Share

07

Author: Yuniverseee
last update Last Updated: 2020-09-14 14:19:55

Agad akong tumalikod. Narinig ko rin ang mga yabag niya palayo. Feeling ko papunta na siya sa walk in closet niya saka ko narinig ang pag sarado ng sliding door niya sa closet.

Napabuga ako ng hangin at sinabit sa rack niya ang coat niya. Tsaka ko nilapag ang mga paperbags. Sakto nun ay ang paglabas niya. Naka grey sweatpants siya at grey na V-neck shirt. Ang tanging suot niya ay ng silver necklace na walang pendant.

"Sir, ayaw ko na pong tanggapin ito." Kahit na gustong gusto ko ang pinamili niya, pati ang phone tsaka iPad. Minabuti ko nalang I sakripisyo ang luho ko kesa sa magutom ang pamilya ko.

"You're not gonna take that back, I have decided. And that's final." Iyon ang sinabi niya. Napatulo ang luha ko pero agad akong napatalikod at pinunasan narin.

Humarap ulit ako sa kanya ng may ngiti sa labi. Inu unti-unti kong tanggapin na matigas talaga ang puso niya at wala akong magagawa. Ang tanging nasa isip ko ay gumawa nalang ng sarili kong paraan para kumita.

"Okay sir, sa baba lang ako kung may kailangan po kayo." Sabi ko at tinalikuran na siya. Pagkababa ko nagchi-chismisan ang mga kasambahay, hindi naman ako malupit sa kanila dahil ka level ko rin naman sila at kahit na mas mababa pa sila sakin, ayaw ko magmataas.

Pumunta muna ako sa maid's quarter at umupo para ikalma ang sarili ko. Wala masyadong nangyari noong araw na iyon.

Naging maayos ang daloy ng hapon ko. Pinagawan ako ng email ni Sir para kung sakaling may gustong makipag-meeting, sa akin nalang sila ko-contact. Isa lamang ang I me-meet namin bukas, at umuo na si Sir na nakikipag meeting.

Sabay kong umuwi si Tatay. Ganoon padin ang suot ko, kaya tinititigan niya ako.

"Ano ba Tay? Panget ba?" Nakasimangot kong tanong sa kanya habang sabay turo sa damit ko. Nilugay ko nalang ang mahaba kong buhok.

"Napakaganda mo anak, nagmana ka talaga saiyong Nanay." Sabi ni Tatay kaya dahil don napanguso ako.

"Tatay naman e, bolero." Sabi ko pa tsaka nagtuloy na kami sa paglalakad.

Pinagtitinginan ako ng mga tao, hello! Sino ba namang tao ang nakatira sa Isla tapos ganito ang suot! Okay na sana kung beach dress!

Pagkapasok namin ni Nanay. Nagulat siya ng makita ako.

"Bakit...Ang ganda ganda mo ngayon anak?" Aniya at nilahad ang kamay para makapagmano ako.

Hindi niya lang alam na sa ganda kong to e wala akong pera! Na modus ako ni Sir don! Huhu!

"Personal assistant na po ako ni Sir Thomas."sagot ko at nilapag ang gamit ko. Tinignan naman ni Nanay ang mga damit sa paperbags.

"Iyong anak ng boss mo ba anak?" Tanong nito sakin at inayos na muli ang gamit ko.

"Opo nay." Sagot ko naman at pinasok muna sa kwarto ang mga gamit.

"Okay lang ba siyang amo? Sabihin mo lang kung hindi anak, wag kang mag dalawang isip na umalis ha." Aniya. Kung pwede nga lang Nay, e pano kayo?

"Nako nay, mabait po siya." Sabi ko naman kahit na labag iyon sa loob ko, pero sinabi ko parin. Napatikhim si Tatay at makahulugan akong tinignan binigyan ko lang siya ng ngiti.

"Mabuti naman, at parang alagang alaga ka nga. Ang gaganda ng iyong mga damit." Dagdag niya naman at nilagay na sa hapag ang hinanda niyang pagkain.

"Oo nga ho nay." Sagot ko naman. Umupo na si Nanay at nagdasal narin kami.

"Siya nga pala anak, ito iyong kita sa lahat ng isda na nakuha mo kanina." Sabi ni nanay at inabot sakin ang pera.

"Nako nay, sainyo na muna iyan. Tulong ko sa gastusin." Ani ko at tinulak pabalik sa kanya ang pera.

"Kunin mo na." Si Tatay na ang naglahad sakin. Nararamdam kong may alam siya sa nangyayari sakin. Wala na akong magawa kundi ang kunin nalang iyon.

