Share

A Tale That Wasn't Right
A Tale That Wasn't Right
Author: Anne_Tumcial

SIMULA

Author: Anne_Tumcial
last update Last Updated: 2021-06-29 07:13:50

2003

Isang maalinsangang tanghali ang nagpa-bagot sa batang si Aroon.  Kanina pa nakikipag kwentuhan ang kanyang ina sa isang kaibigan nito kaya hindi na niya napigilan ang pagka-inip at lumabas sa isang kubo.

Wala siyang alam sa lugar na iyon dahil hindi naman siya taga roon. Isang hamak na dayuhan lamang sila ng kaniyang ina sa bayan ng Ormoc dahil binisita nila ang ina ng kaniyang ama. Nasa isang lalawigan ng Thailand nakatira ang kaniyang ama kung kaya't ang ina nito ang nag-aalaga sa kaniyang lola tuwing bakasyon.

Hindi niya alam kung saan ang tungo niya. Binaybay niya ang anino ng puno ng talisay na nag po-protekta sa kaniya sa sinag ng haring araw. Ang huni ng ibon at hampas ng alon lang ang tanging nagsisilbing tunog na naglalaro sa kaniyang pandinig.

Umupo siya sa buhangin at inalala ulit ang naging sagutan nila ng kaniyang Ina.

“Ayoko dito! Gusto ko kay papa! Gusto ko sa Thailand! Ayoko dito Mama!”

Hindi na niya napigilan ang pagsigaw habang nag uunahan ang mga luha niya.

"Hindi mo ba naiintindihan?! Hindi na babalik ang papa at hindi kita papayagang makasama siya, Naiintindihan mo? Naiintindihan mo Aroon?! Hindi ka aalis sa tabi ko!"

Isang taon na niyang hindi nakakasama ang ama. Sa murang edad ay ramdam na niyang wala ng pagmamahal na namamagitan sa mga magulang niya.

Hindi na nakayanan ng kaniyang ama ang araw araw na pag aaway nila kung kaya't lumipad ito patungong Thailand.

Mas malapit siya sa kaniyang ama kumpara sa kaniyang ina dahil mas nagkakaintindihan sila at hinahayaan siyang gawin ang gusto niya,hindi tulad ng kaniyang Ina.

Nakatitig siya sa dagat habang unti- unting tumayo at tinungo ang alon. Hanggang baywang na niya ang tubig ngunit wala siyang pakealunti

“Kung ito lang ang natatanging paraan para makapunta ako kay papa, gagawin ko.”

Bulong niya sa isip.

Ang haring araw ay unti-unting natatabunan ng mga ambon. Ang mapayapang alon ay unti-unting lumalakas. Unti-unti ring pumapatak ang ulan.

Dahil bata, mas matimbang ang takot kaysa sa determinasyong makita ang ama. Umatras siya ngunit tinatangay ng halimaw na alon ang walang lakas niyang katawan. Pilit niyang nilangoy ang daan pabalik sa dalampasigan ngunit hindi niya malabanan ang lakas nang daloy ng alon.

"Tulong!Tulong!" Sigaw niya.

Napapasukan na ng tubig ang kaniyang bibig kaya mas pinili niyang ikaway ang mga kamay at hindi na sumigaw.

Dahil sa dilubyong hatid ng alon, natatabunan na ang batang si Aroon. Unti-unti niyang ipinikit ang mga mata at tinanggap ang kinasasapitan ng kaniyang desisyon.

Sa kabilang buhay nalang papa…

Bulong niya bago lumubog.

Hindi mapakali si Sid dahil sigurado siya sa nakita. Isang batang nalulunod. Gusto na niyang talunin ang dagat ngunit hindi pa dumadaong ang sakayan na kanilang pag aari. Nang makitang unti-unting lumubog ang bata ay hindi na siya nagdalawang isip pa at tinalon ang naglalakihang alon.

Laki siya sa dagat kaya marunong siyang lumangoy. Hindi naging madali ang paglangoy patungo sa batang nalulunod dahil sa bagsik ng Alon.

"Sid! Sid!" Sigaw ng kaniyang lola.

Sinisid niya ang kailaliman ng dagat at natagpuan ang wala nang malay na si Aroon. Agad niyang hinila ang lalake at tinangay sa mababang parte ng dagat. Nang nasa dalampasigan na ay hinila niya pahiga ang walang malay na si Aroon. Niyugyog niya ito ngunit wala siyang nakuhang tugon.

