Sa daan palabas ng airport ay halos mabali na ang leeg ni Lunabella sa kalilingon kung nakasunod ba sa kanila si Benjamin.
Mabuti naman nang hanggang sa makalabas na sila sa airport gate ay wala siyang makitang ni isang pigura ng lalaki. Napabuga na lang ng hangin si Luna dahil kahit papaano ay nabawasan ang pangamba niya. Napansin ng dalawang bata ang paglingon ng kanilang ina bawat tatlong hakbang palayo sa lugar, gusto nilang magtanong ngunit sa nakikitang pangamba sa mukha ng ina ay minabuti na lamang nilang manahimik muna. “Lunabella! My dearest Bri-Bri and Levy!” Boses ng isang sopistikadang babae ang siyang umagaw sa kanilang atensyon. Nang makilala ni Luna ang kaibigan si Zarina ay nawala ang kaba niya at napalitan ng ngiti at kasabikan. Mabilis na silang naglakad patungo roon at nagyakapan. “Zari! How have you been?” “I'm doing good, bes! Kayo? Kumusta naman ang byahe?” Tanong pa ni Zari. “Uy, long time no see, ha! You're finally back!” Bumungisngis pa ang kaibigan. “I'm good, we're good. Meet your godchildren, Brion and Levy.” Pagpapakilala ni Luna sa kanyang mga anak. Malambing namang niyakap ni Zarina ang mga inaanak sa matalik na kaibigan. Si Zarina ay matalik na niyang kaibigan mula pa noong college sila. Mula noon ay hindi na sila kailanman nawalan ng kumunikasyon, kahit na nasa ibang bansa na siya. Ngayon ay isa na rin itong doktor kagaya niya. Ngayon ang unang beses na makikita ng kanyang kaibigan ang mga anak sa personal. “Ang cute-cute ng mga inaanak ko! Manang-mana sa ninang!” Gigil nitong pinisil ang tungki ng matatangos na ilong ng dalawa. “Na-miss ninyo ba ang ninang, ha?” Sabay na tumango ang dalawa at sumagot. “Opo, pretty naming ninang!” “Oh, hindi nagsisinungaling ang mga bata! Maganda talaga ang ninang!” Tuwang-tuwa namang umikot si Zarina upang ipakita sa mga ito ang kagandahan niya. “But you don't have a boyfriend until now, ninang! Why is that?” Walang prenong tanong ni Brion. Napatigil sa pag-ikot si Zarina at napahawak sa dibdib na animong nasasaktan sa sinabi ng inaanak. “Wow, pasmado ang bibig ng batang ito, Lunabella—” “Be our girlfriend for the meantime then! At katulad ni Mama, aalagaan at poprotektahan ka rin namin! Right, Bri-Bri?” Bawi ni Levy sa sinabi ng kapatid. Napaawang ang labi ni Zarina at saka nag-angat ng tingin sa kaibigan. “Mga batang ‘to! Alam na alam talaga kung papaano pakiligin ang ninang!” Tumawa naman si Lunabella. Muli siyang lumingon at doon na naman ang kabang nararamdaman niya sa takot na baka sa loob ng kumpulan ng mga tao ay bilang lumabas si Benjamin. “Zari, I know that you have lot's of questions and these little devil's of mine has so many stories to tell. Please sa bahay na lang natin ituloy.” Lumunok siya upang hindi masyadong halata ang kaba. Dahil naiintindihan ni Zari ang kaibigan at pagod sa byahe, nakangiti siyang tumango rito atsaka sabay ang tatlong naglakad patungo sa nakaabang na kotse. Ilang sandali lang ay umalis na ang mga ito sa airport. Ilang segundo lang nang makaalis ang sasakyan nila Luna ay siya ring pagtapak ni Benjamin sa airport gate. “Ikansela mo ang lahat ng meeting ko abroad,” utos ni Benjamin sa assistant niyang si Lito na nasa tabi lang niya. Tumango si Lito bilang tugon. “Boss, dinagdagan ko na po ang mga tao sa paghahanap sa señorita. Masyado pa syang bata upang makabisado ang mga lugar kaya hindi pa po iyon nakakalayo. Huwag po kayo