Matapos naming kumain, nag kwentuhan muna sila saglit. Naisipan kong kunin ang Phone ko. Pinakita ko iyon kela Nanay at talagang namangha sila. Nag picture pa kami at ginawa ko iyong wallpaper ko. Pa tawa-tawa pa kami habang nagkukuha ng litrato.

Ilang sandali lang dinalaw na ako ng antok, nagpaalam na ako at nauna sa kwarto ko. Kinuha ko ang pera at hinati iyon para sa tag iisang box. Binudget ko lahat para pag nagka emergency may mahuhulbot kami.

Nagulat ako ng pumasok si Tatay sa kwarto ko. Tinignan niya ang ginawa ko at sunod niyang tinignan ang paperbags tsaka gadgets.

"Alam ko ang nangyari." Panimula niya palang ay kinakabahan na ako.

"Wala kang sahod ngayong buwan.." Dagdag niya.

"Pwede kang umalis nalang anak, kaya ko naman kayong buhayin kahit mag-isa lang ako." Nalulungkot niyang sabi. Napatingin ako sa kanya ng diretso.

"Okay lang ako Tay, hayaan niyo po at wala naman talagang madaling trabaho." Sagot ko. Pero napailing iling lang si Tatay.

"Ayaw ko ng nahihirapan ka, anak." Parang nagmamakaawa na ang tinig niya. Nagmamakaawa na umalis nalang ako sa mansyon at hayaan siyang maghirap sa trabaho.

"Ayaw ko rin ng nahihirapan ka Tay." Sagot ko sa kanya.

"Pero ana—

"Tay. hanggang kaya, Kakayanin." Sagot ko ng may ngiti sa labi. Niyakap ako ni Tatay, at dahil doon nawala ang pagod ko.

Kinamusta niya pa ako bago nagpaalam saakin. Nakatulog ako agad dahil sa pagod.

Kinabukasan, syempre nangisda ulit ako. Kasama parin sila Manong Bitoy at Manong Jon. Nagkasalisi na kami nila Miko. Maaga daw silang natapos dahil may inasikaso ang ama niya.

Umuwi na ako para maligo at maghanda papunta sa mansyon.

Sinuot ko ang skirt na pink at coat rin na pink na panloob ay puti. Nakasandals rin akong Puti. Nilugay ko muna ang buhok ko dahil medyo basa pa iyon.

"Kagwapa sa kong anak oy!" Sabi ni Nanay ng makalabas ako ng kwarto. Napangiti rin si Tatay habang pinagmamasdan ako.

"Naliwat gud nimo nay." Sagot ko naman at nagpaalam na kami ni Tatay. Pinagtitinginan ako ng taong nadadaanan namin. Panay naman ang ngiti ko sa tuwing bumabati sila sa akin. Para akong tumakbo bilang Mayor!

Dumating na kami ni Tatay sa mansyon. Kaya naman, nagmadali na rin akong pumasok. Wala akong naabutang Sir sa sala kaya naman, dumiretso na ako sa itaas.

Kahapon pala ay napag-usapan na namin na si Bambam ang papalit saking pwesto, dahil ekslusibo lamang daw ako para Kay Sir Thomas. Matatawag ko sanang special ako pero pag ganito ang amo, aba'y hindi ko talaga alam kong special pa.

Kumatok muna ako bago ako pumasok ng marinig ko ang tawag niya. Pagkapasok ko nasa kama pa siya, nakaupo at may laptop sa gilid habang ang buhok ay magulo at naka glasses siya.

"What's my schedule for today?" Tanong niya at tinignan ako. Binuksan ko naman agad ang iPad para tignan ang schedule niya.

"May meeting po kayo with Mr. Velasco sa umagang to, alas nuebe po ng umaga. Sa Velasco resort ho gaganapin ang nasabing meeting. Pagkatapos naman po nun ay mag che-check po tayo sa mga restobars niyo and other resorts." Tugon ko at tinignan na siya.

Nakita kong tumingin lang siya sakin. Walang ekpresyon ang mukha niya. Akala ko babawiin niya agad ang tingin. Pero talagang nakatitig siya sakin. Kaya kinawaykaway ko kamay ko.

"Sir Thomas!" Tawag ko sa kanya kaya agad siyang napabalikwas at biglang tumayo sa higaan niya.

"Okay." Iyon lang ang sabi niya tapos dumiretso na sa banyo. Napailing iling nalang ako. Anong problema nun? Hay.

Tinali ko muna ang mahaba kong buhok bago ko nilinis ang kwarto niya.

