Share

A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO)
A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO)
Author: Yuniverseee

PROLOGUE

Author: Yuniverseee
last update Last Updated: 2020-09-14 14:12:29

Isa lang akong simpleng babae na nakatira sa Isla ng Siargao. Isang babae na kumakayod, lumalaban at gagawin ang lahat para ihaon ang pamilya sa kahirapan.

Pinapatos ang kahit anong trabaho. Mangisda, mag limpisa, maging katulong, taga lako ng isda, at kahit ano pa. Basta ma ka kita ako ng pera pang tustos sa pang araw araw na gastos namin.

Hindi naman kasi sapat ang kinikita ng magulang ko para supportahan ang pangangailangan namin lalo na ng kuya ko. Ang kuya ko ay isang Studyanteng nag aaral sa medisina. 

Gusto niya sana akong patigilin na sa pagta-trabaho, kahit na gustong-gusto ko hindi ko magawa. Ayaw kong isuko niya ang pangarap niya dahil lang sa akin. Alam ko naman kasing pagkatapos ng mga paghihirap ko, paghihirap ng kuya masusuklian din ito sa huli.

Ako yung babaeng ginagawa ang lahat ng trabaho makakita lang at hindi magutom ang pamilya. Yung babaeng nagparaya para sa kinabukasan ng kapatid niya.

Yung walang ibang inintidi kung hindi ang pamilya niya, oo ako yun. Si Kleian Marie Fuentes. Sa lahat ng nagawa kong sakripisyo sa pamilya ko wala akong pinagsisihan.

Sa lahat ng pagod na nararamdaman ko, makita ko lang na ayos sila. Okay na ako. Ang sarap sarap kasi sa pakiramdam na makita mo ang pamilya mong nakaahon na sa kahirapan.

Sa lahat ng pagkakataon sila lang ang inisip ko, sila lang ang laman ng isip at puso ko. Pero nang dumating si Tom. Lahat yun nagbago.

Ang pagbabago na hindi ko inaasahan na magiging malaking epekto sakin. Pinaranas niya saken ang iba ibang saya at lungkot, sarap at pagod sa buhay.

Wala akong pinagsisihan na nakilala ko siya. Siya pa nga ang nagsilbing anghel sa buhay ko.

Ang pinagsisisihan ko lang ay kung bakit ako nahulog sa kanya. Kung bakit hinid ko naigilan ang naramdaman ko. 

Alam kong pag nagsabi ako, may mawawala sakin. Alam ko ang pagkatao niya, pero mahal ko parin siya. Ewan ko kung tanga ba ang tawag sa nagmamahal kahit nasasaktan na.

Pangalawang

beses ko na tong nasaksihan pero ba't ganito ang nararamdaman ko? Nung una, wala lang to sakin. Nakangiti pa nga akong tinitignan siya na nakikipag-halikan sa ibang babaeng nakilala niya lang.

Tinitignan siyang nakikipaghalikan sa iba,Hindi ko na alam ang nangyayari sakin. Hindi ko na maintindihan, hindi ko alam kung tama pa ba to.

Lumabas na ako at di ko na nakayanan na masaksihan 'to. HIndi ko na rin napipigilan ang luha kong kanina pa nagbabadyang tumulo.

Lakad takbo ang ginawa ko habang pinupunasan ang luha ko. Medyo malayo na ako sa bar ng may biglang humila sa braso ko. Saktong natama ako sa dibdib niya.

Kitang kita ko ang nag-aalalang ekspresyon ng kanyang mukha. Ang nag-aalalang ekspresyon niya. Bakit iba ang dating pag sakin? Para bang may iba.

O baka pakiramdam ko lang yun.

"Kley." Sabi niya habang hawak hawak parin ang braso ko. Tinabig ko yon at nagsimula ulit maglakad.

"Kleain!" Tawag niya sabay hablot ulit sa braso ko. Wala na akong magawa kaya umiyak na ako ng umiyak sa harap niya. Ako na ang naawa sa sarili ko.

"Kleain what's wrong? What happened? Who hurt you?Ha sino?" Sunod sunod na tanong niya, puro hikbi lang ang nasasagot ko. Hindi ko kayang mag salita.

Naririnig ko palang ang boses niya, nararamdaman ko lang ang haplos niya ng hihina na ako.

"Kleian, I'm worried." Hinihimas niya pa ang magkabilang balikat ko at minsan hinahawi ang buhok ko.

"Kleian naman magsalita ka, who hurt you?"

Malumanay niyang tanong at sinilip pa ang mukha ko.

Napatuwid ako ng tayo at nakayuko paring pinunasan ang luha ko.