masyadong mabahala.” Ang señorita Blueberry Lucille ang siyang nagpapasaya sa kanyang boss sa tuwing umuuwi ito sa bahay. At ito lang ang tanging dahilan kung bakit ito umuuwi ng bahay. Walang katumbas ang trabaho nito abroad kung kasalukuyan namang nawawala ang prinsesa nito. Madilim ang mga matang pumasok si Benjamin sa kanyang limousine. Nakatitig lamang siya sa labas, malalim ang iniisip. Ilang saglit pa ay umandar na ang sasakyan. ****** Isang oras ang lumipas nang makarating sila sa Villafuerte Subdivision. Dalawang araw bago sila lumipad sa Pilipinas ay naghanap na siya ng matitirhan nilang mag-iina. At sa tulong ng matalik na kaibigan ay heto sila ngayon. “Ang ganda ng lugar, tahimik at maraming puno. Gustong-gusto ko ang ganito,” ani Lunabella sa kaibigan. “Thank you for helping me find a new place for the fam.” Malawak namang ang ngiting tumango si Zarina. “Tatlong bahay lang mula rito ang aking bahay, kaya kung pareho tayong walang ginagawa ay pwede kayong pumunta roon.” Nang malaman kasi ng kaibigan na uuwi na siya ng bansa ay pati rin ito ay naghanap ng sariling bahay, iyong malapit lang din sa kanya. At dahil marami namang ‘for rent’ ang subdivision dahil ang iba ay nag-migrate na, grinab na niya ito. Nakangiting tumango si Lunabella at iginiya na papasok ang mga gamit nila sa loob. Tahimik ang dalawang bulilit, marahil ay nagmamasid sa paligid at iniisip na naman kung anong kapilyuhan ang gagawin. Masyado silang naging abala sa pagliligpit ng mga gamit nila kaya huli na nilang napagtanto na oras na pala ng hapunan. Naglinis lang sila ng katawan at saka pumasok sa sasakyan para pumunta sa malapit na restaurant. Nang makarating sa parking lot ng restaurant, hindi pa man nakaparada ng maayos ang sasakyan ay halos lubayan na si Lunabella ng kaluluwa nang biglang may bang babaeng bigla na lang lumabas galing sa madilim na sulok! “Oh my goodness!” Agad niyang sinuri ang dalawang anak at nang makitang ayos naman ang mga ito ay mabilis niyang binuksan ang pintuan upang tingnan ang bata. Dalawang dangkal mula sa sasakyan ay nakita ni Lunabella ang isang batang babae, sa hinuha niya ay nasa apat hanggang limang taon na ito. Nakaupo ito sa semento at nakayuko, bakas sa bata ang takot. Lumabot ang puso ni Luna nang makita ang kalagayan ng bata. Maingat siyang nag-squat sa harapan nito at inabot ang kamay niya rito. “Hi baby, are you okay?” marahan niyang tanong. Sa narinig ay lumabas na rin si Zarina kasama ang mga bata. Maputi at makinis ang batang babae, matangos ang ilong, at nanunubig ang singkit na mga mata. Nakasuot ito ng pink princess dress, mayroong hawak na maynika at naka-pigtails ang buhok. Sa itsura nito marahil ay anak ito ng mayaman at kilalang tao! Nang mapansin ng batang babae na papalapit na si Luna ay humigpit ang yakap nito sa maynika, bahagya rin itong nanginginig sa takot. Nakaramdam ng pagkahabag si Luna. “Don't be afraid of me, darling. I'm a friend. I won't hurt you.” Isang beses lang nag-angat ng tingin ang bata at yumuko ulit. “Where's your parents? Are you lost?” Kunot ang noong tanong nito. Anong klaseng magulang ba ang hinahayaang nasa labas ang anak ng ganitong oras? Humigpit lang ang hawak ng bata sa maynika nito at isang beses siyang tiningnan bago umiling. Mas lalong kumunot ang noo ni Lunabella. Kanina pa siya nagsasalita ngunit hindi man lang niya naririnig ang batang sumagot. Ang tanging