Share

AKIN ANG HULING KONTRATA
AKIN ANG HULING KONTRATA
Author: Jenelyn

Kabanata: 1

Ang buhay ni Sabrina Isidro ay napakaperpekto na sana dahil isa s'yang anak ng mayamang ankan ng Isidro, si Don Rafael Isidro, at Donya Leticia Isidro nasa kanya na sana ang lahat ang ganda, yaman, at hinahangaan ng mga kalalakihan. Pero hindi perpekto ang kanyang pamilyang kinalakihan kahit nakukuha pa niya ang gusto niya pero hindi naman masaya ang kanyang pamilya. Dahil sa sugarol nitong ama ay halos naglaho ang lahat sa kanila yaman, ekta-ektaryang lupa napilitan silang ibenta ang mga ito makabayad lamang sa malaking pagkakautang ng kanya ama. Tanging ang kanilang bahay nalang ang natira sa kanila bagay na ikinagalit ng kanyang ina.

“Rafael, hindo ka paba titigil sa kasusugal mo malapit ng mawala sa atin ang lahat!" galit na pinagsabihan ni Donya Leticia si Don Rafael dahil sa kasususugal nito.

“Wala kang pakialam, kung anong gusto ko! sino kaba sa akala mo asawa lang kita!" maanghang na sagot nito kay Donya Leticia.

Babalik dito si Don, Arturo Agman para kunin natitira nating lupa, at isusunod niya na ang bahay saan na tayo titira Rafael? maawa ka naman sa anak natin!" Humagulhol sa iyak si Donya Leticia dahil sa nangyari sa buhay nila dahil sa sugarol nitong asawa.

Lumapit si Don Rafael kay Donya Leticia at pinagbuhatan nga ito ng kamay. Mahigpit naman ang kanyang pagkakahawak kay Donya Leticia kaya gustuhin man ni Donya Leticia ang makawala sa mga bisig nito ay hindi nito kaya.

Papa! tama na po maawa naman po kayo kay Mama!" Galit na pinipgilan ni Sabrina ang kanyang ama.

“Isa kapa!!!"

“Anak, Sabrina umalis ka dito parang awa mo na Rafael wag mong saktan ang anak natin!" paalala nito kay Don Rafael.

Bigla nalang lumabas si Don Rafael dala ang isa bote ng alak. Naiwan ang kaawa-awang si Donya Leticia.

“Mama bakit niyo po hinahayaang gawin to ni Papa."

“Anak, hindi ko na alam ang gagawin ko sa ama mo. Walang wala na tayo tanging ang bahay nalang na ito ang natira sa atin."

“Hindi ko po hahayaan si Papa na ibenta itong bahay Mama gagawa ako ng paraan."

“Wag! wag anak, hindi ko hahayaan saktan ka ng Papa mo."

“Pero, ano hahayaan nalang natin si Papa na gawin ang gusto niya pagkatapos nito saan tayo matutulog?"

“Gagawin ko po ang lahat Mama para makabayad tayo ng utang natin sa Arturo na 'yan."

“Sige na, umalis kana baka bumalik ang Papa mo at ano pa ang mangyari sayo."

“Hindi ako natatakot Mama."

“Anak, wag ng matigas ang ulo mo mabuti pa sabihan mo si Aleng Isabel na magluto na at baa

ka bumalik na naman ang Papa mo at magalit na naman 'yon."

“Paano na po ang sahod ng mga nagtatrabaho sa atin Mama. Kailangan ko na po ba magtrabaho?"

“Magbabawas na tayo ng katulong sa hacienda dahil anim sila at hindi na natin kaya pang magbigay ng sahod nila. Magtatanggal tayo ng apat na katulong."

“Talaga bang hindi na mababawi natin ang lupa Mama."

“Hindi na natin mababawi pa ang lupa anak malabong mangyari."

“Anong gagawin natin bukas kung babalik dito ang Arthuro na 'yon."

“Yan ang hindi ko pa alam may kaunting lupa pa ang natira sa atin hindi naman pwede ang haciendang ito hindi ko pwedeng ibigay 'to anak."

“Ako ang haharap sa kanila Mama."

“Hindi anak, baka ano pa ang gawin sayo ng Arthuro na 'yan."

“Hindi Mama, wag kang mag-aalala ako ang haharap bukas sa Don, Arthuro na 'yan. Sige Mama pupunta muna ako sa baba at magpahinga muna kayo Mama babalik din agad ako bibili lang ako ng gamot sa sugat niyo naubusan narin tayo ng uulamin natin."

“Bakit may pera ka pa ba anak?"

