"Surprise," sagot ni Vanessa, isang ngiti niya ng sabihin kay Zack. Tila may subtext ang kanyang sinabi—parang may mga bagay na naglalaro sa isip niya na hindi niya sinasabi nang direkta. Tumingin siyang muli kay Amy, na parang nagtataka kung bakit naroon parin ang babae.
Sa ilalim ng kanyang propesyonal pakikitungo, nagulat si Amy sa damdaming tumama sa kanya isang halo ng discomfort at sakit. Alam niyang wala siyang karapatang magselos, ngunit hindi niya maipaliwanag ang kirot na naramdaman niya sa kanyang puso. Sa mga saglit na iyon, parang mas tumindi ang bigat ng lihim na dala niya, ang lihim tungkol sa batang dinadala niya. "Amy, you can go now. Alexandra will discuss your role further tomorrow," sabi ni Zack, pilit na inaayos ang sitwasyon. Kitang-kita sa kanya ang tensyon, ngunit pilit niyang binabalik sa kontrol ang sitwasyon. Tumango si Amy, marahang ngumiti, ngunit sa loob-loob niya, ramdam ang gulo ng damdamin. Habang papalabas siya ng opisina, narinig niya ang mababang boses ni Vanessa, parang tinatanggalan siya ng lugar sa mundo ni Zack. "I didn’t know you needed a new secretary," sabi ni Vanessa, halatang may ibig sabihin sa bawat salita. Habang naglalakad si Amy palayo, alam niyang hindi ito ang magiging katapusan. Sa kanyang isipan, malinaw na ang pagbabalik ni Vanessa ay magdadala ng higit pang komplikasyon, at ang lihim na dala niya ay patuloy na magiging banta sa bawat hakbang na gagawin niya. 'Hanggang kailan ko mapapanatili ang lihim na ito?' tanong niya sa sarili, hinawakan naman ni Amy ang tyan niya. Habang naglalakad siya pauwi, nagbalik sa kanyang isipan ang mga pangyayari sa kanyang buhay. Una, Ang pagbalak na pag benta ng kanyang tiyuhin sa kanya. Pangalawa, ang pagbubuntis niya na hindi inaasahan. Bagamat puno ng alalahanin, hindi niya maikakaila ang saya na dulot ng bagong buhay na ito na nabubuhay sa kanyang sinapupunan. At ang panghuli, ang damdaming hindi niya alam kong hanggang kilan mag tatagal . Sa kabila ng naganap na one-night stand, hindi niya alam na unti-unti siyang nahuhulog kay Zack. Walang kaalaman si Amy na ang isang gabi lamang na iyon ay magdadala sa kanya ng mas malalim na damdamin. Pagkatapos ng kanilang hindi inaasahang pagkikita sa opisina ni Zack, tahimik na umuwi si Amy, dala ang bigat ng mga pangyayari sa araw na iyon. Habang iniisip ang mga bagay na hindi niya maipaliwanag—ang kanyang damdamin para kay Zack, ang batang nasa kanyang sinapupunan, at ang tila napakalaking pagitan sa kanila ngayon—alam niyang kailangang maging matatag siya para sa anak at sasarili niya. Sa kabilang banda, si Zack ay hindi rin mapakali. Habang nakaupo siya sa kanyang opisina, patuloy na bumabalik sa kanyang isipan ang imahe ni Amy—ang kanyang mga mata,at ang hindi inaasahang pagkikita nila. Alam niyang may nangyayari, ngunit hindi niya masabi kung ano iyon. Hindi rin niya maitanggi sa sarili na si Amy ang patuloy na gumugulo sa kanyang isipan, sa kabila ng pagbalik ni Vanessa, ang babaeng kasama niya sa maraming taon. Sa gabi, nakahiga si Amy sa kanyang kama, hawak ang isang maliit na kwintas na minana mula sa kanyang ina. Isang simpleng alahas na may nakaukit na salitang "Hope," Para kay Amy, ang kwintas na ito ay simbolo ng mga pangmamahal ng ina niya sa kanya. Habang hinahaplos niya ang kanyang tiyan, hindi mapigilan