Home / LGBTQ+ / A Tale That Wasn't Right / IKATLONG KABANATA

Share

IKATLONG KABANATA

Author: Anne_Tumcial
last update Last Updated: 2021-06-29 07:17:15

Mas maingay pa sa palengke ang koridor ng building nang tumunog ang bell hudyat na tapos na ang pang umagang klase. Nagtutulakan ang mga lalake palabas ng classroom habang nag aayos naman ng mga histura ang mga babae. Nag lalagay ang mga ito ng mga kung anu-anong kolorete sa  mukha upang maging presintable sa harap ng mga tao.

Napuno ng halakhakan at kulitan ang koridor nang lumabas ang magababrkada. Pinag aagawan nila ang telepono ni Derek na may lamang larawan ng babaeng galing sa ibang skwelahan.

"Iba ka talaga Derek my boy! Palihim ka ring tumira e! Ganda niyan ah, pakilala mo kami!" Ung ot ni Josh.

"Tatahi-tahimik lang 'tong si Derek pero matinik sa Chix yan!" Dugtong ni Felix.

Natatawang napailing si Sid habang halata naman ang inis sa mukha ni Derek.

"Tignan mo Sid, sobrang sexy oh! Look at that curve man damn!" Humuhulma pa sa hangin na ani ni Josh.

"Nah! Di sexy!"Tanggi ni Sid.

"Ay naku Josh! Pag usapang babae huwga mo nang idamay si Sid, si Grace lang nakikita niyan!"

"Oo nga! Kailan ba pupunta yan dito? Nang makilala namin."

"Hindi ko alam, wala naman kaming napag-usapan. Tsaka kung pupunta man yun dito, ilalayo ko siya sa inyong dalawa!" Tinuro niya ang dalawa na sinang - ayunan naman ni Derek.

"Tama yan, bro! Dapat ilayo sa masasamang elemento!"

"Tanginamo!" Pinatayo ni Felix ang gitnang daliri sa dalawa na nagresulta ng hagalpakan nilang apat sa gitna ng hallway.

Napansin ni Sid na mag isang naglalakad papasok ng canteen ang bagong kaklase. Mag isa ito at may suot na earphones sa magkabilang tenga.

Tuwid ang lakad habang nakasalubong ang mga kilay. Aroganteng-arogante sa paningin ni Sid.

Umismid siya at binalingan ang kabarkada na nakapili na ng upuan pagkapasok palang nila ng Canteen.

Kahit nakasuot na ng earphones ay dinig na dinig pa rin ni Dale ang ingay ng mga kaklase sa kabilang mesa. Nawawala ang kaniyang konsentrasyon sa panunuod ng isang video sa youtube kung saan nagtuturo ang isang guro kung paano magsalita ng bisaya.

"Laging tandaan na hindi lahat ng magkaparehong salita ay pareho na rin ang kahulugan nito, lalo na kung makikipag usap ka sa wikang bisaya.

Halimbawa, Langgam. Kung sa tagalog, ang langgam ay isang maliit na insekto. Pero kung sa bisaya, ito ay ibon-"

"Giatay! Boang ka jud Felix ay yawa ka!" Naputol ang pakikinig niya sa pinapanuod dahil sa lakas ng boses sa kabilang mesa.

(Puta! Baliw ka talaga Felix! Demonyo ka!)

Huminga siya ng malalim at mas hinabaan pa ang pasensya.

"Kalma, mga jejemon yan kaya ganyan ka ingay, okay?” Pagpapakalma niya sa sarili. Nagpatuloy na siya sa panunuod ngunit wala nang pumapasok sa isip niya dahil sa hagalpakan ng grupo.

Dumako ang masamang tingin niya sa mesa nila at sakto namang nagtagpo ang tingin nila ni Sid.

 Mariin itong nakatitig sa kaniya. Lumalabas ang malalalim nutong dimples sa tuwing gumagalaw ang mukha nito.

Mariin niyang itinatanggi ang naiisip.

"Impossible. Kung siya yun, malamang kilala na niya ako kanina pa lang. Pero niyayabangan niya pa ako ng tingin, kaya impossible talaga."

