Ilang segundo pang nanatili ang malamig na tingin ni Benjamin kay Astra.
Marahang kinurot ni Astra ang ilalim ng kanyang palad, kabado na baka may nabasang kahina-hinala si Benjamin sa kanyang mukha. “Siguraduhin mo lang na totoo iyang sinasabi mo, dahil hindi mo magugustuhan ang pupwede kong gawin kapag nalaman kong may kinalaman ka sa pagkawala ng anak ko.” Malamig niyang turan bago humarap kay Lito. “May balita na ba galing sa kapulisan?” Yumuko si Lito at umiling. “Wala pa po, sir.” Kapagkuwan ay nag-angat siya ng tingin kay Benjamin. “Hindi kaya ay may dumukot sa señorita Blueberry?” Labis ang kahalagahan ng batang babae kay Benjamin Alvarez kaya hindi malabong gagamitin ang bata upang pabagsakin si Benjamin ng kabilang kampo. Nasabi iyon ni Lito dahil minsan nang mayroong magtangkang kidnapin ang bata. Wala ng ibang maisip pa si Lito kundi ang kinidnap ang bata dahil kahit saang sulok at naoakarami na ng naghahanap ay hindi pa rin ito nakikita. Umigting ang panga ni Benjamin sa narinig mula kay Lito. “Paigtingin ang paghahanap sa anak ko! Dagdagan ang mga tao at ipalibot sa buong bansa!” Iritado nitong ginulo ang sariling buhok sa sobrang frustration. “At kapag hindi ni'yo pa rin magawang mahanap ang bata sa gabing ito ay sesesantihin ko kayong lahat!” “Yes, sir!” Tarantang tugon ni Lito dahil na rin sa takot sa galit ng amo. Nang akma na siyang tatalikod upang gumawa ng tawag sa mga koneksyon, tumunog ang telepono ni Benjamin. Galit na galit si Benjamin kaya hindi na niya sana papansinin ang tawag, dahil hindi iyon ang tamang panahon para makipag-usap! Ngunit nang maalala niya ang sinabi ni Lito na baka kinidnap nga ang anak, nandilim ang kanyang mukhang kinuha ang telepono at mas tumindi ang nararamdaman niya ang makitang numero lang ang nasa caller I.D. Inis niya itong sinagot. “Hello?” Anang malambing na tinig ng babae sa kabilang linya. Sa narinig ay napako si Benjamin sa kanyang kinatatayuan. Para bang lahat ng parte ng kanyang katawan ay tumigil sa pag-function nang marinig ang pamilyar na malumanay na boses na iyon. Ang boses na iyon ay kaparehong-kapareho ng babaeng iyon. Banayad at malambing, parang anghel na umaawit. Ngunit imposible iyon dahil matagal ng wala ang babaeng iyon! Marahil ay kapareho lang nito ng tinig! Subalit nang manumbalik sa alaala ni Benjamin ang nakita niya sa airport kanina lamang ay naging marahas ang tibok ng kanyang puso. Dahil doon ay mas lumakas ang hinala niyang bumalik na ngang talaga ito. “Hello? May tao ba riyan? May kausap pa ba ako?” tanong ni Lunabella sa kabilang linya nang walang marinig na nagsasalita kahit sinagot naman ang tawag. Isinantabi ni Benjamin ang mga iniisip at nagsalita. “Yeah.” Tipid nitong tugon na hindi pa halos maintindihan ng kabilang linya. Nakahinga ng maluwag si Luna nang marinig na may sumasagot sa kabilang linya. “Hello, uhm… ganito kasi ‘yun, may matagpuan akong isang batang babae, nalaman ko lang ang numero ng telepono mo nang ibigay niya sa akin. May nakasulat na ‘Daddy’ sa dulo, so I assumed you're the father?” Sa bawat pagdami ng sinasabi nito ay siya ring paglinaw ng boses sa isipan ni Benjamin, talagang kompirmado na niyang ang nagmamay-ari ng boses na iyon ay walang iba kundi si Lunabella Cruz. Ang kanyang dating asawa. Madilim ang mukhang napatitig si Benjamin sa kung saan. “Where are you?” Malamig