Share

UNANG KABANATA

Author: Anne_Tumcial
last update Last Updated: 2021-06-29 07:14:57

Madaling araw palang ngunit gising na si Sid at ang kaniyang lola. Araw ng linggo at kailangan nang lumayag ni Sid at ng kaniyang kuya papuntang Ormoc kung saan siya kasalukuyang nag-aaral. Nasa panghuling taon na siya ng Senior High.

Tuwing madaling araw ng linggo sila umaalis ng kaniya kuya upang ihatid siya pabalik ng Ormoc. Tuwing byernes ng hapon naman siya umuuwi sa Puro, Camotes para tumulong sa paghahanap-buhay.

Mataas ang pangarap ng lola niya para sa kaniya kung kaya't kahit may mga paaralan sa bayan ng Camotes, ay mas pinili ng lola niyang pag aralin siya sa Ormoc, kung saan mas mabibigyan ng pansin at matututukan ang kaniyang pag aaral.

Suportado siya ng kaniyang kuya June kaya di alintana nito ang paghahatid sa kaniya galing sa Camotes papuntang Ormoc gamit ang kanilang de-motor na bangka. Umupa rin ng boarding house ang kaniyang kuya para sa kaniya.

 Gustuhin man niyang dito nalang sa lugar nila mag aral para hindi na maging pabigat sa pamilya ay hindi pwede dahil hindi papayag ang kaniyang lola kaya wala siyang ibang dapat gawin kundi pagbutihin ang pag aaral upang makatulong sa pamilya.

"Sid ito na yung allowance mo..." Sabi ng kaniyang lola sabay abot sa sobreng may lamang tatlong libo galing sa nabenta nitong mga hinabing tela.

Nahihiya namang kinuha ni Sid ang pera.

"La, may ipon pa ako galing sa perang binigay niyo pero iipunin ko nalang. Salamat..." Niyakap niya ang matanda at pinatakan ng halik sa noo.

"Tara na." Ani ng kaniyang kuya June.

Tinulungan niyang itulak ang kanilang bangka hanggang sa umabot sa tuhod ang tubig. Sumakay na siya sa bangka nang may nakita siya galing sa malayo na tumatakbo.

"Sid!" Sigaw ng babae.

Grace?

Bulong niya sa isip. Nang matamaan ng sinag ng buwan ang babae ay nakumpirma niyang si Grace nga. Dali-dali siyang bumaba sa bangka at sinalubong ang dalaga.

Hinawakan niya ang magkabilang braso ng dalaga at hinagod dahil sa sobrang lamig nito.

"Bakit ka nandito? Madilim pa!" hindi niya mapigilang pagtaasan ng boses ang dalaga dahil sa bigla at pag aalala.

"Di kasi kita naabutan sa inyo e, may ibibigay lang sana ako." Inabot niya ang isang kahon na nakabalot ng kulay ginto na tila.

"Salamat pero di na kita maiihatid sa inyo…" nasa boses niya ang pag-aalala at panghihinayang.

Ngumiti si Grace tumango.

"Malapit naman nang magliwanag, tatambay na muna ako sa inyo..."

"Tsk! O sige, basta mag iingat ka, ha?"

"Oo nga!" Tumawa si Grace.

Lumapit si Sid at pinatakan ng halik ang dalaga sa noo.

"Tama na yan! Tara na!"Tawag sa kaniya ng kuya niya.

"Alis na ako..." Ngumuso siya na ikinatawa ni Grace.

"Ingat. "Ginulo ni Grace ang kaniya buhok.

Kumaway siya bago sumampa sa bangka. Ibinaba niya lang ang kaniyang kamay nang mawala na sa paningin ang dalaga. Umismid naman ang kaniyang kuya at tumawa.

"Kayo na?" Panunuyang tanong ni June.

Kumunot ang noo ni Sid at umiling.

"Hindi niya pa ako sinasagot..."

