Mabilis na nagtungo si Amy sa ospital, bitbit ang takot at kaba matapos ang hindi inaasahang tawag mula kay Quen. Hindi malinaw ang sinabi nito sa telepono, ngunit ramdam ni Amy na may mahalagang bagay siyang kailangang malaman. Habang naglalakad siya sa pasilyo ng ospital, hindi maiwasang bumilis ang tibok ng kanyang puso.
Pagdating sa lugar kung saan siya tinawag, nakita niya si Quen na nakatayo sa labas ng isang silid, seryoso ang ekspresyon ng mukha. Agad na nilapitan ni Amy ang binata. "Amy, salamat sa pagdating mo kaagad," ani Quen bakas sa kanyang mukha ang pagkabahala. "Ano'ng nangyari? Bakit mo ako pinatawag?" tanong ni Amy pigil ang kaba sa kanyang dibdib. Sumagot si Quen ng malalim na hininga bago nagsalita. "May nakita kami sa mga tests mo. As you can see nong last check up mo may komplikasyon sa pagbubuntis mo na kailangang tutukan." Napakunot ang noo ni Amy. "Anong ibig mong sabihin?" Si Quen ay nag-ayos ng kanyang salamin, tila nag-iisip ng tamang mga salita. "Sa test labs lumabas na masilan ang pag-bubuntis mo, need mo ng rest, " natigilan si Amy, pakiramdam niya’y biglang bumagal ang oras. Tumango si Amy, ang mukha ay puno ng pag-aalala. "Naiintindihan ko. Pero sa ganitong sitwasyon, mas mabuting malaman ng ama. Lalo na't may komplikasyon ang pagbubuntis mo," sabi ni Quen sa kanya. Tahimik si Amy, pinipilit na intindihin ang mga bagay-bagay habang pasan ang bigat ng kanyang sitwasyon. "Salamat, Quen. I will think about it." Habang nasa ospital, natanaw ni Zack si Amy mula sa malayo. Kasama nito si Quen at tila seryosong nag-uusap ang dalawa. Napatigil si Zack sa kanyang mga hakbang, nagtataka kung ano ang ginagawa ni Amy roon at bakit kasama nito ang kanyang kapatid. Nang makita niyang pumasok ang dalawa sa loob ng silid at isinara ang pinto, napaisip si Zack. "Bakit magkasama si Amy at si Quen?" tanong niya sa sarili. May kung anong bumabagabag sa kanyang isip. Alam niyang may kakaiba, pero hindi niya matukoy kung ano iyon. Nang sumunod na araw, sa kanilang opisina, bumalik si Amy sa trabaho, ngunit halatang may iniisip ito. Pilit niyang inaayos ang kanyang mga papeles, ngunit patuloy siyang naaantig ng sinabi ni Quen. Ang mga tanong tungkol sa ama ng kanyang anak ay muling bumalik sa kanyang isipan. Hindi na maiiwasan, kailangan na niyang harapin ang katotohanan. Sa gitna ng kanyang ginagawa, pumasok si Zack sa opisina, seryoso ang mukha nito. Direktang tumingin ito kay Amy, tila nag-aalinlangan ngunit puno ng intensyon. “Amy, kailangan nating mag-usap,” sabi ni Zack, malamig ngunit puno ng emosyon ang boses. Napatigil si Amy sa kanyang ginagawa at nagharap kay Zack. "Yes, sir?" Lumapit si Zack, ang mga mata nito ay nagsusuri. "I saw you at the hospital yesterday. Kasama mo si Quen." Napako si Amy sa kanyang kinatatayuan, nag-iisip kung ano ang dapat sabihin. Alam niyang hindi na magtatagal bago malaman ni Zack ang totoo, ngunit paano niya ito sisimulan? "That was a personal matter," sagot ni Amy, pilit na pinapanatiling kalmado ang kanyang boses. "Personal? Amy, if it's serious, I need to know. I’m worried about you," sabi ni Zack, at sa tono ng boses nito, ramdam