tugod lamang nito ay tingin, ngayon-ngayon lang ay iling. Hindi kaya, hindi kaya ay pipi ito at nawawala?Naisip na rin ni Lunabella na pipi ang batang ito dahil kung hindi ay sumigaw sana ito kanina at may tunog ang pag-iyak. Halos madurog ang puso ni Lunabella sa awa para sa bata. Malambing na ngumiti si Luna rito atsaka inabot ang kamay dito, “would you mind extending your hand to auntie? I'm not a bad person, I just want to help you…” halos bulong na sinabi niya para hindi matakot ang bata. Nahihiyang tumingin ang bata sa kanya, halos itakip na nito sa mukha ang hawak na maynika. Nang mag-angat ito ng tingin sa kanya, lumambot ang ekspresyon nito. Hindi makitaan ng pagmamadali si Lunabella, bagkus ay nakangiti pa ring nakalahad ang kamay rito, matiyagang naghihintay kung kailan magiging kumportable ang batang iabot sa kanya ang kamay nito. Matagal man ngunit hindi makitaan ng pagkainip si Lunabella. Kalaunan ay noong siguro naramdaman ng bata na hindi naman siya masamang tao, inabot nito ang kamay kay Lunabella. Nang sandaling mahawakan ni Luna ang malambot at mala-porselanan
Ilang segundo pang nanatili ang malamig na tingin ni Benjamin kay Astra. Marahang kinurot ni Astra ang ilalim ng kanyang palad, kabado na baka may nabasang kahina-hinala si Benjamin sa kanyang mukha. “Siguraduhin mo lang na totoo iyang sinasabi mo, dahil hindi mo magugustuhan ang pupwede kong gawin kapag nalaman kong may kinalaman ka sa pagkawala ng anak ko.” Malamig niyang turan bago humarap kay Lito. “May balita na ba galing sa kapulisan?” Yumuko si Lito at umiling. “Wala pa po, sir.” Kapagkuwan ay nag-angat siya ng tingin kay Benjamin. “Hindi kaya ay may dumukot sa señorita Blueberry?” Labis ang kahalagahan ng batang babae kay Benjamin Alvarez kaya hindi malabong gagamitin ang bata upang pabagsakin si Benjamin ng kabilang kampo. Nasabi iyon ni Lito dahil minsan nang mayroong magtangkang kidnapin ang bata. Wala ng ibang maisip pa si Lito kundi ang kinidnap ang bata dahil kahit saang sulok at naoakarami na ng naghahanap ay hindi pa rin ito nakikita. Umigting ang panga ni
Ang Mayari Restaurant ay isang pribado at high-end restaurant sa bansa. High quality ang mga menu nito at palangiti ang stuffs at maasikaso. Sa sobrang high-end ay kailangang mag-book para sa reservation. Mabuti na lang at may mga koneksyon si Zarina at nakapag-book siya month before. Dapat ay may mga kasama itong kaibigan ngunit nag-back out ang mga ito dahil sa ibang trabaho, at marahil ay itinadhana ngang talaga, timing din na uuwi na sila. “Mama, I want their pasta, steak and a buttered shrimp with lobster!” Maligalig na sinabi ni Brion nang makaupo. “I'll eat whatever’s on the table Mama, and please order some veggies. Thank you!” Sinundan naman iyon ni Levy. Nakangiting tumango-tango si Luna sa request ng mga anak. Nang inabutan na sila ng menu ng waiter ay sinabi na rin niya ang mga o-orderin nila. Kapagkuwan ay bumaling si Lunabella sa batang babaeng katabi niya. “How about you, darling? What do you want to eat?” Tanong ni Luna at ipinakita sa bata ang nasa menu upang mak
