Share

03

Author: Yuniverseee
last update Huling Na-update: 2020-09-14 14:13:50

Bumalik na ako sa loob para tapusin ang mga ginagawa ko. Chineck ko rin ang mga bagahe ni Sir kung napasok na ba ito sa tinutuluyan niya.

Pumunta muna ako sa itaas para tignan kung maayos naba lahat. Sa ikatlong palapag ay isang greenhouse. Sa loob nito ay mga pinag-iingatang mga tanim. May swimming pool rin at isang upuan na ginawa bilang duyan.

Chineck ko ang bawat sulok kong malinis naba ito. Pumasok pa ako sa greenhouse para isa isahin ng tingin ang mga halaman. Mabuti nalang at lahat ay ayos na, nadiligin na lahat.

Bumaba ako sa ikalawang palapag, malaki ito. At bawat kwarto ay talagang chinecheck ko. Mabuti nalang at maayos talaga silang maglinis dito. May isang pinto na lock kaya hindi ko na pinasok baka andun si Sir.

Bumaba na ako at bawat hagdan ay tinitignan ko kung malinis ba. Nang makababa ay gumala ulit ako sa kusina, sala, library, work-out room at storage room. Malinis naman lahat.

Lumabas na ako para I check ang mga ginagawa ng mga ilan sa kasamahan ni Tatay. Nagagawa naman nila ng maayos at kahit papano maaliwalas tignan ang paligid.

"Kleian, tawag ka ni Sir." Tawag ng isang kasamahan ko kaya agad akong bumalik papasok sa mansyon.

Pagkapasok ko naabutan ko siya sa dining area na may kaharap na laptop at mga papeles. May suot siyang glasses, siguro pang proteksyon sa mata niya. Naka grey V-neck shirt na siya at kulay itim na short. Pumunta ako sa harap niya at agad niyang napansin iyon.

"Coffee, please." Sabi niya, nalilito naman akong napatingin sa mga kasamahan ko. Ang dami nila dito pero talagang pinatawag niya ako. Hindi naman sa ayaw ko pero seryoso ba!? Ang dami namin dito oh.

"Coffee, please." Sabi niya ulit at ngayon tinignan na ako. Nagmadali naman akong pumunta sa coffeemaker para ipagtimpla siya.

Mabilis lang akong nagtimpla kaya naman nilagay ko na sa table. Tinikman niya iyon gamit ang kutsarita. Napatingin siya doon at tinulak papalapit sakin ang coffee.

"Masyadong

mapait, more sugar." Utos niya na agad ko namang sinunod.

Bumalik ako at nilahad ulit sa kanya. Tinikman niya at ganon parin ang reaksyon nkya.

"Too sweet." Angal niya ulit.

Ewan ko kung nanadya ba siya, nakakainis na. Pero dahil anak siya ng amo ko tinitiis ko nalang.

Magtitimpla sana ako ng panibagong kape ng bigla ulit siyang nagsalita. Pansin kong pati mga kasambahay ay napapansin ang inaakto niya. Binigyan ko lang sila ng 'okay-lang-ako-look'.

"I want juice." Aniya habang sa laptop niya parin ang tingin. Agad ko namang binuksan ang ref. Nagsalin ako sa baso ng orange juice at nilahad sa kanya.

"Too sweet, pineapple please." Ani niya, napahinga ako ng malalim at pinapahaba ang pasensya ko habang siya naman ay pinapahaba ang sungay niya!

Naglahad ako ulit ng Pineapple juice sa harap niya. Nagtipa tipa pa siya bago niya kinuha ang baso at ininom. Napangiwi siya at binalik sakin ang baso.

"Apple juice." Sabi niya kaya napairap kong binuksan ang ref. Lahat ng juice ay nilabas ko. Nilagay ko sa harap niya kaya napatingin siya sakin. Naglagay rin ako ng mga baso sa harap niya. 

Iniisa isa ko ang juice sa pagsalin sa baso dahil sa inis ko. Nakangiti parin ako habang nagsasalin dito. Gulat niya akong tinignan pero agad nag bawi at napalitan ng malamig na ekspresyon.

