Inis akong umahon sa pool at hinubad ang coat ko pati sandals. Bwesit na Sir! Nako! Kung hindi lang ako nakapagtiis, binulyawan ko na iyon.
Nakita siguro ni Ochi, ng kasamahan ko ang nangyari kaya inabutan niya ako ng towel.
"Thank you, Ochi." Pagpapasalamat ko. Napailing iling nalang siya.
"Napakasama ng amo mo." Aniya. Napakasama talaga! Saksakan ng sama! Pogi nga masama naman!
"Sinabi mo pa." Sabi ko tapos pumasok na sa maid's quarter. Suot ko ulit ang uniporme ko dati nung kay Sir Timoteo pa ako nag ta-trabaho.
Pagkatapos mag bihis. Nilugay ko lang ulit ang buhok ko dahil nga medyo basa pa ito. Pinuntahan ko si Sir sa kwarto niya para ipaalam ang email na sinend sakin.
Bumuga pa ako ng hangin bago kumatok. Narinig ko namang sabi niya na pumasok. Syempre ako, dumistansya agad. Baka saan niya pa ako matulak dito. Kainis.
"Sir may nagsend ho ng email. Makikipag-meeting daw po sa inyo. Si Mr. And Mrs. Tamoroso." Sabi ko at binalingan siya. Di man lang sa nakatingin sakin. E ano bang pake ko!? Hulog ko siya sa pool e!
"Cancel that one." Yun lang ang sabi niya at pumunta na sa veranda ng kwarto niya.
Lumabas nalang ako, baka sa susunod sa veranda niya na ako mahulog. Maayos na ang hapon ko, natulungan ko pa ang ibang kasambahay mag linis. Kaya pagkatapos ko dun ay umuwi na kami.
Walang masyadong nangyari nung gabing yun. Pero ang mga titig ni tatay, alam kong may alam siya na nahulog ako sa pool. Hinulog ako ng siraulo kong amo!
Kinabukasan, maaga akong nagising. Syempre para mangisda. Nagkasalubong kami ni Miko, kaya imbes na ila Manong Bitoy ako makisabay. Kela Miko nalang ako sumakay.
"Ang big-time ng boss mo no?" Aniya ng naglalakbay na kami sa dagat.
"Sino bang boss ang hindi big-time." Sagot ko naman at hinagis na ang lambat ko.
"Siguradong malaki ang sahod nun sayo, wag ka nalang mangisda." Suhestiyon niya. Nako kung alam niya lang gano ka laki! Malaking malaki talaga! Ngayon ngang buwan e wala akong sahod dahil sa laki!
"Nako! Sobraaaaaaaaaaaaaang." Mahaba pa kunwareng sabi ko tsaka napataas ang kilay niya.
"Laki, wala na nga akong sahod ngayong buwan." Dagdag ko na ikinagulat niya. Napailing iling pa siya.
"Wala kang sweldo!? Bakit naman!? Anong gusto mo!? Upakan ko yun! Juniboy! May aabangan tayo mama—
"Huy! Ano ba! Okay lang may kapalit naman iyong isang buwan na walang sahod. Doncha worry Miko!" Sabi ko. Tinawag pa naman si Jun para resbakan si Sir Thomas. Mga ulol talaga.
Pagkatapos namin mangisda, kalahati lang ng timba ang nakuha ko. Pero sapat na iyon para ibili nila nanay ng pagkain.
Hinatid ako ni Miko sa bahay. Inalok niya pa ako ng isda. Para daw mapadami ang akin ang marami kaming kita.
"Nako, wag na oy!" Sabi ko at hindi tinanggap ang ibinigay niyang siguro mga isang kilong isda na iyon.
"Sayang, ang ganda pa naman ng isda na ito." Turo niya sa preskong isdang Bangus. Malaki nga ito, at sobrang sariwa pa dahil kakakuha lang namin sa dagat.
"Teka may naisip ako." Pinahintay ko siya sa labas para kunin ang phone ko.
"Picture tayo!" Sabi ko at sinenyas sa kanyang magpicture kami kasama ang Bangus.
Umuo naman siya. Puro kabaliwan ang pictures namin. Nag picture lang kami para remembrance sa Bangus na nahuli niya. Bakit ba! Trip ko lang! At ngayon lang din ako nag ka cellphone.
May pinili pa akong picture dun na ang laki ng ngiti namin pareho tapos sa gitna namin ay ang hawak niyang malaking Bangus.
"Ang ganda." Aniya.
"Ay syempre, ako ba naman kasama mo sa iisang litrato." Sabi ko pa at napangisi.