Umiigting ang bagang ni Benjamin nang maglakad papasok sa restawran. Handang-handa na ang kanyang inipong galit para sa dating asawa subalit nang ilibot niya ang mga mata sa paligid ay natagpuan niya ang kanyang anak. May kasama itong isang babae subalit sa kasamaang palar, hindi iyon si Lunabella. Mas lalong umigting ang kanyang panga at mahigpit ang naging pagkuyom ng mga kamao. Sa mabilis at malalaking hakbang ay lumapit si Benjamin sa lamesa, inisang pasada niya ng tingin ang anak bago ang babaeng katabi nito. Sa pagkakatanda niya ay ang babaeng ito ay si Zarina, ang matalik na kaibigan ni Lunabella. "Where's Lunabella?" Matigas na tanong ni Benjamin. Bahagyang natulos si Zarina sa kanyang kinatatayuan nang makita si Benjamin, nagulat siya sa presensya nito ngunit agad din namang nakabawi at ang poot na nararamdaman para sa kaibigan ay umusbong. "Sa pagkakatanda ko Mr. Alvarez ay ang aking propesyon ay isang doktor at hindi hanapan ng mga taong nawawala, nagkakamali ka ng map
Ilang sandaling katahimikan ang namayani sa pagitan nina Zarina at Benjamin. Naglalabanan sila ng matalim na tingin at parehong walang niisang may balak na magpatalo. Sa huli ay pumikit na lamang si Benjamin at bumuntong hininga. "Patawad, I was presumptuous just now..." Pagsukong nitong mungkahi. "Thank you for helping me find my daughter, I'm sorry for the trouble. If you need anything, please kindly call my secretary's number to assist you." Nangunot ang noo ni Zarina nang inabutan siya ng isang lalaki ng calling card. "Para saan ito?" Tiningnan niya si Benjamin ng patagilid. "Wait, are you paying me?" Naningkit ang mata ni Benjamin sa naging sagot ni Zarina. Alam niyang taklesa ang babae at hindi siya mananalo kapag pinairal niya ang init ng ulo. Kaya naman, tipid siyang umiling. "No, it's a thank you for finding my daughter." Dahil iyon naman ang katotohanan. Humugot ng malalim na hininga si Zarina at napagtantong masyado siyang naging marahas. Pero sa tuwing naaalala n
Makalipas ang dalawampung minuto ay tumigil na ang sasakyang minamaneho ni Lito sa mansyon ng Alvarez. Hindi hinayaang ng munting prinsesa na may humawak sa kanya kahit sino. Inangat niya ang sarili sa sasakyan at saka patalong bumaba nang walang lingon-lingon. Napapailing na lamang ang ama nito sa kawalang magawa kundi ang tahimik na sundan ang munti niyang dragon. Nang makapasok ang mag-ama sa entrada ng double doors ng kanilang mansyon ay halos pareho pang napatalon ang mga ito nang makarinig ng matinis na sigaw. "Blueberry Lucille!" Nagce-cellphone si Astra habang nakaupo sa malambot na kremang couch. Walang pakialam kung ano ng nangyari sa walang kwentang piping iyon. Subalit halos takasan siya ng kanyang kaluluwa nang makita kung sino ang naglalakad papasok! Iyon ay walang iba kundi ang pabigat na bastarda at nasa likod niyon si Benjamin! Kaya naman agad niyang binitawan ang hawak na telepono at pinilit ang sariling tumayo upang salubungin ang mga ito kahit na lab
Pabagsak na naupo si Zarina sa kanyang upuan nang tuluyan ng makalabas si Benjamin at ang kanyang mga tauhan sa restaurant. Umawang ang kanyang mga labi at saka niya pikawalan ang hiningang kanina pa pala niyang pinipigilan. "Hoo! Akala ay mabubuking na ako!" Hingang maluwag niyang sinabi at tiningnan ang bahagya pa ring nanginginig na mga palad. "Mabuti naman at hindi ka sumuko, Zarina! Kundi lagot ka talaga kay Lunabella!" Kausap nito sa sarili. "Kahit gaano pa man iyon kagwapo ay hindi dapat siya magpadala roon! Hmp! Mas mahalaga kaya sa akin ang kaibigan ko!" "Mauuna na po ba tayong umuwi kay ninang, Mama?" Untag ni Levy makalipas ang dalawang minuto nang hindi pa rin lumalabas si Zarina. Sumilip si Luna sa labas at bahagyang umiling, nakaramdam siya ng pag-aalala para sa kaibigan. Alam niya ang ugali ni Benjamin kaya alam niyang hindi nito tatantanan ang babae hangga't wala itong nahihitang impormasyon. Sana lang talaga ay hindi magpaapekto si Zarina sa lalaki. "Not yet,