“Nagtago po ako ng pera ang binibigay niyo po sa akin dati ay tinatago ko."

“Maraming salamat anak, may natitiranpa na naman sa banko kahit papano yun nala'g ang gagamitin dito aabot pa 'yun para sa taon na 'to."

“Sige Mama."

Pagkatapos utosan ni Sabrina ang isa nilang katulong na si Aleng Isabel dumiretso ito sa bayan para bumili ng ulam at gamot para sa ina. Nadaanan naman siya ng anak-anakan ni Don Arthuro na si Samuel. Unang kita palang niya kay Sabrina ay nabighani na s'ya sa dalaga at may lihim na pagtingin na ito kay Sabrina ang hindi alam ni Samuel ay anak pala ito ni Don Rafael. Sakay ng isang magarang sasakyan si Samuel at pinagmamasdan nito sa malayo ang dalaga."

"Saan kaya nakatira ang babaeng ito napakaganda niya." Napamangha si Samuel dahil sa nakaka-akit na ganda ni Sabrina saktong bababa sana s'ya ng kanyang sasakyan para magpakilala sa dalaga ay huli na at nakasakay na ito balak sana niyang sundan ang dalaga pero hindi nalang nito tinuloy. Umuwi nalang ito sa kanilang Mansyon.

“Samuel saan ka ba galing at may ipapagawa sana ako sayo," sabi ni Don Arthuro.

“Ano yun Papa?"

“Ayusin mo 'to kailangan pumerma bukas ang Don Refael na 'yan para makuha na natin ang lahat ng ari-arian nila. Uunahin ang natitira nilang lupa, at isusunod natin ang hacienda nila. Ihanda mo na ang mga tao natin bukas," sabi nito habang hawak ang isang invelop na lay lamang mga titulo ng lupa.

Habang si Sabrina naman ay nag-iisip ng paraan kung paano kumbinsihin si Don Arthuro na itigil na ang pagbawi ng mga natitira sa kanilang ari-arian kailan mang ay hindi pa sya nakita ni Don Arthuro pero lalabas siya para harapin ito.

“Sabrina!" tawag ng kanyang ama na halos matumba-tumba na dala ng kalasingan nito.

“Andito na naman ang ama kung sugarol."

“Sabrina asan ka na ba!"

“Nandito n1 po! sandali lang."

“Ba't ang tapang mo ng sumagot gusto mo ihampas ko sayo ang bote na 'to!" pagbabanta nito sa anak.

“Sige Rafael bitiwan mo anak ko!"

“Akala mo natatakot ako sa kutsilyo na'yan!"

“Papa! wag po maawa po kayo kay Mama!"

Mabuti nalang at pumasok ang dating naninilbihan sa kanila na si manong Tasyo para kunin ang kutsilyo na inagaw nito sa ina ni Sabrina.

“Sir tama na po delikado po baka mapatay niyo na po ang mag-ina ninyo." Sabay kuha sa kutsilyong hawak nito

“Bakit ka nakikialam dito tasyo!" bigla nalang itong natumba dala ng kalasingan nito at binuhat ito ng dati nilang tauhan sa kwarto nito.

“Maraming salamat Tasyo kung hindi ka dumating baka napano na kami ng anak ko."

Walang ano man po. Kasama nito ang anak niyang si Daniel na tumulong para buhatin si Don Rafael. Manghang-mangha din ito sa ganda ni Sabrina.

“S'ya po pala ang anak kung si Daniel."

“Ito naba ang anak mo dati na dinala mo dito? ang laki na ng batang ito magkasing edad yata kayo ni Sabrina hijo," sabi ni Donya Leticia.

“Oo nga po naglalaro pa nga sila dati ni Daniel, pero ngayon ang laki-laki ng mga batang ito. Doon ko kasi pinag-aral to sa Mama niya ngayon tapos na sya sa kanyang pg-aaral kaya pinatulong ko muna sya dito."

“Kumain muna kayi Tasyo."

“Wag na po Donya Leticia nagluto kasi ang asawa ko sa bahay."

“Salamat sainyo ha."

“Walang anuman po. Sige alis na po kami, tara na Daniel."

“Dito na po kami Ma'am."

“Sige hijo mag-iingat kayo."

“Anak, Sabrina bakit pa kasi sinagot mo ang Ama mo alam mong lasing na lasing."

“Sumusubra na po kasi."

“Sa susunod anak umiwas kana lang sa kwarto ka nalang at wag kang lalabas. Sige na kumain na tayo wag mo ng tawagin ang ama mo kakain lang 'yan kung kailan niyan gusto."

Pagkatapos nilang kumain ay maaga silang gumising para harapin ang mga Agman.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status