Pagkatapos ng usapan nila ni Zack, lumabas si Amy ng opisina.
Hindi mapakali ang kanyang kalooban, pinipilit niyang kontrolin ang emosyon. Alam niyang hindi na magtatagal bago lumabas ang katotohanan, ngunit ang tanong ay kailan niya ito sasabihin. Habang naglalakad siya papunta sa pantry, naririnig pa rin niya ang tinig ni Zack, ang mga salitang binitiwan nito kanina: "I'm worried about you." Pakiramdam ni Amy ay lalong bumibigat ang bawat hakbang. Nasa loob pa rin ng isip niya ang huling tagpo sa ospital kasama si Quen. "May komplikasyon sa pagbubuntis mo," paulit-ulit na tumatakbo ang sinabi ni Quen. Hindi niya lubos maisip kung paano haharapin ito nang mag-isa. Lalo na ngayon, kailangang malaman ni Zack na siya ang ama ng kanyang anak. Ngunit paano niya sasabihin ito sa isang lalaking nasa isang masalimuot na relasyon kay Vanessa? Biglang pumasok si Quen sa pantry. Nang makita siya ni Amy, bakas ang pag-aalala sa mukha ng binata. "Amy, okay ka lang ba?" tanong ni Quen habang nilalapitan siya. Nag-ayos ng sarili si Amy, pilit na tinatago ang nararamdamang bigat. “Oo, ayos lang ako,” mabilis niyang tugon, ngunit halata sa boses niya na kinakabahan. "Hindi ka mukhang okay," tugon ni Quen, tila hindi kumbinsido sa sagot ni Amy. "Alam kong mahirap ito, pero kailangan mong magdesisyon. Kailangan mo nang sabihin kay Zack ang totoo." Natigilan si Amy, alam niyang tama si Quen. Hindi na siya maaaring magtago. Kung mas matagal niyang itatago ang katotohanan, mas mahirap ito sa bandang huli. Ngunit natatakot siya sa maaaring reaksyon ni Zack—hindi lamang sa pagiging ama nito, kundi sa posibilidad na tuluyan siyang mawala sa buhay ng lalaki. "Pero paano ko sisimulan, Quen?" tanong ni Amy, hindi maitago ang pag-aalinlangan sa kanyang tinig. "Paano kung magalit siya? O kaya'y layuan niya ako?" Huminga ng malalim si Quen bago nagsalita. "Amy, mas mabuti nang malaman niya ngayon kaysa malaman niya sa ibang paraan. Hindi mo rin naman ito matatago habang buhay." Tumango si Amy, pilit na iniintindi ang mga sinasabi ni Quen. Alam niyang tama ito, ngunit hindi pa rin mawala ang kaba sa kanyang dibdib. Bago pa man siya makasagot, narinig nilang may papalapit na mga yabag. Bumukas ang pinto ng pantry at pumasok si Zack, mukhang nagulat nang makita silang dalawa. "Quen, Amy, nandito pala kayo," sabi ni Zack, pilit na ngumiti ngunit may kakaibang tensyon sa kanyang boses. Tumayo si Quen at tumingin kay Amy, tila ipinapasa sa kanya ang desisyon. "Kailangan ko nang bumalik sa trabaho. Mag-usap muna kayo," sabi niya bago lumabas ng silid. Naiwan sina Amy at Zack na magkatitigan, tila walang makapagsalita sa unang mga sandali. Ramdam ni Amy ang malamig na hangin sa pagitan nila, at alam niyang ito na ang tamang oras para ihayag ang lahat. “Amy, kanina pa kita gustong tanungin. May nangyayari ba na hindi ko alam?” tanong ni Zack, seryoso ang boses. Huminga nang malalim si Amy, iniipon ang lahat ng lakas ng loob na mayroon siya. "Zack, may kailangan akong sabihin sa'yo. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan, pero..." Napatigil siya, dinama ang bigat ng mga salitang gusto niyang bitawan. "Zack, buntis ako at ikaw ang ama ng dinadala ko." Napatitig si Zack kay Amy, tila hindi agad makapaniwala sa kanyang narinig. Ilang saglit ang lumipas bago siya nakapagsalita. "What do you mean?" tanong niya, bakas sa mukha ang pagkagulat. "Pangako, hindi ko balak itago ito sayo ng matagal," pahayag ni Amy, nangingilid ang luha sa kanyang mga mata. "Hindi ko lang alam kung paano sasabihin sa'yo, lalo