Malalim na ang gabi nang pumasok si Benjamin sa kwarto ni Blueberry Lucille. Naiiling niyang pinulot ang kumot sa sahig na sigurado siyang sinipa nito. Maingat niya itong ibinalot sa katawan ng anak. Ilang saglit pa niyang pinagmasdan ang bata bago umalis. Sa pagbaba niya ng living room ay siyang pagdating naman ni Lito. "Boss, galing akong restaurant at sinuri ang kanilang surveillance cameras. Ngunit kataka-takang nawawala ang kuha ng eksaktong oras ng ilang minuto bago tayo makarating." Pagbabalita ni Lito kay Benjamin. Nag-isang linya ang kilay ni Benjamin sa balita ni Lito. "Nagkataon lang ba?" Na kung kailan nagkaroon siya ng matinding ekspekulasyon tungkol sa babaeng iyon ay bigla na lang masisira ang surveillance cameras? Nahihiyang napayuko si Lito. Nahihiya siya dahil wala man lang siyang matinong naibalita sa amo. "Marahil ay nagkataon lamang ang lahat. Siguro ay hindi naman talaga iyon si madam. Isa pa, si madam este si ma'am Luna ay matagal ng wala. Wala na tayo
Katahimikan ang naghari pagkatapos nilang marinig ang papalayong yabag ni Lito. Unti-unting lumuluwag ang pagkakakulong ni Benjamin kay Luna dahilan upang makahinga ng maluwag ang huli. Humugot ng malalim na hininga ang babae at saka iginala ang tingin sa paligid. Doon lamang niya napansin ang malawak na loob ng hotel. Kumpleto iyon. May malaking flat screen na TV, king size bed, kumpletong set ng sofa at lamesa. Wala sa sariling naglakad si Lunabella at tumungo sa pang-isahang sofa at naupo roon. Saka lamang niya niya napagtanto na nanghihina ang kanyang mga tuhod nang makaupo na siya. Mariin siyang pumikit, pinapakalma ang sarili at pilit na inaayos ang magulong isipan. Bagama't naging mag-asawa sila ngunit para pa rin silang ibang tao sa isa't isa. A complete stranger to be exact. Hindi niya mapigilang manibago, oo at galit siya sa lalaki subalit ngayong nagtagpo ng muli ang kanilang landas ay hindi niya alam kung anong dapat niyang maramdaman. Ngunit iisa lang ang sigura
Isa, dalawa, tatlo. Kumurap-kurap si Benjamin ng tatlong beses para lang talagang masigurong hindi na siya pinaglalaruan pa ng kanyang imahinasyon. "Let me go!" Anang tinig ng babaeng matagal na niyang hindi naririnig. Iyon ang kumpirmasyon ni Benjamin. Nang mapagtantong tunay na nga ito at hindi na isang malikmata, ang mga mata niya ay mas lalong dumilim na para bang anong oras ay bigla na lamang itong sasabog na para bang isang malakas na kulog sa madilim na kalangitan. Magsasalita na sana siya nang mapansin niyang naka-angat sa ere ang isang paa ng babae, handa ng umalis at takasan siya. Bumusangot si Benjamin at padabog na isinarado ang pintuan ng silid. At saka niya hinigit ang babae sa beywang upang pumirmi ito. Natulos sa kinatatayuan niya si Lunabella at halos mabingi siya sa sariling tibok ng puso. Masyadong mabilis ang pangyayari, hindi niya inaasahan na makikita niya ang lalaki sa ganoong sitwasyon at mas lalong hindi niya inasahang magiging ganito sila kalapit! H