"Ha! Di pa kayo pero kung umasta kayo parang meron na ah? Hoy Sid! Tandaan mo yung sinasabi ko sayo lagi, ha? Limitasyon. Limitahan ang bawat galaw, dahil laging may kapalit ang bawat desisyon na ginagawa mo kung hindi mo pinag-iisipan,naiintidihan mo?"

Tumango siya.

"Alam ko yun, kuya."

"mabuti na yung nagkakalinawan tayo..."

Dalawang taon nang nanliligaw si Sid Kay Grace. Magkaklase sila simula nung tumuntong ng highschool at nasa ika-siyam na baitang nang maglakas loob siyang magtapat kay Grace.

Hindi siya sinagot ng dalaga, ngunit hindi rin naman siya binasted nito. Binigyan siya ng pagkakataong ipakita ang kaniyang sensiridad sa nararamdaman. Alam niyang may nararamdaman din sa kaniya ang dalaga kaya hindi siya titigil hangga't hindi niya marinig ang mga katagang, "oo" at "Mahal rin kita"

Si Grace ang isa sa dahilan kung bakit nagsusumikap siya sa buhay. Na kahit namimiss niya ang lugar ay pilit niyang pinapakasamahan ang lugar na di niya kinamulatan. Gusto niyang may maipagmalaki sa dalaga at sa pamilya.

Para sa kaniya, hindi lang basta- bastang babae si Grace.

Si Grace ang kasama niya sa lahat, sa mga panahon na hindi na niya alam ang gagawin sahil sa bigat ng responsibilidad na dinadala niya, si Grace ang nagsisilbing pahinga niya. Si Grace ang nagiging dahilan nang pagtawa niya sa gitna ng sakit at lungkot na nararamdaman tuwing nakikita niyang nahihirapan ang kuya at lola niya sa paghahanap-buhay. Si Grace ang nagbibigay ng payo sa kaniya sa tuwing naguguluhan na siya sa kung ano ang nangyayari sa mundo.

Kaya kahit wala mang lebel ang estado ng relasyon nila, hindi niya magawang magloko o tumingin sa iba.

"Sid, oh!" Nagulat siya dahil sa perang inabot ng kaniyang kuya.

"Ano 'to?"Naguguluhan niyang tanong.

"Dagdag sa allowance mo. Alam kong hindi sapat ang perang binigay ni Lola, bumili ka rin ng mga gusto mong bilhin. E pahinga mo rin ang utak at katawan mo. Pwede ka namang hindi umuwi sa linggo…"

"Kuya..."

Ngumiti si June at tumango na tila sinasabi na "walang anuman"

"Hindi ka obligadong magtrabaho. Kaya nga nagtatrabaho ako para buhayin kayo, diba? Kaya ikaw ang dapat mong gawin ay e-enjoy ang kabataan mo na hindi ko naggawa. Pwede namang ipagsabay, diba? Ang pag aaral at pag liliwaliw.. Wag mong ikulong ang sarili mo, Sid. "

Nahihiyang yumuko si Sid.

Ka swerte nako sa ako pamilya...

(napakaswerte ko sa pamilya ko)

Bulong niya sa isip.

"Salamat, kuya."

Tumango si June at ginulo ang buhok ng nakababatang kapatid.

Bata pa si June nang iniwan sila ng mga magulang nila sa kanilang lola. Bata pa lang ay mulat na siya sa mundo. Sa murang edad ay pinasok na niya ang mga trabahong di dapat ginagawa ng isnag batang kagaya niya.

Maaga siyang nagbanat ng buto para makatulong sa kaniyang lola. Naging kargador siya sa murang edad. Kahit anong trabaho ay pinasok niya pati na ang pagsisid sa dagat upang kunin ang mga baryang hinuhulog ng mga tao galing sa barko ay ginawa niya.

Kaya ngayong malaki na, ginagawa niya ang lahat huwag lang maranasan ni Sid ang kaniyang naranasan.

Kasabay ng pagsikat ng araw ang pagdaong nila sa pangpang.

"Mag ingat ka kuya."Nag-aalalang tugon ni Sid para sa kapatid na makikipagsapalaran sa alon sa pag - uwi.

