Share

Chapter 64.2

Dahil sa ayaw sumagot ni Annie sa kaniya ay kung ano-ano na lang ang pumasok sa isip ni Lucas. “Annie siya iyon tama?” tanong niya rito.

Agad namang nagsalubong ang mga kilay nito dahil sa tanong niya. “Sinong siya?” nalilitong tanong nito sa kaniya.

“Tama na nga ang pagkukunwari mo.” malamig na sabi niya rito. “Noong bago tayo ikasal diba sinabi mo sa akin na may isang lalaki kang nagugustuhan ng matagal na panahon na hindi ba? At noong sinabi ko sayong maghihiwalay na tayo ay nabanggit mo ulit iyon sa akin. Siya ang lalaking iyon hindi ba?” sunod-sunod na tanong niya rito.

Pagkatapos niyang magtanong ay bigla na lamang nanikip ang kanyang dibdib ng wala sa oras na tila ba piniga iyon at bigla na lamang siyang hindi naging komportable dahil rito. Dati, lagi niyang hinihintay ang araw na tuluyan na nga silang maghiwalay ni Annie at muli na silang babalik sa kaniya kanyang nilang mga buhay at magiging magkakilala na lamang.

Ngunit ngayon dahil sa hindi malamang dahilan ay bigla na lama
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status