Bumuga ng hangin si Lunabella. Pinapakalma ang sarili, ayaw niyang gumawa ng komusyon at baka kung ano pa ang isipin ng mga tao. Isa pa, mahirap kalabanin ang taong lasing dahil alak na lang ang naghahari sa mga isipan ng mga ito. "Are you okay sir? Did you got hurt or something?" Kalmado niyang tanong sa lalaki. Sinuri ng lalaki ang kabuuan ni Luna. At isang malisyosong ngisi ang pumaskil sa mga labi nito. "Darling, hindi mo malalaman kung talagang okay ba ako kung hindi mo ako sasamahan ngayong gabi. Could you please spend a night with me? I promise, I pay big." Mariin ang pagsalubong ng kilay ni Luna. Lasing na ang lalaki at ang tanging naghahari na lang sa utak nito ay ang tama ng alak. Kaya naman umayos siya ng tayo at naging alerto. "I'm sorry sir but you're drunk, maybe just go home and relax." Kalmanting sinabi ni Lunabella at saka tinalikuran na ang lalaki. Subalit sa pagtalikod niya ay hinawakan siya nito sa siko at saka ihinarap dito. "Miss naman, hindi pa tayo tapos m
Nang makarating sina Lunabella at Euan sa loob ng isang eksklusibong silid ay naroon na ang lahat. Halatang kanina pa ang mga itong dumating dahil mayroon ng mga kanya-kanyang mundo. Ang iba ay katawanan ang katabi, may iba namang abala sa telepono at iba naman ay nakagrupong nag-uusap na para bang ganoon na kalalim ang kanilang pinagsamahan. Iginiya ni Euan si Luna sa pangunahing upuan sa parihabang lamesa. Saka ito naupo sa katabing upuan habang ipinapakilala ang babae. "Everyone, alam kong nakita na ninyo kanina si Dr. Cruz sa pasaliksikan kanina but I want you to know her better." Anito. Ang lahat ay tumigil sa kani-kanilang mga ginagawa at tumingin kay Lunabella. Sinuri nila ang babae mula ulo hanggang paa kahit na ang kalahati naman ng katawan nito'y natatakpan ng lamesa. Tipid na ngiti ang iginawad ni Lunabella at saka ito tumango bilang pagbati sa kanila. "This is Lunabella Cruz, doctor Cruz. Marahil ay hindi gaanong pamilyar sa inyo ang pangalang Cruz, but you must
Nakabalik na sila sa opisina nang mapansin ni Lunabella na hindi pa rin umaalis si Euan. "May gusto ka pa bang sabihin?" Tanong niya rito. Matamang ngumiti si Euan at saka tumango ng isang beses. "Hmm... I just want to ask if you have time later tonight. Ngayon ang unang araw mo sa trabaho at mayroon akong inorganisang dinner party para i-welcome ka. It will also allow you to meet and get to know with the people of the institute." Sa narinig ay kumalma si Luna at bahagyang tumango. "Thank you, sige at sasama ako mamayang gabi. Tutal at makakasama ko na rin kayo mula ngayon kaya dapat lang na magpasalamat ako sa inyo." Tipid siyang ngumiti. Sa narinig na pagpayag ay nakahinga ng maluwag si Euan. Medyo nag-aalangan kasi siya kanina dahil akala niya ay tatanggi ang babae. Na siyang naiintindihan naman din niya dahil kararating lang nila sa bansa at hindi pa gaanong pamilyar ang mga anak nito lugar. Kaya ngayong pumayag na ito, hindi niya mapigilan ang tuwa. "Okay, see you when
Walang kamalay-malay si Lunabella sa mga kaganapan sa paaralan ng mga anak. Pagkatapos niyang masiguro ang seguridad ng kambal sa bagong paaralan ng mga ito ay dumiretso na siya sa institusyon na siyang sinasabi ni Prof. Macario. Nang sandaling pumasok siya ay sumalubong sa kanya ang lalaking nakasuot ng maroon polo shirt at itim na slacks. Napapatungan iyon ng puting lab gown. "Lunabella, welcome back! Nagagalak akong makasama ka ulit sa trabaho." Pormal ngunit may matamis na ngiti sa mga labing salubong nito, dahilan upang lumantad kay Lunabella ang magkabilang malalim nitong biloy. Maginoong iminwestra ng lalaki ang kanang kamay kay Lunabella. Isang tipid lamang na tango ang naging tugon ni Luna bago tinanggap ang kamay nito. Kapagkuwan ay sabay na silang tuluyang pumasok. Sumalubong sa kanya ang malamig at amoy kemikal na lugar. Noon ay nagtatrabaho si Euan Alvero sa ilalim ng koponan ni Propesor Griego, nagsagawa ng maraming research and development matter. Nang panahong iyo