ang pag-aalala. Si Amy ay tila hindi alam kung paano sasagutin si Zack. Nais na niyang sabihin ang totoo, ngunit natatakot siya sa magiging reaction ni Zack. Paano kung magbago ang lahat matapos malaman ni Zack na siya ang ama ng kanyang dinadala? Bago pa man makapagsalita si Amy, biglang nag-ring ang telepono ni Zack. Tumigil ito, sinilip ang screen at mabilis na sinagot ang tawag. Si Vanessa ang tumawag. "Hey, babe," sagot ni Zack, agad na nag-iba ang tono ng kanyang boses, mula sa pagiging seryoso at malalim, naging mas kalmado at maaliwalas. Umilag siya ng kaunti upang makipag-usap sa telepono. Habang nakatayo si Amy at pinagmamasdan si Zack, biglang bumalik ang bigat ng kanyang sitwasyon. Alam niyang hindi na maiiwasan ang pagbubunyag ng katotohanan, ngunit sa bawat hakbang patungo rito, tila may pumipigil. Ngunit hindi na rin siya pwedeng magtago. Kailangan nang malaman ni Zack ang katotohanan tungkol sa kanilang anak—at kailangan na niyang ihanda ang sarili sa maaaring kahihinatnan ng lahat ng ito. Pagkatapos ng usapan nila ni Zack, lumabas si Amy ng opisina. Hindi mapakali ang kanyang kalooban, pinipilit niyang kontrolin ang emosyon. Alam niyang hindi na magtatagal bago lumabas ang katotohanan, ngunit ang tanong ay kailan niya ito sasabihin. Habang naglalakad siya papunta sa pantry, naririnig pa rin niya ang tinig ni Zack, ang mga salitang binitiwan nito kanina: "I'm worried about you." Pakiramdam ni Amy ay lalong bumibigat ang bawat hakbang. Nasa loob pa rin ng isip niya ang huling tagpo sa ospital kasama si Quen. "May komplikasyon sa pagbubuntis mo," paulit-ulit na tumatakbo ang sinabi ni Quen. Hindi niya lubos maisip kung paano haharapin ito nang mag-isa. Lalo na ngayon, kailangang malaman ni Zack na siya ang ama ng kanyang anak. Ngunit paano niya sasabihin ito sa isang lalaking nasa isang masalimuot na relasyon kay Vanessa? Biglang pumasok si Quen sa pantry. Nang makita siya ni Amy, bakas ang pag-aalala sa mukha ng binata. "Amy, okay ka lang ba?" tanong ni Quen habang nilalapitan siya. Nag-ayos ng sarili si Amy, pilit na tinatago ang nararamdamang bigat. “Oo, ayos lang ako,” mabilis niyang tugon, ngunit halata sa boses niya na kinakabahan. "Hindi ka mukhang okay," tugon ni Quen, tila hindi kumbinsido sa sagot ni Amy. "Alam kong mahirap ito, pero kailangan mong magdesisyon. Kailangan mo nang sabihin kay Zack ang totoo." Natigilan si Amy, alam niyang tama si Quen. Hindi na siya maaaring magtago. Kung mas matagal niyang itatago ang katotohanan, mas mahirap ito sa bandang huli. Ngunit natatakot siya sa maaaring reaksyon ni Zack—hindi lamang sa pagiging ama nito, kundi sa posibilidad na tuluyan siyang mawala sa buhay ng lalaki. "Pero paano ko sisimulan, Quen?" tanong ni Amy, hindi maitago ang pag-aalinlangan sa kanyang tinig. "Paano kung magalit siya? O kaya'y layuan niya ako?" Huminga ng malalim si Quen bago nagsalita. "Amy, mas mabuti nang malaman niya ngayon kaysa malaman niya sa ibang paraan. Hindi mo rin naman ito matatago habang buhay." Tumango si Amy, pilit na iniintindi ang mga sinasabi ni Quen. Alam niyang tama ito, ngunit hindi pa rin mawala ang kaba sa kanyang dibdib. Bago