Nangibabaw ang tinig ni Lucas sa buong silid at halos paulit-ulit niyang narinig ang mga salitang iyon sa kanyang isip. Sa mga sandaling iyon ay bigla na lamang siyang naging seryoso. Dapat ba niyang seryosohin ang sinabi nito?“Naiintindihan mo na ba?” tanong nito sa kaniya at pagkatapos ay napatitig sa kaniya habang namumula na ang mukha at namumungay ang mga mata.Dahil riot ang puso ni Annie ay bigla na lamang lumambot na kasing lambot ng unan at dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang mapuputing mga kamay at ipinalibot sa leeg nito at niyakap ito.Matapos namang makuha ang pagpayag nito ay labis na nasabik si Lucas at muling ibinaba ang kanyang ulo rito at kung kanina ay pinipigil niya pa ang kanyang sarili ngayon ay hindi na. Tuluyan na nga niyang itinapon ang lahat ng kanyang pagpipigil.Ramdam na ramdam nila pareho ang pagtaas ng temperatura sa buong silid. At maging ang kanilang mga katawan ay tila ba sinisilaban dahil sa sobrang init at maging ang kanyang puso ng mga oras na
Bigla na lamang napahawak si Lucas sa kanyang mga kilay at napahaplos doon habang magkasalubong ang mga ito. Mas kumunot pa ang kanyang noo nang makita niyang umiiyak na ito ng mga oras na iyon at halos hindi siya mapalagay.Pero hindi nagtagal ay pinili na lamang niya na huwag na lamang intindihin ang pag-iyak nito. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at pagkatapos ay humugot ng malalim na buntung hininga at pagkatapos ay tumitig ito. Nang tingnan na niya ito ay normal na ang mga titig niya at hindi na katulad kanina. “I’m sorry Annie alam kong mali ako ngayon pero alam kong hindi ako tatawagan ni Trisha ng walang dahilan lalo na at dis-oras na ng gabi. Sa ngayon ay siya na muna ang kailangan kong intindihin.” malamig na sabi niya rito.“Annie kailangan kong sagutin ang tawag niya ngayon.” dagdag pa niyang sabi rito.Nang marinig naman ito ni Annie ay malungkot siyang napangiti. Kahit na ano pa ang sabihin niya rito at kahit anong pigil pa ang gawin niya ay walang magiging silbi iyon
Masakit na inalala ni Annie ang mga kasinungalingang nag-iwan sa kanya ng mga sugat. Sinalubong niya ang malalamig nitong mga mata na nakatitig sa kaniya.“Noong nakaraang gabi ay sinagot mo ang isang tawag sa cellphone mo hindi ba? Tinanong kita kung ano ang problema pero ang isinagot mo ay wala naman pero nung nakatulog na ako ang ginawa mo? Bumangon ka at umalis at hindi ka umuwi ng buong gabi Lucas. Kung inaakala mo na hindi ko iyon alam ay nagkakamali ka dahil hindi ako nakatulog nang gabing iyon ngunit wala naman sana akong balak na sabihin sayo e.” pag-amin niya rito.“At ngayon ay halos walang ipinagkaiba dahil nakatanggap ka rin ng isang tawag ngayon at pagkatapos lamang ng ilang minuto ay nagmamadali ka ng lumabas para puntahan ang babaeng iyon hindi ba?” pagpapatuloy niya.“At anong sabi mo? Uuwi ka rin?” napailing siya. “Sa tingin mo maniniwala pa ako sa sinabi mo sa kabila ng lahat ng pagsisinungaling mo? Magpalit kaya tayo ng sitwasyon, ikaw ay ako at ako ay ikaw. Manini
Napahilot na lamang s Lucas sa kanyang mga kilay ng wala sa oras at pagkatapos ay bahagyang sumakit pa ang kanyang ulo dahil sa panlulumo, mas lalo lamang hindi siya naging komportable. “Hindi mo na siya kailangan pang sunduin, mag-book ka na lang ng taxi para abangan siya sa labas ng tapat ng bahay ng mga alas-syete y medya.” sabi nya rito.“Pero sir, sinabi na niya sa akin kahapon na ihahatid ko siya sa ospital. Baka madoble-doble ang maging sasakyan niya.” sagot naman nito kaagad sa kaniya.“Sundin mo na lang ang sinabi ko.” sabi niya rito.“Sige po sir.” mabilis naman sagot nito sa kanya. Pagkatapos patayin ang tawag ay napahilot na lamang siya sa kanyang sentido ng wala sa oras. Kung tama ang hinala niya ay hindi sasakay si Annie sa anumang sasakyan nila ngayon sa bahay kaya ang tanging naiisip niyang paraan na gagawin nito upang may masakyan ay sasakay ito ng taxi at mag-aabang sa labas ng bahay nila.Kaya lamang ay sila ay nakatira sa isang exclusive subdivision kung saan ang