ni Amy ang luha. "Baby, hindi ko alam kung anong mangyayari sa atin," mahinang bulong niya, nararamdaman ang bigat ng mga responsibilidad. Ngunit sa kabila ng lahat, alam niya ang isang bagay—handa niyang gawin ang lahat para sa kanyang anak. Desidido siyang magkaroon ng magandang buhay, hindi lamang para sa kanya kundi para sa bata. At kahit anong hirap ng sitwasyon, nais niyang lumaban. Samantala, si Zack ay hindi mapakali sa kanyang condo. Nakatingin siya sa labas ng bintana, ang mga ilaw ng lungsod ay parang mga bituing kumikislap sa kalayuan. Hindi niya maikakaila ang kanyang nararamdaman para kay Amy. Pero ang tanong na laging bumabalik sa kanya: "Bakit siya?" Bakit tila ba hindi niya kayang alisin sa isip niya ang simpleng babae na iyon? May nobya siya, may buhay siyang nakaayos na. Pero bakit tila ba may kulang? Kinabukasan, si Amy ay muling nagbalik sa opisina ni Zack, mas handa na ngayon na harapin ang trabaho at ang kanyang magiging boss. Sa kanilang panibagong pagkikita, mas kontrolado na nila ang kanilang emosyon, ngunit hindi pa rin maitatanggi ang tensyon sa pagitan nila. "Miss Quizon, I’m expecting nothing but professionalism between us from now on," seryosong sabi ni Zack, pilit na tinatago ang kanyang mga nararamdaman. "Yes, sir. I understand," sagot ni Amy, ngunit sa loob-loob niya ay hindi siya sigurado kung kaya niyang iwasan ang kanyang nararamdaman para kay Zack. Sa mga sumunod na araw, habang nagtatrabaho si Amy bilang secretary ni Zack, unti-unti niyang natutunan ang mga sistema ng kumpanya kahit papaano ay na gamit ang kursong kinuha niya sa college. Sa kabila ng tensyon sa pagitan nila ni Zack, napatunayan ni Amy na siya ay maaasahan at mahusay sa kanyang trabaho. Ipinakita niya na kaya niyang magtagumpay sa kabila ng mga personal na emosyon. Sa isang pagkakataon, nagkaroon ng isang malaking proyekto sa kumpanya. Kinailangan ni Zack at Amy na magtulungan upang masigurado ang tagumpay ng deal. Sa mga gabing magkasama sila, nagtatrabaho, hindi maiwasang magsalubong ang kanilang mga tingin, at sa bawat saglit na iyon, parang may sinasabing hindi mabigkas ng kanilang mga labi. Isang gabi, habang nagpapahinga sila matapos ang mahabang araw ng trabaho, nagpasya si Zack na kausapin si Amy nang mas personal. "Amy, we need to talk," simula niya, puno ng pag-aalinlangan ang kanyang boses. "About what, sir?" tanong ni Amy, pilit na iniiwas ang usapan mula sa kanilang personal na damdamin. "About us," sagot ni Zack. "About what happened to us," Napatigil si Amy, ramdam ang bilis ng tibok ng kanyang puso. Hindi siya sigurado kung paano sasagutin si Zack. Alam niyang may nararamdaman siya para dito, ngunit ang dami ng komplikasyon sa kanilang sitwasyon—ang kanyang anak, si Vanessa, at ang kanilang nakaraan—ay parang mga pader na humaharang sa kanila. Ngunit bago pa man niya masagot si Zack, dumating ang tawag mula sa ospital. Si Quen, ang kapatid ni Zack, ay biglang tinawagan si Amy. "Amy, kailangan mong pumunta dito. May kailangan kang malaman," seryosong sabi ni Quen. Ang pagtawag na iyon ang tila magtutulak kay Amy sa isang direksyon na hindi niya inaasahan.Mabilis na nagtungo si Amy sa ospital, bitbit ang takot at kaba matapos ang hindi inaasahang tawag mula kay Quen. Hindi malinaw ang sinabi nito sa telepono, ngunit ramdam ni Amy