"Ng Bangus kasi Kley! Ng Bangus!" Inulit pa talaga.
Nag-asaran pa kami bago ko napagpasyahan na maligo na ako baka mahuli pa ako sa trabaho. Sabay parin kami ni Tatay, papunta sa trabaho. Napansin kong medyo matamlay siya.
"Tay, may sakit ba kayo?" Tanong ko at kinapa pa ang noo niya.
"Wala anak, pagod lang." Sagot niya naman.
"Lumiban ka na muna tay at magpahinga nalang." Tugon ko pero nagmatigas si Tatay.
"Nako anak, pagod lang ito. Ganito naman talaga ang buhay." Aniya.
"Pero tay—
"Sige na anak at baka mahuli ka pa sa trabaho mo." Putol niya sakin. Wala akong nagawa kundi ang sumunod nalang sa kanya. Pumasok na ako sa mansyon. Maaga kong naabutan si Sir Thomas sa Sala na nagkakape.
Wala naman siyang schedule ngayon dahil nga kinansela niya lahat. Naka puting t-shirt lang si at itim na sweatpants. Suot niya na ang glasses niya. Sa harap niya ay ang laptop at ibang papeles.
Tumayo lang ako sa gilid na medyo malayo sa kanya baka matulak ako. May phobia na akong lumapit sa kanya. Bahala siya diyan!
Nakatayo lang ako at naghihintay ng utos niya. Mag iisang oras na akong nakatayo. Sanay naman rin akong ganito.
Ilang saglit lang tumayo na siya at kinuha ang laptop niya. Ako na ang nagligpit ng mga papeles at inipon iyon sa folder niya bago sumunod sa kwarto niya. Inilapag ko iyon sa mesa niya. Siya naman ay iniligpit ang laptop niya.
"Pakilinis." Tugon niya at iniwan ako sa kwarto.
Ngayon ko lang sinuyod ng tingin ang kwarto niya. Mas makalat na iyon, kesa sa dati. Ano ba to!? Parang pinaparusahan niya ako!
Parang hindi pa humuhupa ang galit niya simula nung unang araw pa kaming nagkita. Grabe naman pala mag higanti ang isang Thomas Jon Castillo! Ang lupet!
"Ano ba to." Sabi ko at nakita ang nagkalat na chips sa kwarto niya. Pati pa sa ilalim ng kama niya. Ano ba tong isang to, parang batang kumain.
Sa veranda niya, ay may mga bote pa ng mga inumin. Naglasing siguro siya kagabi. Alangan naman binuhusan niya ang halaman ng beer? Hmp.
Hinubad ko muna ang coat ko at nilagay iyon sa rack niya. Sando nalang at skirt ang suot ko. Tsaka minessy bun nag buhok ko. Hindi ko sinasadyang i messy bun talaga. Tamad lang ako i bun ng maayos.
Pinulot ko na ang mga kalat. Habang pumupulot ng mga kalat, biglang may pumasok. Hinarap ko parin siya habang nakayuko.
"Yes sir?" Tanong ko. Nanglaki ang mga mata niya pero agad tinaas ang kaliwang kilay. Nagtaka naman ako, na realize ko kung an ang posisyon ko.
Agad akong umayos ng tayo at tinakpan ang dibdiban ko! Shit! Maria Kleian ang tanga mo! Nakayuko ako, siguradong may nakita siya! Waaaaaaah!
Agad ko rin hablot sa rack ang coat ko.
"Dalian mo diyan." Utos niya at tinalikuran ako. Napaupo ako. Shit! Omayghad! Bakit ba ang careless ko! Tanga ka talaga Kleian! Malamang papasok siya dito kasi kwarto niya ito!
Natapos ko ng maayos ang trabaho ko. Wala akong sulok na pinalampas. Mabuti nalang at hindi na siya pumasok ulit. Natapos na ako at tinali na ng maayos ang buhok ko bago sinuot ulit ang coat. Buti nalang centralized aircon ang bahay nila, kaya hindi ako masyadong pinawisan.
Lumabas na ako, at yun din ang pagpasok ni Sir. Pumunta muna ako sa baba para uminom ng tubig. Nakakahingal. Tsaka hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari.
May nakita ba siya?! Kung meron!? Pano yun!? Wag naman sana!? Sana maka move-on siya agad sa nakita niya! Ha!? Ano ba pinagsasabi ko!?
Tinawag ako ni Ochi, dahil pinatawag daw ako ni Sir Thomas. Agad naman ang pumanhik. Syempre kumatok muna ako. Pagkapasok ko, hindi ko inaasahang madudulas ako!
