Sa sinabi niya hindi ko na namalayan na nasa isang mall kami. Hindi naman ganon kalaki pero sapat na para pagbilhan ng mga damit, gamit o kung ano-ano pa.
Siguro sa isang taon, isang beses lang akong makakapunta dito. Pag bibilhan ko ng regalo ang pamilya ko. Pero ngayon wala namang okasyon. Napatingin ako sa katabi ko na seryoso sa pagmamaneho.
Bigla siyang tumigil at maayos na naipark ang kotse. Tinanggal niya ang seatbelt at ako rin. Pag labas ko, naisip ko nanaman ang sinabi niya. Ako? P.A? as in personal assistant niya? Ang dami ko ng obligasyon pero kung makakadagdag to sa sweldo ko, why not? Coconut.
Sinuot na ni Sir ulit ang sunglasses niya. Samantalang ako ay nasa likod niya. Mahahalata talaga na amo ko siya dahil sa dating niya. Pumasok na kami sa mall. Laking gulat ko ng pumasok siya sa women's section.
Agad naman akong sumunod sa kanya. Tumigil siya sa mga damit na pang corporate attire. Parang naiintindihan ko na ang gusto niyang mangyari. Napatakip ako ng baba at tumingin sakanya. Sakto namang tumingin siya sakin.
"Choose." Iyon lang ang sinabi niya at umupo na nakapandekwatro sa bench.
Agad naman kaming nilapitan ng isang saleslady.
"May new arrival po kaming corporate dresses, skirts, sleeveless and coats ma'am." Aniya. Hindi parin ako makapaniwala, Wala akong nasagot.
"Take them all out. I wanna see them." Si Sir na ang nagsalita para sakin.
Umalis naman ang saleslady para kunin daw iyon sa storage room. Agad naman akong lumapit sa kanya pero nanatili akong nakatayo sa gilid niya.
"Sir, hindi naman na po kailangan non." Sabi ko at nilingon niya ako.
"You need to be presentable in front of the clients." So ibig sabihin, parati akong nandon kung may I me-meet siya! So ibig sabihin ay parati na kaming magkasama!? Naiisip ko palang yun ay parang naiiyak na ako!
"Hindi po ba okay to?" Takang tanong ko sabay turo sa sinuot ko.
"Para kang manang." Iyon ang komento niya. Sarap niya tirisin! Kainis! Manang ba naman, sa ganda kong to!? Manang!?
Biglang dumating ang saleslady at may dala na siyang rack. Nakasabit doon ang mga damit. Natakip ko ulit ang baba nung nakita kong gaano ka iksi at ka hapit iyon sa katawan ko.
"Sir, masyado naman iyang revealing." Bulong ko sakanya.
"Anong gusto mo? Matataas na palda? Maluluwag sa blouse? Para ka ng nanay." Sagot niya, napairap nalang ako. Bwesit talaga!
Itinuro niya sa saleslady ang mga gusto niyang kulay. Naglalaro lang ito sa kulay Black, Pink, White, Brown, Gray. Ang dami niyang pinili, mapa dress, sleeveless, skirts, shorts tsaka coats.
Tinulak na ng saleslady ito sa fitting room, wala na akong nagawa kundi ang sumunod. Ng naiwan ako sa fitting room, napailing iling ako, hindi ako sanay na makita ang hita ko. Wala naman akong mga galos o ano pero hindi lang ako sanay.
Sinukat ko na iyon isa-isa. Una kong sinukat ay ang itim na shorts, panloob na puti at coat na itim. Mas lalong naging halata ang kaputian ko dahil sa suot.
Pati sa dress na hapit na hapit sa katawan ko, sleeveless siya at may pares na itim rin na coat or pwede rin siya sa puti. Maganda naman siya tignan. Pero parang nasobraan sa sexy.
Sunod Kong sinukat ang pink na skirt, puting sando tsaka pink na coat. Ang mga skirt at dresses ay di man lang lumalagpas sa tuhod ko. Gusto ko ng maiyak pero wala akong magagawa. Sunod kong sinukat ang iyon.
Hanggang sa gray na dress, sleeveless rin siya. Napasinghap ako ng hangin bago sinuot ang coat ko. Nagulat ako ng may kumatok sa pinto.
"Faster, we're gonna be late." Boses iyon ng amo kong mokong. Kahit na naiinis ay sinunod ko siya.
Sa laking gulat ko nabuksan niya ang pinto ng fitting room! Buti nalang talaga pahubad palang ako ng coat! Agad ko itong tinabon sa sarili ko.
