Sa narinig ay matunog na tumawa ang propesor. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at binigyan ng pamilyang yakap si Lunabella. Para na talagang anak ang turing nito kay Luna dahil sa tagal na nilang magkasama. Dahil sa pagkasubsob sa trabaho ay hindi na nakapag-asawa ang propesor at hindi na nagkaroon pa ng pamilya.
Kaya kahit sakit sa ulo ang pagpapasaway ng dalawang anak nito ay nagpapasalamat siya dahil nabigyan ng mga ito ang kulay ang kanyang buhay. “Natutuwa ako sa bilis ng iyong pagdedesisyon, Luna.” Wika nito pagkatapos humiwalay sa yakap. Tinapik nito ng marahan ang balikat ng babae. “Huwag kang mag-alala, sasama si Linda at ang ilang stuff dito nang sa ganoon ay may makakasama ka roon in case mamiss mo ako rito.” Pagbibiro ng propesor. Habang ang dalawa ay nag-uusap tungkol sa pag-uwi ng Pilipinas ay nagkatinginan naman ang dalawang batang lalaki. Para bang nag-uusap na ang dalawa at nagkakaintindihan kahit na wala pa mang lumalabas na salita sa kanilang bibig. Ilang sandali pa ay nagtanguan ang dalawa. Uuwing Pilipinas. Natutuwa sila sa narinig. Dahil doon nakatira ang kanilang ama, ibig sabihin ay makikita na rin nila ito. Masaya sila dahil uuwi na sila ng bansa dahil gusto rin nilang turuan ng leksyon ang amang nag-abandona sa kanila! ****** NAIA International Airport. Akay-akay ang dalawang anak, bumaba ng eroplano si Lunabella kasama ang dalawang anak sa bansang kanyang sinilangan at iniwan ng anim na taon. Nang nasa lapag na silang mag-iina ay agad na kumapit si Brion sa hita ni Luna. Nakahawak ito sa harapan ng maong na jumper at mariing pinagdikit ang mga paa. “Mama! Mama! Naiihi na po ako!” Tumawa si Luna at Levy sa hitsura ni Brion at saka tumango. “Sige, pupunta tayong palikuran ngayon din.” Dahil sa ka-cute-tan ng mga anak ay kinuha niya ang cellphone upang kumuha ng litrato, agad namang nagreklamo ang isang anak. “Mama stop taking pictures already! Maiihian ko na ang shorts ko!” nanginig pa ang bata sa sobrang pagpigil ng ihi. Natatawang tumakbo si Lunabella patungong banyo upang masulusyunan ang kalbaryo ng anak niya. Nakasunod naman si Levy sa kanila. Sinamahan ni Levy si Brion sa loob ng banyo, nagpaiwan si Luna sa labas para bantayan ang kanilang mga maleta. Habang naghihintay ay nagpadala ng mensahe si Lunabella sa propesor at sinabing ligtas silang nakarating sa bansa. Pinasalhan din niya ng mensahe ang kaibigan, sa kalagitnaan ng pagtitipa niya ay isang pamilyar na boses ang umagaw sa atensyon niya. “Useless! Ang dami at lalaking tao ninyo tapos hindi man lang ninyo magawang mahanap ang isang bata! Anong kabobohan ang mayroon kayo? It was just a child! A fucking child!” Galit na sambit ng lalaki, malamig at baritonong tinig. Pagkatapos ng anim na taon ay muli niyang narinig ang boses na ito. Ilang taon man ang lumipas, hindi pa rin niya magawang kalimutan ang boses na iyon. Hindi napigilan ni Luna ang sarili at lumingon siya sa pinanggalingan ng tinig. Doon ay nakita niya ang lalaking nakasuot ng itim na suit. Ang tindig ng mahahaba nitong paa ay nagsusumigaw ng karangyaan at kapangyarihan. At sa laki ng boses nito dahil sa iritasyon ay napapalingon ang ilang mga tao. Imbes na matakot o kaya makaramdam ng pagkapahiya, napapanganga pa ang mga ito sa angking kaguwapuhan ng lalaki. Bahagya itong nakatagilid sa banda ni Lunabella kaya kalahating katawan lamang niya ang nakikita niya. Ngunit kahit naka-side view ang lalaki, kitang-kita pa rin ang kaguwapuhan nito. Kitang-kita pa