Pagkalabas nga ni Annie sa ospital ay kaagad siyang sumakay ng taxi at dumiretso ng mall. Kagabi pa lamang ay napagplanuhan na niya iyon. Dahil nga sa ginawa ni Lucas ay gagantihan niya ito sa pamamagitan ng paggasta ng pera nito at sa tuwing sasaktan sya nito ay ganun na lamang ang gagawin niya para makabawi siya.Ngunit bago ang lahat ay kumain na muna siya sa isang restaurant sa mall dahil nagugutom na siya at pagkatapos ay tinawagan niya kaagad si Olivia para makasama niya sa pinaplano niya. Ilang minuto lamang ay kaagad nang dumating doon sa mall si Olivia at dali-dali niyang sinabi rito ang plano niya.Nang marinig naman ni Olivia ang plano niya ay napataas ang kamay nito sa pagsang-ayon. “Naku tama lang iyon sa kaniya no.” sabi nito. “Kung ganun ay ako ng bahala.” ngumiti ng matamis si Olivia at pagkatapos ay dali-daling hinawakan ang mga kamay niya at hinila siya nito.“Let’s go!” masayang bulalas nito at pagkatapos ay bigla na lamang siyang nagtaka nang makita niya na pasakay
Bigla na lamang nagulat si Annie nang marinig niya ang pag-ring ng kanyang cellphone. Kaagad niyang dinukot ito mula sa kanyang bag upang tingnan kung sino ang tumatawag at doon nga niya nakita na si Lucas pala ang tumatawag. Dahil rito ay mabilis niyang pinatay ang tawag nito nang hindi man lang pinag-iisipan.“Bakit hindi mo sinagot?” tanong naman sa kaniya ni Olivia bigla.“Ayokong sagutin dahil kapag ginawa ko iyon ay baka makaapekto lang iyon sa mood ko sa halip na masaya ako e.” sabi niya rito.Napatango naman kaagad si Olivia dahil sa sinabi niya. “Tama nga ang naisip mo.” pagsang-ayon naman nito sa kaniya.Samantala nang patayin ni Annie ang tawag ni Lucas ay bigla na lamang umahon ang galit niya rito. Dahil sa sobrang inis niya ay muli lang niyang tinawagan ito sa pangalawang pagkakataon ngunit muli nitong pinatay ang kanyang tawag kaya hindi pa rin siya tumigil at tinawagan niya itong muli sa pangatlong pagkakataon.Sa huli ay pinatay lahat ni Annie ang kanyang tawag ng wal
Bigla na lamang nahiya si Annie dahil sa papuri nito sa kaniya. “Salamat Via, pero alam kong napakalayo ko kumpara sayo no. isa pa ay masaya pa rin ako sa sinabi mo, salamat.” sagot naman niya rito kaagad.“Ano bang sinasabi mo, ang ganda-ganda mo kaya. Maswerte lang talaga ako at nakapasok ako sa entertainment industry pero sinong may sabi na lahat ng mga pumapasok doon ay mga magaganda? Sa katunayan nga ay mas marami pang maganda na hindi artista e at syempre isa ka sa kanila.” dagdag pa nitong sabi.“At…” tumigil ito at pagkatapos ay bigla na lamang nitong hinawi ang kulot nitong buhok at ibinaba ang salamin nito at pagkatapos ay matamis na ngumiti sa kaniya. “Isa kang kamahal-mahal at mabuting babae samantalang ako ay—”“Via ano ka ba mas maganda ka pa nga sa akin at higit sa lahat ay napaka-seksi mo pa dahil halos wala pa akong nakitang mas seksi pa sayo?” putol niya sa sinasabi nito. “At isa pa ay kaakit-akit ka rin at napakalakas ng dating mo.” dagdag pa niya rito.“O siya tama
Napangiti si Annie ng palihim katulad ni Olivia kanina. “Kung hindi mo sasabihin sa akin ang dahilan ng pagngiti mo ay ililihim ko rin sayo ito.” palihim niyang bulong sa kanyang sarili habang nasa harap ng counter.Ang suit ay napakaganda ng pagkaka-pack at ibinalot sa isang napakagandang kahon. Nang kunin ni Annie ang invoice para bayaran ang bill ay bigla na lamang napasimangot si Olivia dahil sa totoo lang ay nagustuhan niya talaga ang suit na iyon noong una pa lang na dumapo ang mga mata niya rito.Kung sakaling maisuot ni Tristan ang kulay asul na suit na iyon ay tiyak na magiging elegante itong tignan at hindi magiging isang normal lang na tao. Ngunit nang maisip niya iyon ay bigla na lamang siyang napaisip bigla kung bakit nga ba niya dapat ibigay ang suit na iyon rito?Napakagat siya sa kanyang labi ng wala sa oras at pagkatapos ay napaisip.Samantala nang mabayaran naman ni Annie ang suit ay agad-agad na siyang lumabas mula doon at dali-daling inabot kay Olivia ang hawak niy