niyang wika. “Nasa Mayari restaurant.” Tiningala pa ni Luna ang pangalan ng kainan. “Naghihintay kami rito, dito mo na lang kunin ang anak mo.” “Sige, I'll be there right away.” Nang mawala ang sa kabilang linya, mabilis na naglakad palabas si Benjamin. “Ihanda ang sasakyan, pupunta tayo ng Mayari restaurant.” Napatitig si Lunabella sa telepono pagkatapos ng tawag. Namamaos ang tinig ng kabilang linya na para bang nagpipigil ito ng matinding galit. Ngunit ang ipinagtataka ni Luna ay ang pagiging pamilyar sa kanya ng boses na iyon. Ngunit hindi niya alam kung saan nga ba niya iyon huling narinig. Kaya kaysa ilaan ang oras sa walang kabuluhang bagay, hinarap na lang niya ang kaibigan. “Gutom na ba kayo?” Halos umikot ang mata ni Zarina. “Medyo kanina pa tayong nakatayo rito, bes. And yes I'm starving. Naniningil na ang mga bulate ko sa tiyan kaya utang na loob, pumasok na tayo at kumain! Isama na natin ang baby girl na ‘yan at kapag dumating na ang sundo niya, labasin na lang natin.” Tumango si Luna. “Okay, mauna ka na muna bes.” Pagkatapos niyon ay hinarap ni Luna ang batang babae, umuklo sapat lang na magtagpo ang mata nila. “Gutom ka ba? Auntie will take you in to eat something, okay lang ba ‘yon? Papunta na rito ang daddy mo, kapag dumating siya ay lalabas tayo para ibigay kita sa kanya, okay ba ‘yon?” Tumitig ang batang babae sa kanya, kumikislap ang mga mata nito, medyo nag-aalangan kung sasama ba o hindi. Ngumiti si Luna. “Kung ayaw mong sumama sa loob, edi sasamahan ka na lang ni Auntie rito hanggang sa makarating ang sundo mo.” Nang marinig ito ay nagkatinginan ang dalawang batang lalaki at sabay nagsabing. “Kami rin! We'll gonna wait here with Mama!” Napasapo si Zarina sa kanyang noo. “At ako lang ang gutom dito?” Napabuga siya ng hangin. Humarap siya sa batang babae at matamis na ngumiti. “Hey, baby girl, I'm auntie Zarina, I'm these two guys godmother… hindi kami bad people, we just want to eat because we're hungry. Pwede bang sumama ka sa amin kumain? I'm sure you're hungry too, is that okay?” Ang mata ng mag-iina ay tumuon sa batang babae, naghihintay ng sagot nito. Gutom naman talaga sila ngunit hindi naman nila pwedeng iwan ang bata sa labas kapag ayaw nito sumama, baka kung ano pang mangyaring malala. Kumagat sa pang-ibabang labi nito ang bata, humakbang siya ng dalawang baitang palapit kay Lunabella at saka humawak sa damit nito bago umiling. “Don't force yourself if you do you don't want to,” paalala ni Luna sa bata. Umiling ang batang babae dahilan upang mapangiti si Lunabella at manlambot ang puso para rito. “Are you hungry?” Tanong niya at inalis ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mata nito. Tumango ito. “Okay, let's go eat!” Naglakad na sila papasok ng restaurant. Si Lunabella ay hawak sa isang kamay ang batang babae habang si Zarina naman ay hawak sa magkabilang kamay ang kambal. “Kanina lang ay takot sa’tin ang batang ‘to, ngayon ay parang ayaw ng humiwalay sa'yo!” Puna ni Zarina. “Iba talaga ang magaganda, eh, ‘no? Malakas sa babae, lalaki, maging sa matanda at bata!” Tudyo nito sa kaibigan. Naiiling na ngumisi lang si Lunabella sa sinabi ng kaibigan.Ang Mayari Restaurant ay isang pribado at high-end restaurant sa bansa. High quality ang mga menu nito at palangiti ang stuffs at maasikaso. Sa sobrang high-end ay kailangang mag-book