Nang matapos ako sa ginawa ko. Tumuwid ako ng tayo sa gilid niya, nilingon niya ako kaya ngumiti lang ako.

"I just realized I need milk than these." Turo niya sa mga sinalin ko sa baso. Nanlaki ang mga mata ko, seryoso ba siya!? Sana po ay hindi ako mawalan ng trabaho pag ako ay di na nakatiis.

Nahilot ko ang sentido ko at nagpatulong na ayusin ang mesa. Kumuha ako ng gatas para salinan siya sa baso pero bago ko pa mabuhos iyon ay sinarado niya ang laptop niya at inayos ang mga papeles at tumayo na.

"Later ko nalang yan iinumin." Aniya at tinalikuran na kami. Napaawang ang labi ko sahil don. Nanadya talaga ang isang to! Nakakainis! Bwesit talaga!

Malalim na buntong hinanga ang pinakawalan ko. At inalok ng juice ang mga kasamahan ko, Sayang naman kung itatapon ko ito. Bwesit talaga siya! Super!

Pasalamat ako at tanghali hanggang hapon ay hindi siya bumaba, dahil siguradong hindi ko mapipigilan ang sarili ko. Bwesit talaga!

Pinahatiran ko lang siya ng kakainin niya. Nagbihis na ako sa maid's quarter. Ng pauwi na ako ay chineck ko lahat bago ako tuluyang umalis. Sinugurado ko na mahatiran siya ng pagkain.

Kahit ganoon siya ay rerespetuhin ko siya dahil siya ang anak ng boss ko. Kung pwede nga lang lagyan ng nakakamatay na lason ang pagkain niya, gagawin ko talaga.

Sabay kami ni Tatay na lumabas pero pinauna ko na siya dahil dadaan pa ako sa papaldahan ng pera. Dahil nga magpapadala ako kay Kuya.

Na itext ko na sa kanya ang napadala ko, pati ang code tsaka kung saan ko pinadala. Habang naglalakad ako pauwi medyo dumidilim na. Bigla akong nakatanggap ng tawag kay Kuya.

"Sayo ba itong pera?" Bungad niya sakin. Batid kong nakuha na niya.

"Oo Kuya." Sagot ko naman.

"Naku, sana hindi nalang pala ako nanghingiMadami na akong utang sayo bunso." May pagkapahiya ang boses niya.

"Anong utang ka diyan, may sinabi ba akong ganoon. Hayaan mo na kuya at tulong ko iyan sayo." Ani ko at narinig ko ang buntong hininga niya.

"Kinuhaan mo ba ang inipon mo para sa pag-aaral?" Tanong niya naman. Nasa labas na ako ng bahay at di pa pumapasok.

"Hindi, may naiwan pa akong pera sa isang alkansya ko. Iyon yung mga raket

raket ko." Sagot ko naman sakanya.

"Nangingisda ka parin?" Tanong niya ulit. Alam kong papagalitan ako nito pero ayaw ko namang magsinungaling. Paniguradong kukulitin niya rin ako kung saan ko kinuha ang pera.

"Oo Kuya, hindi naman ako tumigil." Sagot ko sakanya habang sinisipa sipa ang maliliit na bato sa paanan ko.

"Diba sabi ko saiyo! itigil mo na iyan. Magpahinga ka rin minsan bunsoDapat nga ikaw andito at ako diyan naghahanapbuhay." Ayan nanaman siya sa mga pinagsasabi niya. Minsan sinabi niya sakin na nakokonsensya dahil nga dapat ako doon. Bunso daw ako at babae pa pero kung ano ano ang trabahong pinasok ko.

"Eto nanaman tayo, Kuya ano ba. Okay lang ako, alam ko naman na itong sakripisyo ko ay may maidudulot na maganda sayo." Nakangiti kong usal na animoy makikita niya.

"Kleian naman, hay... Basta sabihin mo sakin kung hindi mo na kaya. Pupunta ako agad diyan at magpapalit tayo, ikaw na mag-aral." Napabuntong hininga lang ako.