pa man siya makasagot, narinig nilang may papalapit na mga yabag. Bumukas ang pinto ng pantry at pumasok si Zack, mukhang nagulat nang makita silang dalawa. "Quen, Amy, nandito pala kayo," sabi ni Zack, pilit na ngumiti ngunit may kakaibang tensyon sa kanyang boses. Tumayo si Quen at tumingin kay Amy, tila ipinapasa sa kanya ang desisyon. "Kailangan ko nang bumalik sa trabaho. Mag-usap muna kayo," sabi niya bago lumabas ng silid. Naiwan sina Amy at Zack na magkatitigan, tila walang makapagsalita sa unang mga sandali. Ramdam ni Amy ang malamig na hangin sa pagitan nila, at alam niyang ito na ang tamang oras para ihayag ang lahat. “Amy, kanina pa kita gustong tanungin. May nangyayari ba na hindi ko alam?” tanong ni Zack, seryoso ang boses. Huminga nang malalim si Amy, iniipon ang lahat ng lakas ng loob na mayroon siya. "Zack, may kailangan akong sabihin sa'yo. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan, pero..." Napatigil siya, dinama ang bigat ng mga salitang gusto niyang bitawan. "Zack, buntis ako at ikaw ang ama ng dinadala ko." Napatitig si Zack kay Amy, tila hindi agad makapaniwala sa kanyang narinig. Ilang saglit ang lumipas bago siya nakapagsalita. "What do you mean?" tanong niya, bakas sa mukha ang pagkagulat. "Pangako, hindi ko balak itago ito sayo ng matagal," pahayag ni Amy, nangingilid ang luha sa kanyang mga mata. "Hindi ko lang alam kung paano sasabihin sa'yo, lalo na't may relasyon ka kay Vanessa." Tumahimik si Zack, tila pinag-iisipan ang lahat ng sinabi ni Amy. Ramdam ni Amy ang tensyon sa pagitan nila, at ang kaba sa kanyang dibdib ay tila sumasabog na. Ngunit kailangan niyang harapin ito—ito na ang simula ng isang mas malaking laban. "I need some time to process this," sabi ni Zack, malamig ang tinig ngunit halata ang bigat ng mga salitang iyon. Tumayo siya at walang salitang lumabas ng silid, iniwan si Amy na luhaan at nag-iisa. Habang nakaupo sa isang sulok, dama ni Amy ang bigat ng kanyang desisyon. Hindi niya alam kung ano ang magiging kahihinatnan ng lahat ng ito. Ngunit sa kabila ng lahat, alam niyang tama ang ginawa niyang pagbubunyag ng katotohanan.Pagkatapos ng usapan nila ni Zack, lumabas si Amy ng opisina. Hindi mapakali ang kanyang kalooban, pinipilit niyang kontrolin ang emosyon. Alam niyang hindi na magtatagal bago lumabas ang katotohanan, ngunit ang tanong ay kailan niya ito sasabihin. Habang naglalakad siya papunta sa pantry, naririnig pa rin niya ang tinig ni Zack, ang mga salitang binitiwan nito kanina: "I'm worried about you." Pakiramdam ni Amy ay lalong bumibigat ang bawat hakbang. Nasa loob pa rin ng isip niya ang huling tagpo sa ospital kasama si Quen. "May komplikasyon sa pagbubuntis mo," paulit-ulit na tumatakbo ang sinabi ni Quen. Hindi niya lubos maisip kung paano haharapin ito nang mag-isa. Lalo na ngayon, kailangang malaman ni Zack na siya ang ama ng kanyang anak. Ngunit paano niya sasabihin ito sa isang lalaking nasa isang masalimuot na relasyon kay Vanessa? Biglang pumasok si Quen sa pantry. Nang makita siya ni Amy, bakas ang pag-aalala sa mukha nito. "Amy, okay ka lang ba?" tanong ni Quen haba