Bumalik ang tingin niya sa cellphone at umiling.  Nawalan na siya ng gana na manuod at kumain kaya kinuha niya ang bag at tumayo bago lumabas ng Canteen.

Dinala siya ng kaniyang mga paa sa ilalim ng puno ng acasia sa likod ng kanilang Building. Maraming nakatambay sa ilalim ng mga puno. May mga magkakasintahan, mag babarkada at rulad niya, marami ring nag iisa.

Umupo siya at muling binuksan ang cellphone.

"Kailangan kong makapasa!" 

Tinuon niya ang kaniyang atensyon sa panunuod ng video pero nawalan na siya ng gana. Hindi na makapag pokus ang utak niya sa panunuod. Padabog niyang tinapon ang cellphone sa loob ng bag at napasabunot.

"Piste talaga!!"Ungot niya. Napatihaya siya at tumingin sa kawalan. Nawawalan ng pag-asa

Nakatingin lang si Sid sa pintuan, kung saan lumabas ang kaklase. Naiinis siya dito ngunit meron sa kaniya na gusto niyang makilala ito at maging kaibigan.

Pinilig niya ang ulo at tumayo kasabay nila Felix. Tinahak nila ang daan pabalik sa Classroom, kung saan naabutan ni Sid si Dale na nakayoko habang may nakasalpak na earphones sa tenga.

Umupo siya sa likod nito at tinitigan ang ulo. Malalim ang pagkakatitig niya sa likuran ng kaklase nang dambahan siya ni Josh.

"Ba't ang seryoso mo? Hahaha!" Tawa nito habang binatukan pa si Sid. Hindi naman siya pinansin ni Sid at kinuha nalang nito ang libro at nagbasa dahil may pagsusulit pa sila.

Muling dumako ang tingin niya sa likurang bahagi ni Dale. Di niya mawari ang nararamdaman pero meron sa kaniya na pakiramdam niya matagal na niyang kilala ito. O baka nag de-delusyon lang siya.

Dumating ang guro nila kaya naputol ang pag iisip niya..

Hanggang makauwi ay bumabagabag pa rin sa kaniya ang palaisipang, "Parang kilala ko 'to"

Binagsak niya ang sarili sa kama at kinuha ang selpon na bigay sa kaniya ng kuya niya.

E-de-nial niya ang numero ni Grace.

"Hello?"

"Hi...." Nakangiti niyang ani habang tinataas ang kamay tila may inaabot sa kawalan.

"Kamusta araw mo?"

"Na late ako kanina kaya gumapang ako papunta sa upuan ko, kaso matang lawin talaga si Maam, nahuli ako!" Halakhak niya. Bumungisngis naman si Grace sa kabilang linya.

"Hay naku, Sid! Dapat magpakabait ka jan. Mag aral ka nang mabuti para may magandang buhay ka. Huwag puro barkada, okay?"

"Di naman ako nag bubulakbol ah? Hahaha di naman mga masasamang tao mga kaibigan ko tsaka nag aaral ako ng mabuti para sa future natin..."

Natahimik si Grace sa kabilang linya.

"Oo na! Oo na! Aminin mo na, kinikilig ka ba jan?" pang aasar niya sa dalaga.

"Kainis ka!" kunwaring paggalit ngunit nababahiran ng tuwa ang tono ng dalaga.

"Yung box pala, nabuksan mo na?" Naalalang sabi ni Grace.

Tumayo si Sid at kinuha ang kahon na nilagay niya sa ilalim ng kama.

"Ano ba 'to?" Tanong niya habang binubuksan ang kahon.

"Makikita mo rin."

Pag bukas niya ay tumambad ang isang bibliya, rosaryo at larawan nilang dalawa.

Hindi siya makapaniwala sa laman ng kahon. Ang larawan ay kuha nung ika-labindalawang kaarawan ni Grace na kung saan ay nakaharap silang dalawa sa papalubog na araw. Nakapulupot ang kaniyang mga kamay sa katawan ni Grace habang akap akap ito sa likuran. Pagilid ang pagkuha ng larawan. Kitang kita silang dalawa, ang dagat at ang papalubog na araw.

"Nakita mo na?"

"O-oo..."

"Nagustuhan mo ba?"

"Oo naman... Pero bakit?"

