Share

kabanata:7

Natakot si Don Rafael sa pagtutok sa kanya ng baril ni Samuel kaya humingi ito ng pasensya.

“Pasensya na hindi ko sinasadya anak."

“Samuel bitiwan mo na 'yan!" sigaw na utos ni Sabrina habang ang ina nito ay umiiyak dahil narin sa takot.

“Salamat ka, sa susunod ulitin mo pa 'to ang nangyari itutuloy ko na'to."

“Hindi na, hindi na talaga mauulit." Tsaka lumabas si Don Rafael.

“Pagpasensyahan mo na ang ama mo anak."

“Salamat s'ya mama at napakiusapan ko pa si Samuel. Mama hindi rin kami magtatagal ito ang pera mama wag mong sasabihin kay papa na binibigyan kita at baka kunin pa niya sainyo, wag kang mag-aalala pag naging maayos na ang lahat kukunin kita," paalam nito sa ina sabay yakap.

“Sige anak mag-iingat ka, salamat nga pala Samuel," sabi ni Donya Leticia.

“Walang anuman tungkulin ko 'yan dahil yan ang utos ng Papa na protektahan ang inyong anak."

“May kabaitan din pala si Arthuro anak."

“Ah, oo nga Mama."

“Sige alis na kami Donya Leticia," paalam ni Samuel.

“Sige Samuel." Tsaka sila umalis.

Habang nasa daan sila nadaanan nila ang isang batis na kung saan paboritong pinupuntahan ni Sabrina sa tuwing gusto nitong maligo.

“Ah Samuel pwede bang sa susunod balik tayo dito gusto ko lang maligo sa batis," pakiusap nito.

“Oo naman,pero wag muna sa ngayon dahil may pupuntahan pa ako."

“Sige maraming salamat nga pala kanina."

“Walang anuman tungkulin ko 'yon."

“Marami namang tauhan ang Papa mo, bakit ikaw ang laging napag-uutosan?" seryusong tanong ni Sabrina.

“Dahil walang tiwala ang Papa said ibang tao," sagot nito.

“Tama nga naman ang hirap magtiwala."

“Habang nandito pa tayo may gusto ka bang bilhin?"

“Wala na akong pera binigay ko na lahat kay Mama."

“Walang problema may pera dito." Tamang-tama dahil wala narin syang napkin kaya bumaba nalang muna sya para bumili ng mga personal na gamit niya.

“Dito nalang kita hihintayin ,at please wag kang magtatagal."

“Sige bibilisan ko lang."

Nang makabili na lahat ng kailangan si Sabrina ay bumalik ito agad sa sasakyan pero nakita nito sa side mirror ng sasasakyan

ang kanyang ama na lasing na lasing at naglalakad. Masakit sa kanyang makita ang kanyang ama na sinisira ang sarili sa bisyo,at sugal.

“Ano, tara na?"Nakakahalata si Samuel na may tinitingnan ito. Anong problema may kailangan ka pa bang bilhin?"

“Wala na, sige na tara na."

Napapansin ni Samuel na tila balisa si Sabrina kaya tinanong na naman n'ya ito.

“Parang may iniisip kang malalim."

“Nakita ko ang Papa kanina naglalakad hindi ko na talaga s'ya kilala hindi naman s'ya dating ganyan." Naluluha habang sinasabi nito ang tungkol sa kanyang ama.

“Hindi mo 'yan kasalanan walang matinong ama ang ipinangbabayad ang sariling anak. Dapat magbago na s'ya isipin niya ang pagkakamali niya, ayusin dapat ang buhay yon ang dapat niyang gawin. Hindi yung sinasaktan kayo."

“Kung sa bagay."

“Wag mong bibigyan para matuto naman 'yang ama mo, ako ang magsasabi kay Papa na pansamantala ililipat natin ng bahay ang Mama mo para hindi s'ya basta basta sasaktan ng ama mong ubod ng bait. "

“Sige, pwede ba para naman makatulog ako ng mahimbing. O sa bahay nalang ninyo para malapit lang at maasikaso ko agad siya."

“Hindi ko alam kung papayag ang Papa, pero susubukan ko parin, baka maintindihan niya ang kalagayan ng ina mo."

“Salamat Samuel."

“Nandito na tayo wag mong sasabihin ang tungkol sa batis dahil hindi 'yan papayag."

“Sige sige hindi ko sasabihin."

Pagkababa nila ng sasakyan ay sinalubong agad sila ng ibang tauhan ni Don. Arthuro.

“Pakidala niyo nalang ang mga dala ni Sabrina," Utos ni Samuel sa isang tauhan nila.

“Sige po Sir... akin na po Ma'am."

“Salamat."

“Mabuti at bandit na kayo hijo, anong nangyari sa lakad niyo?"

“Ayun muntikan na namang saktan si Sabrina ng kanyang ama."

“Anong ginawa mo anak."

“Tinutokan ko ng baril."

“Mabuti naman at ganun para matuto."

“Kawawa nga ang ina ni Sabrina, at lagi nalang binubugbog ng kanyang ama ano kaya Papa kung dito nalang natin patirahin ang Mama ni Sabrina."

“Okay lang sana pero mas mabuti hanapan mo nalang ng malilipatan pang samantala."

“Sige Papa."

“Ano aalis kana ba ngayon."

“Oo papa kailangan ko ng kitain si Atty Perez para mailipat na ang lupain nila Don Rafael sa atin hindi kasama ang bahay."

“Sige mabuti nga 'yan anak sige lumakad kana."

Habang si Sabrina sa kwarto iniisip si Samuel dahil sa kabaitan intong ipinakita at laging sumasagid sa kanyang imahinasyon ang katawan ni Samuel, at ang mukha nito, pati ang dibdib nitong malabalbon.

“Ano Sabrina tumigil ka sa kakaisip sa lalaking 'yon," sabi nito sa sarili pero napapangiti nalang bigla pag iniisip nito ang katawan ni Samuel.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status