Kinabukasan maaga akong nagising, syempre. Nangisda ako at ganoon parin, kasabay ko sila Manong Jony at Manong Bitoy. Kahit na alam kong papasok ako sa trabaho ngayon kung saan makikita ko ang kampon ng demonyo sinubukan ko paring pagaanin ang loob ko. Naging positibo ako hanggang sa makarating na sa mansyon.
Iniwan ko na ang timba ng isda na hule ko at at sabay kami ni Tatay papunta sa mansyon. Sinalubong kami ng preskong hangin kaya ganon nalang ang pag-ngiti ko hanggang sa makapasok sa mansyon.
Naabutan ko si Sir sa sala, kaya agad akong pumunta sa maid's quarter upang makabihis, paglabas ko ay dala ko na ang mga charts at apron.
Tumingin siya sakin saglit pero agad binawi at tinignan ang laptop. Nakasuot siya ng white na shirt at white rin na shorts. Ang aliwalas niya sa suot niya lalong napansin ang kaputian niya.
"Goodmorning sir!" Masiglang bati ko sakanya. Tinignan niya lang ako at binalik ulit ang tingin sa laptop. Napairap ako pero agad ngumiti, baka makita pa niya.
Pinuntahan ko ang kasamahan ko sa ikatlong palapag para matulungan narin sila. Sinuot ko ang apron para kung sakali hindi madumihan ang damit ko.
"Uy
Kleain!" Bati sakin ng isang kasamahan kong lalaki na naglilinis sa pool."Goodmorning!" bati ko at pumunta sa greenhouse baka may matulong ako. Andun naman si Bambam na maingat na dinidiligan ang mga halaman.
"Kamusta dito Bam?" Tanong ko matapos tinignan siya sa ginagawa niya.
"Maayos naman, kaso mas naging maingat kami sa mga kilos namin. Awkward kaayo no naa si Sir, maparehas palang mi nimo na gi tadtad ug sugo." Aniya at binalingan ang halaman ulit.
"Akala ko tigok na kayo dito HAHAHAHA.." sabi ko tsaka natawa naman kami. Buti naman at natagalan nila ang ugali nung isang yon.
Matapos ang ilang minuto ay bumaba na ako sa ikalawang palapag. Maraming kwarto dito pero ang tatlong kwarto ay hindi pwede tulugan ng guest dahil kela sir iyon.
Tinignan ko ang kwarto ni Sir, at nakikipagtalo pa kuug bubuksan ko ba iyon. Pero kailangan ko dahil isa ito sa trabaho ko, ang mapanatiling malinis ang bawat sulok ng bahay.
Pagkapasok ko, hindi naman masyadong makalat pero dapat parin linisan dahil siguradong may alikabok doon. Pati ang higaan niya ay hindi pa ayos, mga unan at kumot ay di maayos na natutupi.
Bumaba ako para tumawag ng isang kasambahay para linisin ang kwarto niya.
"Rea, pakilisin ang kwarto ni Sir." Utos ko dito, yumuko naman siya tsaka papanhik na sana ng magsalita si Sir.
"No." Biglang aniya at naglakad papalapit samin.
"Hmm?" Hinarap ko siya ng nagtatanong na tingin.
"You clean my room." Aniya at tinuro ako. Hindi naman sa ayaw ko pero kahapon pa talaga tong isang to! Parang pinagdidiskitahan ako! Ano kaya nagawa kong kasalanan!? E kung dahil don sa hindi ko siya pinapasok agad, malay ko ba na anak siya ni Sir Timoteo!
Nangunot ang noo ko pero agad kinalma ang sarili at ngumiti. Nag bow muna ako bago pumanhik sa kwarto niya.
Nagsimula ako sa higaan. Inayos ko ng tupi ang kanyang kumot tsaka inayos din ang sheet nito tsaka comforter. Wala akong iniwang gusot ay mas maingat na naglinis baka paulit-ulitin ako ng mokong na yun.
Nilinisan ko ang table na pinagpatungan ng TV. Maraming wrapers ng kung ano ano don, pati ang sahig ay may tapon na pagkain. Nagkuha na ako ng mga gamit pang linis sa bintana.
Ng matapos doon, sa walk-in-closet niya nanaman ako pumunta. Nagsisigawang brands ng mamahalin niyang mga damit ang bumungad sakin. Kahit simple lang iyon ay ang lakas ng dating, karamihan sa t-shirts niya ay plain at pastel ang ilang shorts naman ay plain rin. May mga pang business pa siyang mga damit. Pati mga sapatos ay sobrang kintab at ang linis. Nag vacuum lang ako at matapos lumabas na.