Shit!? Ano to!? Hinawakan ko at napansing mantika!? Bakit may mantika!? Nagluto ba siya sa sahig!? Ang sakit!!!
"The oil was spilled." Sabi niya.
Maingat naman akong tumayo ulit. Feeling ko sumabog ang pwet ko at lahat ng laman niyon pumunta sa tiyan ko! Ang sakit! Napiang ko ma! Tabang!
"Lilinisin ko na po." Sabi ko at kinuha ang pamunas ng sahig. Nasa laptop niya lang ang tingin kaya malaya akong titigan siya ng masama.
Pagkatapos kong linisan bumaba na ako para linisin ang sarili ko. Pumunta na ako sa banyo ng maid's quarter.
Basa na ito kaya naman nagbihis nalang ako. Pagkatapos nag hugas ng kamay. Tinignan ko ang cellphone ko at saktong nakita ang pangalan niya!
"NAKAKAINIS KA!" Inis na sigaw ko sa banyo!
Kinabukasan paika-ika akong naglakad. Kagabi pa talaga to. Nag-alala nga sila Nanay. Pero sabi ko okay lang ako. Pagkatapos kong maghanda, lumabas na ako. Nagtaka ako kung saan ba si Tatay."Hindimakakapasokang tatay mo, may sakit daw."Sabi ni Nanay ng mapansin na hinahanap ko si Tatay.
Maaga akong nagising para mangisda. Paniguradong klarong klaro ang mugto ng mata ko ngayon pero wala akong pakialam, gusto ko lang maghanapbuhay para may ipambayad kami."Kle— hoy anong nangyari sayo?"Tanong ni Miko ng makababa na kami ng bangka. Kela Manong Bitoy kasi ako sumakay.
Inimpake ko na ang gamit ko nung gabing iyon. Dahil sa mansyon ako matutulog ngayon. Pagkadating ko sa mansyon. Tahimik na. Pumunta naman ako sa maid's quarter."Uy?Ditoka na matutulog?"Tanong n
Kumalas na si Sir ng marinig na tumahan na ako, nakapamulsa niya akong tinignan at bigla nalang akong tinalikuran.Hindi ko naman inaasahan na may sasabihin pa siya. Ginawa ko nalang ang trabaho ni Tatay sakit na gabi na ay may poste nanam na nagsisilbing ilaw ko.Pumasok na ako ng dinalaw na ng
"Goodmorning Sir!"Bati ko ng makapasok kinabukasan sa kwarto niya."Morning, Kleian."Wow si Sir improving. Ganoon parin siya, nakaharap sa laptop niya at mga papeles sa mesa niya.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Hindi pa ako naligo dahil mangingisda ako ngayon. Pagkalabas ko nagulat ako ng makita si Sir sa kitchen. Naaninag ko naman na medyo madilim pa sa labas."Good morning sir."Bati ko ng makita siyang nakatingin sakin. Tinignan niya ako na parang inaalam kung saan ako papunta.
Nang matapos ang basketball namin kahapon ni Sir ay nagpahinga na kami at nagpagpasyahan niya rin kung saang bar.Sana talaga hindi ako pumayag sa deal nayun! Tamo tuloy! Papasok ako sa bar mamaya! Ang isang Maria Kleain Fuentes!? Yung mabait na anak ni Jiro at Maria!? Papasok sa bar!? Hindi ako makapaniwala.