para sa reservation. Mabuti na lang at may mga koneksyon si Zarina at nakapag-book siya month before. Dapat ay may mga kasama itong kaibigan ngunit nag-back out ang mga ito dahil sa ibang trabaho, at marahil ay itinadhana ngang talaga, timing din na uuwi na sila. “Mama, I want their pasta, steak and a buttered shrimp with lobster!” Maligalig na sinabi ni Brion nang makaupo. “I'll eat whatever’s on the table Mama, and please order some veggies. Thank you!” Sinundan naman iyon ni Levy. Nakangiting tumango-tango si Luna sa request ng mga anak. Nang inabutan na sila ng menu ng waiter ay sinabi na rin niya ang mga o-orderin nila. Kapagkuwan ay bumaling si Lunabella sa batang babaeng katabi niya. “How about you, darling? What do you want to eat?” Tanong ni Luna at ipinakita sa bata ang nasa menu upang mak
Umiigting ang bagang ni Benjamin nang maglakad papasok sa restawran. Handang-handa na ang kanyang inipong galit para sa dating asawa subalit nang ilibot niya ang mga mata sa paligid ay natagpuan niya ang kanyang anak. May kasama itong isang babae subalit sa kasamaang palar, hindi iyon si Lunabella. Mas lalong umigting ang kanyang panga at mahigpit ang naging pagkuyom ng mga kamao. Sa mabilis at malalaking hakbang ay lumapit si Benjamin sa lamesa, inisang pasada niya ng tingin ang anak bago ang babaeng katabi nito. Sa pagkakatanda niya ay ang babaeng ito ay si Zarina, ang matalik na kaibigan ni Lunabella. "Where's Lunabella?" Matigas na tanong ni Benjamin. Bahagyang natulos si Zarina sa kanyang kinatatayuan nang makita si Benjamin, nagulat siya sa presensya nito ngunit agad din namang nakabawi at ang poot na nararamdaman para sa kaibigan ay umusbong. "Sa pagkakatanda ko Mr. Alvarez ay ang aking propesyon ay isang doktor at hindi hanapan ng mga taong nawawala, nagkakamali ka ng map
Ilang sandaling katahimikan ang namayani sa pagitan nina Zarina at Benjamin. Naglalabanan sila ng matalim na tingin at parehong walang niisang may balak na magpatalo. Sa huli ay pumikit na lamang si Benjamin at bumuntong hininga. "Patawad, I was presumptuous just now..." Pagsukong nitong mungkahi. "Thank you for helping me find my daughter, I'm sorry for the trouble. If you need anything, please kindly call my secretary's number to assist you." Nangunot ang noo ni Zarina nang inabutan siya ng isang lalaki ng calling card. "Para saan ito?" Tiningnan niya si Benjamin ng patagilid. "Wait, are you paying me?" Naningkit ang mata ni Benjamin sa naging sagot ni Zarina. Alam niyang taklesa ang babae at hindi siya mananalo kapag pinairal niya ang init ng ulo. Kaya naman, tipid siyang umiling. "No, it's a thank you for finding my daughter." Dahil iyon naman ang katotohanan. Humugot ng malalim na hininga si Zarina at napagtantong masyado siyang naging marahas. Pero sa tuwing naaalala n
Makalipas ang dalawampung minuto ay tumigil na ang sasakyang minamaneho ni Lito sa mansyon ng Alvarez. Hindi hinayaang ng munting prinsesa na may humawak sa kanya kahit sino. Inangat niya ang sarili sa sasakyan at saka patalong bumaba nang walang lingon-lingon. Napapailing na lamang ang ama nito sa kawalang magawa kundi ang tahimik na sundan ang munti niyang dragon. Nang makapasok ang mag-ama sa entrada ng double doors ng kanilang mansyon ay halos pareho pang napatalon ang mga ito nang makarinig ng matinis na sigaw. "Blueberry Lucille!" Nagce-cellphone si Astra habang nakaupo sa malambot na kremang couch. Walang pakialam kung ano ng nangyari sa walang kwentang piping iyon. Subalit halos takasan siya ng kanyang kaluluwa nang makita kung sino ang naglalakad papasok! Iyon ay walang iba kundi ang pabigat na bastarda at nasa likod niyon si Benjamin! Kaya naman agad niyang binitawan ang hawak na telepono at pinilit ang sariling tumayo upang salubungin ang mga ito kahit na lab