Hindi nagsalita si Blueberry, mahina lamang ang pagkakasabi niyon ni Celine dahil naghihintay siya ng magtatanggol sa kanya ngunit wala siyang marinig. Kaya naman, humugot siya ng malalim na hininga at may pagsukong inulit ang sinabi. "I'm sorry, Blueberry, I shouldn't have pushed you like that. Can you please forgive me?" Pag-uulit ni Celine, pinaglalaruan pa ang mga daliri nito. Tinitigan muna ni Blueberry Lucille si Celine, tinitimbang kung talaga bang sinsero ito sa paghihingi ng tawad. Nang mapansing mukha naman itong sinsero, tumango siya at inabot ang kamay niya upang makipagkamay. "That's right!" Nakangiting sinabi ni Brion, "we are classmates here. We should not hate each other instead, we should be friends and family! Right?" Dagdag ni Brion na siyang sinang-ayunan naman ng mga ito. Habang ang lahat ay abala sa pagsang-ayon kay Brion, si Levy naman ay itinuon ang atensyon kay Blueberry Lucille. "Kumusta ang kamay mo? Hindi ba at tumama iyan kung saan kanina? Masa
Sinundan ni Levy ang tinitingnan ni Brion at doon ay nakita nga niya ang batang babaeng natagpuan ng kanilang ina kahapon. Ang batang babaeng iyon ay walang iba kundi ang anak ng ama nila sa ibang babae. Ang mga mata ng bata ay bahagyang namimilog habang nakikipalakpak kasabay ng mga kaklase. Nang makita nitong nakatingin ang kambal sa kanya ay umusli ang masayang ngiti sa kanyang mga labi. Nagniningning ang mga mata nito sa tuwa. Hindi inaasahan ni Blueberry Lucille na makita ang dalawang batang lalaki sa mismong paaralan niya, lalo pa at kaklase niya ang mga ito! Kaya tuwang-tuwa siya, hindi na siya makapaghintay na makalaro ang mga ito! Marahil ay isang beses lang niyang nakilala ang mga ito subalit parang mayroong kakaibang pakiramdam sa kanyang puso para sa mga ito. Para bang ang gaan-gaan ng pakiramdam niya sa dalawa. Hindi niya maipaliwanag ngunit nakakaramdam siya ng kaligtasan kapag nasa paligid ang mga ito, nararamdaman niya lang iyon sa tuwing kasama ang ama! Gayunpam
Malalim na ang gabi nang pumasok si Benjamin sa kwarto ni Blueberry Lucille. Naiiling niyang pinulot ang kumot sa sahig na sigurado siyang sinipa nito. Maingat niya itong ibinalot sa katawan ng anak. Ilang saglit pa niyang pinagmasdan ang bata bago umalis. Sa pagbaba niya ng living room ay siyang pagdating naman ni Lito. "Boss, galing akong restaurant at sinuri ang kanilang surveillance cameras. Ngunit kataka-takang nawawala ang kuha ng eksaktong oras ng ilang minuto bago tayo makarating." Pagbabalita ni Lito kay Benjamin. Nag-isang linya ang kilay ni Benjamin sa balita ni Lito. "Nagkataon lang ba?" Na kung kailan nagkaroon siya ng matinding ekspekulasyon tungkol sa babaeng iyon ay bigla na lang masisira ang surveillance cameras? Nahihiyang napayuko si Lito. Nahihiya siya dahil wala man lang siyang matinong naibalita sa amo. "Marahil ay nagkataon lamang ang lahat. Siguro ay hindi naman talaga iyon si madam. Isa pa, si madam este si ma'am Luna ay matagal ng wala. Wala na tayo