rin ang perpektong pagkakagawa ng Diyos rito. Benjamin Alvarez! Nagwala ang dibdib ni Lunabella. Hindi niya akalain na sa unang araw ng pagtapak niyang muli sa bansa ay ito agad ang makikita niya! Ang damdaming matagal ng nakatago sa kailaliman ng kanyang puso ay biglang nanumbalik sa isang iglap. Akala niya ay ayos lang, ngunit hindi. Bumalik ang sakit at poot na nararamdaman niya sa lalaki ngayong nakita niya ulit ito. “Mama! We're done!” Bumalik ang diwa ni Lunabella nang maramdaman niya ang paghawak ng dalawang anak sa magkabilang kamay niya. Nagpabalik-balik ang tingin niya sa mga anak at kay Benjamin. Halos tumigil sa pagtibok ang puso niya. Kailangan na nilang makaalis dito dahil hindi dapat magtagpo ang landas nilang tatlo! Isang tingin pa lang ay makikilala na ng lalaki ang mga bata dahil carbon copy niya ang mga ito! Lumunok si Luna at pinalitan ng ngiti ang gulat na muka. “Talaga? Tara na, naghihintay na ang ninang Zarina ninyo sa labas.” Sambit niya at pinahawak sa hila-hila niyang maleta ang mga anak. Awtomatikong bumaling ang ulo ni Benjamin nang marinig ang pamilyar na boses. Lunabella? Siya ba iyon? Bumalik na ba siya? Mabilis na humakbang si Benjamin patungo sa kanila ngunit sa dami ng tao sa airport ay hindi na niya ito mahabol. Humalo na ito sa dami ng tao. Dumilim ang mukha niya at saka unti-unting nadedepina ang galit sa kanyang mga mata. Ang babaeng iyon ay walang pusong inabandona ang kanilang walang kamuwang-muwang na anak! At ngayon ay babalik ito? Para saan?Sa daan palabas ng airport ay halos mabali na ang leeg ni Lunabella sa kalilingon kung nakasunod ba sa kanila si Benjamin. Mabuti naman nang hanggang sa makalabas na sila sa airport gate ay wala siyang makitang ni isang pigura ng lalaki. Napabuga na lang ng hangin si Luna dahil kahit papaano ay nabawasan ang pangamba niya. Napansin ng dalawang bata ang paglingon ng kanilang ina bawat tatlong hakbang palayo sa lugar, gusto nilang magtanong ngunit sa nakikitang pangamba sa mukha ng ina ay minabuti na lamang nilang manahimik muna. “Lunabella! My dearest Bri-Bri and Levy!” Boses ng isang sopistikadang babae ang siyang umagaw sa kanilang atensyon. Nang makilala ni Luna ang kaibigan si Zarina ay nawala ang kaba niya at napalitan ng ngiti at kasabikan. Mabilis na silang naglakad patungo roon at nagyakapan. “Zari! How have you been?” “I'm doing good, bes! Kayo? Kumusta naman ang byahe?” Tanong pa ni Zari. “Uy, long time no see, ha! You're finally back!” Bumungisngis pa ang kaibiga
Naisip na rin ni Lunabella na pipi ang batang ito dahil kung hindi ay sumigaw sana ito kanina at may tunog ang pag-iyak. Halos madurog ang puso ni Lunabella sa awa para sa bata. Malambing na ngumiti si Luna rito atsaka inabot ang kamay dito, “would you mind extending your hand to auntie? I'm not a bad person, I just want to help you…” halos bulong na sinabi niya para hindi matakot ang bata. Nahihiyang tumingin ang bata sa kanya, halos itakip na nito sa mukha ang hawak na maynika. Nang mag-angat ito ng tingin sa kanya, lumambot ang ekspresyon nito. Hindi makitaan ng pagmamadali si Lunabella, bagkus ay nakangiti pa ring nakalahad ang kamay rito, matiyagang naghihintay kung kailan magiging kumportable ang batang iabot sa kanya ang kamay nito. Matagal man ngunit hindi makitaan ng pagkainip si Lunabella. Kalaunan ay noong siguro naramdaman ng bata na hindi naman siya masamang tao, inabot nito ang kamay kay Lunabella. Nang sandaling mahawakan ni Luna ang malambot at mala-porselanan