"Unsaon man ko ni?" (anong gagawin ko dito?)

Napasabunot siya sa buhok at niyugyog ulit ang bata. Ngunit sa pangalawang pagkakataon, wala siyang tugon na natanggap.

Natataranta siyang tumingin sa paligid at nagbabakasakaling may makitang tao at makahingi ng tulong ngunit sa kasamaang palad, wala ni isang tao. Ang sakayan nila man ay wala na ring tao at paniguradong nakababa na ang kaniyang lola at kuya.

“Kusi nasad ko ani ron” (Kurot na naman ako nito)

Bulong niya sa isip.

Biglang pumasok sa isip niya nang minsang may pinanuod sila ng kaniyang lola.  Nalunod ang bidang babae sa pilikula. Sinagip siya nung bidang lalake at dinala sa dalampasigan. Walang malay ang bidang babae kaya ang ginawa nung bidang lalake ay pinagdikit nito ang kanilang mga labi at tinakpan ang ilong nito saka binigyan ng hangin.

Tinitigan niya ang walang malay na batang lalake. Binaybay ng kaniyang mga mata ang mata nito patungo sa mga labi. Lumunok siya at nag aalinlangang inilapit ang kaniyang mukha.

“Unsa mani akong gi buhat, oy!”

(Ano ba 'tong ginagawa ko!)

Bulong niya.

Niyugyog niya ulit ang walang malay na si Aroon ngunit wala pa rin itong tugon kaya sa ikalawang pagkakataon, hindi siya nag alinlangang ilapat ang labi nito sa labi ni Aroon.

Tinakpan niya ang ilong at ibinuka ang bibig bago binigyan ng hangin.

Walang nangyari sa unang subok kaya inulit niya ng inulit ang ginawa at hindi ininda na lalake ang binubuhay niya.

Ano nga ba ang malay ng isang bata?

Sa huling subok ay naging matagumpay ito nang magsimulang umubo si Aroon at naglabasan ang mga tubig na kaniyang nainom.

Parang nabunutan ng tinik sa dibdib si Sid. Huminga siya ng malalim at nakangiting tumingala.

"Salamat Ginoo!" Sigaw niya.

Unti unting tumayo si Aroon. Hingal na hingal siya na tila tinakbo niya ang Ormoc papuntang Merida. Umupo siya at tumingala kagaya ni Sid.

"Thankyou Lord. " Dasal niya sa isip.

Nang makabawi ay tumingin siya sa estrangherong nagligtas sa kaniya.

"H-hi..."Hinihingal niyang bati.

"hi rin." Nakangiting sambit ni Sid.

"Salamat, ha? Kung hindi dahil sayo, baka patay na ako..."

"A-ah... Ano.... Ginoo unsaon mani nako pag tubag? Tagalog man diay ni!" (Diyos, paano ko ito sasagutin? Tagalog pala ito!)  Sambit niya sa isip..

"A-ah... Walang... Salamat?"

Natawa si Aroon hindi dahil sa maling sinabi ni Sid kundi dahil sa hitsura nito.

"Walang anuman. Yan yung tugon."

Ah…” Tumango tangong tugon ni Sid.

"Sa Maynila ikaw nakatira?"

"Oo."

"Nganong... Bakit.. Bakit kayo nandito?" Nahihirapan siya sa pagsasalita ng tagalog.

"Nandito si Lola,yung mama ng papa ko kaya nandito kami. Pero, di kami dito nakatira. Inaalagaan lang ni Mama si Lola"

Tumango si Sid at muling tumingala…

"Bakit ka pala naliligo? Di ka naman marunong lumangoy diba? Nagpapakamatay ka?"

"Hindi ako nagpapakamatay. Gusto ko lang puntahan ang papa ko."

"Papa? Bakit sa dagat? Wala jan yung tatay mo. Pero baka shokoy yung tatay mo? Hindi naman?"

Tumawa si Aroon at napailing.

"Hindi shokoy! Nasa Thailand ang papa ko. Gusto ko siyang puntahan."

Nawala ang ngiti sa mukha niya nang maalala muli ang pagkawalay sa Ama.

"Sino ba ang kasama mo dito?"