"Oo naman, mag iingat ako. Sige na, isang oras nalang late ka na, maligo kang mabuti amoy dagat ka!" Tumawa ang kaniyang kuya at ginulo ang buhok ni Sid.

Pagdating niya sa inuupahang kwarto ay wala na ang kaniyang mga kasama. Dali-dali siyang naligo at nag-ayos, pagkatapos ay tinakbo na niya ang paaralan.

Muntik pa siyang hindi papasukin nang ma-late siya ng limang minuto.

"Sa susunod ha!" agad siyang tumakbo matapos magpasalamat sa gwardya.

Nang makarating sa classroom ay nagsisimula na ang klase kaya kinailangan niya pang gumapang papunta sa upuan niya.

"Mr. Palma, bakit ka gumagapang jan? Ahas ka ba?" Nakapamaywang na sermon ng guro.

Napakamot sa ulong tumayo si Sid habang nag hagikhikan naman ang kaniyang mga kaklase. Mas lumamang ang bungisngis ng kaniyang mga kabarkada.

"Kumuha ka ng libro at itaas mo yang mga kamay mo!"

Kung minamalas ka nga naman…

Wala siyang nagawa kundi sundin ang utos ng guro. Kumuha siya ng tatlong libro at itinaas ang mga kamay habang nakatayo. Bumalik sa diskusyon ang guro na parang walang nangyari.

"Gaya nga ng sinasabi ko kanina, Mr. Xavier, siguro naman ay nasabi na sayo ng pamunuan ang patakaran at systema ng paaralang ito, hindi ba?" Tanong ng guro sa di pamilyar na mukha ng lalakeng nakaupo sa likod ng inuupuan ng kabarkada ni Sid.

Sinuri niya ang hitsura ng lalake.

Transferee? Bulong niya sa isip.

Sinuri niyang maigi ang kabuuan ng kaklase. Pormado ang buhok nito at tisoy. Klarong klaro ang mahaba nitong pilikmata sa malayuan. Natural ang mapupulang labi at magkadugtong ang mga kilay. Aroganteng-arogante kung titignan sa kabuuan.

"Laking Maynila. " Anas niya.

"Mr. Palma, si Mr. Xavier, bago mong kaklase." Pakilala ng guro.

Tinignan siya mula ulo hanggang paa ng bagong kaklase bago inalis ang tingin nito. Hindi siya binigyan ng pagkakataong magpakilala.

"yabang!"Gusto niyang isigaw ngunit ayaw niyang madagdagan ang pagkabadtrip ng guro niya sa kaniya.

"Iba ang systema ng paaralang ito sa paaralang pinanggalingan mo.  Target ng paaralan na ito na makapasok ang lahat ng mag aaral sa matataas na unibersidad sa kolehiyo. Kaya tinutulungan namin kayong makakuha ng matataas na marka mapa akademya man o sa mga aktibidad. Kung di ka magaling sa Acads pwede mong bawiin sa mga activities, kung gusto mong makasigurado, nagpatupad ng bagong sytema ang DepEd kung saan, ang mga transferee o galing sa ibang lugar, ay sasailalim sa "Mother Tongue Tutorial" ang mga pinalaki at  pinanganak na dito, syempre may mga MAS kailangan silang salihan keysa sa tutorial na ito...."

Gumala ang paningin ni Sid at dumako ito sa bagong salta. Nanatili ang tingin niya at tila pinapakiramdaman ang presensya ng lalake ngunit isa lang ang nararamdaman niya.... pangangalay.

Kakapoy na ba!

"Pst! Pst!"Sinipa niya sa paa ang isa sa tropa niya na si Felix.

"Ano?" Bulong ni Felix. Takot na mahuli dahil nagsasalita pa sa harap ang guro.

Ininguso ni Sid ang bagong kaklase.

"Sino yan?"Bulong niya.

"Dale Xavier, bagong kaklase." Sagot ni Felix nang hindi tumitingin kay Sid para hindi masita ng guro.