Maayos naman na nakatupi iyon kaya binalewala ko nalang at pumunta sa banyo. May nakakalat na essentials kaya nilagay ko sa tamang lalagyan. Bago naglinis sa sink ng banyo niya.
Ng matapos sa sink, sa inidoro naman ako naglinis habang nag b-brush ako biglang may bumukas ng pinto.
"Make it faster." Utos niya kaya dinalian ko nalang. Gusto ko siyang wisikan ng tubig sa inidoro pero kinontrol ko sarili ko! Ayaw ko mawalan ng trabaho.
Tulad ng gusto niya, dinalian ko nga. Pagkalabas ko ng banyo naabutan ko siya sa table niya nakatayo at may tinitignan na papel.
"Tapos na po sir, kung may kailangan kayo sir nasa baba lang ako." Sabi ko tsaka tango lang ang sinagot niya. Bumaba na ako at kumuha muna ng balabal para patuyuin ang sarili ko.
"Parang may lakad si Sir." Ani ng isa sa kasamahan ko ng makapasok siya sa maid's quarter.
"Hay buti nalang" sagot ko. Naiinis ako pag nandito siya, trabaho ko naman talaga ang pag silbihan sila pero parang ako lang talaga ang pinagdidiskitahan niya. Kainis!
Biglang tumunog ang intercom sa kwarto namin. Agad ko naman iyong sinagot.
"Hello, sir?" Bungad ko.
"Get dressed." Iyon lang ang sabi niya at wala na akong narinig sa kabilang linya.
Ano daw? Get dressed? Ha? Para saan naman. Nagbihis lang ako ng Isa ko pang pares ng uniform dahil sa pawis.
Paglabas ko sunod-sunod na ang lakad ni Sir na may hawak na susi sa kamay. Kulay black ang inner shirt niya na napatungan ng gray na coat tsaka gray rin na pants tsaka black pointy shoes. May shades narin siyang suot. Pati mga mamahaling alahas niya ay suot niya.
Sumunod naman ako sa kanya. Nalilito parin sa mga nangyayari, ano ba kasi at ba't niya ako pinabihis?
"You're wearing that?" Aniya at hinarap ako.
"Ito lang po ang damit ko dito sir." Sagot ko naman. Bakit ba kasi? I need an explanation! Bakit ganito!
"Tsk." Iyon lang ang sabi niya tsaka lumabas ng bahay, nagmadali naman akong sumunod. Teka ba't ba ako sumunod!? Wait wait!
"Sir! Teka." Pigil ko sakanya ng nasa hagdanan na kami pababa. Tinignan niya lang ako at may inutos sa helper sabay abot ng susi niya.
"Sir, saan po ba punta niyo?" Maagap kong tanong sakanya. Nakapamulsa lang siya habang naghihintay sa sasakyan niya.
Hindi niya ako pinansin, ng dumating ang sasakyan niya pumwesto na siya para pumasok. Pero natigilan siya ng hindi ako gumalaw. Natigilan din ako. Ano ba kasi!?
"Sakay." Yun lang ang sinabi niya. Tsaka sumakay. Hindi pa ako nakagalaw ng bigla siyang bumusina. Bwesit! Nagmadali naman akong sumakay.
Pagkapasok ko, ang malamig na hangin at mabangong amoy ang sumalubong sakin.
"Sir may trabaho pa po ako" Ani ko. Pero di niya ako pinansin, sa halip ay pinainit ang makina.
"Seatbelt" aniya. Agad naman akong sumunod, baka paharurutin niya bigla. Kawawa ako!
Pinasadahan niya ako tingin bago napailing iling. Ano ba? Ha? Di ko na alam kung anong nangyayare.
Agad kong tinawagan si Bambam para ipaalala ang mga gagawin sa mansyon. Nagtanong pa siya kung bakit ako dinala ni Sir. E pati ako nagtaka kung bakit nga ba.
Tahimik lang kami habang nasa byahe. Pinasadahan ko din siya ng tingin. Bakit ganyan ang suot niya? Eh hello Siargao eto!
"Ambot uroy oy, naunsa naman ni oy!" Angil ko, napasapo sa noo at sumandal nalang.
"Are you cursing me?" Takang tanong niya habang hawak parin ang manibela.
"Hindi po sir." Paumanhin ko naman. Mabuti nalang talaga at hindi niya maintindihan. Siguro kung galit ako at gusto ko siyang i sumpa magbibisaya nalang ako para di niya maintindihan. MWAHAHA~
"Sir, pwede magtanong?" Maagap kong sabi. Wala naman siyang imik pero talagang ang kuryosidad ko pinapatay na ako.