na may mahalagang bagay siyang kailangang malaman. Habang naglalakad siya sa pasilyo ng ospital, hindi maiwasang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Pagdating sa lugar kung saan siya tinawag, nakita niya si Quen na nakatayo sa labas ng isang silid, seryoso ang ekspresyon ng mukha. Agad na nilapitan ni Amy ang binata. "Amy, salamat sa pagdating mo kaagad," ani Quen bakas sa kanyang mukha ang pagkabahala. "Ano'ng nangyari? Bakit mo ako pinatawag?" tanong ni Amy pigil ang kaba sa kanyang dibdib. Sumagot si Quen ng malalim na hininga bago nagsalita. "May nakita kami sa mga tests mo. As you can see nong last check up mo may komplikasyon sa pagbubuntis mo na kailangang tutukan." Napakunot ang noo ni Amy. "Anong ibig mong sabihin?" Si Quen ay nag-ayos ng kanyang salamin, tila nag-iisip ng tamang mga salita
Pagkatapos ng usapan nila ni Zack, lumabas si Amy ng opisina. Hindi mapakali ang kanyang kalooban, pinipilit niyang kontrolin ang emosyon. Alam niyang hindi na magtatagal bago lumabas ang katotohanan, ngunit ang tanong ay kailan niya ito sasabihin. Habang naglalakad siya papunta sa pantry, naririnig pa rin niya ang tinig ni Zack, ang mga salitang binitiwan nito kanina: "I'm worried about you." Pakiramdam ni Amy ay lalong bumibigat ang bawat hakbang. Nasa loob pa rin ng isip niya ang huling tagpo sa ospital kasama si Quen. "May komplikasyon sa pagbubuntis mo," paulit-ulit na tumatakbo ang sinabi ni Quen. Hindi niya lubos maisip kung paano haharapin ito nang mag-isa. Lalo na ngayon, kailangang malaman ni Zack na siya ang ama ng kanyang anak. Ngunit paano niya sasabihin ito sa isang lalaking nasa isang masalimuot na relasyon kay Vanessa? Biglang pumasok si Quen sa pantry. Nang makita siya ni Amy, bakas ang pag-aalala sa mukha nito. "Amy, okay ka lang ba?" tanong ni Quen haba
Sa gitna ng kanilang pag-uusap, biglang sumagi sa isip ni Amy ang isang ideya—ang umalis. Lisanin ang lugar na puno ng alaala ng kanilang nakaraan ni Zack at magsimula ng bagong buhay kasama ang kanyang anak. Hindi niya nais lumaki ang bata sa isang mundo ng pagkalito at kawalan ng ama. Gusto niyang magkaroon ng pagkakataon ang kanyang anak na lumaking masaya, kahit pa wala si Zack sa kanilang buhay. Isang gabi, habang nakahiga si Amy sa kanyang kama, malalim niyang pinag-isipan ang posibilidad ng pag-alis. Ang pagbubuntis niya ay hindi na magtatagal bago mapansin ng mga tao sa kanilang opisina. At kahit na professional siyang kumilos, hindi niya maitatangging masakit na makita si Zack araw-araw na tila walang pakialam. Kinabukasan, hindi na nag-atubiling kausapin ni Amy si Quen tungkol sa kanyang plano. "Quen, gusto kong magsimula ng panibagong buhay. Gusto kong umalis dito at maghanap ng lugar kung saan makakapagsimula ako ulit kasama ang anak ko," sabi ni Amy, puno ng determi
Dahil dito, nagpasya si Zack na hanapin si Amy. Tumawag siya ng mga kilalang tao sa kanilang circle—mga kaibigan, kasamahan sa trabaho, pati na rin ang ilang tauhan ng kumpanya—upang malaman kung saan maaaring naroon si Amy. Alam niyang hindi niya maaaring pabayaan na lamang ang responsibilidad bilang ama. Ngunit higit sa lahat, gusto niyang ayusin ang gulo sa pagitan nila at ipakita kay Amy na seryoso siya sa kanyang papel bilang isang ama. Pagkaraan ng ilang araw na paghahanap, natunton ni Zack ang isang maliit na bahay sa isang malayong baryo sa probinsya. Sa harap ng bahay na iyon, nakatayo si Amy, nagdidilig ng mga halaman habang hinihintay ang paglubog ng araw. Sa kabila ng payak na pamumuhay, bakas sa mukha ni Amy ang kapayapaan at kaligayahan. Huminto ang sasakyan ni Zack sa harap ng maliit na bahay ni Amy. Nang bumaba siya, kinabahan siya, hindi alam kung paano haharapin si Amy. Tila napansin ni Amy ang pamilyar na porma ng lalaki, kaya’t bumaling siya at namutla nang mak