Sa gitna ng kanilang pag-uusap, biglang sumagi sa isip ni Amy ang isang ideya—ang umalis. Lisanin ang lugar na puno ng alaala ng kanilang nakaraan ni Zack at magsimula ng bagong buhay kasama ang kanyang anak. Hindi niya nais lumaki ang bata sa isang mundo ng pagkalito at kawalan ng ama. Gusto niyang magkaroon ng pagkakataon ang kanyang anak na lumaking masaya, kahit pa wala si Zack sa kanilang buhay. Isang gabi, habang nakahiga si Amy sa kanyang kama, malalim niyang pinag-isipan ang posibilidad ng pag-alis. Ang pagbubuntis niya ay hindi na magtatagal bago mapansin ng mga tao sa kanilang opisina. At kahit na professional siyang kumilos, hindi niya maitatangging masakit na makita si Zack araw-araw na tila walang pakialam. Kinabukasan, hindi na nag-atubiling kausapin ni Amy si Quen tungkol sa kanyang plano. "Quen, gusto kong magsimula ng panibagong buhay. Gusto kong umalis dito at maghanap ng lugar kung saan makakapagsimula ako ulit kasama ang anak ko," sabi ni Amy, puno ng determi
Dahil dito, nagpasya si Zack na hanapin si Amy. Tumawag siya ng mga kilalang tao sa kanilang circle—mga kaibigan, kasamahan sa trabaho, pati na rin ang ilang tauhan ng kumpanya—upang malaman kung saan maaaring naroon si Amy. Alam niyang hindi niya maaaring pabayaan na lamang ang responsibilidad bilang ama. Ngunit higit sa lahat, gusto niyang ayusin ang gulo sa pagitan nila at ipakita kay Amy na seryoso siya sa kanyang papel bilang isang ama. Pagkaraan ng ilang araw na paghahanap, natunton ni Zack ang isang maliit na bahay sa isang malayong baryo sa probinsya. Sa harap ng bahay na iyon, nakatayo si Amy, nagdidilig ng mga halaman habang hinihintay ang paglubog ng araw. Sa kabila ng payak na pamumuhay, bakas sa mukha ni Amy ang kapayapaan at kaligayahan. Huminto ang sasakyan ni Zack sa harap ng maliit na bahay ni Amy. Nang bumaba siya, kinabahan siya, hindi alam kung paano haharapin si Amy. Tila napansin ni Amy ang pamilyar na porma ng lalaki, kaya’t bumaling siya at namutla nang mak
Samantala, si Amy, na nananatili sa kanyang maliit na tahanan, ay hindi alam kung paano haharapin ang sitwasyon. Hindi lang ito tungkol sa isang gabing nagdaan—ito ay tungkol sa kanilang anak. Si Zack ang ama ng dinadala niya, ngunit hindi niya alam kung mapagkakatiwalaan niya ito, lalo pa't may ibang babae sa buhay ng lalaki. Habang nagdidilig ng mga halaman, biglang may nakita si Amy na di pamilyar na lalaki sa malayo. Nakaramdam siya ng kaba kaya mabilis siyang pumasok sa bahay, isinara ang pinto, at sinisilip ang labas kong nan doon paba ang nakita niyang lalaki. Nang gabing iyon, habang nakatingin sa mga bituin, paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang mga sinabi ni Zack: “I'll take care of you two.” Ngunit paano nga ba niya mapagkakatiwalaan si Zack? Hindi lang ito tungkol sa kanya ngayon, kundi tungkol sa bata sa kanyang sinapupunan. Sa kabila ng lahat ng emosyon, nagpasya si Amy na subukang matulog ng maaga. Ngunit bago pa man siya makatulog, may kumatok sa kanyan