"Yung taong...mahal ko." Sagot ko at tumingala na sa kanya sabay pahid ng luha ko.

"Tell me, who's that damn man! And he'll taste a sweet punch!" Aakma na siyang susugod ng hinila ko siya pabalik.

"Wag na, Tommy." Ani ko at nginitian siya ng tipid. May halong sakit at pait.

"No, I won't let anyone hurt you." Ani niya at hinawakan ang pisnge ko. Sana nga hindi mo ako hahayaang masaktan, Tommy. 

At sana nga hinid ko hinayaang masaktan ang sarili ko.

Napatulo naman ang luha ko. Ninanamnam ang huling sandali na maramdaman ang hawak niya.

"Just tell me, who is that man. Promise suntok lang, hindi ko hahayang ganitohin ka Kley" Ani niya. Napatuwid ako ng tayo.  Huminga ng malalim bago siya tignan ng nakangiti.

"Siya ay..

Napatigil rin siya at hinihintay ang sagot ko. Huminga muna ako ng malalim bago ko ulit siya tignan sa mata.

"Ikaw." Sabi ko sabay ngiti, mapait na ngiti  habang tumutulo nanaman ang luha ko.

"Hindi ko alam kung bat ganon, kala ko sa mga teleserye lang to nangyayari. Hindi rin ako makapaniwala. Boss kita, personal assistant mo lang ako."

"Kleian.." napahawak siya sa baba niya at di makapaniwalang tinignan ako.

"Alam ko Tom, alam ko nagkamali ako. Sorry, Sorry, Sorry. Kaya hanggang maaga pa, kakalimutan ko na tong nararamdaman ko." Ani ko at pinakita sa kanya ang ngiti na nagsasabing kaya ko iyong gawin.

"Kleian, hindi tayo bagay.." sabi niya na mas lalong ikinadurog ng puso ko. Hindi ko alam kung ganon ba siya talaga ka Insensitive, o baka pinipigilan niya lang talaga ako sa nararamdaman kong to.

"Oo nga, hindi nga." Nilakasan ko ang loob kong ma sabi sa kanya yun, napatawa pa ako ng bahagya pero alam kong halata ang pait sa boses ko.

"Kley.." tinignan niya ako at aakmang hahawakan uli ang braso ko ng lumayo ako sa kanya ang hinarang ang dalawang kamay ko.

"Parang...Parang ako lang yung buhangin sa Paraiso mo." Dagdag ko at di ko na napigilang maiyak.

Sa katotohanang, ganon lang ako sa kanya. A sobrang sakit na. Pero ayaw kong ipagsiksikan ang sarili ko. Awat na, masakit na.

Dapat natuto akong lumugar, natuto akong dumistansya, natuto akong pigilan ang nararamdaman ko. Pero pag nasa harap mo talaga ang situation ay naduduwag ka. Hindi mo na mapipigilan.

Yung tipong nilulunok mo nalang talaga ang lahat ng sinabi mo. Yung hanggang salita ka lang pala, pero hindi mo kayang gawin.

May swerte at malas talaga sa pag-ibig, sa dalawang 'yon ako ang malas. Ganito pala talaga no pag hindi mo na kayang itago ang nararamdaman mo.

Noon naartehan ako sa mga nag ku-kwento sa akin tungkol sa buhay pag-ibig nila, hindi ko naman kasi alam na ganito pala ang pakiramdam.

Bakit ba ang daming naduduwag at natatanga sa pag-ibig?

Pagkatapos non, hindi ko inaasahan na may mangyayari ulit na ikakadurog ko ng husto. Ano bang nagawa ko at nahihirapan ako ng ganito?

Kumaripas ako ng  takbo papunta sa hospital...

Tatay...

————

Author's note:

Hi! This story is made up of author's imagination. Any similarities to real life situations is just purely coincidence. Names, places, events etcetera are purely made up of author's imagination.

There are some typographical errors and grammatical errors. Kaya pasensya na po hehe

i love you, (f) Yuni R. Hemwe<3

*NO TO PLAGIARISM*

THANK YOU!

Related chapters

  • A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO)   01

    Masaya akong naglalakad sa palengke habang pumipili ng mga kasangkapan para sa iluluto namin ni nanay.Balak naming mag ginisang gulay lamang atginamos.Kahit na simple lamang ang ulam namin di talaga maiwasang matatakam ka. Lalo na pag mayginamoskung tawagin nila.