Samantala, si Amy, na nananatili sa kanyang maliit na tahanan, ay hindi alam kung paano haharapin ang sitwasyon. Hindi lang ito tungkol sa isang gabing nagdaan—ito ay tungkol sa kanilang anak. Si Zack ang ama ng dinadala niya, ngunit hindi niya alam kung mapagkakatiwalaan niya ito, lalo pa't may ibang babae sa buhay ng lalaki. Habang nagdidilig ng mga halaman, biglang may nakita si Amy na di pamilyar na lalaki sa malayo. Nakaramdam siya ng kaba kaya mabilis siyang pumasok sa bahay, isinara ang pinto, at sinisilip ang labas kong nan doon paba ang nakita niyang lalaki. Nang gabing iyon, habang nakatingin sa mga bituin, paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang mga sinabi ni Zack: “I'll take care of you two.” Ngunit paano nga ba niya mapagkakatiwalaan si Zack? Hindi lang ito tungkol sa kanya ngayon, kundi tungkol sa bata sa kanyang sinapupunan. Sa kabila ng lahat ng emosyon, nagpasya si Amy na subukang matulog ng maaga. Ngunit bago pa man siya makatulog, may kumatok sa kanyan
Paglabas ni Amy sa kanilang bahay, hindi niya mapigilan ang hindi mapakali sa nakita niya. "Asan na siya?" bulong niya sa sarili, malinaw ang kaba sa kanyang boses. Alam niya, sa kaibuturan ng kanyang puso, na ang taong nakita niya ay walang iba kundi ang kanyang ama. Pagpasok niyang muli sa loob ng bahay, naupo siya sa sofa, patuloy na iniisip ang tagpo. Hindi napigilan ni Amy ang mapaluha habang iniisip ang mga posibilidad. Sa mga sandaling iyon, dumating si Zack, nadatnan siyang umiiyak. "Hey, anong nangyari?" tanong ni Zack, bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha. Tumabi siya kay Amy at marahang hinawakan ang kamay nito, tila sinisikap aluin siya. "I-I saw him," nauutal na sabi ni Amy, saka dahan-dahang ikinuwento ang lahat ng kanyang nakita. Tahimik na nakikinig si Zack, buong atensyon na ibinuhos kay Amy habang nagsasalaysay ito. Nang mapansin niyang nakatulog na si Amy sa kanyang balikat, maingat niya itong binuhat at dinala sa kwarto upang makapagpahinga. Habang mahimbi
Kinabukasan, tila mabigat pa rin ang pakiramdam ni Amy, ngunit sinubukan niyang magpatuloy sa normal na gawain. Naguguluhan pa rin siya sa nakita niya—ang imahe ng kanyang ama, isang taong matagal nang wala sa kanilang buhay, ay patuloy na bumabagabag sa kanyang isipan. Habang nakatingin si Amy sa bintana ng kanilang sala, naramdaman niyang may kakaiba. Bumalik ang alaala ng mga araw kung saan wala siyang ibang naiisip kundi ang pagkamatay ng magulang niya. Muli siyang nakaramdam ng sakit ngunit kasabay nito, naroon din ang pangungulila. Hindi lubos ma isip ni Amy na buhay ang ama niya. Walang anu-ano, biglang nag-ring ang kanyang telepono. Napatingin siya sa screen at nakita ang pangalan ni Zack. Agad niyang sinagot ang tawag. “Amy, I need to talk to you,” seryoso ang boses ni Zack sa kabilang linya. “Pumunta ka sa opisina ngayong hapon.” “Bakit, may nangyari ba?” tanong ni Amy, kinabahan sa tono ng boses ni Zack. “This is an important matter. Ipapasundo kita sa driver ko,”