Pabagsak na naupo si Zarina sa kanyang upuan nang tuluyan ng makalabas si Benjamin at ang kanyang mga tauhan sa restaurant. Umawang ang kanyang mga labi at saka niya pikawalan ang hiningang kanina pa pala niyang pinipigilan. "Hoo! Akala ay mabubuking na ako!" Hingang maluwag niyang sinabi at tiningnan ang bahagya pa ring nanginginig na mga palad. "Mabuti naman at hindi ka sumuko, Zarina! Kundi lagot ka talaga kay Lunabella!" Kausap nito sa sarili. "Kahit gaano pa man iyon kagwapo ay hindi dapat siya magpadala roon! Hmp! Mas mahalaga kaya sa akin ang kaibigan ko!" "Mauuna na po ba tayong umuwi kay ninang, Mama?" Untag ni Levy makalipas ang dalawang minuto nang hindi pa rin lumalabas si Zarina. Sumilip si Luna sa labas at bahagyang umiling, nakaramdam siya ng pag-aalala para sa kaibigan. Alam niya ang ugali ni Benjamin kaya alam niyang hindi nito tatantanan ang babae hangga't wala itong nahihitang impormasyon. Sana lang talaga ay hindi magpaapekto si Zarina sa lalaki. "Not yet,
Malalim na ang gabi nang pumasok si Benjamin sa kwarto ni Blueberry Lucille. Naiiling niyang pinulot ang kumot sa sahig na sigurado siyang sinipa nito. Maingat niya itong ibinalot sa katawan ng anak. Ilang saglit pa niyang pinagmasdan ang bata bago umalis. Sa pagbaba niya ng living room ay siyang pagdating naman ni Lito. "Boss, galing akong restaurant at sinuri ang kanilang surveillance cameras. Ngunit kataka-takang nawawala ang kuha ng eksaktong oras ng ilang minuto bago tayo makarating." Pagbabalita ni Lito kay Benjamin. Nag-isang linya ang kilay ni Benjamin sa balita ni Lito. "Nagkataon lang ba?" Na kung kailan nagkaroon siya ng matinding ekspekulasyon tungkol sa babaeng iyon ay bigla na lang masisira ang surveillance cameras? Nahihiyang napayuko si Lito. Nahihiya siya dahil wala man lang siyang matinong naibalita sa amo. "Marahil ay nagkataon lamang ang lahat. Siguro ay hindi naman talaga iyon si madam. Isa pa, si madam este si ma'am Luna ay matagal ng wala. Wala na tayo
Sinundan ni Levy ang tinitingnan ni Brion at doon ay nakita nga niya ang batang babaeng natagpuan ng kanilang ina kahapon. Ang batang babaeng iyon ay walang iba kundi ang anak ng ama nila sa ibang babae. Ang mga mata ng bata ay bahagyang namimilog habang nakikipalakpak kasabay ng mga kaklase. Nang makita nitong nakatingin ang kambal sa kanya ay umusli ang masayang ngiti sa kanyang mga labi. Nagniningning ang mga mata nito sa tuwa. Hindi inaasahan ni Blueberry Lucille na makita ang dalawang batang lalaki sa mismong paaralan niya, lalo pa at kaklase niya ang mga ito! Kaya tuwang-tuwa siya, hindi na siya makapaghintay na makalaro ang mga ito! Marahil ay isang beses lang niyang nakilala ang mga ito subalit parang mayroong kakaibang pakiramdam sa kanyang puso para sa mga ito. Para bang ang gaan-gaan ng pakiramdam niya sa dalawa. Hindi niya maipaliwanag ngunit nakakaramdam siya ng kaligtasan kapag nasa paligid ang mga ito, nararamdaman niya lang iyon sa tuwing kasama ang ama! Gayunpam
