Tumango ang doktor sa kaniya. “Oo.”Nagsalubong ang kanyang mga kilay dahil sa naging sagot nito. “Pwede niyo po ba akong tulungan para makausap siya?” sabi ni Annie sa doktor.“Well, inutusan ko siyang bumaba at bayaran ang fee. Paniguradong pabalik na iyon. Maghintay ka lang.” ngiting tugon sa kaniya ng doktor.Walang nagawa si Annie kundi ang mapatango na lamang at pagkatapos ay tuluyan na ngang nagpaalam sa kaniya ang doktor. Tahimik siyang nahiga sa kanyang kama hanggang sa pagkalipas lamang ng ilang minuto ay tuluyan na ngang may kumatok sa pinto.“Pasok.” sabi niya. Nakatitig siya sa pinto at hinihintay kung sino ang papasok, hanggang sa tuluyan na ngang bumukas ito at pumasok ang lalaking nakauniporme ng pulis katulad nga ng sabi ng doktor at nang makita niya nga ang mukha nito ay bigla na lamang siyang nakahinga ng maluwag.Nagkamali ang doktor. Dali-dali itong naglakad palapit sa kaniya. “Kamusta na ang pakiramdam mo?” tanong nito sa kaniya nang tuluyan na itong makalapit
Habang nakatayo siya doon ay naramdaman niya na tila ba nanigas ang kanyang mga paa. Isa pa ay gustong-gusto na niyang umalis doon ng mga oras na iyon ngunit hindi niya maihakbang ang kanyang mga paa dahil tila ba napakabigat ng mga ito kahit na anong pilit niya.Gusto na niyang umalis doon at tumalikod na lang palayo sa mga ito dahil sobrang sakit para sa kaniya na makita ang mga ito ngunit pakiramdam niya ay napakabigat ng katawan niya na halos ayaw gumalaw. Ayaw nitong makipagkooperasyon.Ang mga ito ay patungo sa direksiyon niya at wala siyang magawa kundi tingnan ito habang palapit ng palapit ang mga ito. Ang mga pigura ng mga ito ay mas naging malinaw pa sa kaniya habang palapit ng palapit ang mga ito. Ayaw niyang makita ang mga ito at ayaw rin niyang makita siya ng mga ito.Pinilit niya ang kanyang sarili at inipon ang natitira pa niyang lakas, mabilis siyang tumalikod at naglakad pabalik sa kanyang silid sa pangalawang palapag. Kaya nga lamang ay nakakadalawang hakbang pa lama
Dahil sa sinabi nito sa kaniya ay kaagad siyang sumunod rito. Nang makalabas sila pareho ay bigla na lamang huminto sa kanilang harapan ang inang kotse.Nang makita ni Billy ang babaeng kasama ng kanyang boss ay hindi niya napigilang hindi makaramdam ng tuwa at pagkatapos ay kinindatan pa niya ang kanyang boss at ang gusto niyang iparating rito na mensahe ay napakabilis naman nito.Ngunit sa halip na sagutin siya ay malamig lamang siya nitong sinulyapan. “Bukas na lamang natin ituloy ang mga dapat nating asikasuhin.” sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay hindi na lamang siya sumagot.Agad siyang napaayos mula sa kanyang kinauupuan at hinintay na lamang itong pumasok sa kotse.NAPAtingin si Annie sa sasakyang nasa harapan niya at bigla siyang nailang nang makita niya ito dahil iyon ay isang mobile ng mga pulis.“Magkakape lang tayo, baka naman pwedeng huwag na ito ang gamitin natin kasi parang ano…” sabi niya rito.Tumango naman si Greg sa kaniya at pagkatapos ay sumang-ayon sa kaniya.