"Just wear that." Aniya at tinalikuran na ako.
As in!? Ngayon!? So ayon wala nga akong magawa diba? Kaya lumabas nalang ako. Pagkalabas ko may sandals na siyang kaharap. Ilan sa ka mga ito ay may heels!
Ano ba!? Personal assistant o gagawin niya akong Modelo!? Talaga lang ha!
Inutusan niya akong sukatin lahat, mga nasa lima lang rin ang kasya sakin. Lahat iyon, binili niya.
Ewan ko pero parang ang swerte ko na malas. Alam niyo yun, swerte ko kasi may mga damit na akong ganito tapos ang malas ko naman kasi siya pa ang amo ko. Hay!
"Thomas Jon Castillo." Aniya at nilahad ang card. May binigay sa kanyang resibo. Ah! Thomas Jon... Pala.
Dala-dala ko ang mga paperbags ng mga damit na nabili namin. Pagkalabas ko pinagtitinginan kami ng mga tao na animoy celebrity. Nakasuot na rin ako ng itim na heels. Buti nalang hindi ako natatalisod kung hindi mahahampas ko to sa pagmumukha ng Thomas nato.
Hanggang sa labas talaga ng mall pinagtitinginan kami. Pinalagay niya sa likod ng sasakyan niya ang mga paperbags kaya sinunod ko naman ito. Pagkapasok sa sasakyan agad akong umupo at napahinga ng malalim. Nakakapagod. Tinignan ko ang cellphone ko kung ano na ang oras. Dalawang oras nalang bago mananghalian.
Napatingin si Sir Thomas sakin, at binaba sa phone ko. May kinuha siya sa taas niya. Nilahad niya ang isang phone na may 'apple' na logo pati IPad, sa pagkakaalam ko mamahalin ang mga iyon.
Namilog ang mga mata ko habang nakatingin parin sa kanya palipat lipat sa hawak niyang mga gadgets.
"From now on, you'll use that." Yung sinabi niya at biglang pinatong sa hita ko! Buti nalang hindi man lang nagka physical contact!
Pinaharurut niya na ang sasakyan. Alam ko na kung saan siya patungo. Sa Isa sa mga famous resorts ng Siargao. Parang gumaan ang pakiramdam ko ng unti unti kong nakikita ang tubig ng dagat, ang hanging tinatangay at winawagaygay ang mga puno, ang mga taong nagsa-saya, napaka relaxing nitong tignan.
"Kung ano ang napag-usapan. Isulat mo sa IPad nayan." Turo niya sa IPad na nasa hita ko parin. Nahihiya ako, kung sasabihin ko ba o hindi. Pero dapat lang, baka hindi ko magawa ng maayos ang trabaho ko.
"Sir, umm.." nakakahiya talaga! Bakit ba kasi ito pa!? Pwede namang kwaderno nalang!
"Just press that, then click the icon that says the notes. Then just type." Yun ang sinabi niya. Sinunod ko naman, pag open niyon ay hinanap ko ang 'notes'. Buti nalang nahanap ko na bago pa kami naka park.
Sabay kaming lumabas, sinensyas niya ang buhok ko kaya agad akong napatingin sa salamin. Ang gulo! Bakit ngayon niya pa sinabi. Pumasok ulit ako para ayusin! Bwesit talaga siya! Ngayon pa sinabi!
Di ko namalayan na hinintay niya pala ako habang nakapamulsa, kinuha ko na ang mga gagamitin ko. Naglakad na siya ng nakitang ayos na ako.
Sinundan ko siya papunta sa isang restaurant na malapit lang sa dagat. Ang ganda ng lugar! Ang presko pa ng hangin. Halos nakikita ko ay naka summer attire. Parang kami lang ang masyadong pormal. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao, si Sir Thomas parang wala lang pakealam. Taas noo lang siyang naglalakad hanggang sa may matanaw kaming kumaway sa kanya. Isang tipid na ngiti ang ginawad niya at dumiretso doon.
Hinanda ko na ang iPad, inisip ko nalang na parang kwaderno ko iyon. Nilagyan ko ng petsa, araw tsaka location kung nasaan kami.
"Thomas, hijo. It's good to see you." Bati sa kanya ng isang matandang lalaki na naka summer attire lang, suot ang mamahaling relo at mga alahas niya.
"It's good to see you too, sir." Malaming na sagot naman ni Thomas. Napasulyap ang matanda sakin. Yumuko lang ako at ngumiti sa kanya.