    Last Updated : 2020-09-14
  • A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO)   02

    Maaga akong nagising para mangisda, sumilip ako sa kwarto nila Nanay. Kurtina lamang ang nagsisilbing pintuan sa mga kwarto namin. Nakita kong mahimbing pa ang tulog nila. Kaya dumiretso na akong lumabas para mangisda.Nakikibangka lang ako dahil wala naman kaming sariling bangka. Buti nalang at mabait ang mga nasasabayan ko. Sila Manong Jony at Manong Bitoy.

    Last Updated : 2020-09-14
  • A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO)   03

    Bumalik na ako sa loob para tapusin ang mga ginagawa ko. Chineck ko rin ang mga bagahe ni Sir kung napasok na ba ito sa tinutuluyan niya.Pumunta muna ako sa itaas para tignan kung maayos naba lahat. Sa ikatlong palapag ay isang greenhouse. Sa loob nito ay mga pinag-iingatang mga tanim. May swimming pool rin at isang upuan na ginawa bilang duyan.

    Last Updated : 2020-09-14
  • A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO)   04

    Kinabukasan maaga akong nagising, syempre. Nangisda ako at ganoon parin, kasabay ko sila Manong Jony at Manong Bitoy. Kahit na alam kong papasok ako sa trabaho ngayon kung saan makikita ko ang kampon ng demonyo sinubukan ko paring pagaanin ang loob ko. Naging positibo ako hanggang sa makarating na sa mansyon.Iniwan ko na ang timba ng isda na hule ko at at sabay kami ni Tatay papunta sa mansyon. Sinalubong kami ng preskong hangin kaya ganon nalang ang pag-ngiti ko hanggang sa makapasok sa mansyon.

    Last Updated : 2020-09-14
  • A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO)   05

    Sa sinabi niya hindi ko na namalayan na nasa isang mall kami. Hindi naman ganon kalaki pero sapat na para pagbilhan ng mga damit, gamit o kung ano-ano pa.Siguro sa isang taon, isang beses lang akong makakapunta dito. Pag bibilhan ko ng regalo ang pamilya ko. Pero ngayon wala namang okasyon. Napatingin ako sa katabi ko na seryoso sa pagmamaneho.

    Last Updated : 2020-09-14
  • A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO)   06

    Napalingon ako kay Sir Thomas. Tumawa siya pero sa pormal na paraan, napangisi naman ako. Kailangan kong turuan ang sarili kong maging professional sa harap ng mga ka meeting niya."She's myP.A."

    Last Updated : 2020-09-14
  • A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO)   07

    Agad akong tumalikod. Narinig ko rin ang mga yabag niya palayo. Feeling ko papunta na siya sa walk in closet niya saka ko narinig ang pag sarado ng sliding door niya sa closet.Napabuga ako ng hangin at sinabit sa rack niya ang coat niya. Tsaka ko nilapag ang mga paperbags. Sakto nun ay ang paglabas niya. Naka grey sweatpants siya at grey na V-neck shirt. Ang tanging suot niya ay ng silver necklace na walang pendant.

    Last Updated : 2020-09-14
  • A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO)   08

    Gaya ng nasa schedule, ng malapit na mag alas nuebe tumulak na kami papunta sa Velasco Resort. Buti nalang talaga at kabisado niya ang mga direction.Naka board shorts lang si Sir na kulay puting sando na naipababawan ng itim na polo na lahat ng butones ay nakabukas. Suot niya parin ang mga alahas niya at sunglasses. Parang ako nalang ang semi-formal ang datingan. Na realize na siguro ni Sir na Isla to kaya ganyan na ang suot niya. Buti naman, sir.

    Last Updated : 2020-09-14

Latest chapter

  • A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO)   32

    "Tanch" tawag ko wa kaibigan kong busy sa binabasa niyang fiction book. "Yeah?" Sagot niya naman habang hindi winawala ang tingin sa libro. "Paano kung tinanong ka kung pwede kayo mag date, ano gagawin mo?" tanong ko sa kanya. Agad naman siyang napatingin sa akin at inayos ang upo. "Parang I know who this person asking you out ha!" Napatili naman siya ang kumapit sa braso ko. "Alam mo, just be beautiful. Let him plan everything." Sagot niya naman na ikinagulo ng isip ko. "Ano ibig mong sabihin? wala akong gagawin?" Takang tanong ko sakanya. "Yes girl. In that way you will know how he will treat you. Let him do what a man should do." Sagot niya at pinisil ang pisngi ko. "Ang cute cute talaga ng frenny ko." Sabi niya at humilata na ulit sa bench para magpatuloy sa pagbasa. Hindi ko alam kung anong preparasyon ang gagawin ko. Ni hindi ko alam kung ano ang gagawin ko talaga. Hihintayin ko lang ba talaga na siya lang ang gumalaw. Tsaka bakit ba kasi pa ask ask pa siya ng date. Lum