"Bakit may bible? Naisipan ko lang na bigyan ka ng bible and rosaryo, kasi naisip ko, malayo ka dito, sa pamilya mo. At kilala kita Sid, kahit anong problema mo, hindi ka nagsasabi sa amin. Kaya kung hindi ka komportableng magbahagi ng problema, pwede mo naman siyang kausapin.

Lahat ng problema mo, pwede mong sabihin sa kaniyang ng walang panghuhusga."

Yan si Grace. Lumaki sa relihiyosong pamilya. Nahirapan sa pagkakaroon ng anak ang kaniyang magulang ngunit hindi sila sumuko, tinibayan nila ang pananalig sa panginoon, kung saan saan sila nagsimba para lang sila ay magka-anak. Kaya tila sila na ang pinaka maswerteng mga tao sa mundo nang dumating si Maria Gracia. Pinagtibay ng isang sanggol ang mag asawa. Siya ang naging sentro ng pamilya. Siya ang nagbigay sigla sa pamilya nila. At naging tradisyon na sa kanilang pamilya ang mag novena gabi-gabi at ang pagsisimba bawat linggo. Naging mas malapit sila sa diyos  at ito ang isa sa mga nagustuhan ni Sid sa kaniya.

Walang pag-uusap na hindi binabanggit ni Grace ang diyos, kahit hindi naman relihiyoso si Sid, nahahawa na rin siya rito. Sumasama siya tuwing may novena sa tahanan ng mga Alforo. Sinasama niya rin ang pamilya tuwing linggo sa pagsisimba ngunit kadalasan ay siya lang mag isa dahil pumapalaot pa ang kaniyang kuya June sa mga araw na iyan habang ang kaniyang lola ay abala sa pagbuburda. Kaya kadalasan ay siya lang ang nakakasama sa pamilya ni Grace. Tuwing piyesta o Pasko lang sila nakakapagsimbang buong pamilya.

"Salamat Grace..." Pabulong niyang sambit habang hindi matanggal ang titig sa regalo.

"Walang anuman Sidharta Gabriel. Hahaha, o paano? Magsisimula na ang novena, kailangan ko nang patayin yung tawag o baka gusto mong sumali?"

"A-ah..."

"Aw oo nga pala, magpapahinga ka na. Sige, kung wala ka ng assignments matulog ka na lang. Magpahinga ka, Sid."

"Salamat Maria Gracia hahaha goodnight."

Pinatay niya ang tawag at abot-langit ang ngiting natulog.

Lumipas ang halos isang linggo ngunit hindi pa rin sila nag papansinan. Hindi nakikihalubilo sa kanilang magbarkada o kahit sa buong klase ang bagong niyang kaklase. Palagi itong may pinapanuod sa cellphone at hindi rin makausap ng maayos. Walang nagtangkang makipag usap dito dahil sa nahihirapan ang ibang makipag usap at ang iba naman ay walang pakealam at hindi interesado.

Nagkakagulo ang buong klase dahil may pagsusulit sila. Hindi naman siya kinakabahan dahil alam naman niyang makakasagot siya dahil nakikinig lang siya sa diskusyon ng guro habang ang iba ay walang pakealam at nagcecellphone lang, umaasa sa mga kaniya-kaniyang kodigo.

Abala sa pagsusulat ng kudigo si Josh at Felix sa kanilang mga palad habang napapailing na natatawa sa kanilang dalawa si Derek.

Ilang minuto pa at dumating na rin ang guro nila na may dala-dalang laptop at paninda. Nilapag niya ito sa kaniyang lamesa.

"Kumuha ng kalahating papel."

Nagsitayuan ang lahat at nagkaniya-kaniyang hingian ng papel maliban sa magbabarkada at tahimik na si Dale.

Pasimpleng dinilaan ni Felix ang isang buong papel at hinati ito nang pahaba. Binigay niya ang kalahati kay Derek habang si Josh at Sid naman ang naghati sa isa pang buong papel.

Kompleto sa gamit si Dale kaya di na siya namroblema. Ang tanging problema niya lamang ay kung papaano sasagutan ang mga katanungan na ibabato sa kanila maya-maya lang. Wala siyang oras na pag-aralan ang mga itinuro ng guro sa loob ng isang linggo.