Paglabas ni Amy sa kanilang bahay, hindi niya mapigilan ang hindi mapakali sa nakita niya. "Asan na siya?" bulong niya sa sarili, malinaw ang kaba sa kanyang boses. Alam niya, sa kaibuturan ng kanyang puso, na ang taong nakita niya ay walang iba kundi ang kanyang ama. Pagpasok niyang muli sa loob ng bahay, naupo siya sa sofa, patuloy na iniisip ang tagpo. Hindi napigilan ni Amy ang mapaluha habang iniisip ang mga posibilidad. Sa mga sandaling iyon, dumating si Zack, nadatnan siyang umiiyak. "Hey, anong nangyari?" tanong ni Zack, bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha. Tumabi siya kay Amy at marahang hinawakan ang kamay nito, tila sinisikap aluin siya. "I-I saw him," nauutal na sabi ni Amy, saka dahan-dahang ikinuwento ang lahat ng kanyang nakita. Tahimik na nakikinig si Zack, buong atensyon na ibinuhos kay Amy habang nagsasalaysay ito. Nang mapansin niyang nakatulog na si Amy sa kanyang balikat, maingat niya itong binuhat at dinala sa kwarto upang makapagpahinga. Habang mahimbi
Kinabukasan, tila mabigat pa rin ang pakiramdam ni Amy, ngunit sinubukan niyang magpatuloy sa normal na gawain. Naguguluhan pa rin siya sa nakita niya—ang imahe ng kanyang ama, isang taong matagal nang wala sa kanilang buhay, ay patuloy na bumabagabag sa kanyang isipan. Habang nakatingin si Amy sa bintana ng kanilang sala, naramdaman niyang may kakaiba. Bumalik ang alaala ng mga araw kung saan wala siyang ibang naiisip kundi ang pagkamatay ng magulang niya. Muli siyang nakaramdam ng sakit ngunit kasabay nito, naroon din ang pangungulila. Hindi lubos ma isip ni Amy na buhay ang ama niya. Walang anu-ano, biglang nag-ring ang kanyang telepono. Napatingin siya sa screen at nakita ang pangalan ni Zack. Agad niyang sinagot ang tawag. “Amy, I need to talk to you,” seryoso ang boses ni Zack sa kabilang linya. “Pumunta ka sa opisina ngayong hapon.” “Bakit, may nangyari ba?” tanong ni Amy, kinabahan sa tono ng boses ni Zack. “This is an important matter. Ipapasundo kita sa driver ko,”
"Ano ang ibig mong sabihin, Zack?" tanong ni Amy, halatang may kalituhan sa kanyang boses. Hindi niya maisip kung ano nga ba ang gustong iparating ni Zack sa kanyang sinabi."Sabihin mo sa akin, Amy, ano ba talaga ang nangyari noong araw na iyon?" Ang boses ni Zack ay puno ng determinasyon, naghihintay ng mga sagot. Gustuhin man ni Amy na sabihin ang lahat, para bang naglaho ang kanyang alaala tungkol sa araw na iyon, at tanging pira-pirasong bahagi na lang ang naaalala niya. Ngunit alam niyang kailangan niyang pagsikapan, subukang alalahanin ang gabing iyon para maibigay kay Zack ang katotohanang hinahanap nito.Flashback..Masayang nagkukuwentuhan ang pamilya ni Amy sa kanilang tahanan sa araw na iyon. Kitang-kita sa kanila ang pagiging mapagmahal at masaya, pati na rin ang karangyaan ng kanilang buhay. "Hon, ano ba! Huwag mo nga akong kilitiin," natatawang sabi ng ina ni Amy, si Victoria, habang sinusubukang pigilan ang kiliti. "Hindi! Hindi kita titigilan! Hahaha," sagot ng kanya