Tumango tango si Sid at tinignan ang bagong kaklase.

"Sidharta Gabriel!" Nagitla siya sa sigaw ng nanggagalaiting guro.  Alam niyang galit na ito dahil tinawag na siya sa buong pangalan.

"Po?"

"Nakikinig ka ba? Class, ito ang sinasabi ko... Hindi ibig-sabihin na matalino sa klase at hindi na kailangang sumali sa mga aktibidad, ay magbubulakbol na, diba Sidharta?"

"Ah... O-po… Opo"

Nagbungisngisan ulit ang mga kabarkada niya. Napakamot siya sa ulo at yumuko.

"Mr. Xavier kung may concern ka pa, pwede mo'kong hanapin sa faculty room. Class dismissed." walang pagdadalawang isip na umalis ang guro, halatang badtrip.

"Woah!"

"Yes!"

"The best ka Sid!"

Naghiyawan ang mga kabarkada niya dahil napalabas ng maaga ang guro nila. Napailing nalang si Sid na umupo sa upuan niya at iniinda ang ngalay.

"Balita ko nag drop out daw yan kaya nandito. " Bulong ni Felix, ang makulit at chismoso sa barkada. Pinag-uusapan ang lalakeng nasa likuran lang nila.

Batok ang inabot niya kay Josh. Ang pinakamaingay sa kanila.

"Malamang! Kasi dito na nag-aaral kaya nag drop out. Ang bobo mong kumuha ng impormasyon!"

"Wala ka nga ring nakuhang impormasyon e!"

"Tigilan niyo na nga yan. Kalalakeng tao mga chismoso!" Sita ni Derek, ang seryoso sa kanila.

"Bakit late ka Sid?"

“Kakagaling ko lang samin e. Naligo pa ako sa Boarding house..."

"Bakit kasi umuwi ka pa sa inyo?" Tanong ni Josh.

"Di naman ako kagaya mo na sinusubuan nalang,kailangan ko rin magtrabaho…"

"Oo nga Josh! Huwag mong igaya si Sid sayo na batugan!" Banat ni Felix.

"Nagsalita ang ‘di batugan!"

"Parang mga bata..." bulong ni Derek, napailing nalang si Sid. Nawawalan ng pag asa para sa dalawang magkaibigan.

Nag uusap ang tatlo kung papasok ba sila o liliban na naman sa klase habang nakaupo lang si Sid at ka text si Grace.

Grace: Tumambay lang ako sa bahay niyo tapos nung lumiwanag na ay hinatid ako ni lola pauwi :))

Sid: Huwag mo nang ulitin yun, ah? Paano kung may mangyari sayo? Patayin mo nalang ako!

Grace: Ang corny :P baka pag nabasa to ni Lola batukan ka, nahiya naman sayo hahaha.

Napahalakhak si Sid sa reply ni Grace.

"Ayan si Loverboy!" Asar ni Josh.

"Kaya naman pala kahit hampasin ng alon, uuwi at uuwi pa rin, may inuuwiang iba!" Nagtawanan si Josh at Felix.

Di naman sila pinansin ni Sid at tutuok ito sa cellphone.

Nkapangalumbaba si Dale sa upuan habang nakatitig sa likuran ni Sid. Di matanggal ang tingin niya sa lalake dahil sa pumasok sa isip niya.

Sid?

Related chapters

  • A Tale That Wasn't Right   IKALAWANG KABANATA

    Mas maingay pa sa palengke ang koridor ng building nang tumunog ang bell hudyat na tapos na ang pang umagang klase. Nagtutulakan ang mga lalake palabas ng classroom habang nag aayos naman ng mga histura ang mga babae. Nag lalagay ang mga ito ng mga kung anu-anong kolorete sa mukha upang maging presintable sa harap ng mga tao.Napuno ng halakhakan at kulitan ang koridor nang lumabas ang magababrkada. Pinag aagawan nila ang telepono ni Derek na may lamang larawan ng babaeng galing sa ibang skwelahan."Iba ka talaga Derek my boy! Palihim ka ring tumira e! Ganda niyan ah, pakilala mo kami!" Ung ot ni Josh."Tatahi-tahimik lang 'tong si Derek pero matinik sa Chix yan!" Dugtong ni Felix.Natatawang napailing si Sid habang halata naman ang inis sa mukha ni Derek."Tignan mo Sid, sobrang sexy oh! Look at that curve man damn!" Humuh