Hindi nagsalita si Blueberry, mahina lamang ang pagkakasabi niyon ni Celine dahil naghihintay siya ng magtatanggol sa kanya ngunit wala siyang marinig. Kaya naman, humugot siya ng malalim na hininga at may pagsukong inulit ang sinabi. "I'm sorry, Blueberry, I shouldn't have pushed you like that. Can you please forgive me?" Pag-uulit ni Celine, pinaglalaruan pa ang mga daliri nito. Tinitigan muna ni Blueberry Lucille si Celine, tinitimbang kung talaga bang sinsero ito sa paghihingi ng tawad. Nang mapansing mukha naman itong sinsero, tumango siya at inabot ang kamay niya upang makipagkamay. "That's right!" Nakangiting sinabi ni Brion, "we are classmates here. We should not hate each other instead, we should be friends and family! Right?" Dagdag ni Brion na siyang sinang-ayunan naman ng mga ito. Habang ang lahat ay abala sa pagsang-ayon kay Brion, si Levy naman ay itinuon ang atensyon kay Blueberry Lucille. "Kumusta ang kamay mo? Hindi ba at tumama iyan kung saan kanina? Masa
Pinanood ng dalawa ang papalayong pigura ng tatlo. Nang tuluyan ng nawala sa kanilang paningin ang mga ito ay saka pa lang sila naupo sa may bandang bintana. "Ate Astra, what's going on between you and Dr. Cruz? It seems that you look like you knew each other, but your relationship seems a bit off..." Maingat na tanong ni Andrea sa babaeng kaharap. Nagngitngit ang mga ngipin ni Astra sa galit. "Of course! Sinong hindi magagalit? That damn woman is none other than, Lunabella Cruz, Benjamin's ex-stupid-wife!" Kung hindi dahil sa babaeng iyon ay matagal na sanang naganap ang kanilang kasal! Edi sana hindi niya pinagpipilitan ang sarili niya ngayon sa lalaki, edi sana ay siya na ang ilaw ng tahanan at nagkaroon na sila ng maraming anak, edi sana ay matagal na niyang inilibing sa lupa ang bastarda nito! Napakurap-kurap si Andrea, gulat na gulat. "Ang babaeng... Ang babaeng iyon ay ang dating asawa ni Kuya Benjamin?"Hindi naman isang sekreto ang pagpapakasal ni Benjamin anim na taon na
Nang marinig ang sinabi ni Andrea Fuentabella, kumislap sa mga mata ni Astra Soledad ang klase-klaseng emosyon. Dahil sa pangre-reject ni Benjamin Alvarez sa kanya noong nakaraang araw at sa kaalamang nakabalik na sa bansa ang babaeng matagal na nilang kinalimutan, hindi na siya nag-aksaya ng panahon pa. Magmula no'n ay ginawa na niya ang lahat para lang magkaroon sila ng maayos at solidong relasyon ng lalaki. Maaga siyang nagtungo siya sa bahay ng mag-asawang Alvarez upang personal na anyayahan ang mga itong pumunta sa bahay ni Benjamin, ng sa ganoon ay mayroon siyang matibay na alas nang sa ganoon ay hindi na makatanggi pa su Benjamin sa nais nilang gawin.Ngunit sa hindi inaasahan ay nagawa pa rin siya nitong tanggihan, kung noon ay silang dalawa lang sa kanyang opisina, ngayon ay harap-harapan niya iyong ginawa sa harapan ng kanyang mga magulang. Inis na inis siyang makita ang mukha ng bastarda nito subalit wala siyang magawa, hindi siya maaaring magpakita ng kahit anong ugali