Dumilim ang paningin ni Amy habang pababa sila ni Zack sa elevator. Akay-akay niya si Amy, ang kanyang katawan ay nanginginig sa pag-aalala. Parang lumulubog ang kanyang puso sa bawat paghakbang nila pababa. Ang sakit na nararamdaman ni Amy ay hindi na kayang labanan. "Amy, 'wag kang matulog, okay?" mariing sabi ni Zack, halatang may halong kaba sa kanyang boses. Ngunit wala nang nagawa si Amy kundi bumigay. Tuluyan siyang nawalan ng malay sa kanyang mga bisig. Ilang oras ang lumipas, at nadala na ni Zack si Amy sa ospital. Naghihintay doon ang kanyang kapatid na si Quen, halatang naguguluhan sa biglaang pagdating ni Zack. "Kuya, anong ginagawa mo rito?" tanong ni Quen, kita ang pag-aalala sa kanyang mukha habang tinitingnan ang kapatid. "Bakit ka nagmamadali? Anong nangyari?" Hindi makapagsalita ng maayos si Zack. Bakas ang galit at pagkabalisa sa kanyang mukha habang nauutal siyang nagsalita, "Q-quen, tulungan mo siya." Ang kanyang mga kamay ay nanginginig, at ang kanyang mga ma
Habang ang mga kambal ay nagdiriwang ng kanilang ika-18 na kaarawan, isang masayang okasyon ang nagaganap sa kabilang bahagi ng kanilang tahanan—ang ika-10 na kaarawan ni Maui, ang bunso nina Amy at Zack. Matapos ang ilang taon ng mga pagsubok at paghihirap, nagdala si Maui ng bagong saya at kulay sa kanilang buhay. Ang kanyang mga mata, puno ng pag-asa, ay naging simbolo ng bagong simula para sa pamilya.Si Amy, na kahit abala sa mga kaganapan sa buhay ng kambal, ay hindi pinabayaan ang espesyal na araw ng kanyang bunso. Ang buong bahay ay puno ng mga dekorasyong kulay pastel—mga lobo, banderitas, at mga table setup na pinalamutian ng mga paboritong karakter ni Maui mula sa mga libro at pelikula na kinagigiliwan niya. Habang ang mga kaibigan ni Maui ay inaasahan din ang kanilang pagdalo, ang pamilya ay nagsimulang magtipon-tipon.“Mommy, Daddy! Tignan mo, meron akong bagong teddy bear!” masayang sigaw ni Maui habang ipinapakita ang kanyang regalo mula sa kanyang mga magulang.“Oo nga
Ang kanilang ika-18 na kaarawan ay isang espesyal na okasyon para kay Amy at Zack. Ito ay hindi lamang simpleng pagdiriwang ng buhay, kundi isang pagguniguni sa lahat ng kanilang pinagdaanan upang makarating sa puntong ito. Habang lumalaki sina Josh at Aliah, lumago rin ang kanilang pagmamahal at pagkakaisa bilang isang pamilya.Maaga pa lamang ay nagsimula na ang mga preparasyon sa bahay. Si Amy at Zack ay parehong nagbigay ng espesyal na pansin sa mga detalye ng party. Isang malaking tent ang itinayo sa kanilang hardin na puno ng makukulay na ilaw at mga dekorasyong na may temang "Coming of Age". May mga larawang nakalagay sa paligid ng tent na kuha mula sa iba't ibang yugto ng buhay nina Aliah at Josh—mga alaala ng mga mahalagang sandali mula sa kanilang pagkabata hanggang sa pagiging mga kabataan.Samantalang si Aliah at Josh ay abala sa kanilang mga huling paghahanda sa mga damit na susuotin at ang kanilang mga speech. Kahit na abot langit ang kanilang saya sa pagtuntong nila sa
Special Thanks to My Readers To my incredible readers, From the very beginning of A Night with Mr. Billionaire to its final chapter, your unwavering support has been the heartbeat of this story. Thank you for every page you turned, every emotion you felt, and every moment you spent with my characters. Your encouragement and passion have made this journey unforgettable. Whether it was a late-night binge or a few minutes stolen from your busy day, your time and love for this story mean the world to me. For every comment, review, or quiet appreciation, I am deeply grateful. This story exists because of you, and it reaches its conclusion with you by my side. Here's to the connection we've built and to many more stories to come! With all my gratitude, Your Author, Quen