    Last Updated : 2021-06-29
  • A Tale That Wasn't Right   IKATLONG KABANATA

  • A Tale That Wasn't Right   IKA-APAT NA KABANATA

    IKA-APAT NA KABANATAHanggang sa makauwi ay hindi pa rin mawala sa isip ni Sid ang buong pangalan ni Aroon.Aroon Dale XavierSigurado siyang iyon ang kababata niya. Ngunit hindi niya alam kung paano tatanungin ito gayung hindi sila maayos. Wala sila sa maayos na relasyon dahil sa nangyari sa pagitan nila.Paano kung si Aroon na kababata nga niya si Dale? Paano niya kukompruntahin?Nakatulugan niya ang pag iisip. Maaga siyang nagising at dali-daling pumunta ng paaralan. Nang makarating siya ay tanging kwardya at mga naglilinis pa lamang ng hallway ang tao. Siya ang pinaka maaga at hindi pa nakabukas ang kanilang classroom.Ilang pabalik balik na lakad pa ang ginawa niya bago nasilayan ang guro na may dalang susi para sa silid aralan. Nagulat ang guro niya nang makitang

    Last Updated : 2021-07-08
  • A Tale That Wasn't Right   IKA-LIMANG KABANATA

    IKA-LIMANG KABANATALumipas ang mga araw at normal ang naging takbo ng kanilang mga araw. Regular ang pag tu-tutor ni Sid at sa kabutihang palad ay nasasagutan naman ni Aroon ang lahat ng pagsusulit na ibinigay niy.Sa mga nagdaang araw, unti-unting bumubuti ang relasyon sa pagitan nilang dalawa. Kung dati ay parang napipilitan lang ang turingan, ngayon ay mas nagiging kaswal na."Basta, huwag mo lang kalimutan ang mga salitang ugat. Hindi mo naman kailangang isa-ulo bawat salita, ang importante alam mo ang ibig sabihin nito,"Pagkatapos ng kanilang sesyon ay tumayo na siya at nagligpit ng gamit.Unang lumabas si Sid habang nanatili lang sa inuupuan si Aroon. Ilang minuto pa bago siya tumayo at tinakbo ang daan palabas ng library. Nang makalabas sa paaralan ay siyang pagsakay ni Sid sa dyep na malapit nang mapuno.

    Last Updated : 2021-07-13
  • A Tale That Wasn't Right   IKA-ANIM NA KABANATA

    IKA-ANIM NA KABANATAAlas-singko pa lang ay gising na ang diwa ni Aroon. Nagpaalam agad siya sa kaniyang lola pagkauwi niya kagabi na may dadalhin siyang kaibigan at dito sila mag-aaral. Pumayag naman agad ito at nag presinta pang magluto ng makakain nila kinabukasan.Inayos niya muna ang kaniyang higaan bago lumabas ng kwarto. Sumisikat pa lang ang araw kaya naoag desisyonan niyang maglakad lakad muna sa dalampasigan.Sinuot niyang ang kaniyang jacket dahil panigurado, malamig pa ang simoy ng hangin. Tanging mga kuliglig at ang hampas ng alon lamang ang maririnig sa paligid. Naririnig din ang pagsipol ng hangin ngunit wala namang nag babadyang ulan. Hindi nayanig sa Aroon at pinili pa ang maupo sa buhangin.Pinagmasdan niya ang pagsikat ng araw at ang malakas na paghampas ng alon. Kumakalma ang kaniyang diwa sa tuwing naririnig niya ang hampas ng alon.