Matamang tanong ni Sid. Ramdam niya ang kalungkutan ni Aroon kaya kahit hindi bihasa sa wikang Tagalog ay nakapag salita siya nang diretso.

"Yung mama ko pero... ayoko siyang kasama. Mas gusto ko sa papa ko. Lage niya akong sinusuportahan sa lahat ng gusto ko, di gaya ni Mama…"

Mahihimigan sa boses ni Aroon ang lungkot at pangungulila. Mahal niya ang mama niya ngunit mas nararamdaman niya ang pagmamahal at pag aaruga sa ama dahil laging wala ang mama niya dahil sa trabaho.

Labis ang kalungkutan niya nang mag desisyong magpakalayo layo ang ama niya.  Araw-araw siyang tumatawag ngunit lagi siyang nahuhuli ng kaniyang ina kaya lagi siyang napapagalitan na naging sanhi nang paglayo ng loob nito sa ina.

"Mabuti ka nga e, may mama pa. Wala na 'koy mama, iya mi gi biyaan tungod sa lain nga lalake pero wala gihapon koy kalagot niya kay naa man koy lola.. Wala man koy katungod nga mag dumdom niya kay siya may nag anak nako.. Pero ako pangandoy karun, maka adto ug manila para makakita niya… " Yumuko si Sid at inalala ang ina. Kahit hindi naintindihan ni Aroon ang sinasabi ni Sid, ramdam niya ang pangungulila nito sa ina.

( wala na akong mama, iniwan niya kami para sa ibang lalake pero wala akong galit sa kaniya dahil may lola naman ako. Wala naman akong karapatang magalit dahil siya ang nag luwal sa'kin. Ang pangarap ko ngayon, ang makapunta ng maynila para makita siya)

Umusog si Aroon palapit kay Sid at inakbayan ito.

"Sayo nalang ang mama ko."

Napatingin si Sid kay Aroon at binatukan ito.

"Boang ka!"Sigaw niya sa bata. Napahimas naman si Aroon sa batok niya at naguguluhang napatingin kay Sid.

"Sayo na nga yung mama ko nambatok ka pa!" Sigaw niya pabalik sa bata.

"Bakit mo pinamimigay mama mo?"

"Para may mama ka na, nalulungkot ka diba?"

"Hindi pwede yun. Ikaw naman ang mawawalan ng mama..."

Napaisip si Aroon sa sinabi ni Sid.

"Oo nga no? Sige ganito nalang... Hati nalang tayo, pwede mo rin siya maging mama pero mama ko pa rin siya, okay na ba?"

Natawa si Sid at tumango.

"Sabi mo yan ah?" Natatawa niyang tanong.

"Oo naman." Tumawa rin si Aroon.

“Aroon!”

Nagitla silang dalawa at napatahimik sa pagtawa dahil sa sigaw ng nanay ni Aroon.

"Sid!!" Nakasunod naman ang lola ni Sid na may dalang pamalo.

"Ikaw bata-a ka!! Nganong ni lukso man ka sa tubig ha? Ganahan ka atakehon kos kasing-kasing?!?"

( ikaw na bata ka! Bakit ka tumalon sa tubig ha? Gusto mo bang atakehin ako sa puso?!?)

Sigaw ng lola ni Sid sabay palo sa kaniya. Wala siyang nagawa kundi umiyak at humingi ng tawad. Pero sa loob niya, wala siyang pinagsisihan dahil nailigtas niya ang kaibigan na niya ngayon na si Aroon.

Hindi naman nakayanang tignan ni Aroon na paluin ng lola si Sid kaya pumagitna siya at sinalubong ang palo ng matanda.

"Aroon!" Sigaw ng mama niya.

"Lola tama na po, iniligtas po ako ni Sid kanina dahil nalulunod po ako.. Wag niyo po siyang paggalitan..." Umiiyak niyang pakiusap sa matanda.

Natinag ang puso ng matanda at ng mama ni Aroon sa sinabi ng bata. Kapagkuwa'y inimbitahan nito ang mag lola sa kanilang bahay at doon na ikinuwento ng dalawang bata ang nangyari. Pinagsabihan lang ang mga ito.

Matapos ang araw na yun ay palagi nang magkasama si Sid at Aroon. Halos hindi na sila mapaghiwalay dalawa. Inubos nila ang bakasyon sa paglalaro, pagligo sa dagat at pagkwekwentuhan. Hindi na rin na muna bumalik sila Sid sa Camotes dahil may inaasikaso pa ang kaniyang lola sa Ormoc na naging pabor sa bata.