Lumipas ang mga taon, at ang pamilya nina Zack at Amy ay nanatiling matatag. Sa kabila ng lahat ng kanilang pinagdaanan, nagawa nilang buuin muli ang kanilang buhay—malayo sa gulo at panganib na minsang bumalot dito.Si Josh at Aliah, na ngayo'y binatilyo at dalagita na, ay nagpakita ng pagiging responsable at mapagmahal na mga anak. Si Nathaniel naman ay lumaki bilang isang masayahin at mabuting bata, hindi alintana ang magulong simula ng kanyang buhay. Sa tulong nina Zack at Amy, natutunan niya ang kahalagahan ng pamilya at pag-ibig.Isang hapon, habang naglalaro ang magkakapatid sa bakuran, lumapit si Quen na may dalang maliit na kahon."Anong meron, Tito Quen?" tanong ni Aliah habang tinitigan ang dala ng tiyuhin."Buksan niyo," sagot ni Quen, nakangiti.Pagbukas ng kahon, tumambad ang mga lumang litrato at alaala ng kanilang pamilya, kabilang ang mga magulang nina Zack at Quen."Gusto kong maalala niyo ang inyong pinagmulan," sabi ni Quen. "Ang pagmamahal ng pamilya natin ang nag
Sa kabila ng tahimik na mga araw na sinimulan nina Zack at Amy, isang balita ang nagdulot ng panibagong alon ng tensyon. Sa kabila ng pagkakabuwag ng grupo ni Victor, may naiwan pala itong tagasunod—isang lalaking kilala sa alyas na "Shadow." Siya ang dating kanang-kamay ni Victor at may plano na ipagpatuloy ang sinimulan ng kanyang lider.Isang gabi, habang nagtitipon sa hapunan ang pamilya, natanggap ni Zack ang tawag mula kay Morales."Zack, may masamang balita. Si Shadow, ang huling natitirang tauhan ni Victor, ay nagbabalak ng isang huling pagsalakay. Ang target niya: ang pamilya mo."Tumayo si Zack mula sa mesa, mahigpit na hawak ang telepono. "Walang mangyayari sa pamilya ko. Kailangang tapusin na ito, minsan at para sa lahat."Napansin ni Amy ang bigat ng sitwasyon. "Zack, anong nangyayari?" tanong niya, puno ng pag-aalala."May paparating na panganib, Amy. Hindi ko hahayaang madamay kayo," sagot ni Zack, puno ng determinasyon.Kinabukasan, nagtipon sina Zack, Quen, Morales, a
Lumipas ang ilang buwan mula nang malaman ni Nathaniel ang kanyang tunay na pinagmulan. Sa kabila ng lahat, napansin ni Zack na tila may nais pang malaman ang bata—isang bagay na maaaring mahanap lamang sa isang taong bahagi ng kanyang nakaraan si Vanessa.Habang nag-uusap sina Zack at Amy sa sala isang gabi, ipinaliwanag ni Zack ang kanyang plano."Amy, gusto kong dalhin si Nathaniel kay Vanessa. Gusto kong mabigyan siya ng pagkakataong makilala ang bahagi ng kanyang nakaraan," ani Zack.Nag-alinlangan si Amy sa simula, ngunit alam niyang mahalaga ito para sa kanilang anak. "Sigurado ka ba, Zack? Paano kung saktan niya ulit tayo?""Hindi ko siya hahayaang masaktan ulit tayo," sagot ni Zack. "Ngunit kung may natitira pang pagkakataon para sa kapatawaran, gusto kong makita iyon. Para kay Nathaniel."Dinala nina Zack at Nathaniel si Vanessa sa isang rehabilitation facility kung saan ito kasalukuyang nananatili matapos sumuko sa mga awtoridad. Sa kanilang pagdating, nagulat si Vanessa ng