"Oh, come. Sit, sit." Aya niya samin at umupo rin siya sa katapat namin. May kaharap siyang laptop, mga papel at phone niya.
"You really have grown hijo." Aniya naman kay Sir Thomas tsaka napatingin sakin.
"Guess, life is really short Sir." Sagot niya naman.
"Yes, yes, good thing you already found your match." Sabi naman ng matanda sabay tingin sakin. Ha!? Match? Ano!? Ako ba yung ibig niyang sabihin!? Match!? Kay Sir Thomas!? Ngi!
"You two look good together." Dagdag niya. Kung may tubig lang akong iniinom, sigurado akong nabulunan na ako ngayon.
Napalingon ako kay Sir Thomas. Tumawa siya pero sa pormal na paraan, napangisi naman ako. Kailangan kong turuan ang sarili kong maging professional sa harap ng mga ka meeting niya."She's myP.A."
Agad akong tumalikod. Narinig ko rin ang mga yabag niya palayo. Feeling ko papunta na siya sa walk in closet niya saka ko narinig ang pag sarado ng sliding door niya sa closet.Napabuga ako ng hangin at sinabit sa rack niya ang coat niya. Tsaka ko nilapag ang mga paperbags. Sakto nun ay ang paglabas niya. Naka grey sweatpants siya at grey na V-neck shirt. Ang tanging suot niya ay ng silver necklace na walang pendant.
Gaya ng nasa schedule, ng malapit na mag alas nuebe tumulak na kami papunta sa Velasco Resort. Buti nalang talaga at kabisado niya ang mga direction.Naka board shorts lang si Sir na kulay puting sando na naipababawan ng itim na polo na lahat ng butones ay nakabukas. Suot niya parin ang mga alahas niya at sunglasses. Parang ako nalang ang semi-formal ang datingan. Na realize na siguro ni Sir na Isla to kaya ganyan na ang suot niya. Buti naman, sir.
Inis akong umahon sa pool at hinubad ang coat ko pati sandals. Bwesit na Sir! Nako! Kung hindi lang ako nakapagtiis, binulyawan ko na iyon.Nakita siguro ni Ochi, ng kasamahan ko ang nangyari kaya inabutan niya ako ng towel."Thank you,&nb
Kinabukasan paika-ika akong naglakad. Kagabi pa talaga to. Nag-alala nga sila Nanay. Pero sabi ko okay lang ako. Pagkatapos kong maghanda, lumabas na ako. Nagtaka ako kung saan ba si Tatay."Hindimakakapasokang tatay mo, may sakit daw."Sabi ni Nanay ng mapansin na hinahanap ko si Tatay.
Maaga akong nagising para mangisda. Paniguradong klarong klaro ang mugto ng mata ko ngayon pero wala akong pakialam, gusto ko lang maghanapbuhay para may ipambayad kami."Kle— hoy anong nangyari sayo?"Tanong ni Miko ng makababa na kami ng bangka. Kela Manong Bitoy kasi ako sumakay.
Inimpake ko na ang gamit ko nung gabing iyon. Dahil sa mansyon ako matutulog ngayon. Pagkadating ko sa mansyon. Tahimik na. Pumunta naman ako sa maid's quarter."Uy?Ditoka na matutulog?"Tanong n
Kumalas na si Sir ng marinig na tumahan na ako, nakapamulsa niya akong tinignan at bigla nalang akong tinalikuran.Hindi ko naman inaasahan na may sasabihin pa siya. Ginawa ko nalang ang trabaho ni Tatay sakit na gabi na ay may poste nanam na nagsisilbing ilaw ko.Pumasok na ako ng dinalaw na ng
"Tanch" tawag ko wa kaibigan kong busy sa binabasa niyang fiction book. "Yeah?" Sagot niya naman habang hindi winawala ang tingin sa libro. "Paano kung tinanong ka kung pwede kayo mag date, ano gagawin mo?" tanong ko sa kanya. Agad naman siyang napatingin sa akin at inayos ang upo. "Parang I know who this person asking you out ha!" Napatili naman siya ang kumapit sa braso ko. "Alam mo, just be beautiful. Let him plan everything." Sagot niya naman na ikinagulo ng isip ko. "Ano ibig mong sabihin? wala akong gagawin?" Takang tanong ko sakanya. "Yes girl. In that way you will know how he will treat you. Let him do what a man should do." Sagot niya at pinisil ang pisngi ko. "Ang cute cute talaga ng frenny ko." Sabi niya at humilata na ulit sa bench para magpatuloy sa pagbasa. Hindi ko alam kung anong preparasyon ang gagawin ko. Ni hindi ko alam kung ano ang gagawin ko talaga. Hihintayin ko lang ba talaga na siya lang ang gumalaw. Tsaka bakit ba kasi pa ask ask pa siya ng date. Lum