na't may relasyon ka kay Vanessa." Tumahimik si Zack, tila pinag-iisipan ang lahat ng sinabi ni Amy. Ramdam ni Amy ang tensyon sa pagitan nila, at ang kaba sa kanyang dibdib ay tila sumasabog na. Ngunit kailangan niyang harapin ito—ito na ang simula ng isang mas malaking laban. "I need some time to process this," sabi ni Zack, malamig ang tinig ngunit halata ang bigat ng mga salitang iyon. Tumayo siya at walang salitang lumabas ng silid, iniwan si Amy na luhaan at nag-iisa. Habang nakaupo sa isang sulok, dama ni Amy ang bigat ng kanyang desisyon. Hindi niya alam kung ano ang magiging kahihinatnan ng lahat ng ito. Ngunit sa kabila ng lahat, alam niyang tama ang ginawa niyang pagbubunyag ng katotohanan. Lumipas ang mga araw matapos ang masakit na pag-uusap nina Amy at Zack. Unti-unting tinanggap ni Amy ang katotohanang kailangan niyang harapin ang kanyang pagbubuntis nang mag-isa. Sa bawat araw na nagdaraan, nararamdaman niya ang paglago ng buhay sa kanyang sinapupunan—ang batang magbibigay ng bagong liwanag sa kanyang mundo, kahit pa tinalikuran na sila ng ama nito. Sa opisina, tahimik lang si Amy, tinutukan ang trabaho upang mailayo ang isip sa sakit na nararamdaman. Ramdam niya ang mga matang tumitingin sa kanya, lalo na tuwing magkasalubong sila ni Zack. Sa kabila ng kanilang sitwasyon, professional pa rin sila sa kanilang mga trabaho, ngunit hindi na maiiwasang mabawasan ang dati nilang pagiging malapit. Si Zack ay tila palaging abala, iniwasan siyang tingnan o kausapin nang matagal. Ang dating init at pag-aalaga sa pagitan nila ay napalitan ng malamig na distansya. Minsan, habang abala si Amy sa pagre-review ng mga papeles, lumapit sa kanya si Quen. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala at malasakit. "Amy, kumusta ka na?" tanong ni Quen, binigyan siya ng malumanay na ngiti. Sumagot si Amy ng isang pilit na ngiti. "Okay lang naman. Medyo mahirap, pero kinakaya." Umupo si Quen sa upuang katapat niya, seryoso ang mukha. "Alam kong mahirap 'yung nangyari sa inyo ni Zack, pero tandaan mo, nandito lang ako para sa'yo. Kung kailangan mo ng tulong o kahit simpleng kausap, hindi ka nag-iisa." Napatingin si Amy kay Quen, damang-dama ang sinseridad sa mga mata nito. Hindi siya makapaniwala sa kabutihan ng kaibigan, lalo na sa mga panahong tila siya'y nasa pinakamababang punto ng kanyang buhay. "Salamat, Quen. Malaking bagay ang presensya mo. Hindi ko alam kung paano ako makakabangon kung wala ka." Napangiti si Quen at inabot ang kamay ni Amy. "Alam mo, kahit anong mangyari, kaya mong harapin 'to. Malakas ka, Amy. At kahit anong desisyon ang gawin mo, susuportahan kita."Sa gitna ng kanilang pag-uusap, biglang sumagi sa isip ni Amy ang isang ideya—ang umalis. Lisanin ang lugar na puno ng alaala ng kanilang nakaraan ni Zack at magsimula ng bagong buhay kasama ang kanyang anak. Hindi niya nais lumaki ang bata sa isang mundo ng pagkalito at kawalan ng ama. Gusto niyang magkaroon ng pagkakataon ang kanyang anak na lumaking masaya, kahit pa wala si Zack sa kanilang buhay. Isang gabi, habang nakahiga si Amy sa kanyang kama, malalim niyang pinag-isipan ang posibilidad ng pag-alis. Ang pagbubuntis niya ay hindi na magtatagal bago mapansin ng mga tao sa kanilang opisina. At kahit na professional siyang kumilos, hindi niya maitatangging masakit na makita si Zack araw-araw na tila walang pakialam. Kinabukasan, hindi na nag-atubiling kausapin ni Amy si Quen tungkol sa kanyang plano. "Quen, gusto kong magsimula ng panibagong buhay. Gusto kong umalis dito at maghanap ng lugar kung saan makakapagsimula ako ulit kasama ang anak ko," sabi ni Amy, puno ng determi