    Last Updated : 2021-07-14
  • A Tale That Wasn't Right   IKA-PITONG KABANATA

    IKA-PITONG KABANATAKumuha ng bato si Sid at pinalundag ito ng apat na beses sa tubig. Pinagmasdan niya si Aroon na naglalakad sa tubig. Hindi naman kalaliman kung saan ito nakatayo kaya wala siyang pangamba.Naglakad-lakad siya sa dalampasigan at nilibang ang sarili sa pamumulot ng mga kabibi. Naalala niya ang kaniyang lola sa mga kabibi.Tuwing umuuwi siya sa kanila ay lagi niya itong tinutulungan na magpulot ng mga kabibi sa dalampasigan at pagkatapos ay ginagawa itong mga palamuti ng kaniyang lola at ibinibenta sa palengke.Nagpakawala siya ng isang malalim na buntonghininga bago tumayo at nagpasyang maglakad-lakad muna. Nami-miss niya rin ang alon ng Camotes.Mula sa kinatatayuan ay napadpad siya sa may dulo kung saan nakikita ang mga barkong dumadaong sa pier.Naalala niya noong nasa Elementarya pa lamang siya, tuwing walang pasok ay tumatambay sila sa

    Last Updated : 2021-07-16
  • A Tale That Wasn't Right   IKA-WALONG KABANATA

    IKA-WALONG KABANATAAng tadhana kung magbiro, hindi ka makaka-ilag. Ang tadhana kung gumawa ng paraan, masarap sa pakiramdam.Kakatapos lang mag-almusal ni Aroon nang tumunog ang kaniyang telepono. Dali-dali niyang itong kinuha at nakitang tumatawag ang kaniyang ina."Ma?" "Kamusta ka jan?" Malamig na salubong ng kaniyang ina. "Kakatapos ko lang kumain, Ma. Papunta na rin ako sa school." "Kamusta ang school? Grades?"

    Last Updated : 2021-07-19
  • A Tale That Wasn't Right   IKA-SIYAM NA KABANATA

    IKA-SIYAM KABANATAIritable at wala sa sariling ibinagsak ni Sid ang katawan sa Kama. Tinadtad niya ng texts si Grace ngunit wala siyang natanggap ni isang reply mula rito. Gusto niyang tawagan ang kaniyang kuya ngunit ayaw niyang maging abala rito. Ayaw niya na mag-isip ng mga kung ano-ano si Grace dahil wala naman dapat ito ipangamba ngunit ayaw naman niya itong kulitin dahil kilala niya si Grace, magkukusa itong tatawag kung malamig na ang ulo nito. Nakipag titigan pa siya sa dingding bago hinila ng antok. Ilang minuto nalang bago magsimula ang klase nang dumating si Aroon na may dala-dalang eco bag na naglalaman ng mga pagkaing niluto ng kaniyang lola. Naikwento niya sa kaniyang lol

    Last Updated : 2021-07-27

Latest chapter

  • A Tale That Wasn't Right   IKA-LABING ISANG KABANATA

    IKA-LABING ISANG KABANATAHindi alam ni Aroon kung tutuloy pa ba siya sa pagpasok sa paaralan o magdadahilan na lamang na may sakit. Wala siyang mukhang maihaharap kay Sid dahil sa pag-amin niya kagabi. Totoong naging magaan ang kaniyang pakiramdam nang mailabas ang totoong siya ngunit kahit inasahan na niya ang magiging reaksyon ni Sid ay may sakit na dumaplis pa rin sa puso niya nang halos hindi siya matignan ng binata. Hinilot niya ang sintido at pinokpok ang ulo sa lamesa. "I'm gay Sid..." tila isang punyal na matagal nang nakatarak sa kaniyang puso ang nahugot. Hindi matanggal ang titig ni Sid sa kaniy