Nagpatawag ako ng tauhan galing sa mansyon para sunduin kami at kunin ang kotse ni Sir Thomas. Pano ba naman kasi to si Sir Thomas, nagkalat ng masyado. As in literal na kalat. Yung nagkalat ha talaga yung kalat na grabe talaga. Yung parang nagwawala na siya ganon. Sobrang lasing na lasing siya kung ano ano nalang pinagsasabi."Nakonaman&n
"Tanch" tawag ko wa kaibigan kong busy sa binabasa niyang fiction book. "Yeah?" Sagot niya naman habang hindi winawala ang tingin sa libro. "Paano kung tinanong ka kung pwede kayo mag date, ano gagawin mo?" tanong ko sa kanya. Agad naman siyang napatingin sa akin at inayos ang upo. "Parang I know who this person asking you out ha!" Napatili naman siya ang kumapit sa braso ko. "Alam mo, just be beautiful. Let him plan everything." Sagot niya naman na ikinagulo ng isip ko. "Ano ibig mong sabihin? wala akong gagawin?" Takang tanong ko sakanya. "Yes girl. In that way you will know how he will treat you. Let him do what a man should do." Sagot niya at pinisil ang pisngi ko. "Ang cute cute talaga ng frenny ko." Sabi niya at humilata na ulit sa bench para magpatuloy sa pagbasa. Hindi ko alam kung anong preparasyon ang gagawin ko. Ni hindi ko alam kung ano ang gagawin ko talaga. Hihintayin ko lang ba talaga na siya lang ang gumalaw. Tsaka bakit ba kasi pa ask ask pa siya ng date. Lum
Pumunta ako sa mga kaibigan ko matapos akong makapag order ng pag kain ko. Nag order lang ako ng bread at juice. Since pinabaunan naman ako ng salad ni Thomas para daw pang dagdag sa pananghalian ko. "Iba yung glow mo today teh." Sabi naman ni Tanch at kumagat na sa sandwich niya. "Kaya nga, parang mag go-glow in the dark ka na sa lagay na yan." Napatawa naman ako sa sinabi ni George. "Oh ayan, oh! Tignan mo iba yung tawa mo eh!" Dagdag ulit ni George. "Ano ba, wala lang 'to. Hindi ba pwedeng masaya lang?" Sabi ko naman at nagpatuloy na sa pag kain. "Asusus! kunware pa!" Panunudyo naman niTanch sa akin. "Pero sige hayaan ka na namin, di mo rin naman sasabihin eh." Tahimik lang kaming kumakain ng meryenda namin. Halata ring pagod kaming tatlo kakaasikaso sa thesis namin. This week na rin kasi ang deadline. Tsaka next week na ang defense. Nagulat kaming lahat, oo kaming lahat sa canteen kasi naman ang lakas ng tili ni tanch. Hindi ko alam kung anong gusto niyang sabihin kasi pu
CHAPTER 30 “Maraming salamat talaga Thomas at pinagbigyan mo kaming makita ang anak namin.” Napabitiw na ako sa yakap nang magpasalamat si Tatay kay Thomas. “O, nanay? Kamusta kayo diyan?” tanong ko nang matapos magsalita si tatay. Nakangiti pa rin ako sa saya. Parang kanina lang iniisip ko sila dahil sa kagustuhan makita sila at naging posible ito dahil kay Thomas. “Okay naman kami anak, ganon pa rin ang buhay. Namimiss ka na rin namin.” Hindi ko maiwasang maluha sa sinabi ni nanay. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko nang bigla pinunasan ni Thomas ang pisnge ko. “Maglalakad-lakad lang ako.” Paalam ni Thomas sa akin, nagpaalam din siya sa pamilya ko bago siya umalis sa tabi ko. “Ang ganda niyo tignan anak.” Nakatingin pa ako sa umaalis na si Thomas nang bigla magsalita si Tatay. “Tay..” binalaan ko si Tatay na wag na kami mapunta sa usapan na ‘iyan. Napatawa naman sila ni nanay at tumango-tango nalang.
Nasa sasakyan na kami at nakaalalay ako kay Jack na nakatulog na sa bisig ko.“Baka mangalay ka.” Sabi ni Sir Thomas na nakatayo pa sa labas habang tinutulungan akong makapasok sa sasakyan.“Okay lang, Sir. Di naman po siya ganoon ka bigat.” Sagot ko naman. Nanatili pa siyang nakatingin sa amin kaya tinignan ko din siya at ngumiti. Kaya sinira niya na ang pinto ng kotse.“Seatbelt?” Tanong niya sa akin. Maingat ko namang kinuha ang seatbelt sa gilid ko. I lo-lock ko na sana nang hindi ko maabot ito.“Ako na.” Si Sir na nag ayos, hinayaan ko na siya dahil hindi ko naman maabot.Medyo mahaba haba ang byahe at medyo traffic pa. Ayaw ko namang makatulog dahil baka mabitawan ko si Jack kaya naman nag isip ako nang pwede kong gawin para hindi ako antukin.“Sir, curious lang po ako. Nasaan po ang ina ni Jack?” Tanong ko at napatingin sa