  • A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO)   31

    Pumunta ako sa mga kaibigan ko matapos akong makapag order ng pag kain ko. Nag order lang ako ng bread at juice. Since pinabaunan naman ako ng salad ni Thomas para daw pang dagdag sa pananghalian ko. "Iba yung glow mo today teh." Sabi naman ni Tanch at kumagat na sa sandwich niya. "Kaya nga, parang mag go-glow in the dark ka na sa lagay na yan." Napatawa naman ako sa sinabi ni George. "Oh ayan, oh! Tignan mo iba yung tawa mo eh!" Dagdag ulit ni George. "Ano ba, wala lang 'to. Hindi ba pwedeng masaya lang?" Sabi ko naman at nagpatuloy na sa pag kain. "Asusus! kunware pa!" Panunudyo naman niTanch sa akin. "Pero sige hayaan ka na namin, di mo rin naman sasabihin eh." Tahimik lang kaming kumakain ng meryenda namin. Halata ring pagod kaming tatlo kakaasikaso sa thesis namin. This week na rin kasi ang deadline. Tsaka next week na ang defense. Nagulat kaming lahat, oo kaming lahat sa canteen kasi naman ang lakas ng tili ni tanch. Hindi ko alam kung anong gusto niyang sabihin kasi pu

  • A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO)   30

    CHAPTER 30 “Maraming salamat talaga Thomas at pinagbigyan mo kaming makita ang anak namin.” Napabitiw na ako sa yakap nang magpasalamat si Tatay kay Thomas. “O, nanay? Kamusta kayo diyan?” tanong ko nang matapos magsalita si tatay. Nakangiti pa rin ako sa saya. Parang kanina lang iniisip ko sila dahil sa kagustuhan makita sila at naging posible ito dahil kay Thomas. “Okay naman kami anak, ganon pa rin ang buhay. Namimiss ka na rin namin.” Hindi ko maiwasang maluha sa sinabi ni nanay. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko nang bigla pinunasan ni Thomas ang pisnge ko. “Maglalakad-lakad lang ako.” Paalam ni Thomas sa akin, nagpaalam din siya sa pamilya ko bago siya umalis sa tabi ko. “Ang ganda niyo tignan anak.” Nakatingin pa ako sa umaalis na si Thomas nang bigla magsalita si Tatay. “Tay..” binalaan ko si Tatay na wag na kami mapunta sa usapan na ‘iyan. Napatawa naman sila ni nanay at tumango-tango nalang.

  • A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO)   29

    Nasa sasakyan na kami at nakaalalay ako kay Jack na nakatulog na sa bisig ko.“Baka mangalay ka.” Sabi ni Sir Thomas na nakatayo pa sa labas habang tinutulungan akong makapasok sa sasakyan.“Okay lang, Sir. Di naman po siya ganoon ka bigat.” Sagot ko naman. Nanatili pa siyang nakatingin sa amin kaya tinignan ko din siya at ngumiti. Kaya sinira niya na ang pinto ng kotse.“Seatbelt?” Tanong niya sa akin. Maingat ko namang kinuha ang seatbelt sa gilid ko. I lo-lock ko na sana nang hindi ko maabot ito.“Ako na.” Si Sir na nag ayos, hinayaan ko na siya dahil hindi ko naman maabot.Medyo mahaba haba ang byahe at medyo traffic pa. Ayaw ko namang makatulog dahil baka mabitawan ko si Jack kaya naman nag isip ako nang pwede kong gawin para hindi ako antukin.“Sir, curious lang po ako. Nasaan po ang ina ni Jack?” Tanong ko at napatingin sa

  • A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO)   28

    Maaga akong nagising dahil kailangan ko pang asikasuhin si Jack. Naligo na din ako at nakapag bihis nang simpleng brown printed shirt na pinares ko sa white jeans tsaka shoes ko. Pumunta na ako sa kwarto ni Jack, sakto namang kakagising niya lang. Kinurot ko nang mahina ang pisnge niya, sobra niyang cute. Kinarga ko siya pababa sa higaan niya at nag stretching pa kami bago ko siya pinaligo. Habang naliligo pa si Jack ay hinanda ko na ang mga gamit niya. Nang makalabas na kami ay naghihintay na si Sir Thomas sa labas habang may kausap sa telepono. “Yes, Chester please take care of it. Papunta na rin ako diyan, may ihahatid lang ako.” Rinig kong sabi ni Sir Thomas. Napalingon siya nang maramdaman ang presensya naming. “Let’s just talk about that later.” Sagot niya sa kausap at binaba na ang telepono. “Let’s go?” tanong niya sa anak tapos sinulyapan ako. Kinarga niya si Jack at inalalayan

