“At ang Trisha na iyon, alam niyang may asawa ka ng tao pero bakit ba patuloy ka pa rin niyang hinahabol-habol at kinukulit?” tanong niyang muli rito.“Alam mo Lucas, ako napakatapat ko sayo, sobra pa sa salitang tapat at pero ngayon ay pinapalabas mo pa na ako ang may kasalanan sayo.”Pagkatapos niyang magsalita ay mabilis siyang umalis mula sa ibabaw ni Lucas. Aalis na lamang siya doon at lilipat ng silid. Hindi niya kayang makasama ito kahit na saglit lamang dahil sa sobrang magkahalong inis at sakit dahil pakiramdam niya ay tila ba nasasakal siya.Paano nito nagagawa ang mga iyon? ‘Lucas isa kang malaking g*go! Hindi mo ako pwedeng pagsabihan ng mga ganyang bagay dahil lang sa mahal kita!’ inis na inis na sambit niya sa isip niya.Kung tutuusin ay ang may kasalanan naman talaga ay si Trisha ngunit sa halip na ito ang sisihin nito ay sakaniya pa nito ibinaling ang lahat. Joke ba ito? Dahil parang ng mga oras na iyon ay parang gusto niyang matawa dahil rito.Siya si Annie na mahal
Nang mga oras na iyon ay walang anumang takot na nararamdaman si Annie habang nakatitig sa mga mata. Determinado na siya at buong-buo na nag loob niya na sabihin rito lahat ng hinanakit niya rito.“Lucas bakit ikaw? Palagi mo nalang pinupuntahan si Trisha? Ha? Hindi porque kasal tayo ay pwede mo ng gawin ang lahat ng gusto mo, pwede kang pumunta sa babaeng iyon pero pag ako na, bawal dahil magagalit ka?”Nang matapos siyang magsalita ay tiningala niya ito at nakita niya ang mga mata nitong halos mag-apoy sa labis na galit. Ang mukha nito ay namumula dahil sa pagpipigil ng galit at ang awra nito ay kasing lamig ng yelo ng mga oras na iyon.Napakatalim ng mga titig nito at kung nakakamatay lang siguro ang titig nito ay baka kanina pa siya bumulagta sa harap nito mismo. Sa mahabang panahon na magkasama silang dalawa ay ngayon pa lamang niyang nakitang ganito ito.Sa totoo lang habang tumatagal siyang nakatitig sa mga mata nito ay nakaramdam na siya ng takot. Pakiramdam niya pa ay tila ba
Dahil sa ayaw sumagot ni Annie sa kaniya ay kung ano-ano na lang ang pumasok sa isip ni Lucas. “Annie siya iyon tama?” tanong niya rito.Agad namang nagsalubong ang mga kilay nito dahil sa tanong niya. “Sinong siya?” nalilitong tanong nito sa kaniya.“Tama na nga ang pagkukunwari mo.” malamig na sabi niya rito. “Noong bago tayo ikasal diba sinabi mo sa akin na may isang lalaki kang nagugustuhan ng matagal na panahon na hindi ba? At noong sinabi ko sayong maghihiwalay na tayo ay nabanggit mo ulit iyon sa akin. Siya ang lalaking iyon hindi ba?” sunod-sunod na tanong niya rito.Pagkatapos niyang magtanong ay bigla na lamang nanikip ang kanyang dibdib ng wala sa oras na tila ba piniga iyon at bigla na lamang siyang hindi naging komportable dahil rito. Dati, lagi niyang hinihintay ang araw na tuluyan na nga silang maghiwalay ni Annie at muli na silang babalik sa kaniya kanyang nilang mga buhay at magiging magkakilala na lamang.Ngunit ngayon dahil sa hindi malamang dahilan ay bigla na lama
“Kung ikukumpara mo ang pagiging mapagmahal mo sa akin ay wala akong panama sayo.” sabi nito sa kaniya bigla.“Tama ka, walang wala talagang panama ang pagmamahal mo.” sagot naman niya rito.Pagkatapos sabihin iyon ni Annie ay bigla na lamang sumakit ang puso niya ng wala sa oras. Galing talaga sa puso niya ang huling sinabi niyang iyon. Talagang hindi niya maipagkukumpara ang pagmamahal nito para kay Trisha dahil sa kabila ng pagpapakasal nito sa kaniya ng ilang taon at hindi pagkikita ay hindi pa rin nito nagawang kalimutan ang pagmamahal nito para sa babaeng iyon kahit na siguro makipagkumpetensiya rito ay wala siyang tiyansa na manalo kahit na katiting man lang.“Annie anong ibig mong sabihin sa sinabi mo? Minamaliit mo ba ako at pinagtatawanan?” tanong nito sa kaniya.“Hindi. Pinupuri kita MR.Montenegro.” sarkistong sabi niya rito na may pairap pa.“Hindi ko alam na matalas na pala ang dila mo ngayon .” sabi nito sa kaniya bigla.Sa katunayan ay ganun na talaga siya magsalita ngu