Kung bakit niya ako sinama? Kung bakit ganyan suot niya? Bakit pinabihis niya ako? Bakit kami nasa iisang kotse ngayon? Bakit ba kasi ako? Bakit ako iyong sinama niya?
"Saan po tayo pupunta?" Tanong ko ulit sakanya. Huminto muna siya, napansin kong medyo madami ang tao dito. Napansin kong nasa bayan kami.
"Meeting." Iyon lang ang sagot niya. Meeting? E bakit niya ako sinama? Bakit ako? Bakit niya ako dinala? May gagampanan ba ako don? Huhu.
"Sir?" Takang tanong ko.
"You're my P.A, from now on." Sabi niya at pinaharurot ang sasakyan.
Sa sinabi niya hindi ko na namalayan na nasa isang mall kami. Hindi naman ganon kalaki pero sapat na para pagbilhan ng mga damit, gamit o kung ano-ano pa.Siguro sa isang taon, isang beses lang akong makakapunta dito. Pag bibilhan ko ng regalo ang pamilya ko. Pero ngayon wala namang okasyon. Napatingin ako sa katabi ko na seryoso sa pagmamaneho.
Napalingon ako kay Sir Thomas. Tumawa siya pero sa pormal na paraan, napangisi naman ako. Kailangan kong turuan ang sarili kong maging professional sa harap ng mga ka meeting niya."She's myP.A."
Agad akong tumalikod. Narinig ko rin ang mga yabag niya palayo. Feeling ko papunta na siya sa walk in closet niya saka ko narinig ang pag sarado ng sliding door niya sa closet.Napabuga ako ng hangin at sinabit sa rack niya ang coat niya. Tsaka ko nilapag ang mga paperbags. Sakto nun ay ang paglabas niya. Naka grey sweatpants siya at grey na V-neck shirt. Ang tanging suot niya ay ng silver necklace na walang pendant.
Gaya ng nasa schedule, ng malapit na mag alas nuebe tumulak na kami papunta sa Velasco Resort. Buti nalang talaga at kabisado niya ang mga direction.Naka board shorts lang si Sir na kulay puting sando na naipababawan ng itim na polo na lahat ng butones ay nakabukas. Suot niya parin ang mga alahas niya at sunglasses. Parang ako nalang ang semi-formal ang datingan. Na realize na siguro ni Sir na Isla to kaya ganyan na ang suot niya. Buti naman, sir.
Inis akong umahon sa pool at hinubad ang coat ko pati sandals. Bwesit na Sir! Nako! Kung hindi lang ako nakapagtiis, binulyawan ko na iyon.Nakita siguro ni Ochi, ng kasamahan ko ang nangyari kaya inabutan niya ako ng towel."Thank you,&nb
Kinabukasan paika-ika akong naglakad. Kagabi pa talaga to. Nag-alala nga sila Nanay. Pero sabi ko okay lang ako. Pagkatapos kong maghanda, lumabas na ako. Nagtaka ako kung saan ba si Tatay."Hindimakakapasokang tatay mo, may sakit daw."Sabi ni Nanay ng mapansin na hinahanap ko si Tatay.
Maaga akong nagising para mangisda. Paniguradong klarong klaro ang mugto ng mata ko ngayon pero wala akong pakialam, gusto ko lang maghanapbuhay para may ipambayad kami."Kle— hoy anong nangyari sayo?"Tanong ni Miko ng makababa na kami ng bangka. Kela Manong Bitoy kasi ako sumakay.