  • A Tale That Wasn't Right   IKA-SAMPUNG KABANATA

    IKA-SAMPUNG KABANATAMay mga bagay at pangyayari ang hindi natutupad kahit anong gawin mo. May mga rin na nangyayari sa pagkakataong hindi mo inaasahan.Isang oras bago magsawa ang magbabarkada sa pagtatampisaw sa karagatan. Laro, kulitan at halakhakan ang namayani sa lugar. Aliw na aliw si Aroon sa paglunod kay Josh at Felix. Pinagtutulungan nilang tatlo ang dalawa dahil sa kakulitan ng mga ito. Unang umahon si Sid na sinundan naman agad ni Aroon. Nagpabilisan pa sa paglangoy ang tatlo kaya silang dalawa lang ang naiwan na nakaupo sa dalampasigan."Nag enjoy ka ba?" tanong niya kay Sid.Tinukod ni Sid ang kaniyang mga kamay sa bandang likuran at tumihaya. Pinagmasdan niya ang mga kaibigang naglalaro bago binalingan ng tingin si Aroon."Oo naman!"

  • A Tale That Wasn't Right   IKA-SIYAM NA KABANATA

    IKA-SIYAM KABANATAIritable at wala sa sariling ibinagsak ni Sid ang katawan sa Kama. Tinadtad niya ng texts si Grace ngunit wala siyang natanggap ni isang reply mula rito. Gusto niyang tawagan ang kaniyang kuya ngunit ayaw niyang maging abala rito. Ayaw niya na mag-isip ng mga kung ano-ano si Grace dahil wala naman dapat ito ipangamba ngunit ayaw naman niya itong kulitin dahil kilala niya si Grace, magkukusa itong tatawag kung malamig na ang ulo nito. Nakipag titigan pa siya sa dingding bago hinila ng antok. Ilang minuto nalang bago magsimula ang klase nang dumating si Aroon na may dala-dalang eco bag na naglalaman ng mga pagkaing niluto ng kaniyang lola. Naikwento niya sa kaniyang lol

  • A Tale That Wasn't Right   IKA-WALONG KABANATA

    IKA-WALONG KABANATAAng tadhana kung magbiro, hindi ka makaka-ilag. Ang tadhana kung gumawa ng paraan, masarap sa pakiramdam.Kakatapos lang mag-almusal ni Aroon nang tumunog ang kaniyang telepono. Dali-dali niyang itong kinuha at nakitang tumatawag ang kaniyang ina."Ma?" "Kamusta ka jan?" Malamig na salubong ng kaniyang ina. "Kakatapos ko lang kumain, Ma. Papunta na rin ako sa school." "Kamusta ang school? Grades?"

  • A Tale That Wasn't Right   IKA-PITONG KABANATA

    IKA-PITONG KABANATAKumuha ng bato si Sid at pinalundag ito ng apat na beses sa tubig. Pinagmasdan niya si Aroon na naglalakad sa tubig. Hindi naman kalaliman kung saan ito nakatayo kaya wala siyang pangamba.Naglakad-lakad siya sa dalampasigan at nilibang ang sarili sa pamumulot ng mga kabibi. Naalala niya ang kaniyang lola sa mga kabibi.Tuwing umuuwi siya sa kanila ay lagi niya itong tinutulungan na magpulot ng mga kabibi sa dalampasigan at pagkatapos ay ginagawa itong mga palamuti ng kaniyang lola at ibinibenta sa palengke.Nagpakawala siya ng isang malalim na buntonghininga bago tumayo at nagpasyang maglakad-lakad muna. Nami-miss niya rin ang alon ng Camotes.Mula sa kinatatayuan ay napadpad siya sa may dulo kung saan nakikita ang mga barkong dumadaong sa pier.Naalala niya noong nasa Elementarya pa lamang siya, tuwing walang pasok ay tumatambay sila sa