Maaga akong nagising dahil kailangan ko pang asikasuhin si Jack. Naligo na din ako at nakapag bihis nang simpleng brown printed shirt na pinares ko sa white jeans tsaka shoes ko. Pumunta na ako sa kwarto ni Jack, sakto namang kakagising niya lang. Kinurot ko nang mahina ang pisnge niya, sobra niyang cute. Kinarga ko siya pababa sa higaan niya at nag stretching pa kami bago ko siya pinaligo. Habang naliligo pa si Jack ay hinanda ko na ang mga gamit niya. Nang makalabas na kami ay naghihintay na si Sir Thomas sa labas habang may kausap sa telepono. “Yes, Chester please take care of it. Papunta na rin ako diyan, may ihahatid lang ako.” Rinig kong sabi ni Sir Thomas. Napalingon siya nang maramdaman ang presensya naming. “Let’s just talk about that later.” Sagot niya sa kausap at binaba na ang telepono. “Let’s go?” tanong niya sa anak tapos sinulyapan ako. Kinarga niya si Jack at inalalayan
“Ano tong nalaman ko na nagta trabaho ka kay Thomas?” Biglang sabi ni Kuya Kenji nang tumawag ito. Lumabas muna ako para wala akong ma disturbo sa loob.“Ano bang masama don kuya?” Takang tanong ko naman. Nahihimigan ko ang inis sa boses ni kuya at hindi ko maintindihan kung bakit ganito siya umakto ngayon.“Wala akong tiwala sa tinatrabahuan mo, Kleian. Mas mabuti pang umalis ka nalang diyan at ako na ang bahala na maghanap ng paraan para makapag-aral ka.” Tugon nito na nagpakunot ng noo ko.“Matagal na akong nainilbihan sa mga Castillo kuya, at kilala ko sila. Tsaka ayaw ko ng dumagdag sa mga responsibilidad mo. Mag focus ka nalang sa pag aaral at hindi biro ang pag aaral sa medisina.”“Alam mo ba na iyang Thomas? na iyan ay chickboy? Babaero? Kung sino sino lang ang babae niyan at muntik niya pang diskartehan ang Ate Ali mo kahit may jowa yan.
Nasa maid’s quarter kami ng mga kasama ko sa bahay, nagpakilala na rin kami sa isa’t isa. Sobrang bait nila lahat at ang dali lang nilang pakisamahan.Naghanda na si Manang Mary ng hapunan at napag desisyunan ko na tulungan si manang sa ginagawa nito. Ako na ang nag presintang ihanda ang mga rekados na gagamitin ni manang sa pagluto.Nagpasalamat naman si Manang dahil napadali ang trabaho nito. Habang nag hahalo si manang sa niluto niyang sinabawang manok ay tumabi muna ako sa kanya baka may kailangan siya.“Ilang taon na po kayong nag ta-trabaho sa mga Castillo, Manang Mary?” Tanong ko naman, napasandal si manang at ngumiti na animoy naalala ang mga pinagdaaanan niya dito.“kwarentay cinco na ako, mahigit dalawang dekada na din akong naninilbihan sa mga Castillo.” Sagot naman ni manang at ngumiti. Sobrang tagal na pala ni Manang dito, siguro ay nasaksihan niya din ang paglaki ni Tommy.
Thomas’s POVI’ve been here for almost two months now. My parents sent me here to reflect and realize on things I did. The things I did in my life is a bit challenging, I didn’t want to change anything, I’m used to what I really do but seeing a little angel made me push and help me in the process of changing.I had a lot of realization nang mag stay ako dito sa Siargao. I wasn’t alone in my journey. Kleian also helped me. Seeing her work hard for her family, witnessing her unconditional love for her family, seeing her go through different challenges for her family made me realize about how love for family works.She’s an extraordinary woman. She’s actually one of the strongest woman I know. She cried in front of me, she wasn’t weak that time instead she was tougher. Nailabas niya ang matagal na niyang gustong ilabas.Hindi ko aakalain na that one girl I know na personal assistant ko would made a strong impact on me. I was used to be that cold-hear
CHAPTER 24Matapos mag agahan, nagpahinga na rin kami para maka island hopping. Habang nagpapahinga, kanya-kanya lang kami ng ginagawa.Nag s-scroll lang ako sa social media. Saktong pag open ko sa Instagram ang dami ko palang notification. Nag check ako sa recent post ko at nagulat ako sa bumungad sa akin.Tinatanong nila kung boyfriend ko ba daw si Tommy. Napatingin naman ako kay Tommy, inosente niya lang din akong tinignan. Ngumiti lang ako tsaka nagtuon ng pansin ulit sa cellphone ko.Nagpaliwanag na din ako na hindi ko siya boyfriend pero napaka malisyosa at malisyoso ng mga kaibigan ko.“Hayaan mo na kung ayaw maniwala.” Biglang sabi ni Tommy, nakatingin rin pala siya sa phone ko kaya madali kong ibinulsa ang phone ko.“Ewan sayo. Halika na nga, tapos naman na siguro magpahinga ang lahat.” Tugon ko at umuna nang lumabas para maasikaso na lahat ang sasakyan naming bangka.Chineck ko na ang pwede naming sakyan. Tatlong