Dahil dito, nagpasya si Zack na hanapin si Amy. Tumawag siya ng mga kilalang tao sa kanilang circle—mga kaibigan, kasamahan sa trabaho, pati na rin ang ilang tauhan ng kumpanya—upang malaman kung saan maaaring naroon si Amy. Alam niyang hindi niya maaaring pabayaan na lamang ang responsibilidad bilang ama. Ngunit higit sa lahat, gusto niyang ayusin ang gulo sa pagitan nila at ipakita kay Amy na seryoso siya sa kanyang papel bilang isang ama. Pagkaraan ng ilang araw na paghahanap, natunton ni Zack ang isang maliit na bahay sa isang malayong baryo sa probinsya. Sa harap ng bahay na iyon, nakatayo si Amy, nagdidilig ng mga halaman habang hinihintay ang paglubog ng araw. Sa kabila ng payak na pamumuhay, bakas sa mukha ni Amy ang kapayapaan at kaligayahan. Huminto ang sasakyan ni Zack sa harap ng maliit na bahay ni Amy. Nang bumaba siya, kinabahan siya, hindi alam kung paano haharapin si Amy. Tila napansin ni Amy ang pamilyar na porma ng lalaki, kaya’t bumaling siya at namutla nang mak
Samantala, si Amy, na nananatili sa kanyang maliit na tahanan, ay hindi alam kung paano haharapin ang sitwasyon. Hindi lang ito tungkol sa isang gabing nagdaan—ito ay tungkol sa kanilang anak. Si Zack ang ama ng dinadala niya, ngunit hindi niya alam kung mapagkakatiwalaan niya ito, lalo pa't may ibang babae sa buhay ng lalaki. Habang nagdidilig ng mga halaman, biglang may nakita si Amy na di pamilyar na lalaki sa malayo. Nakaramdam siya ng kaba kaya mabilis siyang pumasok sa bahay, isinara ang pinto, at sinisilip ang labas kong nan doon paba ang nakita niyang lalaki. Nang gabing iyon, habang nakatingin sa mga bituin, paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang mga sinabi ni Zack: “I'll take care of you two.” Ngunit paano nga ba niya mapagkakatiwalaan si Zack? Hindi lang ito tungkol sa kanya ngayon, kundi tungkol sa bata sa kanyang sinapupunan. Sa kabila ng lahat ng emosyon, nagpasya si Amy na subukang matulog ng maaga. Ngunit bago pa man siya makatulog, may kumatok sa kanyan
Paglabas ni Amy sa kanilang bahay, hindi niya mapigilan ang hindi mapakali sa nakita niya. "Asan na siya?" bulong niya sa sarili, malinaw ang kaba sa kanyang boses. Alam niya, sa kaibuturan ng kanyang puso, na ang taong nakita niya ay walang iba kundi ang kanyang ama. Pagpasok niyang muli sa loob ng bahay, naupo siya sa sofa, patuloy na iniisip ang tagpo. Hindi napigilan ni Amy ang mapaluha habang iniisip ang mga posibilidad. Sa mga sandaling iyon, dumating si Zack, nadatnan siyang umiiyak. "Hey, anong nangyari?" tanong ni Zack, bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha. Tumabi siya kay Amy at marahang hinawakan ang kamay nito, tila sinisikap aluin siya. "I-I saw him," nauutal na sabi ni Amy, saka dahan-dahang ikinuwento ang lahat ng kanyang nakita. Tahimik na nakikinig si Zack, buong atensyon na ibinuhos kay Amy habang nagsasalaysay ito. Nang mapansin niyang nakatulog na si Amy sa kanyang balikat, maingat niya itong binuhat at dinala sa kwarto upang makapagpahinga. Habang mahimbi