Dahil una sa lahat, hindi siya interesado. Pero kailangan niyang makakuha ng mataas na marka upang madalaw ang kaniyang ama sa ibang bansa.

Binigyan sila ng limang minuto na ihanda ang sarili. Dobleng kaba ang nararamdaman ni Dale nang unti-unti niyang dinukot ang kudigong isinulat.

"Number one, Name the mystic philosopy inspired by Chinese Philosopher Lao Tzu..."

"Number two, Who was the first writer in Chinese to win Nobel Prize for Literature?"

Halos pagsakluban siya ng langit at lupa dahil sa walang kaalaman sa ibinabatong tanong ng guro. Dahan-dahan niyang binuklat ang maliit na pirasong papel kung saan nakasulat ang kudigo.

Agad-agad niyang sinulat ang sagot sa blangkong papel.

  1. Lu Xhu--

"Sir!"

Natigil ang lahat nang sumigaw si Sid at tumayo. Nailapag ni Dale ang Ballpen at itinapon ang papel. Lumingon ito kay Sid na nakaturo at nakatingin sa Kaniya.

"Nahuli ko siyang may binabasa sa papel."

Nanlaki ang mata niya at nag uunahan sa pagtulo ang mga pawis. Walang lumabas sa kaniyang bibig na paliwanag. Nakakabinging katahimikan ang namagitan sa loob ng silid. Lahat ng mata ay nakatuon sa kaniya.

"Mr. Xavier, stand up!"

Umalingawngaw sa apat na sulok ng kwarto ang sigaw ng guro.

Nakayuko at nanginginig na tumayo si Dale.

"Totoo ba? You are cheating?!"

Walang lumabas sa bibig niya at nanatili itong nakayuko.

Naglakad palapit ang guro sa kung saan niya itinapon ang papel.

Wala na. Tapos na ako.

Sambit niya sa isip.

"Xavier, Alarcon, follow me! And the rest, Zero!!!" Nanggagalaiting sigaw ng guro at nagpasiunang lumabas ng silid.

Puro reklamo ang namayani sa buong silid. May mga nagmamaktol at sinisisi si Dale.

"Bag-o palang gani, problema na! Piste!"

(bagong pa nga lang problema na, Peste)

"Yawa ba na siya oy! Kalagot!"

(Bwesit na yan! Kainis!)

"Dili unta mag cheat kung dili kahibaw, yawa!!"

(Di nalang sana nag cheat kung di marunong, bwesit!!)

Ilan lang iyan sa mga narinig niya bago lumabas ng silid. Nakasunod naman sa kaniya si Sid na tila natauhan sa ginawa.

Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip niya at nagawa niyang isuplong ang ginawa ni Dale. Wala siyang pakealam sa kung ano ang gawin ng mga tao sa paligid niya pero hindi niya maintindihan kung bakit niya ginawa iyon.

Sakto ra tong ako gi buhat, para maka hibalo siya nga di to sakto iya gi buhat.

(Tama lang yung ginawa ko para malaman niyang mali ang ginawa niya.)

Pilit niyang itinatak sa isip.

Tahimik nilang binaybay ang Principal's office...

Related chapters

  • A Tale That Wasn't Right   IKA-APAT NA KABANATA

    IKA-APAT NA KABANATAHanggang sa makauwi ay hindi pa rin mawala sa isip ni Sid ang buong pangalan ni Aroon.Aroon Dale XavierSigurado siyang iyon ang kababata niya. Ngunit hindi niya alam kung paano tatanungin ito gayung hindi sila maayos. Wala sila sa maayos na relasyon dahil sa nangyari sa pagitan nila.Paano kung si Aroon na kababata nga niya si Dale? Paano niya kukompruntahin?Nakatulugan niya ang pag iisip. Maaga siyang nagising at dali-daling pumunta ng paaralan. Nang makarating siya ay tanging kwardya at mga naglilinis pa lamang ng hallway ang tao. Siya ang pinaka maaga at hindi pa nakabukas ang kanilang classroom.Ilang pabalik balik na lakad pa ang ginawa niya bago nasilayan ang guro na may dalang susi para sa silid aralan. Nagulat ang guro niya nang makitang

