Share

Chapter 1.2

Nagising si Benjamin ng alas diez y medya. Ang unang pumasok sa isip niya ay kung paanong sakalin hanggang sa mamatay si Lunabella.

Siya si Benjamin Alvarez, CEO ng pinakamalaking kompanya sa bansa na Alvarez Technology Inc… kilala bilang pinakamatalino. Kilala siya bilang mahusay at tuso sa larangan ng negosyo, ni wala pang nangahas na pabagsakin siya dahil pinaplano pa lamang ng mga ito, nagawa na niya iyon sa kanila.

Ngunit dahil lang isa isang babae. Isang babae lang na dapat ay mahina at walang alam ay heto siya at nagkukumahog na bumangon upang pagbayarin ito sa nagawang kalapastanganan sa kanya.

Hinding-hindi niya ito mapapatawad kahit kailan! Humanda ang babaeng iyon sa galit niya, wala na siyang pakialam kahit mapatay pa niya ito.

Iritadong luminga-linga sa buong silid si Benjamin, umaasang bigla na lang lilitaw roon si Lunabella ngunit ni walang bakas ng babae sa silid! Noong papalabas na siya ay nahagip ng tingin niya ang isang papel na nasa bedside table, sa pagkakaalala niya ay wala naman iyon doon kagabi.

Nagtatagis ang bagang na lumapit doon si Benjamin, inis niyang hinablot ang papel at namilog ang mata sa nabasa.

Divorce agreement.

Iyon ang dahilan kung bakit sila humantong sa ganoon ni Lunabella.

Nang tingnan niya sa ibaba ay nag-isang linya ang makapal na kilay ni Benjamin nang makita ang pirma ng asawa sa ibaba.

Nilagdaan na nito ang matagal na niyang hinihingi sa kanya. Sa wakas ay hindi na niya ito asawa.

Ngunit imbes na matuwa ay nababalot lang ng inis at galit si Benjamin. Dala ang pirasong papel, halos takbuhin na niya ang daan mula sa kanilang silid pababa.

“Nasaan si Lunabella?” Galit niyang tanong sa kasambahay na nakita.

Bahagyang yumuko ang kasambahay. “Nakaalis na po si ma'am Lunabella, sir Benjamin. Dala niya po ang lahat ng kanyang gamit.”

Nalaglag ang panga ni Benjamin sa narinig.

*******

Makalipas ang anim na taon.

Kalalabas lang ni Lunabella sa laboratoryo ng medical research institute kung saan siya nagtatrabaho ay sumalubong na agad si Lia, ngumingisi na ang babae at kahit hindi pa man niya tinatanong ay parang alam na niya kung ano ang pakay nito.

“Doc. Cruz, pinapatawag ho kayo ng propesor sa kanyang opisina upang pag-usapan ang ilang bagay.” Wika nito.

Nitong mga nakaraang mga araw ay walang tulog si Lunabella dahil may pinagkakaabalahan siya sa laboratoryo kaya halos pumikit na ang kanyang talukap dahil sa sobrang antok. Ngunit nang marinig ang sinabi ni Lia ay agad siyang nilubayan ng antok.

“May sinabi pa ba siyang iba?” Paninigurado ni Lunabella. “Hindi naman… Hindi naman ulit sinira ng dalawang kampon ni satanas ang resulta ng research and development, hindi ba?”

“Hindi naman sa pinapakaba kita ha, pero oo, eh.” Ngumiwi si Luna sa naging sagot ni Lia.

Ang lalaki ay palaging marunong at magaling. Sa murang edad ay naging ‘ceiling’ na siya sa larangan ng medisina—isa si Lunabella sa mga tagahanga nito kaya siya dumating sa ganitong punto.

Kailanman ay hindi pinagagalitan si Lunabella ng propesor, subalit kapag napagalitan man siya, iyon ay hindi dahil may nagawa siyang mali. Kung hindi ay dahil iyon sa pagpapasaway ng kanyang dalawang bulilit.

Mga anak na walang ginawa kundi pataasin ang altaprasyon at paputiin ang buhok ng propesor.

Awtomatikong lumapit si Lia at hinagod ang likod ni Luna. “Sa pagkakataong ito ay tatlong magkakasunod na araw ka ng hindi lumabas ng laboratoryo. Nag-aalala lang sila sa kalusugan mo.” anito. “At tatlong araw na rin sila namamalagi sa opisina ng propesor, at sa tatlong araw na iyon jusko, madagdagan na naman ang buying buhok ng propesor!”

Nang marinig iyon ay napasapo si Lunabella sa kanyang ulo na sumasakit ngunit hindi rin naman maiwasang mapatawa sa mga naririnig tungkol sa mga kampon ng kadiliman niyang mga anak.

Brion Auxley at Leviticus Azure.

Anim na taon na ang nakaraan, nang makaalis siya sa pamilyang Alvarez at pagkatapos niyang pirmahan ang diborsyo, umalis siya ng bansa upang mag-aral ng medisina.

Ngunit sa hindi inaasahan ay nalaman niyang buntis siya. Galit na galit siya noon sa sarili dahil bakit niya iyon ginawa, dapat ay wala na siyang koneksyon pa ka Benjamin ngunit nakabuo pa rin sila!

Sa galit ay pumunta siya ng ospital upang ipalaglag ang bata, ngunit sa huli ay hindi niya pala kaya. Hindi na niya itinuloy ang pagpapalaglag sa anak, kalaunan ay napag-alaman niyang hindi lang pala ito isa, dalawa, kundi tatlo.

Triplets.

Triplets ang naging anak nila ni Benjamin. Dalawang lalaki at isang babae. Ngunit sa kasamaang palad ay agad ding binawian ng buhay ang babaeng anak kaya ang dalawa ang naiwan sa kanya.

Sa kabila ng pagod ay napangiti pa rin si Lunabella nang maisip ang mga anak na ubod ng katalinuhan.

Ngunit nang maalala niyang siya ang sasalo sa sermon ni propesor Macario Griego ay bumagsak ang kanyang mga balikat at gusto na lang matulog.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status