Share

Kabanata:6

“Samuel Bakit ang tagal tagal niyong nakabalik?

“Pasensya na papa nasiraan kasi Kami sa daan, diba Sheila? "

Ah— opo Don Arhuro pero nahatid nalang naming ng maayos sa kleyente yong pinapabigay into.

“Mabuti naman, Samuel? "

“Opo Papa."

“Bumili kana ng bago mong sasakyan , at ng di ka palaging nasisiraan."

“Opo Papa."

“Bantayan mo 'yang Mabuti si Sabrina at baka lumabas 'yan mag-isa baka bumalik sa Kanila," paalala ni Don Arthuro Kay Samuel.

“Hindi 'yan mangyayari papa mpossible 'yan ang ganda ganda na ng Buhay niya dito, babalik pa sa bahay nila along gusto niya magpabugbog nanaman sa ama niyang lasinggo, at sogarol."

Hindi nga nagkakamali si Samuel sa kanyang mga sinabi kung si Sabrina at napakagaan no ng buhay niya sa bahay ni Don Arthuro ang ina naman nito ay nagdurusa parin sa piling ng ama nitong lasinggo. Saktong paglabas ng kwarto narinig niya ang pag-uusap ni Don Arturo, at no kanyang anak-anakan na so Samuel.

“Tama ka ang sarap ng buhay niya dito tapos babalik s'ya sa dating buhay nya kasama ang amazing n'yang lasinggo nakakaawa nga naman and kanyang ina."

Kahit papano ng marinig niya ang sinabi ni Don Arthuro at nasabi niya na may puso din pala ang matandang ito.

“Kumusta na Kaya ang Mama kailangan kung makita ang sitwasyon ni Mama "

Tama nga ang sinabi ni Samuel na nakakaawa ang sitwasyon ng ina ni Sabrina sa piling ng ama nito.

“Lasing kana naman!" Galit na tanong ni Donya Leticia kay Don Rafael.

“Ano bang pakialam mo, bayad na ako sa utang ko!"

“Wag mong kakalimutan na may kulang pa tayo kay Don Arthuro, at aalahanin mo ang anak mo nasa kanila! ang anak mo ang nagbabayad ng utang mo, at naduudusa sa kapabayaan mo!"

“Hindi nagdudusa and anak mo kung alam mo lang ang sarap ng buhay nga no anak mo!"

“Bakit mo alam?'

“Nakita mo naman diba malaki ang gusto sa kanya ni Arthuro kaya ibibigay ni Arthuro ang lahat ng gusto nya para mahulog lang ang loob ng anak mo sa kanya at magiging mayaman na unit tayo... kahit Kailan talaga Leticia hindi ka nag-iisip!"

“Ginagawa mo lang pangbayad ng utang mo ang anak natin Arthuro!"

“Anong gusto mo ikaw ang ipangbayad ko, magkakagusto ma kaya 'yon sa matandang kagaya mo."

Hindi mapigilan maiyak ni Donya Leticia dahil sa mga sinasabi ni Don Rafael.

“kahit kailan hindi kana talaga magbabago Rafael. Hindi kana naawa sa anak mo! magbago kana kaya itigil mo na ang kaiinom mo, hindi ka naman dating ganyan."

“ Hindi talaga nakinig si Don Rafael sa sermon no Asama at nagpatuloy paring it said kanyang pag-inom."

Hindi mawala kay Sabrina ang mag-alala para sa kanyang ina kung kaya ay nagdesisyon itong magpaalam kay Don Arthuro para dalawin ang kanyang ina.

“Don, Arturo?"

“O Sabrina anong problema?"

Pinangunahan ng kaba ang dalaga at hindi alam kung paano nya sisimulan. Dahil sa oras na iyon ay nag-uusap pa sila ng kanyang anak na si Samuel.

“ah— ah—"

“Ano may gusto ka bang sabihin? wag kang matakot sabihin mo na."

“Gusto ko sanang dalawin ang Mama kung okay lang? nag-aalala na kasi ako sa kalagayan niya ngayon."

“Sige Payag ako pero sasamahan ka ni Samuel."

“Okay lang po sa akin makita ko lang po si Mama."

“Bukas nalang kasi gabi na pero bago kayo pumunta doon, bumili muna kayo ng mga pagkain, at bumili narin kayo ng ibang kailangan ng Mama mo."

“Maraming salamat po talaga Don Arthuro." Tsaka bumalik si Sabrina sa kanyang kwarto.

Balik si Don Arthuro,at so Samuel sa kanilang pag-uusap.