Ilang segundo pang nanatili ang malamig na tingin ni Benjamin kay Astra. Marahang kinurot ni Astra ang ilalim ng kanyang palad, kabado na baka may nabasang kahina-hinala si Benjamin sa kanyang mukha. “Siguraduhin mo lang na totoo iyang sinasabi mo, dahil hindi mo magugustuhan ang pupwede kong gawin kapag nalaman kong may kinalaman ka sa pagkawala ng anak ko.” Malamig niyang turan bago humarap kay Lito. “May balita na ba galing sa kapulisan?” Yumuko si Lito at umiling. “Wala pa po, sir.” Kapagkuwan ay nag-angat siya ng tingin kay Benjamin. “Hindi kaya ay may dumukot sa señorita Blueberry?” Labis ang kahalagahan ng batang babae kay Benjamin Alvarez kaya hindi malabong gagamitin ang bata upang pabagsakin si Benjamin ng kabilang kampo. Nasabi iyon ni Lito dahil minsan nang mayroong magtangkang kidnapin ang bata. Wala ng ibang maisip pa si Lito kundi ang kinidnap ang bata dahil kahit saang sulok at naoakarami na ng naghahanap ay hindi pa rin ito nakikita. Umigting ang panga ni
Ang Mayari Restaurant ay isang pribado at high-end restaurant sa bansa. High quality ang mga menu nito at palangiti ang stuffs at maasikaso. Sa sobrang high-end ay kailangang mag-book para sa reservation. Mabuti na lang at may mga koneksyon si Zarina at nakapag-book siya month before. Dapat ay may mga kasama itong kaibigan ngunit nag-back out ang mga ito dahil sa ibang trabaho, at marahil ay itinadhana ngang talaga, timing din na uuwi na sila. “Mama, I want their pasta, steak and a buttered shrimp with lobster!” Maligalig na sinabi ni Brion nang makaupo. “I'll eat whatever’s on the table Mama, and please order some veggies. Thank you!” Sinundan naman iyon ni Levy. Nakangiting tumango-tango si Luna sa request ng mga anak. Nang inabutan na sila ng menu ng waiter ay sinabi na rin niya ang mga o-orderin nila. Kapagkuwan ay bumaling si Lunabella sa batang babaeng katabi niya. “How about you, darling? What do you want to eat?” Tanong ni Luna at ipinakita sa bata ang nasa menu upang mak
“Benjamin, naging asawa mo ako sa loob ng tatlong taon ngunit ni isang beses ay hindi mo man lang ako nagawang hawakan! Ngayon, ito na ang pagkakataon ko. Ito na ang tamang panahon para bumawi sa lahat ng mga masasakit na pinagdaanan ko sa piling mo bilang asawa mo at bilang babaeng minahal ka ng napakatagal! Pinagsisisihan kong naging asawa kita!” Tumutulo ang mga luha ni Lunabella habang sinasabi iyon sa nakahiga at nakataling asawang si Benjamin Alvarez sa kanilang kama. “Huwag mong gawin ito, Luna. Sinasabi ko sa'yo, hinding-hindi kita mapapatawad! Bakit hindi mo na lang kasi tanggapin na hindi kita magawang mahalin? Na si Astra lang ang tanging tinitibok ng puso ko?!” Walang pusong turan ni Benjamin, puno ng galit ang mga mata. “Humanda ka sa akin kapag nakawala ako rito, talagang mapapatay kita!” Pilit itong kumakawala sa pagkakatali ngunit mahigpit ang ginawang pagkakatali rito ni Lunabella rito.Sa may paanan ng kama ay ngumisi si Luna. “Iyon ay kung makikita mo pa ako kapag
Nagising si Benjamin ng alas diez y medya. Ang unang pumasok sa isip niya ay kung paanong sakalin hanggang sa mamatay si Lunabella. Siya si Benjamin Alvarez, CEO ng pinakamalaking kompanya sa bansa na Alvarez Technology Inc… kilala bilang pinakamatalino. Kilala siya bilang mahusay at tuso sa larangan ng negosyo, ni wala pang nangahas na pabagsakin siya dahil pinaplano pa lamang ng mga ito, nagawa na niya iyon sa kanila. Ngunit dahil lang isa isang babae. Isang babae lang na dapat ay mahina at walang alam ay heto siya at nagkukumahog na bumangon upang pagbayarin ito sa nagawang kalapastanganan sa kanya. Hinding-hindi niya ito mapapatawad kahit kailan! Humanda ang babaeng iyon sa galit niya, wala na siyang pakialam kahit mapatay pa niya ito. Iritadong luminga-linga sa buong silid si Benjamin, umaasang bigla na lang lilitaw roon si Lunabella ngunit ni walang bakas ng babae sa silid! Noong papalabas na siya ay nahagip ng tingin niya ang isang papel na nasa bedside table, sa pagkakaala