Related chapters

  • A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO)   08

    Gaya ng nasa schedule, ng malapit na mag alas nuebe tumulak na kami papunta sa Velasco Resort. Buti nalang talaga at kabisado niya ang mga direction.Naka board shorts lang si Sir na kulay puting sando na naipababawan ng itim na polo na lahat ng butones ay nakabukas. Suot niya parin ang mga alahas niya at sunglasses. Parang ako nalang ang semi-formal ang datingan. Na realize na siguro ni Sir na Isla to kaya ganyan na ang suot niya. Buti naman, sir.

    Last Updated : 2020-09-14
  • A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO)   09

    Inis akong umahon sa pool at hinubad ang coat ko pati sandals. Bwesit na Sir! Nako! Kung hindi lang ako nakapagtiis, binulyawan ko na iyon.Nakita siguro ni Ochi, ng kasamahan ko ang nangyari kaya inabutan niya ako ng towel."Thank you,&nb

    Last Updated : 2020-09-14
  • A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO)   10

    Kinabukasan paika-ika akong naglakad. Kagabi pa talaga to. Nag-alala nga sila Nanay. Pero sabi ko okay lang ako. Pagkatapos kong maghanda, lumabas na ako. Nagtaka ako kung saan ba si Tatay."Hindimakakapasokang tatay mo, may sakit daw."Sabi ni Nanay ng mapansin na hinahanap ko si Tatay.

    Last Updated : 2020-09-14
  • A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO)   11

    Maaga akong nagising para mangisda. Paniguradong klarong klaro ang mugto ng mata ko ngayon pero wala akong pakialam, gusto ko lang maghanapbuhay para may ipambayad kami."Kle— hoy anong nangyari sayo?"Tanong ni Miko ng makababa na kami ng bangka. Kela Manong Bitoy kasi ako sumakay.

    Last Updated : 2020-09-14
  • A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO)   12

    Inimpake ko na ang gamit ko nung gabing iyon. Dahil sa mansyon ako matutulog ngayon. Pagkadating ko sa mansyon. Tahimik na. Pumunta naman ako sa maid's quarter."Uy?Ditoka na matutulog?"Tanong n

    Last Updated : 2020-09-14
  • A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO)   13

    Kumalas na si Sir ng marinig na tumahan na ako, nakapamulsa niya akong tinignan at bigla nalang akong tinalikuran.Hindi ko naman inaasahan na may sasabihin pa siya. Ginawa ko nalang ang trabaho ni Tatay sakit na gabi na ay may poste nanam na nagsisilbing ilaw ko.Pumasok na ako ng dinalaw na ng

    Last Updated : 2020-09-14
  • A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO)   14

    "Goodmorning Sir!"Bati ko ng makapasok kinabukasan sa kwarto niya."Morning, Kleian."Wow si Sir improving. Ganoon parin siya, nakaharap sa laptop niya at mga papeles sa mesa niya.

    Last Updated : 2020-09-14
  • A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO)   15

    Kinabukasan ay maaga akong nagising. Hindi pa ako naligo dahil mangingisda ako ngayon. Pagkalabas ko nagulat ako ng makita si Sir sa kitchen. Naaninag ko naman na medyo madilim pa sa labas."Good morning sir."Bati ko ng makita siyang nakatingin sakin. Tinignan niya ako na parang inaalam kung saan ako papunta.

    Last Updated : 2020-09-14

Latest chapter

  • A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO)   32

    "Tanch" tawag ko wa kaibigan kong busy sa binabasa niyang fiction book. "Yeah?" Sagot niya naman habang hindi winawala ang tingin sa libro. "Paano kung tinanong ka kung pwede kayo mag date, ano gagawin mo?" tanong ko sa kanya. Agad naman siyang napatingin sa akin at inayos ang upo. "Parang I know who this person asking you out ha!" Napatili naman siya ang kumapit sa braso ko. "Alam mo, just be beautiful. Let him plan everything." Sagot niya naman na ikinagulo ng isip ko. "Ano ibig mong sabihin? wala akong gagawin?" Takang tanong ko sakanya. "Yes girl. In that way you will know how he will treat you. Let him do what a man should do." Sagot niya at pinisil ang pisngi ko. "Ang cute cute talaga ng frenny ko." Sabi niya at humilata na ulit sa bench para magpatuloy sa pagbasa. Hindi ko alam kung anong preparasyon ang gagawin ko. Ni hindi ko alam kung ano ang gagawin ko talaga. Hihintayin ko lang ba talaga na siya lang ang gumalaw. Tsaka bakit ba kasi pa ask ask pa siya ng date. Lum

