Joke ba ito? Dahil parang ng mga oras na iyon ay parang gusto niyang matawa dahil rito.Siya si Annie na mahal
Nang mga oras na iyon ay walang anumang takot na nararamdaman si Annie habang nakatitig sa mga mata. Determinado na siya at buong-buo na nag loob niya na sabihin rito lahat ng hinanakit niya rito.“Lucas bakit ikaw? Palagi mo nalang pinupuntahan si Trisha? Ha? Hindi porque kasal tayo ay pwede mo ng gawin ang lahat ng gusto mo, pwede kang pumunta sa babaeng iyon pero pag ako na, bawal dahil magagalit ka?”Nang matapos siyang magsalita ay tiningala niya ito at nakita niya ang mga mata nitong halos mag-apoy sa labis na galit. Ang mukha nito ay namumula dahil sa pagpipigil ng galit at ang awra nito ay kasing lamig ng yelo ng mga oras na iyon.Napakatalim ng mga titig nito at kung nakakamatay lang siguro ang titig nito ay baka kanina pa siya bumulagta sa harap nito mismo. Sa mahabang panahon na magkasama silang dalawa ay ngayon pa lamang niyang nakitang ganito ito.Sa totoo lang habang tumatagal siyang nakatitig sa mga mata nito ay nakaramdam na siya ng takot. Pakiramdam niya pa ay tila ba
Dahil sa ayaw sumagot ni Annie sa kaniya ay kung ano-ano na lang ang pumasok sa isip ni Lucas. “Annie siya iyon tama?” tanong niya rito.Agad namang nagsalubong ang mga kilay nito dahil sa tanong niya. “Sinong siya?” nalilitong tanong nito sa kaniya.“Tama na nga ang pagkukunwari mo.” malamig na sabi niya rito. “Noong bago tayo ikasal diba sinabi mo sa akin na may isang lalaki kang nagugustuhan ng matagal na panahon na hindi ba? At noong sinabi ko sayong maghihiwalay na tayo ay nabanggit mo ulit iyon sa akin. Siya ang lalaking iyon hindi ba?” sunod-sunod na tanong niya rito.Pagkatapos niyang magtanong ay bigla na lamang nanikip ang kanyang dibdib ng wala sa oras na tila ba piniga iyon at bigla na lamang siyang hindi naging komportable dahil rito. Dati, lagi niyang hinihintay ang araw na tuluyan na nga silang maghiwalay ni Annie at muli na silang babalik sa kaniya kanyang nilang mga buhay at magiging magkakilala na lamang.Ngunit ngayon dahil sa hindi malamang dahilan ay bigla na lama
“Kung ikukumpara mo ang pagiging mapagmahal mo sa akin ay wala akong panama sayo.” sabi nito sa kaniya bigla.“Tama ka, walang wala talagang panama ang pagmamahal mo.” sagot naman niya rito.Pagkatapos sabihin iyon ni Annie ay bigla na lamang sumakit ang puso niya ng wala sa oras. Galing talaga sa puso niya ang huling sinabi niyang iyon. Talagang hindi niya maipagkukumpara ang pagmamahal nito para kay Trisha dahil sa kabila ng pagpapakasal nito sa kaniya ng ilang taon at hindi pagkikita ay hindi pa rin nito nagawang kalimutan ang pagmamahal nito para sa babaeng iyon kahit na siguro makipagkumpetensiya rito ay wala siyang tiyansa na manalo kahit na katiting man lang.“Annie anong ibig mong sabihin sa sinabi mo? Minamaliit mo ba ako at pinagtatawanan?” tanong nito sa kaniya.“Hindi. Pinupuri kita MR.Montenegro.” sarkistong sabi niya rito na may pairap pa.“Hindi ko alam na matalas na pala ang dila mo ngayon .” sabi nito sa kaniya bigla.Sa katunayan ay ganun na talaga siya magsalita ngu