Pagkatapos nilang mag-usap ay pumasok muna saglit si Don Arthuro sa kanyang kwarto. Hindi s'ya nakatiis at pinuntahan n'ya si Sabrina para paalahanan ito. “Sabrina, mag-iingat ka kahit nakapader itong bahay namin hindi mo alam kung may sumisilip dito sayo," paalala nito. “Oo, alam ko hindi mo na kailangan pa sabihin sa akin pero salamat sa concern." “Bukas sasabay ka sa akin para maghanap ng bahay na lilipatan ng Mama mo." “Talaga, pumayag si Don Arthuro sa pakiusap ko?" “Ako ang nagsabi sa kanya sa kalagayan ng iyong ina kaya s'ya pumayag dahil alam mo naman diba malakas ang tama sa'yo ng Papa." “Sige anong oras tayo aalis?" “Umaga, diba gusto mo maligo sa batis doon walang nakatingin sa'yo dun." “Talaga okay lang sa'yo hindi mo ba ako sasamahan? may kubo doon pwede kang magpahinga." “Sasamahan talaga kita alam mo namang ako ang tagabantay mo." “Salamat, at hindi ko na kailangan pang tumingin sa paligid kung may nakatingin ba." “Sige pasok na ako at baka ma
Hindi nagtagal ay nakaramdam na ng pagkahilo si Sheila kung kaya ay nakiusap ito kay Samuel na magpahatid na sa kanyang kwarto. “Excuse po Don Arthuro parang hindi ko na po kaya madami narin kasi ang nainom ko kung okay lang po ay mauna na po akong matulog," sabi nito. “Sige ihatid mo muna 'yan Samuel," utos nito. “Oo papa, halika na ang OA mo naman parang kaya mo naman yata maglakad." sabi nito kay Sheila. “Hindi ko kaya Samuel hawakan mo naman ako sige na," pakiusap nito. Walang magawa si Samuel at inalalayan nalang si Sheila papunta sa kwarto n'ya. “Ano kaba nagagalit kaba dahil dito ako matutulog sige uuwi nalang ako!" “Sige na pumasok kana babalik pa ako du'n, kaya mo ba magdrive pauwi sige umuwi ka!" galit na sabi ni Samuel. “Sige ha maghihintay ako sayo dito Samuel." “Maganda 'yan anak grasya na ang lumalapit sayo." “Disgrasya Papa, hindi grasya hindi ko naman type ang babaeng 'yan baka mabuntis ko 'yan." “Para ka namang hindi lalaki Samuel,sige na tapu
“Salamat Samuel at sinamahan mo ako dito." “Okay lang sige na maligo kana." “Sige ikaw hindi kaba maliligo?" seryusong tanong ni Sabrina. “Wala naman akong dalang damit." “Sige na maganda ang tubig dito," pilit na niyaya si Samuel. Habang suot ni Sabrina ang yellow two piece nito, hindi naman mapigilan ni Samuel ang mabighani sa ganda ng katawan na napakaperpekto ,at ang ganda ng mukha ng dalaga na hindi nakakasawa naakit na si Samuel at gusto na nitong maligo kasama ito. “Sandali lang pag-iisipan ko muna." Sige mauna na ako pag nakapag-isip kana sumunod kana lang," sabi nito bago nagtungo sa batis. Halos tatlong metro lang ang pagitan ng kubo ng ng batis kaya kitang-kita ni Samuel si Sabrina. Dahil talagang naakit s'ya ni Sabrina ay hinubad nito ang kanyang maong na pantalon, at damit pang itaas tanging boxer short na itim lang ang naiwan at nagtungo narin sa batis kung saan si Sabrina. “Akala ko ba hindi ka maliligo," sabi nito. “Wala akong magawa nakakaakit an
Nang matanggal na ni Don Arthuro ang piring ni Don Rafael ay sinapak ito ng baril. “Hayop ka Arthuro! nasa iyo na ang lahat pati ang anak ko ano paba ang kailangan mo!!!" galit na galit na sabi nito. “Ginawa ko 'to dahil sinaktan mo ang ina ng anak mo! malaki na ang atraso mo sa akin Rafael wag mong hintayin na tuluyan kita bago kapa magbago." Sinundan ito ng suntok na malakas sa tiyan. “Ginagawa ko naman ang lahat para makapagbayad sa mga utang ko Arthuro." “Anong paraan ang ginawa mo ang maglasing ng maglasing! nakakaipon ka kaya sa tingin nahihirapan ka pangang buhayin ang sarili mo." Sinundan na naman ito ng suntok. “Babalaan kita Rafael na wag na wag mong saktan ang anak mong si Sabrina , at mo ng uulitin na saktan ang asawa mong si Letecia baka tuluyan ko ng ipaputok itong hawak kung baril sige Samuel ilub-lob mo sa tubig ang ulo n'yan ng magtanda." inilub-lob ang ulo nito sa tubig. “Ano uulitin mo paba o hindi na!!? galit na tanong ni Samuel “Oo pangako hindi k