Napakainit ng mga palad nito at parang pamilyar na pamilyar sa kaniya ang kamay na iyon tila kamay ni Lucas. Bigla na lamang niyang nahila bigla ang kanyang kamay dahil sa gulat nang bigla na lamang nag-ring ang kanyang cellphone.Agad niyang dinukot ito sa kanyang bulsa at nang makita kung sino ang tumatawag ay nagdalawang isip pa siya kung sasagutin ba niya ang tawag o hindi ngunit sa huli ay sinagot niya na lamang ito.“Hello.” bungad niya na kalmado ang tinig.“Nasa school ka pa ba? Susunduin kita.” sabi ulit sa kaniya ni Lucas.Agad siyang tumanggi rito dahil ayaw niya munang makita ito. “Hindi. Dito na muna ako makikitulog sa isang kaklase ko dahil may project pa kaming tatapusin. Matulog kana lang ng maaga.” sagot niya.Pagkatapos niyang sabihin iyon ay kaagad niyang ibinaba ang tawag nang hindi man lang hinintay ang magiging sagot nito. Pagkatapos ay nakakbingin katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa ni Greg. pagkatapos nitong maubos ang kape ay mabilis siyang tumayo upa
Sa sumunod na sandali ay unti-unting bumaba ang bintana ng kotse at doon na lumitaw sa kaniya ang mukha ni Lucas na napakalamig ang mga matang nakatingin sa kaniya. Napakadilim ng mukha nitong nakatingin sa kaniya.“Lu-lucas?” gulat na gulat na tanong niya rito na may kasama pang panlalaki ng kanyang mga mata. “Bakit ka nandito?” dagdag pa niyang tanong rito.Hindi ba at sinabi na niya rito na sa kaklase niya siya matutulog dahil may gagawin silang project? Sinabi rin niya rito na hindi na nito kailangan pang sunduin siya pero bakit ito naroon?Sa nakalipas na dalawang araw na nakaramdam siya ng pagod at mukha siyang kaawa-awa ay tiniis niya itong hindi makita dahil ayaw niya itong istorbohin. Kahit na mag-isa siya kanina sa hosptal bed ay sinabi niya sa sarili niya na kaya na niyang mag-isa at hindi na niya kailangan pa ang kalinga ni Lucas.Pero ngayong nasa harap niya ito ay doon niya napagtanto na mali pala siya. Pero wala itong pakialam sa kaniya at wala man lang itong pagmamalas
Bigla na lamang siyang napamulat ng kanyang mga mata nang maramdaman niya ang takbo ng kotse na sobrang bilis at halos masasabi mo na tila ba nakikipagkarera na ito dahil sa sobrang bilis ng takbo nito. Ang mga kalye sa gabi ay halos walang mga sasakyan at maging sa mga tabi ng daan ay halos wala ring mga tao.Idagdag pa na ang kalsada ay napakaluwang at sobrang diin ng pagkakaapak ni Lucas sa accelerator at halos sasabog ang kanyang puso dahil sa sobrang takot. Sobrang natatakot siya. Paano kung maaksidente sila?Halos lumipad na ang kotse dahil sa sobrang bilis ng takbo nito. Napahawak na lamang siya ng mahigpit sa seatbelt at hinabol ang kanyang paghinga. Kung kanina lang ay alam niyang galit si Lucas ngayon ay sigurado siya na galit na galit ito.Ang mga taong katulad ni Lucas na mga introvert ay sanay na magkimkim ng galit nila sa kanilang sarili at minsan lamang nila iyon mailabas at ngayon nga ay tiyak na nilalabas nito ang galit nito sa pamamagitan ng pagmamaneho ng napakabili
Nang marinig niya ang sinabi nito ay kaagad na tumigil siya mula sa kanyang pag-iyak at tila ba minsanang umatras ang mga luha niya sa kanyang mga mata. Hindi niya rin inaasahan na titigil siya sa kanyang pag-iyak ng ganun-ganun lang samantalang kani-kanina lang ay halos hirap na hirap siyang pigilin ang kanyang mga luha.Sa kabilang banda naman ay halo-halong emosyon ang naramdaman ni Lucas sa mga sandaling iyon. “Takot na takot ka ba na halikan kita?” nanunuksong tanong niya rito.Hindi sumagot si Annie. Itinaas niya ang kanyang kamay at pagkatapos ay hinaplos niya ang pisngi nito gamit ang kanyang mapapayat na mga daliri at napatitig sa mga maiitim nitong mga mata. Napakalalim ng mga ito ay napakaimposibleng mabasa o ni maaninag man lang ang emosyong nakatago sa mga mata nito sa mga oras na iyon.Bigla namang itinagilid ni Annie ang kanyang ulo dahil hindi na niya matagalan pa ang mga titig nito sa kaniya. Hindi niya rin magawang ibuka ang kanyang bibig ng mga oras na iyon dahil sa
“At ang Trisha na iyon, alam niyang may asawa ka ng tao pero bakit ba patuloy ka pa rin niyang hinahabol-habol at kinukulit?” tanong niyang muli rito.“Alam mo Lucas, ako napakatapat ko sayo, sobra pa sa salitang tapat at pero ngayon ay pinapalabas mo pa na ako ang may kasalanan sayo.”Pagkatapos niyang magsalita ay mabilis siyang umalis mula sa ibabaw ni Lucas. Aalis na lamang siya doon at lilipat ng silid. Hindi niya kayang makasama ito kahit na saglit lamang dahil sa sobrang magkahalong inis at sakit dahil pakiramdam niya ay tila ba nasasakal siya.Paano nito nagagawa ang mga iyon? ‘Lucas isa kang malaking g*go! Hindi mo ako pwedeng pagsabihan ng mga ganyang bagay dahil lang sa mahal kita!’ inis na inis na sambit niya sa isip niya.Kung tutuusin ay ang may kasalanan naman talaga ay si Trisha ngunit sa halip na ito ang sisihin nito ay sakaniya pa nito ibinaling ang lahat. Joke ba ito? Dahil parang ng mga oras na iyon ay parang gusto niyang matawa dahil rito.Siya si Annie na mahal