Dalawang bata ang pinagtagpo ng ‘di inaasahang pangyayari. Si Sidharta Gabriel Palma,isang ulila at nasa poder ng kaniyang lola kasama ang kaniyang nakatatandang kapatid na si June. Maaga silang naulila nang mamatay ang kanilang mga magulang. Tanging ang lola na lamang nila ang nagtataguyod upang sila ay makapag-aral. Maagang nagtrabaho si Junr upang makatulong sa kaniyang lola at para na rin saluhin ang kaniyang kapatid na si Sid. Nang minsang lumuwas sila ng Ormoc galing Camotes, habang nakasakay sa de-motor na bangka ay nahagilap ng kaniyang mata ang isang batang nalulunod, si Aroon. Si Aroon ay isang batang nagnanais na makita ang kaniyang ama sa pamamagitan ng pagpapakalunod sa naglalakihang alon. Dito niya nakikita ang sagot sa kaniyang pangungulila. Tila tadhanang magkatagpo ang dalawa dahil dito nagsimula ang di inaasahang pagkakaibigan na nabuo sa maikling panahon. Sa loob ng maikling panahon ay nakabuo sila ng pagkakaibigan na hindi matutumbasan ng kahit na ano. Pinagtagpo ngunit agad ding nagkalayo. Nangakong magkikitang muli at hindi na maghihiwalay pa. Ngunit paano kung sa panglawang pagkakataon ang tadhana’y hindi ma pumabor sa kanila? Ipaglalaban ba nila ang kanilang mga pangako? O hahayaan nalang itong maging isang pangakong napako? Magsasama tayong dalawa. Pangako yan…
View MoreIKA-LABING ISANG KABANATAHindi alam ni Aroon kung tutuloy pa ba siya sa pagpasok sa paaralan o magdadahilan na lamang na may sakit. Wala siyang mukhang maihaharap kay Sid dahil sa pag-amin niya kagabi. Totoong naging magaan ang kaniyang pakiramdam nang mailabas ang totoong siya ngunit kahit inasahan na niya ang magiging reaksyon ni Sid ay may sakit na dumaplis pa rin sa puso niya nang halos hindi siya matignan ng binata. Hinilot niya ang sintido at pinokpok ang ulo sa lamesa. "I'm gay Sid..." tila isang punyal na matagal nang nakatarak sa kaniyang puso ang nahugot. Hindi matanggal ang titig ni Sid sa kaniy
IKA-SAMPUNG KABANATAMay mga bagay at pangyayari ang hindi natutupad kahit anong gawin mo. May mga rin na nangyayari sa pagkakataong hindi mo inaasahan.Isang oras bago magsawa ang magbabarkada sa pagtatampisaw sa karagatan. Laro, kulitan at halakhakan ang namayani sa lugar. Aliw na aliw si Aroon sa paglunod kay Josh at Felix. Pinagtutulungan nilang tatlo ang dalawa dahil sa kakulitan ng mga ito. Unang umahon si Sid na sinundan naman agad ni Aroon. Nagpabilisan pa sa paglangoy ang tatlo kaya silang dalawa lang ang naiwan na nakaupo sa dalampasigan."Nag enjoy ka ba?" tanong niya kay Sid.Tinukod ni Sid ang kaniyang mga kamay sa bandang likuran at tumihaya. Pinagmasdan niya ang mga kaibigang naglalaro bago binalingan ng tingin si Aroon."Oo naman!"
IKA-SIYAM KABANATAIritable at wala sa sariling ibinagsak ni Sid ang katawan sa Kama. Tinadtad niya ng texts si Grace ngunit wala siyang natanggap ni isang reply mula rito. Gusto niyang tawagan ang kaniyang kuya ngunit ayaw niyang maging abala rito. Ayaw niya na mag-isip ng mga kung ano-ano si Grace dahil wala naman dapat ito ipangamba ngunit ayaw naman niya itong kulitin dahil kilala niya si Grace, magkukusa itong tatawag kung malamig na ang ulo nito. Nakipag titigan pa siya sa dingding bago hinila ng antok. Ilang minuto nalang bago magsimula ang klase nang dumating si Aroon na may dala-dalang eco bag na naglalaman ng mga pagkaing niluto ng kaniyang lola. Naikwento niya sa kaniyang lol
IKA-WALONG KABANATAAng tadhana kung magbiro, hindi ka makaka-ilag. Ang tadhana kung gumawa ng paraan, masarap sa pakiramdam.Kakatapos lang mag-almusal ni Aroon nang tumunog ang kaniyang telepono. Dali-dali niyang itong kinuha at nakitang tumatawag ang kaniyang ina."Ma?" "Kamusta ka jan?" Malamig na salubong ng kaniyang ina. "Kakatapos ko lang kumain, Ma. Papunta na rin ako sa school." "Kamusta ang school? Grades?"