Kakatapos lang nilang maligo sa dagat. Maghapong tinuruan ni Sid si Aroon na lumangoy. Tila walang kapaguran ang dalawa dahil naghabulan pa sila. Tawa at kilitian kapag nahuli ng isa ang isa.

Nang mapagod ay umupo muna sila sa dalampasigan at pinakinggan ang hampas ng alon. Dahil hapon pa, tanging hampas ng alon at radyo lamang ang naririnig nilang dalawa.

Sabay silang napatingin sa isa't-isa nang tumugtog ang pamilyar na musikang paborito nila.

You know I can't smile without you

I can't smile without you

I can't laugh and I can't sing

I'm finding it hard to do anything

Panimula ni Sid. Tumabingi ang kaniyang ulo at hinintay ang dugtong ni Aroon. Tumawa si Aroon at tumango.

You see I feel sad when you're sad

I feel glad when you're glad

If you only knew what I'm going through

I just can't smile without you…

Tumayo si Sid at tinulungang tumayo si Aroon. Pinagsiklop nila ang kanilang mga kamay at umindayog.

You came along just like a song

And brighten my day

Who would have believed that you were part of a dream

Now it all seems light years away

And now you know I can't smile without you

I can't smile without you

I can't laugh and I can't sing

I'm finding it hard to do anything

You see I feel sad when you're sad

I feel glad when you're glad

If you only knew what I'm going through

I just can't smile

Nag ngitian silang dalawa at isinandal ni Sid ang ulo sa balikat ni Aroon.

"Balik ka ulit dito bukas ah?" Pakiusap ni Aroon.

"Oo... B-bago... Bago kami balik... Camotes" Nabubulol na tugon ni Sid.

Ngumiti si Aroon at tinapik sa balikat si Sid bago naghiwalay ang landas nilang dalawa...

Dumating ang araw na napuno ng iyakan ng dalawang bata. Kailangan nang bumalik ni Aroon at ng kaniyang mama sa Maynila upang ipagpatuloy ang pag aaral nito ng elementarya.

"Mama! Ayoko! Ayoko! Dito lang ako!" Namamaga na ang mga mata ni Aroon kakaiyak. Umiiyak naman si Sid yakap-yakap ng kaniyang lola.

"Aroon, babalik naman tayo dito, diba? Bibisita ulit tayo dito. Kailangan mong mag aral anak…”

"Dito nalang ako mag aaral mama!! Please mama!! Kahit itapon niyo na po lahat ng toys ko! O ibalik niyo nalang kay Santa, please mama!! Please!!" Lumuhod si Aroon sa harap ng mama niya habang ikinikiskis ang dalawang palad.

Bumuntong hininga ang mama niya bago tinanguhan ang lola ni Sid.

" Sige na Sid, mag paalam ka na… "Sabi ng lola niya.

 Umiling si Sid at mas ibinaon pa nito ang mukha sa kaniyang lola. Ayaw niyang makita na umiiyak siya. Ayaw niyang mapalayo sa kaibigan.

"Sid wag matigas ang ulo!"

Walang nagawa si Sid kundi humiwalay sa kaniyang lola at lumapit sa nakaluhod pa ring si Aroon.

"A-aroon... Tumayo ka na jan..." Hinawakan niya ang balikat nito at tinulungang makatayo. Yumakap ng pagkahigpit si Aroon sa kaniya at ayaw na siyang bitawan.

"Ayokong maghiwalay tayo..." Ungot ng bata.

"Kailangan mong mag aral... Magkikita pa naman tayo, diba? Tsaka tutuparin pa natin yung pangako natin..." Pinatiling matatag ni Sid ang boses...

Humiwalay si Aroon sa kaniya at lumiwanag ang mukha..

"Talaga?"

"Oo. "

Naguguluhang ang dalawang ginang sa pinagsasabi ng mga bata.

"Ano yun?" Tanong ng mama ni Aroon.

"Pangako namin sa isa't- isa mama na magsasama kami sa iisang bahay paglaki para hindi na kami maghihiwalay..." Tugon ni Aroon habang lumubo ang sipon.

Natatawang umiling ang kaniyang ina at pinahid ang mga luha sa pisnge ng bata.