    Last Updated : 2021-07-08
  • A Tale That Wasn't Right   IKA-LIMANG KABANATA

    IKA-LIMANG KABANATALumipas ang mga araw at normal ang naging takbo ng kanilang mga araw. Regular ang pag tu-tutor ni Sid at sa kabutihang palad ay nasasagutan naman ni Aroon ang lahat ng pagsusulit na ibinigay niy.Sa mga nagdaang araw, unti-unting bumubuti ang relasyon sa pagitan nilang dalawa. Kung dati ay parang napipilitan lang ang turingan, ngayon ay mas nagiging kaswal na."Basta, huwag mo lang kalimutan ang mga salitang ugat. Hindi mo naman kailangang isa-ulo bawat salita, ang importante alam mo ang ibig sabihin nito,"Pagkatapos ng kanilang sesyon ay tumayo na siya at nagligpit ng gamit.Unang lumabas si Sid habang nanatili lang sa inuupuan si Aroon. Ilang minuto pa bago siya tumayo at tinakbo ang daan palabas ng library. Nang makalabas sa paaralan ay siyang pagsakay ni Sid sa dyep na malapit nang mapuno.

    Last Updated : 2021-07-13
  • A Tale That Wasn't Right   IKA-ANIM NA KABANATA

    IKA-ANIM NA KABANATAAlas-singko pa lang ay gising na ang diwa ni Aroon. Nagpaalam agad siya sa kaniyang lola pagkauwi niya kagabi na may dadalhin siyang kaibigan at dito sila mag-aaral. Pumayag naman agad ito at nag presinta pang magluto ng makakain nila kinabukasan.Inayos niya muna ang kaniyang higaan bago lumabas ng kwarto. Sumisikat pa lang ang araw kaya naoag desisyonan niyang maglakad lakad muna sa dalampasigan.Sinuot niyang ang kaniyang jacket dahil panigurado, malamig pa ang simoy ng hangin. Tanging mga kuliglig at ang hampas ng alon lamang ang maririnig sa paligid. Naririnig din ang pagsipol ng hangin ngunit wala namang nag babadyang ulan. Hindi nayanig sa Aroon at pinili pa ang maupo sa buhangin.Pinagmasdan niya ang pagsikat ng araw at ang malakas na paghampas ng alon. Kumakalma ang kaniyang diwa sa tuwing naririnig niya ang hampas ng alon.

    Last Updated : 2021-07-14
  • A Tale That Wasn't Right   IKA-PITONG KABANATA

    IKA-PITONG KABANATAKumuha ng bato si Sid at pinalundag ito ng apat na beses sa tubig. Pinagmasdan niya si Aroon na naglalakad sa tubig. Hindi naman kalaliman kung saan ito nakatayo kaya wala siyang pangamba.Naglakad-lakad siya sa dalampasigan at nilibang ang sarili sa pamumulot ng mga kabibi. Naalala niya ang kaniyang lola sa mga kabibi.Tuwing umuuwi siya sa kanila ay lagi niya itong tinutulungan na magpulot ng mga kabibi sa dalampasigan at pagkatapos ay ginagawa itong mga palamuti ng kaniyang lola at ibinibenta sa palengke.Nagpakawala siya ng isang malalim na buntonghininga bago tumayo at nagpasyang maglakad-lakad muna. Nami-miss niya rin ang alon ng Camotes.Mula sa kinatatayuan ay napadpad siya sa may dulo kung saan nakikita ang mga barkong dumadaong sa pier.Naalala niya noong nasa Elementarya pa lamang siya, tuwing walang pasok ay tumatambay sila sa

    Last Updated : 2021-07-16
  • A Tale That Wasn't Right   IKA-WALONG KABANATA

    IKA-WALONG KABANATAAng tadhana kung magbiro, hindi ka makaka-ilag. Ang tadhana kung gumawa ng paraan, masarap sa pakiramdam.Kakatapos lang mag-almusal ni Aroon nang tumunog ang kaniyang telepono. Dali-dali niyang itong kinuha at nakitang tumatawag ang kaniyang ina."Ma?" "Kamusta ka jan?" Malamig na salubong ng kaniyang ina. "Kakatapos ko lang kumain, Ma. Papunta na rin ako sa school." "Kamusta ang school? Grades?"