Hindi pa ganoong kapamilyar si Lunabella sa mga restaurant malapit sa kanila kaya naman tinawagan niya si Zarina upang magrekomenda, nang sa ganoon ay hindi na siya maghanap pa at diretso na lang niyang dadalhin ang mga anak doon. Kasalukuyan silang kumakain nang makatanggap si Lunabella ng mensahe galing kay Ashton Fuentabella. From Ashton Fuentabella: Dr. Cruz, makakapunta ka ba para sa treatment ni Grandpa? Nang maalala ni Lunabella na hindi pa nga pala niya naipaliwanag dito ang proseso ng gamutan at kung tuwing kailan lang ito, agad siyang nagtipa ng sagot. To Ashton Fuentabella: Good evening, Mr. Fuentabella. I apologize for not informing you as soon as possible about the process of acupuncture. I will not be treating the old man's condition tonight because his body is too weak for the continuous treatment, he has been receiving acupuncture for two consecutive days, let his body rest for a day. I will be back tomorrow. From Ashton Fuentabella: Oh, is that it? Okay,
Sandaling natigilan si Sanrico Alvarez, itinagilid niya ang kanyang ulo, pilit na sinusubukang intindihin ang sinasabi ng apo. Ngunit kahit anong isip niya, hindi niya talaga maintindihan. Brion Auxley and Leviticus Azure... Dalawang pangalan ng lalaki. Sino naman ang mga iyon? "Sweetheart, may I know who these people are and why do you want to practice their names through calligraphy?" Hindi na mapigilan ni Sanrico ang magtanong sa apo. Tinitigan ni Blueberry Lucille ang kanyang Lolo, kapagkuwan ay nagbaba siya ng tingin sa kanyang notebook at nagsulat doon; 'Friends.' Bagama't mayroon pang nais itanong si Sanrico ngunit itinikom na lamang niya ang kanyang bibig at tumango na lamang sa apo. Inutusan na lamang niya ang isang kasambahay na kumuha ng mga materyales ng kanilang gagamitin sa pagsisimula ng pag-aaral nito ng kaligrapiya. Natagpuan ni Benjamin ang kanyang ama at anak na nasa dining table, abala ang mga ito sa kung ano kaya naman lumapit siya rito at sandaling pinapano
Sa tanghali ay napagpasyahan ng mag-asawang Alvarez na roon muna manatili sa bahay ng kanilang anak nang sa ganoon ay makasama pa nila ng matagal ang apo. Nakahanap rin si Astra ng irarason para manatili rin doon. Sa hapag-kainan, panay ang pag-aasikaso ni Astra Soledad sa matatandang Alvarez. Maya't-maya niyang nilalagyan ng masustansiyang sabaw ang kani-kanilang mangkok at pinaghihimay si Blueberry Lucille ng mga hipon. Pinagsalin din niya si Benjamin ng orange juice, sa sobrang pag-aasikaso niya, hindi na siya halos makakain. "Come on, Berry, here's your favorite shrimps. Auntie peeled a lot for you because Auntie knows that little girl likes shrimps so much," mahinhin niyang sinabi, may motherly-smile na nakaguhit sa kanyang mga labi. Si Blueberry Lucille na tutok sa kanyang cereal ay isang beses lamang na sinulyapan ang platong punong-puno ng hipon at saka walang pakialam na bumalik sa pagkain. Ang kamay ni Astra na kasalukuyan pa ring nakahawak sa plato ay natigilan, naging
Agarang tumayo si Bettina Alvarez at paluhod na dinaluhan ang apo. Inikot-ikot niya pa ito sa kanyang harapan, madrama niyang sinusuri ang katawan nito kung may sugat ba. "I heard that my precious grandchild is missing so early in the morning, how can I not be worried?" Masamang tingin ang pinukol ni Bettina sa anak. "I was so scared that's why I abruptly dragged your father with me! You didn't even bother to tell us this such important matter!" Pananaway niya rito, "how are you feeling my dear? Were you scared outside? Did someone hurt you? Come on, tell Grandma so that grandma will punish those bad guys!" Napatingin lamang si Benjamin sa kanyang ina. Walang makitang reaksyon sa mukha ni Blueberry Lucille. "My little Berry, did you know that grandma was so worried when she heard that you we're missing? Hmm? Grandma was so devastated, I wanted to flip the entire country just so we could see you right away! Please don't do that again, okay?" Madramang niyakap ni Bettina ang apo. "