  • A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO)   27

    “Ano tong nalaman ko na nagta trabaho ka kay Thomas?” Biglang sabi ni Kuya Kenji nang tumawag ito. Lumabas muna ako para wala akong ma disturbo sa loob.“Ano bang masama don kuya?” Takang tanong ko naman. Nahihimigan ko ang inis sa boses ni kuya at hindi ko maintindihan kung bakit ganito siya umakto ngayon.“Wala akong tiwala sa tinatrabahuan mo, Kleian. Mas mabuti pang umalis ka nalang diyan at ako na ang bahala na maghanap ng paraan para makapag-aral ka.” Tugon nito na nagpakunot ng noo ko.“Matagal na akong nainilbihan sa mga Castillo kuya, at kilala ko sila. Tsaka ayaw ko ng dumagdag sa mga responsibilidad mo. Mag focus ka nalang sa pag aaral at hindi biro ang pag aaral sa medisina.”“Alam mo ba na iyang Thomas? na iyan ay chickboy? Babaero? Kung sino sino lang ang babae niyan at muntik niya pang diskartehan ang Ate Ali mo kahit may jowa yan.

  • A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO)   26

    Nasa maid’s quarter kami ng mga kasama ko sa bahay, nagpakilala na rin kami sa isa’t isa. Sobrang bait nila lahat at ang dali lang nilang pakisamahan.Naghanda na si Manang Mary ng hapunan at napag desisyunan ko na tulungan si manang sa ginagawa nito. Ako na ang nag presintang ihanda ang mga rekados na gagamitin ni manang sa pagluto.Nagpasalamat naman si Manang dahil napadali ang trabaho nito. Habang nag hahalo si manang sa niluto niyang sinabawang manok ay tumabi muna ako sa kanya baka may kailangan siya.“Ilang taon na po kayong nag ta-trabaho sa mga Castillo, Manang Mary?” Tanong ko naman, napasandal si manang at ngumiti na animoy naalala ang mga pinagdaaanan niya dito.“kwarentay cinco na ako, mahigit dalawang dekada na din akong naninilbihan sa mga Castillo.” Sagot naman ni manang at ngumiti. Sobrang tagal na pala ni Manang dito, siguro ay nasaksihan niya din ang paglaki ni Tommy.

  • A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO)   25

    Thomas’s POVI’ve been here for almost two months now. My parents sent me here to reflect and realize on things I did. The things I did in my life is a bit challenging, I didn’t want to change anything, I’m used to what I really do but seeing a little angel made me push and help me in the process of changing.I had a lot of realization nang mag stay ako dito sa Siargao. I wasn’t alone in my journey. Kleian also helped me. Seeing her work hard for her family, witnessing her unconditional love for her family, seeing her go through different challenges for her family made me realize about how love for family works.She’s an extraordinary woman. She’s actually one of the strongest woman I know. She cried in front of me, she wasn’t weak that time instead she was tougher. Nailabas niya ang matagal na niyang gustong ilabas.Hindi ko aakalain na that one girl I know na personal assistant ko would made a strong impact on me. I was used to be that cold-hear

  • A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO)   24

    CHAPTER 24Matapos mag agahan, nagpahinga na rin kami para maka island hopping. Habang nagpapahinga, kanya-kanya lang kami ng ginagawa.Nag s-scroll lang ako sa social media. Saktong pag open ko sa Instagram ang dami ko palang notification. Nag check ako sa recent post ko at nagulat ako sa bumungad sa akin.Tinatanong nila kung boyfriend ko ba daw si Tommy. Napatingin naman ako kay Tommy, inosente niya lang din akong tinignan. Ngumiti lang ako tsaka nagtuon ng pansin ulit sa cellphone ko.Nagpaliwanag na din ako na hindi ko siya boyfriend pero napaka malisyosa at malisyoso ng mga kaibigan ko.“Hayaan mo na kung ayaw maniwala.” Biglang sabi ni Tommy, nakatingin rin pala siya sa phone ko kaya madali kong ibinulsa ang phone ko.“Ewan sayo. Halika na nga, tapos naman na siguro magpahinga ang lahat.” Tugon ko at umuna nang lumabas para maasikaso na lahat ang sasakyan naming bangka.Chineck ko na ang pwede naming sakyan. Tatlong

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status