Makalipas ang ilang buwan, habang patuloy na bumabalik ang ilang bahagi ng alaala ni Zack, napansin nina Amy at ng mga bata ang pagbabago sa kanyang ugali. Muli siyang naging tahimik at tila inilalayo ang sarili sa kanila. Sa halip na sumama sa mga aktibidad ng pamilya, mas pinipili niyang manatili sa silid o magpakabusy sa mga bagay na hindi nila maintindihan.Isang gabi, lumapit si Amy kay Zack habang abala itong nagbabasa sa sala."Zack, napapansin ko na parang umiiwas ka sa amin," sabi ni Amy, puno ng pag-aalala.Tumingin si Zack sa kanya ngunit mabilis ding iniwas ang tingin. "Amy, hindi iyon ang intensyon ko. Gusto ko lang mag-isa minsan.""Pero hindi ka ganyan noon," sagot ni Amy, pinilit maging mahinahon ang boses. "Anuman ang iniisip mo, nandito lang kami. Hindi mo kailangang dalhin ang lahat mag-isa."Tumayo si Zack at lumapit sa bintana. "Amy, ang problema, hindi ko matandaan kung sino ako noon. Ang mga alaala ko—halos wala pa ring malinaw. Ano ba talaga ang silbi ko sa buh
Sa gitna ng tensyonadong gabi, isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap. Ang tahimik na tahanan nina Zack at Amy ay biglang napuno ng sigawan at ingay ng pagbukas ng pinto. Nakatutok ang baril ni Victor kay Amy, habang si Vanessa ay nasa tabi niya, may ngiting puno ng panlilinlang."Zack," sabi ni Victor, malamig ang boses. "Alam mo kung bakit kami nandito. Ibigay mo sa amin si Nathaniel, o mawawala sa'yo ang mahal mo."Si Zack, bagama’t puno ng galit, ay nanatiling kalmado. Tumayo siya sa harap ni Amy, parang pananggalang laban sa anumang panganib. "Huwag na huwag mong idadamay ang asawa ko, Victor. Kung may problema ka, sa akin mo ilabas, hindi sa kanya.""Hindi ito usapin ng problema, Zack," sagot ni Vanessa. "Si Nathaniel ay anak namin. Ibalik mo siya sa amin, at walang masasaktan."Nagmamadaling bumaba si Nathaniel mula sa itaas nang marinig ang kaguluhan. "Ano’ng nangyayari dito?" tanong niya, ngunit natigilan siya nang makita ang baril na nakatutok kay Amy."Nathaniel," ta
Habang abala sina Zack at Amy sa paghahanda, isang tawag mula kay Morales ang nagdala ng mas matinding tensyon."Zack, kailangan mo itong marinig," bungad ni Morales. "May nahanap kaming impormasyon tungkol sa lalaking tumulong kay Vanessa. Ang pangalan niya ay Victor Strauss. Isa siyang dating opisyal ng militar na naging kriminal. Eksperto siya sa pagpaplano at may malawak na koneksyon sa underground world. Mukhang siya ang utak sa pagtakas ni Vanessa.""Victor Strauss?" ulit ni Zack, habang minememorize ang pangalan. "Ano ang pakay nila?""Yan ang hindi pa namin matiyak," sagot ni Morales. "Pero may palatandaan na malapit na silang gumawa ng hakbang laban sa inyo. Huwag kayong magpapabaya."Pagkatapos ng tawag, agad na ipinatupad ni Zack ang mas mahigpit na seguridad. Naglagay sila ng mga surveillance camera sa bawat sulok ng bahay at nagpaikot ng mga tauhan upang magbantay 24/7. Si Quen, na malapit sa kambal, ay tumulong din sa pag-aalaga kina Josh at Aliah upang matiyak ang kanil