Pumunta ako sa mga kaibigan ko matapos akong makapag order ng pag kain ko. Nag order lang ako ng bread at juice. Since pinabaunan naman ako ng salad ni Thomas para daw pang dagdag sa pananghalian ko. "Iba yung glow mo today teh." Sabi naman ni Tanch at kumagat na sa sandwich niya. "Kaya nga, parang mag go-glow in the dark ka na sa lagay na yan." Napatawa naman ako sa sinabi ni George. "Oh ayan, oh! Tignan mo iba yung tawa mo eh!" Dagdag ulit ni George. "Ano ba, wala lang 'to. Hindi ba pwedeng masaya lang?" Sabi ko naman at nagpatuloy na sa pag kain. "Asusus! kunware pa!" Panunudyo naman niTanch sa akin. "Pero sige hayaan ka na namin, di mo rin naman sasabihin eh." Tahimik lang kaming kumakain ng meryenda namin. Halata ring pagod kaming tatlo kakaasikaso sa thesis namin. This week na rin kasi ang deadline. Tsaka next week na ang defense. Nagulat kaming lahat, oo kaming lahat sa canteen kasi naman ang lakas ng tili ni tanch. Hindi ko alam kung anong gusto niyang sabihin kasi pu
CHAPTER 30 “Maraming salamat talaga Thomas at pinagbigyan mo kaming makita ang anak namin.” Napabitiw na ako sa yakap nang magpasalamat si Tatay kay Thomas. “O, nanay? Kamusta kayo diyan?” tanong ko nang matapos magsalita si tatay. Nakangiti pa rin ako sa saya. Parang kanina lang iniisip ko sila dahil sa kagustuhan makita sila at naging posible ito dahil kay Thomas. “Okay naman kami anak, ganon pa rin ang buhay. Namimiss ka na rin namin.” Hindi ko maiwasang maluha sa sinabi ni nanay. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko nang bigla pinunasan ni Thomas ang pisnge ko. “Maglalakad-lakad lang ako.” Paalam ni Thomas sa akin, nagpaalam din siya sa pamilya ko bago siya umalis sa tabi ko. “Ang ganda niyo tignan anak.” Nakatingin pa ako sa umaalis na si Thomas nang bigla magsalita si Tatay. “Tay..” binalaan ko si Tatay na wag na kami mapunta sa usapan na ‘iyan. Napatawa naman sila ni nanay at tumango-tango nalang.
Nasa sasakyan na kami at nakaalalay ako kay Jack na nakatulog na sa bisig ko.“Baka mangalay ka.” Sabi ni Sir Thomas na nakatayo pa sa labas habang tinutulungan akong makapasok sa sasakyan.“Okay lang, Sir. Di naman po siya ganoon ka bigat.” Sagot ko naman. Nanatili pa siyang nakatingin sa amin kaya tinignan ko din siya at ngumiti. Kaya sinira niya na ang pinto ng kotse.“Seatbelt?” Tanong niya sa akin. Maingat ko namang kinuha ang seatbelt sa gilid ko. I lo-lock ko na sana nang hindi ko maabot ito.“Ako na.” Si Sir na nag ayos, hinayaan ko na siya dahil hindi ko naman maabot.Medyo mahaba haba ang byahe at medyo traffic pa. Ayaw ko namang makatulog dahil baka mabitawan ko si Jack kaya naman nag isip ako nang pwede kong gawin para hindi ako antukin.“Sir, curious lang po ako. Nasaan po ang ina ni Jack?” Tanong ko at napatingin sa
Maaga akong nagising dahil kailangan ko pang asikasuhin si Jack. Naligo na din ako at nakapag bihis nang simpleng brown printed shirt na pinares ko sa white jeans tsaka shoes ko. Pumunta na ako sa kwarto ni Jack, sakto namang kakagising niya lang. Kinurot ko nang mahina ang pisnge niya, sobra niyang cute. Kinarga ko siya pababa sa higaan niya at nag stretching pa kami bago ko siya pinaligo. Habang naliligo pa si Jack ay hinanda ko na ang mga gamit niya. Nang makalabas na kami ay naghihintay na si Sir Thomas sa labas habang may kausap sa telepono. “Yes, Chester please take care of it. Papunta na rin ako diyan, may ihahatid lang ako.” Rinig kong sabi ni Sir Thomas. Napalingon siya nang maramdaman ang presensya naming. “Let’s just talk about that later.” Sagot niya sa kausap at binaba na ang telepono. “Let’s go?” tanong niya sa anak tapos sinulyapan ako. Kinarga niya si Jack at inalalayan