Inimpake ko na ang gamit ko nung gabing iyon. Dahil sa mansyon ako matutulog ngayon. Pagkadating ko sa mansyon. Tahimik na. Pumunta naman ako sa maid's quarter."Uy?Ditoka na matutulog?"Tanong n
"Tanch" tawag ko wa kaibigan kong busy sa binabasa niyang fiction book. "Yeah?" Sagot niya naman habang hindi winawala ang tingin sa libro. "Paano kung tinanong ka kung pwede kayo mag date, ano gagawin mo?" tanong ko sa kanya. Agad naman siyang napatingin sa akin at inayos ang upo. "Parang I know who this person asking you out ha!" Napatili naman siya ang kumapit sa braso ko. "Alam mo, just be beautiful. Let him plan everything." Sagot niya naman na ikinagulo ng isip ko. "Ano ibig mong sabihin? wala akong gagawin?" Takang tanong ko sakanya. "Yes girl. In that way you will know how he will treat you. Let him do what a man should do." Sagot niya at pinisil ang pisngi ko. "Ang cute cute talaga ng frenny ko." Sabi niya at humilata na ulit sa bench para magpatuloy sa pagbasa. Hindi ko alam kung anong preparasyon ang gagawin ko. Ni hindi ko alam kung ano ang gagawin ko talaga. Hihintayin ko lang ba talaga na siya lang ang gumalaw. Tsaka bakit ba kasi pa ask ask pa siya ng date. Lum
Pumunta ako sa mga kaibigan ko matapos akong makapag order ng pag kain ko. Nag order lang ako ng bread at juice. Since pinabaunan naman ako ng salad ni Thomas para daw pang dagdag sa pananghalian ko. "Iba yung glow mo today teh." Sabi naman ni Tanch at kumagat na sa sandwich niya. "Kaya nga, parang mag go-glow in the dark ka na sa lagay na yan." Napatawa naman ako sa sinabi ni George. "Oh ayan, oh! Tignan mo iba yung tawa mo eh!" Dagdag ulit ni George. "Ano ba, wala lang 'to. Hindi ba pwedeng masaya lang?" Sabi ko naman at nagpatuloy na sa pag kain. "Asusus! kunware pa!" Panunudyo naman niTanch sa akin. "Pero sige hayaan ka na namin, di mo rin naman sasabihin eh." Tahimik lang kaming kumakain ng meryenda namin. Halata ring pagod kaming tatlo kakaasikaso sa thesis namin. This week na rin kasi ang deadline. Tsaka next week na ang defense. Nagulat kaming lahat, oo kaming lahat sa canteen kasi naman ang lakas ng tili ni tanch. Hindi ko alam kung anong gusto niyang sabihin kasi pu
CHAPTER 30 “Maraming salamat talaga Thomas at pinagbigyan mo kaming makita ang anak namin.” Napabitiw na ako sa yakap nang magpasalamat si Tatay kay Thomas. “O, nanay? Kamusta kayo diyan?” tanong ko nang matapos magsalita si tatay. Nakangiti pa rin ako sa saya. Parang kanina lang iniisip ko sila dahil sa kagustuhan makita sila at naging posible ito dahil kay Thomas. “Okay naman kami anak, ganon pa rin ang buhay. Namimiss ka na rin namin.” Hindi ko maiwasang maluha sa sinabi ni nanay. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko nang bigla pinunasan ni Thomas ang pisnge ko. “Maglalakad-lakad lang ako.” Paalam ni Thomas sa akin, nagpaalam din siya sa pamilya ko bago siya umalis sa tabi ko. “Ang ganda niyo tignan anak.” Nakatingin pa ako sa umaalis na si Thomas nang bigla magsalita si Tatay. “Tay..” binalaan ko si Tatay na wag na kami mapunta sa usapan na ‘iyan. Napatawa naman sila ni nanay at tumango-tango nalang.
Nasa sasakyan na kami at nakaalalay ako kay Jack na nakatulog na sa bisig ko.“Baka mangalay ka.” Sabi ni Sir Thomas na nakatayo pa sa labas habang tinutulungan akong makapasok sa sasakyan.“Okay lang, Sir. Di naman po siya ganoon ka bigat.” Sagot ko naman. Nanatili pa siyang nakatingin sa amin kaya tinignan ko din siya at ngumiti. Kaya sinira niya na ang pinto ng kotse.“Seatbelt?” Tanong niya sa akin. Maingat ko namang kinuha ang seatbelt sa gilid ko. I lo-lock ko na sana nang hindi ko maabot ito.“Ako na.” Si Sir na nag ayos, hinayaan ko na siya dahil hindi ko naman maabot.Medyo mahaba haba ang byahe at medyo traffic pa. Ayaw ko namang makatulog dahil baka mabitawan ko si Jack kaya naman nag isip ako nang pwede kong gawin para hindi ako antukin.“Sir, curious lang po ako. Nasaan po ang ina ni Jack?” Tanong ko at napatingin sa