“Anh ganda talaga ni Sabrina, makukuha ko rin ang loob mo."

“Oo papa ano paba ang magagawa ng salapi Papa."

“Totoo 'yan iibig din sa akin ang dalagang 'yan."

Pero hindi ganyan ang nasa isip ni Samuel kabaliktaran ng mga sagot niya sa kanyang Papa.

“Hindi mo sya makukuha Papa, uunahan parin kita sa bagay na 'yan."

“Sige na Hijo, matulog na tayo dahil bukas may lakad tayo. Dapat maaga kayong pumunta sa bahay ni Rafael para makabalik kayo agad. Magdala ka narin ng dalawang tauhan natin."

“Sige po Papa."

Si Sabrina naman hirap makatulog dahil naninibago parin kaya pumunta ito sa terrace ng kanyang kwarto ,at nagpahangin,at dahil halos magkaharap lang ang terrace ,at kwarto ni Samuel na may maliit din na terrace ay nakita niya itong naka pajama lang at walang suot na damit pang itaas at kitang kita ni Samantha ang porma ng malahunk na katawan nito. Pilit na iniiwasan ni Samantha ang tumitig sa mga abs nito na klarong klaro kahit medyo malayo dagdag pa ang kagwapuhan nito.

Alam ni Samuel na nakatingin si Sabrina sa maskulado niyang katawan pero hindi niya pinahalata sa dalaga na alam nito na sa kanya nakatingin si Sabrina patay mali lang ito habang tinatapos ang pag inom ng isang bote ng whisky. Bumalik pa si Samuel sa kanyang kwarto at hinubad ang pajamang suot, at bumalik sa terrace. Klaro na klaro ni Sabrina ang porma ng kanyang ibabang parte dahil nakaboxer na ito ng bumalik sa terrace,at tila sinasadya pa nito. Kaya nagdesisyon nalang pumasok si Sabrina sa kanyang kwarto. Napangiti nalang si Samuel.

“Grabe naman, Sabrina umayos ka wag kang magpahalata dyan," sabi nito sa kanyang sarili at tinatakpan ng unan ang kanyang ulo para kalimutan ang mga nakita nito kay Samuel, ngunit pabalikbalik ito sa kanyang isip hanggang sa nakatulog nalang sya.

“Akala mo hindi ko napapansin." at uminom pa ito ng isang baso habang nakatingin sa kwarto ng dalaga, naghihintay na bumalik ito sa labas. Kinaumagahan ay maaga silang umalis pagkatapos nilang kumain namelengke muna, at naggrocerry bago pumunta sa kanilang bahay para dalawin ang kanyang ina.

“Wagkang magtatagal Sabrina kailangan kung bumalik dahil may ipinapagawa si Papa sa akin."

“Oo, hindi ako magtatagal dadalawin ko lang naman si Mama. Maraming salamat nga pala sa pagsama."

“Walang anuman utos to ni Papa sa kanya ka magpasalamat," sabi nito habang pinapaandar ang sasakyan.

Bumaba si Sabrina sa sasakyan, at nakita na nitong nakadungaw sa bintana ang kawawang ina. Kaya bumaba narin si Donya Leticia para salubongin ang anak.

“Sabrina, mabuti at dumalaw ka," sabi ni Donya Leticia.

Kapansin-pansin naman ang pasa nito sa kanyang kanang braso. Kaya naawa si Sabrina sa kalagayan ng ina.

“Mama, anong nangyari at may pasa kana naman sinaktan kaba ni Papa?"

“Wag mo akong aalahanin anak okay lang ako."

“Hindi ka okay Mama kukunin kita dito, at ilalayo kita kay Papa."

Biglang dumating ang lasing na lasing na ama nito.

“Nandito na pala ang mabait kung anak may pera ka bang dala?"

“Wala bakit ipangbibili mo na naman ng alak." Galit na sinagot ang ama.

“abaaaah! sumagot kana." Biglang lumapit si Don Rafael at sinapak ito sa mukha. Napasigaw nalang ang Mama nito.

Dahil sa narinig ni Samuel ay napatakbo ito sa loob. May dala itong baril.

“Anong nangyari dito? wala kang silbing ama! ipinangbayad mo na nga anak mo pinapagalitan mo pa dahil hindi ka binibigyan ng pera, gusto mo tapusin tapusin nalang kita!"Galit na tinutokan ng baril ni Samuel si Don Rafael.

“Samual, tama na," pakiusap ni Sabrina hayaan mo na s'ya.

.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status