"Ano ang ibig mong sabihin, Zack?" tanong ni Amy, halatang may kalituhan sa kanyang boses. Hindi niya maisip kung ano nga ba ang gustong iparating ni Zack sa kanyang sinabi."Sabihin mo sa akin, Amy, ano ba talaga ang nangyari noong araw na iyon?" Ang boses ni Zack ay puno ng determinasyon, naghihintay ng mga sagot. Gustuhin man ni Amy na sabihin ang lahat, para bang naglaho ang kanyang alaala tungkol sa araw na iyon, at tanging pira-pirasong bahagi na lang ang naaalala niya. Ngunit alam niyang kailangan niyang pagsikapan, subukang alalahanin ang gabing iyon para maibigay kay Zack ang katotohanang hinahanap nito.Flashback..Masayang nagkukuwentuhan ang pamilya ni Amy sa kanilang tahanan sa araw na iyon. Kitang-kita sa kanila ang pagiging mapagmahal at masaya, pati na rin ang karangyaan ng kanilang buhay. "Hon, ano ba! Huwag mo nga akong kilitiin," natatawang sabi ng ina ni Amy, si Victoria, habang sinusubukang pigilan ang kiliti. "Hindi! Hindi kita titigilan! Hahaha," sagot ng kanya
Habang ang mga kambal ay nagdiriwang ng kanilang ika-18 na kaarawan, isang masayang okasyon ang nagaganap sa kabilang bahagi ng kanilang tahanan—ang ika-10 na kaarawan ni Maui, ang bunso nina Amy at Zack. Matapos ang ilang taon ng mga pagsubok at paghihirap, nagdala si Maui ng bagong saya at kulay sa kanilang buhay. Ang kanyang mga mata, puno ng pag-asa, ay naging simbolo ng bagong simula para sa pamilya.Si Amy, na kahit abala sa mga kaganapan sa buhay ng kambal, ay hindi pinabayaan ang espesyal na araw ng kanyang bunso. Ang buong bahay ay puno ng mga dekorasyong kulay pastel—mga lobo, banderitas, at mga table setup na pinalamutian ng mga paboritong karakter ni Maui mula sa mga libro at pelikula na kinagigiliwan niya. Habang ang mga kaibigan ni Maui ay inaasahan din ang kanilang pagdalo, ang pamilya ay nagsimulang magtipon-tipon.“Mommy, Daddy! Tignan mo, meron akong bagong teddy bear!” masayang sigaw ni Maui habang ipinapakita ang kanyang regalo mula sa kanyang mga magulang.“Oo nga
Ang kanilang ika-18 na kaarawan ay isang espesyal na okasyon para kay Amy at Zack. Ito ay hindi lamang simpleng pagdiriwang ng buhay, kundi isang pagguniguni sa lahat ng kanilang pinagdaanan upang makarating sa puntong ito. Habang lumalaki sina Josh at Aliah, lumago rin ang kanilang pagmamahal at pagkakaisa bilang isang pamilya.Maaga pa lamang ay nagsimula na ang mga preparasyon sa bahay. Si Amy at Zack ay parehong nagbigay ng espesyal na pansin sa mga detalye ng party. Isang malaking tent ang itinayo sa kanilang hardin na puno ng makukulay na ilaw at mga dekorasyong na may temang "Coming of Age". May mga larawang nakalagay sa paligid ng tent na kuha mula sa iba't ibang yugto ng buhay nina Aliah at Josh—mga alaala ng mga mahalagang sandali mula sa kanilang pagkabata hanggang sa pagiging mga kabataan.Samantalang si Aliah at Josh ay abala sa kanilang mga huling paghahanda sa mga damit na susuotin at ang kanilang mga speech. Kahit na abot langit ang kanilang saya sa pagtuntong nila sa