“Kailangan na nating umuwi,at ng di kayo gabihin ni Sabrina bilhin mo lahat ng kailangan ng kanyang in para hindi kayo palaging balik ng balik du'n," utos ng ama. “Opo Papa.' Nang makabalik na sila sa mansyon ay umalis agad si Sabrina,at Samuel papuntang bayan para bumili ng mga kailangan ng ina ni Sabrina. “Ito ang pera Sabrina bilhin mo lahat ng kailangan ni Donya Letecia, at samahan mo narin ng mga kailangan mo." “Hindi ka sasama sa loob? " Nakakahalata si Sabrina na wala sa mood si Samuel kaya hindi nalang n'ya ito piiilit na sumama sa loob. Binili nga lahat ni Sabrina ang kailangan ng kanyang ina ,at habang nasa loob s'ya ay may narinig s'yang nagbubulongan na dalawang babaeng hindi n'ya kilala. “S'ya pala ang anak ni Don Rafael," sabi ng isang babae. “Maganda sana sayang ipinagbili lang sa matanda," dadag pa nito. “Talaga totoo? kawawa naman sayang lang ang ganda n'ya," sabi naman ng isa pang babae. Imbis na sabihan n'ya ang dalawa na itigil ang pagchi-chismis
“Saan na naman kaya papunta ang dalawa ba't ang dami dami nilang lakad," sabi nito sa kanyang sa mahinang boses. “Ah Ma'am sabi po ni Don Arthuro pag may gusto po daw kayo sabihin n'yo lang daw po sa amin," sabi ng isang katulong. “Wala naman po akong kailangan papasok muna po ako sa kwarto ko." Pagkatikod palang ni Sabrina sa mga kayaking ay nagbubulongan na ang mga ito. “Mabuti naman at pinapayagan ni Don Arthuro si Ma'am at si Samuel lumabas ng sila lang," sabi ng isang katulong. “Duda ako sa dalawang 'yan may kakaiba sa kanila," dagdag ng isa pang katulong. “Pero kung ako naman si Sabrina mas gusgustuhin ko si Samuel mas bata, mag gwapo kaya lang ama n'ya si Don Arthuro," sabi naman ng isang katulong. “Tama na nga kayo dyan magtrabaho na tayo baka marinig pa kayo ni Don Arthuro," suway ng isang katulong. Habang nasa kwarto si Sabrina naisip nito si Samuel ,at ang mga sinabi nito na balak itong ipakasal sa isang anak ng negosyante. “Paano kung totoo na ipap
“Papa una natin puntahan si Atty, para makaperma na si Rafael para malipat na saiyo ang iba pa nilang ari-arian bago namin puntahan si Rafael," sabi ni Samuel. Sumang-ayon naman si Don Arthuro sa sinabi ng anak. "Mabuti pa nga anak para agad natin s'ya mapaperma." Unang tinawagan ni Samuel ang Atty, para kunin ang mga natapos nitong papeles para sa kasunduan na papapermahan nila kay Don Rafael. “Goodmorning Atty. si Samuel ito kukunin sana namin ngayon ang pinapagawa naming kasunduan sayo para papermahahin agad si Rafael para mailipat na ang iba pang ari-arian nila," paliwanag nito. “Sige Samuel pumunta ka ngayon sa opisina ko at tamang tama kakatapos ko lang din nagawa ang agreement." “Sige po Atty." At agad agad na nagtungo si Samuel sa opisina ng Atty. “Good morning Atty," bati nito sa Atty. “Magandang umaga naman Samuel," sagot nito. “Ito na pala ang agreement na pinapagawa ninyo dito ang perma ng iyong papa,at dito naman ang perma ni Rafael." sabay abot ng dok
Pumunta si Don Arturo sa hospital kung saan ay hinanap nito ang ward na kinalalagyan ng Papa ni Maureen para ito ay hikayatin na pumayag sa mga plano nito na maikasal ang anaka nitong si Maureen sa anak niyang si Samuel. “Magandang umaga sayo, nagtaka kaba lubg bakit ako nandito?" tanong ni Arturo sa ama ni Maureen. “Anong ginagawa n'yo mo dito Arturo?" galit na tanong nito. “Maghunos dili ka nandito lang naman akp para kausapin ka, para sa mga plano ko sa mga anak natin." “Ano ang plano mo sa anak ko?" tanong nito na gustong gusto tumayo sa kinalalagyan nito. “ Diyan kalang ,at wag kang masyadong magalaw alam kung malubha na ang kalagayab mo. Gusto kung maikasal s'ya sa anak kung si Samuel alam naman natin may utang kapa sa akin at malaki pa ang kulang mo kung kaya ako sayo pumayag kanalang," sabi nito. “Kung sa akala mo basta basta papayag ako sa mga gusto mo hindi Arturo!" pero sa isip nito yun ang plano n'ya pero hindi n'ya muna minamadali ang pagpayag nito. “I