Maaga akong nagising dahil kailangan ko pang asikasuhin si Jack. Naligo na din ako at nakapag bihis nang simpleng brown printed shirt na pinares ko sa white jeans tsaka shoes ko. Pumunta na ako sa kwarto ni Jack, sakto namang kakagising niya lang. Kinurot ko nang mahina ang pisnge niya, sobra niyang cute. Kinarga ko siya pababa sa higaan niya at nag stretching pa kami bago ko siya pinaligo. Habang naliligo pa si Jack ay hinanda ko na ang mga gamit niya. Nang makalabas na kami ay naghihintay na si Sir Thomas sa labas habang may kausap sa telepono. “Yes, Chester please take care of it. Papunta na rin ako diyan, may ihahatid lang ako.” Rinig kong sabi ni Sir Thomas. Napalingon siya nang maramdaman ang presensya naming. “Let’s just talk about that later.” Sagot niya sa kausap at binaba na ang telepono. “Let’s go?” tanong niya sa anak tapos sinulyapan ako. Kinarga niya si Jack at inalalayan
“Ano tong nalaman ko na nagta trabaho ka kay Thomas?” Biglang sabi ni Kuya Kenji nang tumawag ito. Lumabas muna ako para wala akong ma disturbo sa loob.“Ano bang masama don kuya?” Takang tanong ko naman. Nahihimigan ko ang inis sa boses ni kuya at hindi ko maintindihan kung bakit ganito siya umakto ngayon.“Wala akong tiwala sa tinatrabahuan mo, Kleian. Mas mabuti pang umalis ka nalang diyan at ako na ang bahala na maghanap ng paraan para makapag-aral ka.” Tugon nito na nagpakunot ng noo ko.“Matagal na akong nainilbihan sa mga Castillo kuya, at kilala ko sila. Tsaka ayaw ko ng dumagdag sa mga responsibilidad mo. Mag focus ka nalang sa pag aaral at hindi biro ang pag aaral sa medisina.”“Alam mo ba na iyang Thomas? na iyan ay chickboy? Babaero? Kung sino sino lang ang babae niyan at muntik niya pang diskartehan ang Ate Ali mo kahit may jowa yan.
Nasa maid’s quarter kami ng mga kasama ko sa bahay, nagpakilala na rin kami sa isa’t isa. Sobrang bait nila lahat at ang dali lang nilang pakisamahan.Naghanda na si Manang Mary ng hapunan at napag desisyunan ko na tulungan si manang sa ginagawa nito. Ako na ang nag presintang ihanda ang mga rekados na gagamitin ni manang sa pagluto.Nagpasalamat naman si Manang dahil napadali ang trabaho nito. Habang nag hahalo si manang sa niluto niyang sinabawang manok ay tumabi muna ako sa kanya baka may kailangan siya.“Ilang taon na po kayong nag ta-trabaho sa mga Castillo, Manang Mary?” Tanong ko naman, napasandal si manang at ngumiti na animoy naalala ang mga pinagdaaanan niya dito.“kwarentay cinco na ako, mahigit dalawang dekada na din akong naninilbihan sa mga Castillo.” Sagot naman ni manang at ngumiti. Sobrang tagal na pala ni Manang dito, siguro ay nasaksihan niya din ang paglaki ni Tommy.
Thomas’s POVI’ve been here for almost two months now. My parents sent me here to reflect and realize on things I did. The things I did in my life is a bit challenging, I didn’t want to change anything, I’m used to what I really do but seeing a little angel made me push and help me in the process of changing.I had a lot of realization nang mag stay ako dito sa Siargao. I wasn’t alone in my journey. Kleian also helped me. Seeing her work hard for her family, witnessing her unconditional love for her family, seeing her go through different challenges for her family made me realize about how love for family works.She’s an extraordinary woman. She’s actually one of the strongest woman I know. She cried in front of me, she wasn’t weak that time instead she was tougher. Nailabas niya ang matagal na niyang gustong ilabas.Hindi ko aakalain na that one girl I know na personal assistant ko would made a strong impact on me. I was used to be that cold-hear
CHAPTER 24Matapos mag agahan, nagpahinga na rin kami para maka island hopping. Habang nagpapahinga, kanya-kanya lang kami ng ginagawa.Nag s-scroll lang ako sa social media. Saktong pag open ko sa Instagram ang dami ko palang notification. Nag check ako sa recent post ko at nagulat ako sa bumungad sa akin.Tinatanong nila kung boyfriend ko ba daw si Tommy. Napatingin naman ako kay Tommy, inosente niya lang din akong tinignan. Ngumiti lang ako tsaka nagtuon ng pansin ulit sa cellphone ko.Nagpaliwanag na din ako na hindi ko siya boyfriend pero napaka malisyosa at malisyoso ng mga kaibigan ko.“Hayaan mo na kung ayaw maniwala.” Biglang sabi ni Tommy, nakatingin rin pala siya sa phone ko kaya madali kong ibinulsa ang phone ko.“Ewan sayo. Halika na nga, tapos naman na siguro magpahinga ang lahat.” Tugon ko at umuna nang lumabas para maasikaso na lahat ang sasakyan naming bangka.Chineck ko na ang pwede naming sakyan. Tatlong