Special Thanks to My Readers To my incredible readers, From the very beginning of A Night with Mr. Billionaire to its final chapter, your unwavering support has been the heartbeat of this story. Thank you for every page you turned, every emotion you felt, and every moment you spent with my characters. Your encouragement and passion have made this journey unforgettable. Whether it was a late-night binge or a few minutes stolen from your busy day, your time and love for this story mean the world to me. For every comment, review, or quiet appreciation, I am deeply grateful. This story exists because of you, and it reaches its conclusion with you by my side. Here's to the connection we've built and to many more stories to come! With all my gratitude, Your Author, Quen
Lumipas ang mga taon, at ang pamilya nina Zack at Amy ay nanatiling matatag. Sa kabila ng lahat ng kanilang pinagdaanan, nagawa nilang buuin muli ang kanilang buhay—malayo sa gulo at panganib na minsang bumalot dito.Si Josh at Aliah, na ngayo'y binatilyo at dalagita na, ay nagpakita ng pagiging responsable at mapagmahal na mga anak. Si Nathaniel naman ay lumaki bilang isang masayahin at mabuting bata, hindi alintana ang magulong simula ng kanyang buhay. Sa tulong nina Zack at Amy, natutunan niya ang kahalagahan ng pamilya at pag-ibig.Isang hapon, habang naglalaro ang magkakapatid sa bakuran, lumapit si Quen na may dalang maliit na kahon."Anong meron, Tito Quen?" tanong ni Aliah habang tinitigan ang dala ng tiyuhin."Buksan niyo," sagot ni Quen, nakangiti.Pagbukas ng kahon, tumambad ang mga lumang litrato at alaala ng kanilang pamilya, kabilang ang mga magulang nina Zack at Quen."Gusto kong maalala niyo ang inyong pinagmulan," sabi ni Quen. "Ang pagmamahal ng pamilya natin ang nag
Sa kabila ng tahimik na mga araw na sinimulan nina Zack at Amy, isang balita ang nagdulot ng panibagong alon ng tensyon. Sa kabila ng pagkakabuwag ng grupo ni Victor, may naiwan pala itong tagasunod—isang lalaking kilala sa alyas na "Shadow." Siya ang dating kanang-kamay ni Victor at may plano na ipagpatuloy ang sinimulan ng kanyang lider.Isang gabi, habang nagtitipon sa hapunan ang pamilya, natanggap ni Zack ang tawag mula kay Morales."Zack, may masamang balita. Si Shadow, ang huling natitirang tauhan ni Victor, ay nagbabalak ng isang huling pagsalakay. Ang target niya: ang pamilya mo."Tumayo si Zack mula sa mesa, mahigpit na hawak ang telepono. "Walang mangyayari sa pamilya ko. Kailangang tapusin na ito, minsan at para sa lahat."Napansin ni Amy ang bigat ng sitwasyon. "Zack, anong nangyayari?" tanong niya, puno ng pag-aalala."May paparating na panganib, Amy. Hindi ko hahayaang madamay kayo," sagot ni Zack, puno ng determinasyon.Kinabukasan, nagtipon sina Zack, Quen, Morales, a
Lumipas ang ilang buwan mula nang malaman ni Nathaniel ang kanyang tunay na pinagmulan. Sa kabila ng lahat, napansin ni Zack na tila may nais pang malaman ang bata—isang bagay na maaaring mahanap lamang sa isang taong bahagi ng kanyang nakaraan si Vanessa.Habang nag-uusap sina Zack at Amy sa sala isang gabi, ipinaliwanag ni Zack ang kanyang plano."Amy, gusto kong dalhin si Nathaniel kay Vanessa. Gusto kong mabigyan siya ng pagkakataong makilala ang bahagi ng kanyang nakaraan," ani Zack.Nag-alinlangan si Amy sa simula, ngunit alam niyang mahalaga ito para sa kanilang anak. "Sigurado ka ba, Zack? Paano kung saktan niya ulit tayo?""Hindi ko siya hahayaang masaktan ulit tayo," sagot ni Zack. "Ngunit kung may natitira pang pagkakataon para sa kapatawaran, gusto kong makita iyon. Para kay Nathaniel."Dinala nina Zack at Nathaniel si Vanessa sa isang rehabilitation facility kung saan ito kasalukuyang nananatili matapos sumuko sa mga awtoridad. Sa kanilang pagdating, nagulat si Vanessa ng