"Kuya okay lang ha, hindi na kailangan. Kaya babye na! Magluluto pa ako ng hapunan namin." Nagpaalam na ako sakanya at pumasok na sa loob ng bahay. Nilagay ko ang bag ko sa upuan at nakita ko ang nakataklob na ulam sa mesa kaya ininit ko nalang ito para makasave rin kahit papano.

Inaya ko na sila Nanay na kumain. May nilahad si Nanay sakin na pera kita ko sa balde ay wala na itong laman. Mahigit dalawang libo ang binigay niya sakin. Hinati ko naman ang kita at binigyan si Nanay ng isang libo.

"Sayo na nay, pagdagdag sa mga gastusin natin dito." Sabi ko sabay tiklop sa kamay niya para kunin ang pera. Nilahad niya pabalik sakin.

"Sayo na anak, eto naman oh. Pandagdag mo iyan sa ipon mo."  Umiling iling ako habang nakangisi.

Ginigiit na sakanya lang ang pera, wala siyang nagawa kaya binulsa niya nalang. Nagdasal kami bago kami nagsimulang kumain.

"Dumating pala ang anak ni Sir Timoteo no?" Biglang sabi ni Tatay. Naalala ko tuloy ang ginawa niyang pambe-bwesit kanina. Talagang na bwiset ako. Hindi ko namalayan na masyado ko na palang natuhog ang kawawang gulay. Mabuti nalang at hindi napansin nila Nanay.

"Rinig ko ay hindi mo daw siya pinapasok agad kanina nak?" Nagtatakang tanong ni Tatay habang si Nanay ay nakikinig lang samin.

"Wala naman ho kasing nakasulat sa listahan ko na dadating siya." Paliwanag ko naman. Napatango tango lang sa Tatay.

"Gwapo ang batang iyon at parang mabait pa." Ngi, gusto kong magsagawa ng rally laban sa anak ng amo ko! bakit pa siya naging anak ng amo ko!? Anong mabait don!? Ha!? ANONG.MABAIT.DON!?

"Hmm, parang mabait, so hindi pa sigurado." Sagot ko naman kay Tatay. 

"Gusto ko siya." Napatingin ako kay Tatay. Ha!? Hanudaw!?

"Hindi ko siya gusto!" Sabi ko at nilapag sa hugasan ang pinggan ko at umalis sa hapag. Naalala ko nanaman ang pambe-bwesit niya sakin.

Hindi ko talaga siya gusto!

Kaugnay na kabanata

  • A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO)   04

    Kinabukasan maaga akong nagising, syempre. Nangisda ako at ganoon parin, kasabay ko sila Manong Jony at Manong Bitoy. Kahit na alam kong papasok ako sa trabaho ngayon kung saan makikita ko ang kampon ng demonyo sinubukan ko paring pagaanin ang loob ko. Naging positibo ako hanggang sa makarating na sa mansyon.Iniwan ko na ang timba ng isda na hule ko at at sabay kami ni Tatay papunta sa mansyon. Sinalubong kami ng preskong hangin kaya ganon nalang ang pag-ngiti ko hanggang sa makapasok sa mansyon.

    Huling Na-update : 2020-09-14
  • A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO)   05

    Sa sinabi niya hindi ko na namalayan na nasa isang mall kami. Hindi naman ganon kalaki pero sapat na para pagbilhan ng mga damit, gamit o kung ano-ano pa.Siguro sa isang taon, isang beses lang akong makakapunta dito. Pag bibilhan ko ng regalo ang pamilya ko. Pero ngayon wala namang okasyon. Napatingin ako sa katabi ko na seryoso sa pagmamaneho.

    Huling Na-update : 2020-09-14
  • A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO)   06

    Napalingon ako kay Sir Thomas. Tumawa siya pero sa pormal na paraan, napangisi naman ako. Kailangan kong turuan ang sarili kong maging professional sa harap ng mga ka meeting niya."She's myP.A."

    Huling Na-update : 2020-09-14
  • A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO)   07

    Agad akong tumalikod. Narinig ko rin ang mga yabag niya palayo. Feeling ko papunta na siya sa walk in closet niya saka ko narinig ang pag sarado ng sliding door niya sa closet.Napabuga ako ng hangin at sinabit sa rack niya ang coat niya. Tsaka ko nilapag ang mga paperbags. Sakto nun ay ang paglabas niya. Naka grey sweatpants siya at grey na V-neck shirt. Ang tanging suot niya ay ng silver necklace na walang pendant.

