Share

Kabanata:2

“Mama, ano po ang nangyari bakit parang natatakot po kayo?"

“Hindi mo kilala si Arthuro anak natatakot lang ako baka anong gawin niya sayo."

“Hindi Mama, ganito nalang ba palagi nagpapaapi nalang tayo sa kanila, anong manyayari kung makuha na nila ang lahat lahat ng meron tayo. Saan na tayo titira kaya lalaban ako Mama haharapin ko ang Don Arthuro na 'yan!"

“Wag kang maingay at baka marinig ka ng Papa mo." Paalala sa anak.

“Isa pa 'yang duwag kung Ama sa kabila ng lahat gusto niyo parin manahimik ako sa tuwing nakikita kung nagkakaganyan kayo Mama, pwede naman natin ibenta ang bahay nato at iwanan nalang natin si Papa bibili tayo ng bagong bahay kahit hindi malaki kagaya na kagaya nito basta maging normal lang ang buhay natin malayo kay Papa."

“Hindi pwede anak mahalaga tong bahay na'to sa akin,at ama mo parin s'ya."

“Mahalaga paba ang bahay na'to kaysa sa buhay niyo Mama?"

“Basta anak, hindi mo alam kung bakit ayaw ko ibenta ang bahay na'to. Sige na matulog na tayo at maaga pa tayong gigising bukas dahil pupunta si Arthueo dito bukas kailangan maging handa tayo."

“Basta Mama ako ang haharap sa Arthuro na 'yan." Tsaka sila natulog.

Kinabukasan umaga palang ay naghanda na si Donya Leticia, at Sabrina sa pagharap nila kay Don Arthuro. Malayo palang ay dinig na dinig na nito ang sasakyan na papasok sa hacienda nila.

“Nandito na sila Arthuro," sabi ni Donya Leticia habang kitang kita nito mula sa kanyang bintana ng kanyang kwarto ang sasakya ni Arthuro kasama ang anak nito na si Samuel, at ang kanyang mga tauhan.

“Mama, wag ng matigas ang ulo ha ako na ang bababa,at haharap sa Don Arthuro na 'yan."

Hindi anak ako nalang may mga dala silang armas baka mapano ka," pakiusap ng kanyang ina.

"Hindi naman ako natatakot sa Don Arthuro na'yan."

“Ang papa mo ang hinahanam nila anak. S'ya nalang wag na ikaw."

Damay narin tayo dito Mama, basta ako na ang haharap sa kanila."

Hindi na mapigilan si Sabrina dahil buo na talaga ang desisyon nitong harapin sila Don Arthuro,at ang mga kasama nito.

Napatakbo paakyat sa itaas ang kanilang katullong para sabihin na nasa baba na si Don Arthuro. Dala narin ng takot nito ay nanginginig pa ito.

“Ma'am nandyan na po sa baba sila Don Arthuro, at ang kanyang mga tauhan. May dala po kasi silang baril, hinahanap po si Don Rafael.

“Ako na ang kakausap sa kanila dahil tulog pa ang Papa." Bumaba nga si Sabrina para harapin si Don Arthuro.

Pero imbis na magalit si Don Arthuro ng makita nito si Sabrina ay naiba na ang tono ng pakikipag-usap nito kay Sabrina.

“Magandang umaga magandang dilag ngayok lang kita nakita dito. Anak kaba ni Rafael?" tanong nito habang titig na titig ang mga mata nito kay Sabrina. Nanlaki naman ang mga mata ni Samuel ng makita si Sabrina.

sabi nito sa kanyang isip, “Ito yung nakita kung magandang babae malapit sa palenke anak pala s'ya si Don Rafael.

Habang nasa taas lang ang papa ni Sabrina nakikinig sa pag-uusap nila ay napansin nalm1n nito kung paano tingnan ni Don Arthuro ang anak nitong si Sabrina nagkaroon tuloy ito ng idea na ipangbayad si Sabrina sa pagkakautang n'ya.

“Ano po ang kailangan natin? Don Arthuro?"

Napansin naman agad ni Sabrina nag gwapo na si Samuel na nasa tabi ni Don Arthuro grabe din ang titig nito sa kanya. Pero iba agad ang naramdaman ni Sabrina ng makita so Samuel.

“Gusto kung kausapin ang ama mo tungkol ito sa mga utang niya kung may balak paba syang bayaran ito o hindi na."

“Magkano pala ang utang ng Papa, halos nakuha niyo na lahat ng ari-arian namin kulang paba lahat ng 'yon."

May kulang pa si Rafael na two hundred million sa akin kaya niyo ba 'yang bayaran sa akin ngayon?

“Paano namin banayaran 'yan, ang negosyo namin halos nasa inyo na ang lahat kinuha niyo narin ang lupain namin saan pa kami kukuha ng ganyan kalaking halaga!"

Biglang nagkaroon ng awa si Samuel para sa dalaga.

Pagbigyan mo na Papa, bigyan nalang muna natin sila ng panahon para makapagbayad sa kulang nila," sabi ni Samuel.

“Kung hindi dahil sayo magandang binibini hindi ko na patatagalin pa ito. Pero sige bibigyan ko pa kayo ng isang linggo para makabayad."

“Ano isang linggo saan kami maghahanap ng ganyan kalaking pera sa loob ng isang linggo bindi namin kayang bayaran 'yan agad sa isang linggo lang."

Matagal na ang utang ng iyong ama sa akin kaya ito na ang huling palugit ko sa kanya." At tuluyan na nga silang umalis .

“Anak, salamat naman at napaki-usapan mo pa ang ang Don Arthuro na 'yan," sabi ng ina na nanginginig pa sa subrang takot.

“Pero Mama saan naman tayo kukuha ng ganyan kalaking pera sa loob ng isang linggo?"

“Kaya nga anak wala tayong ganyan kalakong pera. Kung hindi pa sana nila kinuha nag mga negosyo natin baka makahanap tayo agad ng paraan."

“Gahaman din kasi ang Don Arthuro na'yon, pero mabuti nalang at napaki-usapan s'ya ng kanyang anak."

“Hindi n'ya tunay na anak si Samuel, ampon niya dahil hindi sila nagkaanak ng kanyang asawa, at namatay sa sakit ang kanyang asawa hindi naman dating ganyan 'yan si Arthuro."

“Kaya pala mabait ang anak niya, kasi hindi nya totoong anak. Gaano ba kayaman ang Don Arthuro na 'yan kung makas-asta, daig niya pa ang isang bilyonaryo."

“Isa talaga s'yang bilyonaryo anak."

“Kaya pala kung makaasta parang sya na ang may nag mamay-arin ng buhay natin, hawak leeg na tayo ng Arthuro na 'yan!" galit na sabi nito.

Sa pagdating ng mag amang agman sa bajay nila ay napag-usapan agad nila ang tungkol sa anak ni Don Rafael na si Sabrina.

“Gusto ko ang anak ni Rafael, pambihira ang ganda niya,at subrang nakakaakit s'ya Samuel. Gusto kung makuha ang anak ni Rafael gahawin ko s'yang asawa."

“Pero Papa alam nating hindi papagag ang ina niya."

“Pero ang ama niya papayag 'yan, bukas magpagawa ka agad ng kasunduan."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status