Nangibabaw ang tinig ni Lucas sa buong silid at halos paulit-ulit niyang narinig ang mga salitang iyon sa kanyang isip. Sa mga sandaling iyon ay bigla na lamang siyang naging seryoso. Dapat ba niyang seryosohin ang sinabi nito?“Naiintindihan mo na ba?” tanong nito sa kaniya at pagkatapos ay napatitig sa kaniya habang namumula na ang mukha at namumungay ang mga mata.Dahil riot ang puso ni Annie ay bigla na lamang lumambot na kasing lambot ng unan at dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang mapuputing mga kamay at ipinalibot sa leeg nito at niyakap ito.Matapos namang makuha ang pagpayag nito ay labis na nasabik si Lucas at muling ibinaba ang kanyang ulo rito at kung kanina ay pinipigil niya pa ang kanyang sarili ngayon ay hindi na. Tuluyan na nga niyang itinapon ang lahat ng kanyang pagpipigil.Ramdam na ramdam nila pareho ang pagtaas ng temperatura sa buong silid. At maging ang kanilang mga katawan ay tila ba sinisilaban dahil sa sobrang init at maging ang kanyang puso ng mga oras na
Bigla na lamang napahawak si Lucas sa kanyang mga kilay at napahaplos doon habang magkasalubong ang mga ito. Mas kumunot pa ang kanyang noo nang makita niyang umiiyak na ito ng mga oras na iyon at halos hindi siya mapalagay.Pero hindi nagtagal ay pinili na lamang niya na huwag na lamang intindihin ang pag-iyak nito. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at pagkatapos ay humugot ng malalim na buntung hininga at pagkatapos ay tumitig ito. Nang tingnan na niya ito ay normal na ang mga titig niya at hindi na katulad kanina. “I’m sorry Annie alam kong mali ako ngayon pero alam kong hindi ako tatawagan ni Trisha ng walang dahilan lalo na at dis-oras na ng gabi. Sa ngayon ay siya na muna ang kailangan kong intindihin.” malamig na sabi niya rito.“Annie kailangan kong sagutin ang tawag niya ngayon.” dagdag pa niyang sabi rito.Nang marinig naman ito ni Annie ay malungkot siyang napangiti. Kahit na ano pa ang sabihin niya rito at kahit anong pigil pa ang gawin niya ay walang magiging silbi iyon
Masakit na inalala ni Annie ang mga kasinungalingang nag-iwan sa kanya ng mga sugat. Sinalubong niya ang malalamig nitong mga mata na nakatitig sa kaniya.“Noong nakaraang gabi ay sinagot mo ang isang tawag sa cellphone mo hindi ba? Tinanong kita kung ano ang problema pero ang isinagot mo ay wala naman pero nung nakatulog na ako ang ginawa mo? Bumangon ka at umalis at hindi ka umuwi ng buong gabi Lucas. Kung inaakala mo na hindi ko iyon alam ay nagkakamali ka dahil hindi ako nakatulog nang gabing iyon ngunit wala naman sana akong balak na sabihin sayo e.” pag-amin niya rito.“At ngayon ay halos walang ipinagkaiba dahil nakatanggap ka rin ng isang tawag ngayon at pagkatapos lamang ng ilang minuto ay nagmamadali ka ng lumabas para puntahan ang babaeng iyon hindi ba?” pagpapatuloy niya.“At anong sabi mo? Uuwi ka rin?” napailing siya. “Sa tingin mo maniniwala pa ako sa sinabi mo sa kabila ng lahat ng pagsisinungaling mo? Magpalit kaya tayo ng sitwasyon, ikaw ay ako at ako ay ikaw. Manini
Napahilot na lamang s Lucas sa kanyang mga kilay ng wala sa oras at pagkatapos ay bahagyang sumakit pa ang kanyang ulo dahil sa panlulumo, mas lalo lamang hindi siya naging komportable. “Hindi mo na siya kailangan pang sunduin, mag-book ka na lang ng taxi para abangan siya sa labas ng tapat ng bahay ng mga alas-syete y medya.” sabi nya rito.“Pero sir, sinabi na niya sa akin kahapon na ihahatid ko siya sa ospital. Baka madoble-doble ang maging sasakyan niya.” sagot naman nito kaagad sa kaniya.“Sundin mo na lang ang sinabi ko.” sabi niya rito.“Sige po sir.” mabilis naman sagot nito sa kanya. Pagkatapos patayin ang tawag ay napahilot na lamang siya sa kanyang sentido ng wala sa oras. Kung tama ang hinala niya ay hindi sasakay si Annie sa anumang sasakyan nila ngayon sa bahay kaya ang tanging naiisip niyang paraan na gagawin nito upang may masakyan ay sasakay ito ng taxi at mag-aabang sa labas ng bahay nila.Kaya lamang ay sila ay nakatira sa isang exclusive subdivision kung saan ang