Nang tuluyang makalabas ng bahay nina Lunabella at makapasok sa kanilang sasakyan, bagama't hindi na umiiyak subalit masama pa rin ang loob ni Blueberry Lucille sa kanyang ama. Kaya naman tahimik siyang naupo sa gilid, sa may bandang bintana. Sandaling pinagmasdan ni Benjamin ang suwail na anak, ilang minuto pa niya itong hinintay na pansinin siya ngunit talagang matigas ang ulo nito. Talagang alam na alam kung kanino nagmana. Kapagkuwan ay napailing na lamang siya, kung paiiralin niya ang kanyang pagiging istrikto ay talagang mas lalayo ang loob ng anak. Lalo pa ngayon na nakahanap na ito ng kakampi, kung hindi siya magpapakumbaba ay malamang sa malamang, tatakas nang tatakas ang batang ito. At ang mas malala pa, baka isipin ng babaeng iyon na isa siyang walang kuwentang magulang na hinahayaan ang anak na pagala-gala nang mag-isa! Baka isipin nito na hindi maganda ang pagpapalaking ginagawa niya sa anak at malayo ang loob nito. But the truth is, she's never been like this! Hindi
Pinakatitigan ni Benjamin ang dalawang paslit na kasalukuyang galit na galit sa kanya, imbes na magalit din ay kakaibang pagkamangha ang kanyang nararamdaman. Bahagyang nagsalubong ang kanyang mga kilay. Halatang sinisisi siya sa lahat ng dalawang ito. Subalit sa hindi malamang kadahilanan. Sa nakikitang galit sa mata ng mga batang ito, nakaramdam siya ng kaunting pagka-ilang, parang may kung anong mabigat sa kanyang dibdib na hindi niya maipaliwanag. Yakap-yakap ni Lunabella sa kanyang bisig si Blueberry Lucille, nang marinig ang mga salitang binitawan ng mga ito ay hindi siya makapagsalita sa gulat. Hindi siya mapaniwalaang sinabi iyon ng kanyang mga anak, nakaramdam siya ng hapdi sa kanyang dibdib. Siguro, siguro ay kung alam lamang ng nga ito na ang lalaking kanilang kaharap ay kanilang tunay na ama, marahil ay mas naging malumanay at maingat ito sa kanilang mga salita. Matagal ang naging pananahimik ni Benjamin, nag-iwas siya saglit ng tingin sa dalawa at saka humugot ng mal
Tila kalabit ang isang salitang iyon upang mapakawalan ni Blueberry Lucille ang emosyong kanyang pilit na pinipigilan. Sunud-sunod na nagsituluan ang kanyang mga luha kasunod ng matunog nitong paghikbi. Sa kabila ng pagtangis ng anak, naroon lamang si Benjamin, nakatayo, magkasalubong ang makakapal na mga kilay, walang balak na aluin ang anak. Dahil wala naman siyang karanasan pagdating sa pagpapatahan sa batang umiiyak. Sa tuwing nagkakatampuhan silang mag-ama, palaging si Manang Carmen ang inuutusan niyang aluin ito dahil wala siyang ideya kung paano. Nang makita ang anak na umiiyak sa harapan ni Lunabella, nakaramdam ng pagkapahiya si Benjamin. "Stop crying." Mariin nitong utos. Sa isipan niya ay normal lamang na tono ang kanyang ginamit, hindi pagalit, at hindi rin naman gaanong kalambing. Subalit para kay Blueberry Lucille ay nagsusumigaw iyon ng kalupitan. Pagkatapos marinig na sinabi ng ama, imbes na tumigil sa pag-iyak ay mas lalo pang umatungal ang bata. Iyong tipo ng