  • A Tale That Wasn't Right   IKA-ANIM NA KABANATA

    IKA-ANIM NA KABANATAAlas-singko pa lang ay gising na ang diwa ni Aroon. Nagpaalam agad siya sa kaniyang lola pagkauwi niya kagabi na may dadalhin siyang kaibigan at dito sila mag-aaral. Pumayag naman agad ito at nag presinta pang magluto ng makakain nila kinabukasan.Inayos niya muna ang kaniyang higaan bago lumabas ng kwarto. Sumisikat pa lang ang araw kaya naoag desisyonan niyang maglakad lakad muna sa dalampasigan.Sinuot niyang ang kaniyang jacket dahil panigurado, malamig pa ang simoy ng hangin. Tanging mga kuliglig at ang hampas ng alon lamang ang maririnig sa paligid. Naririnig din ang pagsipol ng hangin ngunit wala namang nag babadyang ulan. Hindi nayanig sa Aroon at pinili pa ang maupo sa buhangin.Pinagmasdan niya ang pagsikat ng araw at ang malakas na paghampas ng alon. Kumakalma ang kaniyang diwa sa tuwing naririnig niya ang hampas ng alon.

  • A Tale That Wasn't Right   IKA-LIMANG KABANATA

    IKA-LIMANG KABANATALumipas ang mga araw at normal ang naging takbo ng kanilang mga araw. Regular ang pag tu-tutor ni Sid at sa kabutihang palad ay nasasagutan naman ni Aroon ang lahat ng pagsusulit na ibinigay niy.Sa mga nagdaang araw, unti-unting bumubuti ang relasyon sa pagitan nilang dalawa. Kung dati ay parang napipilitan lang ang turingan, ngayon ay mas nagiging kaswal na."Basta, huwag mo lang kalimutan ang mga salitang ugat. Hindi mo naman kailangang isa-ulo bawat salita, ang importante alam mo ang ibig sabihin nito,"Pagkatapos ng kanilang sesyon ay tumayo na siya at nagligpit ng gamit.Unang lumabas si Sid habang nanatili lang sa inuupuan si Aroon. Ilang minuto pa bago siya tumayo at tinakbo ang daan palabas ng library. Nang makalabas sa paaralan ay siyang pagsakay ni Sid sa dyep na malapit nang mapuno.

  • A Tale That Wasn't Right   IKA-APAT NA KABANATA

    IKA-APAT NA KABANATAHanggang sa makauwi ay hindi pa rin mawala sa isip ni Sid ang buong pangalan ni Aroon.Aroon Dale XavierSigurado siyang iyon ang kababata niya. Ngunit hindi niya alam kung paano tatanungin ito gayung hindi sila maayos. Wala sila sa maayos na relasyon dahil sa nangyari sa pagitan nila.Paano kung si Aroon na kababata nga niya si Dale? Paano niya kukompruntahin?Nakatulugan niya ang pag iisip. Maaga siyang nagising at dali-daling pumunta ng paaralan. Nang makarating siya ay tanging kwardya at mga naglilinis pa lamang ng hallway ang tao. Siya ang pinaka maaga at hindi pa nakabukas ang kanilang classroom.Ilang pabalik balik na lakad pa ang ginawa niya bago nasilayan ang guro na may dalang susi para sa silid aralan. Nagulat ang guro niya nang makitang

  • A Tale That Wasn't Right   IKATLONG KABANATA

    Mas maingay pa sa palengke ang koridor ng building nang tumunog ang bell hudyat na tapos na ang pang umagang klase. Nagtutulakan ang mga lalake palabas ng classroom habang nag aayos naman ng mga histura ang mga babae. Nag lalagay ang mga ito ng mga kung anu-anong kolorete sa mukha upang maging presintable sa harap ng mga tao.Napuno ng halakhakan at kulitan ang koridor nang lumabas ang magababrkada. Pinag aagawan nila ang telepono ni Derek na may lamang larawan ng babaeng galing sa ibang skwelahan."Iba ka talaga Derek my boy! Palihim ka ring tumira e! Ganda niyan ah, pakilala mo kami!" Ung ot ni Josh."Tatahi-tahimik lang 'tong si Derek pero matinik sa Chix yan!" Dugtong ni Felix.Natatawang napailing si Sid habang halata naman ang inis sa mukha ni Derek."Tignan mo Sid, sobrang sexy oh! Look at that curve man damn!" Humuh

DMCA.com Protection Status