"Mag aral muna kayo para matupad niyo ang pangarap niyo, okay?"

Tumango si Aroon.

"Pangako yan mama?"

"Pangako..."

Nagyakapan muli ang magkaibigan sa huling pagkakataon bago sumakay sila Aroon sa sasakyan at tuluyan na nga silang naghiwalay...

Magsasama tayong dalawa, pangako yan...

Song used: I cant smile without you by Barry Manilow

Related chapters

  • A Tale That Wasn't Right   UNANG KABANATA

    Madaling araw palang ngunit gising na si Sid at ang kaniyang lola. Araw ng linggo at kailangan nang lumayag ni Sid at ng kaniyang kuya papuntang Ormoc kung saan siya kasalukuyang nag-aaral. Nasa panghuling taon na siya ng Senior High.Tuwing madaling araw ng linggo sila umaalis ng kaniya kuya upang ihatid siya pabalik ng Ormoc. Tuwing byernes ng hapon naman siya umuuwi sa Puro, Camotes para tumulong sa paghahanap-buhay.Mataas ang pangarap ng lola niya para sa kaniya kung kaya't kahit may mga paaralan sa bayan ng Camotes, ay mas pinili ng lola niyang pag aralin siya sa Ormoc, kung saan mas mabibigyan ng pansin at matututukan ang kaniyang pag aaral.Suportado siya ng kaniyang kuya June kaya di alintana nito ang paghahatid sa kaniya galing sa Camotes papuntang Ormoc gamit ang kanilang de-motor na bangka. Umupa rin ng boarding house ang kaniyang kuya para sa kaniya.Gustuhin man niyang dito nalang sa lugar nila

    Last Updated : 2021-06-29
  • A Tale That Wasn't Right   IKALAWANG KABANATA

    Mas maingay pa sa palengke ang koridor ng building nang tumunog ang bell hudyat na tapos na ang pang umagang klase. Nagtutulakan ang mga lalake palabas ng classroom habang nag aayos naman ng mga histura ang mga babae. Nag lalagay ang mga ito ng mga kung anu-anong kolorete sa mukha upang maging presintable sa harap ng mga tao.Napuno ng halakhakan at kulitan ang koridor nang lumabas ang magababrkada. Pinag aagawan nila ang telepono ni Derek na may lamang larawan ng babaeng galing sa ibang skwelahan."Iba ka talaga Derek my boy! Palihim ka ring tumira e! Ganda niyan ah, pakilala mo kami!" Ung ot ni Josh."Tatahi-tahimik lang 'tong si Derek pero matinik sa Chix yan!" Dugtong ni Felix.Natatawang napailing si Sid habang halata naman ang inis sa mukha ni Derek."Tignan mo Sid, sobrang sexy oh! Look at that curve man damn!" Humuh

    Last Updated : 2021-06-29
  • A Tale That Wasn't Right   IKATLONG KABANATA

  • A Tale That Wasn't Right   IKA-APAT NA KABANATA

    IKA-APAT NA KABANATAHanggang sa makauwi ay hindi pa rin mawala sa isip ni Sid ang buong pangalan ni Aroon.Aroon Dale XavierSigurado siyang iyon ang kababata niya. Ngunit hindi niya alam kung paano tatanungin ito gayung hindi sila maayos. Wala sila sa maayos na relasyon dahil sa nangyari sa pagitan nila.Paano kung si Aroon na kababata nga niya si Dale? Paano niya kukompruntahin?Nakatulugan niya ang pag iisip. Maaga siyang nagising at dali-daling pumunta ng paaralan. Nang makarating siya ay tanging kwardya at mga naglilinis pa lamang ng hallway ang tao. Siya ang pinaka maaga at hindi pa nakabukas ang kanilang classroom.Ilang pabalik balik na lakad pa ang ginawa niya bago nasilayan ang guro na may dalang susi para sa silid aralan. Nagulat ang guro niya nang makitang