    Huling Na-update : 2020-09-14
  • A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO)   08

    Gaya ng nasa schedule, ng malapit na mag alas nuebe tumulak na kami papunta sa Velasco Resort. Buti nalang talaga at kabisado niya ang mga direction.Naka board shorts lang si Sir na kulay puting sando na naipababawan ng itim na polo na lahat ng butones ay nakabukas. Suot niya parin ang mga alahas niya at sunglasses. Parang ako nalang ang semi-formal ang datingan. Na realize na siguro ni Sir na Isla to kaya ganyan na ang suot niya. Buti naman, sir.

    Huling Na-update : 2020-09-14
  • A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO)   09

    Inis akong umahon sa pool at hinubad ang coat ko pati sandals. Bwesit na Sir! Nako! Kung hindi lang ako nakapagtiis, binulyawan ko na iyon.Nakita siguro ni Ochi, ng kasamahan ko ang nangyari kaya inabutan niya ako ng towel."Thank you,&nb

    Huling Na-update : 2020-09-14
  • A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO)   10

    Kinabukasan paika-ika akong naglakad. Kagabi pa talaga to. Nag-alala nga sila Nanay. Pero sabi ko okay lang ako. Pagkatapos kong maghanda, lumabas na ako. Nagtaka ako kung saan ba si Tatay."Hindimakakapasokang tatay mo, may sakit daw."Sabi ni Nanay ng mapansin na hinahanap ko si Tatay.

    Huling Na-update : 2020-09-14
  • A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO)   11

    Maaga akong nagising para mangisda. Paniguradong klarong klaro ang mugto ng mata ko ngayon pero wala akong pakialam, gusto ko lang maghanapbuhay para may ipambayad kami."Kle— hoy anong nangyari sayo?"Tanong ni Miko ng makababa na kami ng bangka. Kela Manong Bitoy kasi ako sumakay.

    Huling Na-update : 2020-09-14

Pinakabagong kabanata

  • A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO)   32

    "Tanch" tawag ko wa kaibigan kong busy sa binabasa niyang fiction book. "Yeah?" Sagot niya naman habang hindi winawala ang tingin sa libro. "Paano kung tinanong ka kung pwede kayo mag date, ano gagawin mo?" tanong ko sa kanya. Agad naman siyang napatingin sa akin at inayos ang upo. "Parang I know who this person asking you out ha!" Napatili naman siya ang kumapit sa braso ko. "Alam mo, just be beautiful. Let him plan everything." Sagot niya naman na ikinagulo ng isip ko. "Ano ibig mong sabihin? wala akong gagawin?" Takang tanong ko sakanya. "Yes girl. In that way you will know how he will treat you. Let him do what a man should do." Sagot niya at pinisil ang pisngi ko. "Ang cute cute talaga ng frenny ko." Sabi niya at humilata na ulit sa bench para magpatuloy sa pagbasa. Hindi ko alam kung anong preparasyon ang gagawin ko. Ni hindi ko alam kung ano ang gagawin ko talaga. Hihintayin ko lang ba talaga na siya lang ang gumalaw. Tsaka bakit ba kasi pa ask ask pa siya ng date. Lum

  • A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO)   31

    Pumunta ako sa mga kaibigan ko matapos akong makapag order ng pag kain ko. Nag order lang ako ng bread at juice. Since pinabaunan naman ako ng salad ni Thomas para daw pang dagdag sa pananghalian ko. "Iba yung glow mo today teh." Sabi naman ni Tanch at kumagat na sa sandwich niya. "Kaya nga, parang mag go-glow in the dark ka na sa lagay na yan." Napatawa naman ako sa sinabi ni George. "Oh ayan, oh! Tignan mo iba yung tawa mo eh!" Dagdag ulit ni George. "Ano ba, wala lang 'to. Hindi ba pwedeng masaya lang?" Sabi ko naman at nagpatuloy na sa pag kain. "Asusus! kunware pa!" Panunudyo naman niTanch sa akin. "Pero sige hayaan ka na namin, di mo rin naman sasabihin eh." Tahimik lang kaming kumakain ng meryenda namin. Halata ring pagod kaming tatlo kakaasikaso sa thesis namin. This week na rin kasi ang deadline. Tsaka next week na ang defense. Nagulat kaming lahat, oo kaming lahat sa canteen kasi naman ang lakas ng tili ni tanch. Hindi ko alam kung anong gusto niyang sabihin kasi pu