  • A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO)   31

    Pumunta ako sa mga kaibigan ko matapos akong makapag order ng pag kain ko. Nag order lang ako ng bread at juice. Since pinabaunan naman ako ng salad ni Thomas para daw pang dagdag sa pananghalian ko. "Iba yung glow mo today teh." Sabi naman ni Tanch at kumagat na sa sandwich niya. "Kaya nga, parang mag go-glow in the dark ka na sa lagay na yan." Napatawa naman ako sa sinabi ni George. "Oh ayan, oh! Tignan mo iba yung tawa mo eh!" Dagdag ulit ni George. "Ano ba, wala lang 'to. Hindi ba pwedeng masaya lang?" Sabi ko naman at nagpatuloy na sa pag kain. "Asusus! kunware pa!" Panunudyo naman niTanch sa akin. "Pero sige hayaan ka na namin, di mo rin naman sasabihin eh." Tahimik lang kaming kumakain ng meryenda namin. Halata ring pagod kaming tatlo kakaasikaso sa thesis namin. This week na rin kasi ang deadline. Tsaka next week na ang defense. Nagulat kaming lahat, oo kaming lahat sa canteen kasi naman ang lakas ng tili ni tanch. Hindi ko alam kung anong gusto niyang sabihin kasi pu

  • A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO)   30

    CHAPTER 30 “Maraming salamat talaga Thomas at pinagbigyan mo kaming makita ang anak namin.” Napabitiw na ako sa yakap nang magpasalamat si Tatay kay Thomas. “O, nanay? Kamusta kayo diyan?” tanong ko nang matapos magsalita si tatay. Nakangiti pa rin ako sa saya. Parang kanina lang iniisip ko sila dahil sa kagustuhan makita sila at naging posible ito dahil kay Thomas. “Okay naman kami anak, ganon pa rin ang buhay. Namimiss ka na rin namin.” Hindi ko maiwasang maluha sa sinabi ni nanay. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko nang bigla pinunasan ni Thomas ang pisnge ko. “Maglalakad-lakad lang ako.” Paalam ni Thomas sa akin, nagpaalam din siya sa pamilya ko bago siya umalis sa tabi ko. “Ang ganda niyo tignan anak.” Nakatingin pa ako sa umaalis na si Thomas nang bigla magsalita si Tatay. “Tay..” binalaan ko si Tatay na wag na kami mapunta sa usapan na ‘iyan. Napatawa naman sila ni nanay at tumango-tango nalang.

  • A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO)   29

    Nasa sasakyan na kami at nakaalalay ako kay Jack na nakatulog na sa bisig ko.“Baka mangalay ka.” Sabi ni Sir Thomas na nakatayo pa sa labas habang tinutulungan akong makapasok sa sasakyan.“Okay lang, Sir. Di naman po siya ganoon ka bigat.” Sagot ko naman. Nanatili pa siyang nakatingin sa amin kaya tinignan ko din siya at ngumiti. Kaya sinira niya na ang pinto ng kotse.“Seatbelt?” Tanong niya sa akin. Maingat ko namang kinuha ang seatbelt sa gilid ko. I lo-lock ko na sana nang hindi ko maabot ito.“Ako na.” Si Sir na nag ayos, hinayaan ko na siya dahil hindi ko naman maabot.Medyo mahaba haba ang byahe at medyo traffic pa. Ayaw ko namang makatulog dahil baka mabitawan ko si Jack kaya naman nag isip ako nang pwede kong gawin para hindi ako antukin.“Sir, curious lang po ako. Nasaan po ang ina ni Jack?” Tanong ko at napatingin sa

  • A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO)   28

    Maaga akong nagising dahil kailangan ko pang asikasuhin si Jack. Naligo na din ako at nakapag bihis nang simpleng brown printed shirt na pinares ko sa white jeans tsaka shoes ko. Pumunta na ako sa kwarto ni Jack, sakto namang kakagising niya lang. Kinurot ko nang mahina ang pisnge niya, sobra niyang cute. Kinarga ko siya pababa sa higaan niya at nag stretching pa kami bago ko siya pinaligo. Habang naliligo pa si Jack ay hinanda ko na ang mga gamit niya. Nang makalabas na kami ay naghihintay na si Sir Thomas sa labas habang may kausap sa telepono. “Yes, Chester please take care of it. Papunta na rin ako diyan, may ihahatid lang ako.” Rinig kong sabi ni Sir Thomas. Napalingon siya nang maramdaman ang presensya naming. “Let’s just talk about that later.” Sagot niya sa kausap at binaba na ang telepono. “Let’s go?” tanong niya sa anak tapos sinulyapan ako. Kinarga niya si Jack at inalalayan