IKA-PITONG KABANATAKumuha ng bato si Sid at pinalundag ito ng apat na beses sa tubig. Pinagmasdan niya si Aroon na naglalakad sa tubig. Hindi naman kalaliman kung saan ito nakatayo kaya wala siyang pangamba.Naglakad-lakad siya sa dalampasigan at nilibang ang sarili sa pamumulot ng mga kabibi. Naalala niya ang kaniyang lola sa mga kabibi.Tuwing umuuwi siya sa kanila ay lagi niya itong tinutulungan na magpulot ng mga kabibi sa dalampasigan at pagkatapos ay ginagawa itong mga palamuti ng kaniyang lola at ibinibenta sa palengke.Nagpakawala siya ng isang malalim na buntonghininga bago tumayo at nagpasyang maglakad-lakad muna. Nami-miss niya rin ang alon ng Camotes.Mula sa kinatatayuan ay napadpad siya sa may dulo kung saan nakikita ang mga barkong dumadaong sa pier.Naalala niya noong nasa Elementarya pa lamang siya, tuwing walang pasok ay tumatambay sila sa
IKA-ANIM NA KABANATAAlas-singko pa lang ay gising na ang diwa ni Aroon. Nagpaalam agad siya sa kaniyang lola pagkauwi niya kagabi na may dadalhin siyang kaibigan at dito sila mag-aaral. Pumayag naman agad ito at nag presinta pang magluto ng makakain nila kinabukasan.Inayos niya muna ang kaniyang higaan bago lumabas ng kwarto. Sumisikat pa lang ang araw kaya naoag desisyonan niyang maglakad lakad muna sa dalampasigan.Sinuot niyang ang kaniyang jacket dahil panigurado, malamig pa ang simoy ng hangin. Tanging mga kuliglig at ang hampas ng alon lamang ang maririnig sa paligid. Naririnig din ang pagsipol ng hangin ngunit wala namang nag babadyang ulan. Hindi nayanig sa Aroon at pinili pa ang maupo sa buhangin.Pinagmasdan niya ang pagsikat ng araw at ang malakas na paghampas ng alon. Kumakalma ang kaniyang diwa sa tuwing naririnig niya ang hampas ng alon.
IKA-LIMANG KABANATALumipas ang mga araw at normal ang naging takbo ng kanilang mga araw. Regular ang pag tu-tutor ni Sid at sa kabutihang palad ay nasasagutan naman ni Aroon ang lahat ng pagsusulit na ibinigay niy.Sa mga nagdaang araw, unti-unting bumubuti ang relasyon sa pagitan nilang dalawa. Kung dati ay parang napipilitan lang ang turingan, ngayon ay mas nagiging kaswal na."Basta, huwag mo lang kalimutan ang mga salitang ugat. Hindi mo naman kailangang isa-ulo bawat salita, ang importante alam mo ang ibig sabihin nito,"Pagkatapos ng kanilang sesyon ay tumayo na siya at nagligpit ng gamit.Unang lumabas si Sid habang nanatili lang sa inuupuan si Aroon. Ilang minuto pa bago siya tumayo at tinakbo ang daan palabas ng library. Nang makalabas sa paaralan ay siyang pagsakay ni Sid sa dyep na malapit nang mapuno.
IKA-APAT NA KABANATAHanggang sa makauwi ay hindi pa rin mawala sa isip ni Sid ang buong pangalan ni Aroon.Aroon Dale XavierSigurado siyang iyon ang kababata niya. Ngunit hindi niya alam kung paano tatanungin ito gayung hindi sila maayos. Wala sila sa maayos na relasyon dahil sa nangyari sa pagitan nila.Paano kung si Aroon na kababata nga niya si Dale? Paano niya kukompruntahin?Nakatulugan niya ang pag iisip. Maaga siyang nagising at dali-daling pumunta ng paaralan. Nang makarating siya ay tanging kwardya at mga naglilinis pa lamang ng hallway ang tao. Siya ang pinaka maaga at hindi pa nakabukas ang kanilang classroom.Ilang pabalik balik na lakad pa ang ginawa niya bago nasilayan ang guro na may dalang susi para sa silid aralan. Nagulat ang guro niya nang makitang
Mas maingay pa sa palengke ang koridor ng building nang tumunog ang bell hudyat na tapos na ang pang umagang klase. Nagtutulakan ang mga lalake palabas ng classroom habang nag aayos naman ng mga histura ang mga babae. Nag lalagay ang mga ito ng mga kung anu-anong kolorete sa mukha upang maging presintable sa harap ng mga tao.Napuno ng halakhakan at kulitan ang koridor nang lumabas ang magababrkada. Pinag aagawan nila ang telepono ni Derek na may lamang larawan ng babaeng galing sa ibang skwelahan."Iba ka talaga Derek my boy! Palihim ka ring tumira e! Ganda niyan ah, pakilala mo kami!" Ung ot ni Josh."Tatahi-tahimik lang 'tong si Derek pero matinik sa Chix yan!" Dugtong ni Felix.Natatawang napailing si Sid habang halata naman ang inis sa mukha ni Derek."Tignan mo Sid, sobrang sexy oh! Look at that curve man damn!" Humuh
2003Isang maalinsangang tanghali ang nagpa-bagot sa batang si Aroon. Kanina pa nakikipag kwentuhan ang kanyang ina sa isang kaibigan nito kaya hindi na niya napigilan ang pagka-inip at lumabas sa isang kubo.Wala siyang alam sa lugar na iyon dahil hindi naman siya taga roon. Isang hamak na dayuhan lamang sila ng kaniyang ina sa bayan ng Ormoc dahil binisita nila ang ina ng kaniyang ama. Nasa isang lalawigan ng Thailand nakatira ang kaniyang ama kung kaya't ang ina nito ang nag-aalaga sa kaniyang lola tuwing bakasyon.Hindi niya alam kung saan ang tungo niya. Binaybay niya ang anino ng puno ng talisay na nag po-protekta sa kaniya sa sinag ng haring araw. Ang huni ng ibon at hampas ng alon lang ang tanging nagsisilbing tunog na naglalaro sa kaniyang pandinig.Umupo siya sa buhangin at inalala ulit ang naging sagutan nila ng kaniyang Ina.“Ayok
Comments