  • A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO)   30

    CHAPTER 30 “Maraming salamat talaga Thomas at pinagbigyan mo kaming makita ang anak namin.” Napabitiw na ako sa yakap nang magpasalamat si Tatay kay Thomas. “O, nanay? Kamusta kayo diyan?” tanong ko nang matapos magsalita si tatay. Nakangiti pa rin ako sa saya. Parang kanina lang iniisip ko sila dahil sa kagustuhan makita sila at naging posible ito dahil kay Thomas. “Okay naman kami anak, ganon pa rin ang buhay. Namimiss ka na rin namin.” Hindi ko maiwasang maluha sa sinabi ni nanay. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko nang bigla pinunasan ni Thomas ang pisnge ko. “Maglalakad-lakad lang ako.” Paalam ni Thomas sa akin, nagpaalam din siya sa pamilya ko bago siya umalis sa tabi ko. “Ang ganda niyo tignan anak.” Nakatingin pa ako sa umaalis na si Thomas nang bigla magsalita si Tatay. “Tay..” binalaan ko si Tatay na wag na kami mapunta sa usapan na ‘iyan. Napatawa naman sila ni nanay at tumango-tango nalang.

  • A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO)   29

    Nasa sasakyan na kami at nakaalalay ako kay Jack na nakatulog na sa bisig ko.“Baka mangalay ka.” Sabi ni Sir Thomas na nakatayo pa sa labas habang tinutulungan akong makapasok sa sasakyan.“Okay lang, Sir. Di naman po siya ganoon ka bigat.” Sagot ko naman. Nanatili pa siyang nakatingin sa amin kaya tinignan ko din siya at ngumiti. Kaya sinira niya na ang pinto ng kotse.“Seatbelt?” Tanong niya sa akin. Maingat ko namang kinuha ang seatbelt sa gilid ko. I lo-lock ko na sana nang hindi ko maabot ito.“Ako na.” Si Sir na nag ayos, hinayaan ko na siya dahil hindi ko naman maabot.Medyo mahaba haba ang byahe at medyo traffic pa. Ayaw ko namang makatulog dahil baka mabitawan ko si Jack kaya naman nag isip ako nang pwede kong gawin para hindi ako antukin.“Sir, curious lang po ako. Nasaan po ang ina ni Jack?” Tanong ko at napatingin sa

  • A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO)   28

    Maaga akong nagising dahil kailangan ko pang asikasuhin si Jack. Naligo na din ako at nakapag bihis nang simpleng brown printed shirt na pinares ko sa white jeans tsaka shoes ko. Pumunta na ako sa kwarto ni Jack, sakto namang kakagising niya lang. Kinurot ko nang mahina ang pisnge niya, sobra niyang cute. Kinarga ko siya pababa sa higaan niya at nag stretching pa kami bago ko siya pinaligo. Habang naliligo pa si Jack ay hinanda ko na ang mga gamit niya. Nang makalabas na kami ay naghihintay na si Sir Thomas sa labas habang may kausap sa telepono. “Yes, Chester please take care of it. Papunta na rin ako diyan, may ihahatid lang ako.” Rinig kong sabi ni Sir Thomas. Napalingon siya nang maramdaman ang presensya naming. “Let’s just talk about that later.” Sagot niya sa kausap at binaba na ang telepono. “Let’s go?” tanong niya sa anak tapos sinulyapan ako. Kinarga niya si Jack at inalalayan