Kinabukasan, tila mabigat pa rin ang pakiramdam ni Amy, ngunit sinubukan niyang magpatuloy sa normal na gawain. Naguguluhan pa rin siya sa nakita niya—ang imahe ng kanyang ama, isang taong matagal nang wala sa kanilang buhay, ay patuloy na bumabagabag sa kanyang isipan. Habang nakatingin si Amy sa bintana ng kanilang sala, naramdaman niyang may kakaiba. Bumalik ang alaala ng mga araw kung saan wala siyang ibang naiisip kundi ang pagkamatay ng magulang niya. Muli siyang nakaramdam ng sakit ngunit kasabay nito, naroon din ang pangungulila. Hindi lubos ma isip ni Amy na buhay ang ama niya. Walang anu-ano, biglang nag-ring ang kanyang telepono. Napatingin siya sa screen at nakita ang pangalan ni Zack. Agad niyang sinagot ang tawag. “Amy, I need to talk to you,” seryoso ang boses ni Zack sa kabilang linya. “Pumunta ka sa opisina ngayong hapon.” “Bakit, may nangyari ba?” tanong ni Amy, kinabahan sa tono ng boses ni Zack. “This is an important matter. Ipapasundo kita sa driver ko,”
"Ano ang ibig mong sabihin, Zack?" tanong ni Amy, halatang may kalituhan sa kanyang boses. Hindi niya maisip kung ano nga ba ang gustong iparating ni Zack sa kanyang sinabi."Sabihin mo sa akin, Amy, ano ba talaga ang nangyari noong araw na iyon?" Ang boses ni Zack ay puno ng determinasyon, naghihintay ng mga sagot. Gustuhin man ni Amy na sabihin ang lahat, para bang naglaho ang kanyang alaala tungkol sa araw na iyon, at tanging pira-pirasong bahagi na lang ang naaalala niya. Ngunit alam niyang kailangan niyang pagsikapan, subukang alalahanin ang gabing iyon para maibigay kay Zack ang katotohanang hinahanap nito.Flashback..Masayang nagkukuwentuhan ang pamilya ni Amy sa kanilang tahanan sa araw na iyon. Kitang-kita sa kanila ang pagiging mapagmahal at masaya, pati na rin ang karangyaan ng kanilang buhay. "Hon, ano ba! Huwag mo nga akong kilitiin," natatawang sabi ng ina ni Amy, si Victoria, habang sinusubukang pigilan ang kiliti. "Hindi! Hindi kita titigilan! Hahaha," sagot ng kanya
Dumilim ang paningin ni Amy habang pababa sila ni Zack sa elevator. Akay-akay niya si Amy, ang kanyang katawan ay nanginginig sa pag-aalala. Parang lumulubog ang kanyang puso sa bawat paghakbang nila pababa. Ang sakit na nararamdaman ni Amy ay hindi na kayang labanan. "Amy, 'wag kang matulog, okay?" mariing sabi ni Zack, halatang may halong kaba sa kanyang boses. Ngunit wala nang nagawa si Amy kundi bumigay. Tuluyan siyang nawalan ng malay sa kanyang mga bisig. Ilang oras ang lumipas, at nadala na ni Zack si Amy sa ospital. Naghihintay doon ang kanyang kapatid na si Quen, halatang naguguluhan sa biglaang pagdating ni Zack. "Kuya, anong ginagawa mo rito?" tanong ni Quen, kita ang pag-aalala sa kanyang mukha habang tinitingnan ang kapatid. "Bakit ka nagmamadali? Anong nangyari?" Hindi makapagsalita ng maayos si Zack. Bakas ang galit at pagkabalisa sa kanyang mukha habang nauutal siyang nagsalita, "Q-quen, tulungan mo siya." Ang kanyang mga kamay ay nanginginig, at ang kanyang mga ma
Pagmulat ng mata ni Amy, bumungad sa kanya ang maputing kisame. Agad niyang napansin ang amoy ng antiseptiko, kaya't naisip niyang nasa ospital siya. Isang pamilyar na boses ang umagaw ng kanyang atensyon mula sa gilid ng kanyang kama, at nang lingunin niya, nakita niya si Zack. Unti-unting bumalik sa kanyang isipan ang mga nangyari kanina, kaya't mabilis niyang kinapa ang kanyang tiyan. Nakita ni Zack ang kanyang pagkilos, at sa lungkot na nakaukit sa mukha nito, alam niyang may mabigat na balita. Naguguluhan si Amy sa reaksyon ni Zack, kaya tinanong niya ito nang may panghihina, "Zack, a-anong nangyari?" Hindi agad sumagot si Zack, ngunit tinitigan niya si Amy nang may labis na lungkot sa mata niya. "A-Amy, I'm sorry," nauutal niyang sabi. Kasabay ng mga salita niya, unti-unting pumatak ang luha ni Amy. "Z-Zack... okay lang ba ang baby ko?" tanong niya, sabay hawak sa kanyang tiyan, pilit hinahanap ang koneksyon sa anak niya. Nagsimulang magwala si Amy sa loob ng kwarto, paulit