Makalipas ang ilang buwan, habang patuloy na bumabalik ang ilang bahagi ng alaala ni Zack, napansin nina Amy at ng mga bata ang pagbabago sa kanyang ugali. Muli siyang naging tahimik at tila inilalayo ang sarili sa kanila. Sa halip na sumama sa mga aktibidad ng pamilya, mas pinipili niyang manatili sa silid o magpakabusy sa mga bagay na hindi nila maintindihan.Isang gabi, lumapit si Amy kay Zack habang abala itong nagbabasa sa sala."Zack, napapansin ko na parang umiiwas ka sa amin," sabi ni Amy, puno ng pag-aalala.Tumingin si Zack sa kanya ngunit mabilis ding iniwas ang tingin. "Amy, hindi iyon ang intensyon ko. Gusto ko lang mag-isa minsan.""Pero hindi ka ganyan noon," sagot ni Amy, pinilit maging mahinahon ang boses. "Anuman ang iniisip mo, nandito lang kami. Hindi mo kailangang dalhin ang lahat mag-isa."Tumayo si Zack at lumapit sa bintana. "Amy, ang problema, hindi ko matandaan kung sino ako noon. Ang mga alaala ko—halos wala pa ring malinaw. Ano ba talaga ang silbi ko sa buh
Sa gitna ng tensyonadong gabi, isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap. Ang tahimik na tahanan nina Zack at Amy ay biglang napuno ng sigawan at ingay ng pagbukas ng pinto. Nakatutok ang baril ni Victor kay Amy, habang si Vanessa ay nasa tabi niya, may ngiting puno ng panlilinlang."Zack," sabi ni Victor, malamig ang boses. "Alam mo kung bakit kami nandito. Ibigay mo sa amin si Nathaniel, o mawawala sa'yo ang mahal mo."Si Zack, bagama’t puno ng galit, ay nanatiling kalmado. Tumayo siya sa harap ni Amy, parang pananggalang laban sa anumang panganib. "Huwag na huwag mong idadamay ang asawa ko, Victor. Kung may problema ka, sa akin mo ilabas, hindi sa kanya.""Hindi ito usapin ng problema, Zack," sagot ni Vanessa. "Si Nathaniel ay anak namin. Ibalik mo siya sa amin, at walang masasaktan."Nagmamadaling bumaba si Nathaniel mula sa itaas nang marinig ang kaguluhan. "Ano’ng nangyayari dito?" tanong niya, ngunit natigilan siya nang makita ang baril na nakatutok kay Amy."Nathaniel," ta
Habang abala sina Zack at Amy sa paghahanda, isang tawag mula kay Morales ang nagdala ng mas matinding tensyon."Zack, kailangan mo itong marinig," bungad ni Morales. "May nahanap kaming impormasyon tungkol sa lalaking tumulong kay Vanessa. Ang pangalan niya ay Victor Strauss. Isa siyang dating opisyal ng militar na naging kriminal. Eksperto siya sa pagpaplano at may malawak na koneksyon sa underground world. Mukhang siya ang utak sa pagtakas ni Vanessa.""Victor Strauss?" ulit ni Zack, habang minememorize ang pangalan. "Ano ang pakay nila?""Yan ang hindi pa namin matiyak," sagot ni Morales. "Pero may palatandaan na malapit na silang gumawa ng hakbang laban sa inyo. Huwag kayong magpapabaya."Pagkatapos ng tawag, agad na ipinatupad ni Zack ang mas mahigpit na seguridad. Naglagay sila ng mga surveillance camera sa bawat sulok ng bahay at nagpaikot ng mga tauhan upang magbantay 24/7. Si Quen, na malapit sa kambal, ay tumulong din sa pag-aalaga kina Josh at Aliah upang matiyak ang kanil