  • A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO)   27

    “Ano tong nalaman ko na nagta trabaho ka kay Thomas?” Biglang sabi ni Kuya Kenji nang tumawag ito. Lumabas muna ako para wala akong ma disturbo sa loob.“Ano bang masama don kuya?” Takang tanong ko naman. Nahihimigan ko ang inis sa boses ni kuya at hindi ko maintindihan kung bakit ganito siya umakto ngayon.“Wala akong tiwala sa tinatrabahuan mo, Kleian. Mas mabuti pang umalis ka nalang diyan at ako na ang bahala na maghanap ng paraan para makapag-aral ka.” Tugon nito na nagpakunot ng noo ko.“Matagal na akong nainilbihan sa mga Castillo kuya, at kilala ko sila. Tsaka ayaw ko ng dumagdag sa mga responsibilidad mo. Mag focus ka nalang sa pag aaral at hindi biro ang pag aaral sa medisina.”“Alam mo ba na iyang Thomas? na iyan ay chickboy? Babaero? Kung sino sino lang ang babae niyan at muntik niya pang diskartehan ang Ate Ali mo kahit may jowa yan.

  • A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO)   26

    Nasa maid’s quarter kami ng mga kasama ko sa bahay, nagpakilala na rin kami sa isa’t isa. Sobrang bait nila lahat at ang dali lang nilang pakisamahan.Naghanda na si Manang Mary ng hapunan at napag desisyunan ko na tulungan si manang sa ginagawa nito. Ako na ang nag presintang ihanda ang mga rekados na gagamitin ni manang sa pagluto.Nagpasalamat naman si Manang dahil napadali ang trabaho nito. Habang nag hahalo si manang sa niluto niyang sinabawang manok ay tumabi muna ako sa kanya baka may kailangan siya.“Ilang taon na po kayong nag ta-trabaho sa mga Castillo, Manang Mary?” Tanong ko naman, napasandal si manang at ngumiti na animoy naalala ang mga pinagdaaanan niya dito.“kwarentay cinco na ako, mahigit dalawang dekada na din akong naninilbihan sa mga Castillo.” Sagot naman ni manang at ngumiti. Sobrang tagal na pala ni Manang dito, siguro ay nasaksihan niya din ang paglaki ni Tommy.

  • A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO)   25

    Thomas’s POVI’ve been here for almost two months now. My parents sent me here to reflect and realize on things I did. The things I did in my life is a bit challenging, I didn’t want to change anything, I’m used to what I really do but seeing a little angel made me push and help me in the process of changing.I had a lot of realization nang mag stay ako dito sa Siargao. I wasn’t alone in my journey. Kleian also helped me. Seeing her work hard for her family, witnessing her unconditional love for her family, seeing her go through different challenges for her family made me realize about how love for family works.She’s an extraordinary woman. She’s actually one of the strongest woman I know. She cried in front of me, she wasn’t weak that time instead she was tougher. Nailabas niya ang matagal na niyang gustong ilabas.Hindi ko aakalain na that one girl I know na personal assistant ko would made a strong impact on me. I was used to be that cold-hear

  • A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO)   24

    CHAPTER 24Matapos mag agahan, nagpahinga na rin kami para maka island hopping. Habang nagpapahinga, kanya-kanya lang kami ng ginagawa.Nag s-scroll lang ako sa social media. Saktong pag open ko sa Instagram ang dami ko palang notification. Nag check ako sa recent post ko at nagulat ako sa bumungad sa akin.Tinatanong nila kung boyfriend ko ba daw si Tommy. Napatingin naman ako kay Tommy, inosente niya lang din akong tinignan. Ngumiti lang ako tsaka nagtuon ng pansin ulit sa cellphone ko.Nagpaliwanag na din ako na hindi ko siya boyfriend pero napaka malisyosa at malisyoso ng mga kaibigan ko.“Hayaan mo na kung ayaw maniwala.” Biglang sabi ni Tommy, nakatingin rin pala siya sa phone ko kaya madali kong ibinulsa ang phone ko.“Ewan sayo. Halika na nga, tapos naman na siguro magpahinga ang lahat.” Tugon ko at umuna nang lumabas para maasikaso na lahat ang sasakyan naming bangka.Chineck ko na ang pwede naming sakyan. Tatlong

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status