    Last Updated : 2021-07-08
  • A Tale That Wasn't Right   IKA-LIMANG KABANATA

    IKA-LIMANG KABANATALumipas ang mga araw at normal ang naging takbo ng kanilang mga araw. Regular ang pag tu-tutor ni Sid at sa kabutihang palad ay nasasagutan naman ni Aroon ang lahat ng pagsusulit na ibinigay niy.Sa mga nagdaang araw, unti-unting bumubuti ang relasyon sa pagitan nilang dalawa. Kung dati ay parang napipilitan lang ang turingan, ngayon ay mas nagiging kaswal na."Basta, huwag mo lang kalimutan ang mga salitang ugat. Hindi mo naman kailangang isa-ulo bawat salita, ang importante alam mo ang ibig sabihin nito,"Pagkatapos ng kanilang sesyon ay tumayo na siya at nagligpit ng gamit.Unang lumabas si Sid habang nanatili lang sa inuupuan si Aroon. Ilang minuto pa bago siya tumayo at tinakbo ang daan palabas ng library. Nang makalabas sa paaralan ay siyang pagsakay ni Sid sa dyep na malapit nang mapuno.

    Last Updated : 2021-07-13
  • A Tale That Wasn't Right   IKA-ANIM NA KABANATA

    IKA-ANIM NA KABANATAAlas-singko pa lang ay gising na ang diwa ni Aroon. Nagpaalam agad siya sa kaniyang lola pagkauwi niya kagabi na may dadalhin siyang kaibigan at dito sila mag-aaral. Pumayag naman agad ito at nag presinta pang magluto ng makakain nila kinabukasan.Inayos niya muna ang kaniyang higaan bago lumabas ng kwarto. Sumisikat pa lang ang araw kaya naoag desisyonan niyang maglakad lakad muna sa dalampasigan.Sinuot niyang ang kaniyang jacket dahil panigurado, malamig pa ang simoy ng hangin. Tanging mga kuliglig at ang hampas ng alon lamang ang maririnig sa paligid. Naririnig din ang pagsipol ng hangin ngunit wala namang nag babadyang ulan. Hindi nayanig sa Aroon at pinili pa ang maupo sa buhangin.Pinagmasdan niya ang pagsikat ng araw at ang malakas na paghampas ng alon. Kumakalma ang kaniyang diwa sa tuwing naririnig niya ang hampas ng alon.

    Last Updated : 2021-07-14
  • A Tale That Wasn't Right   IKA-PITONG KABANATA

    IKA-PITONG KABANATAKumuha ng bato si Sid at pinalundag ito ng apat na beses sa tubig. Pinagmasdan niya si Aroon na naglalakad sa tubig. Hindi naman kalaliman kung saan ito nakatayo kaya wala siyang pangamba.Naglakad-lakad siya sa dalampasigan at nilibang ang sarili sa pamumulot ng mga kabibi. Naalala niya ang kaniyang lola sa mga kabibi.Tuwing umuuwi siya sa kanila ay lagi niya itong tinutulungan na magpulot ng mga kabibi sa dalampasigan at pagkatapos ay ginagawa itong mga palamuti ng kaniyang lola at ibinibenta sa palengke.Nagpakawala siya ng isang malalim na buntonghininga bago tumayo at nagpasyang maglakad-lakad muna. Nami-miss niya rin ang alon ng Camotes.Mula sa kinatatayuan ay napadpad siya sa may dulo kung saan nakikita ang mga barkong dumadaong sa pier.Naalala niya noong nasa Elementarya pa lamang siya, tuwing walang pasok ay tumatambay sila sa

    Last Updated : 2021-07-16
  • A Tale That Wasn't Right   IKA-WALONG KABANATA

    IKA-WALONG KABANATAAng tadhana kung magbiro, hindi ka makaka-ilag. Ang tadhana kung gumawa ng paraan, masarap sa pakiramdam.Kakatapos lang mag-almusal ni Aroon nang tumunog ang kaniyang telepono. Dali-dali niyang itong kinuha at nakitang tumatawag ang kaniyang ina."Ma?" "Kamusta ka jan?" Malamig na salubong ng kaniyang ina. "Kakatapos ko lang kumain, Ma. Papunta na rin ako sa school." "Kamusta ang school? Grades?"