  • A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO)   27

    “Ano tong nalaman ko na nagta trabaho ka kay Thomas?” Biglang sabi ni Kuya Kenji nang tumawag ito. Lumabas muna ako para wala akong ma disturbo sa loob.“Ano bang masama don kuya?” Takang tanong ko naman. Nahihimigan ko ang inis sa boses ni kuya at hindi ko maintindihan kung bakit ganito siya umakto ngayon.“Wala akong tiwala sa tinatrabahuan mo, Kleian. Mas mabuti pang umalis ka nalang diyan at ako na ang bahala na maghanap ng paraan para makapag-aral ka.” Tugon nito na nagpakunot ng noo ko.“Matagal na akong nainilbihan sa mga Castillo kuya, at kilala ko sila. Tsaka ayaw ko ng dumagdag sa mga responsibilidad mo. Mag focus ka nalang sa pag aaral at hindi biro ang pag aaral sa medisina.”“Alam mo ba na iyang Thomas? na iyan ay chickboy? Babaero? Kung sino sino lang ang babae niyan at muntik niya pang diskartehan ang Ate Ali mo kahit may jowa yan.

  • A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO)   26

    Nasa maid’s quarter kami ng mga kasama ko sa bahay, nagpakilala na rin kami sa isa’t isa. Sobrang bait nila lahat at ang dali lang nilang pakisamahan.Naghanda na si Manang Mary ng hapunan at napag desisyunan ko na tulungan si manang sa ginagawa nito. Ako na ang nag presintang ihanda ang mga rekados na gagamitin ni manang sa pagluto.Nagpasalamat naman si Manang dahil napadali ang trabaho nito. Habang nag hahalo si manang sa niluto niyang sinabawang manok ay tumabi muna ako sa kanya baka may kailangan siya.“Ilang taon na po kayong nag ta-trabaho sa mga Castillo, Manang Mary?” Tanong ko naman, napasandal si manang at ngumiti na animoy naalala ang mga pinagdaaanan niya dito.“kwarentay cinco na ako, mahigit dalawang dekada na din akong naninilbihan sa mga Castillo.” Sagot naman ni manang at ngumiti. Sobrang tagal na pala ni Manang dito, siguro ay nasaksihan niya din ang paglaki ni Tommy.

  • A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO)   25

    Thomas’s POVI’ve been here for almost two months now. My parents sent me here to reflect and realize on things I did. The things I did in my life is a bit challenging, I didn’t want to change anything, I’m used to what I really do but seeing a little angel made me push and help me in the process of changing.I had a lot of realization nang mag stay ako dito sa Siargao. I wasn’t alone in my journey. Kleian also helped me. Seeing her work hard for her family, witnessing her unconditional love for her family, seeing her go through different challenges for her family made me realize about how love for family works.She’s an extraordinary woman. She’s actually one of the strongest woman I know. She cried in front of me, she wasn’t weak that time instead she was tougher. Nailabas niya ang matagal na niyang gustong ilabas.Hindi ko aakalain na that one girl I know na personal assistant ko would made a strong impact on me. I was used to be that cold-hear

  • A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO)   24

    CHAPTER 24Matapos mag agahan, nagpahinga na rin kami para maka island hopping. Habang nagpapahinga, kanya-kanya lang kami ng ginagawa.Nag s-scroll lang ako sa social media. Saktong pag open ko sa Instagram ang dami ko palang notification. Nag check ako sa recent post ko at nagulat ako sa bumungad sa akin.Tinatanong nila kung boyfriend ko ba daw si Tommy. Napatingin naman ako kay Tommy, inosente niya lang din akong tinignan. Ngumiti lang ako tsaka nagtuon ng pansin ulit sa cellphone ko.Nagpaliwanag na din ako na hindi ko siya boyfriend pero napaka malisyosa at malisyoso ng mga kaibigan ko.“Hayaan mo na kung ayaw maniwala.” Biglang sabi ni Tommy, nakatingin rin pala siya sa phone ko kaya madali kong ibinulsa ang phone ko.“Ewan sayo. Halika na nga, tapos naman na siguro magpahinga ang lahat.” Tugon ko at umuna nang lumabas para maasikaso na lahat ang sasakyan naming bangka.Chineck ko na ang pwede naming sakyan. Tatlong

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status