Agad na pumasok si Lunabella sa opisina ni propesor Macario.. Nang sandaling bumukas ang pintuan ay agad na nagliwanag ang mukha at patalong umalis ng sofa ang dalawang makukulit na bubwit. “Mama! Lumabas na rin kayo sa wakas! Akala ko po ay roon na kayo titira sa laboratoryo!” Pambungad ni Brion. “Mama, mukha na po kayong pagod na tinubuan ng tao. Upo ka po, Mama. Mamasahe-in kita!” Wika naman ni Levy at saka siya iginiya ng dalawa paupo sa sofa. Agad na ekspertong nagmasahe sa kanyang mga balikat ang malilit na kamay nito. Si Brion ay nasa paanan niya at minamasahe ang kanyang mga binti. Habang pinapanood ni Lunabella kung paano siyang asikasuhin ng mga anak ay napapasabi na lamang siya na sulit ang panenermon ng propesor. “Ang babait ninyo ngayon, ah? Bakit hindi kayo ganyan kanina nang sirain ninyo ang computer ko?” Ang malaking boses na iyon ay galing sa propesor Macario, na kasalukuyang pinapanood ang mag-iina sa likod ng kanyang malalaking monitors. Si Levy ang unan

Sa daan palabas ng airport ay halos mabali na ang leeg ni Lunabella sa kalilingon kung nakasunod ba sa kanila si Benjamin. Mabuti naman nang hanggang sa makalabas na sila sa airport gate ay wala siyang makitang ni isang pigura ng lalaki. Napabuga na lang ng hangin si Luna dahil kahit papaano ay nabawasan ang pangamba niya. Napansin ng dalawang bata ang paglingon ng kanilang ina bawat tatlong hakbang palayo sa lugar, gusto nilang magtanong ngunit sa nakikitang pangamba sa mukha ng ina ay minabuti na lamang nilang manahimik muna. “Lunabella! My dearest Bri-Bri and Levy!” Boses ng isang sopistikadang babae ang siyang umagaw sa kanilang atensyon. Nang makilala ni Luna ang kaibigan si Zarina ay nawala ang kaba niya at napalitan ng ngiti at kasabikan. Mabilis na silang naglakad patungo roon at nagyakapan. “Zari! How have you been?” “I'm doing good, bes! Kayo? Kumusta naman ang byahe?” Tanong pa ni Zari. “Uy, long time no see, ha! You're finally back!” Bumungisngis pa ang kaibiga
Sa narinig ay matunog na tumawa ang propesor. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at binigyan ng pamilyang yakap si Lunabella. Para na talagang anak ang turing nito kay Luna dahil sa tagal na nilang magkasama. Dahil sa pagkasubsob sa trabaho ay hindi na nakapag-asawa ang propesor at hindi na nagkaroon pa ng pamilya. Kaya kahit sakit sa ulo ang pagpapasaway ng dalawang anak nito ay nagpapasalamat siya dahil nabigyan ng mga ito ang kulay ang kanyang buhay. “Natutuwa ako sa bilis ng iyong pagdedesisyon, Luna.” Wika nito pagkatapos humiwalay sa yakap. Tinapik nito ng marahan ang balikat ng babae. “Huwag kang mag-alala, sasama si Linda at ang ilang stuff dito nang sa ganoon ay may makakasama ka roon in case mamiss mo ako rito.” Pagbibiro ng propesor. Habang ang dalawa ay nag-uusap tungkol sa pag-uwi ng Pilipinas ay nagkatinginan naman ang dalawang batang lalaki. Para bang nag-uusap na ang dalawa at nagkakaintindihan kahit na wala pa mang lumalabas na salita sa kanilang bibig. Ilang sand