“Ano tong nalaman ko na nagta trabaho ka kay Thomas?” Biglang sabi ni Kuya Kenji nang tumawag ito. Lumabas muna ako para wala akong ma disturbo sa loob.“Ano bang masama don kuya?” Takang tanong ko naman. Nahihimigan ko ang inis sa boses ni kuya at hindi ko maintindihan kung bakit ganito siya umakto ngayon.“Wala akong tiwala sa tinatrabahuan mo, Kleian. Mas mabuti pang umalis ka nalang diyan at ako na ang bahala na maghanap ng paraan para makapag-aral ka.” Tugon nito na nagpakunot ng noo ko.“Matagal na akong nainilbihan sa mga Castillo kuya, at kilala ko sila. Tsaka ayaw ko ng dumagdag sa mga responsibilidad mo. Mag focus ka nalang sa pag aaral at hindi biro ang pag aaral sa medisina.”“Alam mo ba na iyang Thomas? na iyan ay chickboy? Babaero? Kung sino sino lang ang babae niyan at muntik niya pang diskartehan ang Ate Ali mo kahit may jowa yan.
Nasa maid’s quarter kami ng mga kasama ko sa bahay, nagpakilala na rin kami sa isa’t isa. Sobrang bait nila lahat at ang dali lang nilang pakisamahan.Naghanda na si Manang Mary ng hapunan at napag desisyunan ko na tulungan si manang sa ginagawa nito. Ako na ang nag presintang ihanda ang mga rekados na gagamitin ni manang sa pagluto.Nagpasalamat naman si Manang dahil napadali ang trabaho nito. Habang nag hahalo si manang sa niluto niyang sinabawang manok ay tumabi muna ako sa kanya baka may kailangan siya.“Ilang taon na po kayong nag ta-trabaho sa mga Castillo, Manang Mary?” Tanong ko naman, napasandal si manang at ngumiti na animoy naalala ang mga pinagdaaanan niya dito.“kwarentay cinco na ako, mahigit dalawang dekada na din akong naninilbihan sa mga Castillo.” Sagot naman ni manang at ngumiti. Sobrang tagal na pala ni Manang dito, siguro ay nasaksihan niya din ang paglaki ni Tommy.
Thomas’s POVI’ve been here for almost two months now. My parents sent me here to reflect and realize on things I did. The things I did in my life is a bit challenging, I didn’t want to change anything, I’m used to what I really do but seeing a little angel made me push and help me in the process of changing.I had a lot of realization nang mag stay ako dito sa Siargao. I wasn’t alone in my journey. Kleian also helped me. Seeing her work hard for her family, witnessing her unconditional love for her family, seeing her go through different challenges for her family made me realize about how love for family works.She’s an extraordinary woman. She’s actually one of the strongest woman I know. She cried in front of me, she wasn’t weak that time instead she was tougher. Nailabas niya ang matagal na niyang gustong ilabas.Hindi ko aakalain na that one girl I know na personal assistant ko would made a strong impact on me. I was used to be that cold-hear
CHAPTER 24Matapos mag agahan, nagpahinga na rin kami para maka island hopping. Habang nagpapahinga, kanya-kanya lang kami ng ginagawa.Nag s-scroll lang ako sa social media. Saktong pag open ko sa Instagram ang dami ko palang notification. Nag check ako sa recent post ko at nagulat ako sa bumungad sa akin.Tinatanong nila kung boyfriend ko ba daw si Tommy. Napatingin naman ako kay Tommy, inosente niya lang din akong tinignan. Ngumiti lang ako tsaka nagtuon ng pansin ulit sa cellphone ko.Nagpaliwanag na din ako na hindi ko siya boyfriend pero napaka malisyosa at malisyoso ng mga kaibigan ko.“Hayaan mo na kung ayaw maniwala.” Biglang sabi ni Tommy, nakatingin rin pala siya sa phone ko kaya madali kong ibinulsa ang phone ko.“Ewan sayo. Halika na nga, tapos naman na siguro magpahinga ang lahat.” Tugon ko at umuna nang lumabas para maasikaso na lahat ang sasakyan naming bangka.Chineck ko na ang pwede naming sakyan. Tatlong