    Last Updated : 2021-07-19

Latest chapter

  • A Tale That Wasn't Right   IKA-LABING ISANG KABANATA

    IKA-LABING ISANG KABANATAHindi alam ni Aroon kung tutuloy pa ba siya sa pagpasok sa paaralan o magdadahilan na lamang na may sakit. Wala siyang mukhang maihaharap kay Sid dahil sa pag-amin niya kagabi. Totoong naging magaan ang kaniyang pakiramdam nang mailabas ang totoong siya ngunit kahit inasahan na niya ang magiging reaksyon ni Sid ay may sakit na dumaplis pa rin sa puso niya nang halos hindi siya matignan ng binata. Hinilot niya ang sintido at pinokpok ang ulo sa lamesa. "I'm gay Sid..." tila isang punyal na matagal nang nakatarak sa kaniyang puso ang nahugot. Hindi matanggal ang titig ni Sid sa kaniy

  • A Tale That Wasn't Right   IKA-SAMPUNG KABANATA

    IKA-SAMPUNG KABANATAMay mga bagay at pangyayari ang hindi natutupad kahit anong gawin mo. May mga rin na nangyayari sa pagkakataong hindi mo inaasahan.Isang oras bago magsawa ang magbabarkada sa pagtatampisaw sa karagatan. Laro, kulitan at halakhakan ang namayani sa lugar. Aliw na aliw si Aroon sa paglunod kay Josh at Felix. Pinagtutulungan nilang tatlo ang dalawa dahil sa kakulitan ng mga ito. Unang umahon si Sid na sinundan naman agad ni Aroon. Nagpabilisan pa sa paglangoy ang tatlo kaya silang dalawa lang ang naiwan na nakaupo sa dalampasigan."Nag enjoy ka ba?" tanong niya kay Sid.Tinukod ni Sid ang kaniyang mga kamay sa bandang likuran at tumihaya. Pinagmasdan niya ang mga kaibigang naglalaro bago binalingan ng tingin si Aroon."Oo naman!"

  • A Tale That Wasn't Right   IKA-SIYAM NA KABANATA

    IKA-SIYAM KABANATAIritable at wala sa sariling ibinagsak ni Sid ang katawan sa Kama. Tinadtad niya ng texts si Grace ngunit wala siyang natanggap ni isang reply mula rito. Gusto niyang tawagan ang kaniyang kuya ngunit ayaw niyang maging abala rito. Ayaw niya na mag-isip ng mga kung ano-ano si Grace dahil wala naman dapat ito ipangamba ngunit ayaw naman niya itong kulitin dahil kilala niya si Grace, magkukusa itong tatawag kung malamig na ang ulo nito. Nakipag titigan pa siya sa dingding bago hinila ng antok. Ilang minuto nalang bago magsimula ang klase nang dumating si Aroon na may dala-dalang eco bag na naglalaman ng mga pagkaing niluto ng kaniyang lola. Naikwento niya sa kaniyang lol

  • A Tale That Wasn't Right   IKA-WALONG KABANATA

    IKA-WALONG KABANATAAng tadhana kung magbiro, hindi ka makaka-ilag. Ang tadhana kung gumawa ng paraan, masarap sa pakiramdam.Kakatapos lang mag-almusal ni Aroon nang tumunog ang kaniyang telepono. Dali-dali niyang itong kinuha at nakitang tumatawag ang kaniyang ina."Ma?" "Kamusta ka jan?" Malamig na salubong ng kaniyang ina. "Kakatapos ko lang kumain, Ma. Papunta na rin ako sa school." "Kamusta ang school? Grades?"

  • A Tale That Wasn't Right   IKA-PITONG KABANATA

    IKA-PITONG KABANATAKumuha ng bato si Sid at pinalundag ito ng apat na beses sa tubig. Pinagmasdan niya si Aroon na naglalakad sa tubig. Hindi naman kalaliman kung saan ito nakatayo kaya wala siyang pangamba.Naglakad-lakad siya sa dalampasigan at nilibang ang sarili sa pamumulot ng mga kabibi. Naalala niya ang kaniyang lola sa mga kabibi.Tuwing umuuwi siya sa kanila ay lagi niya itong tinutulungan na magpulot ng mga kabibi sa dalampasigan at pagkatapos ay ginagawa itong mga palamuti ng kaniyang lola at ibinibenta sa palengke.Nagpakawala siya ng isang malalim na buntonghininga bago tumayo at nagpasyang maglakad-lakad muna. Nami-miss niya rin ang alon ng Camotes.Mula sa kinatatayuan ay napadpad siya sa may dulo kung saan nakikita ang mga barkong dumadaong sa pier.Naalala niya noong nasa Elementarya pa lamang siya, tuwing walang pasok ay tumatambay sila sa