    Last Updated : 2021-07-19
  • A Tale That Wasn't Right   IKA-SIYAM NA KABANATA

    IKA-SIYAM KABANATAIritable at wala sa sariling ibinagsak ni Sid ang katawan sa Kama. Tinadtad niya ng texts si Grace ngunit wala siyang natanggap ni isang reply mula rito. Gusto niyang tawagan ang kaniyang kuya ngunit ayaw niyang maging abala rito. Ayaw niya na mag-isip ng mga kung ano-ano si Grace dahil wala naman dapat ito ipangamba ngunit ayaw naman niya itong kulitin dahil kilala niya si Grace, magkukusa itong tatawag kung malamig na ang ulo nito. Nakipag titigan pa siya sa dingding bago hinila ng antok. Ilang minuto nalang bago magsimula ang klase nang dumating si Aroon na may dala-dalang eco bag na naglalaman ng mga pagkaing niluto ng kaniyang lola. Naikwento niya sa kaniyang lol

    Last Updated : 2021-07-27
  • A Tale That Wasn't Right   IKA-SAMPUNG KABANATA

    IKA-SAMPUNG KABANATAMay mga bagay at pangyayari ang hindi natutupad kahit anong gawin mo. May mga rin na nangyayari sa pagkakataong hindi mo inaasahan.Isang oras bago magsawa ang magbabarkada sa pagtatampisaw sa karagatan. Laro, kulitan at halakhakan ang namayani sa lugar. Aliw na aliw si Aroon sa paglunod kay Josh at Felix. Pinagtutulungan nilang tatlo ang dalawa dahil sa kakulitan ng mga ito. Unang umahon si Sid na sinundan naman agad ni Aroon. Nagpabilisan pa sa paglangoy ang tatlo kaya silang dalawa lang ang naiwan na nakaupo sa dalampasigan."Nag enjoy ka ba?" tanong niya kay Sid.Tinukod ni Sid ang kaniyang mga kamay sa bandang likuran at tumihaya. Pinagmasdan niya ang mga kaibigang naglalaro bago binalingan ng tingin si Aroon."Oo naman!"

    Last Updated : 2021-07-31
  • A Tale That Wasn't Right   IKA-LABING ISANG KABANATA

    IKA-LABING ISANG KABANATAHindi alam ni Aroon kung tutuloy pa ba siya sa pagpasok sa paaralan o magdadahilan na lamang na may sakit. Wala siyang mukhang maihaharap kay Sid dahil sa pag-amin niya kagabi. Totoong naging magaan ang kaniyang pakiramdam nang mailabas ang totoong siya ngunit kahit inasahan na niya ang magiging reaksyon ni Sid ay may sakit na dumaplis pa rin sa puso niya nang halos hindi siya matignan ng binata. Hinilot niya ang sintido at pinokpok ang ulo sa lamesa. "I'm gay Sid..." tila isang punyal na matagal nang nakatarak sa kaniyang puso ang nahugot. Hindi matanggal ang titig ni Sid sa kaniy

    Last Updated : 2021-09-13

Latest chapter

  • A Tale That Wasn't Right   IKATLONG KABANATA

    Mas maingay pa sa palengke ang koridor ng building nang tumunog ang bell hudyat na tapos na ang pang umagang klase. Nagtutulakan ang mga lalake palabas ng classroom habang nag aayos naman ng mga histura ang mga babae. Nag lalagay ang mga ito ng mga kung anu-anong kolorete sa mukha upang maging presintable sa harap ng mga tao.Napuno ng halakhakan at kulitan ang koridor nang lumabas ang magababrkada. Pinag aagawan nila ang telepono ni Derek na may lamang larawan ng babaeng galing sa ibang skwelahan."Iba ka talaga Derek my boy! Palihim ka ring tumira e! Ganda niyan ah, pakilala mo kami!" Ung ot ni Josh."Tatahi-tahimik lang 'tong si Derek pero matinik sa Chix yan!" Dugtong ni Felix.Natatawang napailing si Sid habang halata naman ang inis sa mukha ni Derek."Tignan mo Sid, sobrang sexy oh! Look at that curve man damn!" Humuh

DMCA.com Protection Status