  • A Tale That Wasn't Right   IKA-ANIM NA KABANATA

    IKA-ANIM NA KABANATAAlas-singko pa lang ay gising na ang diwa ni Aroon. Nagpaalam agad siya sa kaniyang lola pagkauwi niya kagabi na may dadalhin siyang kaibigan at dito sila mag-aaral. Pumayag naman agad ito at nag presinta pang magluto ng makakain nila kinabukasan.Inayos niya muna ang kaniyang higaan bago lumabas ng kwarto. Sumisikat pa lang ang araw kaya naoag desisyonan niyang maglakad lakad muna sa dalampasigan.Sinuot niyang ang kaniyang jacket dahil panigurado, malamig pa ang simoy ng hangin. Tanging mga kuliglig at ang hampas ng alon lamang ang maririnig sa paligid. Naririnig din ang pagsipol ng hangin ngunit wala namang nag babadyang ulan. Hindi nayanig sa Aroon at pinili pa ang maupo sa buhangin.Pinagmasdan niya ang pagsikat ng araw at ang malakas na paghampas ng alon. Kumakalma ang kaniyang diwa sa tuwing naririnig niya ang hampas ng alon.

  • A Tale That Wasn't Right   IKA-LIMANG KABANATA

    IKA-LIMANG KABANATALumipas ang mga araw at normal ang naging takbo ng kanilang mga araw. Regular ang pag tu-tutor ni Sid at sa kabutihang palad ay nasasagutan naman ni Aroon ang lahat ng pagsusulit na ibinigay niy.Sa mga nagdaang araw, unti-unting bumubuti ang relasyon sa pagitan nilang dalawa. Kung dati ay parang napipilitan lang ang turingan, ngayon ay mas nagiging kaswal na."Basta, huwag mo lang kalimutan ang mga salitang ugat. Hindi mo naman kailangang isa-ulo bawat salita, ang importante alam mo ang ibig sabihin nito,"Pagkatapos ng kanilang sesyon ay tumayo na siya at nagligpit ng gamit.Unang lumabas si Sid habang nanatili lang sa inuupuan si Aroon. Ilang minuto pa bago siya tumayo at tinakbo ang daan palabas ng library. Nang makalabas sa paaralan ay siyang pagsakay ni Sid sa dyep na malapit nang mapuno.

  • A Tale That Wasn't Right   IKA-APAT NA KABANATA

    IKA-APAT NA KABANATAHanggang sa makauwi ay hindi pa rin mawala sa isip ni Sid ang buong pangalan ni Aroon.Aroon Dale XavierSigurado siyang iyon ang kababata niya. Ngunit hindi niya alam kung paano tatanungin ito gayung hindi sila maayos. Wala sila sa maayos na relasyon dahil sa nangyari sa pagitan nila.Paano kung si Aroon na kababata nga niya si Dale? Paano niya kukompruntahin?Nakatulugan niya ang pag iisip. Maaga siyang nagising at dali-daling pumunta ng paaralan. Nang makarating siya ay tanging kwardya at mga naglilinis pa lamang ng hallway ang tao. Siya ang pinaka maaga at hindi pa nakabukas ang kanilang classroom.Ilang pabalik balik na lakad pa ang ginawa niya bago nasilayan ang guro na may dalang susi para sa silid aralan. Nagulat ang guro niya nang makitang

  • A Tale That Wasn't Right   IKATLONG KABANATA

    Mas maingay pa sa palengke ang koridor ng building nang tumunog ang bell hudyat na tapos na ang pang umagang klase. Nagtutulakan ang mga lalake palabas ng classroom habang nag aayos naman ng mga histura ang mga babae. Nag lalagay ang mga ito ng mga kung anu-anong kolorete sa mukha upang maging presintable sa harap ng mga tao.Napuno ng halakhakan at kulitan ang koridor nang lumabas ang magababrkada. Pinag aagawan nila ang telepono ni Derek na may lamang larawan ng babaeng galing sa ibang skwelahan."Iba ka talaga Derek my boy! Palihim ka ring tumira e! Ganda niyan ah, pakilala mo kami!" Ung ot ni Josh."Tatahi-tahimik lang 'tong si Derek pero matinik sa Chix yan!" Dugtong ni Felix.Natatawang napailing si Sid habang halata naman ang inis sa mukha ni Derek."Tignan mo Sid, sobrang sexy oh! Look at that curve man damn!" Humuh

DMCA.com Protection Status